Friday, December 31, 2010

Manigong Bagong Year! :)


10:25pm nang simulan kong itype ang blog na 'to. Ilang minuto na lang, putukan na. Pero hindi rin, kasi nung isang araw pa may nagpapaputok dito samen. Ang saya ng New Year nila. Three days.

Kung tutuusin, wala naman talagang bago sa mga mangyayari tuwing Bagong Taon. Putukan mamayang 12am, susunod sa milyon milyong pamahiin na nauuso sa buong universe at sa bahay namin, magsagawa ng New Year's Resolution na kalokohan lang kasi 'yun din naman mga resolution mo 'nung isang taon at hindi rin nasusunod hanggang ngayon (revised version na ang output), at magpadala ng mga message sa celphone, Facebook, Friendster, twitter, at kung saan saan pa na nagsasabi ng kung anu-ano na akala mo katapusan na ng mundo. Maaaring wala na ngang bago - pero ang mga 'yun ang nagpapasigla, nagpapasaya at nagpapabuhay sa bawat "Bagong Taon" na lumilipas. Lumang tugtuging masarap pa ring pakinggan.

Personally (wow), inaabangan ko na talaga ang 2011. Ayoko nang balikan ang 2010. Masyadong masakit. Ilang beses din kasing tumama yung hinliliit ko sa kanto ng upuan ngayong taon. Hindi nakakatuwa.

Pero seryoso. Ayoko sa taon na 2010. Masyadong maraming nangyari. Basta. Hehe. Sa totoo lang, natutuwa ako sa mga tao tuwing magbabagong taon. Andami ko kasing text messages na natatanggap. At alam ko, ikaw din. Parang andami kong nagawang matino sa buhay sa loob ng isang taon. Nakakatuwang isipin na naaalala ka ng mga kaibigan mo sa mga panahon na tulad nito. Hindi ko nga alam kung ano bang dapat maramdaman, lungkot o tuwa? Pero syempre lamang 'yung pangalawa. O nakikisimpatya lang 'yung mga tao. Akala siguro nila nalulungkot ako. Bakit? Secret. Haha. Text ko sa'yo mamaya.

Wala pa pala kong mga narereplyan sa mga nag-wallpost saken sa FB (mga 3 tao), nag-"PM" sa chat (tama ba yun? mga 5 tao), at nagtetext kanina (kasi busy ako sa menudo kong puro atay). Pero gusto kong sabihin sa kanilang lahat na nagpapasalamat ako ng lubos, sobra at wagas! Message? Eto:

Sa mga kaklase ko ngayong college na sa sobrang solid ng pagsasama eh nakakasawa na ang mga pagmumukha. haha! Peace. Salamat guys. Kayo ang nagpapasaya saken pag pumapasok ako ng puyat. Sana sabay sabay tayong grumaduate. Makisama lang ang mga prof saten, party na! At 'wag kayong mag-alala kung wala kanyong nagawang related sa school ngayong bakasyon. Tatlong taon na tayong ganito, anung bago? Surviving naman di ba? Haha. Pero wag sana natin kalimutan na magsikap pa ring mag-aral. Wala naman tayong ibang choice di ba? Salamat H2 (section namin). I love you all! Mwah! Haha. :)

Sa mga kaibigan ko nung high school na hanggang ngayon e pinadadaanan pa rin ako ng GM at nakakasama sa oras ng iyakan at tawanan at chibugan at pansitan, maraming salamat! Lumipas man ang mahabang mahabang panahon, pakatandaan niyo, nandito lang ako at handang pakainin kayo ng pansit tuwing dadalawin niyo ko. Hehe. Mahal ko kayo. :)

Sa pamilya ko na nanatiling matatag sa kabila ng lahat. Wala akong ibang gustong sabihin sa inyo kundi mahal na mahal ko kayo. :)

Sa pag-ibig ko, sana pumanget ka ng sobra, magkaroon ng pinakamtinding body odor sa buong mundo, at maka-singko sa lahat ng exams para ma-turn off na ko sa'yo. Hahaha. Peace. Joke lang. Pero sana sa 2011, hindi na ikaw. Yeah! Hahahaha. Peace. :)

Sa lahat ng mga kaibigan ko sa loob at labas ng school na nagpapadala din saken ng GM, at sa basta, sa lahat lahat ng kaibigan ko na dinamayan ako sa oras ng drama at laging nandyan para saken, o kahit hindi sila palaging nandyan basta inadd ako sa Facebook, maraming maraming salamat!

At higit sa lahat, maraming maraming salamat sa Diyos. Binigyan niya kami ng matinding pagsubok at alam kong sa mga susunod pang mga taon, hindi na Niya kami bibigyan. Give chance to others naman. Haha. Oi joke lang, mali pala 'yun. Sana hindi na maulit. Thank you Lord kasi hindi Niyo po kami pinabayaan. Diyan lang kayo palagi ah? I love you Lord! Mwah! :))

Pero gusto ko pa din magmessage sa pinakamahalagang tao sa buhay ko.

Para sa Mama kong makulit na nagsawa nang magkulit dito sa lupa at bumili ng condo sa langit, namimiss na kita. Sana kung nasaan ka man ngayon, masaya ka na. Kasi kami dito, masaya na din kami. Kita kits na lang, pero pag may apo ka na. Haha. Ai magmamadre na pala ako. Panu yan? Hehe. You're the best Mama in the world, magiging nanay din ako siguro balang araw pero hindi ko mahihigitan yung pagiging nanay mo samen. Naiiyak ka na? Arte mo. Haha. I love you! Sana wag masyadong mahaggard si Lord sa kakulitan mo. At 'wag mong masyadong titigan si Rico Yan. Baka matunaw 'yan. Hehe. :)

Masyadong maraming nangyari ngayong taon. Malungkot, masaya, nakakahaggard. Lahat. Kung tutuusin taon taon naman nangyayari ang mga malulungkot, masasaya at nakakahaggard na bagay. Pero dapat higit pa sa mga putukan at pagsunod sa mga pamahiin ang gagawin nating pagdiriwang ngayong bagong taon. Dahil kasabay ng pagpapalit ng taon, ay ang isa sa mga pinakamalalaking himala ng buhay - ang mismong "ikaw" na nabubuhay pa rin at patuloy na binibiyayaan sa kabila ng lahat ng mga pagsubok. Ang "ikaw" na humaharap muli sa isa na namang "Bagong Taon" na pupunuin mong muli ng pag-asa na sana, mas makakita ka ng maraming dahilan para maging masaya at maging mas matatag na "ikaw" kesa sa "ikaw" ng kahapon.

Happy New Year everybody! Party Party!

Tuesday, December 7, 2010

Bob Ong's Eighth: Ang Mga Kaibigan ni Mama Susan *****

"Huwag mong bibigkasin ang hindi."

Lumitaw na ang pinakainaabangang ikawalong libro ni Bob Ong. Wala na kong sasabihing iba pa, baka may mga magalit pa saken. Tignan niyo na lang din ang trailer na ito:



Paunawa mula sa taong nakabasa na: 'Wag babasahin ilang minuto bago matulog. Basahin na lang ilang oras pagkatapos mong gumising sa umaga. Amen.

At ilang mensahe mula kay Bob Ong para sa mga illegal story tellers ng nasabing libro:

"Bunso, iwasan mo ang ugaling mapagmalaki nang dahil lang sa ikaw ang unang nakabili ng gusto mong libro o nakaabot ka na sa page 20. Ang mas magandang gawin, humanap ka ng bakante mong oras at kumportableng lugar kung saan ka makakapagbasa ng libro nang maayos at walang istorbo. Tapos sulitin mo ang ipinambili mo ng libro (o ang pag-aabala mong magbasa kung hindi man ikaw ang bumili ng libro) sa pamamagitan ng pag-unawa sa kabuuhan at maliliit na detalye ng kwento. Saka ka ngayon magyabang sa mga kaibigan mo dahil naintindihan mo ang binasa mo! => Hindi gaanong magiging masaya (o maayos) ang karanasan mo sa pagbabasa kung magtu-Tweet ka minu-minuto o mag-a-update ng status sa Facebook sa bawat lipat mo ng pahina ng libro. Bigyan mo ng oras ang sarili mo at karapatan na matahimik sa isang tabi kahit paminsan-minsan, at huwag katakutan ang paggawa ng iisang bagay lang sa iisang sandali. Lumaki ka man sa panahon ng multitasking at limang minutong attention span, marami pa ring bagay sa buhay ang mas magugustuhan mo kung paglalaanan ng sapat na panahon at hindi mamadaliin. Magandang ugali rin ang hindi pagkwento ng mga importanteng detalye ng librong nabasa mo bilang respeto sa mga kapwa mo mambabasang hindi pa tapos ang libro. Dahil sa maniwala ka’t sa hindi, hindi dahil sa tapos ka nang magbasa ay sabay-sabay na ring natapos ang ibang mga mambabasa. Marami ka pang mababasang libro na hindi man isinulat ng mahusay na manunulat ay magugustuhan mo pa rin dahil ikaw ay mahusay na mambabasa. Maraming salamat sa pakikiisa sa layunin nating gawing bayan ng mga mambabasa ang ating bansa. =>"

Source: http://www.facebook.com/note.php?note_id=466875696469

"Ik a w ay pinili. N araramdam an mo ba angm a higpit nayakap sa iyonga yon ng isangka ibigan?"

Worth reading. P150 lang kahit saan. Nakaw na! Ai este, bili na! :)
Happy reading!

ANG SABIK SA KILIG



sa pagibig naniniwala ka ba sa pinagsamang paghihintay at paghahanap?

kung baga sa sining nagddrawing ka pa lang kinukulayan mo na....

kung hindi mahirap?IMPOSIBLE...

bakit ba madaming taong gustong pumasok sa isang relasyon? na kung ituring nila ito ay parang PANTY at BRIEF na parang hindi buo ang araw pag hindi nila suot

akala ba nila lahat ng taong IN A RELATIONSHIP ang status sa facebook ay masaya?

Uu nga sabihin na nga nating parang brief at panty nga ang isang relasyon
pero minsan sa sobrang pagmamadali natin ang nasungkit natin sa sampayan at nasuot natin ay sa tatay/nanay pa natin ,kung minsan basa pa

nagmamadali ka kasi ehh


suot mo nga hindi ka naman kumportable:in a relationship ka nga masaya kaba?o nakakahinga ka ba ng maluwag?

naghahanap ka man o naghihintay iisa lang naman ang gustong mangyari eh ang maging masigla ang lablayyff

sabi nga nila yung iba kasi sa tamlay at walang kabuhay buhay ng lovelife nila tanging ang pagkain na lang ng mangang hilaw na nagkulang sa bagoong,paghigop ng sabaw ng sinampalukang sinigang at huling pagpuslit na lang ng ihi nila tuwing umaga
ang nagpapakilig sa katawang lupa nila



ngayon magpapasko bakit kaya ang daming kating kati magkaron ng kaholding hands?magkaron ng kalampungan sa simbang gabi..at kaputukan sa bagong taon hahaha (oh wag kang green dude)

bukod sa imposibleng lumamig ang summer kaya walang "samahan ng malalamig ang summer" bakit kya tuwing december lang nararamdaman ng mga tao ang pagiging single ?bakit kaya may katagang malamig ang pasko?

bakit may SMP? bakit may mga taong malulungkot tuwing pasko sa dahilang SINGLE sila ? hindi ko lubos maintindihan .masyadong malabo para maunawaan.... kanya kanya man ng dahilan kanya kanya man ng rason at ipinaglalaban

naghihintay ka man o naghahanap ng kapareha sa buhay ,malungkot ka man o masaya ng dahil sa pagibig? ang importante nararamdaman mo ang lahat ng yan dahil buhay pa rin sa sarili mo ang konsepto ng pagmamahal...lalong lalo na ngayong PASKO !!!

karl nuqui
dec 7/2010




Sunday, November 21, 2010

Samahan ng Pasko ang Malamig

Magpapasko na naman. Syet tol, single ka pa rin??

Single. Ka. Pa. Rin.

Iniisip ko dati kung paano at kung saan nagsimula ang SMP o ang "Samahan ng mga Mukhang Paa", ay este "Samahan ng Malamig ang Pasko". Nung bata ako, madalas kong naririnig sa mga tao sa paligid ko 'yung mga linyang "Anlamig na naman ng pasko ko, &%@#%$&*&#@$^ naman!". Tapos magtataka 'yung maliit at panis kong utak kung bakit nila nasasabi 'yun eh sadyang malamig naman talaga 'pag Pasko at gustong gusto ko 'yun kasi hindi mainit (malamang). Hanggang sa marealize ko nitong mga nakaraang araw na oo nga, sadyang malamig nga yata ang Pasko ko, 'yung may malalaking abs pala kasi 'yung gusto ng crush ko.

Tuwing magpapasko, malamang lamang maiisip mo na sana hindi kasinlamig ng panahon ang temperatura ng puso mo. (Amen). Sana may tatawagan kang "someone" sa pagsapit ng 12am sa December 25. Sana meron kang "someone" na bibilhan mo ng espesyal na regalo na pinagipunan mo ng 3 days. Sana may yayayain kang "someone" para magsimbang-tabi, ai este simbang gabi nang siyam na beses (tapos pag tinanong ka tungkol sa ebanghelyo sa gabi na 'yun, hhmm. gudlak!) Sana meron kang "someone" na ituturing kang pinaka-da best na regalo sa Pasko, 'yung tipong wala na siyang hihilingin pa at sasabihin sayong, "Para sa'kin, araw-araw naman Pasko eh, basta kasama kita." Anlagkit.

Kung ikaw na lang ang nag-iisang taong singular form sa barkada niyo, paminsan-minsan masakit 'yun. Maiinggit ka sa mga kaibigan mong may kaholding hands, kakissing scene, katawagan ng "hubby" at "wifey" (na hindi ko naman malaman kung bakit naging ganun), ka-iloveyou-han ng 8223896126 times per minute at kapartner sa couple shirt.

Couple shirt. Kung tutuusin, hindi na lang ata t-shirt ngayon ang pwede ipa-reproduce ng mag-syota. Nauuso na din ang bigayan ng couple ring, couple watch, couple necklace
at kung anu-ano pang kakopolan. Nag-aabang nga ko na baka may mausong couple scratch papers, couple medyas, couple charger, couple ID lace, couple UTI test, couple softdrinks, couple slimming pills, at couple contact lens. (Siguro magboboypren na ako kapag meron nang couple contact lens). Hindi ko alam kung gusto lang ba talaga nila na malaman ng buong mundo na nagmamahalan sila o gusto lang nila ipaalam na sila sina Julio at Julia, ang Kambal ng Tadhana.

Balik tayo sa mga SMP.

Hindi mo naman ginusto mapasapi sa nasabing samahan, pero sa napakaraming dahilan e talagang mapapasali ka na lang bigla. Ang Buhay Na Walang Syota. Bow.

Kung isasapuso mo masyado dahil sadyang emo ka, talagang nakakalungkot nga 'yun kung iisipin mo. Lalo na kung may nililigawan ka, 'yung tipong akala mo sasagutin ka na sa dami ng bulaklak at chocolates na binili mo at sa dami ng beses na nilibre mo siya ng pamasahe at nagpagod na ihatid siya sa bahay nila, pero 'yun pala isang taon nang taken at akala niya isa ka lang mabuting "kaibigan" (ouch!). O kaya kung may crush ka tapos akala mo gusto ka na din dahil lagi mong ka-chat sa Facebook pero 'yun pala, pero 'yun pala.. 32 kayong kachat niya. Hayy. Mapapabuntong hininga ka talaga ng matindi.

Pero hindi naman talaga dapat ikinalulungkot 'yung mga ganung bagay (weh Eych??). Oo nga. Hindi naman talaga. Sa napakaraming dahilan, naniniwala akong hindi naman talaga dapat. Birthday 'yun ni Jesus, hindi Valentines Day. Family Holiday 'yun kung tutuusin dahil dapat e masayang ang mga pamilya na nagsasama sama sa Pasko. 'Yung iba mong kapamilya ang dapat mong tinatawagan sa pagsapit ng 12am sa December 25. Nanay mo dapat ang bibilhan mo ng regalo na pinagipunan mo ng 3 days. Kapatid mo ang yayain mong mag-simbang gabi ng siyam na beses. At higit sa lahat, pamilya mo dapat ang ituring mong pinaka-da best na regalo sa Pasko, at sa araw-araw. Dahil ang magsyota, maaaring magkaubusan ng pagmamahal sa isa't-isa, pero ang pamilya, daanan man ng lahat ng klase ng problema sa mundo, hinding hindi makukupasan ng pagmamahal, umabot man sa kabilang buhay.

Pero hindi naman ako choosy. Kung bibigyan man ako ng boyfriend na kamukha, ay kahit kahawig lang ng paborito kong artistang Koreano, pwede na siguro.

Advance Merry Christmas!! :))


---

Pasensya na sa kinalabasan ng blog, kinalawang na ang utak ko. Hehehe. :))

Wednesday, September 1, 2010

PAGBABAGO: pwede mong sabayan pero hindi mo pwedeng pigilan


ang bilis umikot ng mundo noh?buti hindi siya nahihilo.parang kelan lang ,ngayon! eh ngayon na talaga.ang daming magbabago,ang daming sumusulpot at biglang mawawala. wala na talagang permanente sa mundo maliban sa mga pagkakataaon nararanasan natin na sa di katagalan isa na lamang nakaraan.

nakakamiss yung mga panahon kinakagat mo yung bakal ng monggol pencil mo para lumabas yung pambura at makapagbura ka nuh,ang mahirap lang dun hiraman pa kayo ng mga klasmeyt mo sa iisang lapis iisang bakal iisang kagat hindi pa kasi natin alam nun yung salitang kadiri eh.samantang ngayon pag g-tech gtech kana naghahanap ka pa ng .3 eh kamuka mo naman yung sulat mo(its up to you,judge yourself)

mabilisan tanong mula sa aking kaibigan!

sinisilip mo din ba yung ref nyo habang sinasara mo kung paano namamatay yung ilaw,kumakanta ka din ba ng mga kanta ng westlife,bakstritboys,a1,m2m,spicegirls sa harapan ng electricfan na sarap na sarap kang saluhin ang lahat ng alikabok,sumusulat ka din ba ng pangalan mo *love* pangalan ng kras mo sa maalikabok na salamin ng sasakyan?o nagpauto ka din sa punyetang nagkalat ng tsismis na dumadami at nabubuntis ang mga kisses pag binabad sa pabango,lalo na pag tinakas mo ang pabango ng nanay mo!!

ang sarap sulyap-sulyapang ng mga ganung pagkakataon sa buhay natin noh,ngayon napapangiti ka kung minsan nahihiya ka pa tuwing pinapaalala ng mga magulang mo sayo,hmm kasi nga matanda ka na isa yan sa masistemang proseso sa buhay ng isang tao ,ang pagtanda hindi lang sa edad pati na rin sa isip

siguro kaya mo nagawa ang mga nakakatawang kalokohan mo nung ikaw ay musmos palang eh para ngayon matanda ka na maaalala mo at meron kang mga bagay na pagtatawanan *HINDI LANG SA IBANG TAO* pati na rin sa sarili mo


marami na kaseng nagbago at magbabago

at mangyayari ang lahat ng yan sa tamang panahon.hindi pedeng pahintuin mo at itambay mo yung sarili mo sa kung anung buhay meron ka dati o ngayon dahil patuloy na dadaloy ang buhay mo,patuloy na iikot ang mundo sa axis nito,lulubog-lilitaw ang araw,uulan-aaraw,dadaan ang maraming bagyo,makakaranas tayo ng elniño at marami pa ang magbabago pero bukod sa presyo ng fishball na 50cents isa ring pinakapermanenteng bagay sa buhay natin ang "PAGBABAGO" ang kaylangan mo lang sumabay,parang isang pustahan yan pero dito sumusugal ka pang panalo ka na agad

oo masarap balik-balikan ang mga maliligayang araw natin sa ating kabataan.pero diba't mas masarap isipin na yung simpleng bata na nanghihingi ng kaunting barya pambili ng cottoncandy eh ngayon nakakapagsulat na sulating binabasa mo ngayon,mula sa A,E,I,O,U ngayon may pa "if a wood chuck could chuck wood how much wood would a wood....blah blah pfft !@#$%$^&*" kana.

mula sa simpleng batang naglalaro at tumitikim ng sariling sipon hanggang sa ating pagtanda

marami talaga ang magbabago pwede mong muling sulyapan ang nakaraan pero hindi mo na literal na mababalikan ,magbabago ang lahat pwede mong sabayan pero hindi mo mapipigilan

-bow-

karlnuqui sept 1/10 hapi bermonths sa lahat ng mambabasa

Friday, August 27, 2010

the sad love story


Minsan yung dating sustansya ng buhay mo at gana ng katawan mo,mapapalitan ng mga pagkakataong tatanungin mo ang sarili mo kung para saan pa't naging masaya kung matatapos din naman ng maaga,kkikwestyonin mo ang mga bagay kung bakit kaylangan pang mangyari.

hahanap-hanapin mo,sisilip-silipin mo,tatanawin mo ang nakaraan pero hinding hindi mo na mababalikan.
Lilipas ang panahon,iikot ang mundo,magsasayawan ang mga paru-paro,matutuyo ang tubig sa batis pero hindi ang pagibig mo.makakalimutan man ng isip mo pero nakamarka pa din sa puso mo.
Pipilitin mong baliktarin ang katotohanang tapos na,dahil alam mo sa sarili mong hindi pa

mahirap talaga!!hahatakin ng gravity pababa ang mga luha mo ,papatak sila sa lupa pero hindi nito madidiligan ang nanunuyong puso mong nasasabik sa dating pagibig,maiisip mo kung yumayaman ka lang sa kakaisip sa mga bagay na sa tingin mo ay imposible nang mangyare,ikaw na siguro ang may ari ng microsoft,kung naiinom lang ang bawat luha na nilalabas ng mga mata mo,wala na sigurong krisis sa tubig

PERO HINDI!!

nangyayare ang lahat ng yan dahil sa simpleng bagay na hindi maiwasan at hindi matanggal sa sistema ng buhay ng tao nangyayare ang lahat ng yan dahil
"NAGMAMAHAL KA *period*"

paano maibbalik yung dating sigla ng buhay kung yung taong tinuturing mong pinaglalaanan nito ay binawi na ng pagkakataon,paano ka sasabay sa pagikot ng mundo kung yung taong tinututing mong mundo ay wala na.yung taong nagbigay ng sarili mong bersyon ng langit at saya,

MASAKIT,AT MAHIRAP


tila isang epidemyang kakalat sa buong katawan mo at pahihintuin ang pagfufunction ng lahat ng system nito ito yung uri ng sakit na papatay sa likas na kasiyahan mo ,sakit na di kayang daanin sa biogesic ni papajohn lyodd at sabay sabing "ingat ka",hindi kayang daanin sa dolfenal at sabay ngiti,hindi kayang ikonsulta sa albularyo nguyaan ng tuyong dahon at duraan sa tiyan

itong isang karamdaman sa puso na tanging panahon lang ang makakapagpagaling,sadyang may mga bagay sa mundo na kahit gaano ka katalino panahon lang ang nakakaalam at makakapagsabi




*ang blog na ito ay para kay anna marie carpio,marah carisha flores,dane sherwin malibat

isang maulang hapon sa lahat ng mambabasa


-karlnuqui-aug 27/10

Wednesday, August 25, 2010

"ang huling pitong berso"


May mga bagay na talagang hindi natin maiiwasan.
Saka dumadating kung kelan hindi natin inaasahan.
Hindi ko naman kaylangan sa buhay ko.
Pero pilit nanghihimasok sa katawang lupa ko.

Paminsan-minsan hindi komaiwasang isipin ka.
Magmula noong ikaw ay lumisan at ako'y napagisa.
Hinahanap-hanap ka na nang aking sarili.
Isang malaking pagsubok na sa akin pagtulog sa gabi.

Npapaptanong ako sa langit nasan ka na kaya?
naghihintay na lang ba ako at umaasa sa wala?
Kung kaya ko lang isulat ang lahat ng ito sa puso mo.
malalaman mo kung gaano katotoo ang lahat ng sinasabi ko.

Ipipikit ko ang aking mata
Baka sakaling mahagkan at masilayan ka.
Tatakpan ko ang aking tenga
susubukan ko kung maririnig kita.

Pero bakit ang hirap lokohin ng sarili ko.
Sariling nabulag at nabingi sa katotohanan mula nang iwan mo.
Ang hirap tuloy sabayan ng pagikot ng mundo
lalo na't yung mundo ko'y nasanay lang na umiikot lang sayo.

Lahat naman daw ng bagay natututunan
Pero bakit ang kalimutan ka'y ang hirap pagaralan?
Pangako ko sa mundo maghihintay ako araw-araw at gabi-gabi
Hanggang ikaw ay muling makapiling,at bumalik sa aking tabi.

Sana nararamdaman pa din ng puso mo
Hindi man nakikita ng mga mata ko ang mga ngiti sa mata mo
Hindi man naririnig ng tenga ko ang iyong mga sinasabi at mga tawa mo
Lahat nang yan naaalala at nakapaloob dito mismo sa puso ko



P.S. "the heart feel things that eyes cannot see" IMISSYOU
-city of lights-


karlnuqui-aug 25/10

isang maulang gabi sa lahat

Sunday, August 8, 2010

Aral Hangga't Kaya, Review Hanggang Mamatay

Paunawa: Kung tamad kang mag-aral, ibang blog na lang ang basahin. Thanks. -Management


Katatapos lang ng midterm namin na ginanap ngayong linggo, (as in ngayong Sunday talaga, tibay ng mukha), hindi pa rin ako binabalatuhan ng tadhana ng kaunting pirasong pahinga.

Wala dapat ako sa harap ng computer na 'to (na napakaliit ng monitor, sinliit ng utak ko, ooppss.. wala pala ko nun), dapat e tinatapos ko 'yung mga assignments na hindi pa nagagawa at dapat inaaral ang mga lessons na halos habambuhay ko nang pinag-aaralan na letse hindi matapos-tapos (sorry Mama for the bad word). Buhay na walang pahinga, kala mo kumikita at kumakayod para sa sariling pamilya, daig pang kalabaw.

Napakahirap talagang mag-aral. 'Yung tipong bibuhos mo na lahat ng oras mo pero parang andami mo pa ring dapat gawin. Halos hindi ka na matulog, may maisagot lang sa quiz kinabukasan na ibibigay ng prof mo na hindi naman nagtuturo, tapos isang malaking "5" na nakasulat sa pulang tinta ng bolpen ang magiging reward mo.

Anak ng takubets talaga.


Pero syempre, hindi naman ako nag-iisa. Bilang patunay, eto: (mga status message sa Facebook ng mga classmates kong badtrip)

"Ang lakas makasira ng ulo ang pag-aaral.
Malapit na ko kumain ng tao..."

"soon.. my head will explode.. can't handle it anymore.. my head's pounding lyk crazy.. brain says, "cut it out j9! Im soo tired with all dis cost! stop computing, drop dead, and get lost!"

"ACCOUNTANCY GIVES HIGH MORTALITY RATE..
~cge!aral pa.. :)"

"bakit nag-aaral pa ko? wala naman akong sweldo. badtrip!"


Over! Di ba anlagay? Hindi na kayang pumikit ng mga mata ko at huminga ng ilong ko (ay wala pala kong ilong, sori na). Ang hirap maging college! Wala ka nang social life. Wag na wag mong tatangkain magboyfriend dahil sigurado kinabukasan break na kayo. Minsan hindi ko na rin alam kung nag-aaral ba talaga ko dahil gusto kong may matutunan o takot lang ako sa prof ko na kumakain ng tao at lumulunok ng electric fan?

Pero bakit sa kabila ng lahat ng pagkayamot, pagkabagot, pagkainis, pagtitiis, at pagpipigil na gumala at makipagholding-hands sa SM (pero syempre joke lang), bakit nandito pa rin ako - dito sa mundo na araw-araw kong pinuputakte ng reklamo?

Sa simpleng dahilan na may pangarap ako.

Oo, napakahirap ngang mag-aral. Kung tutuusin, isang malaking sugal ang pag-aaral. Ang pinagkaiba nga lang nito sa sugal, kahit ipusta mo pa ang lahat ng kaya mong ipusta, sa bandang huli, makukuha mo pa ring ngumiti kahit anong mangyari, at siguradong may panalo ka. Wala rin namang pumipilit na mag-aral kang mabuti at magtanim ng eyebags sa mata mo, pero pinili mo pa ring ituloy ang laban dahil sa mga pangarap mo - maliit man yun o malaki. Kaya kung nahihirapan kang mag-aral, isipin mong mas mahirap kung hindi ka nakapag-aral.

Wag mo na lang din isipin ang hirap, dahil hindi ka naman talaga nag-aral para maghirap. Narealize ko yan kanina habang nakasakay sa LRT at ewan kung bakit.

Kaya habang kaya pa, aja! Isantabi ang mga reklamo na dahil 'yan ang kakain sa mga diskarte mo, sigurado. Magsakripisyo ka muna. Konting-konti na lang, maabot mo na ang tagumpay. Aja! =)

(Nag-blog ba ko para pagsabihan ang sarili ko?) Log out.

Wednesday, August 4, 2010

PANGARAP NA SINIRA NG WONDERGIRLS


So ayun na nga tila puputok na ang lahat ng ugat sa katawan ko,
Hindi ko masabi yung gusto kong sabihin, parang mauuna pang lumbas yung utot ko kesa sa mga salitang gustung gusto kong bitawan.
Mukang hihimatayin muna ako hanggang sa masabi ko sa kanya na mahal ko sya ,tinitigan nya lang ako sa mata at hiwakan nya yung kamay ko,ramdam na ramdam ko yung maiinit at malalambot nyang palad kinakabahan ako sa isasagot nya ng bigla nyang bitawan ang mga salitang "karl mahal din kita,mahal na mahal"
sandaling huminto yung pagikot ng mundo ko,pakiramdam ko ako lang ang bida sa earth,pakiramdam ko ako lang ang anak ng diyos nung mga sandaling yun
daig ko pa yung kinikilig na john lyodd,pakiramdam ko ako lang ang pinakagwapong lalaki nun sa mundo at wala ng pumapangalawa pa,
nagtitigan kami ,isang titigan na busug na busug sa pagmamahalan,grabe naman sa sobrang ganda nya,ramdam na ramdam ko ang maiinit at mabbangong hininga nya na lumalabas sa kanyang bibig.sabi naman ng sarili ko "hoy karl anu pa hinihintay mo ATTACK na !!!" hindi ko alam ang gagawin ko nung mga panahong yun,gusto ko sanang pahintuin ang oras kaso hindi ko nahiram yung orasan ni doraemon,yun yung mga pagkakataon alam kong hinding hindi ko malilimmutan sa buong buhay ko , ito yung mga pagkakataon na kahit paulit ulit lang mangyayari sa buhay ko alam kong hinding hindi ako magsasawa,ganito pala yung pakiramdam ng marinig mo at maramdaman mong mahal ka din ng taong mahal mo.oh sheeeetttt!!!! pwede na kong mamatay,pero wag naman muna.hindi ko na alam ang gagawin ko tila huminto sa pagfufunction ang lahat ng system ko sa katawan dahil sa sinabi nya

ayan na hinawakan ko na din ang kabilang kamay nya.palapit na din ng palapit ang aming mga labi na matagal ng nasasabik,tila wala na kaming pakelam sa iba yung tipong kami na ang nagmamayari ng buong mundo,ayan na !!! ayan na magkalapit na magkalapit na mmmmuuw......NANG BIGLANG..................................................
.........................................................................................................................................................................................................................................................
"You Know I still Love You Baby.And it will never change.

I want nobody nobody But You, I want nobody nobody But You
Nandareun sarameun silheo nigaanimyeon silheo
I want nobody nobody nobody nobody"

ng biglang akong gisingin ng napakalakas na punyetang stereo ng kapitbahay namin,nasira lahat ng pangarap ko nang dahil sa limang singkit na babae na pasalamat sila magaganda sila, =( ,nawasak ang mundo ko dahil sa kantang hindi ko naman lubos maintindihan,pinilit kong bumalik pero hindi masagi sa isip ko ang mga nangyari ,nananaginip lang pala ako,balik na naman sa dating buhay,balik na naman sa totoong buhay,napaisip tuloy ako kung sa panaginip na lang ba posible lahat mangyari yung mga bagay na ginugusto mo..parang gusto ko na lang matulog na matulog kahit na alam kung hindi pwede,nextdreaming na lang ulit ..
kahit sa panaginip lang nangyari yun okay na din saken yun dahil alam kung kahit papanu may mga pwersa pa din ng kalikasan pilit akong ginagawang masaya kahit sa panaginip lang at kahit hanggang panaginip lang..

*BOW*


isang nakakaantok na umaga sa lahat

karlnuqui aug4,2010
10:26 am

Tuesday, July 27, 2010

"THE HOTDOG -MARSHMALLOW LOVESTORY" *a birthday blog for my friends*


Isa sa pinakakaabang-abang na araw sa buhay ng isang tao taon-taon ay ang kanyang kaarawan na akala mo ikaw lang ang nagaabang at naghihintay pwes nagkakamali ka ng bongga!!!,dahil pati mga kaibigan mo inaabangan yan at wag nyong kalimutan sa araw ng birthday nyo mismo si "karl" dapat ang besfriend nyo.

isang buong araw na para kang nasa jolibee dahil ikaw ang "BIDA" ikaw lang ang may karapatan magpapampam ,Ang araw na maglalabasan ang mga kaibigan mong hindi naman nagpaparamdam sa mga normal na araw.Ang araw na may pagkakataon kang makalimutan ng mga magulang mo ang mga kalokohang nagawa mo,makalimutan ng tropa mo ang utang mo,Ang araw na magsslide slide na naman ang beer sa lalamunan ng tropa mo,Ang araw na hindi mo na naman patutulugin ang kapitbahay mo sa sakit sa tenga ng pagkanta mo dahill may videoke sa bahay nyo,At ang hindi papahuli sa lahat isang araw ng madamdamin at punong puno ng emosyon na pagkikita at pagtatagpo muli ni hotdog at marshmallow na minsan nang pinagtagpo ng tadhana sa stick, na nung bata ako tuwing umaatend ako ng birthday paboritong paborito kong kunin sa mesa pero ang kinukuha ko lang yung marshmallow tapos yung hotdog didilaan ko lang at ibabalik sa mesa, so ako pa pala may kasalanan kung bakit sila nagbreak!! tsk . Sa ngayon nasan na kaya yung mga taong nakakain ng mga hotdog na dinilaan ko? buhay pa kaya sila ?,kung hindi ako nagkakamali pinsan,kapitbahay,kalaro ko lang ang mga yun.

Aminin man natin sa sarili natin o hindi (edi wag!) ito yung araw na nageexpect tayo na sana maging masaya ang buong araw.Sana masatisfy tayo kasi kung hindi, Isang taon na naman ang hihintayin mo bago ang susunud mong birthday, at swertihan pa kung may hihintayin ka pa,swertihan pa kung may kasunod pa.

Minsan sa sobrang busy ng buhay natin, school works,thesis,officeworks, studies("daw?lol") at kung anu anu pa nakakalimutan na natin bigyan ng oras ang ating mga sarili..yung sa sobrang busy ay hindi mo napapansin tatlong buwan ka na palang hindi nangungulangot,yung halos makalimutan mo na ang cell # mo dahil sa hindi mo na ito niloloadan,yung tumatagal pa yung batery ng cp mo ng isang buwan dahil alarmclock mo na lang ito,yung huling nood mo ng tv si aling ason at mang kosme pa ang pinakasikat na love team. (syempre inexaggerate ko lang kaw naman!).

Sa darating na birthday mo bigyan mo naman ng time ang sarili mo,kahit mahirap man gawin kalimutan mo muna ang lahat ng problema,itigil mo muna ang pagsasagot ng mga math problems alam kong hindi mo din gusto yan at alam kong pagod na ang utak mo at pudpod na ang daliri mo sa kakalabas ng punyetang syntax error dyan sa calculator mo,iwanan mo muna yung tindahan nyo,pabayaan mo na muna ang mga kagrupo mo sa thesis paper nyo (wala ka din naman natutulong dyan kunwari ka pa paobserve-obserbe ka lang naman),saka mo na gawin yung inuutos ng boss mo hindi naman ako magagalit eh promise ajeje,at HIGIT sa lahat tangna dude ilibre mo naman ako..(the last air bender now showing na)

isang beses ka lang naman sa isang taon magbibirthday,bilang lang sa mga flawless na legs ng centipede ka magkakaroon ng pagkakaton magdiwang ng iyong birthday sa buong buhay mo,minsan ka lang sa isang taon mageenjoy magsuot ng pulang damit , butas man ang bulsa mo , kahit puro tigyawat na yang muka mo, at galit galit na ang mga ngipin mo, sandamakmak man ang problema mo,hindi ka man makasabay sa ikot ng mundo kahit sa araw man lang ng birthday mo magpakasaya ka, kung hindi mo kaya, gawan mo ng paraan.kung hindi mo magawan ng paraan, hanapan mo naman ng dahilan.



p.s. wag mong kalimutan magpasalamat sa kanya dahil binigyan ka pa ng pagkakataon magbirthday ulit (eh kung ako lang masusunod ayaw ko na eh *juks*)


*ang blog na ito ay para sa kaarawan ng babaeng itago na lang natin sa pangalang "hazel rivera" na isa sa mga admin ng PEDXING.CO.CC wag mo nang tingnan,OO ito na yun, itong ito na nga yung site na yun kung saan ka nagbabasa at nagpapauto sa nagsulat ng blog na ito at sa kaarawan ng aking kaibigan itago na lang din natin sa pangalang michael angelo versoza"" pati na rin sa kaibigan kong pusa na si cresia cabangon ,marion rae david, at rochelle rabina,sarah mae ganir,darwin valdez at ang paborito kong teacher sa filipino nung highschool si maam bernadette bernales

MALIGAYANG KAARAWAN SA INYONG LAHAT
*bow*


isang masayang gabi sa lahat ng anti-jaywalkers(pedxingers)
karlnuqui
july 27,2010
12:40 am

Wednesday, July 21, 2010

LIVE , LAUGH , LOVE !!!!!!!


habang ginagawa ko itong blog na to ,hindi ko alam kung masusundan ko pa ulit ito,mamaya pagkatapos nito matutulog naman ako pero hindi ko din alam kung magigising pa ako,paglabas ko ng pinto ng bahay namin hindi ko alam kung may pagkakataon pa kong pumasok ulit,pagsakay ko ng jeep hindi ko alam kung makakababa pa ako paginsert ko ng lrt card sa machine maibalikko pa kaya ito ??pag sinabi ko kay angel locsin na i love you makakarinig pa kaya ako ng i love you too??eh panu kung bigla na lang akong mawala sa mundo?

yan ang buhay hindi mo alam kung hanggang kelan, hindi mo alam kung hanggang saan,at lalong hindinghindi mo alam kung kelan mawawakasan...in short walang kasiguraduhan..

gaano nga ba o paano nasusukat ang ikli o haba ang buhay ng isang tao ? sa tagal ba ng panahon na nakatapak sya sa lupa?sa dami ng nasinghot nyang oxygen at binubuga nyang carbon dioxide?madalas nagiging basehan ng haba o ikli ng buhay ng isang tao ay ang edad nito na tama nga naman mas matanda mas mahaba ang buhay,nung bata kasi ako ang naging paniniwala ko mas malaki ang tenga mas mahaba daw ang buhay, mas madami at mahahabang noodles ng spageti at pancit ang nakain mo mas hahaba daw ang buhay mo ajejeje

paano ka nga ba masasatisfy sa buhay na meron ka at haba ng buhay na magkakaron ka?paano ka nga ba magiging masaya sa buhay mo? kelan mo nga ba masasabing "pwede na kong mamatay"

ang buhay mabilis lang hindi mo mapapansin parang pagikot ng mundo hindi ramdam,parang snatcher yan mabilis kang nanakawin nito sa mga tao at mundong iiwan mo, kaya hanggat maaga pa gawin mong makabuluhan ang buhay mo lagyan mo ng katuturan, lagyan mo ng silbi wag kang maging pandagdag lang sa lumalagong populasyon ng mundo ,bago dumating yung panahon na magsisisi ka at wala kang kayang gawin kundi titigan yung sarili mong katawan nakahiga at iniiyakan ng mga taong nagmamahal sayo,yung yumayaman na ang mga kapitbahay mo sa pagsasakla at paglulucky9 sa tapat ng bahay mo dahil sa pagkawala mo

gawin mong kapakipakinabang yung buhay mo,lagyan mo ng direksyon,mabuhay ka hindi para sa sarili mo lang, mabuhay ka ng hindi lang puro sarili mo ang iniisip mo,mabuhay ka para sayo at ibang tao,at para sa buong mundo , hindi yung wala kang ginawa kundi hampasin ng tsinelas mo ang bawat makikita mong mga nananahimik na ipis,yung wala kang ginawa kundi magabang ng taho sa gabi at balot sa umaga,wag mong ubusin yung oras mo kakaiyak at kakaemo mo dahil pinagpalit ka ng shota mo,maraming dahilan para maging masaya ang buhay. wag kang mabulag sa mga malulungkot na bagay na nangyayari sa buhay mo


hindi na importante kung maiksi o matagal ang magiging buhay mo dito sa earth ,hindi na yun ang sukatan,ang sukatan dun eh kung naging masaya ka ba at marami kang taong napasaya kung nagkaroon ba ng kabuluhan ang buhay mo.

sabi nga nila,,,, MASAYA ANG BUHAY KAYA MABUHAY KA NG MASAYA



karlnuqui july21,2010 10:30 pm


Thursday, May 20, 2010

Doktor vs. Albularyo [PART 1]

AYOKO SA MGA DOKTOR. Sawa na ako sa mga pagmumukha nila mula pa pagkabata. Noong bata ako, suki ako ng mga ospital. Gabi-gabi kaming labas-pasok ng nanay ko sa mga health centers. Araw-araw akong umiinom ng mga gamot na nirereseta ng doktor. At araw-gabi akong pinipilit ng nanay kong kumain kahit isang kutsara lang... para kahit papaano'y magkalaman lang daw ang aking tiyan. Pero ayoko. Dahil bilang isang mamamayang Pilipino, naniniwala akong masakit sa gilagid ang pagnguya ng kutsara. Mabuti pa sana kung tinidor yon...


∫∫∫∫∫∫∫∫


"If my doctor told me I only had six minutes to live, I wouldn't brood. I'd type a little faster."


~Isaac Asimov, author

∫∫∫∫∫∫∫∫


Isa sa mga hindi ko makakalimutang karanasan sa ospital ay nung minsan, isang gabi, inaapoy ako ng lagnat. Dali-dali akong tinakbo ng nanay ko sa pinakamalapit na health center sa lugar namin. Pagdating pa lang, pinahubad na kaagad ako ng damit ng nurse. Pagkatapos ay pinunasan niya ako ng bimpo na pinigaan sa sabaw ng yelo. Pusanggala! Sa sobrang lamig, dumating sa puntong halos parang gusto ko nang tadyakan sa pagkakayuko yung nurse, para lang itigil nya yung ginagawa niya sa musmos kong katawan (na wala pang saplot!!!). Pero hindi ko itinuloy. Alam ko kasing gaya ng mapait na ampalaya, kahit papaano'y may magandang benepisyong mapapala ang katawan ko sa mga pinaggagagawa niya.

∫∫∫∫∫∫∫∫

Balik tayo sa mga doktor...

Isa sa mga pinakamaraming bagay na kinaiinisan ko sa mga doktor e yung kaugalian nilang pagkatapos kang i-examine, sunugin ang katawan mo sa X-ray, at pakinggan ang tibok ng puso mo (sa pamamagitan ng pagtusok ng karayom sa dulo ng daliri mo) ay magpapaliwanag sila ng kung anu-anong bagay tungkol sa sakit mo... GAMIT ANG MGA SALITANG NAKAKABOBO:

NANAY: Doc, ano ho ba talaga ang sakit ng anak ko? Nag-aalala na po kasi ako sa kanya, doc. Hindi naman siya ganyan dati. Sa katunayan nga e marami ho siyang natatanggap na awards dati...

DOC: Ahem...

NANAY: ...bilang patunay na siya nga ay isang maliksing---

DOC: Dahil sa ilang sintomas na madalas ipakita ng inyong anak gaya ng severe headache, unexplained nausea, at loss of peripheral vision, napag-alaman naming may kinalaman ang sakit niya sa posterior cranial fossa. Bago pa, lumala na rin ang gradual loss of sensation niya na mas lalo pang nakapagdudulot ng hormonal (endocrine) disorder sa isang pasyente. Ang lahat ng ito ay bunga ng mga uncontrolled cell divisions, marahil sa cranial nerves, lymphatic tissues, pituary, pineal gland o blood vessels niya. Dagdag pa dito, mas bumilis pa ang pag-increase ng mass growth ng abnormal brain cells niya sa ulo. Sa kasong ito, ikinalulungkot kong sabihing "malignant" ang sakit na dumapo sa anak niyo.

NANAY: H-HAH?????!!!!!

DOC: In short, may cancer sa utak ang anak niyo, misis.

Mismo. Kaya kung mabubuhay ka noong unang panahon, e asahan mo nang mabobobo ka sa mga pinagsasasabi ng doktor mo tungkol sa tunay na pangalan ng sakit mo. Mabuti nga ngayon, medyo naipapaliwanag na nila ng maayos sa mga pasyente ang mga bagay na dapat nitong malaman. Patunay lang yan na ang mga doktor, at hindi ang mga pasyente, ang dapat na mag-adjust mula sa dictionary ng Science...


∫∫∫∫∫∫∫∫

Pero hindi pa diyan natatapos ang reklamo. Dahil tulad ng sakit na "Hirap sa Pag-Intindi sa Salita ng mga Doktor", pangunahing problema rin ng mga pasyente ay ang sakit na "Hirap sa Pag-Intindi sa Sulat ng mga Doktor." At ang pangunahing dahilan niyan ay ang... reseta.


∫∫∫∫∫∫∫∫

Re. Se. Ta.

Hindi na bago sa akin ang issue kung saan dawit ang nasabing papel, ang doktor at ang sulat-kamay niya.

"'Pag doktor, asahan mo, pangit ang sulat. "

Madalas kong naririnig yan sa mga botika at ospital, pero hindi yan kwentong barbero lang. Dahil kung titignang mabuti, pangit talaga ang sulat ng mga doktor. Ewan ko lang sa iba, pero yun ang napapansin ko pag nababasa ko yung mga dati kong reseta.

Alam na naman ng lahat na dati pa'y may tsismis na tungkol sa mga doktor, at kung gaano talaga kapangit ang sulat nila... Ang tanong ko: bakit kinakailangang pangatawanan pa ng iba sa kanila na parang kinahig-ng-manok nga talaga ang handwritten nila? Hindi ba kayo tinuruan ng teacher niyo ng Composition sa Grade 1?? At kasama ba talaga ang kinahig-ng-manok-na-handwritten sa mga requirements para makapasa sa Board Exam??? Umayos kayo ha??!!!!! [insert panginginig ng laman here]

Malamang yun yung isa sa mga dahilan kung kaya't marami sa ating mga Pinoy ang mas pinipiling unang lapitan ang mga albularyo kesa sa mga doktor.

Oo.

Albularyo.

.

.

.

ITUTULOY...


Abangan ang kapana-panabik na pagpapatuloy ng teleseryeng ito na tinututukan na ng buong sambayanan! Ang sagupaang DOKTOR VS. ALBULARYO! Dito lang sa Abayga Gopa Lako!


(Naks... May Part Two! Parang Desperadas!)


∫∫∫∫∫∫∫∫



----
Mula sa mga Alamat ni Jerald (www.jraldrbnt.wordpress.com)

Abangan ang sequel. At ang premiere night sa Cinema 23 ng Sabik CinemaWorld sa Tawi-Tawi.

Friday, May 7, 2010

Da Green Blog

Bukod sa utak mo, ano pang ibang bagay ang sumasagi sa isip mo kapag naririnig mo ang salitang "green"? Sabi ng kaibigan kong matalino, maganda at sexy (Paid for by friends of Mitch Mari), gusto niya daw ng blog na tungkol sa kulay berde. Berde as in green. Green as in green. Andami na daw kasing kahulugan ng green sa panahon ngayon. Oo nga naman. Inabusong kulay. Andaming ibig sabihin. Mula sa pinakaimportante (green nature) hanggang sa pinakawalang kwenta (green mind), may kahulugan ang nasabing kulay. Eh ano nga ba ang mga bagay na kumakatawan sa berde? Let's busisi.


Green is Clean.



Ang sarap nga namang tumira sa kulay green na mundo. Ang ibig kong sabihin, kung ang buong mundo ay puno ng mga nagluluntiang mga puno at halaman, walang dudang hindi ka maagang mamamatay dahil sininghot na ng mga ito ang masasamang hanging dulot ng iba't-ibang mga bagay sa kapaligiran at dulot ng katawan mo. Luntiang kapaligiran.

Green tea.

Imagine: Mainit na tsaa sa isang malamig na umaga.



Uso na ang green tea ngayon. Sumasabay sa Super Juniors, U-Kiss at Noynoy Aquino. Napakaraming magagandang epekto ang naidudulot ng green tea sa katawan kaya naman highly recommended ito para sa lahat. Inuming green.


Green is refreshing.


Imagine: Nakaupo ka sa isang lugar na ikaw lang mag-isa at kulay luntian ang buong kapaligiran habang dumadampi sa mga mukha mo ang masarap na simoy ng hangin at habang nag-iisip-isip ka tungkol sa buhay. Refreshing.




Green Campaign.



Kung bakit kulay green ang ginamit ni Gibo sa kanyang kampanya, e hindi ko alam. Siguro dahil nagamit na yung three primary colors sa color wheel. No choice.

Green means Go.




Ah! Kaya siguro green ang napili ni Gibo dahil green means go. Sulong G1BO. Ah. (alam ko walang sense ang sentence na to haha)

At ang pinakamatindi sa lahat:

Green mind.



Hindi ko talaga maintindihan kung bakit sinasabing "green-minded" ang isang taong madumi ang isip. Hindi naman kulay green ang mga reproductive organs. Wala naman sigurong kulay green kapg may churvahan at hindi naman kulay green ang ano. Basta. Bakit nga ba kulay green? Pero sabi naman ng iba, ang pagiging green minded daw ay tanda ng pagiging matalino. Kung paano, e hindi ko din alam. Green minded.

Marami pang ibig sabihin ang kulay green. Ayon sa Emily Gems (www.crystal-cure.com):

Green is the color of nature, fertility, life. Grass green is the most restful color. Green symbolizes self-respect and well being. Green is the color of balance. It also means learning, growth and harmony. Green is a safe color, if you don't know what color to use anywhere use green.

Green is favored by well balanced people. Green symbolizes the master healer and the life force. It often symbolizes money. It was believed green was healing for the eyes. Egyptians wore green eyeliner. Green eyeshades are still used. You should eat raw green foods for good health. Friday is the day of green. Green jade is a sacred stone of Asia.
Green Energy

Green contains the powerful energies of nature, growth, desire to expand or increase. Balance and a sense of order are found in the color green. Change and transformation is necessary for growth, and so this ability to sustain changes is also a part of the energy of green.

Put some green in your life when you want:

* a new state of balance
* feel a need for change or growth
* freedom to pursue new ideas
* protection from fears and anxieties connected with the demands of others

Napakaraming ibig sabihin.

"The whole world, as we experience it visually, comes to us through the mystic realm of color."
-Hans Hofmann

Anuman ang kulay ng buhay, matuto kang sumabay. Hindi sa lahat ng oras kulay green, red, orange, pink, yello, blue, fusc.. fush.. pfus.. fuschia (?) ang buhay. Pero laging tatandaan sa sa bawat kulay, may iba't-ibang istoryang maaring mabuo - mga istoryang bubuo at magbibigay kulay sa buong pagkatao mo.

At kung bakit naisipan kong mag-blog ng tungkol sa kulay green,ay kasalanan ng isang Engineering student na magaling sumagot sa Formspring na paborito ang kulay green at hindi green minded.

Thursday, May 6, 2010

May 10, 2011


Dear President op Da Pilipins,

Uyy President!!! Kamusta? Isang taon na mula 'nung nag-eleksyon. Hindi ka daw binoto ng Tatay at Nanay ko 'nun kasi wala daw silang tiwala sa pagmumukha mo. Pero hindi naman pala nagkamali ang taumbayan sa pagpili sa'yo. (Naks! 'Wag lalaki ulo ha!). Nakakatuwa ka kasi kala ko wala namang masyadong magbabago sa Pilipinas 'pag nagkaroon na ng bagong pangulo. Pero nagkamali ako. Buti naman pinatunayan mo na karapat-dapat ka nga talagang iboto.

Alam mo, andami dami kong gustong ipagpasalamat sa'yo. Salamat kasi may matinong trabaho na 'yung Nanay at Tatay ko. Naibili na nga nila kong sapatos na Isketchers eh! Kulay pink pa! Yeah! Oh di ba?? Walandyu! Ang yabang na nang mga paa ko. Tsaka alam mo ba, kahit sa public school lang ako nag-aaral, pakiramdam ko parang naka-private pa rin ako. Ang ganda nga ng mga upuan namin sa school, magvavandal sana ko ng "I love my BheBhe" kaso nakakapanghinayang. Bago 'yung mga upuan namin tapos susulatan ko lang, di ba? Tsaka may mga elektrik pan na din kami. Tatlo-tatlo pa! Ang presko talaga sa room namin. Tapos 'yung mga libro namin, hindi na hiraman. Wala nang nakawan ng libro. Kanya-kanya na kami ngayon, kaso nga lang nagka-scoliosis ata ako sa bigat ng bag ko pero ayos lang. Hindi na rin umaabsent 'yung mga teacher namin para magrally sa labas. Eh panu ba naman, bukod sa uber taas na ng mga sweldo nila, e pina-erkon mo pa 'yung pakulti opis nila. Salamat sa mga proyekto mo para sa mga school, ang sarap talagang pumasok araw-araw. Tsaka nakakanood na din pala kami ng TV sa classroom, peborit ko 'yun MathTinik! Natuto ko 'dun ng plus-plus tsaka dibayd-dibayd, 'yung mga ganun. At may libreng lugaw o kaya sopas pa sa umaga, aba'y talaga namang nakakagana mag-aral! Salamat po ah!

Tapos.. ahm. Ayun, hindi na nga pala kami iskwater ngayon. May bahay na kami. Kala ko talaga hanggang pangako lang 'yung sinabi mo na magkakabahay 'yung mga walang bahay. Kaso pwede request? Sa susunod po, sana may second plor naman para masaya. Kahit next time na 'yun, pag may apo na sila Nanay. Hehe joke lang po! Salamat po talaga! Hindi ko akalain na magkakabahay pa talaga kami. Dati napapanaginipan ko lang na nakatira ko sa palasyo tapos may puti daw akong kabayo. Ngayon, may bahay na nga kami talaga, wala lang kaming kabayo pero ayos lang, may aso naman kami. Thank you talaga ng sobra sobra!

Sabi ni Tatay, project niyo daw po 'yung magkakaroon ng mga libreng ospital sa barangay. Alam niyo po ba, nagka-dengue ako 'nung isang linggo. Akala ko talaga mamamatay na ko 'nun, sabi ko nga sa Nanay ko magpapasukat na ko ng kabaong tsaka binilin ko na sa de-erkon na chapel ako iburol kasi ayoko mainitan si crush ko. Pero binatukan ba naman ako ng Nanay! Sabi niya 'wag daw akong adik kasi may libre naman daw na mga gamot-gamot dun sa bagong ospital sa'men tsaka libreng pagpapa-kompayn. Hindi ko nga po inisip na public hospital pala 'yun kasi ang ganda eh! Tapos ayun gumaling naman ako sa kasawiang palad, heheh joke lang. Thank you po, kung hindi dahil sa inyo baka dedbols na ko ngayon at may bulak sa ilong.

Nabalitaan ko rin sa TV kanina na ang dami na daw turistang bumibisita sa bansa, as in maraming maraming maraming maraming bonggacious na dami talaga! Eh 'yung nanay ng crush ko, nagtatrabaho 'dun sa Baguio tapos ang lakas daw ng kita ng tindahan nila sa dami ng mga bumibiling turista. Kung dati sumasakit ulo ng nanay niya dahil sa sobrang hina ng kita, ngayon sumasakit na ulo niya dahil naman sa kakaisip kung paano niya iinglishin 'yung turista pero okay naman daw. Nakakaraos naman 'yung English ng Nanay niya kaya okay lang daw. Salamat daw po sabi niya.

At nga po pala, may mga trabaho na 'yung Ate tsaka Kuya ko. Kala ko nga hindi sila makakagradweyt eh kasi wala naman kaming pera. Pero dahil sa dami ng mga scholarships niyo, ayun nakagradweyt sila. Ang yayabang nga ng mga ungas. Haha. Tapos ako sigurado na daw na makakapag-college ako basta 'wag lang daw ako mag-dadrugs. Nagmamalaki nga si ate kanina kasi bago na 'yung relo niya kanina tapos nakabili pa ng PSP si kuya, next time daw bilhan niya rin ako. Ang saya talaga.

Ang unlad na po talaga ng Pilipinas dahil sa inyo. Salamat po kasi hindi lang kayo puro pangako, ginagawa niyo talaga 'yung mga sinasabi niyo. Hindi ko po talaga akalain na uunlad ng ganito ang bansa. Wala na nga talagang mahirap, wala nang korap (mga namatay na ata silang lahat), may proteksyon na ang mga manggagawa, sumulong na ang 'Pinas at lahat na ng mga ipinangako ng mga kapwa mo kandidato noon, e ginawa mo na nga talaga. Unang taon ka pa lang sa serbisyo, ang galing mo na agad. Salamat po talaga President! Lab yu! God bless! Mwaah! xoxo

Love,

lh3idi qHuiMvOht3ra_30



P.S. Sana pfuh may mga programa din kayo na nagtatanggol sa mga jejemons. Enkz pfuh.


-----

Sana dumating yung araw na may magpapadala nga talaga ng ganitong sulat sa magiging presidente ng bansa. Vote Wisely. As in Wisely. WISELY!

Tuesday, May 4, 2010

WHAT IS LOVE???


Nung bata pa ako madalas akong makapanuod sa tv ng nagsasampalan,nagiiyakan,nagaawayan,naglalambingan may naghahalikan at meron ding labis kung maglaplapan sabi nila teleserye daw yun tungkol sa pagibig naguguluhan tuloy ako kung anu nga ba ang ibig sabihin ng salitang LOVE!!!!..

Isang salitang binubuo na ang apat na letra,masasabing isang payak at konkretong salita lang madaling matandaan pero sobrang dami ng kahulugan..WHAT IS LOVE?sabi nila.love is sacrifice,love is like a vitamins that makes you healthy,love is blind ,love is GOd therefore God is bl*nd???ay leche ewan napakagulo simpleng salita daw pero bakit iba iba sila ng pagpapakahulugan?ganun nga ba talaga kalaki ang sakop ng LOVE sa human vocabulary?eh kung isusulat yata ang lahat ng pagpapakahulugan ng lahat ng tao patungkol sa pagibig eh makakabuo ng isang libro o baka humigit pa,hindi mo tuloy alam kong kanino ka maniniwala ,hindi mo alam kung kaninong sagot ang ibabasura

ba yung tawag sa binigay mo yung payong mo sa kanya wag lang syang mabasa sa ulan?love ba yung tawag pag nilalambing ka pa rin ng aso mo pagkatapos mo siyang iwan buong araw ng magisa sa bahay,love ba kapag wala siyang sagot tapos pinakopya mo siya,yung wala siyang baon tapos hinati mo ang sandwich mo para sa kanya ,yung siya parin ang crush mo kahit na may putok siya,yung siya pa din yung sa tingin mo ang may pinakamagandang ngiti kahit na may gera ang mga ngipin niya,yung ang saya mo pagkausap siya kahit ang baho ng hininga niya,love ba yung gabi gabi kayo kung magtalik sa kama?,yung lahat ng gusto niya binigay mo na,lahat ng utos niya sinunod mo pa,o baka naman yung love eh yung sa dinami ng taong nangiwan sayo eh nandiyadiyan pa din siya,yung laging may tatapik sa likod mo tuwing may problema ka,yung may uutangan mo pag wala kang pera?,yung lagi mong kalampungan sa kalsada?o yung pareho niyong naiintindihan ang isa’t isa,love ba yung iisa kayo ng pagkakapareho at pagkakaiba?,yung maspipiliin mo siya kesa sa tropa,inlove ka ba pagnagawa mo nang magligpit ng kama tuwing umaga,o magreview dahil may exam ka„yung wallpaper mo sa cellphone ay picture niya?,yung nagiipon ka dahil malapit na birthday niya?,iba’t ibang klase ng opinyon patungkol pagibig may sa tingin kong mabuti meron din naman masama .pero dahil ito ay opinyon lang hindi natin pwedeng sabihin kung ano ang mali at tama.

”sana’y pagibig na lang ang isipin ng bawat isa sa mundo,sana’y magkatotoo,sana’y laging magmahalan,sana’y laging magbigayan”

lyrics ng isang kanta yan

dahil may salitang bigayan sa huli baka nga siguro tama yung LOVE is when binigay mo yung payong mo wag lang siyang mabasa sa ulan..ay naku ang gulo gulo sobrang nakakalito kung ano ang paniniwalaan ko .para sakin ang LOVE ay isang form ng drugs kaya marami ang naaadik dito,kaya may mga nakapagsulat ng kantang to,kaya maraming high na high dito kaya maraming lumalakas dito,kaya marami ang nakangiti dahil dito,kaya marami sa atin hinahanaphanap to,pwede rin naman LOVE is like a sleeping peels kaya marami ang napapatulog dito yung tulog na wala nang gisingan

”IN A WORLD WHERE EVERYBODY HATES A HAPPY ENDING STORY IT’S A WONDER LOVE CAN MAKE THE WORLD GO ROUND”yan yung pinakapaborito kong linya sa kantang with a smile ng eheads……..

LOVE- pagnagmahal ka daw imposibleng hindi ka masasaktan,imposibleng hindi ka makasakit,imposibleng hindi ka iiyak,imposibleng walang tampuhan,awayan,selosan,at kung anu ano pang hindi magandang mangyayari pero talaga naman masarap magmahal at maramdaman mo na ikaw ay minamahal,yung may dahilan ka para gumising sa umaga,yung may dahilan ka para magpapogi at magpaganda,yung may dahilan ka kung bakit laging kumpleto ang araw mo,at higit sa lahat may matindi kang dahilan para maging masaya.

ang tunay na pagmamahal ay hindi nasusukat kung ano ang kaya mong gawin para sa taong mahal mo,hindi nasusukat kung gaano mo kayang ibroadcast ang pangalan niya,hindi palageng hangga’t kaya mo lang siyang ipaglaban. Ang tunay na pagmamahal walang basihan dumedepende lang sa pamamaraan ng taong nagmamahal. Ang importante mahalin mo lang ng mahalin ng mahalin ng mahalin ng mahalin to the nth power ang taong mahal mo kahit na dumating pa ang panahong malaos ang konsepto ng pagibig sa mundo at magsawa man magmahal ang tao

hibang ka kung masasabi mo o mabibigay mo ang konkretong ibig sabihin ng LOVE ,kahit gaano ka man katalino ,kahit nagmana kapa sa tatay mong abogado,kahit magpakaadik ka pa sa sankatutak na libro,kahit sa library ang tambayan mo,kahit humahakot ka man ng medal sa school nyo,kahit ala einstein pa ang utak mo,kahit si karl joseph nuqui pa ang pinakacute para sayo =)yeah,walang sino man sa atin ang may kayang ibigay ang eksatong kahulugan na panglahatan ng salitang LOVE, dahil may iba’t ibang pagpapakahulugan ang bilyonbilyong tao sa mundo patungkol dito na dumedepende kung paano nila

*NARAMDAMAN ————-*NARARAMDAMAN—————*AT MARARAMDAMAN

-karlnuqui-may4/10

KATAASTAASANG PAGPUPUGAY PARA SA LAHAT NG NANAY


Idol ko kung pano magrap si francis M.,kung pano kumanta si ely buendia at buhayin ang entablado,kung gaano kagaling maglaro at mangbalya si lebron james,kung paano patulugin ni pacquiao lahat ng kalaban niya,kung gaano kalakas ang reigun ni eugene,kung paano magsulat at magisip si mitch albom,pati ang pagpitik ng katawan ni michael jackson,idol ko sumayaw ang umd pero lahat nang yun napagaaralan lahat yun talento lang meron akong kilala talaga naman may kakaiba sa kanya kung bakit ko siya hinahangaan ,marami man akong idol pero ang pinaka idol ko sa lahat ay ang “nanay” ko.

Gaano ba talaga kahirap maging isang magulang,o maging isang nanay ?gaano ba kahirap magpadede,magpalit ng diaper gumising sa madaling araw,magpaaral at magpalaki ng anak,maging mabuting asawa,at ang higit sa lahat ay maging ilaw ng tahanan?.kung iisipin ko kung gaano ako kapasaway na anak napapakamot na lang ako at naiisip ko na ganon pala kahirap maging isang nanay.

Kung minsan nasasagot natin sila,kung minsan nakakapgsalita tayo ng hindi maganda laban sa kanila,kung minsan nababaliwala natin sila,nakakalimutan batiin sa kaarawan nila,umaalis ng hindi nagpapaalam, pagnatukso kukupitan pa ng barya,naiisip mo ba kung bakit nandidiyan pa rin sila?kung bakit ka pa din nya pinaglalaba?kung bakit ka pa din niya pinaghahanda ng almusal tuwing umaga? simple lang dahil MAHAL KA NIYA kahit na ang putaktihin man ng tigidig ang mukha mo nasasabihan kapa din niya ng gwapo at maganda ka nakakapagsinungaling siya dahil lang mahal ka niya …Naiisip mo ba kung anung nararamdaman niya sa labis na pagaalala pag gabi na nasa galaan ka pa?kung gaano kasakit na makita niyang nagaawayaway ang mga anak niya?pag hindi ka nasarapan sa luto niya?yung simpleng hindi niya lang mabigay ang gusto at luho mo kung sa lagay mo masakit na yun anu pa sa nanay mo.

Sabi nila sa dinamidami daw ng problemang kakaharapin mo,talikuran ka man ng lahat ng kaibigan mo,ipagpalit ka man ng syota mo,sisantihin ka man ng boss mo,pag sa tingin mo kaaway mo na ang buong mundo,bandang huli nanay mo pa rin ang babalikan at lalapitan mo

sumasaludo ako sa lahat ng nanay nagtitiyagang magpalaki sa anak nila,lalong lalo na sa mga nanay na ofw na piniling malayo sa mga mahal nila sa buhay para sa kapakanan ng anak nila,sa mga nanay na kayod kalabaw araw araw kumita lang ng pera mapagaral lang ang anak nila.

Nung bata ako nagtataka talaga ako kung ano yung sinasabi nilang “ilaw ng tahanan” ngayon alam ko na kung ano hindi pala yun yung ilaw na kumukunsumo ng kuryente kaya patuloy na yumayaman ang angkan ng LOPEZ,hindi din pala yun yung headquarters ng mga gmugamo.Yung binubuksan mo tuwing madilim.Dahil sila ang nagbibigay liwanag sa buong pamilya,sila nagbibigay liwanag sa madilim na daan na tatahakin ko,yung lalapitan mo pag hindi ka na makasabay sa ikot ng mundo..at yan ang nanay ko

Kaya ngayon nalalapit na ang araw ng mga nanay iparamdam mo sa kanila kung gaano mo sila kamahal,wag mo nang hintayin pa yung pagkakataong bibili ka pa ng bulaklak at kandila para sa kanila. yung pagkakataong lupa na lang ang kinakausap mo.para lang pasalamatan sila dahil may mga pangyayari talagang hindi mo maiiwasan,hindi sila habangbuhay nandiyan para tayo ay gabayan at bantayan

sa ,lahat ng nanay,mama,mamsi,mam,mudra,ina,inang,mamang, kapanatag iba’t iba man ang tawag iisa lang ang gustong mangyari yun ay yung mabigyan ng magandang kinabukasan at maging isang mabuting tao ang kanilang mga anak.

kaya pinapaabot ko ang aking kataastaasan pagpupugay sa lahat ng NANAY.

karlnuqui-may4/10

Monday, May 3, 2010

BOB ONG: Me Love You Long Time



2010/4/14 Erning Labra :

> Hello, Boss!
>
> May ikokonsulta po ako. Tungkol sa pag-ibig. Paano po ba kung
> yung taong gusto mo ayaw naman sayo... pero araw-araw mo siyang
> kasama sa trabaho? Akala mo, OK ka lang, kaya mo. Pero mahirap
> pala, kasi andyan siya lagi. Parang laging pinamumukha sayo na, ha-ha,
> hindi ka sapat, may kulang sayo, ha-ha. Paano po ba yun?
>
> Salamat po.


May dalawa akong sagot--isang gago, isang seryoso.

Gagong sagot:
1. Buhusan mo sya ng pagmamahal tulad ng ginagawa ng mga mayamang DOM sa mga laos nang teen star. Kung hindi epektib, proceed to step two.
2. Palipatin mo sya ng ibang trabaho...kung hindi pwede, step three.
3. Lipat ka ng ibang trabaho...kung hindi pwede, step four.
4. Ayawan mo sya. Ako, madaling ma-turn off sa ayaw sa akin. Ibig sabihin nun pangit panlasa nya. Sabihin mo sa sarili mo araw-araw sa salamin paggising sa umaga: "Shit! Ikaw, aayawan nya? Anong klaseng tao sya???" Basta pagkatapos ng "shit" dapat MAY exclamation point, hindi pwedeng diretso o walang punctuation. Abangan mo ilang araw lang, ayaw mo na rin sya. At mapapansin mo nang hindi pala pantay-pantay ngipin nya, labas ang mga buhok nya sa ilong, masyadong maliit yung kaliwa nyang boob, masyado syang madalas at malakas umutot, at meron syang "ep" at "fi" defect. (Pacebook Fropile.)

Pero paalala, hindi ko pa nasubukan ang payong ito dahil wala pa kong nagustuhang babae na ayaw sakin.

(...marami na pala, pero may ilang araw na ang lumipas kaya hindi na counted yun.)


Seryosong sagot:
Hanapin mo yung taong pinanggagalingan ng sinasabi nilang "Love Quotes ni Bob Ong"...parang masyadong maraming alam sa love yon, pati tenga naisip nyang pagdikitin para maging puso, baka sya makatulong sayo.


---


[Paalala: Una at huling beses na sasagot si BO ng lab prablem. Ang mga susunod na isasangguning problema ipo-forward na ni BO kay Ben Tulfo.]


---

Haha. Natuwa lang ako sa post na 'to ni BO si multiply niya. Silipin niyo rin. Hehe. :D

http://sibobpo.multiply.com/journal/item/8

(Favorite part: "Ako, madaling ma-turn off sa ayaw sa akin. Ibig sabihin nun pangit panlasa nya.") The best. Hahahahah. :D

Sunday, May 2, 2010

SA APAT NA SULOK NG CLASSROOM


Isa sa mga hindi ko makakalimutan na pagkakataon sa buhay ko at sa tingin ko sa halos lahat ng pilipinong kabataan na kilala sa pagiging sentimental ay ang buhay ng pagiging teen-ager o pagiging highschoolstudent.Sino nga bang makakalimot sa apat na taong pinagsamahan nyo ng mga iba’t ibang klase ng kaibigan.

Sa apat na sulok ng klasrum kung saan nabuo ang samahan,samahan na pinagtibay umaraw man o umulan,pinagtibay ng sama samang pagkokopyahan sa exam,sama-samang paggawa ng assignment ilang minuto bago ang pasahan,sa tuwing lunchbreak ay buraotan,taguan ng sapatos taguan ng bag,at kung minsan may nagigitara sabay sabay naman sa kantahan,barkadang binuo ng hindi lang ng tadhana pati na rin ng pagkakataon,usapang crush,usapang jowa,usapang breakup,magkaroon man ng iyakan sa bandang huli tuloy tuloy pa rin ang kasiyahan,isang buong araw na harutan,bangayan,pag may birthday ay may inuman, sa mga cleaners may kanya kanyang takasan,pag may camera may picturan,uso pa nuon ang pose na japan,may nagsusugal,at kanyya kanyang taguan ng kodigo,kanya kanyang diskarte
at ang pinakaayokong pakiramdam nung highschool pa ako ay yung pagalitan ako ng teacher ko yung tipong sobrang pahiya na ako kung minsan napapalabas pa ako ng kwarto,sayang ang pogi points ko kaklase ko pa naman nun ang crush ko pakiramdam ko ayoko ng pumasok bukas.

pag maycontest tulong tulong ang lahat,practice pagkatapos sa eskwela,madalas ng gabihin,di kasi kaya pag bitin.Palagi na lang “manalo man ang matalo atlis lumaban” ang motto pero pag natalo naman sobrang sama ng loob minsan sasabihin dinaya pa sila.isa sa mga bagay na nagpapatunay na sobrang immature pa nga namin noon

“bayang magiliw perlas ng silanganan alab ng puso sa dibdib mo’y buhay…………………………………………………………….ang mamatay ng dahil sayo” Nung highschool ako nilalaro ko lang nag pagkanta nito .pero ngayon…ito na yung pinakanamimiss kong kantahin ngayong college ,ewan ko ba kung bakit hindi na namin kinakanta yan ngayon,baka nga nakalimutan ko na ang ibang lyrics nyan eh ibig sabihin ba nito ay hindi na kami pilipino at wala na kaming karapatan kantahin yun? hay pangarap ko pa naman kumanta nyan sa laban ni pacqiao pero baka nga hindi ko na nga kabisado.

masarap balik balikan, masarap sulyapan ang aming nakaraan, maganda man o masaklap ang aming naging karanasan.Nakakamiss man pero masarap pa rin tawanan yung mga bagay na iniyakan mo dati,ngayon sa tingin mo isa na lamang kakornihan pero hindi ba ang importante na sa likod ng mga simpleng kakornihan na yun ay meron kang aral na natutunan at hindi makakalimutan na karanasan,isa na dun yung pagkakaroon mo ng mga tunay na kaibigan,yung tipong pwede ka pang mangulangot at sabay sabay kayo magpahabaan at magpalakasan ng utot kasi hindi na kayo naiilang sa isa’t isa,yung mga kaibigan na hindi ka na mahihiyang utangan, yung pag may problema ang isa palageng may damayan,

sama sama man sa kalokohan ang importane may pinatatag na samahan at yan ay isa sa aking mga aral na natutunan,aral na mas importante pa sa tinuro ng mga teacher,aral na hindi mo mababasa sa libro ng math,aral na hindi mo mapagaaralan sa mga bookreport,aral na mas mahalaga sa mga matututunan mo sa investigatory project,aral na hindi mo masusulat sa kodigo at aral na hindi nababase sa diploma mo.Yung maikling apat na taon na iyon malaki ang naging epekto kung ano ako ngayon.at kung paano ako kikilos at mabubuhay sa mundong kakaharapin ko.mga aral na natutunan ko na sa tingin ko babaunin ko hanggang pagtanda ko,barkadang nasa alaala ko magkaroon man ako ng isang dosenang apo,barkadang hindi lang mababaon sa limot sa loob apat na sulok ng classroom.

karlnuqui may2/2010

I Love You Math, Tayo na Ba?

Ang nakuha kong vertex point ay (1,-7), paano ko ba kukunin 'yung distance ng vertex hanggang focus? Ah ididivide ko sa 4? So 1 'yung value ng a. Eh pa'no na 'yung height ng latus rectum? Ah ididivide naman sa 2. Bale 1/2. 'Yan nakuha ko na. Oh tapos anong nangyari? Wala na bang korap sa bansa?

Hay. Ilang libong oras ko nang pinag-iisipan kung paano ko ba iga-graph 'yung equation ng parabola na 'yun. Sumakit na ulo at uterus ko, hindi ko pa rin makuha kung paano. Eto ang delubyong hatid sa akin ng Math. Ewan ko ba. Ang dali lang naman ng lesson namin, pero hindi ko pa rin magawa. Totoo kayang 1.2 lang talaga ang IQ ko? (o mas mababa pa?)

Math. Kung tutuusin, enjoy sana ang Math. Enjoy laru-laruin ang mga numero, nakakatuwang pampalipas oras ang paghahanap sa nawawalang value ng X at Y (alam mo ba kung bakit X at Y ang kadalasang gamit sa mga formula sa Math? Hindi mo alam? ako rin hindi), ang sarap magbuntong hininga ng malakas kapag nakakasolve ka ng mga problems na mas kumplikado pa sa problema ng bansa, at nakakapagpataas ng self-confidence at pagkalalaki kapag favorite subject mo ang Math. Math. Math. Naman! Sinusubukan kitang mahalin, bakit hindi mo rin subukan 'yun sa'kin?? 'Nak ng jejemon!

Nakaraos na ako sa College Algebra, Math of Investment at Business Statistics, Calculus naman ngayon at baka Mathematics Applied in History naman ang sunod. Tsk.

Kung iniisip mo na kinamumuhian ko ang Math, nagkakamali ka (ng mga 2%). Nanganganib palagi ang buhay ko kapag may Math subject kami. Pakiramdam ko nasa bingit ako ng kamatayan habang nasa banyo. Nakakasagot naman ako ng mga simpleng problems, pero 'yung mga pang-rock-'n roll na? Basag. Wala na. Lalo na kapag may quiz. Halos titigan ko na lang 'yung mga given sa problems na akala mo naman e mababago ang nakasulat at magiging 1 + 1.72 = ? ang ∫{e^(2u+1)cos[e^(2u+1)]}/sin^2[e^(2u+1)]du}. Ilang beses nang nangyari sa'kin 'yun. Sa tatlong oras na exam, dalawang oras 'dun ang inilalaan ko sa pagtulala sa kawalan, 25 minutes na pagpigil ng ihi at 45 minutes na pagpokus sa mismong exam. Add them all together and you'll get headache.

'Nung isang beses, binalik na sa'min 'yung first quiz na nachekan na ni Mister Propesor. Expected ko na ang resulta. Pumikit muna ako bago ko tignan ang score at nagwish kay Rene Descartes. At okay naman pala. 105 over 150. Pwede na. Ang yabang ko na 'nun kasi hindi ko akalain na umabot ng higit 100 ang nalalaman ko sa quiz na 'yun. Isa-isa nang lumapit 'yung mga kaklase ko para magparecheck. At 'dun ko lang naisipan na tignan ang mga scores ng mga kaklase ko. 135. 140. 143. 143.5 at halos lahat naka-150. Ang tikas nila! Tinignan ko ang quiz booklet ko at buong pusong umasa na may mali sa checking at tumaas pa kahit sa 149 man lang ang score ko. At yes! May mali nga. Mali na 105 lang ako. Kasi dapat 88 lang. 'Nak naman talaga ng tortang panis! Kinatok pa ko ng konsensya ko. Pumila na lang din ako para magpa-recheck. 88 over 150 na. Ang cute ng score ko. Bilang pampalubag loob, sinabi ko na lang sa sarili ko na tama ang ginawa kong paghawak sa isang prinsipyo ko sa buhay na hindi kailangan ng estudyante ang mandaya para pumasa. Sapat na 'yung cute ka. At marunong magjejenese. Wala akong pinagsisihan sa ginawa ko (eh pa'no, tapos na hehe, joke lang).

Sa huli, putaktihin ko man ng mura ang Math, at sumakit man ang buong nervous at urinary system ko sa pag-iisip kung paano lalagpasan ang isa na naman pagsubok na pinaranas sa'kin ng tadhana, babalik at babalik pa rin ako sa kinauupuan ko para piliting intindihin at makipagbati sa nakaalitang asignatura.

Vertex (1, -7) ; 4a=LR=1 ; a=1/4. Game. Inuman na.

P.S.: Salamat sa kaklase kong gwapings na tumawag para i-explain kung paano i-graph 'yung assignment namin. Hayaan mo, tuturuan naman kita kung paano mag-split at magbending sa ere nang walang humpay.


--
Caption ng picture sa taas:

3 words: I HATE MATH.
I'm very very very very very very very very very very very *inhales* very very (infinite verys) bad at math.
I have to do math homework today. So, my head is filled with problems.

Salamat sa http://www.flickr.com/photos/nizhonigrl/ para sa larawan na 'yan. Kung sino ka man na nag-upload ng picture na 'yan, text text naman minsan.

WALANG IWANAN KAIBIGAN!!


Lahat ng pangyayari sa mundo may dahilan,lahat ng bagay may pinagmulan.
kaya ikaw wag kang malungkot kaibigan
kung hindi mo makamit ang hinahanap mong kasiyahan.

Lahat ng tao na ikaw ay nilisan,
isipin mo na lang sila ay may pupuntahan
wag mong isipin na ika ay napagiwanan
dahil nandito lang ako hindi kita iiwan.

Lahat ng problema mo may solusyon
kung pagiisipan mo at gagamitan ng tamang aksyon
lahat ng kalungkutan pwedeng mapawi
lahat nang yan daanin mo na lang sa ngiti.

Ang paminsanminsan pagiging miserable
sana naman sa tukso’y wag padadale
isipin mo na lang ganyan talaga ang buhay
hindi lageng perpekto at minsan May sablay.

Marami man tigyawa’t ang muka mo
kaw parin ang pinakamganda sa mata ng nanay mo
iniwan ka man ng syota mo
andyan pa din ang tuta mong loyal sayo.

Kulang man ang baon sa eskwela
ang importante ay ang matutunan ka
binasted ka man ng nililigawan mo,
isipin mo na lang na may nakalaan para sayo.

Mabaho man ang hininga mo
wala kang excuse yan ay kasalanan mo
bumagsak ka man sa isang subject
sa susunod lahat ng exam mo iyong iperfect.

Sa dami man ng pagsubok na iyong pagdadaanan
wag kang bibitaw kaibigan
dahil inuulit ko na HINDI KITA IIWAN.

makakalimutan ko ang student no ko,
makakalimutan ko ang monthsary namin ng ex ko,
makakalimutan ko ang birthday ng nanay ko, isama mo na pati pangalan ng aso ko
makakalimutan ko ang password ko sa facebook, isama mo na pati utang mo
pero gusto ko lang linawin sayo na hindi ako nakakalimot sa tropang tulad mo.

sa kabila ng paminsanminsan nating alitan at hindi pagkakaunawaan,sa lalim ng ating pinagsaluhan
at sa haba ng ating pinagsamahan ipaparamdam ko sayo ang halaga ng isang tunay na KAIBIGAN…

karlnuqui/may2/10

ANG IBA'T IBANG URI NG PASAHERO SA LRT TUWING UMAGA


1st year college ako nung magsimula akong sumakay sa lrt arawaraw, at sa araw araw na biyayang ginawa ng diyossa buhay ko hindi ko pa naranasang sumakay ng lrt sa umaga ng nakaupo ako.Naiisip ko tuloy buti pa pagsumakay ka sa kalesa at kalabaw nakaupo ka, pag sa lrt magpainom kana pagnaranasan mong makaupo lalong lalo na pag lunes ng umaga Sa tuwing nasa pila na ako minsan naisip ko sana matanda na lang ako,sana pilay na lang ako ,sana buntis na lang ako at triplets ang laman ng tiyan ko kahit ilang minuto lang para lang maging vip ako

Sa araw araw iba’t ibang mukha,ibat iba ng lugar na pinagmulan at patutunguhan,kanya kanyang baon na dahilan,kanya kanyang pupuntahan pero iisa lang ang sinasakyan at yun ay ang lrt. Meron tayong iba’t ibang klase ng pasahero sa lrt tuwing umaga.
Meron mga pasaherong mahilig maghanap ng sandalan at kadalasan sa pintuan. Inaamin ko isa ako sa mga makululit na yun na pilit sandal ng sandal sa pintuan kahit ang laki laki na ng nakasulat ng (HUWAG SUMANDAL!!)

Meron namang pasaherong ang hilig manulak makasakay lang ng lrt pero pagpinuna mo naman ang ituturo ay yung nasa likod nya ,yung nasa likod nya raw ang nanunulak Walang pakielam kung sino ang matutulak matanda man,buntis man,pilay man,babae man basta makasakay lang at wag nang maghintay ng next train,para ata sa kanila eh sasabog sila pag hindi sila nakasakay

Meron naman mga pasahero na hanep ang singaw ng baho ng katawan ka aga aga eh kabaho baho….pagnakatagpo ka ng mga ganito parang mas pipiliin mo na lang maglakad papunta sa patutunguhan mo kesa makasakay sa lrt at makaamoy ng ganun, amoy na tumatambay sa ilong ampotah.umagang umaga eh mapapamura ka at gugustuhin mong isuka yung pandesal na inalmusal mo.

Meron ding pasahero na kung makapagsoundtrip eh akala mo pagmamayari nya yung buong lrt, eh samantalang lahat naman ng nakasakay duon eh 15 pesos lang ang binayad kung makapagpatugtog ng mga kanta nila kadalasan yung mga china phone na yung may mga tv ang cellphone na ang lakas lakas ng speaker umagang umaga rumarock and roll na

Meron din mga singer yung kadalasan mga nakaheadset sinasabayan nila yung naririnig nila hindi nila alam na ang lakas lakas ng pagkanta nila.

Meron ding mga pasaherong akala mo eh makukulong na sa lrt ng habangbuhay at ayaw magpadaan ng mga pasaherong bababa.Gusto lang nila sila malapit sa pinto at doon mag siteseeing,at magemo-emohan

Meron din yung konting galaw lang ng lrt eh akala mo matutumba na at kakapit na agad dun sa pinakamalapit na katabi kahit hindi niya close sabay sabi ng sorry ehheheh!

Meron grupo ng magkakaibigan na sobrang ingay,meron ding magshotang ayaw magbitawan at tumantan sa kanilang switswitan.

May mga studyanteng tulog,may mga studyanteng nagrereview,may txt ng txt, meron pang agaw atensyon kung makipagusap sa phone,may mga pokpok at mga nagtatrabaho sa callcenters na pauwi na ng bahay,meron mga magkakabandang may gig nung kinagabiha,may nagmamadali dahil malalate na may trabahador,may nakapormang pang executive,may empleyado meron naman parang nautusan lang,meron parang napadaan lang,meron parang pagkagising wala ng mumogmumog punta agad ng lrt,may fasionista,may mukang basura,may maarte ,may masungit may basa ng basa ng libreng dyaryo at iiwan na lang kung saan pag pababa na,may mga pumapasok na kahit may mga lumalabas pa,may masungit,may feeling close,may parang nautusan lang,may magshotang nagaaway at ang pinakagusto ko sa lahat eh yung pakiramdam na makasakay mo yung isang kaibigan na matagal mo nang hindi nakikita sabay kamustahan pa oh diba bongga!,

iba’t ibang uri man ng tao,ibat ibang uri man pinagmulan,iba;t ibang uri man ng patutunguhan,at may pagkakaiba man ng baon na dahilan,iba’t ibang uri man ng pasahero iisa naman ang gustong mangyare sa buhay “ang maging produktibo ang sarili nila sa gaganaping isang buong araw”…..

*BOW*

karlnuqui-may 2/10

Saturday, May 1, 2010

e-LEKSYON


mayo 1 dagdagan mo na lang ng 0 may 10 na at sa madaling salita eleksyon na pero hanggang ngayon undecided pa rin ang utak ko kung sino ang iboboto ko panu naman kasi hindi ko na alam kung sino paniniwalaan ko eh kanya kanya kasi silang siraan kanya kanyang labasan na baho okay lang sana kung ganun kaso hindi mo parin malaman kung ano ang mali sa totoo sa siyam na tumatakbong presidente ako nakapokus pero kung tutuusin ang dami nilang nagaagawan sa pwesto yan ang isa sa sakit ng mga pilipino sa sobrang ganid sa kapangyarihan eh lahat gustong maging mataas lahat gusto maging malakas wala akong nakikitang perpekto sa kanila


ang mga sumusunod ay akin lamang opinyon:

para kay


villar:(C5 at tiyaga) sobrang yaman mo na pero sa tingin mo tama bang gumastos ng bilyonbilyon para lang sa pangangampanya kilala ang mga pilipino sa pagiging praktikal lalong lalo na sa panahon ngayon nung kelan lang may nakita akong malaking billboard mo ang nakalagay lang ay isang malaking orange na tsek (alam ko mayaman ka pero sa pinapakita mo sa mga pilipino hindi ka nila dapat hahangaan sa ganyan tama bang gumastos ng milyon sa pagiindorso lang ng sarili mo gamit ang isang simpleng tsek?(crap) tapus may bago ka pang patalastas ngayon na ginawa mo pang endorser ang nanay mo alam mo bang ang tv ad ay parang video resume yan at ang video resume ay para ding writen resume at sa writen resume alam mo bang bawal mag lagay ng kamag-anak sa character reference pareho kayo ni noynoy


noynoy: bilib din ako sayo sa edad mong yan may asim ka pa nakabingwit ka pa ng isang sariwang isda nabingwit mo pa ang pinakamgandang councilor shalani soledad ng bayan ko dito sa valenzuela pero hindi na big deal yun dahil naniniwala din ako sa (love is blind) ito ang tandaan mo kung ako lang ang tatanungin walang kaso kung tatay mo ay si ninoy labas din sa usapan kung nanay mo si ate cory (sumalangit nawa ang kaluluwa nila) ang punto ko lang gaya ng sinabi ni gordon ay “leadership is not inherited” ang pagiging isang magaling na lider ay hindi nagmumula sa isang “perfect genetic combination”


Bro Eddie: kung hindi ako nagkakamali eh dati ka din tiga pup pero sa tingin ko at sa kalagayan ngayon ng pilipinas hindi “political mesiah” ang kaylangan


DickGordon: ganda ng records mo teh madami ka ngang nagawa at talaga namang nanganak ang trabaho at sabihin na natin magaling ka nga..pero ito lang masasabi ko sayo “hindi lahat ng bagay ay nadadaan sa init ng ulo” alam mo bang dian kami nagbreak ng p*t*ngin* kong ex na halos araw araw ata may dalaw sa sobrang katarayan at init ng ulo hinay hinay lang teh kalma lang palage baka sumunod tau sa tumatakbong gov ng batangas at isa pa pilit mong sinasabi na hindi totoo ang mga survey yun ba ay dahil isa ka sa mga kulelat ??ehh pano kung ikaw ang nanguna masasabi mo pa ba yan??


erap: kung tutuusin at ikukumpara nga naman ang uri ng pamumuhay ngayon at uri ng pamumuhay dati nung ikaw ang nakaupo sa trono eh masasabi kong mas better nung ikaw pa ang presidente pero pwede bang mag english lesson ka muna ako aaminin ko hindi ako ganun ka fluent sa english pero sa isang dating pangulo at isang tumatakbo ulit sa pangulo ngayon ay hindi ba dapat BONUS na lang yun??


jambi- nakita ko yung bahay nyo sooobrang ganda malaampatuan ang mansyon mo pero sigurado ka na ba sa naging desiyon mo no offense pero kasi napapansin ko tumakbo ka lang para mahati ang boto at siraan si villar


nicanor perlas- salamat sayo at may bago na naman laman ang utak ko actually kasi ngayon lang kita nakilala sabi nila scientist ka daw at napredict mu daw 3 years ago na mangyayari talaga ang nangyari noong panahon ng “ondoy’ imbaaa.gumising ka ako na nagsasabi wala kang pagasang manalo


jc delosreyes-akalain mo naisipan mong tumakbo..kung baga sa contest ay napadaan ka lang…eh pucha pano ka mananalo eh dito nga lang sa valenzuela mukang mas sikat pa ako sayo ehh


gibo- kung ako lang mayari ng isang kumpanya at ikaw ay magaaply walang nginterview pakita mo lang resume mo pasado kana agad sa ganda ng records mo bilang isang topnotcher ng bar exam sinasamba talaga kita walang nakikitang pangit sayo ang mga pilipino kundi yung pagiging admin mo…well sa tingin ko hindi mo naman kasalanan na ikaw ang inappoint ni gloria na def secretary pero iba pa din kasi ang impression pag isa kang admin lalo sa sa rehimeng gloria macakupal arroyo



hay hay hay may kanya kanyang baho may kanya kanyang mali pero wala tayong magagawa kundi manindigan at pumili(wow rhyme) kung sino man na sa tingin natin ay magbibigay daan sa matagal na natin hinihintay na pagunlad bantayan natin ang boto natin bumoto tayo bilang isang responsableng mamamayan hindi lang yung basta maexperience at mamangha sa isang picos machine, yung ilang minuto ng pagboto mo sa araw ng eleksyon eh anim na taon o baka humigit pa ang magiging epekto sa bayan ganun kamakapangyarihan ang isang boto mo, bumoto ka yung sa tingin mo ay tama wag kang bumoto ng dahil lang sya ay isa sa mga hinahangaan mong artista,ng dahil lang kyut sya,ng dahil lang malakas ang apil nya,ng dahil lang trip mo syang iboto wag mong sayangin ang boto mo kaibigan wag mong ilayo ang sarili mo sa lipunan ginagalawan mo dahil kahit gaano kapa kabilis tumakbo palayo dito wala kang magagawa dahil parte ka na nito



OH SYA TAMA NA ANG DAMI KO PANG SINASABI EHH HINDI NAMAN AKO BOBOTO







P.S nung nalaman kong tumatakbo bilang vice pres si jay sonsa nagulat talaga ako akala ko kasi kaya nawala sya at naging mel and joey ang dating mel and jay ay dahil patay na sya….wahh sa tinagal nang panahon ngayon ko lang nalaman buti na lang tumakbo sya

kjnuqui may 1/10

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | Edited by PedXing-ArAr