Saturday, November 14, 2009

Masaya ka ba? Patingin Nga?

Saturday, November 14, 2009

Tinanong ako ng kaibigan ko 'nung isang araw kung paano mo daw malalaman kung masaya ang isang tao. (Gusto ko sana sabihin sa kanya, emo ka?)Pero kung iisipin mo nga naman, paano nga ba? Sa paanong paraan mo masasabing masaya ka nga at hindi nagpapanggap lang?

Ang pagtawa ang isa sa pinakamasayang gawin sa mundo, bukod sa nakakapagpasakit ng panga at bangs, e libre pang gawin. Kakaiba ang ligayang dulot ng pagtawa (mas maligaya pa 'tong gawin kesa sa iniisip mo ngayon). Kaya naman masaya kasama 'yung mga taong walang ibang alam gawin kundi magjoke at gawing mukhang tanga ang sarili para lang mapasaya ang mga kasama. Kung ako ang tatanungin, mas gugustuhin ko pang kasama ang mga itinuturing na mangmang pero kaya kang patawanin sa mga oras na bagsak ka sa exam kesa sa mga matatalinong seryosong ini-english ka maya't maya.

Pero kung iisipin mo ulit (pasensya na kung kanina pa kita pinag-iisip), totoo nga ba ang bawat ngiting ipinapakita ng mga taong mahilig magpatawa o nagsusuot lang sila ng maskara para maitago ang tunay na nasa puso nila? Paano mo nga ba masusukat o masasabing masaya nga ang isang tao? Base ba 'to sa dami ng tawa, halakhak at ngiti, sa pagdodrawing ng smile sa kamay at pader, o sa pamamagitan ng simpleng pagsasabing "masaya ako"?


May mga tao kasing sadyang madaling magpanggap na masaya sila. At napakaraming ganun sa mundo. Hindi mabilang. Minsan nga isa ka na pala sa kanila, hindi mo pa alam. Minsan din 'yung mga taong ang almusal, tanghalian, merienda, hapunan, at midnight snack ay ang pagpapatawa ay sila pang pinakamalungkot na tao sa planeta, ayon sa isang sikat na author na si Paulo Coehlo.

Minsan kasi mas madali pang magpanggap na masaya kesa ipaintindi sa kanila kung bakit mo 'yun ginagawa. Kaso sa tingin ko mali 'yun, kaya nga may mga kaibigang ibinalato sa'yo ang tadhana kasi pwede mo silang sandalan sa mga oras na hindi mo na alam kung ano pang tamang joke ang pwede mong ibato sa mga panahong hindi mo na kaya. Hindi natin dapat ipinagdadamot sa kanila ang pagkakataong matulungan ka sa oras ng problema. Kaya matuto ka din makiramdam. Kung sa tingin mo may bahid na ng pagpapanggap ang pagpapatawa niya, tabihan mo na siya at yayain mo mag-softdrinks.

Pero balik tayo sa tanong na paano nga ba malalaman kung masaya nga ba ang isang tao? Kanina ko pa 'yun iniisip. Hindi ko din masabi. *blangko. *blangko. *blangko. *blangko. *blangko. *blangko. Pero masaya ako ngayon. Paano ko nasabi? Kasi pinili kong maging masaya kahit walang dahilan. Sabi nga nila, "Life is a matter of choice." At sabi din sa isang kowt, "God gave you blessings, happiness is up to you."


Sa iba't-ibang sitwasyon, ano ang ibig sabihin ng "masaya?"

Sa pagkakaibigan, ano ang kasiyahan? Ito ba yung kapag magkakasama kayong nagtatawanan habang naglalakad sa daan at mga bungisngis at halakhak niyo lang ang nangingibabaw? Ito ba 'yung kapag sumasakit na ang tyan ng isa't-isa dahil sa joke na binanat ng isa? Sa tingin ko, ang tunay na kaligayahan sa isang pagkakaibigan ay ang pagiging panyo ng bawat isa sa oras ng drama ng buhay at pagkakaroon ng kaalaman ng bawat isa na kahit anong mangyari, panghahawakan nila ang pangakong "walang iwanan."

Sa pamilya, ano ang kasiyahan? Ito ba 'yung kapag kumpleto kayo sa hapag-kainan at sama-samang nagsisimba? Syempre, oo ang sagot diyan. Pero higit na maituturing na kaligayahan ang pangingibabaw ng pagmamahalan sa pamilya, na hindi masusukat ng kahit anumang materyal na bagay.

Sa pag-ibig, ano ang kasiyahan? Holding hands sa isang romantic na lugar, maaaring masaya. Pagdiriwang ng monthsary, anniversary, oo masaya din. Pagbibigay ng regalo, pwede, masaya din 'yun. Tingin ko naman, sa isang relasyon, hindi masyadong mahalaga ang lahat ng bagay na nakikita ng mga mata mo (pwera na lang kung nagtu-two timer ang isa sa inyo hehe). Minsan kasi, kahit walang salitang bibigkasin, mararamdaman niyo pa rin ang kasiyahan sa simpleng pagkakaroon ninyo ng kaalaman na ang bawat isa ay nag-iisa sa mundo ng bawat isa. (Paki-intindi na lang kung anong ibig kong sabihin, kasalukuyan kasi akong nakikipagchat sa facebook haha).

Sa huli, pinakamasaya pa ring gawin ang tumawa. Mas madali 'yon kesa maghanap ng dahilan para maging masaya (huh?) at ang pinakamasasayang tao sa mundo ay 'yung may mga mabababaw na kaligayahan. :)

-----------------------------
Ninakaw ko ang picture sa taas kay Netsrot ng Flickr (www.flickr.com)

Read the rest of this entry »

Saturday, October 17, 2009

Ondoy Love Pepeng

Saturday, October 17, 2009

Pansin mo ba ang kaguluhan? Rinig mo ba ang mga nakakabagabag na sigaw? Ito na ba ang nakasulat sa ating kapalaran? Nasundan mo ba ang anod ng bangungot? Nakita mo ba ang ganti ng kapaligiran? Humanga ka ba sa kabayanihan ng ilan? Sa tingin mo, meron ka bang ibang magagawa?


Bagyo. Sa ngayon katumbas ay bangungot. Kailan lang ay binura ng kalamidad na parang sulat sa blackboard ang ilang lugar sa bansa. Nakakatakot na baha na nilalangoy ng mga umiiyak na biktima. Maputik na tubig na lumamon sa tirahan at kabuhayan nila. Napuno ang mga eskwelahan, basketball court at mga munisipyo ng mga taong humihingi ng saklolo. Pinuno ng dasal ang alapaap ng pinagdausan ng traydor na bagyo. Mahaba ang pila sa mga evacuation centers para makahingi ng kaunting tulong na maaaring ipanlaman sa tiyan at masaplutan ng kaunti ang basang-basang mga katawan. Dumagsa ang bayanihan kahit saan. Kaya naman palang magkaisa, bakit ngayon lang?

Kasalukuyan akong nakikipagchat sa Facebook at naghaharvest ng tanim sa Farmville habang kasagsagan ng birthday party ni Ondoy. Bumabaha na pala sa labas, sige pa rin ako sa pakikipagchat at paghaharvest. Wala akong kaalam-alam sa pangyayari hanggang sa nakita ko na lang sa TV na parang naging melted chocolate na matabang ang buong Marikina. Kung hindi ko pa narinig na umiiyak sa TV si Jennica Garcia dahil stranded sila sa baha, hindi pa ko titigil sa pakikipagchat. Nakakabiglang malaman na nasa gitna na ng malaking bangungot ang mahal kong bayan – habang ako, nalulungkot dahil nabulok ang mga tanim ko sa Farmville.

Sa mga ganitong pagkakataon, tumataas talaga ang tingin ko sa mga Pilipino. Sa isang iglap, naglabasan ang lahat sa kani-kanilang mga lungga para magbigay ng mga tulong o relief goods na tanda na rin ng pasasalamat nila dahil hindi sila nasama sa trip ni Ondoy at ng kakosa nitong si Pepeng. (Bakit naman kasi sila pinangalanan ng gano’n? ‘Yan tuloy. Pwede namang Ondie, o kaya hmmm, Pepper). Nakakatuwa dahil pati mga artista, lumangoy na din at sinuong ang panganib para makapagligtas ng kapwa, nang walang hinihinging magandang anggulo sa camera. Bata, matanda. Mayaman, mahirap. Lahat tumulong. Kahit alam din ng lahat na hindi iyon sapat para matulungang makabangon muli ang mga nasalanta.

Pero madalas, talagang matatawa ka na lang.

Halos lahat ng evacuation centers na may reporter, laging may mga audience. ‘Yun bang tipong habang binabalita ng reporter na hirap na hirap na ang mga evacuees at halos lahat sila ay nagkakasakit na, agaw eksena ang mga mismong evacuees habang kumakaway sa camera at tuwang-tuwa pa. Meron pa nga, habang umiikot ang camera sa isang lugar na sinalanta ng bagyo, nakangiti pa sila at kumakaway habang nakasay sa improvised bangka at habang tinatawid ang baha. Minsan pa nga may nainterview na isang ginang, ang sabi niya “Ang hirap nga po tumawid dito. Haha! Ang taas pa ng singil nila. Hehe.” Sabay kaway pa sa camera. Mga Pinoy talaga. Hehe.

Tanong ng kaklase ko nung isang araw, “Bakit ganu’n? Wala na nga kong nasagot kanina sa finals, pero masaya pa din ako? Haha!” Ang sagot ko, “Eh kasi Pinoy ka.” Paano kaya kung hindi marunong tumawa sa kabila ng mga problema ang Pinoy? Sa tingin mo, kaya pa nating bumangon?

Nagpapasalamat ako sa Diyos dahil hindi nasamang nahagupit nila Ondie at Pepper, ay mali, Ondoy at Pepeng pala, ang pamilya ko. Pero mas nagpapasalamat ako sa lahat ng mga tumulong sa mga kapwa nilang humihingi ng saklolo, sa loob at labas ng bansa, Pinoy man o hindi. Kung sasabihin naman ng ilan na wala silang ibang maibibigay kundi dasal LANG, nagkakamali sila. Wala ng ibang hihigit pa sa kapangyarihan ng dasal. ‘Yun lang ang pwedeng i-send ng walang bayad. Salamat dahil nagtutulungan tayong lahat. Salamat dahil hindi natin iniiwan ang isa’t-isa. At higit sa lahat, salamat dahil mayroon pa rin palang natitirang pagkakaisa sa puso ng bawat isa.

Sabi sa isang text message:

“Guys, babalik daw si Ondoy… para mag-sorry. Tatanggapin ba natin?”

Reply ng isang loko:

“P*kyu!”

Read the rest of this entry »

Saturday, September 19, 2009

May Facebook ka? Ako Wala.

Saturday, September 19, 2009

Noon:

"My Friendster ka? Add mo ko ha?"

Ngayon:

"May Facebook ka? Gegerahin kita sa Mafia Wars ha? Humanda ka! Hahahah!"

Adik na ang mga tao ngayon sa Facebook. Kung hindi mo pa rin alam kung ano ang Facebook hanggang ngayon, hhmmm. Wala ka na sa uso. At kung tatanungin kita kung may Facebook ka at sasabihin mong "Hindi ako nagfe-facebook eh". Mga ilang araw lang o ilang minuto, siguro naglalaro ka na ng Pet Society at laman ng friend request ng mga kaibigan mong may Facebook. Pero paano nga pala nagsimula 'to? Sino o sinu-sino ang may pakana ng dahilan kung bakit hindi ka na gumagawa ng assignment at hindi nakakapag-aral sa quiz niyo kinabukasan?

Ayon sa mga nakalap kong impormasyon (naks), si Mark Zuckerberg ang nagpakana ng Facebook noong 2004 habang siya ay nasa kanyang Dorm sa Harvard University (at tinatamad siguro gumawa ng assignments kaya nandamay na lang ng iba). At ayun. Kumalat na ang nasabing social network sa America, Asia, Africa, Australia, at. at. at. Basta. Hindi ko pala kabisado ang 7 continents of the world.

Bigla-bigla na lang nauso ang Facebook. At napag-iwanan ang Friendster. Kung adik ka na talaga sa Facebook at naalala mong may Friendster ka pa nga pala, mababasa mo
ang mga bulletins gaya ng "Facebook, add me", "Lipat na kayo sa Facebook!", o kaya naman "Wala ng Friendster, add niyo ko sa Facebook!". Ano kaya ang nararamdaman ng mga gumawa ng Friendster 'pag nakakarating sa kanila ang mga ganitong bagay? Patunay lang kaya ito na 'pag sawa na ang tao sa isang bagay, agad na niya itong tatalikuran at kakalimutan? At bakit mo nasabing emo ako? Hehe.

Kahit sino ata, may Facebook na. Bata, matanda, studyante, teacher, mayaman, o mahirap..halos lahat! Nakakaenjoy nga naman talaga mag-Facebook. Pwede kang mang-away sa Mafia Wars (na mapapatunayan mong sa pamamagitan lang nga mga salita e matatalo mo ang kalaban), pwede kang magtanim at magharvest sa Farmville at Farm Town (na kailangan mong alagaan para hindi mabulok kasi 'pag nabulok malulungkot ka), pwede kang bumili ng mga kaibigan mo (na pwede mong tawaging "pet" pero 'pag sa totoong buhay sinabi ng kaibigan mo na pet ka lang niya, ay ibang usapan na),at pwede kang magnakaw ng tanim sa Barn Buddy (na walang sinasagasaang karapatan ng mga magsasaka). Nakakaenjoy, nakakaaliw. Nakakawala ng stress.

Kaso sa nakikita ko, hindi na masyadong maganda ang epekto ng Facebook lalo na sa mga estudyante. May mga assignments na hindi nagagawa. May mga quiz na hindi napag-aaralan. May mga nale-late dahil napupuyat. At may mga naaasar dahil sa mga natalong gera sa Mafia Wars at nabulok na tanim sa Farmville. (Ay hindi pala kasama 'yung huli.) Kung tutuusin, masama na talaga ang epekto 'pag naadik ka. Aminado ko, adik na ko. Kaso enjoy talaga eh. Haha!

Hindi masamang maadik. Ang masama lang, ay 'yung isinasakripisyo mo 'yung ilang "mas importanteng" bagay para lang mapagbigyan mo ang sarili mo sa ilang mga bagay na hindi naman makakatulong sa pag-unlad mo. Tsk. Tsk.

Naglalaro ako ngayon ng Farmville. Katatapos ko lang manalo sa gyera sa Mafia Wars. At ang blog na 'to? Dalawang oras ko na 'tong tinatype. Hindi matapos-tapos dahil "naghaharvest" ako.



P.S. Kung magkakaroon ng Mafia Wars sa Friendster, baka magbago isip ko. haha!

Read the rest of this entry »

Saturday, August 22, 2009

Malas Ka Nga Ba o Sadyang Tamad Lang?

Saturday, August 22, 2009

Total napapanahon naman ang eksams ngayon, kaya ki-kwentuhan ko nalang kayo ng mga di magagandang bagay...(nyeehh)?? Siguro naisip n'yo, bakit sa dinami-dami ng pwedeng ikwento, eh yung di pa maganda? Well, naisip ko din yan ehh.. Mamaya pag natapos ko na toh isulat, dun natin malalaman kung panget ba talaga o kung ano man ang bagay na toh...basta ang alam ko MALAS AKO...,KAMI???

Ano nga ba koneksyon ng salitang MALAS at TAMAD???? meron nga ba??? Palagay mo meron ba??? ikaw palagay mo?? kayo dyan???,ano sa palagay niyo?? (pasensya na kayo puro kwestyon? mark) Ako kasi di mapalagay....

By the way, (wow! english) pag-usapan na natin ang di magagandang bagay sa linggo ng eksams at ang koneksyon ng salitang tamad at malas sa mundo..(sa mundo??)

Isa akong estudyante sa kolehiyo (di lang halata), major in Political Science, di ko na sasabihin kung saang esKWELAHAN, baka makaramdam kasi kayo ng awa sakin.. Kung bakit? hayaan na natin yun! Di naman masyadong importante,,,nakakamatay lang....
hala ka!!!

Alam ko bawat estudyante may mga paboritong subjects at may kinakaharap ding delubyo pagdating sa mga hate nilang subjects sa college. (pinili mu yan ehh...magdusa ka.) Tama nga naman diba, tayo naman ang pumili ng course natin pero bakit pagdating ng mahihirap na eksams, "curse" na ang tawag natin dito? Hayyss..estudyante nga naman, talagang natututo sa mga teachers.

By the way ulit, eto na talaga yung totoong kwento. Exam week namin ngayon, bukod sa pressured sa pagre-review, pressured pa sa ipambabayad na tuition fee. Well, as usual, kinakabahan sa magiging resulta ng eksams at sa grado na tiyak ay mag-mamarka na naman sa aming mga puso...ooohhh

Di namin alam kung bakit sa t'wing nagte-teyk kami ng eksams eh parang lahat talaga ng lakas at talino namin e nagagamit. Naisip ko naman, panong di namin mararamdaman yun e habang nage-eksam sa asian civilization, formulas sa finance ang naiisip namin, o kaya naman e yun' mga sinabi at sinulat ni Aristotle, Plato at St. Thomas Aquinas nung unang panahon ang naaalala ng mga utak namin...Mahirap pala talaga sa college...umaasa nalang kami sa mga madadaling tanong, bonus ba!!

Isang araw, inanunsyo ng aming propesor sa Natural Science, "natsci" kung tawagin, na mayroong isang bonus kwestyon sa klase, ngunit nag-iisa lamang ang test kwestyuneyr na maglalaman nuon.. Swerte ng makakakuha!! hahaha... At ang kondisyon, kapag nasagutan ng the lucky one ng tama ang bonus kwestyon, makukuha ng buong klase ang bonus points. Masaya na sana!!!

Nung araw ng eksams, sobrang kinakabahan ako dahil alam ko na mahihirapan ako ng bonggang-bongga. Halos di talaga ko nagrebyu para sa eksams sa araw na yun. Iniisip ko kasi wala rin naman papasok sa utak ko, di ko rin maaalala yung nirebyu ko.. Kaya naman di na ko nagbasa, tinitigan ko lang lahat ng mga nakasulat sa nowtbuk at hand-outs ko. Ayun ang bilis ko magsagot sa unang subject. Nung kukuha na ko ng test paper para sa natsci, nagkasabay kami ng isa kong kaklase sa pagkuha. Syempre nagparaya ako, pinauna ko s'yang dumampot ng papel, eh talagang napakabait ng kaklase ko kaya naman kinuhanan nya din ako. Dalawa yung dinampot nyang test paper, isa para sa kanya at isa para sa akin (ang sweet nuh??).

Habang nagsasagot ako wala 'kong ibang ginawa kundi alalahanin yung mga diniskas ng prof namin. Hirap na hirap ako, halos lahat ata ng sagot ko dun e hula... Andami-dami talagang identification problems, kaya naman tiningnan ko kung ga'no pa karami ang huhulaan ko..tskstk..sasagutan pala. Nang makita ko yun' test kwestyuneyr ko, ang haba pa pala ng sasagutan ko. Hala !!! One page lang yung kwestyuneyr pero sobrang siksik. Napansin ko may nakasulat na mga kataga sa bandang dulo ng papel ko, "BONUS QUESTION". Nung una inisip ko na baka joke time lang yun o kaya naman baka hindi talaga nag-iisa yung papel na may bonus question. Kaya naman sinilip ko yung papel ng mga katapat ko, at nakita ko na maiksi lang yung naka-print sa kwestyuneyr nila. Di pala joke time yun, totoo pala na may bonus kwestyun nga. Pero naisip ko, sa dinami-dami namin bakit ako pa ang nakakuha ng bonus question? at sa dinami-dami ng test paper eh yun pa ang napunta sakin, na inabot lang ng klasmeyt ko. malas.

Nung makita ko yung bonus question, madali lang sagutin- kung nag-aral ka!! Tungkul sa PAG-ASA yung tanong. Feeling ko nasagutan ko naman s'ya kaya lang may konting flaws, konti lang naman...tsk naligaw lang naman yung salitang "and". Pagkatapos ko mag-eksam di parin ako makapaniwala na sakin napunta yung bonus item, kaya naman ni-research ko sya agad. Ayun nalaman ko na yung eksaktong sagot sa tanong....hayysss ....asarrr

Naasar talaga ko sa nangyari. Gusto pa ata akong asarin lalo ng palabas sa tv na POKEMON.... Habang nasa bus ako, nanunuod kami ng tv, pokemon ang palabas. Sabi nung isang karakter na babae, "kelan ba mawawala ang hamog na toh?" sagot naman ni Ash, "aba, ewan ko. Wag mo kong tanungin di naman ako PAG-ASA ehh." Asar diba...

Bandang huli, na-realized ko na kung di lang ako tamad magrebyu sana nasagot ko ng maayos yung mga tanong, swerte sana at di malas..

----

Mula kay Elyria (di ko sure kung ayos lang sa kanya na ipost ang real name niya). Hehe. Thanks toL! Sa uulitin ha. At sana makakuha ka ulet nung bonus exam. Peace! =)

Thanks to http://home.ewha.ac.kr/~ishahn/ExamBonusQuestion.gif for the image above.

Read the rest of this entry »

Friday, August 21, 2009

Itay, Sino ba si Ninoy?

Friday, August 21, 2009



Itay, sino ba si Benigno “ Ninoy” Aquino?
Tanong ng anak kong
Di inabot ang martial law

Anak, sambit kong hawak ang kanyang ulo.
Si Ninoy ang simbulo
Ng Makabagong Pakikibaka ng Pilipino

Idinagdag ko pa sa kanyang talino
Si Benig...no ang asawa ng yumaong Pangulo
Ang matiwasay at dakilang Cory Aquino

Tanong ulit ng makulit kong bunso
Bakit ba naging bayani si Ninoy Aquino?
Ano bang nagawa niya sa mga Piipino?
Mahinahong tugon ko pinagisipang husto
Baka magkamali sa aking pagtuturo
Maligaw ko pa siya at di matuto

Hindi pagbubuwis ng buhay
Naging basehan dito
Hindi rin ang madrama na buhay nito

Naging bayani si Ninoy sa Pilipino
Pagkat binuhay niya
Dugong malaya sa ugat nito

Ginising ni Ninoy tayong mga PInoy
Dahil tutulog-tulog tayo sa kalagayang di wasto
Kahit pinatapon sa ibang ibayo pinagpatuloy niya ito

Nagbuwis ba ng buhay si Ninoy Aquino?
Hindi nagbuwis ng buhay itong idolo ko.
Kundi, binuwis ang buhay niya para takutin tayo

Nguni’t dahil gising na ang damdaming malaya
Agad kumulo dugo niyang sumabog sa lupa
Nagiinit na paki...kibaka ay sumiklab na nga

Hindi nga naglaon tayo ay lumaya
At ang maybahay niya sa atin ay nangalaga
Mula noon hangang ngayon pinaglaban niya ay tinatamasa

Ngayon anak ko alam mo ng pakikibaka
Ng bayaning “Ninoy” para tayo ay lumaya
Kaya siya naluklok sa pedestal ng mapagpalaya

Opo Itay, ngayon alam ko na
Bakit si Ninoy ay bayani ng masa
Kaya lang Itay, ngayon kaya masaya siya?


-------------------

Ang tulang ito ay ginawa ni Deo S. Jimenez at naka-post din sa Facebook - (http://www.facebook.com/home.php#/deo.s.jimenez?ref=mf)

Read the rest of this entry »

Eto ang Tunay na Joke.

Ang Pinoy, mahilig sa joke. Kahit hindi nila alam na nagjojoke sila. Basta. Tignan niyo na lang ang mga pictures na nakuha ko sa Facebook ng Definitely Filipinos. (http://www.facebook.com/i.am.filipino)






























































.

.

.

.


Eto lang ang masasabi ko - "Hehe".

Read the rest of this entry »

Wednesday, August 19, 2009

Ampogi Ko sa TV! Vote for Me!

Wednesday, August 19, 2009

Eleksyon na naman. Na naman. Ilang buwan na lang mula ngayon, mauupo na sa trono ang iluluklok ng taumbayan sa mga pinakamatataas na posisyon sa bansa. Aasa na naman ang mga tao sa maaaring pagbabago na ibibigay ng mga ito sa Pilipinas. Aasa na naman sila na mas sasarap na ang pagkaing ihahanda nila sa mesa sa oras ng kainan. Aasa na naman sila na magkakaraoon ng magandang trabaho. Aasa na naman sila na bukas, pagmulat ng mata nila sa umaga, maunlad na ang bansa.

Kaliwa't-kanan na ang mga commercials ng mga pulitiko sa TV, sa radyo, sa LRT, sa bus, sa CR, sa internet, at kung saan-saan pa. 'Yung mga nagcocommercial sa TV, hindi ko alam kung anung trip nila sa buhay. Pinagmamalaki nila ang mga nagawa nila sa panahon ng kanilang panunungkulan. Kung ikaw na boboto sa darating na eleksyon, isasali mo ba sa listahan mo ang mga pulitikong idinadaan sa make-up at panggagamit ng mga mahihirap na mamamayan para lang makumbinsi ka na iboto mo sila? Kung sasabihin naman ng mga pulitiko na 'to na hindi naman pangangampanya ang intensyon nila sa paglabas sa mga TV ads, bakit ngayon lang nila ito nilabas at hindi sa mga oras na.. na.. na wala lang, na walang eleksyon? Wala namang masama sa paglabas sa mga commercials, at hindi ko rin naman sinasabi na masama nga talaga 'yun, ang hindi lang maganda ay 'yung naglalabas sila ng pera, ay mali, ng maraming-maraming pera pala na mas maganda sana kung ibinili na lang nila ng maraming maraming tsinelas o kaya pancit canton para sa mga mahihirap na walang tsinelas at sawa na sa noodles.


Marami ngayon ang nagwawala sa balitang kumain daw ang Pangulo sa isang mamahaling restaurant sa America na hindi ko naman alam kung bakit ba hindi mamatay-matay ang issue na 'yun e wala din naman silang magagawa kasi kahit ano pang gawin nila, nakain na 'yun ng Pangulo. O kaya naman naiinggit lang sila kasi hindi sila nakasama sa happy trip nito sa ibang bansa. Pinag-aaksayahan nila ng panahon ang mga walang kwentang issue na 'yan, kesa sa umisip ng paraan kung paano ba mapapaunlad ang buhay ng lahat. Tapos 'yung ibang pulitiko, magagalit din sa Pangulo. Eh ang lagay, pare-pareho lang naman silang lahat. Para lang silang mga tanga.

Hindi rin naman issue dito, para sa'kin, kung saan nila nakuha ang pinambayad nila sa mga TV ads na pinagbibidahan nila, kung sino ang nagbayad para dungisan ang mga mahihirap na naextra sa mga commercial nila, kung sino ang bumili ng pedicab o kung saan nila 'yun hiniram, sino ang nagbayad sa sumasayaw na mascot, kung saan nakuha ang pinambayad sa magaling na singer, kung sino ang nagbayad sa mga estudyanteng hindi nag-midterms para lang makapag-pogi sign sa TV, at kung anu-ano pa. Ang issue dito ay ang katotohanang nagamit na naman sa walang kwentang bagay ang pera ng taumbayan, ng pulitiko mismo, o ng kahit sino. Hindi naman kasi talaga nakakatuwa at nakakakumbinsi ang mga pagmumukha nila sa TV para iboto ko sila.

Sa mga nagrarally. Nakakainis din sila minsan. Hindi mo kasi alam kung ano ba talaga ang gusto nila. Pag may bagong naupo sa pwesto, bukas makalawa, gagawa na sila ng mga props nila para patalsikin 'yun. Pero hindi mo din sila masisi, mga mahihirap lang din naman kasi sila na naghahangad ng pagbabago, ang problema lang, gusto ata nila instant 'yung pagbabago na 'yun.

Balik tayo sa commercials. Minsan natatawa na lang ako kasi parang ginawa na lang ang mga commercials na 'yun para naman may katatawanan kang mapulot sa isang nakakaboring na araw. Marami din kasi akong nasasagap na joke na pasimpleng tumitira sa mga TV ads na yun, tulad nito:

Mr. Politisyan: "Anong pangarap mo?"

Boy: "Gusto ko po maging seaman. Gni2 po buhay samen, wlng mkain, wlng pmbili ng gam0t.."

Mr. Politisyan: "anak, itabi m..

Lagpas na ko."


'Yan lang pala 'yung joke na alam ko. Hehe.

Sa kabuuan, masasabi kong hindi sa commercials nadadaan ang lahat. Kung talagang naniniwala ang taumbayan na may magagawa ka nga talaga para sa bayan, may commercial ka man o wala, sumayaw ka man sa TV o hindi, iboboto't ibooto ka nila. Hindi naman tanga't uto-uto ang mga tao. At wag kang kakain sa restaurant na mamahalin kung wala kang pambayad. Magpalibre ka na lang.

Read the rest of this entry »