Tuesday, December 7, 2010

Bob Ong's Eighth: Ang Mga Kaibigan ni Mama Susan *****

"Huwag mong bibigkasin ang hindi."

Lumitaw na ang pinakainaabangang ikawalong libro ni Bob Ong. Wala na kong sasabihing iba pa, baka may mga magalit pa saken. Tignan niyo na lang din ang trailer na ito:



Paunawa mula sa taong nakabasa na: 'Wag babasahin ilang minuto bago matulog. Basahin na lang ilang oras pagkatapos mong gumising sa umaga. Amen.

At ilang mensahe mula kay Bob Ong para sa mga illegal story tellers ng nasabing libro:

"Bunso, iwasan mo ang ugaling mapagmalaki nang dahil lang sa ikaw ang unang nakabili ng gusto mong libro o nakaabot ka na sa page 20. Ang mas magandang gawin, humanap ka ng bakante mong oras at kumportableng lugar kung saan ka makakapagbasa ng libro nang maayos at walang istorbo. Tapos sulitin mo ang ipinambili mo ng libro (o ang pag-aabala mong magbasa kung hindi man ikaw ang bumili ng libro) sa pamamagitan ng pag-unawa sa kabuuhan at maliliit na detalye ng kwento. Saka ka ngayon magyabang sa mga kaibigan mo dahil naintindihan mo ang binasa mo! => Hindi gaanong magiging masaya (o maayos) ang karanasan mo sa pagbabasa kung magtu-Tweet ka minu-minuto o mag-a-update ng status sa Facebook sa bawat lipat mo ng pahina ng libro. Bigyan mo ng oras ang sarili mo at karapatan na matahimik sa isang tabi kahit paminsan-minsan, at huwag katakutan ang paggawa ng iisang bagay lang sa iisang sandali. Lumaki ka man sa panahon ng multitasking at limang minutong attention span, marami pa ring bagay sa buhay ang mas magugustuhan mo kung paglalaanan ng sapat na panahon at hindi mamadaliin. Magandang ugali rin ang hindi pagkwento ng mga importanteng detalye ng librong nabasa mo bilang respeto sa mga kapwa mo mambabasang hindi pa tapos ang libro. Dahil sa maniwala ka’t sa hindi, hindi dahil sa tapos ka nang magbasa ay sabay-sabay na ring natapos ang ibang mga mambabasa. Marami ka pang mababasang libro na hindi man isinulat ng mahusay na manunulat ay magugustuhan mo pa rin dahil ikaw ay mahusay na mambabasa. Maraming salamat sa pakikiisa sa layunin nating gawing bayan ng mga mambabasa ang ating bansa. =>"

Source: http://www.facebook.com/note.php?note_id=466875696469

"Ik a w ay pinili. N araramdam an mo ba angm a higpit nayakap sa iyonga yon ng isangka ibigan?"

Worth reading. P150 lang kahit saan. Nakaw na! Ai este, bili na! :)
Happy reading!

0 comments:

Post a Comment

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | Edited by PedXing-ArAr