Showing posts with label Musika. Show all posts
Showing posts with label Musika. Show all posts

Saturday, February 26, 2011

Do-Re-Mi-So-Fa-Ti-La-Do..Tsk!

"..but when I first fell in love with the piano, I knew it was me. I was dying to play."
Alicia Keys

Isa na siguro sa mga pinakamasarap na pakiramdam sa mundo ay 'yung magkaroon ng talento sa pagtugtog ng mga musical instrumentsss, o kahit musical instrument lang. 'Yung tipong kahit ano pang damdamin ang pinakatatago-tago mo diyan sa puso mo, e kaya mong isigaw sa mundo sa pamamagitan lang ng pagkaskas ng gitara, pagwawala sa drumset, pagpapasabog ng beatbox, o kaya sa pagpikit ng mata at pagkalabit sa mga tiklado ng piano sa saliw ng mga musikang nagpapalakas sa tibok ng puso mo. 'Yun bang konting pakikipag-jam mo lang sa instrumentong napili mong tugtugin, e para bang gumagaan na agad ang pakiramdam mo at pakiramdam mo musika na ang solusyon sa problema ng mundo - pansamantala.

Nasa puso mo na ang pagmamahal sa musika, punung-puno na ang kaluluwa mo ng mga himig na handa mo nang tugtugin bilang tanda ng pagpapakita nang tunay mong nararamdaman. Madulas na ang utak mo para ilapat ang mga salitang bubuo sa kantang nagsusumigaw na diyan sa kalooban mo. Kaso may problema... wala kang talent!! wala kang alam tugtugin!! WALA! WALA!! Pa'ano 'yan??? Pipikit ka na lang at mag-iimagine na marunong ka magpiano?? Baliw! Baliw! Baliw ka Eych! Ilusyonada!! Waaaaaaaaaahh! Haha.

Nakakabadtrip di ba??

Bumili ako ng electronic keyboard 'nung isang araw. Biglaan lang 'yun. Nanggaling lang talaga ako sa kaibigan ko na marunong mag-piano at nagpaturo at natuwa at napangiti at nangarap na makatugtog sa pamamagitan ng mga daliri kong may tig-0.5 centimeter na kuko at napangiti ulet at napaisip what if bumili din ako ng keyboard ko, napadaan sa bilihan ng mga keyboard at nagdownpayment at kinuha din kinabukasan gamit ang allowance ko for one week at ayun. (Whooh) Instant. Nagkaroon ako ng piano. (Piano na lang, ang haba kasi pag electronic keyboard. hehe.)

Palibhasa excited, inuwi namin agad ng Kuya ko 'yung piano, dapat may libreng tutor 'yun kaso naalala ko hindi ko pala dinadala yung utak ko kapag umaalis ako ng bahay, baka magpakamatay pa yung magtuturo saken sa sobrang slow ko. Wala akong alam tugtugin kahit isa, ay meron pala, 'yung korean na kanta na paborito ko kaso hanggang unang verse lang, ampanget pa pakinggan. No choice. Kelangan ko turuan ang sarili ko. Kelangan ko magtyaga magturo sa row 4 na bata. Naisip ko din na tama 'yung kaibigan ko na okay din kung bibili ako ng piano para naman may alam akong tugtugin kahit man lang isang instrument. Pero ang totoo, pina-realize niya lang saken na wala talaga akong talent. Haha.

(Kasalukuyan akong nilalagyan ng lotion ng kapatid ko sa hita at sa mukha, ewan kung bakit.)

Ang hirap pala. Para kang sumusugal sa isang bagay na hindi mo alam kung meron ka bang makukuha sa huli. Hindi mo alam kung para sa'yo nga ba talaga 'yung ginagawa mong pagtyatyaga.

(Para senti ang dating, ikokonek ko sa pag-ibig.)

Halimbawa may gusto ko sa taong hindi ka gusto. Para kang nagbubuhos ng atensyon sa isang tao na hindi mo naman alam kung inilaan ba ng tadhana para sayo. Minsan kahit anong pilit mo, at kahit na anong pagsisikap mo na iparamdam sa taong 'yun na gustong gusto mo siya, madalas hindi pa rin sapat dahil sa huli, 'yung nararamdaman niya pa rin ang tatapos sa usapan. Sa kabila ng lahat, hindi mo pa rin kayang makuha ang puso niya. Parang sa pag-aaral din ng piano, o kahit sa anong musical instrument na bet mo, kung wala ka naman talagang alam at gusto mo lang, malaki ang posibilidad na sa kabila ng lahat ng pagsisikap mo, hindi ka pa rin marunong. Sa kabila ng lahat, hindi mo pa rin makuha ang tamang paraan sa pagtugtog nito. Buhay nga naman. (Pero don't worry, saken lang siguro applicable yan. Bakit kasi ang hirap ko turuan? Haha.)

"..music expresses that which cannot be said and on which it is impossible to be silent."
Victor Hugo

Paano na lang pala kung walang music? Kaya mo bang iimagine na mabuhay sa mundo nang walang musika? Pwede naman, kasi hindi ka naman mamamatay kung walang music. Pero may mga ilang bagay lang kasi talaga sa buhay na kapag hindi nag-exist sa mundo mo, e para ka na ring nabubuhay dahil obligado ka lang mabuhay, at hindi dahil sa gusto mo talaga mabuhay.

Sana nalalaman din ng tao kung para saan siya nakalaan sa mundo, o kahit clue lang. Sana nung bumili ako ng piano, binulungan man lang ako ni Beethoven ng, "Ul*l! Bibili ka ng piano?? Ni Do-Re-Mi nga hindi mo memorized! Chaka mo!". Kaso hindi ganun ang buhay eh. Hinding-hindi.

Do ------------- Do you ever imagined how much I've tried?
Re ------------- Remember the things we do together, 'til the day we die.
Mi ------------- Meaningful memories, buried deep within my heart.
Fa ------------- Fantasy, fantasy. Is that all you can be in me?
So ------------- Sonatas are dancing on my soul, like you are in my mind.
La ------------- Lasting fragrance of your embrace, swaying with the wind.
Ti ------------- 'Til the day I get your heart, I'll keep trying.
Do ------------- Don't stop existing in my world, I might suddenly disappear.

-DoReMi

Now Listening : Kiss in The Rain - Yiruma.

P.S.
Sana malaman ko address ni Alicia Keys. Wala lang. Papatulong lang ako magpapayat.



Photo: http://i300.photobucket.com/albums/nn27/ilovemusic227/music.jpg

Friday, April 30, 2010

LUMINDOL BA?? OR THEY JUST ROCK MY WORLD?


ung bata ako uso ang tamagochi na ewan ko ba kung bakit lahat ng inalagaan ko eh namatay agad,nauso din nung ang relos na tinatawag na baby-G oh kahit hindi baby-G ang tatak bata madaming pinipndot at malakas umilaw, nung kabataan ko din hindi ka in pag hindi mo kilala si pareng mario at pareng lugi, looser ka pag hindi mo alam ang lets volt in, usong uso rin nung ang pagpapadami ng punyetang kisses na yan na ngayon ko lang nalaman na hindi naman pala talaga nabubuntis at dumadami naubos ko tuloy ang pabango ng nanay ko para lang alagaan yun....pero isipin mo nasaaan sila ngayon???WALA NA isa isang nalaos isa yan sa proseso ng lipunan sisikat, malalaos, maswerte na pag sumikat uli pero sa hindi katagalan malalaos din pero ang isang bagay na adik na adik ako at sigurado ako na ang iba din sa atin ang hindi pa nalalaos at walang kakupaskupas at sa tingin (kahit malabo ang mata ko) ay hinding hindi na malalaos

YAN ANG MUSIKA ....paulit ulit na tumutugtog sa ibat ibang henerasyon tumugtog na sa nakaraan pero daladala pa rin natin sa kasalukuyan isang porma ng sining na patuloy tuloy bumebenta sa madlang pipol at sa dinamidami ng hindi ko maipaliwanag na dahilan ay hanggang ngayon kung bakit?ay hindi ko pa din maintindihan

"magdadrive ako hanggang baguio, magdadrive ako hanggang batanggaas isasama ko ang girlfriend ko isasama ko kahit sinung may gusto lalallalallal lalala lallaa gusto kong matutong magdrive kahit na wala akong kotse .lalala lalala

kilala nyo rin siguro kung sino ang nagpasikat ng kantang yan oo tama ka ang eraserheads....at ang title ng kantang yan ay "overdrive" na ginawa nilang title sa anthology book nila nung 2005 (alam na alam eh noh) tumanda na akong nakikinig sa kanta ng mga kanta ng eraserheads, o sa ingay ng stereo ng kapitbahay namin (actually my cousin’s) kasi galit na galit ang nanay ko at ayaw nya sa rock and roll nung mga panahon na iyon sa edad. I just satisfy myself hanging out in my friends’ and neighbors’ house where Eraserheads is not censored, jamming and head-banging in the tune of our favorite (English yan!)

eraserheads isa yan bandang umukit sa henerasyon ko, sila ang puno't dahilan ng pagsikat ng bandang musika dito sa pilipinas hindi lang sila basta tugtog ng tugtog at wasiwas ng wasiwas ng kanilang mga ulo sa entablado, hindi lang humahampas si raymund marasigan ng drums nya ng walang katuturan hindi lang sila simpleng apat na kabataan na walang ginawa kundi kumanta at kumita ng pera sa tuwing may bibili ng kopya ng mga kanta nila kumbaga para din silang si pacquiao tuwing tutugtog sila, kasi pinagkakaisa nila ang lahat ng pilipino hindi lang kasi sila naging isang simpleng banda sila ang gumising sa "sense of patriotism" ng mga pilipino na matagal nang natutulog nung hindi pa sila sikat tinawag na nga silang "the beatles of the phil"

napakalaki talaga ng naging impluwensya ng e-heads satin noon hanggang sa ngayon, kapag may nakikita nga akong nakasuot ng oldschool style nang rayban eh naaalala ko na agad ang fashion statement ni elly buendia sa mga concert nya...kaya mula nung mabuwag ang e-heads biglang nagsulputan ang mga punyetang kanta na ewan ko ba sa tingin ko lang ahh ewan ko kung bakit nila nagugustuhan iyon at kung panu nila naiintindihan ehh halos 50 percent ng lyrics ay yow yow yow yeah yeah wazzup hay ewan

today….Listening to the songs of the Eraserheads brings back good memories, life’s lessons, old friendship and values which I learned outside the classroom. Memories that cannot be forgotten. Memories from the experiences that helped shape my personality.

bagama't matagal nang buwag ang bandang e-heads hindi mo pa rin maitatanggi na maraming pilipino ang nangungulila sa presensya nila kagaya nung nakaraang taon kung kelan naganap ang "FINAL SET" the reunion isang gabing nagbuhay sa lahat,isang gabi ng kasiyahan,isang gabi ng tugtugan,ngunit sa bandang huli isang gabi ng tunay at huling pagpapaalam.... ng e-heads ng milyon milyong pilipinong tumatangkilik sa kanila ito lang ang masasabi ko

Eraserheads was the band that defined their generation. From the underground scene
the memories of eraserheads will never be erase in our heads FOREVER… (parang lapida lang diba?)

oh xa babush ISANG MALUPIT NA ROCK \m/ AND \m/ ROLL NA GABI SA LAHAT
karl nuqui-apr30/10

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | Edited by PedXing-ArAr