Showing posts with label Buhay. Show all posts
Showing posts with label Buhay. Show all posts

Thursday, November 15, 2012

"Amalayer" at Pilipinas... Ano na?

“If someone isn't what others want them to be, the others become angry. Everyone seems to have a clear idea of how other people should lead their lives, but none about his or her own.” 
 ― Paulo Coelho, The Alchemist 



Bago ako matulog kagabi, may isang video na kumakalat sa Facebook na paulit-ulit na shineshare ng ilan. 'Nung una hindi ko binuksan kasi na-trauma na ako. May binuksan kasi ako na video dati na isang babae at isang lalaking nag-aano 'yung nakita ko. 'Nak ng adobong penguin talaga 'yun. Pero nadagdagan pa ang mga nagsheshare sa pagpatak ng bawat minuto, hanggang sa nakita ko na lang ang sarili ko na pinapanood ang isang minutong "viral video" at nagkisali sa libo-libong Pilipinong tumangkilik sa one-minute video exposure ni Ate "Amalayer".


Ayon sa balitang binasa ko, kaya daw uminit ang ulo ng bida natin ay dahil sa diumano'y "maling" paraan ng pagsita sa kanya ng isang lady guard sa isang LRT station. Ang hindi ko naman maintindihan kay Amalayer (na hindi ko alam ang tunay na pangalan at ayoko na alamin pa), ay una - kung bakit ayaw niya ilagay ang bag niya sa may conveyor. Inisip ko baka nandun 'yung pet niyang pating. Pangalawa - ano ang pumasok sa isip niya para magsisigaw at gumawa ng eksena sa LRT with matching interpretative dance; at pangatlo - lalong hindi ko maintindihan kung bakit kelangan niya pa mag-English kung hindi naman siya prepared. Sabi niya pa, may "pinag-aralan" daw siya. Gusto ko sana itanong kung anong subject. 

 At ngayon.. 
Matapos ang lahat ng pamamaril ng mura.. 
Matapos ang pamamato ng kaliwa't-kanang paninira.. 
Matapos ang samu't-saring pambugbog ng mga salita.. 
At matapos ang lahat ng malulupit na pagtira sa pagkatao niya.. 
Pilipinas.. ano na? Ano ba ang gusto nating lahat? 

 Bigla ko lang kasing naisip kung ano na ang magiging buhay ni Amalayer pagkatapos ng isang malaking pagkakamaling hindi niya inaasahan na magagawa niya sa araw na 'yun. Paano siya lalabas ng bahay nila gayong alam niyang may mga matang nakamasid sa kanya at handa siyang pagchismisan maya-maya? Paano siya gagawa ng mga assignments at magrereview para sa mga exams kinabukasan kung alam niyang pagpasok niya sa school, may mga estudyanteng handa siyang husgahan anumang oras? Paano siya makakakain sa araw-araw kung alam niyang maya-maya mabubulunan din siya dahil paniguradong may ilang pamilyang hindi lang pagkain ang pinagkakaabalahan sa hapag-kainan, kundi pati 'yung pagkukwentuhan tungkol sa kasalanan niya? Paano niya pakakalmahin ang puso niya sa bawat araw na makikita niyang hindi lang pagkatao niya ang niyuyurakan, kundi pati ang buhay ng pamilya niya, lalong-lalo na ang mga magulang niya? Paano siya magkakaroon ng sigla sa bawat umaga kung wala siyang alam sa kung sino ang sasagot sa bawat "paano" niya?  

Ayoko na sana pang ibalik 'yung usapin tungkol sa Cyber Crime Law. Pero sa pagkakaalam ko, sakop ng batas na ito ang cyber bullying. Binully ni Amalayer 'yung guard..pero ang kapalit, binully siya ng buong Pilipinas. Minsan nating minura ang nagpatupad ng Cyber Crime Law, pero ni minsan, hindi naman tayo natuto. Tanga si Amalayer - tanga siya kasi nakalimutan niyang may nervous system siya kung saan matatagpuan ang kaisa-isang bagay na kung ginamit niya lang sana, normal pa sana ang lahat - utak. Pero tayong mga tagapaghusga niya na isang minutong-video lang ang naging batayan, at nagmamasid lang sa harap ng mga computer monitors, nakalimutan nating paganahin ang mga puso natin. (Corny? Kitams. Wala ka talagang puso. Haha.) Nakalimutan nating hindi lang siya isang fictional character. Totoong tao siyang may mga pangarap din na gaya ng lahat. 'Yun nga lang, ng dahil sa iisang kasalanan na 'yun, burado na lahat ng mga magagandang nagawa at gagawin niya pa lang sa buhay niya, sa simpleng dahilang nabuhay siya sa mapanghusgang henerasyon ng kasalukuyan - ang kasalukuyan na ang pagtimbang sa paggawa ng mali at paggawa ng tama ay hindi nasusukat ng tama, at ang mas masaklap, mas mabigat 'yung pagtimbang sa una. 

Tinignan ko 'yung mga posts ng iba. At sa tingin ko hindi naman lahat ng nagpost ay may layunin na ipaalam sa lahat na hindi tama ang ginawa ni Amalayer at magsilbing aral para sa lahat. Karamihan, gusto lang makakuha ng katuwaan at kasikatan mula sa pagkakamali ng iba. 

Wala akong balak ipagtanggol ang kahit sino, dahil ayokong maging trending at mabansagang "Amablogger". At isa pa, mahirap din talaga humanap ng dahilan para ipagtanggol 'yung nagawa ni Amalayer. Ang sinasabi ko lang, tama na. Alam na ni Amalayer ang pagkakamali niya, at sa tingin ko naman hindi na siya nagbabalak pang ulitin 'yun. Lahat naman tayo may mga malalaking kasalanang nagagawa sa buhay, swerte ka lang kasi walang "Bayan Patroller" ang nakamasid sa paligid para ipost ang video mo na nag-aano ka. Malas lang ni Amalayer dahil kinailangan niya pang matutunan 'yung pagkakamali niya sa pinakamasaklap na paraan. Sana lang..hindi na 'to maulit pa.








Ate Paula, hindi ko alam kung may sense, pero pinapatawad kita. Basta...last mo na 'yan ha? 

-- 

(Note: Hindi ko po tinotolerate 'yung ginawa ni Amalayer. Sana naipaliwanag ko na 'to nang maayos. Salamat po sa pagbabasa mo.*_*)


Photo credits: www.shawie.com




Sunday, March 18, 2012

Palibhasa, Bobo.


Bobo ako, pero  hindi naman ako tamad mag-aral, dinadatnan din naman ako ng kasipagan na mas madalas pa sa bwanang-dalaw ng isang dalaga. Wala namang nagsasabing bobo ako nang harap-harapan dahil biniyayaan naman ako ng tadhana ng mga mabubuting kaibigan. 'Yun nga lang, 'yung mga hindi ko kaibigan, letse! Sila ang nagpaparamdam sa'kin na isa akong taong hindi biniyayaan ng utak kahit isang gramo lang.

Nakatatlong taon ako sa Grade 6. Taragis 'yan, grabeng kabobohan. 'Yung ate ko 'nun naka-graduate na sa college at binuhay lang yata 'yung magaling na 'yun para ipamukha sa'kin na hindi nag-eexist ang nervous system sa katawan ko. Araw-araw ba naman sinasabi na wala daw akong utak, kundi ka ba naman mabad-trip 'pag ganun. 'Yung nanay ko naman walang magawa, si ate kasi bumibili ng gamot niya sa high blood eh. Kaya anlakas ng loob ng hayop na 'yun na yurakan 'yung pagkatao ko. Kala mo kung sinong magaling. 

Pagkagraduate ko ng elementary, pucha!  Nagpakain ba naman sa mga kapitbahay namin! Sa wakas daw graduate na 'yung kapatid niyang bobo pagkatapos ng ilang libong taon. Nababanas pa rin ako 'pag naaalala ko 'yun. Sa sobrang asar ko 'nung mga araw na 'yun, hindi ako umuwi sa'min ng isang gabi. Isang gabi lang, nahiya na kasi ako sa pamilya ng besprend ko kung saan ako nagpalipas ng gabi. Pag-uwi ko sa bahay, pinagtawanan ako ng ate ko. Kabobohan ko daw, kung maglalayas daw ako sana tinagalan ko man lang ng ilang araw. Bwiset talaga. At nga pala, ampon kasi ako kaya ganun sa'kin si ate. Katulong nila nanay ko ‘nun tapos namatay nanay ko dahil hinoldap tapos sinaksak 'nung baby pa ko. Tatay ko naman ewan kung sa’n ba ‘yun, ni hindi man lang ako hinanap. Baliw.

'Nung hayskul naman, nasa last section ako, pugad daw ng mga bobong katulad ko. 'Pag nasa last section ka talaga pakiramdam mo para ka lang ligaw na asong ulul na pinipilit turuan ng amo. Nandun 'yung classroom namin malapit sa CR. Putragis talaga, umaalingasaw 'yung baho 'pag nagtuturo 'yung teacher namin sa English pagkatapos ng recess, kaya ang ending, nagpapareport na lang si Ma'am sa mga kaklase kong hindi naman nagrereport kundi nakikipag-gaguhan lang sa mga kaklase naming mga gago din. Iiwan kami ng teacher tapos babalik pag nag-bell na. 'Yung mga nasa section 1, palibhasa mga Diyos kasi kaya alaga ng school. Wala naman kaming magagawa, mga bobo kami eh. Ano nga naman bang mapapala sa'min ng school. Nagsipag-graduate na lang kami na hindi masyadong nalagyan ng palaman ang mga utak. Inisip ko na lang, atlis, nakagraduate ako.

Umabot ako sa kolehiyo nang wala masyadong laman ang utak. Pinilit ko, may pangarap ako eh. Gusto ko makapag-suot ng kurbata tsaka 'yung damit na pinapatong sa long sleeves pag JS Prom, amerikana tawag namin 'dun ng mga kaklase ko 'nung Hayskul. Gusto ko suot-suot ko 'yun araw-araw kahit tirik na tirik ang sikat ng araw tapos naka-kotse ako na kulay black, ay saya! Business pinasukan kong course, sabi kasi ng tita ko 'yun daw 'yung kurso na dapat kong kunin kung gusto ko magsuot ng kurbata at amerikana araw-araw kaya 'yun ang pinasok ko. Namasukan akong kargador ng bigas sa bigasan ng tita ko kasi medyo may kaya din 'yun at wala namang anak, nabaitan naman sa'kin kaya pinag-aral ako. Ayoko na kasi sa bahay eh, nabwibwiset ako sa ate kong leche. Hay nako. So ayun, going back, hindi naman masama. Pinilit kong pigain 'yung utak ko sa unang taon ko. Sabi ko sa sarili ko, hindi ako lalabas sa classroom namin nang hindi man lang nababawasan ng 1% ang kabobohan ko. Nakaraos naman din kahit pa’no. 'Yung mga talagang hindi ko maintindihan na lessons kahit anung pag-tumbling sa ere pa 'yung gawin ko, pinapaturo ko na lang sa kaklase kong mas maraming laman ang utak sa'kin. Salamat naman din talaga sa kanya at pumasang-awa ako. Puro 3.0 ang grades ko, at na-1.0 ko 'yung PE, favorite ko kasi 'yung basketball eh.

Kaso, buwakanangina, hindi ko kinaya. Hiyang hiya ako sa tita ko. Sa pangalawang taon ko sa college, nagsibagsakan na ako. Inang math kasi yan eh, dumali sa’kin nang tuluyan tsaka ‘yung English. Wala na. Hininto ko na lang. Nakatatlong-singko ako, psychology ata ‘yung isa ko pang binagsak. Pero gusto ko talaga makatapos man lang ako kahit ano. Kaya pinatos ko na lang ‘yung kursong bokasyonal, ‘yung pag-eelectrician sa TESDA. Mahilig din naman kasi ako magbuting-ting ng mga gamit sa bahay. Pinangarap ko nga maging electrical engineer noon kaso binawi ko din agad kasi nga papatayin ako ng Math. Sa kabutihang palad, natapos ko naman nang maayos ang 396 hours na kursong ‘yun. Nagkaroon ako ng diploma at tinulungan ako ng naging propesor namin para makapasok ako sa pinagtatrabahuhan ko ngayon.

Eto ako ngayon. Nagkaroon ako ng asawa na public school teacher at nagkaroon kami ng dalawang anak. Sapat lang ang kinikita naming mag-asawa para makakain ng tatlong beses sa isang araw at mapag-aral ‘yung mga maliliit naming anak. Hindi natupad ‘yung pangarap ko na maging businessman na nakakurbata at naka-amerikana. Sobrang bobo kasi ako – sobrang bobo para agad na sumuko. Nagpalamon ako sa tatlong singko na nakuha ko ‘nung second year college pa lang ako. Masyado kong dinibdib ‘yung pagturing sa sarili ko na isang bobo gayong hindi naman ako nagpursige sa pangarap ko at sumuko na lang basta-basta. Pakiramdam ko ‘nun nawalan ako ng silbi sa mundo, dinaig ko pa ‘yung mga kuto ng ate ko sa buhok niya. May pag-asa pa sana ako tumalino nang kaunti kung nagpursige ako, kaso wala, hanggang sa kahuli-hulihan, naging bobo ako.

‘Yung ate ko sa Amerika na nakatira, sinama na niya si nanay. Hindi naman nila talaga ko kadugo kaya wala na rin silang pakealam sa’kin. Inisip siguro nila wala rin naman akong pakinabang. Lumipas ang mahabang panahon at unti-unti na ring nawala ‘yung pakialam ko sa kanila. Pero hindi nangangahulugan na hindi ako tumatanaw ng utang na loob sa kanila. Bobo ako – pero marunong naman ako maging tao.

“I stood up as best I could to their disgusting stupidity and brutality, but I did not, of course, manage to beat them at their own game. It was a fight to the bitter end, one in which I was not defending ideals or beliefs but simply my own self.
-George Grosz


----
Photo credits: www.mshape.wordpress.com

Tuesday, February 21, 2012

Hindi Ang Oras

Wala naman talagang oras na mabilis o kaya oras na mabagal. Constant ang oras. Patuloy 'yang papatak kada segundo.. Walang makapagpapahinto. Nonstop.

Nasa eksaktong 10:20 pm ang orasan nang huli ko itong tignan bago ko simulan ang kalokohang ito, ay este, ang blog na ito. Titingin ulit ako sa orasan ha, wait. Okay. 10:26pm na. Ibig sabihin 6 minutes lang pala ang nakalipas pero pakiramdam ko kinse minutos na. Utak ko ang mabagal, hindi ang oras.

8 months and 6 days na ang nakalipas mula 'nung nilayasan ko ang 'Pinas. Pero pakiramdam ko wala pang kalahating taon. Kaya pakiramdam ko tuloy, wala namang nagbago sa mga bagay-bagay. Pero pagtingin ko sa Facebook page ng Bench, may bago na silang Pop-Up Store sa TriNoma at nasa TV5 na pala ngayon si David Archuleta at isa nang ganap na astista sa 'Pinas. 'Yung crush ko may girlfriend na pala, anak ng tinapa. Mga kaganapan ang mabilis, hindi ang oras.

Isang dekada na niya palang mahal 'yun. Pero lahat na ng pag-ibig sa puso niya, nawala nang lahat. Isang dekada... na parang isang ligaw na bula na biglang nawala. Puso't-isip ang nagpatigil, hindi ang oras.


Maliit na bata lang siya dati. Nakakalong at nabubuhat ko pa nga at naibabato sa buhangin sa tabing-dagat. Pero ngayon, ni hindi ko na siya kayang pigilan sa kung ano man ang gusto niyang gawin sa buhay. Malaya na siya, malaki na. Katawan at pagkatao ang nagpatakbo ng lahat, hindi ang oras. 


Lumilipas ang panahon, pero ang oras, hindi nauubos. Tatanda ang tao ('wag lang mamamatay agad). Mapapanot ang noo, mawawalan ng lakas at ng memorya, puputi ang buhok...hanggang sa ang puso'y mapagod na sa pagtibok. Ganyan ang buhay ng tao. Ganyan ang mundo. Kaya sino ka para sayangin 'to nang sariling hinanakit mo? At sino ka para mawalan ng pag-asa at sumimangot gayong hindi mo naman pasan ang problema ng mundo? Sisihin mo ang sarili mo, hindi ang sinasabi mong mabilis o mabagal na oras.


Tahimik ang paligid ko ngayon. Pakiramdam ko walang gumagalaw. Pero naririnig ko ang pagpatak ng oras sa orasan na nasa tapat ko lang ngayon, tumigil na ang lahat..pati ang pagtibok ng puso ko, pero ang oras..patuloy na tumatakbo, hindi napapagod, walang balak huminto. 


May oras ka pa.




---
Photo credits to www.theexperiencejunkie.com

Saturday, September 10, 2011

Psst. Gusto Kita Maging Syota

Dear Chikabebe, 


Kamusta na bhe? 


Alam mo na siguro ngayon na gusto kita maging syota. Ang ganda ng ngiti mo sa'ken kanina. Nakakatunaw. Feeling ko ako na ang reyna ng mundo. At ikaw ang hari..asus. Ikaw na ata ang pinaka-astig na lalaking nakilala ko. Alam mo 'yun. Para kang 'yung mga leading man sa mga pinapanood kong koreanovela, hindi ka nga lang singkit pero okay na 'yun. Ang astig mo pa maglakad. Tapos 'yung mga mata mo..tae wala ko masabe. 'Wag mo lang subukan tignan ako sa mata baka malasing ako pare. Hinahanap hanap ka na ng mga mata ko araw-araw. Pakiss nga. Pero 'wag kang mag-alala kung iniisip mong 'yung panlabas na anyo mo lang ang gusto ko. Sabihin na nating ganun na nga. Pero hindi naman ganun katindi 'yun.


Pero seryoso. Hindi ko alam kung anung meron sa'yo bakit gustong gusto kita. Hindi ka naman talaga masyadong gwapo, siguro hinahanap hanap ka lang talaga ng mga mata ko kaya gwapo tingin ko sa'yo. Nagising na lang ako kaninang umaga tapos sabi ko sa isip ko mukhang gusto kitang boyprenin. Kaso mukhang hindi naman ako 'yung tipo mo. Katulad ka din siguro ng ibang lalaki d'yan na may standards tulad ng legs na kumikinang-kinang. 'Yung legs ko kasi kasinlaki lang ng balakang. Siguro mahilig ka din sa mga sexy at nakakamatay ang kagandahan. Ganun din naman ako dati, binulutong lang ako. Gusto mo din siguro 'yung model ang dating. Eh nagmomodel lang ako 'pag kapatid ko lang ang nakatingin. In short, syempre tulad ng mga normal na lalaki, gusto mo rin 'yung mga mukhang anghel. Mukhang anghel din naman ako..sa puso ng mama ko. 




Pero seryoso. Gusto kita. Gusto kita sa simpleng dahilang gusto kita. Hindi mo man 'yun alam, pero gusto ko malaman mong gusto kita. Mula sa araw na 'to, marami na akong mga bagay na gustong gawin sa buhay na gusto ko ikaw ang kasabay. Gusto kong mabuhay sa mundong 'to na ikaw ang nasa tabi ko. Gusto kong kumain ng sushi na ikaw ang maghihiwalay ng chopsticks ko tapos tuturuan mo ko kung panu, kahit abutin tayo ng 3 months and 2 days. Gusto kong mamasyal tayo sa mall na holding hands habang kinukwento mo saken kung anung ulam mo kagabi at kung paano ka nalungkot kasi hindi mo ko nabigyan kahit konte. Gusto ko ako una mong kukwentuhan kapag pasado o bagsak ka sa quiz mo saulog  school tapos kung sakaling bagsak ka man, gagawan na lang kita ng halo halo na gamit ang snow bilang yelo bilang pampalubag loob. Gusto ko itetext mo ko lagi tapos i love you ka maya't-maya..ay nako sarap. Tapos ano.. ahm. Gusto ko din i miss you ka ng i miss you saken kasi kada paglingon mo palayo saken, hindi mo na agad kaya..ay naman sh*t. Gusto ko din na kapag hindi ako makatulog sa gabi, tatawagan mo ko at kakantahan mo ko ng sweet hanggang sa makatulog ako..oww men. Gusto ko din ako ang nasa wallpaper mo. Naman. At palagi mong sasabihin saken na 'wag akong mag-alala, hinding hindi mo ko iiwan at ako na ang huling babaeng magiging ka-in a relationship mo sa facebook at palagi mo kong poprotektahan at lagi mo ko ililibre at lagi mong ipaparamdam saken na ang isang katulad ko, ay pinapahalagahan na parang isang mamahaling diamond na hindi mo maaaring basagin dahil yari ka boy. I mean, hinding hindi mo ko sasaktan kasi ganun mo ko kamahal. At wala ka ng ibang iisipin kundi ang kung paano mo ako mapapasaya. Yeah rock on talaga 'yun.


Iniisip ko pa lang 'yan, ang saya saya ko na. Paano pa kaya kung mangyari sa totoong buhay. Ang saya sanang isipin na sa pagdilat ng mata mo sa umaga, picture ko agad ang titignan mo. Ang saya din 'pag naiisip kita na naiisip mo ko 'pag dumadaan ka sa bilihan ng mga gamit na pambabae tapos iisipin mo bagay sa'ken 'yun. Masaya din pag naiisip kong makita mo palang pangalan ko sa inbox mo, anlakas na ng tibok ng puso mo. (wahaha) Ang sarap sanang isipin na kahit hindi ako ang tipo mong babae at kahit 'di ako ganun kaganda ng tulad ng mga babaeng pinapangarap mo, minahal mo pa rin ako ng totoong totoo. Sobrang saya 'nun kung sakali. Kung sakali. Kung. Sakali. 


 Pero syempre. Tanggap ko naman na hanggang kaibigan lang ako sa'yo. At kung sakali man na magkakagusto ka  o may gusto ka na sa iba, matatanggap ko 'yun at susuportahan kita..dahil wala rin namang ibang importante saken kundi ang kung paano ka mapapasaya. (Pero sana naman kumikinang-kinang din legs nya) 


Hay. Antindi ng nagagawa ng ngiti mo saken nu? Kung anu-ano na agad naiisip ko. Panu kaya kung 'yang mga 'yan din ang naiisip mo sa mga oras na to? 


 Asa naman ako. 


 Lovelots, 


 Your Bh3bh3 ghUrL_99 


 P.S. xoxoxoxoxox








 ------------
(Naghahanap ako ng matinong pic para sa blog na to (na hindi ko alam bakit ko to ginawa). Tinype ko, "future boyfriend" tapos yan ang unang unang lumabas. Tindi ng tadhana. Rock.) photo credit: http://www.sodahead.com

Saturday, February 26, 2011

Do-Re-Mi-So-Fa-Ti-La-Do..Tsk!

"..but when I first fell in love with the piano, I knew it was me. I was dying to play."
Alicia Keys

Isa na siguro sa mga pinakamasarap na pakiramdam sa mundo ay 'yung magkaroon ng talento sa pagtugtog ng mga musical instrumentsss, o kahit musical instrument lang. 'Yung tipong kahit ano pang damdamin ang pinakatatago-tago mo diyan sa puso mo, e kaya mong isigaw sa mundo sa pamamagitan lang ng pagkaskas ng gitara, pagwawala sa drumset, pagpapasabog ng beatbox, o kaya sa pagpikit ng mata at pagkalabit sa mga tiklado ng piano sa saliw ng mga musikang nagpapalakas sa tibok ng puso mo. 'Yun bang konting pakikipag-jam mo lang sa instrumentong napili mong tugtugin, e para bang gumagaan na agad ang pakiramdam mo at pakiramdam mo musika na ang solusyon sa problema ng mundo - pansamantala.

Nasa puso mo na ang pagmamahal sa musika, punung-puno na ang kaluluwa mo ng mga himig na handa mo nang tugtugin bilang tanda ng pagpapakita nang tunay mong nararamdaman. Madulas na ang utak mo para ilapat ang mga salitang bubuo sa kantang nagsusumigaw na diyan sa kalooban mo. Kaso may problema... wala kang talent!! wala kang alam tugtugin!! WALA! WALA!! Pa'ano 'yan??? Pipikit ka na lang at mag-iimagine na marunong ka magpiano?? Baliw! Baliw! Baliw ka Eych! Ilusyonada!! Waaaaaaaaaahh! Haha.

Nakakabadtrip di ba??

Bumili ako ng electronic keyboard 'nung isang araw. Biglaan lang 'yun. Nanggaling lang talaga ako sa kaibigan ko na marunong mag-piano at nagpaturo at natuwa at napangiti at nangarap na makatugtog sa pamamagitan ng mga daliri kong may tig-0.5 centimeter na kuko at napangiti ulet at napaisip what if bumili din ako ng keyboard ko, napadaan sa bilihan ng mga keyboard at nagdownpayment at kinuha din kinabukasan gamit ang allowance ko for one week at ayun. (Whooh) Instant. Nagkaroon ako ng piano. (Piano na lang, ang haba kasi pag electronic keyboard. hehe.)

Palibhasa excited, inuwi namin agad ng Kuya ko 'yung piano, dapat may libreng tutor 'yun kaso naalala ko hindi ko pala dinadala yung utak ko kapag umaalis ako ng bahay, baka magpakamatay pa yung magtuturo saken sa sobrang slow ko. Wala akong alam tugtugin kahit isa, ay meron pala, 'yung korean na kanta na paborito ko kaso hanggang unang verse lang, ampanget pa pakinggan. No choice. Kelangan ko turuan ang sarili ko. Kelangan ko magtyaga magturo sa row 4 na bata. Naisip ko din na tama 'yung kaibigan ko na okay din kung bibili ako ng piano para naman may alam akong tugtugin kahit man lang isang instrument. Pero ang totoo, pina-realize niya lang saken na wala talaga akong talent. Haha.

(Kasalukuyan akong nilalagyan ng lotion ng kapatid ko sa hita at sa mukha, ewan kung bakit.)

Ang hirap pala. Para kang sumusugal sa isang bagay na hindi mo alam kung meron ka bang makukuha sa huli. Hindi mo alam kung para sa'yo nga ba talaga 'yung ginagawa mong pagtyatyaga.

(Para senti ang dating, ikokonek ko sa pag-ibig.)

Halimbawa may gusto ko sa taong hindi ka gusto. Para kang nagbubuhos ng atensyon sa isang tao na hindi mo naman alam kung inilaan ba ng tadhana para sayo. Minsan kahit anong pilit mo, at kahit na anong pagsisikap mo na iparamdam sa taong 'yun na gustong gusto mo siya, madalas hindi pa rin sapat dahil sa huli, 'yung nararamdaman niya pa rin ang tatapos sa usapan. Sa kabila ng lahat, hindi mo pa rin kayang makuha ang puso niya. Parang sa pag-aaral din ng piano, o kahit sa anong musical instrument na bet mo, kung wala ka naman talagang alam at gusto mo lang, malaki ang posibilidad na sa kabila ng lahat ng pagsisikap mo, hindi ka pa rin marunong. Sa kabila ng lahat, hindi mo pa rin makuha ang tamang paraan sa pagtugtog nito. Buhay nga naman. (Pero don't worry, saken lang siguro applicable yan. Bakit kasi ang hirap ko turuan? Haha.)

"..music expresses that which cannot be said and on which it is impossible to be silent."
Victor Hugo

Paano na lang pala kung walang music? Kaya mo bang iimagine na mabuhay sa mundo nang walang musika? Pwede naman, kasi hindi ka naman mamamatay kung walang music. Pero may mga ilang bagay lang kasi talaga sa buhay na kapag hindi nag-exist sa mundo mo, e para ka na ring nabubuhay dahil obligado ka lang mabuhay, at hindi dahil sa gusto mo talaga mabuhay.

Sana nalalaman din ng tao kung para saan siya nakalaan sa mundo, o kahit clue lang. Sana nung bumili ako ng piano, binulungan man lang ako ni Beethoven ng, "Ul*l! Bibili ka ng piano?? Ni Do-Re-Mi nga hindi mo memorized! Chaka mo!". Kaso hindi ganun ang buhay eh. Hinding-hindi.

Do ------------- Do you ever imagined how much I've tried?
Re ------------- Remember the things we do together, 'til the day we die.
Mi ------------- Meaningful memories, buried deep within my heart.
Fa ------------- Fantasy, fantasy. Is that all you can be in me?
So ------------- Sonatas are dancing on my soul, like you are in my mind.
La ------------- Lasting fragrance of your embrace, swaying with the wind.
Ti ------------- 'Til the day I get your heart, I'll keep trying.
Do ------------- Don't stop existing in my world, I might suddenly disappear.

-DoReMi

Now Listening : Kiss in The Rain - Yiruma.

P.S.
Sana malaman ko address ni Alicia Keys. Wala lang. Papatulong lang ako magpapayat.



Photo: http://i300.photobucket.com/albums/nn27/ilovemusic227/music.jpg

Wednesday, September 1, 2010

PAGBABAGO: pwede mong sabayan pero hindi mo pwedeng pigilan


ang bilis umikot ng mundo noh?buti hindi siya nahihilo.parang kelan lang ,ngayon! eh ngayon na talaga.ang daming magbabago,ang daming sumusulpot at biglang mawawala. wala na talagang permanente sa mundo maliban sa mga pagkakataaon nararanasan natin na sa di katagalan isa na lamang nakaraan.

nakakamiss yung mga panahon kinakagat mo yung bakal ng monggol pencil mo para lumabas yung pambura at makapagbura ka nuh,ang mahirap lang dun hiraman pa kayo ng mga klasmeyt mo sa iisang lapis iisang bakal iisang kagat hindi pa kasi natin alam nun yung salitang kadiri eh.samantang ngayon pag g-tech gtech kana naghahanap ka pa ng .3 eh kamuka mo naman yung sulat mo(its up to you,judge yourself)

mabilisan tanong mula sa aking kaibigan!

sinisilip mo din ba yung ref nyo habang sinasara mo kung paano namamatay yung ilaw,kumakanta ka din ba ng mga kanta ng westlife,bakstritboys,a1,m2m,spicegirls sa harapan ng electricfan na sarap na sarap kang saluhin ang lahat ng alikabok,sumusulat ka din ba ng pangalan mo *love* pangalan ng kras mo sa maalikabok na salamin ng sasakyan?o nagpauto ka din sa punyetang nagkalat ng tsismis na dumadami at nabubuntis ang mga kisses pag binabad sa pabango,lalo na pag tinakas mo ang pabango ng nanay mo!!

ang sarap sulyap-sulyapang ng mga ganung pagkakataon sa buhay natin noh,ngayon napapangiti ka kung minsan nahihiya ka pa tuwing pinapaalala ng mga magulang mo sayo,hmm kasi nga matanda ka na isa yan sa masistemang proseso sa buhay ng isang tao ,ang pagtanda hindi lang sa edad pati na rin sa isip

siguro kaya mo nagawa ang mga nakakatawang kalokohan mo nung ikaw ay musmos palang eh para ngayon matanda ka na maaalala mo at meron kang mga bagay na pagtatawanan *HINDI LANG SA IBANG TAO* pati na rin sa sarili mo


marami na kaseng nagbago at magbabago

at mangyayari ang lahat ng yan sa tamang panahon.hindi pedeng pahintuin mo at itambay mo yung sarili mo sa kung anung buhay meron ka dati o ngayon dahil patuloy na dadaloy ang buhay mo,patuloy na iikot ang mundo sa axis nito,lulubog-lilitaw ang araw,uulan-aaraw,dadaan ang maraming bagyo,makakaranas tayo ng elniño at marami pa ang magbabago pero bukod sa presyo ng fishball na 50cents isa ring pinakapermanenteng bagay sa buhay natin ang "PAGBABAGO" ang kaylangan mo lang sumabay,parang isang pustahan yan pero dito sumusugal ka pang panalo ka na agad

oo masarap balik-balikan ang mga maliligayang araw natin sa ating kabataan.pero diba't mas masarap isipin na yung simpleng bata na nanghihingi ng kaunting barya pambili ng cottoncandy eh ngayon nakakapagsulat na sulating binabasa mo ngayon,mula sa A,E,I,O,U ngayon may pa "if a wood chuck could chuck wood how much wood would a wood....blah blah pfft !@#$%$^&*" kana.

mula sa simpleng batang naglalaro at tumitikim ng sariling sipon hanggang sa ating pagtanda

marami talaga ang magbabago pwede mong muling sulyapan ang nakaraan pero hindi mo na literal na mababalikan ,magbabago ang lahat pwede mong sabayan pero hindi mo mapipigilan

-bow-

karlnuqui sept 1/10 hapi bermonths sa lahat ng mambabasa

Sunday, August 8, 2010

Aral Hangga't Kaya, Review Hanggang Mamatay

Paunawa: Kung tamad kang mag-aral, ibang blog na lang ang basahin. Thanks. -Management


Katatapos lang ng midterm namin na ginanap ngayong linggo, (as in ngayong Sunday talaga, tibay ng mukha), hindi pa rin ako binabalatuhan ng tadhana ng kaunting pirasong pahinga.

Wala dapat ako sa harap ng computer na 'to (na napakaliit ng monitor, sinliit ng utak ko, ooppss.. wala pala ko nun), dapat e tinatapos ko 'yung mga assignments na hindi pa nagagawa at dapat inaaral ang mga lessons na halos habambuhay ko nang pinag-aaralan na letse hindi matapos-tapos (sorry Mama for the bad word). Buhay na walang pahinga, kala mo kumikita at kumakayod para sa sariling pamilya, daig pang kalabaw.

Napakahirap talagang mag-aral. 'Yung tipong bibuhos mo na lahat ng oras mo pero parang andami mo pa ring dapat gawin. Halos hindi ka na matulog, may maisagot lang sa quiz kinabukasan na ibibigay ng prof mo na hindi naman nagtuturo, tapos isang malaking "5" na nakasulat sa pulang tinta ng bolpen ang magiging reward mo.

Anak ng takubets talaga.


Pero syempre, hindi naman ako nag-iisa. Bilang patunay, eto: (mga status message sa Facebook ng mga classmates kong badtrip)

"Ang lakas makasira ng ulo ang pag-aaral.
Malapit na ko kumain ng tao..."

"soon.. my head will explode.. can't handle it anymore.. my head's pounding lyk crazy.. brain says, "cut it out j9! Im soo tired with all dis cost! stop computing, drop dead, and get lost!"

"ACCOUNTANCY GIVES HIGH MORTALITY RATE..
~cge!aral pa.. :)"

"bakit nag-aaral pa ko? wala naman akong sweldo. badtrip!"


Over! Di ba anlagay? Hindi na kayang pumikit ng mga mata ko at huminga ng ilong ko (ay wala pala kong ilong, sori na). Ang hirap maging college! Wala ka nang social life. Wag na wag mong tatangkain magboyfriend dahil sigurado kinabukasan break na kayo. Minsan hindi ko na rin alam kung nag-aaral ba talaga ko dahil gusto kong may matutunan o takot lang ako sa prof ko na kumakain ng tao at lumulunok ng electric fan?

Pero bakit sa kabila ng lahat ng pagkayamot, pagkabagot, pagkainis, pagtitiis, at pagpipigil na gumala at makipagholding-hands sa SM (pero syempre joke lang), bakit nandito pa rin ako - dito sa mundo na araw-araw kong pinuputakte ng reklamo?

Sa simpleng dahilan na may pangarap ako.

Oo, napakahirap ngang mag-aral. Kung tutuusin, isang malaking sugal ang pag-aaral. Ang pinagkaiba nga lang nito sa sugal, kahit ipusta mo pa ang lahat ng kaya mong ipusta, sa bandang huli, makukuha mo pa ring ngumiti kahit anong mangyari, at siguradong may panalo ka. Wala rin namang pumipilit na mag-aral kang mabuti at magtanim ng eyebags sa mata mo, pero pinili mo pa ring ituloy ang laban dahil sa mga pangarap mo - maliit man yun o malaki. Kaya kung nahihirapan kang mag-aral, isipin mong mas mahirap kung hindi ka nakapag-aral.

Wag mo na lang din isipin ang hirap, dahil hindi ka naman talaga nag-aral para maghirap. Narealize ko yan kanina habang nakasakay sa LRT at ewan kung bakit.

Kaya habang kaya pa, aja! Isantabi ang mga reklamo na dahil 'yan ang kakain sa mga diskarte mo, sigurado. Magsakripisyo ka muna. Konting-konti na lang, maabot mo na ang tagumpay. Aja! =)

(Nag-blog ba ko para pagsabihan ang sarili ko?) Log out.

Wednesday, July 21, 2010

LIVE , LAUGH , LOVE !!!!!!!


habang ginagawa ko itong blog na to ,hindi ko alam kung masusundan ko pa ulit ito,mamaya pagkatapos nito matutulog naman ako pero hindi ko din alam kung magigising pa ako,paglabas ko ng pinto ng bahay namin hindi ko alam kung may pagkakataon pa kong pumasok ulit,pagsakay ko ng jeep hindi ko alam kung makakababa pa ako paginsert ko ng lrt card sa machine maibalikko pa kaya ito ??pag sinabi ko kay angel locsin na i love you makakarinig pa kaya ako ng i love you too??eh panu kung bigla na lang akong mawala sa mundo?

yan ang buhay hindi mo alam kung hanggang kelan, hindi mo alam kung hanggang saan,at lalong hindinghindi mo alam kung kelan mawawakasan...in short walang kasiguraduhan..

gaano nga ba o paano nasusukat ang ikli o haba ang buhay ng isang tao ? sa tagal ba ng panahon na nakatapak sya sa lupa?sa dami ng nasinghot nyang oxygen at binubuga nyang carbon dioxide?madalas nagiging basehan ng haba o ikli ng buhay ng isang tao ay ang edad nito na tama nga naman mas matanda mas mahaba ang buhay,nung bata kasi ako ang naging paniniwala ko mas malaki ang tenga mas mahaba daw ang buhay, mas madami at mahahabang noodles ng spageti at pancit ang nakain mo mas hahaba daw ang buhay mo ajejeje

paano ka nga ba masasatisfy sa buhay na meron ka at haba ng buhay na magkakaron ka?paano ka nga ba magiging masaya sa buhay mo? kelan mo nga ba masasabing "pwede na kong mamatay"

ang buhay mabilis lang hindi mo mapapansin parang pagikot ng mundo hindi ramdam,parang snatcher yan mabilis kang nanakawin nito sa mga tao at mundong iiwan mo, kaya hanggat maaga pa gawin mong makabuluhan ang buhay mo lagyan mo ng katuturan, lagyan mo ng silbi wag kang maging pandagdag lang sa lumalagong populasyon ng mundo ,bago dumating yung panahon na magsisisi ka at wala kang kayang gawin kundi titigan yung sarili mong katawan nakahiga at iniiyakan ng mga taong nagmamahal sayo,yung yumayaman na ang mga kapitbahay mo sa pagsasakla at paglulucky9 sa tapat ng bahay mo dahil sa pagkawala mo

gawin mong kapakipakinabang yung buhay mo,lagyan mo ng direksyon,mabuhay ka hindi para sa sarili mo lang, mabuhay ka ng hindi lang puro sarili mo ang iniisip mo,mabuhay ka para sayo at ibang tao,at para sa buong mundo , hindi yung wala kang ginawa kundi hampasin ng tsinelas mo ang bawat makikita mong mga nananahimik na ipis,yung wala kang ginawa kundi magabang ng taho sa gabi at balot sa umaga,wag mong ubusin yung oras mo kakaiyak at kakaemo mo dahil pinagpalit ka ng shota mo,maraming dahilan para maging masaya ang buhay. wag kang mabulag sa mga malulungkot na bagay na nangyayari sa buhay mo


hindi na importante kung maiksi o matagal ang magiging buhay mo dito sa earth ,hindi na yun ang sukatan,ang sukatan dun eh kung naging masaya ka ba at marami kang taong napasaya kung nagkaroon ba ng kabuluhan ang buhay mo.

sabi nga nila,,,, MASAYA ANG BUHAY KAYA MABUHAY KA NG MASAYA



karlnuqui july21,2010 10:30 pm


Friday, May 7, 2010

Da Green Blog

Bukod sa utak mo, ano pang ibang bagay ang sumasagi sa isip mo kapag naririnig mo ang salitang "green"? Sabi ng kaibigan kong matalino, maganda at sexy (Paid for by friends of Mitch Mari), gusto niya daw ng blog na tungkol sa kulay berde. Berde as in green. Green as in green. Andami na daw kasing kahulugan ng green sa panahon ngayon. Oo nga naman. Inabusong kulay. Andaming ibig sabihin. Mula sa pinakaimportante (green nature) hanggang sa pinakawalang kwenta (green mind), may kahulugan ang nasabing kulay. Eh ano nga ba ang mga bagay na kumakatawan sa berde? Let's busisi.


Green is Clean.



Ang sarap nga namang tumira sa kulay green na mundo. Ang ibig kong sabihin, kung ang buong mundo ay puno ng mga nagluluntiang mga puno at halaman, walang dudang hindi ka maagang mamamatay dahil sininghot na ng mga ito ang masasamang hanging dulot ng iba't-ibang mga bagay sa kapaligiran at dulot ng katawan mo. Luntiang kapaligiran.

Green tea.

Imagine: Mainit na tsaa sa isang malamig na umaga.



Uso na ang green tea ngayon. Sumasabay sa Super Juniors, U-Kiss at Noynoy Aquino. Napakaraming magagandang epekto ang naidudulot ng green tea sa katawan kaya naman highly recommended ito para sa lahat. Inuming green.


Green is refreshing.


Imagine: Nakaupo ka sa isang lugar na ikaw lang mag-isa at kulay luntian ang buong kapaligiran habang dumadampi sa mga mukha mo ang masarap na simoy ng hangin at habang nag-iisip-isip ka tungkol sa buhay. Refreshing.




Green Campaign.



Kung bakit kulay green ang ginamit ni Gibo sa kanyang kampanya, e hindi ko alam. Siguro dahil nagamit na yung three primary colors sa color wheel. No choice.

Green means Go.




Ah! Kaya siguro green ang napili ni Gibo dahil green means go. Sulong G1BO. Ah. (alam ko walang sense ang sentence na to haha)

At ang pinakamatindi sa lahat:

Green mind.



Hindi ko talaga maintindihan kung bakit sinasabing "green-minded" ang isang taong madumi ang isip. Hindi naman kulay green ang mga reproductive organs. Wala naman sigurong kulay green kapg may churvahan at hindi naman kulay green ang ano. Basta. Bakit nga ba kulay green? Pero sabi naman ng iba, ang pagiging green minded daw ay tanda ng pagiging matalino. Kung paano, e hindi ko din alam. Green minded.

Marami pang ibig sabihin ang kulay green. Ayon sa Emily Gems (www.crystal-cure.com):

Green is the color of nature, fertility, life. Grass green is the most restful color. Green symbolizes self-respect and well being. Green is the color of balance. It also means learning, growth and harmony. Green is a safe color, if you don't know what color to use anywhere use green.

Green is favored by well balanced people. Green symbolizes the master healer and the life force. It often symbolizes money. It was believed green was healing for the eyes. Egyptians wore green eyeliner. Green eyeshades are still used. You should eat raw green foods for good health. Friday is the day of green. Green jade is a sacred stone of Asia.
Green Energy

Green contains the powerful energies of nature, growth, desire to expand or increase. Balance and a sense of order are found in the color green. Change and transformation is necessary for growth, and so this ability to sustain changes is also a part of the energy of green.

Put some green in your life when you want:

* a new state of balance
* feel a need for change or growth
* freedom to pursue new ideas
* protection from fears and anxieties connected with the demands of others

Napakaraming ibig sabihin.

"The whole world, as we experience it visually, comes to us through the mystic realm of color."
-Hans Hofmann

Anuman ang kulay ng buhay, matuto kang sumabay. Hindi sa lahat ng oras kulay green, red, orange, pink, yello, blue, fusc.. fush.. pfus.. fuschia (?) ang buhay. Pero laging tatandaan sa sa bawat kulay, may iba't-ibang istoryang maaring mabuo - mga istoryang bubuo at magbibigay kulay sa buong pagkatao mo.

At kung bakit naisipan kong mag-blog ng tungkol sa kulay green,ay kasalanan ng isang Engineering student na magaling sumagot sa Formspring na paborito ang kulay green at hindi green minded.

Friday, April 30, 2010

MATURITY!!!!


maturity maturity isa sa mabentang mabentang ideya ngayon yan lalong lalo na sa buhay kolehiyo

o buhay teenager isang malalim na palaisipan kung anu nga ba ang konsepto sa likod ng ideyang maturity

payak na salita simpleng termino ngunit kumplikado ang kahulugan at mahirap isabuhay ng mga ilan sa atin



eh anu nga ba talaga ang maturity???….ito ba yung pag pwede ka nang bumoto?ito ba yung pag pwede ka nang bumili ng serbesa sa 7eleven??

ito ba yung pag pwede ka nang ipiit sa bilibid prison?ito ba yung pag pwede ka nang pumasok sa pegasus?ITO BA ANG MATURITY??



sabi naman nung iba ito daw yung pag para kanang si Fernando Jose sa palabas na ‘rosalinda sa ganda at porma ng iyong mga bigote

o yung ala Arnold S***neger sa kurba ng mga maskels mo??o yung para ka nang si maria ozawa sa laki ng boobs at hugis ng balakang mo?

ITO BA ANG MATURITY??


basagin na ang salamin ng kamangmangan gumising ka kaibigan. ang maturity ay wala sa kung anung edad mo na, wala sa uri ng mga bagay n a nagagawa mo na at pwedeng pwede mo nang gawin, hindi din proket malago na ang buhok mo sa k*likili ehh matured ka na,hindi din sapat na dahilan na cap G na ang size ng bra mo eh

masasabi mo na sa sarili mo na matured ka na



ang maturity ng isang tao ay nababatay hmm simple lang kung nabubuhay ka nang hindi lang “katalinuhan” ang daladala ng kokote mo yung may laman din na “karunungan”

magkaiba kasi ang dalawa(ieexplain ko pa ba?WAG NA!) minsan kasi kahit nasa tamang edad na tayo at alam na natin kung anu ba ang tama at kung anu ba ang mali pero hindi naman natin maisagawa ang mga bagay na nakakabuti at makakabuti



MATURITY yun yung kaya mo nang makagawa ng isang desisyon na nakabatay hindi lang sa kung anu ang tama bagkus sa kung anu sa tingin mo ang makakabuti hindi naman kasi lahat ng tama eh makakabuti



isa naman sa pinaka pamosong linya ng mga kabataan ngayun laban sa kanilang mga magulang ay ang linyang



“ma,pa MATANDA na ako alam ko na ang ginagawa ko “ *FAIL !!!!!!!!!!!!!!!!!!!*



katarantaduhan..MUCH… ehh anu kung nasa hustong gulang ka na alam naman ng mga magulang mo yun ehh ang problema sa ibang kabataan ngayon ginagawa na tong excuse . eh yung iba nasa tamang edad na nga pero yung uri ng pagpapatakbo ng buhay nila eh masasabi mong walang kaaseasenso



ika nga ni kuya juan…..”you need to strike the opposite inorder for you to hit the balance” (anu raw?!?! kuya juan galit ka ba bkit ka nageenglish..)



ehem ibig sabihin mabuhay ka nang may dahilan ng epektibo at produktibo,yung nabubuhay ka at hindi mo masasabi sa sarili mo na pandagdag ka lang sa lumalagong populasyon ng bansa ,mabuhay ka ng may sense yung may right path na pinagbabatayan,yung may katuturan hindi lang puro happy happy COZ LIFE IS NOT JUST A PARTY!!! hindi lang puro rock and roll chillin chillin and tipsy tipsy wag mung gawing libangan ang mga bagay na nangangailangan ng kaseryosohan dahil may mga pagkakataon para sa ganyan mabuhay ka hindi lang para sa sarili mo mabuhay ka para sayo at para sa mundong ginagalawan mo ….



yan ang maturity payak na salita simpleng termino kumplikadong kahulugan at mahirap man isabuhay ngunit sa oras na makamit mo

saka mo mapapatunayan sa srili at sa buong mundo na ….TAO KA!!!!!!!!!!!!!!..



LEAVE YOUR COMFORT ZONE FACE LIFE!!!!!!!!!!!!!!!!









-nuqui,karljoseph04/29/10

Thursday, April 29, 2010

KaIBIGan


Parang icecream na kumukulo sa inet

Parang isang malakas na ulan sa panahon ng El Niño

Ganyan na nga ba kaimposibleng mahalin mo din ako?

Lalagyan ko ng tinta ang lapis

Gagawin kong parisukat ang earth

Hindi ko alam kung kakayanin ko

Pero mahal kita kaya handa akong magpakagago.

Kung may salamin man ang katotohanan

Sana’y mabulag na lang ako sa kasinungalingan

Kung ang tangi ko lang masisilayan

Ay ang ating imposibleng pagmamahalan.

Ngayong gising na gising na ako

Sa panaginip na matagal akong nilaro

Ngayo’y mulat na ang aking isip

Sana’y pati ang puso ko ay mahagip.

Itong nararamdaman ko’y gusto man labanan

Ang puso ko nama’y gusto pa rin subukan

Kahit alam kong magkaibigan lang tayo

Pasensya ka na miss sa kakupalan ko.

Sabi nga ni Dr. LOVE pagnagmahal ka

Hilingin mo na maging masaya sya

Mahalin mo lang sya ng mahalin

'Wag kang humingi ng kapalit na ikaw ay mahalin nya rin.

Madaling sabihin pero mahirap isabuhay

Ang mangarap ba nayon ay isa nang kasalanan??

Tulad ng hiling sayo ng iba mong kaibigan, gusto din kitang maging masaya.

Ngunit dadating pa kaya ang pagkakataon

Na ako naman ANG TANGING DAHILAN kung bakit ka MASAYA?

Hindi ko man masabi kung gaano kita kamahal nang harapan

Sa pamamagitan ng mga letra na ito aking hinahayag

Na minamahal kita ng lubos at ng buong katapatan.



-----
Mula kay Karl Nuqui ulet. hehehe. :)

PARA KAY 1ST CRUSH. SANA MABASA MO 'TO!!!

Pitong taon na ang nakalipas mula nung unang beses ako humanga sa isang babae nung ako ay nasa elementarya pa lamang. Pwede na rin nating sabihin na ito ang unang beses na natuto akong lumandi.

Ito ang istorya tungkol sa aking 1st crush.

Siya siguro ang pinakanaging dahilan. Siya rin siguro ang nagpatapang at nagpalakas ng aking loob nang ako’y mapasugod sa “OPERATION LIBRENG TULE” sa aming barangay na proyekto ni Mr. mayor

Sabihin na din natin na gasgas na gasgas din ang pangalan nya sa walang habas kong pagsusulat ng pangalan nya sa lahat ng slamnote/book na sinagutan ko noon. May mga tanung kasi dun na

*Who is your crush?????…….at kung hindi ako nagkakamali kasunod na tanung yun sa

*What is Love????…..

Sigurado ako lahat tayo nagdaan sa pagkakataon at mga panahon ng pagkakaroon ng crush o isang inspirasyon - inspirasyong pumasok sa eskwela na HINDI LAMANG ang pagkakaroon ng baon ang dahilan. Pag may crush ka, kanya kanyang pasikat, kanya kanyang paraphernalia, makapagpapansin lang. Daig pa ang kandidato sa panahon ng eleksyon.

Malaki rin ang naging epekto sa akin ni 1st crush. Sabihin na nating napakalakas nga ata ng tama ko sa kanya. Sa kabila ng mumurahing edad, nakaramdam na ako ng kakaiba.

Siya ang dahilan kung bakit ako gumagastos ng 4 pesos pambili lang ng pamada sa kanto para pagarain ang buhok ko. Punasin, hawiin, punyeta! Hawi dito, hawi doon, hawi sa gitna, hawi sa gilid, at sa bandang huli, Jose Rizal hair style ang kinakalabasan ng halos 30 minutos kong pagaayos sa harapan nang salamin. Kulang na lang eh pati ang kilay ko at mga buhok sa ilong ay lagyan ko na nang pamada.

NAAGGDAAAAN AANNNNGGGG MMGGAAAA AAARRRRAAAAWWWW!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

Napapansin ko noon na malapit na ang graduation. Konting tulog, konting pasok, konting tak-in ng polo, konting hawi ng buhok, konting pagpapakyut, konting banat at eto na nga!

GRADUATION NA!!!

Masaya sana. Pero pagkatapos no’n, wala na akong balita sa kanya. Hindi ko na siya uli nakita (hindi pa kasi uso ang mga text at chat noon). Wala na rin akong narinig tungkol kanya.

Haayayyayayayyyy. Nagdaan ang mahabang panahon. Masaya at puno ng mga suliranin at pagsubok na buhay …

PITONG TAON NA RIN ANG NAKALIPAS…ngayon ay nasa ikatlong taon na ako sa kolehiyo at kumukuha ng kursong pang inhinyero. Sobrang lawak na nang aking paligid. Masyado na ring malaki ang mundong ginagalawan ko at ang pinakapagbabago sa akin ngayon ay WAX na ang gamit ko sa halip na PAMADA! Impeyrnes, ramdam naman ang asenso. Yeahh!!!!

AKO: Maa, Bayad po. LRT estudyante. Pakisuyo naman po. Salamat!

DRIVER: Sukli ohhh

Laking gulat ko nung tumambad sa akin ang babaeng nag-abot ng sukli. Isang napakagandang babae. SIYA!! OO SIYA!! HINDI AKO PWEDENG MAGKAMALI! TAMA! SIYA NGA si 1st crush ko. Napakaganda pa din nya.

1stcrush: Karl????

Ako: Oo ako nga.

1stcrush: Kamusta? Estudyanteng estudyante ahhh.

Ako: Hehe. Hindi naman. Oh bayad ka na ba? San ka punta??

*bigla na lang syang natahimik*

Ako: Oh bakit? May nasabi ba akong masama?

1stcrush: Ay wala naman. Ahhm pupunta ko ng ospital. May sakit kasi yung anak ko.

*parang ako naman ang biglang natahimik*

Pitong taon na ‘yun. Pero parang na-blangko ako sa narinig ko. Para kong nakuryente. Parang tumigil ang pagfa-function ng lahat ng system ko sa buong katawan.

1stcrush: HUUUIIIII!!! ‘Nu nangyari sa’yo?

Ako: Ay, oh wala naman. May anak ka na pala.

1stcrush: Oo ehh. Hindi na nga ako nakatapos ng hayskul at karl din pala ang pangalan nya. Ito pic nya oh.

Ako: Waw ang kyut at kapangalan ko pa. Galing!

DRIVER: Oh lrt na. Mga bababa jan ohh.

Ako: Dito na lang ako

1stcrush : Oh sige.

Habang ako’y nakababa na, hindi ko namalayan na sa pambabae na pala ako nakapila. Napaisip ako nang malalim. Kahit pala patuloy tuloy ang takbo ng buhay, may mga bagay pa ring masarap balik balikan. May mga bagay na sana dinala ko at hindi ko iniwan sa nakaraan. Naisip ko si 1stcrush. May anak na siya. Pakiramdam ko hindi sya masaya. Nakikita ko ‘yun sa mga mata niya. Nakaramdam ako ng panghihinayang. Ewan ko kung bakit, pero parang nagbalik ang mga gunita ng nakaraan. Hayyyyyyy….

Hindi man naging kami, siya pa rin ang isa sa mga dahilan kung ano ako ngayon at patuloy kong babaunin ‘yun. Siya pa rin ang dahilan kung bakit alam ko ang pakiramdam kung paano magmahal.

Iba pa din pala talaga ang 1st crush.

Sa bandang huli, hindi man kami ang nagkatuluyan, SIYA PA RIN ANG 1ST CRUSH KO !!!!! at hindi na mababago ‘yun.



----
Kahit kelan talaga, isa sa pinakamasayang pag-usapan sa buhay ay ang first crush. Masarap balik-balikan. Isang alaala na manunumbalik sa gunita mo at biglang magpapangiti sa'yo. :D

Ang post na ito ay mula kay Karl Nuqui (kj_nuqui@yahoo.com). Add niyo sa Facebook. Baka ikaw ang sinasabi niyang first crush niya. hehehe. :D

(Thanks to www.pixdaus.com for the two kids. I mean, for the picture. heheh.)

Wednesday, March 31, 2010

Emo.

Gabi na naman. Dumadami na naman ang mga emo.

Hindi ko alam kung saan nagsimula ang salitang "emo" at kung paano 'yan nauso. Basta ang alam ko lang, ang mga taong ito ay may mabigat na problema, may sakit na dinaramdam, may pusong nawasak, may bitukang bumulwak, o sadyang maarte lang. Sadyang makulay nga naman ang buhay ng tao. Sa sobrang makulay, minsan nakakasakit na sa mata. Hindi yata kumpleto ang buhay ng tao kung hindi siya makakaranas ng ilang minutong kagustuhang mapag-isa at mapag-isip-isip ang mga bagay-bagay at mga pangyayari sa paligid niya. Emo.

Sa status message pa lang sa Facebook (sorry Friendster, nakalimutan ko kasi password ko sayo), makikita mo na ang mga iba't-ibang klaseng ke-emohan ng mga tao. Sa Facebook kasi, madaling makita ng lahat ang mga gusto mong sabihin. Pwede kang magalit, magmura, maging sweet, mag-histerical, magbreak dance, at lahat lahat na - nang hindi nalalaman ng iba kung tungkol saan at para kanino talaga ang gusto mong sabihin. Eto mga sample: (Babala: Basta. May babala. Hehe)

-USELESS EFFORTS!.. HATE IT...........

-I said, what do you want?

-tuwing nakikita ko ang picture natin naaalala ko ung mga close times natin together....mga first tym ko naging close na close sau..

-PU****.i**!!! NAkAkAHiYA NAMAN 9NAWA MU ! HUHUHU .. UALA NUA N9A CUN9 MUkHAN9 MAiHARAP DUN SZA TAO .. WiNALAN MU PA CU N9 PA9kATAO !!! ANU kA BA NAMAN !!! i DiDN'T EXPECT THiS TO HAPPEN ! HUHUHU .. ='(

-Being happy doesn’t mean that everything is perfect. It means that you’ve decided to look beyond the imperfections.

-Before, hinahabol kita pero di mo ako pinapansin. Tapos isang araw nawala ako, hinanap mo ako at tinanong, “Bakit ka nagsawa?” Ngumiti ako, “Hindi ako nagsawa. Natauhan lang.” HAHAHA. tamang tma :))

-lagi nalang akong mag-isa..hmp!

-sometimes its better to keep silent than tell others what you feel...to keep your thoughts to yourself cause it'll only hurt when you know they can hear you but they can't understand...

-Lahat daw tayo nasa proseso ng PAGIGING TANGA, at pag nagmahal tayo ng MALING TAO, ibig sabihin... WE'VE COMPLETED THE PROCESS... :'D

-Ang asim ng mangga. Haha
(Ewan bakit nasama to hehe)


Parang mga ewan lang. Mga emo.

Pero kung papansinin at seseryosohin, maiisip mong may mga tao talagang nangangailangan ng makakausap at hinding hindi maipagkakaila 'yan. 'Yung iba naman, aminado sila sa mga sarili nila na kailangan din nila ng taong masasandalan sa mga oras na pakiramdam nila e sumuko na ang buong mundo sa kanila, ang problema lang, hindi sila nag-aabalang maghanap ng makakausap, o kaya, ni hindi man lang nila binalak. Mas pinili kasi nilang ipagsiksikan ang sariling nararamdaman sa isang maliit na kahong nagtatanong ng "What's on your mind?".

Hindi kumpleto ang pagiging emo kung wala ang konsepto ng "pag-iisa." Pero kung iisipin, marami naman talagang naidudulot na magagandang bagay ang pag-iisa. Masyado nang maingay ang mundo, masyadong magulo, ni hindi na nga kayo nagkakarinigan ng isip mo. Sa pag-iisa kasi minsan 'dun mo naiisip at napagtatanto 'yung mga bagay na hindi mo naiisip at napgtatanto kapag kalaro mo ang magulong mundo. Pwede mong maisip ang mga nakakalungkot na bagay, o kaya 'yung pinakamasasaya at mapapansin mong napapangiti ka na. Samahan mo pa ng mga tugtuging may nakakalungkot na himig na mas makapagpapatindi ng emosyon mo, solb ang pagiging emo.

Tugtugin. Mga music. 'Yan kadalasan ang kasa-kasama ng tao kapag wala na siyang ibang kayang sabihin. Pakiramdam mo e naiintindihan ka ng mga musikang pinapatugtog mo. Habang nagpapatugtog ka, 'dun mo pa mas lalong nararamdaman ang drama ng buhay mo. "It brings back the old memories," ika nga. Minsan mapapaluha ka na lang, kasi nga emo ka (hehe). Mahiwaga talaga ang nagagawa ng music. Sa isang iglap, kaya siyang pagkatiwalaan ng tao.

Pero hindi naman ganun kaganda ang naidudulot ng pag-iisa kung palagi mo na lang 'yun ginagawa. 'Yun bang sa mahabang panahon e kinukulong mo ang sarili mo at hindi mo hinahayaang tulungan ka ng iba na mabawasan 'yang sakit na nararamdaman mo. Ang problema lang kasi, masyado mong kinukunsinte ang mga nararamdaman mo. Hindi mo man lang naisip na napakaraming tao sa paligid ang handang makinig sa gustong sabihin ng puso mo at handang umintindi sa magulo mong isip, hindi mo lang sila binibigyan ng pansin kasi abala ka sa sarili mong damdamin. Oo. tama ka. Wala naman silang magagawa at wala rin namang mangyayari kung sasabihin mo sa iba kung ano ba talaga ang problema mo. Pero hindi ba't kahit paano, masarap isipin na may mga tao palang handang makinig sa'yo at kasama mong umaasa na sana paggising mo bukas, makakaya mo na ulit ngumiti at tuluyang maging masaya?

What's on your mind? Share.




---
Salamat sa www.shashum.com.ar/
convexa2009/08/
alone.html para sa larawan.

Tuesday, March 23, 2010

ToPloYa: Ang Simula ng Pagtatapos

TOga, DiPLOma, MedalYA

Ito na siguro sa tanang buhay mo bilang isang fourth year hayskul student ang pinakapormal na pagpapalayas sa iyo ng iyong paaralan – ang GRADUATION. Handa na ang bagong biling black shoes, ang toga, diploma, medalya, ang background music na “ten…teneteten…tenten…teneteten…tenten..” na parang Christmas countdown lang, ang palakpakan ng mga taong handang sumuporta sa iyong paghakbang, at ang sarili mong mga paang nanginginig sa excitement! Ang pagtawag sa pangalan mo ang pinakamasarap sa lahat, ang sandali ng iyong pagsikat. Ang simula ng pagtingala sa iyo ng mga kapwa mo mag-aaral, mga kaguruan at nagmamalaki mong mga magulang na handang panoorin ka sa pag-akyat mo sa entablado ng pagtatapos.

Ang utak mo at ang mga bagay sa paligid mo ang magsisilbing CD player ng ‘yong nakaraan na magrerewind ng mga lipas nang pangyayari ng buhay hayskul kasabay ng kabang naghahari sa ‘yong dibdib. Sasariwa ang mga nakakahiya at nakakatuwang bagay sa isip mo…

…ang pagpasok mo ng eksaktong 5:45am para habulin ang flag ceremony tuwing Lunes…

…ang pakiramdam na para kang “alien” dahil sa biglaang “surprise quiz” tungkol sa nilesson kahapon kasi “absent ka!”

…ang pagkukwento ng talambuhay mo noong Sabado’t Linggo…

…ang pagtalsik ng laway ng mga guro sa tuwing pagagalitan kayo…

…ang paghikab habang gumagawa ng assignments sa classroom…

…ang pagrerecite, pangongopya, pakikipagdaldalan, pang-aasar, ang matinding panlalait at ang panghihinayang dahil sa nagpakopya ka…

…mamimiss mo rin ang mga “parasites” na laging humihingi ng papel kapag may quizzes, test, at written recitation at ako rin bilang “parasite”

…ang pagsusulat sa upuan, banyo, dingding, uniform, blackboard, desk, light-colored handkerchief para sa kodigo, notebook ng iba at sa lantarang pagpapaganda ng tattoo sa kamay.

…ang paglalagay ng pulbo, lipstick, make-up at pagsusuklay habang nagtuturo si titser.

…ang panonood sa mga classmates ko habang kumakain sa recess.

…at pagsisihan ang mga bagay na “dapat ginawa ko.”

Lahat ‘yan maaalala mo at tatakbo sa malikot mong pag-iisip. Wala pa diyan ang lovelife at friendship.

“Mahirap bang magpaalam?...oo! marahil HINDI…”

Mararamdaman mo ang kakaibang presensya sa paligid. Para bang may humahalimuyak na amoy na nanggagaling sa kung saan na ‘di mo malaman kung ano. ‘Wag na nating paikutin ang usapan, pero kung ibabase mo sa realidad, nakakalungkot talaga. Asahan mo na sa banding huli o sa kalagitnaan pa lang ng programa ay may luluha na at tatangis sa mga mata nila ang kalungkutan, kasiyahan, panghihinayang at lakas ng loob para harapin ang kinabukasan. Dadaloy sa katawan mo ang pakiramdam ng pagtibok ng ‘yong dibdib sa mga nangyayari. At ayan ang realidad! Kung may nasimulan ka, siguradong darating ka din sa wakas kahit hindi mo pa matapos ang kabuuan.

Mahirap talagang magpaalam. Kumbaga sa kamag-anak eh namatayan ka, ang pagkakaiba lang naman ay sa buhay ka magpapaalam at hindi sa patay. Pero kung sabay, mas mahirap.

Kung may mga bagay na magpapalungkot sa’yo, hindi iyon ang guro mo na laging nagpapaalala sa’yo ng birth certificate, NSO at tamang ayos ng buhok, hindi rin ang classmate mo na laging absent kapag maglilinis ng room, hindi rin ang skulmeyt mo na binabatukan ka tuwing magkikita kayo, hindi rin ang mga janitors na laging naglilinis ng banyo, maging ang mga gwardya na nahahati sa tatlo (pang-umaga, pang-tanghali, at pang-gabi) na laging binabantayan ‘yung mga estudyante, ang skul at lalo na ung gate na animo’y may kakaibang nilalang na bigla na lang papasok doon, hindi rin ang principal na laging present kapag may program, hindi rin ang mga kaibigan mo na laging isinusulat sa slumbook mo na bestfriend ka nila at lalung-lalong hindi ‘yung aso sa canteen, kundi ang mga alaala na humubog sa inyo, ang pagsasamahan sa mahabang panahon at ang pag-ikot ng mga katanungan sa isip mo na lalong magpapalala ng pagkabaliw mo…

“Dito sa paaralan na ito, sa apat na taon kong pagtungtong sa aspaltong buhangin na ito, ngayon ay mas matatag na ako kaysa sa bakal at semento, at mas maningning pa kaysa ginto. Ako ay pinanday sa lugar na ito at ginawang isang mahusay na sandata upang ihanda at gamitin sa susuunging laban.”

Ang kalungkutan ay pansamantala lang. ‘Wag kang matatakot sa mga darating na pagsubok, sabi nga ng mga guro, “nag-uumpisa ka pa lang.” Siguro ay sumagi rin sa isip mo na dapat ay magsikap ka at maging mabuti para baguhin ang kapalaran ng nanghihingalong bansa.

Ang pagtatapos na ito ay nagsisimula pa lamang. Sa pagkakataong ito, marahil ay isa pa lang tayong sisiw na pinapakain ng inahing manok ngunit alalm ko na hangad mo rin na balang araw na maging isang agila at makalipad nang malaya.

Ngayon ay ihanda mo na ang sarili sa gagamiting toga, sa pagtanggap ng diploma, at ang pagsasabit sa’yo ng medalya. At siguradong pagkatapos ng pagsubok na ito at pagkagising mo kinabukasan, magbabago ang lahat…


....
(mula kay geniustype07@yahoo.com)

Saturday, March 20, 2010

Bakasyon Na! (Eh Ano Naman??)

Bakasyon na. Yeah!

Eto ang pinakagusto kong panahon sa lahat - ang bakasyon. Sa mga ganyang panahon ko lang kasi nagagawa ang lahat ng bagay na gusto kong gawin sa buhay tulad ng pagkulong ng sarili sa ref, pagkanta ng walang humpay, pagpantasya ng mga Koreano, pagkupit ng hany chocnuts 5 times a day (2 times a day lang kasi pag may pasok), pakikipagchat sa mga feeling close at paglangoy sa toilet bowl, at pati na rin pala pagpupumilit na gawing kulay pink ang closet ko na kulay brown. Hay. Ang saya saya talaga 'pag bakasyon!

Ilang libong taon bago ulit ako nakapag-blog dahil na rin sa sandamakmakmakmakmakmak na gawaing-eskwela at gawaing hindi ko alam kung bakit ko ginagawa. Kung may mga bumibisita pa ba rito, e hindi ko na alam. Pero hindi na mahalaga 'yun. Basta nagtatype na ko ngayon ng blog. Eto na. Nagtatype na talaga ako. Hala hindi siya humihinto. Grabe pumipindot talaga yung mga daliri kong walang kuko. Type. Type. Sige type pa. O tuldok na.

Balik tayo sa usapang bakasyon.

Naiisip ko pa lang ang bakasyon, lumulutang na ang isip ko sa tuwa. Kasi finally nakalaya na ako at nakaraos na sa mga exams na nakakaubos ng dugo, graded recitations na nakakanginig ng laman, at mga assignments at projects na nakakaputi ng mata. Para kong grumaduate pansamantala. Iniisip ko nga, ayos din pala talaga ang pagiging haggard sa school kasi kung hindi, edi hindi ko mararanasan ang mga ganitong klaseng saya. Masaya talaga maging estudyante.

Problema ko naman ngayon e kung ano ang mga gagawin ko ngayong bakasyon. Kung walang Facebook, malamang maya't maya ako nagpapalit ng layout sa Friendster na matagal-tagal-tagal-tagal ko na ding hindi nagagawa. Nakakatamad na rin naman mag-Facebook dahil sa araw-araw e ganun lang din naman 'yung mga nangyayari. Kung gagala naman ako, saan naman ako pupunta? Sayang pera lang. Kung pupunta naman ako ng SM para magpalamig, para saan pa e may ref naman kami? Kung sasama sa mga kaibigan kong magsu-swimming, medyo alanganin dahil 2mL palang ng Fit 'n Right ang naiinom ko. Kung manonood naman ako ng TV, hindi rin ako makakarelate dahil wala naman akong nasimulan sa mga pinapalabas ngayon. Kung magtetext naman ako, hindi ko man lang bibigyan ng pagkakataon ang sarili ko na ma-miss ang mga kaklase ko dahil miski pagligo ko e naji-ji-GM (group message) ko pa. Kung magbabasa naman ako ng libro, sigurado maya-maya nasa malayong kalawakan na ang utak kong nahimbing na sa pagkakatulog. Kung mag-gi-gitara naman ako, mababagot lang din ako dahil Hawak Kamay lang naman ang kaya kong tugtugin. Kung mag-iinternet ako, hhhmmm. Pwede rin kaso wala na rin akong gustong malaman sa ibang mundong hatid ng computer ko. Kung kakain naman ako, tataba lang ako. Kung matutulog, hhmmm. Tama. Matutulog na lang ako. Atlis iba't ibang adventures ang hatid saken ng mga panaginip kong hindi ko alam kung bakit ba mga ganun. Kaso ano naman gagawin ko paggising ko? Gusto ko ba talaga ng bakasyon? O mas gusto kong gumawa na lang ng wala?

Sa totoo lang, nasa kalagitnaan talaga ako ng pagkabagot. Sobrang init pa ng panahon, tapos wala pa akong magawa. Isa talaga sa pinakayokong pakiramdam sa mundo e 'yung nasa isang tabi lang ako tapos halos mamatay na sa kakaisip ng kung ano bang pwedeng gawin kung tinatamad naman akong merong gawin. (Pati ako naguluhan dun). Pero kung papipiliin ako, mas gusto ko pa rin to. Kesa sa tapunan ng mundo ng sobra sobra sobrang daming gawain.

Pero meron akong mga naiisip gawin sa mga oras na 'to:
1. Kumupit ng Yakult sa tindahan. (ay nagawa ko na pala to 8 minutes ago)
2. Magdownload ng mga Korean songs. (adik ako sa mga singkit, ewan kung bakit)
3. Manood ng mga Korean music videos. (nakakatuwa kasi yung mga moves, yeah!)
4. Maupo sa upuan sa labas at mag-isip (problema lang, wala akong isip. *erase na to*)<
4. Matulog.
5. Matulog.
6. Matulog.
7. Matulog.
8. Matulog.
9. matulog
10. tulog.<


zzzzZZZZZZzzzz...


Hay. Ang hirap talaga magbakasyon. Pero gusto ko 'to. Mag-iisip na lang ulet ako ng mas matino-tinong blog paggising ko. Goodnight!

Wednesday, January 27, 2010

Nakakatakot Ka!

Lahat daw ng tao, may sari-sariling kinakatakutan. Mula sa kulugo hanggang sa mga hindi maipaliwanag na itsura ng mga impakto, lahat 'yan kabilang sa mga kinatatakutan ng tao. "Phobia" daw ang tawag dun.

A phobia (from the Greek: φόβος, phóbos, meaning "fear" or "morbid fear") is an intense and persistent fear of certain situations, activities, things, animals, or people.



Mula nung bata pa ko (mga 5 months old, 52 na ako ngayon), iniisip ko na kung ano nga ba ang kinakatakutan ko sa buhay. Kasi wala talaga kong bagay na iniiwasan bukod sa assignments. Pero inisip kong hindi naman ata pwede 'yun.

Sobrang takot ang kapatid ko sa ipis. Minsan 'pag gabi kasi dito sa'min, madalas mag-live show ang mga nasabing nilalang ng kalikasan. May mga nagpa-fly-fly, may gumagapang dahil 'yun daw talent niya, at may mga nasa tabi lang - audience. Hindi na maipaliwang ang itsura ng kapatid ko. Nagpapanic na siya. Hindi niya na alam kung saan pang parte ng bahay namin pwede magtago, 'wag lang makita ang mga kaaway niyang insekto. Sumisigaw na siya ng todo 'nung pinuntahan ko siya, akala ko kung ano nang nangyari, nagdala pa naman ako ng rosaryo. Hanggang sa lumapit sa'kin ang isa sa mga ipis, na sinalubong ko naman nang isang simpleng apak. Inapakan ko lang siya ng mga ilang segundo hanggang sa maramdaman kong kabaong na lang ang kulang sa kanya at bye bye na siya sa Earth. Biglang nawala ang ilan pa niyang mga constituents. Akala siguro nila kasama ako sa show at tapos na ang lahat kaya nag-uwian na sila. At 'yung kapatid ko? Biglang nawala. Bumalik sa lamesa para gumawa ng assignment.

Ayon sa mga sources, Katsaridaphobia ang tawag sa nasabing takot. Hindi ko alam kung bakit. Pero bakit hindi?

Hindi ako takot sa ipis (kahit gapangan pa nila ko sa mukha, keri lang, mapapatay ko din naman sila), hindi rin sa daga (ang cute kasi nila tignan pag lumalapit sila sa pagkain ko 'pag gabi), hindi rin sa gagamba (crush ko si Spiderman), hindi rin sa ahas (minsan lang kami magkita, iiwasan ko pa?), at hindi rin sa multo (magiging ganun din naman ako balang araw, mag-oobserve na lang ako sa ginagawa nila). Hanggang sa malaman ko na kung ano nga talaga - kabaong.

Necrophobia or thanatophobia is the abnormal fear of death or dead things (e.g., corpses) as well as things associated with death (e.g., coffins).

Hindi lang kabaong ang kinakatakutan ko. Alulong ng aso sa gabi, mga paru-parong nagsusulputan kahit wala namang halaman (lalo na yung kulay itim), itim na pusa na makikipag-eye-to-eye pa, karo ng patay na biglang tatabi sa bus na sinasakyan mo, at kahit anong may kinalaman sa patay - exempted 'yung mga multo. Tuwing babyahe ako papunta sa school namin, laging madadaanan 'yung magkakakumpetensyang punerarya sa Commonwealth. Okay lang sana, kaso 'yung isa sa kanila, nagdidisplay ng kabaong sa labas na parang nagsasabing "Mga @#$%&* kayo! Panis kayo sa kabaong namen!! Mga bulok!".

Hindi ko alam kung bakit ako takot sa kabaong. Hindi ko rin sigurado kung takot ako mamatay, kasi baka takot lang ako mawalan. Lahat naman tayo dadaan sa kamatayan, pero pinakamahirap na parte lang talaga ang pagtanggap. Hindi mo rin alam kung anong naghihintay sa'yo ilang segundo matapos mo mag-exit sa mundo. Sabi ng kaibigan kong impakto, tahimik na daw ang buhay ng mga namatay physically, pero hindi niya daw sigurado spiritually, basta ang alam niya tapos na daw sila sa problema ng mundo. Sinabi niya 'yun 'nung tumapat 'yung bus namin sa isang puneraryang laging nagdidisplay ng kabaong sa labas. Ang ganda daw tignan. Tsk.

Ilang beses kong pinag-isipan kung iba-blog ko ba 'to. Hindi kasi ako masyadong komportable pag-usapan ang mga ganitong bagay. Pero isa 'yun sa mga realidad ng buhay na dapat ikamulat ng mga mata ko - kung kaya lang sana natin planuhin ang mga sari-sarili nating buhay. Pero naniniwala pa rin ako na mas maganda ang plano ni Bro - mas maganda pa sa inaasahan mo.

At babalik na ako sa isa ko pang phobia - ang assignments. Kailangan ko nang harapin. Mas nakakatakot ang singko.

P.S.
Asaynophobia pala ang tawag sa fear of assigments. Meron palang ganun? Pero syempre pauso ko lang 'yun. Hehe.

(Blog inspired by Kuyakoy http://jraldrbnt.wordpress.com )

Saturday, November 14, 2009

Masaya ka ba? Patingin Nga?

Tinanong ako ng kaibigan ko 'nung isang araw kung paano mo daw malalaman kung masaya ang isang tao. (Gusto ko sana sabihin sa kanya, emo ka?)Pero kung iisipin mo nga naman, paano nga ba? Sa paanong paraan mo masasabing masaya ka nga at hindi nagpapanggap lang?

Ang pagtawa ang isa sa pinakamasayang gawin sa mundo, bukod sa nakakapagpasakit ng panga at bangs, e libre pang gawin. Kakaiba ang ligayang dulot ng pagtawa (mas maligaya pa 'tong gawin kesa sa iniisip mo ngayon). Kaya naman masaya kasama 'yung mga taong walang ibang alam gawin kundi magjoke at gawing mukhang tanga ang sarili para lang mapasaya ang mga kasama. Kung ako ang tatanungin, mas gugustuhin ko pang kasama ang mga itinuturing na mangmang pero kaya kang patawanin sa mga oras na bagsak ka sa exam kesa sa mga matatalinong seryosong ini-english ka maya't maya.

Pero kung iisipin mo ulit (pasensya na kung kanina pa kita pinag-iisip), totoo nga ba ang bawat ngiting ipinapakita ng mga taong mahilig magpatawa o nagsusuot lang sila ng maskara para maitago ang tunay na nasa puso nila? Paano mo nga ba masusukat o masasabing masaya nga ang isang tao? Base ba 'to sa dami ng tawa, halakhak at ngiti, sa pagdodrawing ng smile sa kamay at pader, o sa pamamagitan ng simpleng pagsasabing "masaya ako"?


May mga tao kasing sadyang madaling magpanggap na masaya sila. At napakaraming ganun sa mundo. Hindi mabilang. Minsan nga isa ka na pala sa kanila, hindi mo pa alam. Minsan din 'yung mga taong ang almusal, tanghalian, merienda, hapunan, at midnight snack ay ang pagpapatawa ay sila pang pinakamalungkot na tao sa planeta, ayon sa isang sikat na author na si Paulo Coehlo.

Minsan kasi mas madali pang magpanggap na masaya kesa ipaintindi sa kanila kung bakit mo 'yun ginagawa. Kaso sa tingin ko mali 'yun, kaya nga may mga kaibigang ibinalato sa'yo ang tadhana kasi pwede mo silang sandalan sa mga oras na hindi mo na alam kung ano pang tamang joke ang pwede mong ibato sa mga panahong hindi mo na kaya. Hindi natin dapat ipinagdadamot sa kanila ang pagkakataong matulungan ka sa oras ng problema. Kaya matuto ka din makiramdam. Kung sa tingin mo may bahid na ng pagpapanggap ang pagpapatawa niya, tabihan mo na siya at yayain mo mag-softdrinks.

Pero balik tayo sa tanong na paano nga ba malalaman kung masaya nga ba ang isang tao? Kanina ko pa 'yun iniisip. Hindi ko din masabi. *blangko. *blangko. *blangko. *blangko. *blangko. *blangko. Pero masaya ako ngayon. Paano ko nasabi? Kasi pinili kong maging masaya kahit walang dahilan. Sabi nga nila, "Life is a matter of choice." At sabi din sa isang kowt, "God gave you blessings, happiness is up to you."

Sa iba't-ibang sitwasyon, ano ang ibig sabihin ng "masaya?"

Sa pagkakaibigan, ano ang kasiyahan? Ito ba yung kapag magkakasama kayong nagtatawanan habang naglalakad sa daan at mga bungisngis at halakhak niyo lang ang nangingibabaw? Ito ba 'yung kapag sumasakit na ang tyan ng isa't-isa dahil sa joke na binanat ng isa? Sa tingin ko, ang tunay na kaligayahan sa isang pagkakaibigan ay ang pagiging panyo ng bawat isa sa oras ng drama ng buhay at pagkakaroon ng kaalaman ng bawat isa na kahit anong mangyari, panghahawakan nila ang pangakong "walang iwanan."

Sa pamilya, ano ang kasiyahan? Ito ba 'yung kapag kumpleto kayo sa hapag-kainan at sama-samang nagsisimba? Syempre, oo ang sagot diyan. Pero higit na maituturing na kaligayahan ang pangingibabaw ng pagmamahalan sa pamilya, na hindi masusukat ng kahit anumang materyal na bagay.

Sa pag-ibig, ano ang kasiyahan? Holding hands sa isang romantic na lugar, maaaring masaya. Pagdiriwang ng monthsary, anniversary, oo masaya din. Pagbibigay ng regalo, pwede, masaya din 'yun. Tingin ko naman, sa isang relasyon, hindi masyadong mahalaga ang lahat ng bagay na nakikita ng mga mata mo (pwera na lang kung nagtu-two timer ang isa sa inyo hehe). Minsan kasi, kahit walang salitang bibigkasin, mararamdaman niyo pa rin ang kasiyahan sa simpleng pagkakaroon ninyo ng kaalaman na ang bawat isa ay nag-iisa sa mundo ng bawat isa. (Paki-intindi na lang kung anong ibig kong sabihin, kasalukuyan kasi akong nakikipagchat sa facebook haha).

Sa huli, pinakamasaya pa ring gawin ang tumawa. Mas madali 'yon kesa maghanap ng dahilan para maging masaya (huh?) at ang pinakamasasayang tao sa mundo ay 'yung may mga mabababaw na kaligayahan. :)

-----------------------------
Ninakaw ko ang picture sa taas kay Netsrot ng Flickr (www.flickr.com)

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | Edited by PedXing-ArAr