Showing posts with label Love. Show all posts
Showing posts with label Love. Show all posts

Friday, March 16, 2012

'Wag Mo Kong Pilitin Makipag-Break Sa'Yo! Mwuaaah!

Ang tanong niya sa sarili niya - "Makikipag-break na ba ako?" In behalf of her sarili, sasagot ako, "I-visualize mo 'yung pagmumukha niyang nakangiti dyan sa utak mo. Ano, keri?"


Hindi ko alam sa iba, pero sa tingin ko, kung ikaw ang babae at sa tingin mo hindi na maganda 'yung kinahihinatnan ng relasyon niyo.. 'te, tumigil ka na. At kung sasabihin mo naman ngayon sa'ken na hindi mo kaya dahil mahal na mahal mo nang sobra sobra sobra at madedeads ka 'pag wala siya at mas mamabutihin mo na lang na magpasakop sa mga alien kesa sa ipagpatuloy ang buhay mo sa Earth nang wala 'yang magaling mong boyfriend, ay 'Day, hindi ka pa ba nadedeads sa lagay na 'yan? Kaliwa't-kanang pasakit, naayos saglit, tapos kikirot na naman ulit, 'yan ba ang buhay para sa'yo? Kung ganyan lang, ay papasakop na lang ako sa mga alien at watusi kesa saktan paulit-ulit ng kasintahan kong magaling.

Sa isang relasyon, normal lang naman 'yung may konting tampuhan, hindi pagkakaunawaan at tutukan ng kutsilyo (oops.). Pero 'yung halos hindi ka na makahanap ng dahilan para ngumiti sa isang araw nang dahil lang sa boyfriend mong hindi ka pinapahalagahan, aba, ibang usapan na 'yan. Sabihin mo man na nagkakaayos naman kayo ulit at buong puso kang naniniwala na mahal ka naman talaga ng boyfriend mo, tingin ko hindi na sapat pang panghawakan 'yun. Pinagtagpo kayo ng tadhana at inutusang magmahalan, hindi paulit-ulit na magkasakitan.

Kidding aside, alam ko sa kabila ng lahat ng pagkukulang sa'yo ng boyfriend mo, umaasa ka pa rin na bukas, o kaya sa pagsapit ng isa pang bukas pagkatapos ng bukas, babalik siya sa dating "siya" na sumuyo sa'yo para manatili sa tabi niya at pinaniwala kang hindi ka iiwan. Alam ko na iniisip mong kung gaano ka nasasaktan ngayon, ganoon din naman katindi 'yung nararamdaman mong pagmamahal sa kanya na naging dahilan para tuparin 'yung ipinangako mo sa kanya na hindi mo rin siya iiwan. Kaso, gaya nga ng sinasabi ng napakarami, paminsan-minsan hindi na rin kasi talaga sapat 'yung pagmamahal lang mismo. Hindi sapat na itatak sa isip mo na as long as mahal mo siya, at alam mong mahal ka pa rin niya sa kabila ng lahat ng pambabalewala niya, magiging maayos pa rin ang lahat. Minsan kailangan mo rin maupo sa isang tabi at isipin mo kung masaya ka pa rin ba talaga. May mga pagkakataon din na kailangan mo na ring tumigil. Binigyan ng Diyos ng sapat na space ang mga planeta sa universe para maiwasan ang pagbanggan nila, at sa ganoong paraan, hindi sila masasaktan.

Nag-iiba ang tao kapag nagmamahal, iba't-iba man ng degree ng pagbabago, basta alam ko, may nagbabago. Simula kasi nang napagdesisyunan ng puso mo na mahalin 'yang tao na 'yan, kaligayahan na niya ang una mong iisipin sa lahat ng oras. Kung minsan hindi man ikaw mismo 'yung maging dahilan ng kasiyahan niya, basta ikaw naman ang gumawa ng paraan, solve na solve ka na. Hindi naman din kasi tayo nabuhay sa mundong 'to para pasayahin ang sarili natin, kundi, pasayahin ang lahat ng taong mahalaga sa mga buhay natin. Sabi nga sa kanta sa simbahan, "Walang sinuman ang nabubuhay, para sa sarili lamang.." Amen.

Ikaw kaibigan ko, kung ako man ang nasa kalagayan mo ngayon, kakalas na ako. Alam ko sasabihin mo sa'kin, 'yan ang bagay na pinakamadaling sabihin pero nakakamatay gawin. Kakalas na ako, sa simpleng dahilan na mahal ko ang sarili ko at pinapahalagahan ko 'yung mga taong mas nagmamahal sa akin ng totoo. Ayokong sayangin 'yung bawat araw ko sa kalungkutan at walang katapusang pag-iisip kung mahal pa ba niya ako o hindi na. At hindi na rin mahalaga sa akin kung mahal pa ba ako o hindi, sapat ng pruweba ang pambabalewala niya para paniwalaan ko ang huli. Pagkatapos kong makipaghiwalay, ibabaling ko ang buong atensyon ko sa pamilya ko at sa ilang kaibigan ko na hindi ko masyadong nabigyan ng pansin dahil masyado akong naging abala sa boyfriend kong cute. Aayusin ko ang sarili ko. Hindi na ako iiyak, sapat na 'yung galon-galon ng luha na nailabas ko 'nung kami pa. Gagawin ko ang lahat para mapataas ang halaga ko bilang isang babae, 'yung sa sobrang taas ng halaga ko, may karapatan na akong maging choosy sa susunod kong syosyotain.

Hindi pa ako nagkaka-boy friend. Pero sa dami nang mga napanood kong Koreanovela na love story, pakiramdam ko nakarami na ako.




"Hindi ako pinanganak sa mundong 'to para lang masaktan nang paulet-ulet 'no. Kahit mahal ko pa siya ng sagad-sagaran, kung ginagawa naman akong loka-loka araw-araw, ay nako, tigilan ako! Sinasayang niya lang ganda ko!" 

-2007



P.S. Sa mga lalaking mambabasa na napapasailalim sa parehong karanasan, maaari po lamang na palitan ang mga salitang "babae" ng "lalaki" at ng "girlfriend" ng "boyfriend" and vice ganda..i mean, versa. Maraming salamat po at mwah mwah tsup tsup. :)


This blog is dedicated to my friend out there! Hahaha peace :))
---

Photo Credits: www.whatsyourdamageheather.wordpress.com

Saturday, September 10, 2011

Psst. Gusto Kita Maging Syota

Dear Chikabebe, 


Kamusta na bhe? 


Alam mo na siguro ngayon na gusto kita maging syota. Ang ganda ng ngiti mo sa'ken kanina. Nakakatunaw. Feeling ko ako na ang reyna ng mundo. At ikaw ang hari..asus. Ikaw na ata ang pinaka-astig na lalaking nakilala ko. Alam mo 'yun. Para kang 'yung mga leading man sa mga pinapanood kong koreanovela, hindi ka nga lang singkit pero okay na 'yun. Ang astig mo pa maglakad. Tapos 'yung mga mata mo..tae wala ko masabe. 'Wag mo lang subukan tignan ako sa mata baka malasing ako pare. Hinahanap hanap ka na ng mga mata ko araw-araw. Pakiss nga. Pero 'wag kang mag-alala kung iniisip mong 'yung panlabas na anyo mo lang ang gusto ko. Sabihin na nating ganun na nga. Pero hindi naman ganun katindi 'yun.


Pero seryoso. Hindi ko alam kung anung meron sa'yo bakit gustong gusto kita. Hindi ka naman talaga masyadong gwapo, siguro hinahanap hanap ka lang talaga ng mga mata ko kaya gwapo tingin ko sa'yo. Nagising na lang ako kaninang umaga tapos sabi ko sa isip ko mukhang gusto kitang boyprenin. Kaso mukhang hindi naman ako 'yung tipo mo. Katulad ka din siguro ng ibang lalaki d'yan na may standards tulad ng legs na kumikinang-kinang. 'Yung legs ko kasi kasinlaki lang ng balakang. Siguro mahilig ka din sa mga sexy at nakakamatay ang kagandahan. Ganun din naman ako dati, binulutong lang ako. Gusto mo din siguro 'yung model ang dating. Eh nagmomodel lang ako 'pag kapatid ko lang ang nakatingin. In short, syempre tulad ng mga normal na lalaki, gusto mo rin 'yung mga mukhang anghel. Mukhang anghel din naman ako..sa puso ng mama ko. 




Pero seryoso. Gusto kita. Gusto kita sa simpleng dahilang gusto kita. Hindi mo man 'yun alam, pero gusto ko malaman mong gusto kita. Mula sa araw na 'to, marami na akong mga bagay na gustong gawin sa buhay na gusto ko ikaw ang kasabay. Gusto kong mabuhay sa mundong 'to na ikaw ang nasa tabi ko. Gusto kong kumain ng sushi na ikaw ang maghihiwalay ng chopsticks ko tapos tuturuan mo ko kung panu, kahit abutin tayo ng 3 months and 2 days. Gusto kong mamasyal tayo sa mall na holding hands habang kinukwento mo saken kung anung ulam mo kagabi at kung paano ka nalungkot kasi hindi mo ko nabigyan kahit konte. Gusto ko ako una mong kukwentuhan kapag pasado o bagsak ka sa quiz mo saulog  school tapos kung sakaling bagsak ka man, gagawan na lang kita ng halo halo na gamit ang snow bilang yelo bilang pampalubag loob. Gusto ko itetext mo ko lagi tapos i love you ka maya't-maya..ay nako sarap. Tapos ano.. ahm. Gusto ko din i miss you ka ng i miss you saken kasi kada paglingon mo palayo saken, hindi mo na agad kaya..ay naman sh*t. Gusto ko din na kapag hindi ako makatulog sa gabi, tatawagan mo ko at kakantahan mo ko ng sweet hanggang sa makatulog ako..oww men. Gusto ko din ako ang nasa wallpaper mo. Naman. At palagi mong sasabihin saken na 'wag akong mag-alala, hinding hindi mo ko iiwan at ako na ang huling babaeng magiging ka-in a relationship mo sa facebook at palagi mo kong poprotektahan at lagi mo ko ililibre at lagi mong ipaparamdam saken na ang isang katulad ko, ay pinapahalagahan na parang isang mamahaling diamond na hindi mo maaaring basagin dahil yari ka boy. I mean, hinding hindi mo ko sasaktan kasi ganun mo ko kamahal. At wala ka ng ibang iisipin kundi ang kung paano mo ako mapapasaya. Yeah rock on talaga 'yun.


Iniisip ko pa lang 'yan, ang saya saya ko na. Paano pa kaya kung mangyari sa totoong buhay. Ang saya sanang isipin na sa pagdilat ng mata mo sa umaga, picture ko agad ang titignan mo. Ang saya din 'pag naiisip kita na naiisip mo ko 'pag dumadaan ka sa bilihan ng mga gamit na pambabae tapos iisipin mo bagay sa'ken 'yun. Masaya din pag naiisip kong makita mo palang pangalan ko sa inbox mo, anlakas na ng tibok ng puso mo. (wahaha) Ang sarap sanang isipin na kahit hindi ako ang tipo mong babae at kahit 'di ako ganun kaganda ng tulad ng mga babaeng pinapangarap mo, minahal mo pa rin ako ng totoong totoo. Sobrang saya 'nun kung sakali. Kung sakali. Kung. Sakali. 


 Pero syempre. Tanggap ko naman na hanggang kaibigan lang ako sa'yo. At kung sakali man na magkakagusto ka  o may gusto ka na sa iba, matatanggap ko 'yun at susuportahan kita..dahil wala rin namang ibang importante saken kundi ang kung paano ka mapapasaya. (Pero sana naman kumikinang-kinang din legs nya) 


Hay. Antindi ng nagagawa ng ngiti mo saken nu? Kung anu-ano na agad naiisip ko. Panu kaya kung 'yang mga 'yan din ang naiisip mo sa mga oras na to? 


 Asa naman ako. 


 Lovelots, 


 Your Bh3bh3 ghUrL_99 


 P.S. xoxoxoxoxox








 ------------
(Naghahanap ako ng matinong pic para sa blog na to (na hindi ko alam bakit ko to ginawa). Tinype ko, "future boyfriend" tapos yan ang unang unang lumabas. Tindi ng tadhana. Rock.) photo credit: http://www.sodahead.com

Sunday, November 21, 2010

Samahan ng Pasko ang Malamig

Magpapasko na naman. Syet tol, single ka pa rin??

Single. Ka. Pa. Rin.

Iniisip ko dati kung paano at kung saan nagsimula ang SMP o ang "Samahan ng mga Mukhang Paa", ay este "Samahan ng Malamig ang Pasko". Nung bata ako, madalas kong naririnig sa mga tao sa paligid ko 'yung mga linyang "Anlamig na naman ng pasko ko, &%@#%$&*&#@$^ naman!". Tapos magtataka 'yung maliit at panis kong utak kung bakit nila nasasabi 'yun eh sadyang malamig naman talaga 'pag Pasko at gustong gusto ko 'yun kasi hindi mainit (malamang). Hanggang sa marealize ko nitong mga nakaraang araw na oo nga, sadyang malamig nga yata ang Pasko ko, 'yung may malalaking abs pala kasi 'yung gusto ng crush ko.

Tuwing magpapasko, malamang lamang maiisip mo na sana hindi kasinlamig ng panahon ang temperatura ng puso mo. (Amen). Sana may tatawagan kang "someone" sa pagsapit ng 12am sa December 25. Sana meron kang "someone" na bibilhan mo ng espesyal na regalo na pinagipunan mo ng 3 days. Sana may yayayain kang "someone" para magsimbang-tabi, ai este simbang gabi nang siyam na beses (tapos pag tinanong ka tungkol sa ebanghelyo sa gabi na 'yun, hhmm. gudlak!) Sana meron kang "someone" na ituturing kang pinaka-da best na regalo sa Pasko, 'yung tipong wala na siyang hihilingin pa at sasabihin sayong, "Para sa'kin, araw-araw naman Pasko eh, basta kasama kita." Anlagkit.

Kung ikaw na lang ang nag-iisang taong singular form sa barkada niyo, paminsan-minsan masakit 'yun. Maiinggit ka sa mga kaibigan mong may kaholding hands, kakissing scene, katawagan ng "hubby" at "wifey" (na hindi ko naman malaman kung bakit naging ganun), ka-iloveyou-han ng 8223896126 times per minute at kapartner sa couple shirt.

Couple shirt. Kung tutuusin, hindi na lang ata t-shirt ngayon ang pwede ipa-reproduce ng mag-syota. Nauuso na din ang bigayan ng couple ring, couple watch, couple necklace
at kung anu-ano pang kakopolan. Nag-aabang nga ko na baka may mausong couple scratch papers, couple medyas, couple charger, couple ID lace, couple UTI test, couple softdrinks, couple slimming pills, at couple contact lens. (Siguro magboboypren na ako kapag meron nang couple contact lens). Hindi ko alam kung gusto lang ba talaga nila na malaman ng buong mundo na nagmamahalan sila o gusto lang nila ipaalam na sila sina Julio at Julia, ang Kambal ng Tadhana.

Balik tayo sa mga SMP.

Hindi mo naman ginusto mapasapi sa nasabing samahan, pero sa napakaraming dahilan e talagang mapapasali ka na lang bigla. Ang Buhay Na Walang Syota. Bow.

Kung isasapuso mo masyado dahil sadyang emo ka, talagang nakakalungkot nga 'yun kung iisipin mo. Lalo na kung may nililigawan ka, 'yung tipong akala mo sasagutin ka na sa dami ng bulaklak at chocolates na binili mo at sa dami ng beses na nilibre mo siya ng pamasahe at nagpagod na ihatid siya sa bahay nila, pero 'yun pala isang taon nang taken at akala niya isa ka lang mabuting "kaibigan" (ouch!). O kaya kung may crush ka tapos akala mo gusto ka na din dahil lagi mong ka-chat sa Facebook pero 'yun pala, pero 'yun pala.. 32 kayong kachat niya. Hayy. Mapapabuntong hininga ka talaga ng matindi.

Pero hindi naman talaga dapat ikinalulungkot 'yung mga ganung bagay (weh Eych??). Oo nga. Hindi naman talaga. Sa napakaraming dahilan, naniniwala akong hindi naman talaga dapat. Birthday 'yun ni Jesus, hindi Valentines Day. Family Holiday 'yun kung tutuusin dahil dapat e masayang ang mga pamilya na nagsasama sama sa Pasko. 'Yung iba mong kapamilya ang dapat mong tinatawagan sa pagsapit ng 12am sa December 25. Nanay mo dapat ang bibilhan mo ng regalo na pinagipunan mo ng 3 days. Kapatid mo ang yayain mong mag-simbang gabi ng siyam na beses. At higit sa lahat, pamilya mo dapat ang ituring mong pinaka-da best na regalo sa Pasko, at sa araw-araw. Dahil ang magsyota, maaaring magkaubusan ng pagmamahal sa isa't-isa, pero ang pamilya, daanan man ng lahat ng klase ng problema sa mundo, hinding hindi makukupasan ng pagmamahal, umabot man sa kabilang buhay.

Pero hindi naman ako choosy. Kung bibigyan man ako ng boyfriend na kamukha, ay kahit kahawig lang ng paborito kong artistang Koreano, pwede na siguro.

Advance Merry Christmas!! :))


---

Pasensya na sa kinalabasan ng blog, kinalawang na ang utak ko. Hehehe. :))

Wednesday, August 4, 2010

PANGARAP NA SINIRA NG WONDERGIRLS


So ayun na nga tila puputok na ang lahat ng ugat sa katawan ko,
Hindi ko masabi yung gusto kong sabihin, parang mauuna pang lumbas yung utot ko kesa sa mga salitang gustung gusto kong bitawan.
Mukang hihimatayin muna ako hanggang sa masabi ko sa kanya na mahal ko sya ,tinitigan nya lang ako sa mata at hiwakan nya yung kamay ko,ramdam na ramdam ko yung maiinit at malalambot nyang palad kinakabahan ako sa isasagot nya ng bigla nyang bitawan ang mga salitang "karl mahal din kita,mahal na mahal"
sandaling huminto yung pagikot ng mundo ko,pakiramdam ko ako lang ang bida sa earth,pakiramdam ko ako lang ang anak ng diyos nung mga sandaling yun
daig ko pa yung kinikilig na john lyodd,pakiramdam ko ako lang ang pinakagwapong lalaki nun sa mundo at wala ng pumapangalawa pa,
nagtitigan kami ,isang titigan na busug na busug sa pagmamahalan,grabe naman sa sobrang ganda nya,ramdam na ramdam ko ang maiinit at mabbangong hininga nya na lumalabas sa kanyang bibig.sabi naman ng sarili ko "hoy karl anu pa hinihintay mo ATTACK na !!!" hindi ko alam ang gagawin ko nung mga panahong yun,gusto ko sanang pahintuin ang oras kaso hindi ko nahiram yung orasan ni doraemon,yun yung mga pagkakataon alam kong hinding hindi ko malilimmutan sa buong buhay ko , ito yung mga pagkakataon na kahit paulit ulit lang mangyayari sa buhay ko alam kong hinding hindi ako magsasawa,ganito pala yung pakiramdam ng marinig mo at maramdaman mong mahal ka din ng taong mahal mo.oh sheeeetttt!!!! pwede na kong mamatay,pero wag naman muna.hindi ko na alam ang gagawin ko tila huminto sa pagfufunction ang lahat ng system ko sa katawan dahil sa sinabi nya

ayan na hinawakan ko na din ang kabilang kamay nya.palapit na din ng palapit ang aming mga labi na matagal ng nasasabik,tila wala na kaming pakelam sa iba yung tipong kami na ang nagmamayari ng buong mundo,ayan na !!! ayan na magkalapit na magkalapit na mmmmuuw......NANG BIGLANG..................................................
.........................................................................................................................................................................................................................................................
"You Know I still Love You Baby.And it will never change.

I want nobody nobody But You, I want nobody nobody But You
Nandareun sarameun silheo nigaanimyeon silheo
I want nobody nobody nobody nobody"

ng biglang akong gisingin ng napakalakas na punyetang stereo ng kapitbahay namin,nasira lahat ng pangarap ko nang dahil sa limang singkit na babae na pasalamat sila magaganda sila, =( ,nawasak ang mundo ko dahil sa kantang hindi ko naman lubos maintindihan,pinilit kong bumalik pero hindi masagi sa isip ko ang mga nangyari ,nananaginip lang pala ako,balik na naman sa dating buhay,balik na naman sa totoong buhay,napaisip tuloy ako kung sa panaginip na lang ba posible lahat mangyari yung mga bagay na ginugusto mo..parang gusto ko na lang matulog na matulog kahit na alam kung hindi pwede,nextdreaming na lang ulit ..
kahit sa panaginip lang nangyari yun okay na din saken yun dahil alam kung kahit papanu may mga pwersa pa din ng kalikasan pilit akong ginagawang masaya kahit sa panaginip lang at kahit hanggang panaginip lang..

*BOW*


isang nakakaantok na umaga sa lahat

karlnuqui aug4,2010
10:26 am

Tuesday, May 4, 2010

WHAT IS LOVE???


Nung bata pa ako madalas akong makapanuod sa tv ng nagsasampalan,nagiiyakan,nagaawayan,naglalambingan may naghahalikan at meron ding labis kung maglaplapan sabi nila teleserye daw yun tungkol sa pagibig naguguluhan tuloy ako kung anu nga ba ang ibig sabihin ng salitang LOVE!!!!..

Isang salitang binubuo na ang apat na letra,masasabing isang payak at konkretong salita lang madaling matandaan pero sobrang dami ng kahulugan..WHAT IS LOVE?sabi nila.love is sacrifice,love is like a vitamins that makes you healthy,love is blind ,love is GOd therefore God is bl*nd???ay leche ewan napakagulo simpleng salita daw pero bakit iba iba sila ng pagpapakahulugan?ganun nga ba talaga kalaki ang sakop ng LOVE sa human vocabulary?eh kung isusulat yata ang lahat ng pagpapakahulugan ng lahat ng tao patungkol sa pagibig eh makakabuo ng isang libro o baka humigit pa,hindi mo tuloy alam kong kanino ka maniniwala ,hindi mo alam kung kaninong sagot ang ibabasura

ba yung tawag sa binigay mo yung payong mo sa kanya wag lang syang mabasa sa ulan?love ba yung tawag pag nilalambing ka pa rin ng aso mo pagkatapos mo siyang iwan buong araw ng magisa sa bahay,love ba kapag wala siyang sagot tapos pinakopya mo siya,yung wala siyang baon tapos hinati mo ang sandwich mo para sa kanya ,yung siya parin ang crush mo kahit na may putok siya,yung siya pa din yung sa tingin mo ang may pinakamagandang ngiti kahit na may gera ang mga ngipin niya,yung ang saya mo pagkausap siya kahit ang baho ng hininga niya,love ba yung gabi gabi kayo kung magtalik sa kama?,yung lahat ng gusto niya binigay mo na,lahat ng utos niya sinunod mo pa,o baka naman yung love eh yung sa dinami ng taong nangiwan sayo eh nandiyadiyan pa din siya,yung laging may tatapik sa likod mo tuwing may problema ka,yung may uutangan mo pag wala kang pera?,yung lagi mong kalampungan sa kalsada?o yung pareho niyong naiintindihan ang isa’t isa,love ba yung iisa kayo ng pagkakapareho at pagkakaiba?,yung maspipiliin mo siya kesa sa tropa,inlove ka ba pagnagawa mo nang magligpit ng kama tuwing umaga,o magreview dahil may exam ka„yung wallpaper mo sa cellphone ay picture niya?,yung nagiipon ka dahil malapit na birthday niya?,iba’t ibang klase ng opinyon patungkol pagibig may sa tingin kong mabuti meron din naman masama .pero dahil ito ay opinyon lang hindi natin pwedeng sabihin kung ano ang mali at tama.

”sana’y pagibig na lang ang isipin ng bawat isa sa mundo,sana’y magkatotoo,sana’y laging magmahalan,sana’y laging magbigayan”

lyrics ng isang kanta yan

dahil may salitang bigayan sa huli baka nga siguro tama yung LOVE is when binigay mo yung payong mo wag lang siyang mabasa sa ulan..ay naku ang gulo gulo sobrang nakakalito kung ano ang paniniwalaan ko .para sakin ang LOVE ay isang form ng drugs kaya marami ang naaadik dito,kaya may mga nakapagsulat ng kantang to,kaya maraming high na high dito kaya maraming lumalakas dito,kaya marami ang nakangiti dahil dito,kaya marami sa atin hinahanaphanap to,pwede rin naman LOVE is like a sleeping peels kaya marami ang napapatulog dito yung tulog na wala nang gisingan

”IN A WORLD WHERE EVERYBODY HATES A HAPPY ENDING STORY IT’S A WONDER LOVE CAN MAKE THE WORLD GO ROUND”yan yung pinakapaborito kong linya sa kantang with a smile ng eheads……..

LOVE- pagnagmahal ka daw imposibleng hindi ka masasaktan,imposibleng hindi ka makasakit,imposibleng hindi ka iiyak,imposibleng walang tampuhan,awayan,selosan,at kung anu ano pang hindi magandang mangyayari pero talaga naman masarap magmahal at maramdaman mo na ikaw ay minamahal,yung may dahilan ka para gumising sa umaga,yung may dahilan ka para magpapogi at magpaganda,yung may dahilan ka kung bakit laging kumpleto ang araw mo,at higit sa lahat may matindi kang dahilan para maging masaya.

ang tunay na pagmamahal ay hindi nasusukat kung ano ang kaya mong gawin para sa taong mahal mo,hindi nasusukat kung gaano mo kayang ibroadcast ang pangalan niya,hindi palageng hangga’t kaya mo lang siyang ipaglaban. Ang tunay na pagmamahal walang basihan dumedepende lang sa pamamaraan ng taong nagmamahal. Ang importante mahalin mo lang ng mahalin ng mahalin ng mahalin ng mahalin to the nth power ang taong mahal mo kahit na dumating pa ang panahong malaos ang konsepto ng pagibig sa mundo at magsawa man magmahal ang tao

hibang ka kung masasabi mo o mabibigay mo ang konkretong ibig sabihin ng LOVE ,kahit gaano ka man katalino ,kahit nagmana kapa sa tatay mong abogado,kahit magpakaadik ka pa sa sankatutak na libro,kahit sa library ang tambayan mo,kahit humahakot ka man ng medal sa school nyo,kahit ala einstein pa ang utak mo,kahit si karl joseph nuqui pa ang pinakacute para sayo =)yeah,walang sino man sa atin ang may kayang ibigay ang eksatong kahulugan na panglahatan ng salitang LOVE, dahil may iba’t ibang pagpapakahulugan ang bilyonbilyong tao sa mundo patungkol dito na dumedepende kung paano nila

*NARAMDAMAN ————-*NARARAMDAMAN—————*AT MARARAMDAMAN

-karlnuqui-may4/10

Monday, May 3, 2010

BOB ONG: Me Love You Long Time



2010/4/14 Erning Labra :

> Hello, Boss!
>
> May ikokonsulta po ako. Tungkol sa pag-ibig. Paano po ba kung
> yung taong gusto mo ayaw naman sayo... pero araw-araw mo siyang
> kasama sa trabaho? Akala mo, OK ka lang, kaya mo. Pero mahirap
> pala, kasi andyan siya lagi. Parang laging pinamumukha sayo na, ha-ha,
> hindi ka sapat, may kulang sayo, ha-ha. Paano po ba yun?
>
> Salamat po.


May dalawa akong sagot--isang gago, isang seryoso.

Gagong sagot:
1. Buhusan mo sya ng pagmamahal tulad ng ginagawa ng mga mayamang DOM sa mga laos nang teen star. Kung hindi epektib, proceed to step two.
2. Palipatin mo sya ng ibang trabaho...kung hindi pwede, step three.
3. Lipat ka ng ibang trabaho...kung hindi pwede, step four.
4. Ayawan mo sya. Ako, madaling ma-turn off sa ayaw sa akin. Ibig sabihin nun pangit panlasa nya. Sabihin mo sa sarili mo araw-araw sa salamin paggising sa umaga: "Shit! Ikaw, aayawan nya? Anong klaseng tao sya???" Basta pagkatapos ng "shit" dapat MAY exclamation point, hindi pwedeng diretso o walang punctuation. Abangan mo ilang araw lang, ayaw mo na rin sya. At mapapansin mo nang hindi pala pantay-pantay ngipin nya, labas ang mga buhok nya sa ilong, masyadong maliit yung kaliwa nyang boob, masyado syang madalas at malakas umutot, at meron syang "ep" at "fi" defect. (Pacebook Fropile.)

Pero paalala, hindi ko pa nasubukan ang payong ito dahil wala pa kong nagustuhang babae na ayaw sakin.

(...marami na pala, pero may ilang araw na ang lumipas kaya hindi na counted yun.)


Seryosong sagot:
Hanapin mo yung taong pinanggagalingan ng sinasabi nilang "Love Quotes ni Bob Ong"...parang masyadong maraming alam sa love yon, pati tenga naisip nyang pagdikitin para maging puso, baka sya makatulong sayo.


---


[Paalala: Una at huling beses na sasagot si BO ng lab prablem. Ang mga susunod na isasangguning problema ipo-forward na ni BO kay Ben Tulfo.]


---

Haha. Natuwa lang ako sa post na 'to ni BO si multiply niya. Silipin niyo rin. Hehe. :D

http://sibobpo.multiply.com/journal/item/8

(Favorite part: "Ako, madaling ma-turn off sa ayaw sa akin. Ibig sabihin nun pangit panlasa nya.") The best. Hahahahah. :D

Thursday, April 29, 2010

KaIBIGan


Parang icecream na kumukulo sa inet

Parang isang malakas na ulan sa panahon ng El Niño

Ganyan na nga ba kaimposibleng mahalin mo din ako?

Lalagyan ko ng tinta ang lapis

Gagawin kong parisukat ang earth

Hindi ko alam kung kakayanin ko

Pero mahal kita kaya handa akong magpakagago.

Kung may salamin man ang katotohanan

Sana’y mabulag na lang ako sa kasinungalingan

Kung ang tangi ko lang masisilayan

Ay ang ating imposibleng pagmamahalan.

Ngayong gising na gising na ako

Sa panaginip na matagal akong nilaro

Ngayo’y mulat na ang aking isip

Sana’y pati ang puso ko ay mahagip.

Itong nararamdaman ko’y gusto man labanan

Ang puso ko nama’y gusto pa rin subukan

Kahit alam kong magkaibigan lang tayo

Pasensya ka na miss sa kakupalan ko.

Sabi nga ni Dr. LOVE pagnagmahal ka

Hilingin mo na maging masaya sya

Mahalin mo lang sya ng mahalin

'Wag kang humingi ng kapalit na ikaw ay mahalin nya rin.

Madaling sabihin pero mahirap isabuhay

Ang mangarap ba nayon ay isa nang kasalanan??

Tulad ng hiling sayo ng iba mong kaibigan, gusto din kitang maging masaya.

Ngunit dadating pa kaya ang pagkakataon

Na ako naman ANG TANGING DAHILAN kung bakit ka MASAYA?

Hindi ko man masabi kung gaano kita kamahal nang harapan

Sa pamamagitan ng mga letra na ito aking hinahayag

Na minamahal kita ng lubos at ng buong katapatan.



-----
Mula kay Karl Nuqui ulet. hehehe. :)

PARA KAY 1ST CRUSH. SANA MABASA MO 'TO!!!

Pitong taon na ang nakalipas mula nung unang beses ako humanga sa isang babae nung ako ay nasa elementarya pa lamang. Pwede na rin nating sabihin na ito ang unang beses na natuto akong lumandi.

Ito ang istorya tungkol sa aking 1st crush.

Siya siguro ang pinakanaging dahilan. Siya rin siguro ang nagpatapang at nagpalakas ng aking loob nang ako’y mapasugod sa “OPERATION LIBRENG TULE” sa aming barangay na proyekto ni Mr. mayor

Sabihin na din natin na gasgas na gasgas din ang pangalan nya sa walang habas kong pagsusulat ng pangalan nya sa lahat ng slamnote/book na sinagutan ko noon. May mga tanung kasi dun na

*Who is your crush?????…….at kung hindi ako nagkakamali kasunod na tanung yun sa

*What is Love????…..

Sigurado ako lahat tayo nagdaan sa pagkakataon at mga panahon ng pagkakaroon ng crush o isang inspirasyon - inspirasyong pumasok sa eskwela na HINDI LAMANG ang pagkakaroon ng baon ang dahilan. Pag may crush ka, kanya kanyang pasikat, kanya kanyang paraphernalia, makapagpapansin lang. Daig pa ang kandidato sa panahon ng eleksyon.

Malaki rin ang naging epekto sa akin ni 1st crush. Sabihin na nating napakalakas nga ata ng tama ko sa kanya. Sa kabila ng mumurahing edad, nakaramdam na ako ng kakaiba.

Siya ang dahilan kung bakit ako gumagastos ng 4 pesos pambili lang ng pamada sa kanto para pagarain ang buhok ko. Punasin, hawiin, punyeta! Hawi dito, hawi doon, hawi sa gitna, hawi sa gilid, at sa bandang huli, Jose Rizal hair style ang kinakalabasan ng halos 30 minutos kong pagaayos sa harapan nang salamin. Kulang na lang eh pati ang kilay ko at mga buhok sa ilong ay lagyan ko na nang pamada.

NAAGGDAAAAN AANNNNGGGG MMGGAAAA AAARRRRAAAAWWWW!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

Napapansin ko noon na malapit na ang graduation. Konting tulog, konting pasok, konting tak-in ng polo, konting hawi ng buhok, konting pagpapakyut, konting banat at eto na nga!

GRADUATION NA!!!

Masaya sana. Pero pagkatapos no’n, wala na akong balita sa kanya. Hindi ko na siya uli nakita (hindi pa kasi uso ang mga text at chat noon). Wala na rin akong narinig tungkol kanya.

Haayayyayayayyyy. Nagdaan ang mahabang panahon. Masaya at puno ng mga suliranin at pagsubok na buhay …

PITONG TAON NA RIN ANG NAKALIPAS…ngayon ay nasa ikatlong taon na ako sa kolehiyo at kumukuha ng kursong pang inhinyero. Sobrang lawak na nang aking paligid. Masyado na ring malaki ang mundong ginagalawan ko at ang pinakapagbabago sa akin ngayon ay WAX na ang gamit ko sa halip na PAMADA! Impeyrnes, ramdam naman ang asenso. Yeahh!!!!

AKO: Maa, Bayad po. LRT estudyante. Pakisuyo naman po. Salamat!

DRIVER: Sukli ohhh

Laking gulat ko nung tumambad sa akin ang babaeng nag-abot ng sukli. Isang napakagandang babae. SIYA!! OO SIYA!! HINDI AKO PWEDENG MAGKAMALI! TAMA! SIYA NGA si 1st crush ko. Napakaganda pa din nya.

1stcrush: Karl????

Ako: Oo ako nga.

1stcrush: Kamusta? Estudyanteng estudyante ahhh.

Ako: Hehe. Hindi naman. Oh bayad ka na ba? San ka punta??

*bigla na lang syang natahimik*

Ako: Oh bakit? May nasabi ba akong masama?

1stcrush: Ay wala naman. Ahhm pupunta ko ng ospital. May sakit kasi yung anak ko.

*parang ako naman ang biglang natahimik*

Pitong taon na ‘yun. Pero parang na-blangko ako sa narinig ko. Para kong nakuryente. Parang tumigil ang pagfa-function ng lahat ng system ko sa buong katawan.

1stcrush: HUUUIIIII!!! ‘Nu nangyari sa’yo?

Ako: Ay, oh wala naman. May anak ka na pala.

1stcrush: Oo ehh. Hindi na nga ako nakatapos ng hayskul at karl din pala ang pangalan nya. Ito pic nya oh.

Ako: Waw ang kyut at kapangalan ko pa. Galing!

DRIVER: Oh lrt na. Mga bababa jan ohh.

Ako: Dito na lang ako

1stcrush : Oh sige.

Habang ako’y nakababa na, hindi ko namalayan na sa pambabae na pala ako nakapila. Napaisip ako nang malalim. Kahit pala patuloy tuloy ang takbo ng buhay, may mga bagay pa ring masarap balik balikan. May mga bagay na sana dinala ko at hindi ko iniwan sa nakaraan. Naisip ko si 1stcrush. May anak na siya. Pakiramdam ko hindi sya masaya. Nakikita ko ‘yun sa mga mata niya. Nakaramdam ako ng panghihinayang. Ewan ko kung bakit, pero parang nagbalik ang mga gunita ng nakaraan. Hayyyyyyy….

Hindi man naging kami, siya pa rin ang isa sa mga dahilan kung ano ako ngayon at patuloy kong babaunin ‘yun. Siya pa rin ang dahilan kung bakit alam ko ang pakiramdam kung paano magmahal.

Iba pa din pala talaga ang 1st crush.

Sa bandang huli, hindi man kami ang nagkatuluyan, SIYA PA RIN ANG 1ST CRUSH KO !!!!! at hindi na mababago ‘yun.



----
Kahit kelan talaga, isa sa pinakamasayang pag-usapan sa buhay ay ang first crush. Masarap balik-balikan. Isang alaala na manunumbalik sa gunita mo at biglang magpapangiti sa'yo. :D

Ang post na ito ay mula kay Karl Nuqui (kj_nuqui@yahoo.com). Add niyo sa Facebook. Baka ikaw ang sinasabi niyang first crush niya. hehehe. :D

(Thanks to www.pixdaus.com for the two kids. I mean, for the picture. heheh.)

Friday, January 29, 2010

One Missed Call

Alas-dos ng hapon, sabi mo tatawag ka.
Natuwa ako, 'di maipaliwanag ang saya.
Sabi ko, sige. Maghihintay ako.

Dumating ang alas-sais ng gabi.. Tak.
Nag-alas-otso na, wala pa rin.. Tik.
Alas nuebe-kinse,
Alas-dyis..
Alas-onse. Klik.
Alas-dose ng hatinggabi. Suko na.

Magdamag na pala akong naghihintay,
Buong hapong nag-aabang.
Nasaan ka na?
Sabi mo tatawag ka?
Itutulog ko na lang ang lahat.

Paggising sa umaga,
Tinignan kung nagtext ka
Kaso wala.
Pagdilat ng mata,
Mukha mo ang nakita,
Hahawakan sana kita,
Kaso bigla kang nawala
at naglahong parang bula.


Panaginip lang yata 'yun
Pero sana nakikita kita ngayon
Naghihintay pa rin ako sa tawag mo
Baka sakaling busy ka lang
At nakalimutan mo'ng pangako mo.

Bumangon na sa kama
Naghanda para sa bagong umaga
Sumulyap ng kaunti sa litrato mo
At ang sandaling pagsulyap,
Nauwi sa 'di inaasahang pagluha
Sa hindi maipaliwanag na dahilan
Nalungkot ako bigla,
At kung bakit.. hindi ko alam.

Nagsimulang magtrabaho
Pero larawan mo'ng nasa isip ko
Nasaan na ang tawag mo?
Gusto ko lang naman marinig ang boses mo.

Buong araw nag-aabang,
Maghapong naghihintay.

Dumating ang alas-sais ng gabi.. Tak.
Nag-alas-otso na, wala pa rin.. Tik.
Alas nuebe-kinse,
Alas-dyis..
Alas-onse. Klik.
Alas-dose ng hatinggabi. Suko na. Ulit.

Kring.. Kring..
Pangalan mo ang nasa screen
Sa wakas.


"Bakit ngayon ka lang tu.."

"Mahal kita."

"Ano?"

"Mahal kita. Sobra."

"Bakit ngayon mo lang sinabi sa'kin 'yan?

"Ngayon ko lang naisip. Kung kelan huli na."

"Anong huli na? Alam mo namang.."

"Huli na. Ingatan mo ang sarili mo."

"Iniingatan ko naman lagi. Adik ka ba?"

"Sobrang mahal kita."

"Ma.. Mahal din kita.. Sobra.. Matagal na.."

"Paalam."

"Hoy, anong nangyari? Bakit ba ngayon ka lang.."

Tut.. Tut..

Bigla kang nawala.
Sa mga narinig ko,
Hindi ako makapaniwala.

"Hello. Bakit mo binaba?"

"..."

"Hello. Adrian. Bakit di ka nagsasalita?"

"Christina. Ikaw pala."

"Ay Tita, kayo po pala 'yan. Nasan po si Adrian?"

"..."

"Hello. Tita?"

"Wala na siya Christina."

"Bakit po? Saan po nagpunta?"

"..."

"Tita? Saan po nagpunta si.."

"Wala na siya. Kahapon lang."

"Ano po? Hindi ko po maintindihan."

"Naaksidente siya."

"Hindi pwede."

"Tinatawagan ka niya 'nung bigla siyang.."

Binaba ko na ang telepono.
Hindi ko na kayang marinig ang totoo
Umaasa na sana lahat na lang ay biro
Pero hindi. Gumuho ang mundo ko.

Ang mga salitang huli kong narinig sa kanya
Kay tagal kong hinintay na sabihin niya
Ngayon alam ko nang laman ng puso niya
Bigla naman siyang nawala
At ang tanging pinanghahawakan ko na lang
Ay ang mga alaala niya
At ang ilang segundong boses niyang nagsasabing
"Mahal kita."

Kung paano magsisimula ng bagong umaga
Kung paano ko pa haharapin ang lahat
Kung paano ako magiging masaya
Hindi ko na alam.

Dumating ang alas-sais ng gabi.. Tak.
Nag-alas-otso na, wala pa rin.. Tik.
Alas nuebe-kinse,
Alas-dyis..
Alas-onse. Klik.
Alas-dose ng hatinggabi. May tumawag.

Kring.. Kring..

"Hello."

"Christina."

"...Adrian?"

"Ako nga."

"..."

"..."

"..."

"Namimiss na kita Adrian."

"Mas namimiss kita. 'Wag ka nang malungkot."

"Hindi ko matanggap."

"Maayos na ako. Masaya na ako."

"Paano ako?"

"Maging masaya ka, ipangako mo."

"Paano?"

"Buksan mo ulit ang puso mo."

"Hindi ko alam."

"Mangako ka. Magiging masaya ako 'pag naging masaya ka."

"Susubukan ko."

"Mahal kita Christina, sobra. Paalam na."

"Adrian.."

Tut.. Tut..

Nawala ka na naman.
Sa pagkakatong ito,
Habambuhay.

"Christina.."

"Adrian.."

"Christina, bangon na. May pasok ka pa."

Alas-sais ng umaga.
Mataas ang sikat ng araw.
Larawan niya ang una kong nakita
Nakangit siya't parang nagsasabing,

"Masaya na ako."

------
Lesson:
'Wag gagamit ng cellphone 'pag nagdadrive. Kung ayaw mong maexpose sa mahabang dramahan.

Sunday, August 16, 2009

Best Friend, I Lab You!

Hindi naman ito ang buhay na pinili ko. At lalung-lalong hindi ito ang buhay na pipiliin ko kung papipiliin man ako ng pagkakataon. Kaso minsan, hindi ko rin masabi. Naging masaya naman ako, kaso hindi ko rin naman maiwasan 'yung masaktan. Kaso ganito talaga ang buhay. May dahilan ang lahat nang mga nangyayari, at naniniwala ako sa kasabihan na 'yan.

Corny man sabihin, pero iba talaga ang nagagawa ng pagmamahal sa isang tao. At para sa'kin, ang pag nagmahal sa isang tao, mahal man siya o hindi, dapat hinding-hindi niya iisipin na mamahalin din siya ng taong minamahal niya. 'Yun ang kaso ko, mahal ko kasi siya. Siya naman mahal 'yung kaibigan ko. At 'yung kaibigan ko, may mahal ding iba. Ang gulo nga eh. Pero eto ang buhay na binigay sa'min ng tadhana, ano naman magagawa namin di ba?

Sakripisyo ang pag-ibig. Hindi na importante kung mahal ka man o hindi ng mahal mo, ang mahalaga, alam mo sa sarili mo na lagi kang nandyan kung sakaling kailanganin niya ng kaibigan. Hindi mo papangarapin na maging kayo kahit gustong-gusto mo, sa halip, papangarapin mo na sana maging sila ng taong mahal niya para maging masaya siya. Minsan, parang ayaw ko na siyang makita. Hindi dahil sa umiiwas ako. Ayoko lang kasi na makita siyang nagpapanggap na masaya, baka mas masaktan lang ako.

Sa loob ng sampung taon, siya lang ang taong minahal ko. Nasabi ko na 'yun sa kanya, kaso pabiro lang. Kaya akala niya, nagbibiro nga lang talaga ako. Basta ganun 'yun. Sinabi ko 'yun nung Grade 6 kami. Sobrang bata, akala ko nga bata pa talaga ako nun at magbabago ang lahat pag dating ng high school. Kaso hindi, hindi ko alam kung bakit.
Tapos na kami ng college at hanggang ngayon, mahal na mahal ko pa rin siya. At nasasaktan ako para sa kanya. Wala kasi akong magawa para maging masaya siya. Ang mas masakit pa, hindi niya pinapakita sa iba na kahit paano, mahina din siya. Sa mata ng iba, ayos lang siya, masayahin. Pero sa mga mata ko, katulad ko rin siya. Itinatago ang lahat. Duwag.

Alam mo yung kantang Friend of Mine? Naiiyak ako pag naririnig ko yung kanta na yun. Nakakarelate kasi ako eh. Ayokong malaman niya na mahal ko pa sin siya hanggang ngayon. Pag ginawa ko yun, baka yung pagkakaibigan namin na pinanghahawakan ko ay mawala pa. Kahit pa minsan nararamdaman kong meron din akong lugar sa puso niya, ayoko pa ding umasa. Eh kasi wala lang, ay hindi meron pala. Ayoko lang talaga umasa. Masaya na akong mabuhay bilang kaibigan niya. Gusto ko nakikitang nakangiti siya. Gusto ko lagi siyang masaya. Pinagdadasal ko yun lagi.

Hindi ito ang buhay na pipiliin ko. Pero ewan. Tingin ko kasi, kailangan niya ako kahit alam kong hindi. Grabe magulo talaga ko no? Kalaban talaga ng tao ang magulong isipan. Sa sobrang gulo ng isip mo, hindi mo na alam kung tama pa ba ang ginagawa mo. Minsan nasasabihan ko na ring tanga ang sarili ko. Lagi kong sinasabi sa isip ko, "Hello Janna??? 10 years mo nang mahal yan, hindi ka pa sumusuko???". Tapos maiisip ko din bigla kung nagsisisi ba ko dahil minahal ko siya. Tapos sasagutin ko din ang sarili ko ng hindi. Hindi ako nagsisisi kasi, hindi ko alam. Hindi ko din alam kung bakit ko siya mahal. Iniisip ko na lang din, siya rin naman, nahihirapan. Hindi rin naman siya mahal ng mahal niya. Ganyan nga yata talaga ang buhay. Pag mahal mo, hindi ka mahal. Pag gusto mo, hindi naman para sayo. Pag may dala kang payong, wala namang ulan. Hehe.

Pero sa buhay, marami ka talagang matututunan. Lalo na sa love. Hindi rin kasi sapat yung haba ng pinagsamahan niyo, yung pagkakapareho o similarities niyo, o kaya yung dami ng sakripisyo mo sa kanya para hilingin mo na sana kayo na lang ang itinadhana. Kasi at the end of the day, kahit wala ang lahat ng mga nabanggit ko, kung talagang mamahalin ka niya, mangyayari at mangyayari yun kahit wala kang gawin na kahit ano.

May gusto lang akong sabihin sa taong mahal ko. Alam ko naman na magugulat ka kung malaman mong ako ang may gawa ng blog na to, pero hindi ka naman masyadong nagcocomputer, ni wala ka ngang Friendster eh, kaya baka hindi mo rin to malaman at ayokong malaman mo. Alam mo ba, lagi kong dinadasal na sana maging masaya ka. Pag masaya ka, nagiging masaya na din ako kahit medyo masakit. Pero pag nalulungkot ka, mas lalo ako. Alam mo ba yun? Akala mo lang wala akong pakealam, pero umiiyak din ako silently with you sa tuwing magkukwento ka tungkol sa kanya. Anung kanta ba yung may lines na "binabasura ng iba ang siyang pinapangarap ko?'". Parang ganun kasi. Kahit na alam kong hindi ako sumasagi sa isip mo sa araw-araw na nabubuhay ka, kahit wala man ako sa alala mo sa buong maghapon, gusto kong malaman mo. Kailangan mo man ako o hindi, nandito lang ako. sana alam mo yan. Sana lang talaga. At masaya akong nakilala kita.

Ang gulo ng blog ko. Natuwa lang kasi ako dito sa Ped xing. Salamat sa mga tao dito kung maisipan niyo man ipost to hehe. Pasenya na mahaba na pala. Mwaaah sa mga tao. hehe. Godbless yah alL!


------------------------

Mula kay Janna (mamamatay daw ang magpopost ng e-mail add niya dito)

Thanks kay Janna. Kung sino ka man, salamat. Dapat hindi lang kasiyahan niya ang pinagdadasal mo, dapat yung kasiyahan mo din. 10 years? Grabe. Antibay mo friend. Sana makita at mapansin ka din niya kahit minsan. Naks! Maganda tong blog mo, may natutunan ako, Hehe. Salamat ulit. =)

Friday, April 24, 2009

Wanted: Mystery Millionaire's Wife

Maghahanap sana ako ng kasaysayan ng Quezon City sa internet dahil assignment namin 'yun sa Philippine History, pero nagulat ako sa isang balita sa Yahoo! (www.yahoo.com)- isang milyonaryo ang naghahanap ng mapapangasawa!

Akala ko sa telenovela lang meron 'nun, pero sa totoong buhay din pala. Hindi ko alam kung anong trip sa buhay nitong si "Mistery Millionaire Man". Sa katunayan, nag-hire siya ng isang matchmaker - si Janis Spindel - na binayaran niya ng $50,000! Eto ang video, panuorin niyo:



Kung interesado ka, keilangan e pasok ka sa mga qualities na hinahanap ng ating Mystery Millionaire Man:

"You should be at least 5-feet-5 or 5-feet-6-inches tall and have what Spindel calls the Four Bs -- beauty, brains, a good, healthy body and a balanced life."


Tinanong din si Janis (ang matchmaker ng millionaire na 'to) kung bakit naghahanap ito ng mapapangasawa kung saksakan naman siya ng yaman at napaka-gwapo pa . Eto ang sagot niya:

"He ... has obviously been working like a madman and looking for love in all the wrong places, he's had a billion horrific blind dates."

Sa mga interesado, mag-apply lang sa website na ito: www.janisspindelmatchmaker.com. Doon daw merong "application form for anyone who wants to be a millionaire's wife."

Kapag tinanggap ni Ms. Matchmaker ang application mo, sisingilin ka nito ng $25 (na hindi ko alam kung para saan, baka pang-load ni matchmaker), at kapag napagpasyahan niya na makipagkita sa'yo, sisingilin ka ulit ng $50 (na muli, ay hindi ko alam kung para saan). At kapag nagustuhan ka na niya ng bonggang-bongga, irerekomenda ka na niya kay Mr. Mystery Millionaire Man. Bawing-bawi na ang $75 mo.

Pero kung ako sa kanya, hindi ko gagawin 'yun. (Ooowwsss?) Oo nga. Tingin ko kalokohan 'yun. Kung naghahanap ka ng taong magmamahal sa'yo, isang malaking pagkakamali ang "bumili ng babae". Parang ganun na din di ba? Syempre, maraming mag-aapply dyan, may mapipili si Ms. Matchmaker para maging asawa niya, at sa bandang huli, isa lang din ang dahilan kung bakit siya pinakasalan ng babae - dahil sa yaman niya. Asan ang true love? Natututunan nga naman ang pagmamahal. Eh pano kapag hindi natutunan? Suntukan na lang?

Magtagumpay kaya 'tong matchmaking na 'to? Makahanap kaya siya ng taong magmamahal sa kanya at hindi ng dahil sa yaman niya?

At pwede bang 1x1 na lang 'yung ilalagay ko sa application form? Ano nga ba 'yung postal code sa Quezon City? Paki-email na lang sakin ha? Thanks.

Friday, February 13, 2009

The Love Blog Part 2: Valentines Edition

Valentines Day na pala bukas. Friday the 13th ngayon. Pero walang konek 'yun.

Nagtataka lang ako kung bakit hindi ginawang holiday ang Valentines Day. Eh di ba ito naman ang gusto ng mundo, ang magmahalan tayo? Dapat isa man lang sa mga senador, kongresista, mambabatas o ungas ang magsuggest na gawing holiday ang February 14. Kung mangyayari 'yon, maraming matutuwa. Yey!

Ang daming puso sa paligid, hindi nga lang tumitibok. Ang daming roses, cards at holding hands. Ang sarap pagmasdan ng paligid kapag Valentines Day. Feeling mo kasi lahat ng tao sa paligid mo, nagmamahalan. Para bang sandaling huminto ang mundo para magbigay daan sa isang bagay na kayang gawin ng tao kahit na wala siyang hawak na diploma - ang magmahal.



Sa mga napapansin ko sa paligid at sa TV, masaya at mahirap ma-in love.

Masaya kung mahal ka din ng taong mahal mo. Masaya din kasi isipin na kahit ganyan ka, meron pa ring isang taong nabaliw para sa'yo. Masaya dahil may nasasandalan ka sa mga oras na feeling mo sumuko na lahat sa'yo. Masaya na sa bawat holding hands niyo, pakiramdam mo ligtas ka kay Braguda, na sa bawat kiss, ramdam mong ang gwapo/ganda mo, na sa bawat yakap, damang-dama mo na walang mang-aapi sa'yo. Masayang isipin na kahit marami kang depekto sa buhay, pakiramdam mo lahat na lang ng bagay sa mundo e perpekto. Masayang masaya dahil sa ganoong paraan, alam mong hindi ka lang isang tuldok sa mapa, kundi comma, period, at lahat na ng punctuation marks. Kaya swerte ka kung ganon!

Eh doon naman tayo sa mga nagmamahal dyan na hanggang ambisyon na lang at puro pantasya. Marami akong ganyang kaibigan at marami ding ganyan sa telenobela. Kung iisipin mo nga naman, masakit kapag sa tuwing nakikita mo 'yung mahal mo na hindi ka naman mahal, umaasa ka pa rin na balang araw, mababaliw din siya sa'yo. Masakit lalo na 'pag parang sinasadya na ng pagkakataon na ipamulat sa'yo na hindi siya para sa'yo. Halimbawa na lang 'pag nakita mo siyang may kasamang iba, o kaya naman, sa sobrang manhid niya, nagawa niya pang ikwento sa'yo 'yung tungkol sa taong mahal na mahal din niya. Masakit na halos bigyan ka na ng tadhana ng mga dahilan para kalimutan siya. At paminsan-minsan, sinasaktan mo na mismo ang sarili mo, sumaya lang siya .Tsk. Tsk. Kaya naiintindihan ko na kung bakit maraming nagpapast time sa tuktok ng billboard.

Sa mga hindi pa naiinlove, ayos lang 'yan. Matuto ka sa mga bagay na nakikita mo sa paligid mo, pero wag ka masyadong magpapaepkto. May sarili kang desisyon, nasa sayo kung gagamitin mo yung karapatan na 'yun.

May mahal man o wala, heartbroken man o super saya, o kahit hindi mo pa nararanasan ang alinman sa dalawa, may karapatan ka pa ring magcelebrate ng Valentines Day. Kaya nga may pamilya at kabigan na ibinigay sa'yo ang Diyos para alagaan at sabihan ng "I love you".

Happy Valentine's Day sa lahat!=)




(Ang larawan ay galing sa www.desicomments.com)

Friday, January 30, 2009

The Love Blog: Part 1

Nag-iisip ako ng kung anung pwede i-blog habang magkausap kami ng kaibigan kong problemado sa love life niya. Tapos naisip ko, "blog tungkol sa pag-ibig, kaya ko ba 'yun?"


Nung fetus pa lang ako, nagtataka na ako kung ano bang meron sa pagmamahal sa isang taong hindi mo naman kaanu-ano at gustong-gustong gawin 'yun ng napakaraming tao? Bakit ba para silang tanga na umiiyak dahil "iniwan" sila ng mga karelasyon nila. Bakit ba ganoon na lang masaktan 'yung bida sa telenobelang pinapanood ko dahil sa alam niyang walang gusto sa kanya 'yung taong pinagpapantasyahan niya. Bakit may holding hands at bakit may kissing scenes na kelangan takpan ko 'yung mga mata ko dahil "censored" daw 'yun. Wag mo naman ako sabihang baliw, pananaw ko lang naman 'yun nung bata pa ako.

Hindi ko alam kung paano nabago 'yung mga pananaw ko, pero isa lang talaga ang natutunan ko, maraming nababago ang pagmamahal sa buhay ng isang tao. Maraming-marami. Tingin ko nga, kaya may mga mental hospital at rehabilitation centers e dahil may mga sobrang mapagmahal sa mundo.

Ano nga bang punto ko?

Wala pa akong first love, at sa libo-libong di maipaliwanag na dahilan, ipinagpapasalamat ko 'yun. Kanina lang, kausap ko 'yung kaibigan ko. Hindi daw niya alam kung bakit ba niya minahal 'yung taong hindi naman siya kayang mahalin. Tapos humirit na siya ng mga pamatay na banat gaya ng "Nagtataka ako Eych kung bakit pa hinayaan ng Diyos na makilala ko siya e ang Diyos din naman ang author ng buhay ko, dapat niligtas na lang niya 'yung sarili niyang bida." Sabi ko sa kanya, "Syempre magaling pa kay Bob Ong si God, masyado siyang magaling na author kaya hindi mo mahuhulaan 'yung mga next scenes. Wag ka kasi mainip, pero wag ka din maghintay." Hindi ko alam kung pano niya tinanggap yung sinabi ko na yun, mahirap kasi magsalita pag wala kang alam.

Basta ang alam ko, pag nagmahal ka, wala ka dapat reklamo. Hindi mo dapat kinukwestyon ang kung sinuman para lang ma-satisfy 'yung tanong mo na "Bakit ako nasasaktan ngayon?".

Pasensya na, broken hearted kasi yung nakausap ko. Pero sa part 2, siguro matino na 'yung mga sasabihin ko. Abangan na lang ang sequel ng blog na 'to. Inaantok na kasi ako. =)

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | Edited by PedXing-ArAr