Showing posts with label Kwentong Skul. Show all posts
Showing posts with label Kwentong Skul. Show all posts

Saturday, September 15, 2012

Love Ako Ni Prof!

(Mag-blog muna ko. Hindi pa ko makatulog. Hindi rin ako makapag-aral, hindi ko alam kung ano uunahin eh. Hehehe.)

Halos isang bwan (tatlong linggo 'nung Summer, isang linggo ngayong Autumn) na rin akong pumapasok sa university dito sa Canada. Isang bwan, na kung tutuusin e sapat na para makapag-adjust at maka-adapt ako sa bago kong kapaligiran, 'yun bang "adjustment period" kung tawagin sa school ko dati sa Pilipinas. Pero eto - hindi pa rin ako sanay. Hindi pa rin ako masyadong nakakapag-adjust. Hindi pa rin ako masyadong maka-move on - sa simpleng dahilan na masyado akong natutuwa, hindi makapaniwala, at palaging napapanga-nga maya't maya. Alam mo 'yung pakiramdam na masyado kang nata-touch kasi halos lahat na lang ng atensyon at pag-aalaga e ibinibigay na sa'yo, kulang na nga lang subuan ka habang kumakain at palitan ka ng diaper (after 35 weeks). Ganoon kasi 'yung pakiramdam ko ngayon sa school na pinapasukan ko. Sobra akong natutuwa sa mga professors ko na hindi ko lubos maisip na nag-eexist pala sila. Doon lang ako medyo hindi nasanay.

Natatakot akong pumasok 'nung una kasi pakiramdam ko mga terorista 'yung mga professors at nangangain ng laman-loob ng bata (swerte sila sa'kin kasi sigurado busog sila). Iniisip ko kasi basta nag-eenglish na prof e terorista. Sa kabutihang palad, *buntung-hininga*, mali naman pala ako. 'Yung mga professors ko, isa lang ang palaging sinasabi sa unang araw ng klase "I am here to help you, so you don't have to worry." Iba-iba lang ng pagkakasabi pero ganun din ang ibig sabihin. Sila pa minsan ang nagmamakaawa na humingi kami sa kanila ng tulong kasi pakiramdam nila binabayaran lang sila para gumawa ng wala. Ibibigay nila 'yung mga email address nila, oras ng opisina, pati contact numbers para kung sakali daw na kailanganin namin ng tulong, "I will be happy to help you out," tulad nga ng lagi nilang sinasabi. Pinipilit nilang kilalanin 'yung bawat estudyante sa abot ng makakaya nila dahil ayaw daw nila ng "anonymous teaching", gusto nila na parang isang pamilyang nagbabatian tuwing umaga ang tema ng bawat class discussions.

Pati 'yung mga hindi professors, alam kung ano ang mga pangangailangan namin bilang mga estudyante. Para bang alam nila lahat ng mga posibleng maging problema ng mga estudyante sa kani-kanilang pag-aaral at buhay sa loob ng university. Kung kaibigan kita, sigurado akong alam mong genius ako sa Math. Umattend ako minsan ng isang tutorial sessions para sa mga kapwa kong allergic sa Math (ay sh*t, nagkakarashes yata ako). 'Nung una nahiya ako kasi talagang hindi ko maitindihan 'yung Quadratic Function, pero inisip ko, 'yun naman ang silbi ng session na 'yun - ang gamutin ang allergy ko. Tapos doon ko nalaman na sampu sa 349 kong kaklase ang kapareho ko lang na "nga-nga" tuwing Math. Paano ko napatunayan? May nagtanong kung ang X-axis ba ay palaging pa-horizontal at kung palaging pa-vertical ang Y-axis. Kala ko kasi ako lang ang may ganoong tanong sa isip. 

Hindi ko tuloy maiwasan na pagkumaparahin ang sistema ng edukasyon dito at sa Pilipinas. Alam ko na iniisip mo - "Syempre, Canada yan. Malamang mas maganda diyan." Pero isantabi muna natin ang antas ng kaunlaran ng ekonomiya ng dalawang bansa at pagbasehan natin ang kung ano ang parehong mayroon sa bawat isa sa kanila - puso. Korni? Siguro. Pero malay mo naman hindi. Kung may puso ka, sige lang, basa ka pa. 

Naks. May puso siya. Hehehe. Nasabi kong napakaimportante ng paggamit ng puso sa pagtuturo at pagkatuto dahil isa ito sa mga kumokonekta sa dalawa. Tuwang-tuwa talaga ako kapag pinaparamdam sa amin ng mga professors namin na okay lang maging tanga paminsan-minsan, parte naman 'yun ng pagkatuto mo (at expected naman na nila 'yun sa'yo hehe). Nakakatuwang maramdaman na kapag nahihirapan ka na, katumbas na ng isang tapik sa balikat kapag naiisip mong may handa namang tumulong sa'yo. Email lang si prof, may instant sagot ka na sa mga tanong na hindi mo talaga masagot-sagot kahit tumambling at magsplit ka pa sa ere (gawain ko). Inisip ko nga din, siguro kung naranasan namin 'to ng mga kaklase ko sa Pilipinas, wala siguro sa'min ang sasablay sa pag-graduate - kasi wala kaming excuse para bumagsak (pwera na lang kung nakatadhana na talaga 'yun sa'yo hehe). Iniisip ko nga na siguro kaya may mga subjects kami noon na halos mga pasang-awa lang ang score ay dahil sa pagkakaroon ng ilang mga professors ng matatas na expectations sa klase namin, at nakulangan kami sa pagkatuto dahil parang ginagawa lang namin ang mag-aral sa ngalan ng grades, at hindi sa ngalan ng learning (naks!). Kung naintindihan sana ng ilang mga professors namin noon ang kakulangan namin bilang mga estudyante palang, siguro bumaba ang posibilidad ng pagbagsak. Opinyon ko lang naman 'yun, sana okay lang sa'yo. Nakakatuwa lang din kasi kapag pinaparamdam sa'yo ng professor mo na nandyan siya para sa'yo, na hindi mo siya dapat katakutan dahil isa siya sa mga kakampi mo sa school, 'yun bang gumagawa ng effort para matuto talaga kami na hindi dahil sa kailangan namin 'yun sa klase, kundi  dahil sa kailangan namin 'yun para sa buhay namin, lalo na sa hinaharap. Ang sarap lang mapasailalim sa isang professor na may puso (lalo na 'pag gwapo. Haha. Joke! ).

Ano pa ba? Wala na eh. Ah eto na lang.

Sana Sir at Ma'am, magawa niyo rin pong iparamdam 'yun sa mga estudyante niyo. Ano ba naman 'yung simpleng pagsasabi ng "Nandito lang ako mga dre" sa mga estudyante niyo, di ba? (Korni ulet? Sorry na!) Bigyan po natin sila ng kaunting puwang sa mga puso natin, at sigurado akong sa loob ng "habangbuhay" nila, imposible na kayong mawala. :)

Sunday, March 18, 2012

Palibhasa, Bobo.


Bobo ako, pero  hindi naman ako tamad mag-aral, dinadatnan din naman ako ng kasipagan na mas madalas pa sa bwanang-dalaw ng isang dalaga. Wala namang nagsasabing bobo ako nang harap-harapan dahil biniyayaan naman ako ng tadhana ng mga mabubuting kaibigan. 'Yun nga lang, 'yung mga hindi ko kaibigan, letse! Sila ang nagpaparamdam sa'kin na isa akong taong hindi biniyayaan ng utak kahit isang gramo lang.

Nakatatlong taon ako sa Grade 6. Taragis 'yan, grabeng kabobohan. 'Yung ate ko 'nun naka-graduate na sa college at binuhay lang yata 'yung magaling na 'yun para ipamukha sa'kin na hindi nag-eexist ang nervous system sa katawan ko. Araw-araw ba naman sinasabi na wala daw akong utak, kundi ka ba naman mabad-trip 'pag ganun. 'Yung nanay ko naman walang magawa, si ate kasi bumibili ng gamot niya sa high blood eh. Kaya anlakas ng loob ng hayop na 'yun na yurakan 'yung pagkatao ko. Kala mo kung sinong magaling. 

Pagkagraduate ko ng elementary, pucha!  Nagpakain ba naman sa mga kapitbahay namin! Sa wakas daw graduate na 'yung kapatid niyang bobo pagkatapos ng ilang libong taon. Nababanas pa rin ako 'pag naaalala ko 'yun. Sa sobrang asar ko 'nung mga araw na 'yun, hindi ako umuwi sa'min ng isang gabi. Isang gabi lang, nahiya na kasi ako sa pamilya ng besprend ko kung saan ako nagpalipas ng gabi. Pag-uwi ko sa bahay, pinagtawanan ako ng ate ko. Kabobohan ko daw, kung maglalayas daw ako sana tinagalan ko man lang ng ilang araw. Bwiset talaga. At nga pala, ampon kasi ako kaya ganun sa'kin si ate. Katulong nila nanay ko ‘nun tapos namatay nanay ko dahil hinoldap tapos sinaksak 'nung baby pa ko. Tatay ko naman ewan kung sa’n ba ‘yun, ni hindi man lang ako hinanap. Baliw.

'Nung hayskul naman, nasa last section ako, pugad daw ng mga bobong katulad ko. 'Pag nasa last section ka talaga pakiramdam mo para ka lang ligaw na asong ulul na pinipilit turuan ng amo. Nandun 'yung classroom namin malapit sa CR. Putragis talaga, umaalingasaw 'yung baho 'pag nagtuturo 'yung teacher namin sa English pagkatapos ng recess, kaya ang ending, nagpapareport na lang si Ma'am sa mga kaklase kong hindi naman nagrereport kundi nakikipag-gaguhan lang sa mga kaklase naming mga gago din. Iiwan kami ng teacher tapos babalik pag nag-bell na. 'Yung mga nasa section 1, palibhasa mga Diyos kasi kaya alaga ng school. Wala naman kaming magagawa, mga bobo kami eh. Ano nga naman bang mapapala sa'min ng school. Nagsipag-graduate na lang kami na hindi masyadong nalagyan ng palaman ang mga utak. Inisip ko na lang, atlis, nakagraduate ako.

Umabot ako sa kolehiyo nang wala masyadong laman ang utak. Pinilit ko, may pangarap ako eh. Gusto ko makapag-suot ng kurbata tsaka 'yung damit na pinapatong sa long sleeves pag JS Prom, amerikana tawag namin 'dun ng mga kaklase ko 'nung Hayskul. Gusto ko suot-suot ko 'yun araw-araw kahit tirik na tirik ang sikat ng araw tapos naka-kotse ako na kulay black, ay saya! Business pinasukan kong course, sabi kasi ng tita ko 'yun daw 'yung kurso na dapat kong kunin kung gusto ko magsuot ng kurbata at amerikana araw-araw kaya 'yun ang pinasok ko. Namasukan akong kargador ng bigas sa bigasan ng tita ko kasi medyo may kaya din 'yun at wala namang anak, nabaitan naman sa'kin kaya pinag-aral ako. Ayoko na kasi sa bahay eh, nabwibwiset ako sa ate kong leche. Hay nako. So ayun, going back, hindi naman masama. Pinilit kong pigain 'yung utak ko sa unang taon ko. Sabi ko sa sarili ko, hindi ako lalabas sa classroom namin nang hindi man lang nababawasan ng 1% ang kabobohan ko. Nakaraos naman din kahit pa’no. 'Yung mga talagang hindi ko maintindihan na lessons kahit anung pag-tumbling sa ere pa 'yung gawin ko, pinapaturo ko na lang sa kaklase kong mas maraming laman ang utak sa'kin. Salamat naman din talaga sa kanya at pumasang-awa ako. Puro 3.0 ang grades ko, at na-1.0 ko 'yung PE, favorite ko kasi 'yung basketball eh.

Kaso, buwakanangina, hindi ko kinaya. Hiyang hiya ako sa tita ko. Sa pangalawang taon ko sa college, nagsibagsakan na ako. Inang math kasi yan eh, dumali sa’kin nang tuluyan tsaka ‘yung English. Wala na. Hininto ko na lang. Nakatatlong-singko ako, psychology ata ‘yung isa ko pang binagsak. Pero gusto ko talaga makatapos man lang ako kahit ano. Kaya pinatos ko na lang ‘yung kursong bokasyonal, ‘yung pag-eelectrician sa TESDA. Mahilig din naman kasi ako magbuting-ting ng mga gamit sa bahay. Pinangarap ko nga maging electrical engineer noon kaso binawi ko din agad kasi nga papatayin ako ng Math. Sa kabutihang palad, natapos ko naman nang maayos ang 396 hours na kursong ‘yun. Nagkaroon ako ng diploma at tinulungan ako ng naging propesor namin para makapasok ako sa pinagtatrabahuhan ko ngayon.

Eto ako ngayon. Nagkaroon ako ng asawa na public school teacher at nagkaroon kami ng dalawang anak. Sapat lang ang kinikita naming mag-asawa para makakain ng tatlong beses sa isang araw at mapag-aral ‘yung mga maliliit naming anak. Hindi natupad ‘yung pangarap ko na maging businessman na nakakurbata at naka-amerikana. Sobrang bobo kasi ako – sobrang bobo para agad na sumuko. Nagpalamon ako sa tatlong singko na nakuha ko ‘nung second year college pa lang ako. Masyado kong dinibdib ‘yung pagturing sa sarili ko na isang bobo gayong hindi naman ako nagpursige sa pangarap ko at sumuko na lang basta-basta. Pakiramdam ko ‘nun nawalan ako ng silbi sa mundo, dinaig ko pa ‘yung mga kuto ng ate ko sa buhok niya. May pag-asa pa sana ako tumalino nang kaunti kung nagpursige ako, kaso wala, hanggang sa kahuli-hulihan, naging bobo ako.

‘Yung ate ko sa Amerika na nakatira, sinama na niya si nanay. Hindi naman nila talaga ko kadugo kaya wala na rin silang pakealam sa’kin. Inisip siguro nila wala rin naman akong pakinabang. Lumipas ang mahabang panahon at unti-unti na ring nawala ‘yung pakialam ko sa kanila. Pero hindi nangangahulugan na hindi ako tumatanaw ng utang na loob sa kanila. Bobo ako – pero marunong naman ako maging tao.

“I stood up as best I could to their disgusting stupidity and brutality, but I did not, of course, manage to beat them at their own game. It was a fight to the bitter end, one in which I was not defending ideals or beliefs but simply my own self.
-George Grosz


----
Photo credits: www.mshape.wordpress.com

Sunday, August 8, 2010

Aral Hangga't Kaya, Review Hanggang Mamatay

Paunawa: Kung tamad kang mag-aral, ibang blog na lang ang basahin. Thanks. -Management


Katatapos lang ng midterm namin na ginanap ngayong linggo, (as in ngayong Sunday talaga, tibay ng mukha), hindi pa rin ako binabalatuhan ng tadhana ng kaunting pirasong pahinga.

Wala dapat ako sa harap ng computer na 'to (na napakaliit ng monitor, sinliit ng utak ko, ooppss.. wala pala ko nun), dapat e tinatapos ko 'yung mga assignments na hindi pa nagagawa at dapat inaaral ang mga lessons na halos habambuhay ko nang pinag-aaralan na letse hindi matapos-tapos (sorry Mama for the bad word). Buhay na walang pahinga, kala mo kumikita at kumakayod para sa sariling pamilya, daig pang kalabaw.

Napakahirap talagang mag-aral. 'Yung tipong bibuhos mo na lahat ng oras mo pero parang andami mo pa ring dapat gawin. Halos hindi ka na matulog, may maisagot lang sa quiz kinabukasan na ibibigay ng prof mo na hindi naman nagtuturo, tapos isang malaking "5" na nakasulat sa pulang tinta ng bolpen ang magiging reward mo.

Anak ng takubets talaga.


Pero syempre, hindi naman ako nag-iisa. Bilang patunay, eto: (mga status message sa Facebook ng mga classmates kong badtrip)

"Ang lakas makasira ng ulo ang pag-aaral.
Malapit na ko kumain ng tao..."

"soon.. my head will explode.. can't handle it anymore.. my head's pounding lyk crazy.. brain says, "cut it out j9! Im soo tired with all dis cost! stop computing, drop dead, and get lost!"

"ACCOUNTANCY GIVES HIGH MORTALITY RATE..
~cge!aral pa.. :)"

"bakit nag-aaral pa ko? wala naman akong sweldo. badtrip!"


Over! Di ba anlagay? Hindi na kayang pumikit ng mga mata ko at huminga ng ilong ko (ay wala pala kong ilong, sori na). Ang hirap maging college! Wala ka nang social life. Wag na wag mong tatangkain magboyfriend dahil sigurado kinabukasan break na kayo. Minsan hindi ko na rin alam kung nag-aaral ba talaga ko dahil gusto kong may matutunan o takot lang ako sa prof ko na kumakain ng tao at lumulunok ng electric fan?

Pero bakit sa kabila ng lahat ng pagkayamot, pagkabagot, pagkainis, pagtitiis, at pagpipigil na gumala at makipagholding-hands sa SM (pero syempre joke lang), bakit nandito pa rin ako - dito sa mundo na araw-araw kong pinuputakte ng reklamo?

Sa simpleng dahilan na may pangarap ako.

Oo, napakahirap ngang mag-aral. Kung tutuusin, isang malaking sugal ang pag-aaral. Ang pinagkaiba nga lang nito sa sugal, kahit ipusta mo pa ang lahat ng kaya mong ipusta, sa bandang huli, makukuha mo pa ring ngumiti kahit anong mangyari, at siguradong may panalo ka. Wala rin namang pumipilit na mag-aral kang mabuti at magtanim ng eyebags sa mata mo, pero pinili mo pa ring ituloy ang laban dahil sa mga pangarap mo - maliit man yun o malaki. Kaya kung nahihirapan kang mag-aral, isipin mong mas mahirap kung hindi ka nakapag-aral.

Wag mo na lang din isipin ang hirap, dahil hindi ka naman talaga nag-aral para maghirap. Narealize ko yan kanina habang nakasakay sa LRT at ewan kung bakit.

Kaya habang kaya pa, aja! Isantabi ang mga reklamo na dahil 'yan ang kakain sa mga diskarte mo, sigurado. Magsakripisyo ka muna. Konting-konti na lang, maabot mo na ang tagumpay. Aja! =)

(Nag-blog ba ko para pagsabihan ang sarili ko?) Log out.

Tuesday, March 23, 2010

ToPloYa: Ang Simula ng Pagtatapos

TOga, DiPLOma, MedalYA

Ito na siguro sa tanang buhay mo bilang isang fourth year hayskul student ang pinakapormal na pagpapalayas sa iyo ng iyong paaralan – ang GRADUATION. Handa na ang bagong biling black shoes, ang toga, diploma, medalya, ang background music na “ten…teneteten…tenten…teneteten…tenten..” na parang Christmas countdown lang, ang palakpakan ng mga taong handang sumuporta sa iyong paghakbang, at ang sarili mong mga paang nanginginig sa excitement! Ang pagtawag sa pangalan mo ang pinakamasarap sa lahat, ang sandali ng iyong pagsikat. Ang simula ng pagtingala sa iyo ng mga kapwa mo mag-aaral, mga kaguruan at nagmamalaki mong mga magulang na handang panoorin ka sa pag-akyat mo sa entablado ng pagtatapos.

Ang utak mo at ang mga bagay sa paligid mo ang magsisilbing CD player ng ‘yong nakaraan na magrerewind ng mga lipas nang pangyayari ng buhay hayskul kasabay ng kabang naghahari sa ‘yong dibdib. Sasariwa ang mga nakakahiya at nakakatuwang bagay sa isip mo…

…ang pagpasok mo ng eksaktong 5:45am para habulin ang flag ceremony tuwing Lunes…

…ang pakiramdam na para kang “alien” dahil sa biglaang “surprise quiz” tungkol sa nilesson kahapon kasi “absent ka!”

…ang pagkukwento ng talambuhay mo noong Sabado’t Linggo…

…ang pagtalsik ng laway ng mga guro sa tuwing pagagalitan kayo…

…ang paghikab habang gumagawa ng assignments sa classroom…

…ang pagrerecite, pangongopya, pakikipagdaldalan, pang-aasar, ang matinding panlalait at ang panghihinayang dahil sa nagpakopya ka…

…mamimiss mo rin ang mga “parasites” na laging humihingi ng papel kapag may quizzes, test, at written recitation at ako rin bilang “parasite”

…ang pagsusulat sa upuan, banyo, dingding, uniform, blackboard, desk, light-colored handkerchief para sa kodigo, notebook ng iba at sa lantarang pagpapaganda ng tattoo sa kamay.

…ang paglalagay ng pulbo, lipstick, make-up at pagsusuklay habang nagtuturo si titser.

…ang panonood sa mga classmates ko habang kumakain sa recess.

…at pagsisihan ang mga bagay na “dapat ginawa ko.”

Lahat ‘yan maaalala mo at tatakbo sa malikot mong pag-iisip. Wala pa diyan ang lovelife at friendship.

“Mahirap bang magpaalam?...oo! marahil HINDI…”

Mararamdaman mo ang kakaibang presensya sa paligid. Para bang may humahalimuyak na amoy na nanggagaling sa kung saan na ‘di mo malaman kung ano. ‘Wag na nating paikutin ang usapan, pero kung ibabase mo sa realidad, nakakalungkot talaga. Asahan mo na sa banding huli o sa kalagitnaan pa lang ng programa ay may luluha na at tatangis sa mga mata nila ang kalungkutan, kasiyahan, panghihinayang at lakas ng loob para harapin ang kinabukasan. Dadaloy sa katawan mo ang pakiramdam ng pagtibok ng ‘yong dibdib sa mga nangyayari. At ayan ang realidad! Kung may nasimulan ka, siguradong darating ka din sa wakas kahit hindi mo pa matapos ang kabuuan.

Mahirap talagang magpaalam. Kumbaga sa kamag-anak eh namatayan ka, ang pagkakaiba lang naman ay sa buhay ka magpapaalam at hindi sa patay. Pero kung sabay, mas mahirap.

Kung may mga bagay na magpapalungkot sa’yo, hindi iyon ang guro mo na laging nagpapaalala sa’yo ng birth certificate, NSO at tamang ayos ng buhok, hindi rin ang classmate mo na laging absent kapag maglilinis ng room, hindi rin ang skulmeyt mo na binabatukan ka tuwing magkikita kayo, hindi rin ang mga janitors na laging naglilinis ng banyo, maging ang mga gwardya na nahahati sa tatlo (pang-umaga, pang-tanghali, at pang-gabi) na laging binabantayan ‘yung mga estudyante, ang skul at lalo na ung gate na animo’y may kakaibang nilalang na bigla na lang papasok doon, hindi rin ang principal na laging present kapag may program, hindi rin ang mga kaibigan mo na laging isinusulat sa slumbook mo na bestfriend ka nila at lalung-lalong hindi ‘yung aso sa canteen, kundi ang mga alaala na humubog sa inyo, ang pagsasamahan sa mahabang panahon at ang pag-ikot ng mga katanungan sa isip mo na lalong magpapalala ng pagkabaliw mo…

“Dito sa paaralan na ito, sa apat na taon kong pagtungtong sa aspaltong buhangin na ito, ngayon ay mas matatag na ako kaysa sa bakal at semento, at mas maningning pa kaysa ginto. Ako ay pinanday sa lugar na ito at ginawang isang mahusay na sandata upang ihanda at gamitin sa susuunging laban.”

Ang kalungkutan ay pansamantala lang. ‘Wag kang matatakot sa mga darating na pagsubok, sabi nga ng mga guro, “nag-uumpisa ka pa lang.” Siguro ay sumagi rin sa isip mo na dapat ay magsikap ka at maging mabuti para baguhin ang kapalaran ng nanghihingalong bansa.

Ang pagtatapos na ito ay nagsisimula pa lamang. Sa pagkakataong ito, marahil ay isa pa lang tayong sisiw na pinapakain ng inahing manok ngunit alalm ko na hangad mo rin na balang araw na maging isang agila at makalipad nang malaya.

Ngayon ay ihanda mo na ang sarili sa gagamiting toga, sa pagtanggap ng diploma, at ang pagsasabit sa’yo ng medalya. At siguradong pagkatapos ng pagsubok na ito at pagkagising mo kinabukasan, magbabago ang lahat…


....
(mula kay geniustype07@yahoo.com)

Sunday, January 31, 2010

Masama ba Kung Tamad Ako Mag-Aral??

BABALA: 'Wag ipapabasa sa mga anak ang blog na ito. Nakakaumay. Hayaan niyo na lang sila mag-DoTa.

Nag-iisip ako ng topic para sa blog ko. At dahil wala akong maisip, tumingin na lang ako ng mga pangyayari sa Facebook na hindi ko naman alam kung anong maitutulong ng mga 'yun sa pag-unlad ko. Pero nakakatuwa din naman kahit pa'no - lalo na 'yung mga iba't-ibang "pages" na gawa ng mga walang magawa sa buhay bukod sa magtype ng status message at makipag-chat sa Facebook habang hawak ang malakas na pagnanasang makaka-chat nila ang mga taong pinagnanasahan nila. (Pero walang konek 'yung huli kong sinabi.) Narito ang ilan sa mga "Pages" na sinasabi ko na baka isa ka na din sa mga fans ng mga 'to:

- ang tunay na MATALINO hindi nagrereview, STOCK KNOWLEDGE LANG. (123,058 fans)

- YEAH I STUDIED. Then I forgot everything when I saw the paper. (105,645 fans)

- Tulog muna 'ko, para mamaya magrereview na (pero hindi na nagising). (74,326 fans)

- INIISIP KO PA LANG TINATAMAD NA KO (44974 fans)

- NAKALIMUTAN NI SIR NA MAY QUIZ, "YESSS!!!" TAPOS MAY EPAL NA NAGPAALALA!(25,787 fans)

- MAY QUIZ BUKAS, BAHALA NA SI BATMAN! :)) (13,557 fans)

- MULTIPLE CHOICE DAW QUIZ... WAG NA MASYADO MAG ARAL! :)) (11,861 fans)

- x= sin [(x+1)²+(tan80°)+(xy²+2x²)²] TARA! TULOG NALANG! (6,568 fans)

Nakakaloka. Kung ganyang karaming kabataang Pinoy ang allergic sa pag-aaral, ano na lang mangyayari sa bayan natin? *achu!*

Hindi ako magmamalinis. Aminado ko, madalas akong nakakaramdam ng hindi maipaliwanag na katamaran sa pag-aaral. Nakakahawa nga yata talaga 'yung sakit na 'yun. Minsan nakakatukso pa kapag tatanungin mo 'yung kaklase mo, "Nagreview ka ba?", tapos sasagot siya, "Hindi eh. Andami kasi. Natulog ako. Umalis kami. Naglinis ako ng bahay. Pero sinubukan ko naman." Tapos ikaw makakahinga ka nang maluwag dahil alam mo na isa 'yun sa mga aspeto ng buhay mo na alam mong hindi ka nag-iisa at mabait pa rin sa'yo ang tadhana.

Nakakatamad talaga mag-review paminsan-minsan. Panahon ng mga midterm examinations habang tinatype ko ang blog na 'to. Sa napakaraming dahilan, nakakatamad talaga.

Una, bad trip pag-aralan ang sandamukal na pages na hindi naman diniscuss ng prof niyo kahit minsan kundi pinareport lang sa mga kaklase mo na hindi rin naman pinag-aralan 'yung report nila at binasa lang nila 'yung visual aids na nakadikit sa blackboard niyo. At ikaw na anghel na nakaupo sa upuan mo e hindi naman nakinig kahit minsan.

Pangalawa, tukso si computer at laptop. Kasabay ng pagbuklat mo ng libro mo ay ang pagsulyap mo sa computer mo at sasabihin mo sa sarili mo "sige, 10 minutes lang, tapos review na ako talaga." Pero ang 10 minutes, nauuwi sa kalahating araw na paghaharvest, pagseserve, pakikipagchat at pakikipagjamming sa mga impaktong emo ng mga online games.

Pangatlo, may kumakalat na balitang multiple choice daw ang exam. Hindi ko na kailangan ipaliwanag. (Pero mali ang balita. Modified True or False pala, right minus wrong pa.)

Pang-apat, biglaang pagiging health-conscious. Mas importante ang kalusugan kesa sa kahit anung grade na matatamo sa exam, kaya matutulog na lang.

Panglima, masyadong maraming iniisip. Iniisip ko na. Naiisip mo ba? Hindi ko maisip. Lagi kong iniisip. Ano ba iniisip mo? Wala akong maisip.

Pang-anim, pampito, pangwalo, hanggang sa pang-19752 na dahilan, ikaw na ang bahalang mag-isip.

Iniisip ko nga, hindi na siguro epektib sa mga kabataan 'yung pangako ng mga pulitiko na libre o murang edukasyon para sa lahat. Tinatamad nga sila mag-aral tapos ganun? Kung sasabihin nila na libre o murang laro ng DoTa para sa lahat, e baka sure win na sila. Bagsak na ekonomiya. Lipat na tayo sa Milky Way.

Pero bata, kung iniisip mong normal lang sa panahon ngayon ang pagiging tamad mag-aral, e nagkakamali ka. Nagkakamali ka. Inuulit ko, nagkakamali ka. Uulitin ko pa, NAGKAKAMALI KA! Nagkakamali ako. Hay. Ngayon ko lang napag-isip isip na masyado pala akong naging adik sa Facebook 'nung nakaraang sem kaya hindi ganun kaganda 'yung quiz ko sa Biology. Nakalimutan kong study of plants pala ang Botany at hindi study of pets.

Kung ngayon pa lang, mag-aadik ka na sa computer games at kung anu-ano pang mga kinaaadikan mo sa buhay na nagiging sagabal para mag-aral kang mabuti, paano ka na sa mga susunod na araw, buwan, taon at paano na ang buhay mo sa paglipas ng panahon? Hindi mo naman pwedeng sabihin sa mga magiging anak mo na, "Wala akong ibang maipapamana sa'yo kundi 'yung karakter ko sa DoTa at mga taniman ko sa Farmville. Palakasin mo pa 'yung karakter ko at iharvest mo on time yung mga tanim ko kundi isusunod kita sa hukay. I love you anak."

Masama ba kung tamad kang mag-aral? Sa napakaraming dahilan, sobrang OO! Mag-isip isip ka na ngayon pa lang. At 'wag ka masyadong paapekto sa sagot ng mga kaklase mo 'pag tinatanong sila ng "Nagreview ka na ba?"

Saturday, August 22, 2009

Malas Ka Nga Ba o Sadyang Tamad Lang?

Total napapanahon naman ang eksams ngayon, kaya ki-kwentuhan ko nalang kayo ng mga di magagandang bagay...(nyeehh)?? Siguro naisip n'yo, bakit sa dinami-dami ng pwedeng ikwento, eh yung di pa maganda? Well, naisip ko din yan ehh.. Mamaya pag natapos ko na toh isulat, dun natin malalaman kung panget ba talaga o kung ano man ang bagay na toh...basta ang alam ko MALAS AKO...,KAMI???

Ano nga ba koneksyon ng salitang MALAS at TAMAD???? meron nga ba??? Palagay mo meron ba??? ikaw palagay mo?? kayo dyan???,ano sa palagay niyo?? (pasensya na kayo puro kwestyon? mark) Ako kasi di mapalagay....

By the way, (wow! english) pag-usapan na natin ang di magagandang bagay sa linggo ng eksams at ang koneksyon ng salitang tamad at malas sa mundo..(sa mundo??)

Isa akong estudyante sa kolehiyo (di lang halata), major in Political Science, di ko na sasabihin kung saang esKWELAHAN, baka makaramdam kasi kayo ng awa sakin.. Kung bakit? hayaan na natin yun! Di naman masyadong importante,,,nakakamatay lang....
hala ka!!!

Alam ko bawat estudyante may mga paboritong subjects at may kinakaharap ding delubyo pagdating sa mga hate nilang subjects sa college. (pinili mu yan ehh...magdusa ka.) Tama nga naman diba, tayo naman ang pumili ng course natin pero bakit pagdating ng mahihirap na eksams, "curse" na ang tawag natin dito? Hayyss..estudyante nga naman, talagang natututo sa mga teachers.

By the way ulit, eto na talaga yung totoong kwento. Exam week namin ngayon, bukod sa pressured sa pagre-review, pressured pa sa ipambabayad na tuition fee. Well, as usual, kinakabahan sa magiging resulta ng eksams at sa grado na tiyak ay mag-mamarka na naman sa aming mga puso...ooohhh

Di namin alam kung bakit sa t'wing nagte-teyk kami ng eksams eh parang lahat talaga ng lakas at talino namin e nagagamit. Naisip ko naman, panong di namin mararamdaman yun e habang nage-eksam sa asian civilization, formulas sa finance ang naiisip namin, o kaya naman e yun' mga sinabi at sinulat ni Aristotle, Plato at St. Thomas Aquinas nung unang panahon ang naaalala ng mga utak namin...Mahirap pala talaga sa college...umaasa nalang kami sa mga madadaling tanong, bonus ba!!

Isang araw, inanunsyo ng aming propesor sa Natural Science, "natsci" kung tawagin, na mayroong isang bonus kwestyon sa klase, ngunit nag-iisa lamang ang test kwestyuneyr na maglalaman nuon.. Swerte ng makakakuha!! hahaha... At ang kondisyon, kapag nasagutan ng the lucky one ng tama ang bonus kwestyon, makukuha ng buong klase ang bonus points. Masaya na sana!!!

Nung araw ng eksams, sobrang kinakabahan ako dahil alam ko na mahihirapan ako ng bonggang-bongga. Halos di talaga ko nagrebyu para sa eksams sa araw na yun. Iniisip ko kasi wala rin naman papasok sa utak ko, di ko rin maaalala yung nirebyu ko.. Kaya naman di na ko nagbasa, tinitigan ko lang lahat ng mga nakasulat sa nowtbuk at hand-outs ko. Ayun ang bilis ko magsagot sa unang subject. Nung kukuha na ko ng test paper para sa natsci, nagkasabay kami ng isa kong kaklase sa pagkuha. Syempre nagparaya ako, pinauna ko s'yang dumampot ng papel, eh talagang napakabait ng kaklase ko kaya naman kinuhanan nya din ako. Dalawa yung dinampot nyang test paper, isa para sa kanya at isa para sa akin (ang sweet nuh??).

Habang nagsasagot ako wala 'kong ibang ginawa kundi alalahanin yung mga diniskas ng prof namin. Hirap na hirap ako, halos lahat ata ng sagot ko dun e hula... Andami-dami talagang identification problems, kaya naman tiningnan ko kung ga'no pa karami ang huhulaan ko..tskstk..sasagutan pala. Nang makita ko yun' test kwestyuneyr ko, ang haba pa pala ng sasagutan ko. Hala !!! One page lang yung kwestyuneyr pero sobrang siksik. Napansin ko may nakasulat na mga kataga sa bandang dulo ng papel ko, "BONUS QUESTION". Nung una inisip ko na baka joke time lang yun o kaya naman baka hindi talaga nag-iisa yung papel na may bonus question. Kaya naman sinilip ko yung papel ng mga katapat ko, at nakita ko na maiksi lang yung naka-print sa kwestyuneyr nila. Di pala joke time yun, totoo pala na may bonus kwestyun nga. Pero naisip ko, sa dinami-dami namin bakit ako pa ang nakakuha ng bonus question? at sa dinami-dami ng test paper eh yun pa ang napunta sakin, na inabot lang ng klasmeyt ko. malas.

Nung makita ko yung bonus question, madali lang sagutin- kung nag-aral ka!! Tungkul sa PAG-ASA yung tanong. Feeling ko nasagutan ko naman s'ya kaya lang may konting flaws, konti lang naman...tsk naligaw lang naman yung salitang "and". Pagkatapos ko mag-eksam di parin ako makapaniwala na sakin napunta yung bonus item, kaya naman ni-research ko sya agad. Ayun nalaman ko na yung eksaktong sagot sa tanong....hayysss ....asarrr

Naasar talaga ko sa nangyari. Gusto pa ata akong asarin lalo ng palabas sa tv na POKEMON.... Habang nasa bus ako, nanunuod kami ng tv, pokemon ang palabas. Sabi nung isang karakter na babae, "kelan ba mawawala ang hamog na toh?" sagot naman ni Ash, "aba, ewan ko. Wag mo kong tanungin di naman ako PAG-ASA ehh." Asar diba...

Bandang huli, na-realized ko na kung di lang ako tamad magrebyu sana nasagot ko ng maayos yung mga tanong, swerte sana at di malas..

----

Mula kay Elyria (di ko sure kung ayos lang sa kanya na ipost ang real name niya). Hehe. Thanks toL! Sa uulitin ha. At sana makakuha ka ulet nung bonus exam. Peace! =)

Thanks to http://home.ewha.ac.kr/~ishahn/ExamBonusQuestion.gif for the image above.

Sunday, August 9, 2009

Ang Paborito Kong Guro *Bow*

"Masyado na yata kayong matatalino. Your impersonating persons. From now on, there will be no discussions. Kokopya na lang kayo tapos quiz na!"

Sabay walk-out.

Sabi 'yan ng Prof namin 'nung isang araw nang mahuli niya 'yung ilan sa mga kaklase ko na nag-iimpersonate ng mga Prof. Galit na galit talaga siya sa'min. Pero ramdam ko na karamihan din sa'min, nakaramdam din ng galit - hindi sa Prof namin na nagalit sa'min - kundi sa lahat ng mga Prof namin ngayon na hindi namin alam kung gusto ba nila kaming matuto o gusto lang kami pagtripan.

Bayani ang mga teachers. Walang duda 'yan.Pero hindi talaga maiiwasan na mapunta sa section niyo ang ilang mga teachers o Professors na pinanganak lang yata sa mundo para asarin kayo, turuan magtiklop ng brief at panty imbes na ituro kung para saan ang epidermal ridge, hulaan ang mga kapalaran niyo sa halip na turuan kung paano gumamit ng keyboard, at ikumpara kami sa ibang section tapos sasabihin every exams, "Tapos na ba kayo mangopya? Pass your papers now." May iba pa diyan na idadaan na lang sa pagwo-walk out ang mga bagay-bagay. At sa bandang huli, topic na ng tsismisan sa faculty ang section niyo. Tsk tsk.



Balik tayo sa Prof namin na nagalit. Maraming tumatakbo sa isip ko 'nung mga panahon na 'yun. Marami akong gustong sabihin sa kanya kaso wala akong lakas ng loob. Gusto kong sabihin sa kanya, "Ganun na lang 'yun Sir, 'pag nagalit kayo sa'min, hindi na kayo magtuturo? Kung ganun na lang ang lahat ng teachers sa mundo, hindi nakakapagtaka kung bakit maraming lumalaking mahina't walang alam."

'Yung isang Prof naman namin, lagi niyang ipinagmamalaki na pogi siya, na maganda asawa niya at naaasar na siya kung bakit ang galing-galing niya. Pero ni isang bagay na may kinalaman sa subject namin, wala siyang binalak ituro. Ay meron pala, ano ang itsura ng hard disk 'pag kinakalawang.

The best naman 'yung Prof namin sa isa pang subject namin. Walang ni isang meeting na pinalagpas para ituro ang tamang pagtiklop ng underwears na dapat ay tungkol sa different body systems ang pag-uusapan namin. Ayon sa kanya, doon mo daw malalaman ang personalidad ng isang tao - sa pamamagitan ng pagtiklop ng underwear. Ikaw, alam mo ba kung paano?

Pero wala talagang tatalo sa Prof namin sa aming major subject. Mabait naman siya, kaso minsan talaga pagdududahan mo 'yun. Nagwalk out na din siya samin. Nagtaka naman kami kung bakit dahil tahimik naman kami. Hanggang sa kinausap siya ng vice president namin, ang sabi, sobrang ingay daw namin at trip niya kaming ibagsak. May batas bang nagsasabing pwedeng mambagsak ng Prof? Saang parte ng saligang batas 'yun? Paki-email naman saken. Thanks.

Hindi ko matandaan kung sino ang nagsabi na hindi mahalaga kung anong klaseng teacher meron ka, ang mahalaga, e kung naging anong klaseng estudyante ka. Pero minsan talaga mababad-trip ka na lang bigla. Pinipilit mo naman na mag-aral mabuti, kaso iba ang lumalabas sa exams. Tsktsk.

Hindi ba pwedeng tulungan na lang? 'Yung mga teachers at professors na tamad magturo at walang ginawa kundi pagtripan ang mga estudyante, siguro po Mam, Sir, hanap na lang po kayo ng ibang trabaho. O kaya kung gusto niyo bumuo kayo ng sarili niyong Talk Show at circus.

Pero syempre, kahit paano, may natira pa ring mga matitinong alagad ng edukasyon na gumagabay samin. Ayaw din nila ng maingay, pero marunong silang mag-saway at ituloy ang pagpuno sa mga utak naming paminsan-minsan eh nakukulangan at nababawasan ng kaalaman. Hindi silang nagwo-walk out. Nagtuturo sila ng maayos, at nakakapag-aral din kami ng maayos. Ang resulta? Magagandang grades at alaalang tatatak sa isipan namin na minsan, dumating sila sa buhay namin para turuan kami sa iba't-ibang aspeto ng buhay.

"Hindi namin kailangan ng sobrang talino, walking and talking encyclopedia, live calculator o isang genius na Prof o guro, ang kailangan namin ay isang may malasakit sa kapakanan naming lahat, at hindi 'yung nagpapasikat lang."

Sorry sa mga Professors na napagtripan naming gayahin ang mga mannerisms. Isipin niyo na lang po, ang cute niyo kasi kaya ginagaya namin kayo. Peace! :)



P.S. Sa mga kaklase ko na nag-udyok saken na isulat ang blog na ito, walang laglagan 'pag nagkayarian ha? haha! :)

Wednesday, July 29, 2009

13 kUTOS ng Estudyante

May 10 utos ang Diyos. May batas na sinusunod sa isang bansa. May batas sa klasrum. May batas sa kalsada. May batas sa paggamit ng swimming pool. May utos ang Simbahang Katoliko. Laging nang-uutos ang nanay mo. Utos nang utos ang guro mo. Pero 'wag kang mag-alala bata, may naghihintay ding utos mula sa'yo na dapat sundin - hindi nang mga nang-uutos sa'yo - kundi ng mga batang tulad mo e biktima din ng pang-uutos. Magulo ba? Utos ka kasi ng utos! Tsk Tsk.

May binigay sa aking isang lumang cartolina na naglalaman ng "13 kUTOS ng Estudyante" ang classmate ko (na 'nung isang dekada pa niya binigay pero ngayon ko lang nilagay dito). 2nd year high school daw nila ginawa 'yun ng mga kaklase niya (2nd year college na kami ngayon, di ako makapaniwala). May mga pangalan ditong mababanggit na hindi pamliyar sa inyong mga tenga, mata at isipan. Pero may common sense naman kayo. Ako kasi wala.




Kung hindi mo maintindihan ang mga nakasulat, eto:

13 Kutos ng Estudyante (II-I) - [2nd year, section 1]

1. Ibigin mo ang guro nang higit sa lahat, wala kang ibang susundin kundi si Mam Compollo. (Terror na teacher ata nila 'to)

2. Huwag susundin ang sinumang guro na nagbibigay ng mababang marka, 'yung may "plus" lang.

3.Huwag kang sumipsip sa'yong guro, dahan-dahan lang, baka mabulunan ka.

4.Pumasok ka ng 07:30 am sabay sabi ng "I'm sorry I'm late, I will not be late again."

5.Igalang mo ang mga nagpapakopya sa'yo.

6.Huwag kang magpatawa kung walang sense.

7.Huwag mong i-share ang assignment mo sa di mo friend, sa'kin lang ok! (Antigas ng mukha nito hehe)

8.Huwag mong tantanan ang iyong classmate sa pang-aasar. Di kita tatantanan!

9.Huwag kang mangopya, baka magka-stiff neck ka.

10.Ang lahat ng bagay ay dapat na "kinacareer".

11.Huwag kang dumaldal kung "bad breath" ka.

12.Huwag kang magpanakaw, magnakaw ka lang. Hirap ng buhay wala nang libre ngayon.

13.Huwag mong pagnasahan ang bolpen na napulot, chalk ni Mam Mendoza, 1/4 sheet ng katabi, at most especially, tignan ang lesson plan ni Mam. Lagot ka!


Mensahe mula sa langit (?):

Tandaan, hindi lahat ng mga kautusan sa mundo ay mabuti sa kalusugan. Mag-isip ng mabuti.

Sunday, March 15, 2009

Yess! Graduate Na!

Sa sobrang bilis ng panahon, hindi ko namalayang halos mag-iisang taon na pala mula 'nung hinubad ko ang suot kong toga at lumabas sa kahuli-hulihang pagkakataon sa gate ng iskul ko 'nung high school. Tama, "parang kelan lang".

Hindi ko alam kung anong damdamin ang dapat mangibabaw sa isang 4th year student sa tuwing sasapit ang buwan ng Marso. Tuwa? Maaari. Lungkot? Pwede din. Takot? Siguro. Excitement? Yata. E tuwa, lungkot, takot at excitement? Perfect.

Una, tuwa. Sa libo-libong pagkakataon na gumawa ka ng assignments, nangopya ng sagot sa katabi mo, nanghingi ng papel kahit meron ka naman sa bag, nagrecite sa teacher na halatang kumakain ng laman loob ng bata, at gumawa ng excuse letter (tandaan, ang katumbas ng katamaran ay lagnat at pwedeng umabsent 'pag may sipon), sa wakas ay gagraduate ka na din. Masarap makita ang bunga ng pinaghirapan mo. Kahit pa sabihin mong isang milyong beses kang nangopya 'pag may quiz at periodical exams, hindi mo maaaring sabihing hindi ka naghirap dahil nakakapagod ding umasa na tama ang sagot ng kinokopyahan mo. Sa wakas, tapos na ang lahat. Pansamantala.

Pangalawa, lungkot. Darating 'yung oras, lalo na 'pag ilang araw na lang e graduation day na, na mararamdaman mong hindi mo na alam ang mangyayari sa'yo 'pag iisipin mong hindi mo na makakasama araw-araw ang mga classmates mo. 'Yun bang hindi mo alam kung pagkatapos ng graduation e may tatawa pa sa mga jokes mo, may mabuburaot ka pa bang pagkakain, may mahihingan ka pa kaya ng payo at pulbos, o kaya iiyakan sa oras ng problema. Mahihiwalay ka na sa bestfriends mo, mga katropa, pinagpapantsyahan, mga teachers, o sa taong espesyal sa'yo. Malungkot 'yun dahil iisipin mo rin, "ang hirap na yata makahanap ng tulad NILA.". Masakit 'yun sa puso at apdo. Sa huli, ang masasabi mo na lang, "may katapusan ang lahat ng bagay."

Pangatlo, takot. Karaniwan itong nararamdaman ng mga estudyanteng hindi kayang pagkatiwalaan ang sarili nila. Lalo na 'pag magka-college ka na at hindi mo alam kung may maipapasa mo ba ang mga entrance exams na iaabuloy sa'yo ng mga universities o colleges. Minsan, takot din ang mararamdaman mo kapag nasa krisis ang pamilya mo. Takot ka na baka 'yun na ang huling suot mo ng toga.

Panghuli, excitement. Tingin ko ito dapat ang mangibabaw sa lahat. Higit anuman, dapat excited ka sa ibang buhay na naghihintay sa'yo pagkatapos ng graduation. Ma-excite ka sa mga bagong classmates, mas terror na teachers na tatawagin mo na ngayong "Panget!" ay este "Prof" pala, bagong canteen, bagong classrooms, bagong upuan na pwedeng lagyan ng "Inday love Gerald", bagong ID, at higit sa lahat, bagong "ikaw". Nakakaexcite ang mga bagong mangyayari sa'yo pagkatapos ng iyakan sa graduation. Goodluck.

Graduation day ng huli kong makita ang school ko nung high school, at mula nun, hindi na ako nagpakita sa mga teachers ko. Hindi ko na nakita ang ilan sa mga classmates ko pagkatapos ng malungkot at masayang gabi na 'yun. Hindi sa wala akong panahon o nakalimot na ako dahil kahit kelan, hinding-hindi mangyayari 'yun. Ipinangako ko kasi sa sarili ko na sa susunod na pag-apak ko sa paaralang kumupkop sa aking mga pangarap at takot, e ibang Eych na ang makikita nila - mas mabuti kesa sa Eych na huli nilang nakita.


Congratulations sa lahat ng mga graduates at ga-graduate ngayong taon! Good luck at God bless you all. *Palakpakan*

Sunday, February 22, 2009

Absent Si Ma'am!!

"Woi! Wala daw si Ma'am!!"

"YEEEEEEEEEEESSSSSSSSS!!!!!!!"


Itong mga nakaraang araw, palagi kaming walang Prof at hindi ko alam kung bakit dahil wala rin naman sa amin ang may balak na tanungin kung bakit nga ba absent yung mga Prof namin. Basta ang alam namin, ito na ang pinakamagandang balitang kayang masagap ng tenga namin sa isang nakakatamad na araw.

Ewan ko sa ibang klase, pero sa section namin, instant fiesta kapag sinasabi ng president na absent yung Prof namin, para bang ang pagkawala ng teacher ang solusyon sa problema ng bansa. Ang sarap nga naman kasing isipin na sa isang parte ng araw mo e wala si Ma'am/Sir para magsalita nang magsalita sa harap ng mga bagay na hindi mo trip marinig. Ayos minsan kapag hindi ka nakapag-review sa quiz niyo para sa araw na 'yun tapos biglang wala pala yung teacher niyo, kala mo ligtas ka na sa lahat ng problema at pwedeng hindi ka na mag-suicide mamaya. O kaya pag wala kang assignments, naku, pwede ka nang tumambling sa tuwa dahil naligtas ka. Sa napakaraming pagkakataon, saya talaga pag walang teacher!!

Kung bakit masaya pag walang teacher, eto ang mga sumusunod na dahilan:
  • Pwedeng mag-ingay o makipagdaldalan sa kahit sino, ingat lang sa mga teachers sa kabilang room na magsasabing "Bakit ba ang ingay niyo? May nagkaklase sa kabila! Sinong president niyo?" Nakakapagtaka lang minsan kasi bigla kaming nawawalan ng president sa mga ganyang pagkakataon.
  • Pwedeng mag-review para sa susunod na subject kung saan kayo may quiz. Pero madalas hindi ako nakakareview dahil mas maganda pag-usapan ang Twilight kesa magreview sa Math.
  • Pwedeng lumabas ng classroom. 48 kami sa klase, 8 na lang 'pag walang Prof.
  • Pwedeng tumayo at mag-ala-supervisor sa loob ng classroom. Pwede kang pumunta sa kahit sino sa loob ng room niyo. Madalas ko 'tong gawin.
  • Pwede kang umupo kahit saan mo gusto. Gaya ng picture sa taas, ganun kadalasan ang itsura ng classroom 'pag walang teacher.
  • Pwede ka ding matulog. Boses ng mga kaklase mo na nagsasabing "Good Morning Ma'am" ang magiging alarm clock mo.

Ang saya talaga 'pag walang teacher kasi pakiramdam mo lahat e kaya mong gawin. Iniisip ko nga, ano kayang pakiramdam ng isang teacher 'pag nalaman niyang ang pagkawala niya sa isang araw ay isaang napakagandang biyaya para sa mga estudyante niya? Pero minsan, nakakaasar din kapag nagreview ka nang mabuti para sa exam niyo sa araw na 'yun at nakapagrosary ka na sin para makapasa tapos biglang wala palang teacher, at 'yung ibang classmates mo e tuwang tuwa naman. Sarap talagang maglabas ng kapangyarihan sa mga pagkakataon na 'yan.

Bakit pa nga ba tayo pumapasok sa school kung ayaw naman pala nating makita 'yung pagmumukha ng mga teacher natin? Iniisip ko din, sino nga ba ang tunay na talo pag wala si Ma'am o si Sir? 'Di ba tayo rin naman? Pumasok man sila o hindi, magturo man sila o hindi, kikita at kikita pa rin sila. Eh tayo? Sayang lang ang ilang kaalamang nakatadahana sanang pumasok sa kokote mo sa araw na 'yun. Para bang ang ipinagbubunyi natin e yung pagkawala nung mga kaalaman na 'yun.

Pero masaya talaga 'pag walang teacher. Hehe.





(Salamat kay
schoans06 ng Flickr.)

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | Edited by PedXing-ArAr