Monday, May 3, 2010

BOB ONG: Me Love You Long Time



2010/4/14 Erning Labra :

> Hello, Boss!
>
> May ikokonsulta po ako. Tungkol sa pag-ibig. Paano po ba kung
> yung taong gusto mo ayaw naman sayo... pero araw-araw mo siyang
> kasama sa trabaho? Akala mo, OK ka lang, kaya mo. Pero mahirap
> pala, kasi andyan siya lagi. Parang laging pinamumukha sayo na, ha-ha,
> hindi ka sapat, may kulang sayo, ha-ha. Paano po ba yun?
>
> Salamat po.


May dalawa akong sagot--isang gago, isang seryoso.

Gagong sagot:
1. Buhusan mo sya ng pagmamahal tulad ng ginagawa ng mga mayamang DOM sa mga laos nang teen star. Kung hindi epektib, proceed to step two.
2. Palipatin mo sya ng ibang trabaho...kung hindi pwede, step three.
3. Lipat ka ng ibang trabaho...kung hindi pwede, step four.
4. Ayawan mo sya. Ako, madaling ma-turn off sa ayaw sa akin. Ibig sabihin nun pangit panlasa nya. Sabihin mo sa sarili mo araw-araw sa salamin paggising sa umaga: "Shit! Ikaw, aayawan nya? Anong klaseng tao sya???" Basta pagkatapos ng "shit" dapat MAY exclamation point, hindi pwedeng diretso o walang punctuation. Abangan mo ilang araw lang, ayaw mo na rin sya. At mapapansin mo nang hindi pala pantay-pantay ngipin nya, labas ang mga buhok nya sa ilong, masyadong maliit yung kaliwa nyang boob, masyado syang madalas at malakas umutot, at meron syang "ep" at "fi" defect. (Pacebook Fropile.)

Pero paalala, hindi ko pa nasubukan ang payong ito dahil wala pa kong nagustuhang babae na ayaw sakin.

(...marami na pala, pero may ilang araw na ang lumipas kaya hindi na counted yun.)


Seryosong sagot:
Hanapin mo yung taong pinanggagalingan ng sinasabi nilang "Love Quotes ni Bob Ong"...parang masyadong maraming alam sa love yon, pati tenga naisip nyang pagdikitin para maging puso, baka sya makatulong sayo.


---


[Paalala: Una at huling beses na sasagot si BO ng lab prablem. Ang mga susunod na isasangguning problema ipo-forward na ni BO kay Ben Tulfo.]


---

Haha. Natuwa lang ako sa post na 'to ni BO si multiply niya. Silipin niyo rin. Hehe. :D

http://sibobpo.multiply.com/journal/item/8

(Favorite part: "Ako, madaling ma-turn off sa ayaw sa akin. Ibig sabihin nun pangit panlasa nya.") The best. Hahahahah. :D

2 comments:

Anonymous said...

Haha. Aw. Nakakatawa yung gagong sagot. Haha. Parang madali lang sabihin na araw-araw siyang nakakaipot sa panty. Pero kung pwede yun, baka pwedeng pag inaasar ka mainlove ka na din? Ewan lang. Haha.

eych said...

hahahah. oo nga, yung gagong sagot imba talaga. pero kung iisipin mabuti, may sense naman yun sinabi niya. nakakabad trip nga lang. hahahaha. :D

Post a Comment

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | Edited by PedXing-ArAr