Bakit "Pedestrian Crossing?" Bakit hindi.
Hindi madaling mag-isip ng pangalan na magfi-fit para sa weblog na 'to. Maraming suhestyon at hindi na kami mag-aabala pang i-enumerate kung anu-anoi ang mga 'yon dahil allergic kami sa salitang "corny". Pero isa lang ang nag-stand out, (Pero sa tingin lang naman namin 'yun), ang "Pedestrian Crossing".
Kung hindi mo alam kung ano ang "Pedestrian Crossing", mas maganda siguro kung lumuhod ka sa harap ng nanay mo ngayon at magmakaawang ibalik ka sa teacher mo nung grade2, o kaya tumalon ka sa building para mas masaya. Kung isa ka namang dakilang jaywalker, siguro ay hindi mo rin ito kilala. Tsk. Tsk . Tsk.
Simple lang naman ang pakahulugan ng pangalan ng weblog na pakana namin.
Sa araw-araw na pag-ikot ng mundo ng mga tao, umaapak ang paa natin sa mga puting linyang nakahiga at nagmamalaki sa mga kalsada. Iba't-ibang tao ang mga dumadaan dito, iba't-ibang pagkatao, iba't-ibang destinansyon ang tinutungo. Sa kabila ng lahat ng 'yon, naging saksi ang bawat "Pedestrian Crossing" sa kalsada sa araw-araw na istorya ng mga taong dumadaan dito. Patuloy man itong apakan, muli't-muli pa rin itong binabalikan.
Hindi namin gustong tapakan niyo kami, dahil hindi 'yon nakakatuwa. Pero gusto naming dumaan kayo sa weblog namin, tumawid man lang kahit sandali at ibahagi sa amin ang nilalaman ng maliit na karneng nasa ulo mo. Kwento mo ito. Kwento ng bawat tao. Magiging masaya kami kung magiging bahagi ka ng bawat kwentong pinipilit naming pagtagpi-tagpiin sa araw-araw. Hindi ka man matuwa, umaasa kami na babalik ka pa rin at tignan kung nawalis na ba namin ang ilang mga kalat.
Pedestrian Crossing. Tawiran ng ilang mga taong walang magawa at may nagawa sa buhay. Tawid ka na. Malay mo, bukas alam mo na kung saan ka talaga pupunta.
-xpedxingx.blogspot.com