Paunawa: Kung tamad kang mag-aral, ibang blog na lang ang basahin. Thanks. -Management
Katatapos lang ng midterm namin na ginanap ngayong linggo, (as in ngayong Sunday talaga, tibay ng mukha), hindi pa rin ako binabalatuhan ng tadhana ng kaunting pirasong pahinga.
Wala dapat ako sa harap ng computer na 'to (na napakaliit ng monitor, sinliit ng utak ko, ooppss.. wala pala ko nun), dapat e tinatapos ko 'yung mga assignments na hindi pa nagagawa at dapat inaaral ang mga lessons na halos habambuhay ko nang pinag-aaralan na letse hindi matapos-tapos (sorry Mama for the bad word). Buhay na walang pahinga, kala mo kumikita at kumakayod para sa sariling pamilya, daig pang kalabaw.
Napakahirap talagang mag-aral. 'Yung tipong bibuhos mo na lahat ng oras mo pero parang andami mo pa ring dapat gawin. Halos hindi ka na matulog, may maisagot lang sa quiz kinabukasan na ibibigay ng prof mo na hindi naman nagtuturo, tapos isang malaking "5" na nakasulat sa pulang tinta ng bolpen ang magiging reward mo.
Anak ng takubets talaga.
Pero syempre, hindi naman ako nag-iisa. Bilang patunay, eto: (mga status message sa Facebook ng mga classmates kong badtrip)
"Ang lakas makasira ng ulo ang pag-aaral.
Malapit na ko kumain ng tao..."
"soon.. my head will explode.. can't handle it anymore.. my head's pounding lyk crazy.. brain says, "cut it out j9! Im soo tired with all dis cost! stop computing, drop dead, and get lost!"
"ACCOUNTANCY GIVES HIGH MORTALITY RATE..
~cge!aral pa.. :)"
"bakit nag-aaral pa ko? wala naman akong sweldo. badtrip!"
Over! Di ba anlagay? Hindi na kayang pumikit ng mga mata ko at huminga ng ilong ko (ay wala pala kong ilong, sori na). Ang hirap maging college! Wala ka nang social life. Wag na wag mong tatangkain magboyfriend dahil sigurado kinabukasan break na kayo. Minsan hindi ko na rin alam kung nag-aaral ba talaga ko dahil gusto kong may matutunan o takot lang ako sa prof ko na kumakain ng tao at lumulunok ng electric fan?
Pero bakit sa kabila ng lahat ng pagkayamot, pagkabagot, pagkainis, pagtitiis, at pagpipigil na gumala at makipagholding-hands sa SM (pero syempre joke lang), bakit nandito pa rin ako - dito sa mundo na araw-araw kong pinuputakte ng reklamo?
Sa simpleng dahilan na may pangarap ako.
Oo, napakahirap ngang mag-aral. Kung tutuusin, isang malaking sugal ang pag-aaral. Ang pinagkaiba nga lang nito sa sugal, kahit ipusta mo pa ang lahat ng kaya mong ipusta, sa bandang huli, makukuha mo pa ring ngumiti kahit anong mangyari, at siguradong may panalo ka. Wala rin namang pumipilit na mag-aral kang mabuti at magtanim ng eyebags sa mata mo, pero pinili mo pa ring ituloy ang laban dahil sa mga pangarap mo - maliit man yun o malaki. Kaya kung nahihirapan kang mag-aral, isipin mong mas mahirap kung hindi ka nakapag-aral.
Wag mo na lang din isipin ang hirap, dahil hindi ka naman talaga nag-aral para maghirap. Narealize ko yan kanina habang nakasakay sa LRT at ewan kung bakit.
Kaya habang kaya pa, aja! Isantabi ang mga reklamo na dahil 'yan ang kakain sa mga diskarte mo, sigurado. Magsakripisyo ka muna. Konting-konti na lang, maabot mo na ang tagumpay. Aja! =)
(Nag-blog ba ko para pagsabihan ang sarili ko?) Log out.
Sunday, August 8, 2010
Aral Hangga't Kaya, Review Hanggang Mamatay
6:08 PM
Eych
2 comments
2 comments:
master eych!!! *doing the samba steps*
HAHA. TAMA!! KALA KO NAKAKATAMAD BASAHIN E. :)) GANDA. SHARE KO LANG SA FB. -obaet
Post a Comment