Tuesday, December 7, 2010

ANG SABIK SA KILIG



sa pagibig naniniwala ka ba sa pinagsamang paghihintay at paghahanap?

kung baga sa sining nagddrawing ka pa lang kinukulayan mo na....

kung hindi mahirap?IMPOSIBLE...

bakit ba madaming taong gustong pumasok sa isang relasyon? na kung ituring nila ito ay parang PANTY at BRIEF na parang hindi buo ang araw pag hindi nila suot

akala ba nila lahat ng taong IN A RELATIONSHIP ang status sa facebook ay masaya?

Uu nga sabihin na nga nating parang brief at panty nga ang isang relasyon
pero minsan sa sobrang pagmamadali natin ang nasungkit natin sa sampayan at nasuot natin ay sa tatay/nanay pa natin ,kung minsan basa pa

nagmamadali ka kasi ehh


suot mo nga hindi ka naman kumportable:in a relationship ka nga masaya kaba?o nakakahinga ka ba ng maluwag?

naghahanap ka man o naghihintay iisa lang naman ang gustong mangyari eh ang maging masigla ang lablayyff

sabi nga nila yung iba kasi sa tamlay at walang kabuhay buhay ng lovelife nila tanging ang pagkain na lang ng mangang hilaw na nagkulang sa bagoong,paghigop ng sabaw ng sinampalukang sinigang at huling pagpuslit na lang ng ihi nila tuwing umaga
ang nagpapakilig sa katawang lupa nila



ngayon magpapasko bakit kaya ang daming kating kati magkaron ng kaholding hands?magkaron ng kalampungan sa simbang gabi..at kaputukan sa bagong taon hahaha (oh wag kang green dude)

bukod sa imposibleng lumamig ang summer kaya walang "samahan ng malalamig ang summer" bakit kya tuwing december lang nararamdaman ng mga tao ang pagiging single ?bakit kaya may katagang malamig ang pasko?

bakit may SMP? bakit may mga taong malulungkot tuwing pasko sa dahilang SINGLE sila ? hindi ko lubos maintindihan .masyadong malabo para maunawaan.... kanya kanya man ng dahilan kanya kanya man ng rason at ipinaglalaban

naghihintay ka man o naghahanap ng kapareha sa buhay ,malungkot ka man o masaya ng dahil sa pagibig? ang importante nararamdaman mo ang lahat ng yan dahil buhay pa rin sa sarili mo ang konsepto ng pagmamahal...lalong lalo na ngayong PASKO !!!

karl nuqui
dec 7/2010




2 comments:

cathy said...

Christmas is all about JESUS :)

Anonymous said...

ahmm.. napaicp ako dun ah..!!


┼♥juri♥┼

Post a Comment

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | Edited by PedXing-ArAr