Dear President op Da Pilipins,
Uyy President!!! Kamusta? Isang taon na mula 'nung nag-eleksyon. Hindi ka daw binoto ng Tatay at Nanay ko 'nun kasi wala daw silang tiwala sa pagmumukha mo. Pero hindi naman pala nagkamali ang taumbayan sa pagpili sa'yo. (Naks! 'Wag lalaki ulo ha!). Nakakatuwa ka kasi kala ko wala namang masyadong magbabago sa Pilipinas 'pag nagkaroon na ng bagong pangulo. Pero nagkamali ako. Buti naman pinatunayan mo na karapat-dapat ka nga talagang iboto.
Alam mo, andami dami kong gustong ipagpasalamat sa'yo. Salamat kasi may matinong trabaho na 'yung Nanay at Tatay ko. Naibili na nga nila kong sapatos na Isketchers eh! Kulay pink pa! Yeah! Oh di ba?? Walandyu! Ang yabang na nang mga paa ko. Tsaka alam mo ba, kahit sa public school lang ako nag-aaral, pakiramdam ko parang naka-private pa rin ako. Ang ganda nga ng mga upuan namin sa school, magvavandal sana ko ng "I love my BheBhe" kaso nakakapanghinayang. Bago 'yung mga upuan namin tapos susulatan ko lang, di ba? Tsaka may mga elektrik pan na din kami. Tatlo-tatlo pa! Ang presko talaga sa room namin. Tapos 'yung mga libro namin, hindi na hiraman. Wala nang nakawan ng libro. Kanya-kanya na kami ngayon, kaso nga lang nagka-scoliosis ata ako sa bigat ng bag ko pero ayos lang. Hindi na rin umaabsent 'yung mga teacher namin para magrally sa labas. Eh panu ba naman, bukod sa uber taas na ng mga sweldo nila, e pina-erkon mo pa 'yung pakulti opis nila. Salamat sa mga proyekto mo para sa mga school, ang sarap talagang pumasok araw-araw. Tsaka nakakanood na din pala kami ng TV sa classroom, peborit ko 'yun MathTinik! Natuto ko 'dun ng plus-plus tsaka dibayd-dibayd, 'yung mga ganun. At may libreng lugaw o kaya sopas pa sa umaga, aba'y talaga namang nakakagana mag-aral! Salamat po ah!
Tapos.. ahm. Ayun, hindi na nga pala kami iskwater ngayon. May bahay na kami. Kala ko talaga hanggang pangako lang 'yung sinabi mo na magkakabahay 'yung mga walang bahay. Kaso pwede request? Sa susunod po, sana may second plor naman para masaya. Kahit next time na 'yun, pag may apo na sila Nanay. Hehe joke lang po! Salamat po talaga! Hindi ko akalain na magkakabahay pa talaga kami. Dati napapanaginipan ko lang na nakatira ko sa palasyo tapos may puti daw akong kabayo. Ngayon, may bahay na nga kami talaga, wala lang kaming kabayo pero ayos lang, may aso naman kami. Thank you talaga ng sobra sobra!
Sabi ni Tatay, project niyo daw po 'yung magkakaroon ng mga libreng ospital sa barangay. Alam niyo po ba, nagka-dengue ako 'nung isang linggo. Akala ko talaga mamamatay na ko 'nun, sabi ko nga sa Nanay ko magpapasukat na ko ng kabaong tsaka binilin ko na sa de-erkon na chapel ako iburol kasi ayoko mainitan si crush ko. Pero binatukan ba naman ako ng Nanay! Sabi niya 'wag daw akong adik kasi may libre naman daw na mga gamot-gamot dun sa bagong ospital sa'men tsaka libreng pagpapa-kompayn. Hindi ko nga po inisip na public hospital pala 'yun kasi ang ganda eh! Tapos ayun gumaling naman ako sa kasawiang palad, heheh joke lang. Thank you po, kung hindi dahil sa inyo baka dedbols na ko ngayon at may bulak sa ilong.
Nabalitaan ko rin sa TV kanina na ang dami na daw turistang bumibisita sa bansa, as in maraming maraming maraming maraming bonggacious na dami talaga! Eh 'yung nanay ng crush ko, nagtatrabaho 'dun sa Baguio tapos ang lakas daw ng kita ng tindahan nila sa dami ng mga bumibiling turista. Kung dati sumasakit ulo ng nanay niya dahil sa sobrang hina ng kita, ngayon sumasakit na ulo niya dahil naman sa kakaisip kung paano niya iinglishin 'yung turista pero okay naman daw. Nakakaraos naman 'yung English ng Nanay niya kaya okay lang daw. Salamat daw po sabi niya.
At nga po pala, may mga trabaho na 'yung Ate tsaka Kuya ko. Kala ko nga hindi sila makakagradweyt eh kasi wala naman kaming pera. Pero dahil sa dami ng mga scholarships niyo, ayun nakagradweyt sila. Ang yayabang nga ng mga ungas. Haha. Tapos ako sigurado na daw na makakapag-college ako basta 'wag lang daw ako mag-dadrugs. Nagmamalaki nga si ate kanina kasi bago na 'yung relo niya kanina tapos nakabili pa ng PSP si kuya, next time daw bilhan niya rin ako. Ang saya talaga.
Ang unlad na po talaga ng Pilipinas dahil sa inyo. Salamat po kasi hindi lang kayo puro pangako, ginagawa niyo talaga 'yung mga sinasabi niyo. Hindi ko po talaga akalain na uunlad ng ganito ang bansa. Wala na nga talagang mahirap, wala nang korap (mga namatay na ata silang lahat), may proteksyon na ang mga manggagawa, sumulong na ang 'Pinas at lahat na ng mga ipinangako ng mga kapwa mo kandidato noon, e ginawa mo na nga talaga. Unang taon ka pa lang sa serbisyo, ang galing mo na agad. Salamat po talaga President! Lab yu! God bless! Mwaah! xoxo
Love,
lh3idi qHuiMvOht3ra_30
P.S. Sana pfuh may mga programa din kayo na nagtatanggol sa mga jejemons. Enkz pfuh.
-----
Sana dumating yung araw na may magpapadala nga talaga ng ganitong sulat sa magiging presidente ng bansa. Vote Wisely. As in Wisely. WISELY!
7 comments:
walandyu. tenks..
bkit tenks? hehe-eych
Nice. Sana nga 'no? Sana maraming bumoto sa darating na eleksyon. Sana piliin nila 'yung karapatdapat lang, hindi 'yung nakikisabay lang sa disisyon ng ibang tao.
Kumusta naman kasi, hindi na lumalamig sa Earth, ta's may lintik na kurapsyon pa. Isama mo na din 'yung mga batang inuuhog na 'di mabigyan ng gamot. Tsaka 'yung ateng naliligo ng hubad sa sidewalk sa D. Jose na walang nag-aalaga. Nasa kamay natin ang karapatang bumoto, sana 'wag sayangin, 'no? Wish ko lang, pasaway mga Pinoy eh. Chenes.
Sorry, nadala ako. :)) Nice post, though!
hehe salamat! tama ka rin. sana talaga yung susunod na president, hindi lang pagmumukha ang ayusin. kundi pati yung serbisyo niya.. hay..
nice..:D sana nga ganyan ang president ntin pra magkaroon tyo ng maunlad na bansa... ALFRED 2.. ung pinapagawa ko ahh..
ahaha... futuristic!
sana nga maging ganyan na ang bansa next year... ;)
sana nga magbago na ang Pinas sa pag-upo ni Nonoy... -pray-
nice. nice. ;)
--
Sent on a phone using T9space.com
--
Sent on a phone using T9space.com
ahaha... futuristic!
sana nga maging ganyan na ang bansa next year... ;)
sana nga magbago na ang Pinas sa pag-upo ni Nonoy... -pray-
nice. nice. ;)
--
Sent on a phone using T9space.com
--
Sent on a phone using T9space.com
Post a Comment