habang ginagawa ko itong blog na to ,hindi ko alam kung masusundan ko pa ulit ito,mamaya pagkatapos nito matutulog naman ako pero hindi ko din alam kung magigising pa ako,paglabas ko ng pinto ng bahay namin hindi ko alam kung may pagkakataon pa kong pumasok ulit,pagsakay ko ng jeep hindi ko alam kung makakababa pa ako paginsert ko ng lrt card sa machine maibalikko pa kaya ito ??pag sinabi ko kay angel locsin na i love you makakarinig pa kaya ako ng i love you too??eh panu kung bigla na lang akong mawala sa mundo?
yan ang buhay hindi mo alam kung hanggang kelan, hindi mo alam kung hanggang saan,at lalong hindinghindi mo alam kung kelan mawawakasan...in short walang kasiguraduhan..
gaano nga ba o paano nasusukat ang ikli o haba ang buhay ng isang tao ? sa tagal ba ng panahon na nakatapak sya sa lupa?sa dami ng nasinghot nyang oxygen at binubuga nyang carbon dioxide?madalas nagiging basehan ng haba o ikli ng buhay ng isang tao ay ang edad nito na tama nga naman mas matanda mas mahaba ang buhay,nung bata kasi ako ang naging paniniwala ko mas malaki ang tenga mas mahaba daw ang buhay, mas madami at mahahabang noodles ng spageti at pancit ang nakain mo mas hahaba daw ang buhay mo ajejeje
paano ka nga ba masasatisfy sa buhay na meron ka at haba ng buhay na magkakaron ka?paano ka nga ba magiging masaya sa buhay mo? kelan mo nga ba masasabing "pwede na kong mamatay"
ang buhay mabilis lang hindi mo mapapansin parang pagikot ng mundo hindi ramdam,parang snatcher yan mabilis kang nanakawin nito sa mga tao at mundong iiwan mo, kaya hanggat maaga pa gawin mong makabuluhan ang buhay mo lagyan mo ng katuturan, lagyan mo ng silbi wag kang maging pandagdag lang sa lumalagong populasyon ng mundo ,bago dumating yung panahon na magsisisi ka at wala kang kayang gawin kundi titigan yung sarili mong katawan nakahiga at iniiyakan ng mga taong nagmamahal sayo,yung yumayaman na ang mga kapitbahay mo sa pagsasakla at paglulucky9 sa tapat ng bahay mo dahil sa pagkawala mo
gawin mong kapakipakinabang yung buhay mo,lagyan mo ng direksyon,mabuhay ka hindi para sa sarili mo lang, mabuhay ka ng hindi lang puro sarili mo ang iniisip mo,mabuhay ka para sayo at ibang tao,at para sa buong mundo , hindi yung wala kang ginawa kundi hampasin ng tsinelas mo ang bawat makikita mong mga nananahimik na ipis,yung wala kang ginawa kundi magabang ng taho sa gabi at balot sa umaga,wag mong ubusin yung oras mo kakaiyak at kakaemo mo dahil pinagpalit ka ng shota mo,maraming dahilan para maging masaya ang buhay. wag kang mabulag sa mga malulungkot na bagay na nangyayari sa buhay mo
hindi na importante kung maiksi o matagal ang magiging buhay mo dito sa earth ,hindi na yun ang sukatan,ang sukatan dun eh kung naging masaya ka ba at marami kang taong napasaya kung nagkaroon ba ng kabuluhan ang buhay mo.
sabi nga nila,,,, MASAYA ANG BUHAY KAYA MABUHAY KA NG MASAYA
karlnuqui july21,2010 10:30 pm
Wednesday, July 21, 2010
LIVE , LAUGH , LOVE !!!!!!!
10:28 PM
karlnuqui
9 comments
9 comments:
pasensya na ang panget on the spot yan ehh basta may magawa lang hahaha
tskk tskk
waw nakakainspyr applicable na applicable sa nararanasan ko ngayon
ty karl nuqui kung sino man you
-anna marie carpio of mandaluyong
Napatawid ako sa tawiran mo, labis akong humanga sa taba at laman nang utak mo. ipagpatuloy mo lang ang pagsusulat upang marami kapang ma inspire. salamat sa tawiran mo, uulit ulitin kong tumawid dito.
-winks of UAE-
nice .karlipots:))
thankyou daw. haha!
ahmm. binasa ku to ng buo ah?? hehe.
;p
aehr:)
UAE po? as in united arab emirates??yun ba ?yun lang ang alam kong uae ehh
waw bat ang galing mag tagalog ofw po???
anyway ty
rheapots muwahh haha
wla nbang iba??? hehehe more more more!!! mgndang hobby ean hehe:D
nice ganda kua karl..^^
♥┼juri┼♥
galing ahh sabi nga po ni Leonardo da Vinci
"The life that is well spent is a long life."
Post a Comment