Sino ba si Eych???
Si Eych ay isang kawawang bata na may malaking noo, maliliit na kuko, at ilong na pango (pero maniwala kayo, tao 'yan!). Isa rin siyang ordinaryong college student na mukang Grade 5 at utak Grade 4 1/3. Naglakas-loob siyang kumuha ng Accounting na course at piang-iisipan niya kung nagsisisi ba siya o hindi. Siya ay isang salot ng Quezon City. Malakas ang paniniwala niyang isa siyang mabuting anak at mabuting kapatid at mabuting klasmeyt at mabuting kaibigan *hingal* ..at mabuting mamamayan ng Pilipinas noong panahon ni Magellan at Popeye. Idol niya ang lahat ng Visual Print Enterprises (VPE) writers at nangangarap na maging alipin ng VPE. Mataas na mataas, sintaas ng Taipei 101 ang pagtingin niya sa mga nasabing manunulat. Mahilig siyang kumain ng sisiw ng balot, isaw, Hany chocnuts, at ng pagkain ni Khulet, ang aso nilang malupet. Pangarap niyang maging singyaman ni Bill Gates, singcute ni Kim Chui, at simputi ng labanos. Bukod dun, gusto niya "daw" maging Certified Public Accountant (CPA) at magkaroon ng sarili niyang libro tungkol sa mga libro at tutubi. At isang bagay lang ang kinaayawan niya sa buhay - Math.
Bilang isang blogger, isa siyang hampaslupa. Sulat siya nang sulat ng kung anu-anong mga bagay na napapansin niya sa paligid kapag nakadungaw siya sa bintana ng bus (pero hindi naman nagbabayad ng pamasahe), at kapag hindi nakikinig sa lessons dahil panget ang Prof at ang mood niya. Nagba-blog siya sa mga panahong dapat e nag-aaral siya para sa long quiz nila sa Math kung saan siya palaging bumabagsak. Bigla-bigla na lang siya uupo sa harap ng kompyuter na bad trip na sa kanya at ipoposisyon ang mga pasmadong daliri sa keyboard at magtataype ng mga bagay na nakakatuwa para sa kanya pero walang kwenta para sa iba.
'Yan si Eych. Wala silang magawang matino sa buhay ni ArAr kaya nagpasimuno na lang sila ng isang weblog na may layuning ipamulat sa lahat na maraming bagay sa paligid ang nagmamakaawa para sa ilang pirasong pansin mula sa mga nilalang na pare-parehong inampon ng lipunan.
-Eych
Sino ba si ArAr???
I-search nyo na lang po sa internet at mga encyclopedia o manuod ng tv upang malaman ang iba pang impormasyon tungkol kay ArAR.... (wla pa pong maisip na kalokohan)
-ArAR
Sino ba si Karl???
isang 18 anyos na lalaki na pwede nang bumoto ngunit ndi nakapg parehistro
isang minsang mabait na bata sa kanyang kapwa NGuNIT gaano nga ba kadalas ang minsan ......
isang taong natutong mangarap na tuparin ang pangarap sa kanya ng kanyang mga magulang
isang kaibigan na hindi nangiiwan unless may aso *dahil my phobia siya duon*
isang estudyante na naging bisyo na ang puspusang pagaaral...
maraming salamat po
karl AT YOUR SERVICE
-Karl