Friday, May 7, 2010

Da Green Blog

Bukod sa utak mo, ano pang ibang bagay ang sumasagi sa isip mo kapag naririnig mo ang salitang "green"? Sabi ng kaibigan kong matalino, maganda at sexy (Paid for by friends of Mitch Mari), gusto niya daw ng blog na tungkol sa kulay berde. Berde as in green. Green as in green. Andami na daw kasing kahulugan ng green sa panahon ngayon. Oo nga naman. Inabusong kulay. Andaming ibig sabihin. Mula sa pinakaimportante (green nature) hanggang sa pinakawalang kwenta (green mind), may kahulugan ang nasabing kulay. Eh ano nga ba ang mga bagay na kumakatawan sa berde? Let's busisi.


Green is Clean.



Ang sarap nga namang tumira sa kulay green na mundo. Ang ibig kong sabihin, kung ang buong mundo ay puno ng mga nagluluntiang mga puno at halaman, walang dudang hindi ka maagang mamamatay dahil sininghot na ng mga ito ang masasamang hanging dulot ng iba't-ibang mga bagay sa kapaligiran at dulot ng katawan mo. Luntiang kapaligiran.

Green tea.

Imagine: Mainit na tsaa sa isang malamig na umaga.



Uso na ang green tea ngayon. Sumasabay sa Super Juniors, U-Kiss at Noynoy Aquino. Napakaraming magagandang epekto ang naidudulot ng green tea sa katawan kaya naman highly recommended ito para sa lahat. Inuming green.


Green is refreshing.


Imagine: Nakaupo ka sa isang lugar na ikaw lang mag-isa at kulay luntian ang buong kapaligiran habang dumadampi sa mga mukha mo ang masarap na simoy ng hangin at habang nag-iisip-isip ka tungkol sa buhay. Refreshing.




Green Campaign.



Kung bakit kulay green ang ginamit ni Gibo sa kanyang kampanya, e hindi ko alam. Siguro dahil nagamit na yung three primary colors sa color wheel. No choice.

Green means Go.




Ah! Kaya siguro green ang napili ni Gibo dahil green means go. Sulong G1BO. Ah. (alam ko walang sense ang sentence na to haha)

At ang pinakamatindi sa lahat:

Green mind.



Hindi ko talaga maintindihan kung bakit sinasabing "green-minded" ang isang taong madumi ang isip. Hindi naman kulay green ang mga reproductive organs. Wala naman sigurong kulay green kapg may churvahan at hindi naman kulay green ang ano. Basta. Bakit nga ba kulay green? Pero sabi naman ng iba, ang pagiging green minded daw ay tanda ng pagiging matalino. Kung paano, e hindi ko din alam. Green minded.

Marami pang ibig sabihin ang kulay green. Ayon sa Emily Gems (www.crystal-cure.com):

Green is the color of nature, fertility, life. Grass green is the most restful color. Green symbolizes self-respect and well being. Green is the color of balance. It also means learning, growth and harmony. Green is a safe color, if you don't know what color to use anywhere use green.

Green is favored by well balanced people. Green symbolizes the master healer and the life force. It often symbolizes money. It was believed green was healing for the eyes. Egyptians wore green eyeliner. Green eyeshades are still used. You should eat raw green foods for good health. Friday is the day of green. Green jade is a sacred stone of Asia.
Green Energy

Green contains the powerful energies of nature, growth, desire to expand or increase. Balance and a sense of order are found in the color green. Change and transformation is necessary for growth, and so this ability to sustain changes is also a part of the energy of green.

Put some green in your life when you want:

* a new state of balance
* feel a need for change or growth
* freedom to pursue new ideas
* protection from fears and anxieties connected with the demands of others

Napakaraming ibig sabihin.

"The whole world, as we experience it visually, comes to us through the mystic realm of color."
-Hans Hofmann

Anuman ang kulay ng buhay, matuto kang sumabay. Hindi sa lahat ng oras kulay green, red, orange, pink, yello, blue, fusc.. fush.. pfus.. fuschia (?) ang buhay. Pero laging tatandaan sa sa bawat kulay, may iba't-ibang istoryang maaring mabuo - mga istoryang bubuo at magbibigay kulay sa buong pagkatao mo.

At kung bakit naisipan kong mag-blog ng tungkol sa kulay green,ay kasalanan ng isang Engineering student na magaling sumagot sa Formspring na paborito ang kulay green at hindi green minded.

1 comments:

Mitzy Mari said...

Great job, Eych!

Haha. Na-satisfy ako sa blog entry na ito. Eto lang ang isa sa tatlong blog entries na binasa ko from start to end, yung iba kasi, skimming lang ginawa ko. Meaning binasa ko ng mabilisan, para lang makuha ko yung main idea.

See, marami kasi nakaka-misinterpret kapag green ang pinag-u-usapan. Gusto ko lang maging open ang mind ng iba sa iba't-ibang meaning na pwedeng i-symbolize ng green. At dahil kasi green ang kulay na may pinakamaraming pwedeng i-symbolize. Nasabi ko lang 'yan dahil biased ako sa green. Haha!

At kung pagiging practical naman ang pinag-u-usapan, dapat lang ito para sa mga tao ngayon, at para sa kalagayan ng ating mundong tinitirhan ngayon. Para mabuksan na rin ang isip ng mga tao tungkol sa nangyayari sa kalikasan.

Tingnan mo nagawa ng blog entry mo na ito sa akin. Napakarami ko tuloy nasabi. Haha.

Thanks sa compliment sa dulo. I really appreciate it. :D

Pwede pa ba ako mag-suggest ng topic for another blog entry? Haha. Since magaling naman kayong tatlo magsulat. :D

Post a Comment

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | Edited by PedXing-ArAr