Ang nakuha kong vertex point ay (1,-7), paano ko ba kukunin 'yung distance ng vertex hanggang focus? Ah ididivide ko sa 4? So 1 'yung value ng a. Eh pa'no na 'yung height ng latus rectum? Ah ididivide naman sa 2. Bale 1/2. 'Yan nakuha ko na. Oh tapos anong nangyari? Wala na bang korap sa bansa?
Hay. Ilang libong oras ko nang pinag-iisipan kung paano ko ba iga-graph 'yung equation ng parabola na 'yun. Sumakit na ulo at uterus ko, hindi ko pa rin makuha kung paano. Eto ang delubyong hatid sa akin ng Math. Ewan ko ba. Ang dali lang naman ng lesson namin, pero hindi ko pa rin magawa. Totoo kayang 1.2 lang talaga ang IQ ko? (o mas mababa pa?)
Math. Kung tutuusin, enjoy sana ang Math. Enjoy laru-laruin ang mga numero, nakakatuwang pampalipas oras ang paghahanap sa nawawalang value ng X at Y (alam mo ba kung bakit X at Y ang kadalasang gamit sa mga formula sa Math? Hindi mo alam? ako rin hindi), ang sarap magbuntong hininga ng malakas kapag nakakasolve ka ng mga problems na mas kumplikado pa sa problema ng bansa, at nakakapagpataas ng self-confidence at pagkalalaki kapag favorite subject mo ang Math. Math. Math. Naman! Sinusubukan kitang mahalin, bakit hindi mo rin subukan 'yun sa'kin?? 'Nak ng jejemon!
Nakaraos na ako sa College Algebra, Math of Investment at Business Statistics, Calculus naman ngayon at baka Mathematics Applied in History naman ang sunod. Tsk.
Kung iniisip mo na kinamumuhian ko ang Math, nagkakamali ka (ng mga 2%). Nanganganib palagi ang buhay ko kapag may Math subject kami. Pakiramdam ko nasa bingit ako ng kamatayan habang nasa banyo. Nakakasagot naman ako ng mga simpleng problems, pero 'yung mga pang-rock-'n roll na? Basag. Wala na. Lalo na kapag may quiz. Halos titigan ko na lang 'yung mga given sa problems na akala mo naman e mababago ang nakasulat at magiging 1 + 1.72 = ? ang ∫{e^(2u+1)cos[e^(2u+1)]}/sin^2[e^(2u+1)]du}. Ilang beses nang nangyari sa'kin 'yun. Sa tatlong oras na exam, dalawang oras 'dun ang inilalaan ko sa pagtulala sa kawalan, 25 minutes na pagpigil ng ihi at 45 minutes na pagpokus sa mismong exam. Add them all together and you'll get headache.
'Nung isang beses, binalik na sa'min 'yung first quiz na nachekan na ni Mister Propesor. Expected ko na ang resulta. Pumikit muna ako bago ko tignan ang score at nagwish kay Rene Descartes. At okay naman pala. 105 over 150. Pwede na. Ang yabang ko na 'nun kasi hindi ko akalain na umabot ng higit 100 ang nalalaman ko sa quiz na 'yun. Isa-isa nang lumapit 'yung mga kaklase ko para magparecheck. At 'dun ko lang naisipan na tignan ang mga scores ng mga kaklase ko. 135. 140. 143. 143.5 at halos lahat naka-150. Ang tikas nila! Tinignan ko ang quiz booklet ko at buong pusong umasa na may mali sa checking at tumaas pa kahit sa 149 man lang ang score ko. At yes! May mali nga. Mali na 105 lang ako. Kasi dapat 88 lang. 'Nak naman talaga ng tortang panis! Kinatok pa ko ng konsensya ko. Pumila na lang din ako para magpa-recheck. 88 over 150 na. Ang cute ng score ko. Bilang pampalubag loob, sinabi ko na lang sa sarili ko na tama ang ginawa kong paghawak sa isang prinsipyo ko sa buhay na hindi kailangan ng estudyante ang mandaya para pumasa. Sapat na 'yung cute ka. At marunong magjejenese. Wala akong pinagsisihan sa ginawa ko (eh pa'no, tapos na hehe, joke lang).
Sa huli, putaktihin ko man ng mura ang Math, at sumakit man ang buong nervous at urinary system ko sa pag-iisip kung paano lalagpasan ang isa na naman pagsubok na pinaranas sa'kin ng tadhana, babalik at babalik pa rin ako sa kinauupuan ko para piliting intindihin at makipagbati sa nakaalitang asignatura.
Vertex (1, -7) ; 4a=LR=1 ; a=1/4. Game. Inuman na.
P.S.: Salamat sa kaklase kong gwapings na tumawag para i-explain kung paano i-graph 'yung assignment namin. Hayaan mo, tuturuan naman kita kung paano mag-split at magbending sa ere nang walang humpay.
--
Caption ng picture sa taas:
3 words: I HATE MATH.
I'm very very very very very very very very very very very *inhales* very very (infinite verys) bad at math.
I have to do math homework today. So, my head is filled with problems.
Salamat sa http://www.flickr.com/photos/nizhonigrl/ para sa larawan na 'yan. Kung sino ka man na nag-upload ng picture na 'yan, text text naman minsan.
Sunday, May 2, 2010
I Love You Math, Tayo na Ba?
1:56 PM
Eych
7 comments
7 comments:
Ang cute ng lead. Sobra. Gulong ako sa kakatawa. Haha. Nakakatawa talaga. Pero tama nga. Haha. Mahirap ang math. Lalo na pag si Sir Cordero. Haha. Dugo ang ilong pati ang *toot* Good luck na lang sa ating lahat. Haha. <3
hehehehehe salamat sa pagbisita. Sir Cordero? Taga-PUP ka din? hehehe.
ayos yung blogsite mo. galing mag-english. teka, basahin ko muna mga post mo. heheheh.
salamat ulet. hay. heheh. :D
mahirap ba ang math? hahaha.. :P
lagi ko kyang hinihiling na magkaroon ng math subject.. :P piz eych.. haha..
at welcome nga pla.. (teka lang, isa nga ba ako sa isa dun sa mga gwapings na nagturo sau sa pagggraph..)
hahaha.. ganda2 tlga ng blog na to..haha.. pwede bang isa pang blog about math? haha.. lab u eych.. >.<
hahahah mahirap ba ang math? hindi ah. simple nga lang yun. muntik ko na idrop. haha.
meron akong isang blog bout math din "favorite subject:math" ang title. mas nauna yun kesa dito hehehe
salamat. labyu too pare. hahah. ingats! :D salamat ulet.
hello,
naaliw ako sa blog post mong ito. hinanap ko kasi kay mr. google ang phrase na paghahanap sa value of x at 2nd lumabas sa search list etong post mo.
natawa ako dahil kindred spirits tayo pero sobrang tagal na akong wala sa school. paulit-ulit din akong namroblema sa x and y na 'yan dati. btw, may blog din ako pero sa wordpress.com. ito 'yong nauna sa pila kay mr. google.
kumplikado na nga ang problem set mong sinabi, e. ang sa 'kin, basta sinabi pa lang ng titser na magre-represent na, nawawala na ako sa huwisyo, he, he...
btw, di ba sina x and y ay reps lang ng vertical and horizontal lines? sa economics, sila ay sina P and Q at sa philo, sila sina being and nothing. ito ang naging pag-intindi ko after 72 rounds of bout with math. nabuhay pa naman ako pagkatapos...
natawa ako sa write-up mo. mas masaya ang pagkasulat mo kesa sa pagkasulat ko. salamat...
WAHAHAH,,,, KAKATUWA BLOG MO..ayos boss nakarelate ako...
kasi ako hindi ko alam ang math talaga.. pag tapos ng exam.. puro malalaking............
X X X X X X X X puro ekis....hindi manlang nilagyan ng Y Y Y para maging balance...tsk tsk tsk i hate math
https://www.facebook.com/Chichan47
WAHAHAH,,,, KAKATUWA BLOG MO..ayos boss nakarelate ako...
kasi ako hindi ko alam ang math talaga.. pag tapos ng exam.. puro malalaking............
X X X X X X X X puro ekis....hindi manlang nilagyan ng Y Y Y para maging balance...tsk tsk tsk i hat
Post a Comment