Friday, December 31, 2010

Manigong Bagong Year! :)

10:25pm nang simulan kong itype ang blog na 'to. Ilang minuto na lang, putukan na. Pero hindi rin, kasi nung isang araw pa may nagpapaputok dito samen. Ang saya ng New Year nila. Three days.Kung tutuusin, wala naman talagang bago sa mga mangyayari tuwing Bagong Taon. Putukan mamayang 12am, susunod sa milyon milyong pamahiin na nauuso sa buong universe at sa bahay namin, magsagawa ng New Year's Resolution na kalokohan lang kasi 'yun din naman mga resolution mo 'nung isang taon at hindi rin nasusunod hanggang ngayon (revised version na ang output), at magpadala ng mga message sa celphone, Facebook, Friendster, twitter, at kung saan saan pa na nagsasabi ng kung anu-ano na akala mo katapusan na ng mundo. Maaaring wala na ngang bago - pero ang mga...

Tuesday, December 7, 2010

Bob Ong's Eighth: Ang Mga Kaibigan ni Mama Susan *****

"Huwag mong bibigkasin ang hindi."Lumitaw na ang pinakainaabangang ikawalong libro ni Bob Ong. Wala na kong sasabihing iba pa, baka may mga magalit pa saken. Tignan niyo na lang din ang trailer na ito:Paunawa mula sa taong nakabasa na: 'Wag babasahin ilang minuto bago matulog. Basahin na lang ilang oras pagkatapos mong gumising sa umaga. Amen.At ilang mensahe mula kay Bob Ong para sa mga illegal story tellers ng nasabing libro:"Bunso, iwasan mo ang ugaling mapagmalaki nang dahil lang sa ikaw ang unang nakabili ng gusto mong libro o nakaabot ka na sa page 20. Ang mas magandang gawin, humanap ka ng bakante mong oras at kumportableng lugar kung saan ka makakapagbasa ng libro nang maayos at walang istorbo. Tapos sulitin mo ang ipinambili mo ng libro (o ang pag-aabala mong magbasa kung hindi...

ANG SABIK SA KILIG

sa pagibig naniniwala ka ba sa pinagsamang paghihintay at paghahanap? kung baga sa sining nagddrawing ka pa lang kinukulayan mo na.... kung hindi mahirap?IMPOSIBLE... bakit ba madaming taong gustong pumasok sa isang relasyon? na kung ituring nila ito ay parang PANTY at BRIEF na parang hindi buo ang araw pag hindi nila suot akala ba nila lahat ng taong IN A RELATIONSHIP ang status sa facebook ay masaya? Uu nga sabihin na nga nating parang brief at panty nga ang isang relasyon pero minsan sa sobrang pagmamadali natin ang nasungkit natin sa sampayan at nasuot natin ay sa tatay/nanay pa natin ,kung minsan basa pa nagmamadali ka kasi ehh suot mo nga hindi ka naman kumportable:in a relationship ka nga masaya kaba?o nakakahinga ka...

Sunday, November 21, 2010

Samahan ng Pasko ang Malamig

Magpapasko na naman. Syet tol, single ka pa rin??Single. Ka. Pa. Rin.Iniisip ko dati kung paano at kung saan nagsimula ang SMP o ang "Samahan ng mga Mukhang Paa", ay este "Samahan ng Malamig ang Pasko". Nung bata ako, madalas kong naririnig sa mga tao sa paligid ko 'yung mga linyang "Anlamig na naman ng pasko ko, &%@#%$&*&#@$^ naman!". Tapos magtataka 'yung maliit at panis kong utak kung bakit nila nasasabi 'yun eh sadyang malamig naman talaga 'pag Pasko at gustong gusto ko 'yun kasi hindi mainit (malamang). Hanggang sa marealize ko nitong mga nakaraang araw na oo nga, sadyang malamig nga yata ang Pasko ko, 'yung may malalaking abs pala kasi 'yung gusto ng crush ko.Tuwing magpapasko, malamang lamang maiisip mo na sana hindi kasinlamig...

Wednesday, September 1, 2010

PAGBABAGO: pwede mong sabayan pero hindi mo pwedeng pigilan

ang bilis umikot ng mundo noh?buti hindi siya nahihilo.parang kelan lang ,ngayon! eh ngayon na talaga.ang daming magbabago,ang daming sumusulpot at biglang mawawala. wala na talagang permanente sa mundo maliban sa mga pagkakataaon nararanasan natin na sa di katagalan isa na lamang nakaraan. nakakamiss yung mga panahon kinakagat mo yung bakal ng monggol pencil mo para lumabas yung pambura at makapagbura ka nuh,ang mahirap lang dun hiraman pa kayo ng mga klasmeyt mo sa iisang lapis iisang bakal iisang kagat hindi pa kasi natin alam nun yung salitang kadiri eh.samantang ngayon pag g-tech gtech kana naghahanap ka pa ng .3 eh kamuka mo naman yung sulat mo(its up to you,judge yourself) mabilisan tanong mula sa aking kaibigan! sinisilip mo...

Friday, August 27, 2010

the sad love story

Minsan yung dating sustansya ng buhay mo at gana ng katawan mo,mapapalitan ng mga pagkakataong tatanungin mo ang sarili mo kung para saan pa't naging masaya kung matatapos din naman ng maaga,kkikwestyonin mo ang mga bagay kung bakit kaylangan pang mangyari. hahanap-hanapin mo,sisilip-silipin mo,tatanawin mo ang nakaraan pero hinding hindi mo na mababalikan. Lilipas ang panahon,iikot ang mundo,magsasayawan ang mga paru-paro,matutuyo ang tubig sa batis pero hindi ang pagibig mo.makakalimutan man ng isip mo pero nakamarka pa din sa puso mo. Pipilitin mong baliktarin ang katotohanang tapos na,dahil alam mo sa sarili mong hindi pa mahirap talaga!!hahatakin ng gravity pababa ang mga luha mo ,papatak sila sa lupa pero hindi nito madidiligan...

Wednesday, August 25, 2010

"ang huling pitong berso"

May mga bagay na talagang hindi natin maiiwasan. Saka dumadating kung kelan hindi natin inaasahan. Hindi ko naman kaylangan sa buhay ko. Pero pilit nanghihimasok sa katawang lupa ko. Paminsan-minsan hindi komaiwasang isipin ka. Magmula noong ikaw ay lumisan at ako'y napagisa. Hinahanap-hanap ka na nang aking sarili. Isang malaking pagsubok na sa akin pagtulog sa gabi. Npapaptanong ako sa langit nasan ka na kaya? naghihintay na lang ba ako at umaasa sa wala? Kung kaya ko lang isulat ang lahat ng ito sa puso mo. malalaman mo kung gaano katotoo ang lahat ng sinasabi ko. Ipipikit ko ang aking mata Baka sakaling mahagkan at masilayan ka. Tatakpan ko ang aking tenga susubukan ko kung maririnig kita. Pero bakit ang hirap lokohin ng sarili ko. Sariling...

Sunday, August 8, 2010

Aral Hangga't Kaya, Review Hanggang Mamatay

Paunawa: Kung tamad kang mag-aral, ibang blog na lang ang basahin. Thanks. -ManagementKatatapos lang ng midterm namin na ginanap ngayong linggo, (as in ngayong Sunday talaga, tibay ng mukha), hindi pa rin ako binabalatuhan ng tadhana ng kaunting pirasong pahinga.Wala dapat ako sa harap ng computer na 'to (na napakaliit ng monitor, sinliit ng utak ko, ooppss.. wala pala ko nun), dapat e tinatapos ko 'yung mga assignments na hindi pa nagagawa at dapat inaaral ang mga lessons na halos habambuhay ko nang pinag-aaralan na letse hindi matapos-tapos (sorry Mama for the bad word). Buhay na walang pahinga, kala mo kumikita at kumakayod para sa sariling pamilya, daig pang kalabaw.Napakahirap talagang mag-aral. 'Yung tipong bibuhos mo na lahat ng oras...

Wednesday, August 4, 2010

PANGARAP NA SINIRA NG WONDERGIRLS

So ayun na nga tila puputok na ang lahat ng ugat sa katawan ko, Hindi ko masabi yung gusto kong sabihin, parang mauuna pang lumbas yung utot ko kesa sa mga salitang gustung gusto kong bitawan. Mukang hihimatayin muna ako hanggang sa masabi ko sa kanya na mahal ko sya ,tinitigan nya lang ako sa mata at hiwakan nya yung kamay ko,ramdam na ramdam ko yung maiinit at malalambot nyang palad kinakabahan ako sa isasagot nya ng bigla nyang bitawan ang mga salitang "karl mahal din kita,mahal na mahal" sandaling huminto yung pagikot ng mundo ko,pakiramdam ko ako lang ang bida sa earth,pakiramdam ko ako lang ang anak ng diyos nung mga sandaling yun daig ko pa yung kinikilig na john lyodd,pakiramdam ko ako lang ang pinakagwapong lalaki nun sa mundo...

Tuesday, July 27, 2010

"THE HOTDOG -MARSHMALLOW LOVESTORY" *a birthday blog for my friends*

Isa sa pinakakaabang-abang na araw sa buhay ng isang tao taon-taon ay ang kanyang kaarawan na akala mo ikaw lang ang nagaabang at naghihintay pwes nagkakamali ka ng bongga!!!,dahil pati mga kaibigan mo inaabangan yan at wag nyong kalimutan sa araw ng birthday nyo mismo si "karl" dapat ang besfriend nyo. isang buong araw na para kang nasa jolibee dahil ikaw ang "BIDA" ikaw lang ang may karapatan magpapampam ,Ang araw na maglalabasan ang mga kaibigan mong hindi naman nagpaparamdam sa mga normal na araw.Ang araw na may pagkakataon kang makalimutan ng mga magulang mo ang mga kalokohang nagawa mo,makalimutan ng tropa mo ang utang mo,Ang araw na magsslide slide na naman ang beer sa lalamunan ng tropa mo,Ang araw na hindi mo na naman patutulugin...

Wednesday, July 21, 2010

LIVE , LAUGH , LOVE !!!!!!!

habang ginagawa ko itong blog na to ,hindi ko alam kung masusundan ko pa ulit ito,mamaya pagkatapos nito matutulog naman ako pero hindi ko din alam kung magigising pa ako,paglabas ko ng pinto ng bahay namin hindi ko alam kung may pagkakataon pa kong pumasok ulit,pagsakay ko ng jeep hindi ko alam kung makakababa pa ako paginsert ko ng lrt card sa machine maibalikko pa kaya ito ??pag sinabi ko kay angel locsin na i love you makakarinig pa kaya ako ng i love you too??eh panu kung bigla na lang akong mawala sa mundo? yan ang buhay hindi mo alam kung hanggang kelan, hindi mo alam kung hanggang saan,at lalong hindinghindi mo alam kung kelan mawawakasan...in short walang kasiguraduhan.. gaano nga ba o paano nasusukat ang ikli o haba ang buhay...

Thursday, May 20, 2010

Doktor vs. Albularyo [PART 1]

AYOKO SA MGA DOKTOR. Sawa na ako sa mga pagmumukha nila mula pa pagkabata. Noong bata ako, suki ako ng mga ospital. Gabi-gabi kaming labas-pasok ng nanay ko sa mga health centers. Araw-araw akong umiinom ng mga gamot na nirereseta ng doktor. At araw-gabi akong pinipilit ng nanay kong kumain kahit isang kutsara lang... para kahit papaano'y magkalaman lang daw ang aking tiyan. Pero ayoko. Dahil bilang isang mamamayang Pilipino, naniniwala akong masakit sa gilagid ang pagnguya ng kutsara. Mabuti pa sana kung tinidor yon... ∫∫∫∫∫∫∫∫ "If my doctor told me I only had six minutes to live, I wouldn't brood. I'd type a little faster." ~Isaac Asimov, author ∫∫∫∫∫∫∫∫ Isa sa mga hindi ko makakalimutang karanasan sa ospital ay nung minsan, isang...

Friday, May 7, 2010

Da Green Blog

Bukod sa utak mo, ano pang ibang bagay ang sumasagi sa isip mo kapag naririnig mo ang salitang "green"? Sabi ng kaibigan kong matalino, maganda at sexy (Paid for by friends of Mitch Mari), gusto niya daw ng blog na tungkol sa kulay berde. Berde as in green. Green as in green. Andami na daw kasing kahulugan ng green sa panahon ngayon. Oo nga naman. Inabusong kulay. Andaming ibig sabihin. Mula sa pinakaimportante (green nature) hanggang sa pinakawalang kwenta (green mind), may kahulugan ang nasabing kulay. Eh ano nga ba ang mga bagay na kumakatawan sa berde? Let's busisi. Green is Clean. Ang sarap nga namang tumira sa kulay green na mundo. Ang ibig kong sabihin, kung ang buong mundo ay puno ng mga nagluluntiang mga puno at halaman, walang...

Thursday, May 6, 2010

May 10, 2011

Dear President op Da Pilipins, Uyy President!!! Kamusta? Isang taon na mula 'nung nag-eleksyon. Hindi ka daw binoto ng Tatay at Nanay ko 'nun kasi wala daw silang tiwala sa pagmumukha mo. Pero hindi naman pala nagkamali ang taumbayan sa pagpili sa'yo. (Naks! 'Wag lalaki ulo ha!). Nakakatuwa ka kasi kala ko wala namang masyadong magbabago sa Pilipinas 'pag nagkaroon na ng bagong pangulo. Pero nagkamali ako. Buti naman pinatunayan mo na karapat-dapat ka nga talagang iboto. Alam mo, andami dami kong gustong ipagpasalamat sa'yo. Salamat kasi may matinong trabaho na 'yung Nanay at Tatay ko. Naibili na nga nila kong sapatos na Isketchers eh! Kulay pink pa! Yeah! Oh di ba?? Walandyu! Ang yabang na nang mga paa ko. Tsaka alam mo ba, kahit sa public...

Tuesday, May 4, 2010

WHAT IS LOVE???

Nung bata pa ako madalas akong makapanuod sa tv ng nagsasampalan,nagiiyakan,nagaawayan,naglalambingan may naghahalikan at meron ding labis kung maglaplapan sabi nila teleserye daw yun tungkol sa pagibig naguguluhan tuloy ako kung anu nga ba ang ibig sabihin ng salitang LOVE!!!!.. Isang salitang binubuo na ang apat na letra,masasabing isang payak at konkretong salita lang madaling matandaan pero sobrang dami ng kahulugan..WHAT IS LOVE?sabi nila.love is sacrifice,love is like a vitamins that makes you healthy,love is blind ,love is GOd therefore God is bl*nd???ay leche ewan napakagulo simpleng salita daw pero bakit iba iba sila ng pagpapakahulugan?ganun nga ba talaga kalaki ang sakop ng LOVE sa human vocabulary?eh kung isusulat yata...

KATAASTAASANG PAGPUPUGAY PARA SA LAHAT NG NANAY

Idol ko kung pano magrap si francis M.,kung pano kumanta si ely buendia at buhayin ang entablado,kung gaano kagaling maglaro at mangbalya si lebron james,kung paano patulugin ni pacquiao lahat ng kalaban niya,kung gaano kalakas ang reigun ni eugene,kung paano magsulat at magisip si mitch albom,pati ang pagpitik ng katawan ni michael jackson,idol ko sumayaw ang umd pero lahat nang yun napagaaralan lahat yun talento lang meron akong kilala talaga naman may kakaiba sa kanya kung bakit ko siya hinahangaan ,marami man akong idol pero ang pinaka idol ko sa lahat ay ang “nanay” ko. Gaano ba talaga kahirap maging isang magulang,o maging isang nanay ?gaano ba kahirap magpadede,magpalit ng diaper gumising sa madaling araw,magpaaral at magpalaki...

Monday, May 3, 2010

BOB ONG: Me Love You Long Time

2010/4/14 Erning Labra :> Hello, Boss!>> May ikokonsulta po ako. Tungkol sa pag-ibig. Paano po ba kung> yung taong gusto mo ayaw naman sayo... pero araw-araw mo siyang> kasama sa trabaho? Akala mo, OK ka lang, kaya mo. Pero mahirap> pala, kasi andyan siya lagi. Parang laging pinamumukha sayo na, ha-ha,> hindi ka sapat, may kulang sayo, ha-ha. Paano po ba yun?>> Salamat po.May dalawa akong sagot--isang gago, isang seryoso.Gagong sagot:1. Buhusan mo sya ng pagmamahal tulad ng ginagawa ng mga mayamang DOM sa mga laos nang teen star. Kung hindi epektib, proceed to step two.2. Palipatin mo sya ng ibang trabaho...kung hindi pwede, step three.3. Lipat ka ng ibang trabaho...kung hindi pwede, step four.4. Ayawan mo sya....

Sunday, May 2, 2010

SA APAT NA SULOK NG CLASSROOM

Isa sa mga hindi ko makakalimutan na pagkakataon sa buhay ko at sa tingin ko sa halos lahat ng pilipinong kabataan na kilala sa pagiging sentimental ay ang buhay ng pagiging teen-ager o pagiging highschoolstudent.Sino nga bang makakalimot sa apat na taong pinagsamahan nyo ng mga iba’t ibang klase ng kaibigan. Sa apat na sulok ng klasrum kung saan nabuo ang samahan,samahan na pinagtibay umaraw man o umulan,pinagtibay ng sama samang pagkokopyahan sa exam,sama-samang paggawa ng assignment ilang minuto bago ang pasahan,sa tuwing lunchbreak ay buraotan,taguan ng sapatos taguan ng bag,at kung minsan may nagigitara sabay sabay naman sa kantahan,barkadang binuo ng hindi lang ng tadhana pati na rin ng pagkakataon,usapang crush,usapang jowa,usapang...

I Love You Math, Tayo na Ba?

Ang nakuha kong vertex point ay (1,-7), paano ko ba kukunin 'yung distance ng vertex hanggang focus? Ah ididivide ko sa 4? So 1 'yung value ng a. Eh pa'no na 'yung height ng latus rectum? Ah ididivide naman sa 2. Bale 1/2. 'Yan nakuha ko na. Oh tapos anong nangyari? Wala na bang korap sa bansa?Hay. Ilang libong oras ko nang pinag-iisipan kung paano ko ba iga-graph 'yung equation ng parabola na 'yun. Sumakit na ulo at uterus ko, hindi ko pa rin makuha kung paano. Eto ang delubyong hatid sa akin ng Math. Ewan ko ba. Ang dali lang naman ng lesson namin, pero hindi ko pa rin magawa. Totoo kayang 1.2 lang talaga ang IQ ko? (o mas mababa pa?)Math. Kung tutuusin, enjoy sana ang Math. Enjoy laru-laruin ang mga numero, nakakatuwang pampalipas oras ang...

WALANG IWANAN KAIBIGAN!!

Lahat ng pangyayari sa mundo may dahilan,lahat ng bagay may pinagmulan. kaya ikaw wag kang malungkot kaibigan kung hindi mo makamit ang hinahanap mong kasiyahan. Lahat ng tao na ikaw ay nilisan, isipin mo na lang sila ay may pupuntahan wag mong isipin na ika ay napagiwanan dahil nandito lang ako hindi kita iiwan. Lahat ng problema mo may solusyon kung pagiisipan mo at gagamitan ng tamang aksyon lahat ng kalungkutan pwedeng mapawi lahat nang yan daanin mo na lang sa ngiti. Ang paminsanminsan pagiging miserable sana naman sa tukso’y wag padadale isipin mo na lang ganyan talaga ang buhay hindi lageng perpekto at minsan May sablay. Marami man tigyawa’t ang muka mo kaw parin ang pinakamganda sa mata ng nanay mo iniwan ka man ng syota mo andyan...

ANG IBA'T IBANG URI NG PASAHERO SA LRT TUWING UMAGA

1st year college ako nung magsimula akong sumakay sa lrt arawaraw, at sa araw araw na biyayang ginawa ng diyossa buhay ko hindi ko pa naranasang sumakay ng lrt sa umaga ng nakaupo ako.Naiisip ko tuloy buti pa pagsumakay ka sa kalesa at kalabaw nakaupo ka, pag sa lrt magpainom kana pagnaranasan mong makaupo lalong lalo na pag lunes ng umaga Sa tuwing nasa pila na ako minsan naisip ko sana matanda na lang ako,sana pilay na lang ako ,sana buntis na lang ako at triplets ang laman ng tiyan ko kahit ilang minuto lang para lang maging vip ako Sa araw araw iba’t ibang mukha,ibat iba ng lugar na pinagmulan at patutunguhan,kanya kanyang baon na dahilan,kanya kanyang pupuntahan pero iisa lang ang sinasakyan at yun ay ang lrt. Meron tayong iba’t ibang...

Saturday, May 1, 2010

e-LEKSYON

mayo 1 dagdagan mo na lang ng 0 may 10 na at sa madaling salita eleksyon na pero hanggang ngayon undecided pa rin ang utak ko kung sino ang iboboto ko panu naman kasi hindi ko na alam kung sino paniniwalaan ko eh kanya kanya kasi silang siraan kanya kanyang labasan na baho okay lang sana kung ganun kaso hindi mo parin malaman kung ano ang mali sa totoo sa siyam na tumatakbong presidente ako nakapokus pero kung tutuusin ang dami nilang nagaagawan sa pwesto yan ang isa sa sakit ng mga pilipino sa sobrang ganid sa kapangyarihan eh lahat gustong maging mataas lahat gusto maging malakas wala akong nakikitang perpekto sa kanila ang mga sumusunod ay akin lamang opinyon:para kay villar:(C5 at tiyaga) sobrang yaman mo na pero sa tingin mo tama bang...

Pages 381234 »
Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | Edited by PedXing-ArAr