Tuesday, February 3, 2009

DragonBall the Movie..

Nabalitaan ko na meron ng DragonBall na movie, yung una akala ko kalokohan lang ng isang batang paslit. Sa totoo, narining ko lang yun sa chismisan ng mga batang nakatambay sa tabi ng tindahan namin. Pero sympre sinubukan ko pa rin na tgnan sa internet kung meron na tlaga at nakita ko nga sa YouTube na meron nga pala talaga.

Hindi ko lang alam kung magiging maganda ang pelikulang DragonBall, tayo-tayo kaya ang buhok ni Son Goku at may antenna kaya dito si piccolo? Malakas kaya ang kamehame wave ni Goku o parang flashlight lang ang sinag? Anu kaya ang ichura ng Dragon na lalabas sa mga Dragon balls? at higit sa lahat, anu kayang hihilingin ni Goku pagnakita na nya ang pitong dragonballs, magkaroon ng part2 ang dragonballs?


Isa rin naman akong fanatic ng Dragonball. Halos napanuod at kabisado ko na ang lahat ng episodes at movies ng Dragonballs. Bata pa lang ako ay pinapanuod ko na. Ultimo nga theme song simula first song hanggang sa ending song ay medyo kabisado ko na kaya di ko papalampasin panuorin ang "DragonBall - EVOLUTION".

Ang tanging tanung lang sa aking isipan ay, kelan kaya ito iuupload ni aXXo sa mininova at sino kaya ang mahihiraman ko ng malinaw na pirated DVD na 16in1?? Hmm..

Joke lang Chairman Edu.. hehehe...
Eto na pala ang trailer, panuoin nyo na lang...

4 comments:

Anonymous said...

haha. sangkatutak suguro na gel ang nilagay nila sa buhok ni goku..hehe

Jhanz said...

nakita ko ung trailerr nito. panalo lang ung kamehamewave. mukhang nagiitcha lang ng bola. xD

Anonymous said...

bakit mukhang kamag-anak ni taning si Piccolo

ArAr said...

haha oo nga eh tapos si bulma naman kukang cartoons..

mgging hit sa takilya kaya yun o magiging corny lang?? hmm...

Post a Comment

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | Edited by PedXing-ArAr