Minsan, kahit gaano kataas ang kisame ng bahay niyo, maraming pa ring paraan para maabot at mahawakan mo ito.
Ganyan 'yung naisip ko pagkatapos kong makipagpalitan ng message sa isa ko pang hinahangaan na writer, si Eros Atalia. Aamin ako, tuwang-tuwa talaga ako nung makita ko sa inbox ko yung reply ni Eros sa message na sinend ko sa kanya. Para kasi saken, mas gwapo pa kay Gerald Anderson at mas cute pa kay Kim Chui at sa nanay mo ang mga hinahangaan kong writers. Maaaring hindi sila kilala ng iba, pero iba talaga ang pakiramdam kapag parang normal lang na kaibigan ang pakikipag-usap sa mga hinhangaan mong personalidad, lalo na sa larangang pinapangarap mong pagtagumpayan.
Ang isang artista, pag nakikita sa TV, sikat. Ang isang pulitiko, pag nainterview at naintriga tungkol sa pagte-take out ng kaban ng bayan, sikat. Ang isang writer, pag nakasulat na ang pangalan sa book cover ng ginawa niyang libro, sikat...times 103! Kaya nga ganun na lang yung tuwa ko nung makapalitan ko ng message si Eros. 'Yung sinulat niyang "Peksman, Mamatay Ka Man, Nagsisinungaling Lang Ako", ay isa sa mga pinakaastig na librong hawak ko ngayon. (Bili na kayo, P200 lang sa National.)
Hanggang sa naisip ko, katulad ko, katulad ng lahat ng taong kilala at di ko kilala, e kumakain din ng kanin at adobo at hotdog ang mga taong hinahangaan ko. May normal na buhay din sila gaya ng normal na buhay na ineenjoy ko ngayon. Oo nga, may mga libro silang naisulat at pasikat na ng pasikat, pero sa nakita ko sa pagkatao ni Eros, na para sa kaalaman ng lahat e marami nang nakuhang awards sa larangan ng pagsulat, alam niya kung paano abutin ang mga humahanga sa kanya. At isa na siya ngayon sa mga inspirasyon ko sa pagsulat.
Hindi na kailangan ng advertisement sa TV, variety show o kaya pagkanta ng "You're Always Be My Baby" sa ASAP para lang maging sikat ang isang writer. Tama na 'yung magkaroon siya ng book launch sa kanto at mag-imbita ng mga kabatak at kamag-anak. Kaya nga iba talaga pag book author ka, upo ka lang sa bahay niyo, konting posisyon ng mga libro mo sa shelves ng bookstore, at konting pagdodonate ng inspirasyon sa mga nag-aambisyon na magamit ang bolpen nila sa mga matitinong bagay, instant celebrity ka na.
Abangan ang 1st chapter ng third book ni Eros Atalia dito sa Pedestrian Crossing.
Wednesday, February 4, 2009
Artista = Writer (Para Kay Eros Atalia)
9:20 PM
Eych
6 comments
6 comments:
lagi kong naririnig yung eros atalia n yun. anu ba sya? parang bob ong tlga?
parang bob ong? tingin ko hindi kasi may sarili siyang style.
Tama si eych.. ok tong si eros.. nakakatawa nga yung libro nya lalo n yung peksman..
dapat di lang sla j.k rowling at stephanie meyer ang suportahan natin. dapat pati pilipino writers.. db\ db..
Tama. Kaya bili na kayo ng book ni Sir Eros. Try niyo rin yung Taguan Pung..
Pero Peksman palang solb ka na eh.
Mabait si Sir Eros. Nakakatawa ba siya? Absolutely! Yung sense of humor niya na nagre-reflect sa mga sinusulat niya.
Ayokong ikumpara ang gawa ni Bob Ong sa kay Sir Eros. Kumbaga, magkaiba naman kasi ang putahe na hinahanda nila para sa mga mambabasa.
Mabuhay ang mga manunulat na Pinoy!
good books! swear... done w/ TAGUAN PUNG, PEKSMAN, & LIGO N U LAPIT N ME.
mas-vulgar pa kay BOB... hehehehe
ahahaha... sobrang astig talaga nilang mga 'writers'. Nagkaroon ng documentary ang GMA 7 bilang paghahanap sa katauhan ni Bob Ong at isa siya sa mga na-interview. nagtuturo siya sa UST. nakakatuwa siya dahil nung tinanong siya nung camera man kung siya si Eros, sinagot niya ito ng: "Ha? Si Eros? Naku, dinampot na kanina. Dinala na ng mga pulis. Tsk.tsk. pasensya na ah." ahahaha... sabi niya, hindi niya raw ginagaya ang istilo ni Bob Ong. Ilang beses na raw niyang sinabi na hindi siya si bob ong, at di niya pinangarap na maging isa.
Post a Comment