Friday, February 20, 2009

Trip Mo Ba ang Busy Life?

"Lumalabas tayo ng bahay, papasikat pa lang ang araw. Bumabalik tayo ng bahay, papalubog na ito. Ganyan na lang yata talaga ang buhay ng tao." - BO, Berde

7:30 ng umaga ang umpisa ng klase ko sa araw-araw. Dalawang oras ang byahe mula sa bahay at school ko kaya 5:30 pa lang ng umaga e umaalis na ako ng bahay -wala pa sa mood sumilip ang araw. 4:00 ng hapon ang pinakamaaga kong uwi, Dalawa't kalahating oras naman ang byahe pabalik ng bahay at hindi ko alam kung bakit, 6:30 ng hapon na ako nakakauwi - wala na sa mood ang araw para tumirik pa.

Paglabas ko ng gate ng bahay namin, walang nakakaalam, pero nalulungkot talaga ko. Lalo na pag pauwi na ko. Hirap kasing tanggapin na bihira na akong sikatan ng araw sa bahay. Halos kalahating araw ang ginugugol ko sa school - kalahati ng buhay ko sa isang araw. At napaisip ako, bakit ko ba 'to ginagawa? Para makatapos ng pag-aaral at guminhawa sa buhay at yumaman at maging isang mahalagang parte ng lipunang hindi ko alam kung aabutan ko pang nasa maayos na kalagayn pag-graduate ko?

Nakakalungkot kasi sa totoo lang, parang hindi ko na na-eenjoy ang buhay ko. Alam ko marami tayong ganito ang pakiramdam. Tambak na assignments, sandamakmak na exams, sangkaterbang project at gabundok na anik-anik, lahat 'yan sumisira sa buhay na trip nating sakyan. Sabi nga nila, mas maganda kung meron kang sinabi sa buhay, nakapagtapos at may hawak na diploma. Isang malaking OO ang sagot ko dyan, at sa pagkakataong ito, knock-out na ko sa laban.

Dito ko nakikita ang epekto ng modernisasyon. Sa sobrang laki ng expectations ng tao sa mundo, (mali ata),
sa sobrang laki ng expectations ng mundo sa tao, lalo tayong nagsisikap para umangat sa buhay. At dahil gusto ng tao na makisabay sa indak ng buhay, ginagawa niya ang lahat, makasabay lang sa tamang tyempo at tamang tono. Ayaw niyang magkalat sa stage, kaya tumotodo siya sa pag-papractice. Di baleng pagpawisan, hindi makakain sa tamang oras, o hindi makapag-Friendster at Dota, maging perpekto lang ang lahat.

Anong punto ko? Kung anong naiisip mong punto ko. Hay. Siguro pagod lang ako at nalulungkot dahil hindi kami nakapag-jamming ni Haring Araw dito sa bahay, sagot pa naman sana niya ang merienda. Sayang.

16 comments:

Anonymous said...

ayos lng yan!

mkipag-girls' night out

kna lng ky

bb. buwan!

Eych said...

hindi ba siya busy? cge.. trip ko yan.. basta sagot niya yung midnight snack.. hehe

Anonymous said...

haha.. anu bang PE mo?

Eych said...

PE? hhmm.. physical fitness.. haha!=)

Anonymous said...

parehas tayo. though naabutan ko naman si haring araw pag morning. pero masaya naman ako sa kalahating araw na inispend ko sa school. kasi madami akong ginagawa. hehe. enjoy ka lang. :)

Eych said...

naeenjoy ko din naman. my crush lang talaga ako kay haring araw. hehe. good for you nats, naeenjoy mo.=)

Anonymous said...

well. kasi naman pag nasa bahay ako parang napaka stable ng mundo. walang thrill. eh pag nasa school. ipatawag ka lang ng kahit sinong teacher parang end of the world na. :) haha. at may kasama ka ba namang 53 na iba't-ibang klase ng tao. haha. grabe. enjoy talaga.

Eych said...

sa bagay. masaya naman talaga pag nasa school. pero masaya din pag nasa bahay. hehe.=)

Anonymous said...

di ko pa kasi alam ang college life eh. haha. :) pero siguro mag iiba ang point of view ko about this pag nag college na ako. :)

ArAr said...

mas trip kong mgcmputer magdamag. yun din naman ang course k eh. magcomputer.. hehe

Eych said...

ah highschool ka palang nats. ayos yan, ienjoy mo na ngayon ang highschool habang my pagkakataon ka pa. (nanakot daw ba? hehe)

Anonymous said...

haha. super ienjoy ko talaga. kaso sad kasi mostly ng friends ko gagraduate na. puro kasi fourth year eh.

Eych said...

ah alam ko na, 3rd year ka pa lang nuh? ayos lang yan. sabi nga nila, nothing lasts forever. (gumaganun) hehe. enjoy mo na lang yung mga natitirang oras niyu.

Anonymous said...

yep. 3rd pa lang ako. haha. hanggang ngayon di ko pa din alam gusto ko sa buhay. parang gusto ko forever na lang ako high school.

shyn said...

Idol na kita Eych. (:

Eych said...

ayy.. heheheeh salamat shyn.. salamat sa pagbisita.. :)))

Post a Comment

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | Edited by PedXing-ArAr