"Woi! Wala daw si Ma'am!!"
"YEEEEEEEEEEESSSSSSSSS!!!!!!!"
Itong mga nakaraang araw, palagi kaming walang Prof at hindi ko alam kung bakit dahil wala rin naman sa amin ang may balak na tanungin kung bakit nga ba absent yung mga Prof namin. Basta ang alam namin, ito na ang pinakamagandang balitang kayang masagap ng tenga namin sa isang nakakatamad na araw.
Ewan ko sa ibang klase, pero sa section namin, instant fiesta kapag sinasabi ng president na absent yung Prof namin, para bang ang pagkawala ng teacher ang solusyon sa problema ng bansa. Ang sarap nga naman kasing isipin na sa isang parte ng araw mo e wala si Ma'am/Sir para magsalita nang magsalita sa harap ng mga bagay na hindi mo trip marinig. Ayos minsan kapag hindi ka nakapag-review sa quiz niyo para sa araw na 'yun tapos biglang wala pala yung teacher niyo, kala mo ligtas ka na sa lahat ng problema at pwedeng hindi ka na mag-suicide mamaya. O kaya pag wala kang assignments, naku, pwede ka nang tumambling sa tuwa dahil naligtas ka. Sa napakaraming pagkakataon, saya talaga pag walang teacher!!
Kung bakit masaya pag walang teacher, eto ang mga sumusunod na dahilan:
Ang saya talaga 'pag walang teacher kasi pakiramdam mo lahat e kaya mong gawin. Iniisip ko nga, ano kayang pakiramdam ng isang teacher 'pag nalaman niyang ang pagkawala niya sa isang araw ay isaang napakagandang biyaya para sa mga estudyante niya? Pero minsan, nakakaasar din kapag nagreview ka nang mabuti para sa exam niyo sa araw na 'yun at nakapagrosary ka na sin para makapasa tapos biglang wala palang teacher, at 'yung ibang classmates mo e tuwang tuwa naman. Sarap talagang maglabas ng kapangyarihan sa mga pagkakataon na 'yan.
Bakit pa nga ba tayo pumapasok sa school kung ayaw naman pala nating makita 'yung pagmumukha ng mga teacher natin? Iniisip ko din, sino nga ba ang tunay na talo pag wala si Ma'am o si Sir? 'Di ba tayo rin naman? Pumasok man sila o hindi, magturo man sila o hindi, kikita at kikita pa rin sila. Eh tayo? Sayang lang ang ilang kaalamang nakatadahana sanang pumasok sa kokote mo sa araw na 'yun. Para bang ang ipinagbubunyi natin e yung pagkawala nung mga kaalaman na 'yun.
Pero masaya talaga 'pag walang teacher. Hehe.
(Salamat kay schoans06 ng Flickr.)
Sunday, February 22, 2009
Absent Si Ma'am!!
10:06 PM
Eych
5 comments
5 comments:
tma ansaya nga pag wlang
prof..
kya lng kontrabida un prof
sa kbilang rum!!!
ganun talaga pag tumatanda. haha!
minsan laging absent yung prof namin pero pangasar lang ay may laging kapalit tapos yung ipapalit eh mas terorista pa.. asar talaga..!!
Feeling ko sa isang skul ka sa QC.
Sa palagay ko.dapat mag aral ka nlang.^_^
feeling mo lang siguro yun. ehehe. peace!
mag-aaral na nga lang ako. promise. haha
Post a Comment