Sunday, February 1, 2009

Mag Basa ng Libro sa Bahay..

Asar ako sa mga guro na nagagalit sa estudyante pag hindi nila alam ang topic na tinatalakay nila,sasabihin nila "dapat alam niyo na to dapat nag babasa kayo ng libro sa bahay"

halimbawa:


"BOYET WHAT IS THE ANSWER TO MY QUESTION?"(kahit wala pang tanong)

(mag-iisip kunwari,kakagat sa labi,titingin sa ceiling at hahanapin ang sagot
doon,pag di nakita kakamot sa ulo) "I DON'T KNOW MAM!"

"HAVEN'T YOU READ PAGES 10-69,000?"

(tingin sa ceiling) "NO MAM."

"OKAY REMAIN STANDING UP TO 4 oclock in the afternoon" (saklap e 7am palang)

Yung tipong gusto na nilang ipasubo sa inyo yung libro sa pag pilit nilang ipinapabasa ito,kung pwede nga lang matagal ko ng nilamon lahat ng libro ko ng mag ka-silbi naman matagal na silang nakaimbak sa locker ko eh kung hindi ko locker eh locker ng iba,pagkatapos nun isusuka ko sa mga muka nila ng malaman nila kung ano natutunan ko.

Cge kayo nga mag basa ng libro sa bahay na may 300 pages na wala namang maggagawa sa buhay ko kung hindi sayangin ang oras ko at palabuin ang mga mata ko,kayo din ang bumasa ng 300 pages na inuutusan habang pinuputakan ka ng magulang mo,inaasar ka ng mga kapatid mo at pinepeste ka ng mga pamangkin mo, at tinatahulan ka ng aso niyo na pinagdadasal mong makasalita nalang ng magkaintindihan kayo at hindi yung nag tatahulan kayong dalawa at pinapangarap mong ma kawala at i-asusena nalang.

Bakit kaya kami nasa iskwelahan? para matuto.
bakit kaya may teacher? para magturo.

Kaya nga kami pumasok sa iskwelahan para matuto at hindi sa bahay mag-aral..

Kaya nga ESKWELA, ang eskwelahan dun ka mag-aaral,mag-aaral ng mga walang katuturang bagay mag sasayang ng 20 taon para makapaghanap-buhay,ang sabi ko nga kung inipon ko nalang kaya ang tuition fee at mga baon ko? siguro milyonaryo na ako ngayon,kaso wala tayong maggagawa gusto nilang mag pahirap ng kapwa kaya nauso ang school.(at kung sino man siya buti nga patay kana,BIRO LANG)

Ngayon kung gusto nilang pati sa bahay eh mag-aral ako,abay mag hohome study nalang ako,o kaya mag papatayo ng sariling eskwelahan sa loob ng bahay ng hindi na ko napepeste,napeperwisyo at pinapatayo pag hindi alam ang topic na pinagdadadadak ng guro ko, kung naiines kayo at hindi namin alam ang topic na dinidiscuss niyo eh baka ikaw ang nakalimot bumasa ng ituturo mo, bakit hindi niyo nalang ituro ng maayos kesa nagmumuryot at dumadagdag lang ang kulubot mo sa muka at sa katawan at nadadagdagan ka lang ng cancer cells bakit hindi mo nalang ituro ng maayos diba?

6 comments:

Anonymous said...

hehe..sna maging robot n lng yung mga teacher..

ArAr said...

bilis ah.. may comment agd.. eh baket m naman nasabi n nsa maging robot n lang yung mga teacher?? ok din yun.. basain mo lang uwian na agd.. hehe

Anonymous said...

hehe.. tama ka dyan.. ngkaroon din ak ng teacher na ganun.. badtrip tlga..mga epal kasi eh..

ArAr said...

pero buti na lang matitino mga teacher ko kaso nga lang ako yata yung d matino.. hehehe

Anonymous said...

bakit ganun d ko magets teachers??? nagttanung pero alam ang sagot?? nagpptest pero hnhayaan magkopahan ang estdyante??? wahahaha

Eych said...

haha ganyan talaga. kasi nangongopya rin naman sila nuon eh. damay damay na yan. haha!

Post a Comment

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | Edited by PedXing-ArAr