Thursday, February 5, 2009

Usapang Itlog

SA CANTEEN SA OPISINA
Officegirl1: May alamat ba ang itlog?
Officegirl2: Ewan ko pero parang may nagsulat na non.
Officegirl3: Hay naku whatever! Basta ako? Paborito ko ang lahat ng klase ng itlog!! Lalo na yung itlog na pula... supeeeeeer!
Officegirl4 at Officegirl5: Ako rin!!!
Officegirl1: Ang gusto ko yung pula nya.
Officegirl2: Eeew! Ayoko non! Gusto ko yung puti nya!
Officegirl5: E pag prito, ano mas gusto nyo? Matigas o malambot yung pula?
Officegirl2: Ako gusto ko malambot-lambot. Mas masustansiya raw.
Officegirl4: Ako katamtaman lang. Di matigas, di malambot.
Officegirl3: Ako naman pag prito talaga, ayoko ng malambot. Gusto ko matigas. Matigas na matigas.
Officegirl5: Yung buong buo!
Officegirl2: Ano ba ang mas mahal yung itlog na pula o yung puti?
Officegirl1: Tingin ko yung pula.
Officegirl4: Bakit naman?
Officegirl1: Pag kasi yung itlog, pula, may flavor na.
Officegirl2-5: Ganon ba yun?!


SA BAHAY:
TATAY: Toy anong gusto mong luto ng itlog?
TOTOY: Itlog? Wow itlog!!!! Yehey! Paborito ko ang itlog tay!
TATAY: Manang-mana ka talaga sa nanay mo. Mahilig sa itlog. Anong gusto
mo ngang luto?
TOTOY: Tay batihin nyo! Batihin nyo! Gusto kong binabati ang itlog!

SA ISANG APARTMENT NG ISANG KAIBIGAN
KAIBIGANKO: Nay, si Kris nga pala, yung kinukuwento ko sayo.
NANAY: Ay sya ba? Tuloy. Tuloy.
(makalipas ang ilang sandali)
NANAY: Mag-almusal muna kayo bago kayo umalis. Nagluluto ako. Ano bang gusto nyo sa itlog? Yung
upsidedown?
AKO: Po?
KAIBIGANKO: Nay naman!!!!

SA ISANG MALIIT NA TINDAHAN:
BUMIBILING DALAGITA: Kuya, may itlog ka?
TINDERO: Meron naman! Ilan ba ang gusto mo?

SA PALENGKE:
SUKI: Naku, baka bulok na itong itlog nyo manong ha?
MANONG: Suki naman bibigyan ba naman kita ng bulok. Bago ang mga itlog ko.
SUKI: Nung isang beses kasi, napaka-alat. Gusto ko yung dati, yung mamanti-mantika, at di masyadong maalat.
MANONG: O sige suki para sayo, tikman mo muna itong isang itlog ko para makasiguro kayo.

6 comments:

Anonymous said...

Funny! :))

reply sa comment sa akin: Pano ako makakapagsulat dito ? :p

ArAr said...

parang gusto k ng tlog.. hahaha

Unknown said...

galing.. nakaka intindi ka nang bisaya?>>

read my blog.. dongbodong.blogspot.com

Eych said...

sayang hindi kami nakakaintindi ng bisaya eh, navisit ko yung site mo, ayos!=)

ArAr said...

oo nga.. mukang maganda nga yung site ni dong kaso pang dodong nga.. bisaya! aw! spanish, italian, japanese, arabic, mongonese,french, korean, chinese, at english lang yung alam kong salita.. pero buti n lang may englsh yung isang blog.. naintindihan ko rin.. hehe

Anonymous said...

Cge...mag itlugan tau...
masustansya na.
mura pa! =p

Post a Comment

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | Edited by PedXing-ArAr