Thursday, April 29, 2010

PARA KAY 1ST CRUSH. SANA MABASA MO 'TO!!!

Pitong taon na ang nakalipas mula nung unang beses ako humanga sa isang babae nung ako ay nasa elementarya pa lamang. Pwede na rin nating sabihin na ito ang unang beses na natuto akong lumandi.

Ito ang istorya tungkol sa aking 1st crush.

Siya siguro ang pinakanaging dahilan. Siya rin siguro ang nagpatapang at nagpalakas ng aking loob nang ako’y mapasugod sa “OPERATION LIBRENG TULE” sa aming barangay na proyekto ni Mr. mayor

Sabihin na din natin na gasgas na gasgas din ang pangalan nya sa walang habas kong pagsusulat ng pangalan nya sa lahat ng slamnote/book na sinagutan ko noon. May mga tanung kasi dun na

*Who is your crush?????…….at kung hindi ako nagkakamali kasunod na tanung yun sa

*What is Love????…..

Sigurado ako lahat tayo nagdaan sa pagkakataon at mga panahon ng pagkakaroon ng crush o isang inspirasyon - inspirasyong pumasok sa eskwela na HINDI LAMANG ang pagkakaroon ng baon ang dahilan. Pag may crush ka, kanya kanyang pasikat, kanya kanyang paraphernalia, makapagpapansin lang. Daig pa ang kandidato sa panahon ng eleksyon.

Malaki rin ang naging epekto sa akin ni 1st crush. Sabihin na nating napakalakas nga ata ng tama ko sa kanya. Sa kabila ng mumurahing edad, nakaramdam na ako ng kakaiba.

Siya ang dahilan kung bakit ako gumagastos ng 4 pesos pambili lang ng pamada sa kanto para pagarain ang buhok ko. Punasin, hawiin, punyeta! Hawi dito, hawi doon, hawi sa gitna, hawi sa gilid, at sa bandang huli, Jose Rizal hair style ang kinakalabasan ng halos 30 minutos kong pagaayos sa harapan nang salamin. Kulang na lang eh pati ang kilay ko at mga buhok sa ilong ay lagyan ko na nang pamada.

NAAGGDAAAAN AANNNNGGGG MMGGAAAA AAARRRRAAAAWWWW!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

Napapansin ko noon na malapit na ang graduation. Konting tulog, konting pasok, konting tak-in ng polo, konting hawi ng buhok, konting pagpapakyut, konting banat at eto na nga!

GRADUATION NA!!!

Masaya sana. Pero pagkatapos no’n, wala na akong balita sa kanya. Hindi ko na siya uli nakita (hindi pa kasi uso ang mga text at chat noon). Wala na rin akong narinig tungkol kanya.

Haayayyayayayyyy. Nagdaan ang mahabang panahon. Masaya at puno ng mga suliranin at pagsubok na buhay …

PITONG TAON NA RIN ANG NAKALIPAS…ngayon ay nasa ikatlong taon na ako sa kolehiyo at kumukuha ng kursong pang inhinyero. Sobrang lawak na nang aking paligid. Masyado na ring malaki ang mundong ginagalawan ko at ang pinakapagbabago sa akin ngayon ay WAX na ang gamit ko sa halip na PAMADA! Impeyrnes, ramdam naman ang asenso. Yeahh!!!!

AKO: Maa, Bayad po. LRT estudyante. Pakisuyo naman po. Salamat!

DRIVER: Sukli ohhh

Laking gulat ko nung tumambad sa akin ang babaeng nag-abot ng sukli. Isang napakagandang babae. SIYA!! OO SIYA!! HINDI AKO PWEDENG MAGKAMALI! TAMA! SIYA NGA si 1st crush ko. Napakaganda pa din nya.

1stcrush: Karl????

Ako: Oo ako nga.

1stcrush: Kamusta? Estudyanteng estudyante ahhh.

Ako: Hehe. Hindi naman. Oh bayad ka na ba? San ka punta??

*bigla na lang syang natahimik*

Ako: Oh bakit? May nasabi ba akong masama?

1stcrush: Ay wala naman. Ahhm pupunta ko ng ospital. May sakit kasi yung anak ko.

*parang ako naman ang biglang natahimik*

Pitong taon na ‘yun. Pero parang na-blangko ako sa narinig ko. Para kong nakuryente. Parang tumigil ang pagfa-function ng lahat ng system ko sa buong katawan.

1stcrush: HUUUIIIII!!! ‘Nu nangyari sa’yo?

Ako: Ay, oh wala naman. May anak ka na pala.

1stcrush: Oo ehh. Hindi na nga ako nakatapos ng hayskul at karl din pala ang pangalan nya. Ito pic nya oh.

Ako: Waw ang kyut at kapangalan ko pa. Galing!

DRIVER: Oh lrt na. Mga bababa jan ohh.

Ako: Dito na lang ako

1stcrush : Oh sige.

Habang ako’y nakababa na, hindi ko namalayan na sa pambabae na pala ako nakapila. Napaisip ako nang malalim. Kahit pala patuloy tuloy ang takbo ng buhay, may mga bagay pa ring masarap balik balikan. May mga bagay na sana dinala ko at hindi ko iniwan sa nakaraan. Naisip ko si 1stcrush. May anak na siya. Pakiramdam ko hindi sya masaya. Nakikita ko ‘yun sa mga mata niya. Nakaramdam ako ng panghihinayang. Ewan ko kung bakit, pero parang nagbalik ang mga gunita ng nakaraan. Hayyyyyyy….

Hindi man naging kami, siya pa rin ang isa sa mga dahilan kung ano ako ngayon at patuloy kong babaunin ‘yun. Siya pa rin ang dahilan kung bakit alam ko ang pakiramdam kung paano magmahal.

Iba pa din pala talaga ang 1st crush.

Sa bandang huli, hindi man kami ang nagkatuluyan, SIYA PA RIN ANG 1ST CRUSH KO !!!!! at hindi na mababago ‘yun.



----
Kahit kelan talaga, isa sa pinakamasayang pag-usapan sa buhay ay ang first crush. Masarap balik-balikan. Isang alaala na manunumbalik sa gunita mo at biglang magpapangiti sa'yo. :D

Ang post na ito ay mula kay Karl Nuqui (kj_nuqui@yahoo.com). Add niyo sa Facebook. Baka ikaw ang sinasabi niyang first crush niya. hehehe. :D

(Thanks to www.pixdaus.com for the two kids. I mean, for the picture. heheh.)

14 comments:

Donna Gonzales said...

hehe talagang ganon.. minsan kahit gustong gusto natin sang bagay eh pag di para saten.. wala tayo magagawa...
well tanggapin nalang ang kung ano ang nais ng kapalaran :)

-shobe-

Anonymous said...

weh? totoo ba to? hehe,! anyway nkktuwang icpn na nung mga bata pa tau tlgng d maikakailang me mga crushes tau hehe d maiiwasan un kht cnu naman, sbi nga nila abnormal ka pg wla kang crush haha... well ngbblog ka dn pla gaya nito huh,, i knw ur 1st crush will always be in ur heart, kht me dmating na iba d xa mawawala.. tama naman db? enjoy life!

-abi:)

eych said...

@Donna: tama. may kanya kanya naman tayong tadhana. wala namang makakapagpabago nun. kaya dapat tanggapin na lang ang mga bagay bagay.

@abi: contribution lang tong blog na to, hindi ako ang gumawa. hehe. true story yan. yes, iba talaga ang first crush. at isa yun sa mga dahilan kung bakit nakakenjoy ang buhay. hehe. :D

Anonymous said...

hahaha!nakakatuwa naman..may talento infairness..(--,)
life is full of surprises..surprises that we may like or not like. parting ways with the ones you love are examples of those surprises. but let us keep in mind that there are always reasons why things happen. malay mo hindi siya para talaga sayo. it's good that you've learned from the lessons that life has been teaching you :)
keep it up!thumps up ako nuks..kakaenjoy basahin..^_^

-kim lee ^_^

Anonymous said...

=)

Anonymous said...

salamt sa mga nakaapreciate

-kjnuqui-

Anonymous said...

22o ba to? kaw talaga 'to karl?
pero ok lng un... ganun talaga, my nakalaan para sau so cheer up!...be thankful nalang, naging masaya ka din dati dahil sa kanya..:)

Anonymous said...

masarap ngang pag usapan ang tungkol sa first crush, haha, nice one kj,

Cathy

Anonymous said...

haha. iba storya ng 1st cush ko. ung first cush ko bading na nagyon. wtf! haha pero may naturo din sya sakin. haha kung anu yun secret. ok to ah. parang wla s itsura mo susulat ng kalandiang ganito. hahaha pero magaling. dahil jan eto ang score mo. 100000000 hahaha :p -mg

Anonymous said...

Ang cute nung story.
Pang-MMK. Haha. :))
Ok lang yan kuya dadating din yung para sayo.
Just wait for her. :))

Anonymous said...

hehe. i hart dis na!

ankyut nman neto.. :))
kktuwa. kht ung first at last paragraph lan ung nbasa co. haha!

2 tambs ap :))
galing.galing.

aerh:)

nicole said...

haha. emoterong loko ka! hahahahaha

Anonymous said...

a very sad love story...ganyan din po ako ngayon..walang pakialam ang crush ko..

Anonymous said...

love has 2 differences

Post a Comment

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | Edited by PedXing-ArAr