maturity maturity isa sa mabentang mabentang ideya ngayon yan lalong lalo na sa buhay kolehiyo
o buhay teenager isang malalim na palaisipan kung anu nga ba ang konsepto sa likod ng ideyang maturity
payak na salita simpleng termino ngunit kumplikado ang kahulugan at mahirap isabuhay ng mga ilan sa atin
eh anu nga ba talaga ang maturity???….ito ba yung pag pwede ka nang bumoto?ito ba yung pag pwede ka nang bumili ng serbesa sa 7eleven??
ito ba yung pag pwede ka nang ipiit sa bilibid prison?ito ba yung pag pwede ka nang pumasok sa pegasus?ITO BA ANG MATURITY??
sabi naman nung iba ito daw yung pag para kanang si Fernando Jose sa palabas na ‘rosalinda sa ganda at porma ng iyong mga bigote
o yung ala Arnold S***neger sa kurba ng mga maskels mo??o yung para ka nang si maria ozawa sa laki ng boobs at hugis ng balakang mo?
ITO BA ANG MATURITY??
basagin na ang salamin ng kamangmangan gumising ka kaibigan. ang maturity ay wala sa kung anung edad mo na, wala sa uri ng mga bagay n a nagagawa mo na at pwedeng pwede mo nang gawin, hindi din proket malago na ang buhok mo sa k*likili ehh matured ka na,hindi din sapat na dahilan na cap G na ang size ng bra mo eh
masasabi mo na sa sarili mo na matured ka na
ang maturity ng isang tao ay nababatay hmm simple lang kung nabubuhay ka nang hindi lang “katalinuhan” ang daladala ng kokote mo yung may laman din na “karunungan”
magkaiba kasi ang dalawa(ieexplain ko pa ba?WAG NA!) minsan kasi kahit nasa tamang edad na tayo at alam na natin kung anu ba ang tama at kung anu ba ang mali pero hindi naman natin maisagawa ang mga bagay na nakakabuti at makakabuti
MATURITY yun yung kaya mo nang makagawa ng isang desisyon na nakabatay hindi lang sa kung anu ang tama bagkus sa kung anu sa tingin mo ang makakabuti hindi naman kasi lahat ng tama eh makakabuti
isa naman sa pinaka pamosong linya ng mga kabataan ngayun laban sa kanilang mga magulang ay ang linyang
“ma,pa MATANDA na ako alam ko na ang ginagawa ko “ *FAIL !!!!!!!!!!!!!!!!!!!*
katarantaduhan..MUCH… ehh anu kung nasa hustong gulang ka na alam naman ng mga magulang mo yun ehh ang problema sa ibang kabataan ngayon ginagawa na tong excuse . eh yung iba nasa tamang edad na nga pero yung uri ng pagpapatakbo ng buhay nila eh masasabi mong walang kaaseasenso
ika nga ni kuya juan…..”you need to strike the opposite inorder for you to hit the balance” (anu raw?!?! kuya juan galit ka ba bkit ka nageenglish..)
ehem ibig sabihin mabuhay ka nang may dahilan ng epektibo at produktibo,yung nabubuhay ka at hindi mo masasabi sa sarili mo na pandagdag ka lang sa lumalagong populasyon ng bansa ,mabuhay ka ng may sense yung may right path na pinagbabatayan,yung may katuturan hindi lang puro happy happy COZ LIFE IS NOT JUST A PARTY!!! hindi lang puro rock and roll chillin chillin and tipsy tipsy wag mung gawing libangan ang mga bagay na nangangailangan ng kaseryosohan dahil may mga pagkakataon para sa ganyan mabuhay ka hindi lang para sa sarili mo mabuhay ka para sayo at para sa mundong ginagalawan mo ….
yan ang maturity payak na salita simpleng termino kumplikadong kahulugan at mahirap man isabuhay ngunit sa oras na makamit mo
saka mo mapapatunayan sa srili at sa buong mundo na ….TAO KA!!!!!!!!!!!!!!..
LEAVE YOUR COMFORT ZONE FACE LIFE!!!!!!!!!!!!!!!!
-nuqui,karljoseph04/29/10
Friday, April 30, 2010
MATURITY!!!!
11:54 AM
karlnuqui
3 comments
3 comments:
new account ***1st entry
tama! nakakainis ba yung mga taong binabagay ang maturity sa itsura. i mean, hello? ano naman kung ganun sila. eh hindi naman basehan ng maturity and physical appearance. bonus lang yun.
I liked it. Lalo na nung nagcompare ka sa mga bagay kung ano talaga ang maturity. Dagdagan ko lang yung isa part, kung ang decision mo ay in favor sa circumstance ng karamihan, yun talaga dapat. Haha. Well i liked and I just realized that I'm not that matured. Duguan ako sa sinabi ng Juan pero tama. Check.
Post a Comment