Bakasyon na. Yeah!
Eto ang pinakagusto kong panahon sa lahat - ang bakasyon. Sa mga ganyang panahon ko lang kasi nagagawa ang lahat ng bagay na gusto kong gawin sa buhay tulad ng pagkulong ng sarili sa ref, pagkanta ng walang humpay, pagpantasya ng mga Koreano, pagkupit ng hany chocnuts 5 times a day (2 times a day lang kasi pag may pasok), pakikipagchat sa mga feeling close at paglangoy sa toilet bowl, at pati na rin pala pagpupumilit na gawing kulay pink ang closet ko na kulay brown. Hay. Ang saya saya talaga 'pag bakasyon!
Ilang libong taon bago ulit ako nakapag-blog dahil na rin sa sandamakmakmakmakmakmak na gawaing-eskwela at gawaing hindi ko alam kung bakit ko ginagawa. Kung may mga bumibisita pa ba rito, e hindi ko na alam. Pero hindi na mahalaga 'yun. Basta nagtatype na ko ngayon ng blog. Eto na. Nagtatype na talaga ako. Hala hindi siya humihinto. Grabe pumipindot talaga yung mga daliri kong walang kuko. Type. Type. Sige type pa. O tuldok na.
Balik tayo sa usapang bakasyon.
Naiisip ko pa lang ang bakasyon, lumulutang na ang isip ko sa tuwa. Kasi finally nakalaya na ako at nakaraos na sa mga exams na nakakaubos ng dugo, graded recitations na nakakanginig ng laman, at mga assignments at projects na nakakaputi ng mata. Para kong grumaduate pansamantala. Iniisip ko nga, ayos din pala talaga ang pagiging haggard sa school kasi kung hindi, edi hindi ko mararanasan ang mga ganitong klaseng saya. Masaya talaga maging estudyante.
Problema ko naman ngayon e kung ano ang mga gagawin ko ngayong bakasyon. Kung walang Facebook, malamang maya't maya ako nagpapalit ng layout sa Friendster na matagal-tagal-tagal-tagal ko na ding hindi nagagawa. Nakakatamad na rin naman mag-Facebook dahil sa araw-araw e ganun lang din naman 'yung mga nangyayari. Kung gagala naman ako, saan naman ako pupunta? Sayang pera lang. Kung pupunta naman ako ng SM para magpalamig, para saan pa e may ref naman kami? Kung sasama sa mga kaibigan kong magsu-swimming, medyo alanganin dahil 2mL palang ng Fit 'n Right ang naiinom ko. Kung manonood naman ako ng TV, hindi rin ako makakarelate dahil wala naman akong nasimulan sa mga pinapalabas ngayon. Kung magtetext naman ako, hindi ko man lang bibigyan ng pagkakataon ang sarili ko na ma-miss ang mga kaklase ko dahil miski pagligo ko e naji-ji-GM (group message) ko pa. Kung magbabasa naman ako ng libro, sigurado maya-maya nasa malayong kalawakan na ang utak kong nahimbing na sa pagkakatulog. Kung mag-gi-gitara naman ako, mababagot lang din ako dahil Hawak Kamay lang naman ang kaya kong tugtugin. Kung mag-iinternet ako, hhhmmm. Pwede rin kaso wala na rin akong gustong malaman sa ibang mundong hatid ng computer ko. Kung kakain naman ako, tataba lang ako. Kung matutulog, hhmmm. Tama. Matutulog na lang ako. Atlis iba't ibang adventures ang hatid saken ng mga panaginip kong hindi ko alam kung bakit ba mga ganun. Kaso ano naman gagawin ko paggising ko? Gusto ko ba talaga ng bakasyon? O mas gusto kong gumawa na lang ng wala?
Sa totoo lang, nasa kalagitnaan talaga ako ng pagkabagot. Sobrang init pa ng panahon, tapos wala pa akong magawa. Isa talaga sa pinakayokong pakiramdam sa mundo e 'yung nasa isang tabi lang ako tapos halos mamatay na sa kakaisip ng kung ano bang pwedeng gawin kung tinatamad naman akong merong gawin. (Pati ako naguluhan dun). Pero kung papipiliin ako, mas gusto ko pa rin to. Kesa sa tapunan ng mundo ng sobra sobra sobrang daming gawain.
Pero meron akong mga naiisip gawin sa mga oras na 'to:
1. Kumupit ng Yakult sa tindahan. (ay nagawa ko na pala to 8 minutes ago)
2. Magdownload ng mga Korean songs. (adik ako sa mga singkit, ewan kung bakit)
3. Manood ng mga Korean music videos. (nakakatuwa kasi yung mga moves, yeah!)
4. Maupo sa upuan sa labas at mag-isip (problema lang, wala akong isip. *erase na to*)<
4. Matulog.
5. Matulog.
6. Matulog.
7. Matulog.
8. Matulog.
9. matulog
10. tulog.<
zzzzZZZZZZzzzz...
Hay. Ang hirap talaga magbakasyon. Pero gusto ko 'to. Mag-iisip na lang ulet ako ng mas matino-tinong blog paggising ko. Goodnight!
Saturday, March 20, 2010
Bakasyon Na! (Eh Ano Naman??)
2:03 PM
Eych
No comments
0 comments:
Post a Comment