Saturday, February 28, 2009

Ang Labo ng Boys!

(Ang buong akala ko, ang suki natin dito sa Pedestrian Crossing na si Nats ay isang lalaki, yun pala, isa rin siyang babaeng hinugot sa tadyang. Peace nats! hehe. Basahin niyo ang isang maikling blog entry na kanyang ipinadala samin tungkol sa mga kalalakihan.)

ANG LABO NG BOYS... :)

If you smile at them, they think pa-cute ka
If you don't naman, sasabihan kang suplada
If you respond to his love agad, they think you're easy to get
If it took you years to decide, sobra kang pa-hard to get
If you go out with him alone, sasabihan kang flirt
Kapag may chaperon along, bad trip kasi madidisturb
If u go out with another guy, tingin sa 'yo play girl
'Pag stick ka sa kanya, they'll proclaim you're dead na dead
If u ask him where he's been, sasabihan kang over-protective
'Pag pinabayaan mo naman, they think you're fooling lang
If you let him kiss yah, he thinks you're cheap
If you refuse naman, he'll go find another chick...
-- hehe. :)

nats.



Oh boys, sapul ba kayo? Aminin! Hehe
Dapat siguro ay magkaroon din ito ng version na, "Ang Labo ng Girls".


Salamat kay Nats!

e-mail: nathalie_duh@yahoo.com

Sunday, February 22, 2009

Absent Si Ma'am!!

"Woi! Wala daw si Ma'am!!"

"YEEEEEEEEEEESSSSSSSSS!!!!!!!"


Itong mga nakaraang araw, palagi kaming walang Prof at hindi ko alam kung bakit dahil wala rin naman sa amin ang may balak na tanungin kung bakit nga ba absent yung mga Prof namin. Basta ang alam namin, ito na ang pinakamagandang balitang kayang masagap ng tenga namin sa isang nakakatamad na araw.

Ewan ko sa ibang klase, pero sa section namin, instant fiesta kapag sinasabi ng president na absent yung Prof namin, para bang ang pagkawala ng teacher ang solusyon sa problema ng bansa. Ang sarap nga naman kasing isipin na sa isang parte ng araw mo e wala si Ma'am/Sir para magsalita nang magsalita sa harap ng mga bagay na hindi mo trip marinig. Ayos minsan kapag hindi ka nakapag-review sa quiz niyo para sa araw na 'yun tapos biglang wala pala yung teacher niyo, kala mo ligtas ka na sa lahat ng problema at pwedeng hindi ka na mag-suicide mamaya. O kaya pag wala kang assignments, naku, pwede ka nang tumambling sa tuwa dahil naligtas ka. Sa napakaraming pagkakataon, saya talaga pag walang teacher!!

Kung bakit masaya pag walang teacher, eto ang mga sumusunod na dahilan:
  • Pwedeng mag-ingay o makipagdaldalan sa kahit sino, ingat lang sa mga teachers sa kabilang room na magsasabing "Bakit ba ang ingay niyo? May nagkaklase sa kabila! Sinong president niyo?" Nakakapagtaka lang minsan kasi bigla kaming nawawalan ng president sa mga ganyang pagkakataon.
  • Pwedeng mag-review para sa susunod na subject kung saan kayo may quiz. Pero madalas hindi ako nakakareview dahil mas maganda pag-usapan ang Twilight kesa magreview sa Math.
  • Pwedeng lumabas ng classroom. 48 kami sa klase, 8 na lang 'pag walang Prof.
  • Pwedeng tumayo at mag-ala-supervisor sa loob ng classroom. Pwede kang pumunta sa kahit sino sa loob ng room niyo. Madalas ko 'tong gawin.
  • Pwede kang umupo kahit saan mo gusto. Gaya ng picture sa taas, ganun kadalasan ang itsura ng classroom 'pag walang teacher.
  • Pwede ka ding matulog. Boses ng mga kaklase mo na nagsasabing "Good Morning Ma'am" ang magiging alarm clock mo.

Ang saya talaga 'pag walang teacher kasi pakiramdam mo lahat e kaya mong gawin. Iniisip ko nga, ano kayang pakiramdam ng isang teacher 'pag nalaman niyang ang pagkawala niya sa isang araw ay isaang napakagandang biyaya para sa mga estudyante niya? Pero minsan, nakakaasar din kapag nagreview ka nang mabuti para sa exam niyo sa araw na 'yun at nakapagrosary ka na sin para makapasa tapos biglang wala palang teacher, at 'yung ibang classmates mo e tuwang tuwa naman. Sarap talagang maglabas ng kapangyarihan sa mga pagkakataon na 'yan.

Bakit pa nga ba tayo pumapasok sa school kung ayaw naman pala nating makita 'yung pagmumukha ng mga teacher natin? Iniisip ko din, sino nga ba ang tunay na talo pag wala si Ma'am o si Sir? 'Di ba tayo rin naman? Pumasok man sila o hindi, magturo man sila o hindi, kikita at kikita pa rin sila. Eh tayo? Sayang lang ang ilang kaalamang nakatadahana sanang pumasok sa kokote mo sa araw na 'yun. Para bang ang ipinagbubunyi natin e yung pagkawala nung mga kaalaman na 'yun.

Pero masaya talaga 'pag walang teacher. Hehe.





(Salamat kay
schoans06 ng Flickr.)

Friday, February 20, 2009

Trip Mo Ba ang Busy Life?

"Lumalabas tayo ng bahay, papasikat pa lang ang araw. Bumabalik tayo ng bahay, papalubog na ito. Ganyan na lang yata talaga ang buhay ng tao." - BO, Berde

7:30 ng umaga ang umpisa ng klase ko sa araw-araw. Dalawang oras ang byahe mula sa bahay at school ko kaya 5:30 pa lang ng umaga e umaalis na ako ng bahay -wala pa sa mood sumilip ang araw. 4:00 ng hapon ang pinakamaaga kong uwi, Dalawa't kalahating oras naman ang byahe pabalik ng bahay at hindi ko alam kung bakit, 6:30 ng hapon na ako nakakauwi - wala na sa mood ang araw para tumirik pa.

Paglabas ko ng gate ng bahay namin, walang nakakaalam, pero nalulungkot talaga ko. Lalo na pag pauwi na ko. Hirap kasing tanggapin na bihira na akong sikatan ng araw sa bahay. Halos kalahating araw ang ginugugol ko sa school - kalahati ng buhay ko sa isang araw. At napaisip ako, bakit ko ba 'to ginagawa? Para makatapos ng pag-aaral at guminhawa sa buhay at yumaman at maging isang mahalagang parte ng lipunang hindi ko alam kung aabutan ko pang nasa maayos na kalagayn pag-graduate ko?

Nakakalungkot kasi sa totoo lang, parang hindi ko na na-eenjoy ang buhay ko. Alam ko marami tayong ganito ang pakiramdam. Tambak na assignments, sandamakmak na exams, sangkaterbang project at gabundok na anik-anik, lahat 'yan sumisira sa buhay na trip nating sakyan. Sabi nga nila, mas maganda kung meron kang sinabi sa buhay, nakapagtapos at may hawak na diploma. Isang malaking OO ang sagot ko dyan, at sa pagkakataong ito, knock-out na ko sa laban.

Dito ko nakikita ang epekto ng modernisasyon. Sa sobrang laki ng expectations ng tao sa mundo, (mali ata),
sa sobrang laki ng expectations ng mundo sa tao, lalo tayong nagsisikap para umangat sa buhay. At dahil gusto ng tao na makisabay sa indak ng buhay, ginagawa niya ang lahat, makasabay lang sa tamang tyempo at tamang tono. Ayaw niyang magkalat sa stage, kaya tumotodo siya sa pag-papractice. Di baleng pagpawisan, hindi makakain sa tamang oras, o hindi makapag-Friendster at Dota, maging perpekto lang ang lahat.

Anong punto ko? Kung anong naiisip mong punto ko. Hay. Siguro pagod lang ako at nalulungkot dahil hindi kami nakapag-jamming ni Haring Araw dito sa bahay, sagot pa naman sana niya ang merienda. Sayang.

Thursday, February 19, 2009

Pasaherong Pinoy sa Jeepney...

Isang kakatuwang article mula sa barkada at isang masugid na email sender na itatago natin sa pangalang Raphael Serrano...

Uuwi ulit akong mag-isa.

Haay, salamat naman at uwian na. Kanina pa ako inip na inip umuwi, aba ang
hirap atang magpanggap na may ginagawa. Ang galing ko na ngang matulog ng
dilat eh, sakit nga lang sa ulo. Paalis na sana ako ng biglang nag-text yung
pinsan ko at hihintayin nya daw ako sa baba ng building para sabay na kaming
umuwi. Kaya hayun, nagsinungaling na naman akong kunwari ay may gagawin pa
ako para lang maiwasan sya.
Ewan ko ba, bakit ayokong may kasabay samantalang yung iba ay naghihintay o
di kaya ay may susunduin pa para lang may makasabay sa pag-uwi. Hindi naman
ako loner, basta lang gusto ko mag-isa akong umuuwi. Gusto ko wala akong
kakilalang kasakay sa jeep. Gusto ko mag-isa lang ako sa byahe.
Ano nga bang meron sa jeep? Ano nga bang nangyayari sa byahe ko pag-umuuwi
ako?
Madami. Iba-ibang klaseng tao. Iba-ibang klaseng komedya.

Case # 1: "Aray, ano ba?"
Madalas na dialogue ng mga babaeng feeling commercial model ng shampoo kung
ipatangay sa hangin ang buhok. Mga walang pakialam kahit na ang mga katabi
nila ay hirap na hirap na sa pag-iwas sa paghampas nito sa mukha nila. Kaya
ako kapag di na ako makapagpigil, hinihila ko na yung buhok, sabay sorry
kunwari akala ko buhok ko yun. At kapag sinusumpong ako, kinakalabit ko na
at sinasabihan kong hindi ako kumakain ng buhok.

Case # 2: "Blah, blah, blah...'
Mga taong feeling sila lang ang sakay na kung mag-usap ay dinig ng lahat ng
pasahero. Nakakaaliw sila minsan lalo na't mahaba ang byahe at walang radyo
yung jeep. Pampalipas oras din sila, minsan nga gusto ko ng sumabat dun sa
kwentuhan nila lalo na kapag nakaka-relate ako. Pero kapag inaantok ako at
di na makapagpigil, tinitingnan ko sila na parang gusto kong dukutin ang
lalamunan nila.

Case # 3: "Pakiabot lang po..."
Kapag napaupo ka ng medyo malapit-lapit sa driver, asahan mong magiging
taga-abot ka ng bayad. Ok lang sana yun eh, hwag ka lang makaka-tyempo ng
driver na may pagka-manyakis na nanadyang manghaplos ng kamay. O kaya naman
ng driver na parang di pa ata nakakaalam na uso na ang deodorant. O kaya
naman ng driver na mas malakas pang bumuga sa tambutso nya ang bunganga.
Syempre wala naman akong magawa kundi ang magtakip na lang ng ilong at
umurong agad kapag medyo lumuwang. At meron namang mga pasaherong sobrang
bait na hindi ka pa nakakapagsalita ay kinukuha na sa kamay mo ang bayad
mo. Meron din syempreng matatapang na kapag hindi mo nakuha agad yung bayad
nila ay medyo itataas ang boses at may kasama pang ismid. Hay naku, pwede ba
wala akong kumisyon sa pag-abot ng bayad nyo ha.

Case # 4: "Makikiusog nga..."
Para sa mga kung umupo ay kala mo pang-dalawang tao ang binayaran. May mga
babaeng kung umupo ay nakalihis, walang pakialam na yung katabi nya
kalahating pwet na lang ang nakaupo. Meron din mga lalaking kung makaupo ay
halos mangingimi kang tumingin sa kanya dahil sa laki ng pagkakabukaka.
Animo'y may kung anong pinoprotektahan sa pagitan ng kanyang mga hita. Kapag
ipit na ipit na ako, sinasabayan ko ang pag-preno ng mama sa pag-usog.
Pasensyahan na lang kung mapalakas.

Case # 5: "Ooozzz."
Wala namang masama kung matulog ka habang nasa byahe, pero sana iang walang
dantayan at basagan ng bao o di kaya ay matuluan ng panis nyang laway. Kapag
may katabi akong natutulog na, hinahayaan ko lang (syempre alangan namang
pigilan ko) at kapag babagsak na ung ulo nya sa 'kin, bigla kong ibinababa
balikat ko para magulantang sya. Pero kapag cute ibang usapan na yan.
Itinataas ko pa balikat ko para makahilig at ng makatulog sya ng maayos at
ok lang na magka-untugan kami, malay mo magpakilala pa sya, asa pa.

Case # 6: "Mama, para ho..."
May mga driver na di mo mapipigilang mapamura sa sobrang tagal bago huminto
na halos kailanganin mo ng sumakay pabalik sa layo ng pinagbabaan sa 'yo.
Meron namang hihinto kahit na sa gitna ng kalsada mabawasan lang agad ang
sakay nya. At meron ding halos mahalikan mo na yung katabi o kung
minalas-malas ka ay mahuhulog ka pa dahil sa biglang pagpreno nya. May mga
pasahero namang hindi pa nakuntento sa pagkalakas-lakas na pagsabi ng para
at kumakatok pa sa bubong. Merong namang magbabayad kapag pababa na at may
gana pang magalit kapag hindi agad naihinto ang sasakyan. At syempre merong
mga nagmamadaling akala mo ay mauubusan ng lupa kung bumaba, kasehodang
mabunggo at matapakan nyang lahat ng daraanan nya. Pero pamatay pa ring yung
minsang may nakasakay akong mama na pagkalakas-lakas at paulit-ulit na
sumisigaw ng "Bayad ho, bayad ho, bayad ho..." Syempre yung driver, kuntodo
extend ng kamay nya. Nakatingin na lahat dun sa mama na kumakatok-katok pa
sa bubong ng jeep. Sabay naalala nyang "Para" pala ang dapat nyang
isinisigaw. Nyahaha...

Case # 7: "Love birds..."
Syempre pa, hindi mawawala ang mga mag-syotang kala mo may sariling mundo na
kung maglampungan ay parang mga pusang di mapakali. Libreng sine 'to, rated
18, kaya lang nakakabitin din lalo na kapag nauna kang bumaba sa kanila.
Meron tuloy mga lalaking 'nag-iinit' at biglang bibitaw ang kamay sa
pagkakahawak sa bakal para kunwari mapapasubsob sa katabi nila o kaya naman
bigla mong mararamdaman na yung siko nila nasa tagiliran mo na. Sarap
sampalin ng mga ganung lalaki. Di naman sa nakikialam ako, pero wala namang
inggitan...

Case # 8: "Estudyante blues..."
Maraming estudyante na nagbabasa ng libro sa loob ng jeep habang nasa
biyahe. yung iba sa sobrang ganda ng binabasa ay nadadala sa kwento..'Yung
nakasakay ko minsan na dalagita ay taimtim na nagbabasa ng "Noli Me
Tangere". Hindi nya napansin na malapit na syang pumara at sa gulat na
bababa na pala siya ay mahinhing sinabi sa driver "Paalam".

Case #9..."Mama, ba-bye...."
Minsan naman may nakasakay ako, 2 magkaibigan na walang ginawa kungdi
magkwentuhan ng mga katatawan. Nakakaaliw silang pagmasdan lalo pa't halos
magkanda-luha-luha na ang kanilang mata sa kakatawa. At ng oras na para
bumaba ang isa sa kanila...narinig ko ang sabi niya na habang natatawa parin
.."teka muna bababa nako sige babay" sabay sigaw sa
driver...."Mama....ba-bye!"


Hay naku, ilan lang yan sa mga nararanasan ko kapag umuuwi ako. Dami pa kong
kwento kaya lang uwian na eh.
Magbi-byahe pa ako.
Sasakay na ako ng jeep.
Uuwi ulit akong mag-isa.

At dahil sa kasipagan ni Raphael na magemail sa PedXing ay naisipan n namin na maglagay na ng sariling nyang pangalan sa aming categories.. Salamat ng marami!!!

Friday, February 13, 2009

The Love Blog Part 2: Valentines Edition

Valentines Day na pala bukas. Friday the 13th ngayon. Pero walang konek 'yun.

Nagtataka lang ako kung bakit hindi ginawang holiday ang Valentines Day. Eh di ba ito naman ang gusto ng mundo, ang magmahalan tayo? Dapat isa man lang sa mga senador, kongresista, mambabatas o ungas ang magsuggest na gawing holiday ang February 14. Kung mangyayari 'yon, maraming matutuwa. Yey!

Ang daming puso sa paligid, hindi nga lang tumitibok. Ang daming roses, cards at holding hands. Ang sarap pagmasdan ng paligid kapag Valentines Day. Feeling mo kasi lahat ng tao sa paligid mo, nagmamahalan. Para bang sandaling huminto ang mundo para magbigay daan sa isang bagay na kayang gawin ng tao kahit na wala siyang hawak na diploma - ang magmahal.



Sa mga napapansin ko sa paligid at sa TV, masaya at mahirap ma-in love.

Masaya kung mahal ka din ng taong mahal mo. Masaya din kasi isipin na kahit ganyan ka, meron pa ring isang taong nabaliw para sa'yo. Masaya dahil may nasasandalan ka sa mga oras na feeling mo sumuko na lahat sa'yo. Masaya na sa bawat holding hands niyo, pakiramdam mo ligtas ka kay Braguda, na sa bawat kiss, ramdam mong ang gwapo/ganda mo, na sa bawat yakap, damang-dama mo na walang mang-aapi sa'yo. Masayang isipin na kahit marami kang depekto sa buhay, pakiramdam mo lahat na lang ng bagay sa mundo e perpekto. Masayang masaya dahil sa ganoong paraan, alam mong hindi ka lang isang tuldok sa mapa, kundi comma, period, at lahat na ng punctuation marks. Kaya swerte ka kung ganon!

Eh doon naman tayo sa mga nagmamahal dyan na hanggang ambisyon na lang at puro pantasya. Marami akong ganyang kaibigan at marami ding ganyan sa telenobela. Kung iisipin mo nga naman, masakit kapag sa tuwing nakikita mo 'yung mahal mo na hindi ka naman mahal, umaasa ka pa rin na balang araw, mababaliw din siya sa'yo. Masakit lalo na 'pag parang sinasadya na ng pagkakataon na ipamulat sa'yo na hindi siya para sa'yo. Halimbawa na lang 'pag nakita mo siyang may kasamang iba, o kaya naman, sa sobrang manhid niya, nagawa niya pang ikwento sa'yo 'yung tungkol sa taong mahal na mahal din niya. Masakit na halos bigyan ka na ng tadhana ng mga dahilan para kalimutan siya. At paminsan-minsan, sinasaktan mo na mismo ang sarili mo, sumaya lang siya .Tsk. Tsk. Kaya naiintindihan ko na kung bakit maraming nagpapast time sa tuktok ng billboard.

Sa mga hindi pa naiinlove, ayos lang 'yan. Matuto ka sa mga bagay na nakikita mo sa paligid mo, pero wag ka masyadong magpapaepkto. May sarili kang desisyon, nasa sayo kung gagamitin mo yung karapatan na 'yun.

May mahal man o wala, heartbroken man o super saya, o kahit hindi mo pa nararanasan ang alinman sa dalawa, may karapatan ka pa ring magcelebrate ng Valentines Day. Kaya nga may pamilya at kabigan na ibinigay sa'yo ang Diyos para alagaan at sabihan ng "I love you".

Happy Valentine's Day sa lahat!=)




(Ang larawan ay galing sa www.desicomments.com)

Thursday, February 12, 2009

Doraemon Quotes

Sensya na sa nagpadala ng email na toh sa akin, 3 araw kasi akong hndi nkpaginternet due to excitement sa RedAlert 3.. Kaya eto na po yung doreymon mo..


"Ang mahiwagang mensahe!"

Yan ang message alert tone ng aking cellphone ngayon. Hawig sa boses ni Doraemon. Ilang beses ko ring sinubaybayan ang palabas na ito. Hindi ko akalain na magugustuhan ko to kahit na napakasimple lang ng pagkakaguhit ng bawat karakter sa nasabing programa. Pero isa sa mga dahilan kung bakit ko inaabangan to ay dahil sa mga tinatawag na "words of wisdom" ng robot na si Doraemon. Narito ang ilang sa mga yaon (Paunawa: Maaaring sasabihin ng iba na kay Bob Ong ang mga ito pero ang totoo, si Doraemon ang nagsabi nito) :



"Hindi porke kaya mong gawin ang isang bagay ay dapat mo nang gawin."

"Mahirap maging matanda. Wala nang mas matanda na titingin sa'yo."


"Huwag mong ipakitang malungkot ka sa ibang tao kung wala kang balak mag-share ng problema. Para kang nag-alok ng hopia pero hindi mo naman ibibigay."


"Hindi mo dapat iyakan ang nakaraan. Isipin mo, bakit nasa harap ang mata? Ito ay para lagi mong nakikita ang hinaharap."


Nobita: Bakit maski isipin ko na kaya ko gawin ito, di ko pa rin makaya?
Doraemon: Simple lang yan! Kasi iniisip mo lang, hindi ka naniniwala!


Nobita: Doraemon, meron ka ba diyang gamit yung mapapasagot ko agad si Shizuka?
Doraemon: Meron.
Nobita: Ah pahiram ako!
Doraemon: Ayoko nga!
Nobita: Ang damot mo! Bakit naman?!
Doraemon: Kung tunay kang nagmamahal, hihintayin mo sya kahit gaano pa katagal.


at ang pinakagusto ko'ng quote ni Doraemon ay:

Wag ka ng mag-isip at bigyan ng dahilan ang isip mo para isipin siya. Masaya ang buhay kaya mabuhay ka ng masaya.


Isang email ulit mula sa suking si Raphael...

Monday, February 9, 2009

Pabili Po ng Sari-Sari Store!

Teka lang. May bumibili sa tindahan namin. Pagbilan ko muna.

.

..

...

Ok. Back to position.

"Pabili po." Boses ng bata. Alam mo na agad na sari-sari store ang "business" ng kung sinumang may-ari ng negosyo na 'yon. Sari-sari store. Bilihan ng mga Pinoy. Sari-sari store. Negosyo ng karamihan sa mga Pinoy. Sari-sari store. Pinoy na pinoy.



Sabi nila, kung kulang ka sa laman ng bulsa at trip mong maging instant businessman, isang negosyo lang ang swak para sa'yo- sari-sari store. Easy to manage, sole proprietorship lang 'to, meaning, ikaw ang amo at ikaw din ang empleyado. Pwede ring partnership, basta siguraduhin mo lang na hindi ka uto-uto at hindi manggogoyo 'yung kukunin mong partner. Hindi na rin kailangan ng mga shareholders na mag-tatrayduran na tulad sa mga telenobela, unless gusto mong hamunin si Henry Sy.

May tindahan din kami. Ibig sabihin, tindera din ako. Nakakatuwa kasi ang daming katatawanan at kabadtripan kang makukuha sa bawat costumer na pinagbibilhan mo.

1. Halimbawa na lang sa mga bata. Kapag nagtanong sila ng presyo at sinabi mong "2.50 ang isa", maguguluhan ang pagkatao ng bata at magmamakaawa na "Pwede po bang tres na lang, ito lang kasi pinadala ni mama eh."

2. Sa mga bumibili naman ng softdrinks (lalo na 'yung kinaaasaran kong bumibili nito sa'min), hindi sila nakukuntento sa pagtatanong kung malamig ba 'yun o hindi. Magrerequest pa 'yan na hahawakan nila ang bote para masiguro na malamig nga 'yon at hindi mo sila ginogoyo. 'Pag nakuntento na si bumibili, isa lang ang kasunod na tanong ng tindera, "Plastic?" Sagot naman ang bumibili, "Oo." Uso rin pala ang plastikan sa tindahan.

3. Sa mga bumibili ng sigarilyo (Marlboro ang mabenta sa'min), nakakainis minsan kasi nakisindi na nga sila, bubugahan ka pa ng usok sa mukha mo. Bad trip ako dyan palagi.

4. Meron din namang ilan na hindi naman bibili. Ito 'yung mga nanghihingi ng abuloy sa patay, donasyon sa simbahan, para sa nasunugan, para sa mga bulag, pipi, bingi at bungi, para sa asosasyon sa village niyo, para sa mga kabataan, katandaan at kay kamatayan. At kapag hindi ka nagbigay, hindi mo magugustuhan ang mukhang ibabato nila sa'yo.

Pero maniwala ka, masarap din magtinda paminsan-minsan. Ako nga, marami akong nalalaman na sikreto mula sa mga suking matatabang chismosang maiitim ang batok na tumatambay sa tindahan namin. Nalaman kong ampon pala si ano, may kabit si ano at nakkikipagkita sa SM, nagdadrugs si ano at nasa rehab na ngayon, at maitim ang budhi at singit ni ano. Mukang yayaman ako sa pamba-block mail.

Anu't anu pa man, masaya pa din magkaroon ng sari-sari store sa bahay. Hindi lang kasi sari-sari store ang pagmamay-ari at hawak mo, pati na rin ang kulturang Filipino. Bad trip lang talaga minsan pag may nangungutang.

"Pabili po! Pabili po!! PAABBBILLIII!!!!!! GRRRRRRRRRR!!!!!!"

Mukang kelangan ko na pagbilan ang isang 'to.


(Salamat kay Kingratt82 ng Flickr para sa larawan.)

Tawiran

Tingin sa kanan. Tingin sa kaliwa. Lakad. Tawid sa pedxing.

Noong unang nakita ko ang "Pedxing" sa isang lugar sa Maynila, hindi ko alam ang ibig sabihin ng karatulang ito. Noong una, inakala ko isa itong Chinese word (Dahil sa isang lugar malapit sa China Town ko ito nakita). Pero nang tumagal, narealize ko na isa pala siyang lugar sa Maynila. At noong nakita ko itong muli sa ibang lugar, dumating sa kaisipan ko na hindi nga siya lugar. Kaya bumalik ulit ako sa hypothesis ko na isa pala itong chinese word.

Lumipas ang ilang buwan at hindi ako nakuntento sa buhay ko. Inalam ko talaga kung ano ito. At sa wakas, nalinawan ako. Isa pala itong shortcut para sa "Tawiran". PedXing, ibig sabihin, "PEDestrian crossING". Ang X? Ginamit upang isubstitute sa salitang cross. Parang math lang.


Tawiran. Bakit kaya ganon? Karamihan sa mga Pilipino, Jaywalkers. Kaya nga naimbento ang tawiran eh. Minsan, makikita mo ang pinoy, tumatawid sa ilalim ng overpass, o kaya malapit sa karatulang nakalagay na "Walang Tawiran. Nakamamatay."

Ano bang utak meron tayo? Minsan, naiisip ko kung topak ba talaga ang mga Pinoy eh. Tapos pag nahit and run, magngangangawa yung pamilya sa kasalanan ng namatay na tao. Wala lang. Kaya nga may mga tawiran eh. Para sa kapakanan natin. Pero ano? Dun pa din tayo sa mapapahamak tayo. Sa alam nating mali. Ewan ko ba.

Minsan, sa pamamagitan ng simpleng mga sitwasyon na gaya nito, napapakita kung ano ba talaga ang kulang sa ating mga Pinoy: Disiplina.

PedXing. Tawiran. Nagdudugtong sa isang lugar patungo sa isa. Pedestrian Crossing.



(Mula kay jhanz ownsz yuu xoxoinlove_13@yahoo.com. Bisitahin niyo rin siya sa theyellowpadchronicles.blogspot.com)

Sunday, February 8, 2009

Ligo na U, Lapit na Me (By Eros Atalia)

(Isang malaking karangalan ang pagpayag ni Eros Atalia na mai-post dito sa Pedestrian Crossing ang first chapter ng kanyang third book na may title na "Ligo na U, Lapit na Me". Abangan ito sa inyong mga suking bookstores sa June or July. Basahin niyo din, sigurado, mas gugustuhin niyo pang basahin 'to kesa manuod ng TV at kumain ng dark chocolates. Thanks Master Eros!)

Ligo na U, Lapit na Me
Eros S. Atalia
proletaburgesya@yahoo.com


CHAPTER 1: Himagsik at Lantik ng Physics


“Nong ideal d8 mgsuicide?”

“Mya n lng, bc pa me.”

“Mr. Villalobos, keep your cellphone away. Exam, tapos nagte-text ka.”

Alam ni Sir na di ako nagtsi-cheat. Imposibleng makapag-cheat sa celphone kapag exam. Lalo na sa physics. Una, may 1/4 index card kaming lahat para doon tignan ang formula. Medyo pinsan lang ni Hitler si Sir sa pagte-terrorize at pagto-torture sa aming mga estudyante. Pwedeng gumamit ng kahit ano (calculator, scientific calculator, abacus, butil ng mais o munggo, mga daliri sa kamay at paa) sa pagso-solve sa kanyang mga problem na prinomoproblema ko ngayon. Pangalawa, open notes, open books, open tables at lahat ng gusto mong i-open at i-close, kahit prayer book, Biblia, Qur’an, summa theologica ni Santo Tomas at Saligang Batas ng Pilipinas, pero hindi ko makikita ang kasagutan. Pangatlo, kahit mangopya ako kahit kanino, o humingi pa ako ng saklolo sa kaluluwa ng mga ninuno kong namayapa, malamang hindi pa rin tatama ang sagot ko.


Hay! Physics. Gusto ko na ayaw ko ng subject na ito. Gusto, kasi tuwang tuwa ako sa pressure (panggigipit sa magulang para makahingi ng dagdag na baon), force (pamimilit sa magulang na kailangan nang i-upgrade ang celphone ko), gravity (na kapag tumalon sa jeep dahil nag-1-2-3, gravity ang maniningil sa pwet na pumalakda o ulong nabagok), acceleration/deceleration (bagalan o bilisan ang pagtawid sa lansangan pinaghaharian ng mga tsuper na kaliga nina Road Runner at Speedy Gonzales, Kuya Cesar at Ben Tisoy , heat transfer (matutong sumalo ng init ng ulo ng mga drayber, professors at asong galang di naka-score) buoyancy (paano umuwi sa gitna ng baha na lumulutang at salbabida ang backpack habang nakataas ang kamay na hawak ang celphone). Ayaw ko, kasi, exact at precise science/math ang physics. Hindi ako makapambola, makapangatwiran o makipagdebatae sa numbers at figures. Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag na tama ang sagot ko pero mali ang solution.

First period. Exam. Late. Panalo.

Papisik-pisik ako habang sumasagot ng physics exam. Pailing-iling. Tingin sa papel. Tingin sa prof. Tingin sa kisame. Tingin sa board. Sagot na mailap, nasaan ka? Totoo nga kaya na talagang insignificant ang time sa point of view ng universe? Pero habang tumatakbo ang oras, unti-unti kong nararamdaman na humahalakhak ang universe sa akin. Malamang, kinakantyawan ako ni John Lennon (isa sa mga pinagkuhanan ng pangalan ko ni erpat) ngayon. Siguro, kinakanta nya ang Across the Universe habang sinisipat-sipat ang papel kong nagmamakaawang magkahimala at litawan nang kusa ng tamang sagot.


Kaya kanina, nang mag-vibrate ang cellphone ko, kala ko, himala na ng mga himala at may nagpadala na ng sagot. ‘Yun naman pala, si Jen. May sapi na naman at kung ano-ano ang naiisip. Pati ako, binigyan pa ng panibagong problema. Problema na sa physics, problema pa kung kelan ang ideal date para mag-suicide. Isa-isa lang, mahina ang kalaban. Ito munang pa-exam ni Einstein con pinsan ni Hitler ang uunahin ko. At kung bumagsak ako dito, malamang ako pa ang maunang mag-suicide.

May ilang items akong nasagutan, may ilang ala-tsamba at may ilan siguradong mali. Pero okay yung punuin yung papel. Baka may psychological effect kay sir na kapag nakita nyang hindi ko iniismol ang subject nya (kahit minor lang pero nag-aasta syang major) ay pinaghirapan ko naman talaga. Pinuno ng sagot. Sagot lang naman ang kailangan. Kung tama… yun ang problema.

Direction: Answer the following. Show your solution. Encircle your final answer. Use the provided extra sheet as needed.

Ito ang gusto ko kay Sir Physics, walang paligoy-ligoy. Yung sinabi nya lang ang ibigay. Kung hindi hinihingi/tinatanong, wag nang mag-epal-epal.

Kaya minsan, natatawa ako sa ibang prof na nagbibigay ng instructions/directions sa exam:

Direction: Fill in the blanks with the correct answer.

E, ano pa kaya ang ilalagay doon kundi tamang sagot lang?

Direction: Choose the best letter that corresponds to the question.

Kung hindi best yung sagot ko, let’s say, good… good din kaya ang point/s. 0.25 out of 1? Kapag better? 0.50 out of 1?

“Time’s up.”

Ugong ng bulungan, buntong hininga, palatak at mura. Pasahan na ng papel. May ilang ayaw pa. Baka makasilip pa ng sagot sa mga papel na iniabot. O finishing touches sa sagot.

Inulit ni Sir Physics ang panawagan. No choice. Nagpasa na ang lahat. Pati ako. Bahala na si Batman (Bakit si Batman na lang ang laging bahala? Busy naman lagi ang Dark Knight sa dami ng krimen sa Gotham City at puyat pa lagi).

Nagpaalam na ang prof. Lalong lumakas ang ingay sa classroom. Buti na lang di sinagad ni Sir Physics ang three-hour class namin. Kapag galing ka sa isang oras na pakikipagbuo sa mga formula at equation, at pagkatapos ng test ay magle-lecture pa uli ang prop… hindi ba’t masarap manggilit ng leeg ng tao gamit ang kalawanging tansan?

“Puno ang papel mo dude, ha?”, si Jenny. Yung nag-text kanina. Classmates at kalaro ko. Nakaupo sa likuran ko.

“Walang probelama. Kung pupunuin, yakang yaka. Problema nga lang kung tama yung sinulat.”

“Hm, pa-humble effect ka pa? If I know, kahit di ka naman nagre-review, pumapasa ka pa rin.”

“Magaling lang akong manghula at tsumamba.”

“So, what’s your answer sa problem number 6?”

“Di ko na matandaan, e.”

At kahit matandaan ko pa, wala na namang silbi yun. Ito ang sakit ng mga estudyante tapos ng exams. Tanungan ng sagot. May magagawa pa ba sakaling magkakaiba o magkakatulad kami ng sagot sa isang item? Kapag nalaman ko bang mali yung sagot ko, pwede kong habulin si Sir sa faculty room at itama yung mali kong sagot? Magbubuklat ng notes ang karamihan at hahanapin ang tamang sagot. Manghihinayang kapag mali ang isinagot o mapapa ‘yes’ kung tama. Yung mga grade conscious, abot-abot ang pagsisi at kulang na lang na batukan ang sarili kung mali ang isinagot.Yung mga myembro ng ‘bahala na gang,’ at ‘sige-sige’, abot-abot ang usal ng orasyon na sana tumama ang hula o magkabisa ang tsamba.


“Ano dude, kelan ba best day mag-suicide?” si Jenny uli.

“Pwedeng huminga muna?”

Tumawa lang ito. Binulatlat ang bag. May dinukot. Iniabot sa akin ang dalawang bar ng imported na chocolate. Dark Chocolate. Alam ni Jenny ang kiliti ko.

“Ano ito, suhol?” kunwari pa ako, pero tinatalupan ko na. Nagkarambola ang maliit at malaki kong bituka. Giniling na ng mga ito ang almusal ko kaninang isang platong sinangag at tatlong tuyo’t dalawang pritong itlog. Dalawang tasang kape at isang saging. Malakas makatunaw ng laman ng tyan ang exam ni Sir. Kumikirot ang tyan? Kumikirot ang ulo? Correlation? I therefore conclude na ang utak ay parang tyan, sumasakit kapag walang laman.

“Sige na dude. Kung di pa yan enough sa ‘yo, sabihin mo lang… ”

“Ganito yan Ate Vi…”

“Anong Ate Vi?”

“E, dude (Edu Manzano) ang tawag mo sa akin… di ikaw si Ate Vi.”

“That’s the result ng mahirap na exam, you’re getting corny na ang jokes mo.”

Pinangos ko ang natitirang chocolate bar. Lunok. Iniabot ni Jen ang bottled water nya. Wag daw akong mandiri at wala pa naman daw syang nakakahawang sakit. ‘Wala pa’ ha? Panalo.

Ganito talaga si Jenny. Basta’t gustong nyang mang-abala, dark chocolate ang pansuhol nya sa akin. Alam nyang hindi ako makatanggi dito. Sabihin nyang itakbo ko ang ulo ni Rizal sa Luneta kapalit ng dalawang box na dark chocolate, hindi ako magdadalawang isip. Sya lang ang nakakalam nito. Minsan kasi, mga one week pa lang nagsisimula ang klase, habang naghihintay kami ng prof, kumakain ako ng dark chocolate (local nga lang, yun lang ang kaya ng budget), nakatingin sya sa akin. Kahit nag-aalangan ako (baka nga pumiraso), inalok ko sya. Kinuha nya ang kinakain ko. Hinati sa gitna. Iniabot nya sa akin ang kalahati. Nakangiti syang kumakain. Parang gusto kong agawin sa kanya ang chocolate ko. “Tang ina ‘to ha? Ang ganda pa naman, kaso matakaw.” sa loob-loob ko. Kaya mula noon, kapag kumakain ako ng chocolate, hindi ko na ito inaalok, o ni tinititigan pa… baka manghingi pa. O kaya para di naman ako magmukhang maramot , pasimple na lang ang kain ko. Since nasa likuran ko naman sya, hindi nya na siguro napansin noon ang kadamutan ko sa patagong pagkain ng dark chocolate. Pero minsan pag-uwi ko, may nakita akong isang bar ng dark chocolate sa bag ko. Kinabukasan, tinalupan ko ito sa harapan ni Jenny, at inialok sa kanya. Nagkangitian kami.


Sabi ko sa kanya, since gusto nyang mapansin ang kanyang pagpapakamatay, dapat ma-maximize nya ang atensyon ng mga tao.

Kaso, January na ngayon, at next week ay prelims na… bad date kung magpapakamatay sya. Busy ang lahat sa pag-aaral at pagkuha ng exams. Walang makikipaglamay at makikipaglibing sa kanya.

Kung February, naku, abala ang lahat sa Valentine’s Day. Saka hoarding ng bulaklak sa Dangwa sa Sampaloc kapag ganitong mga buwan. Baka yung mga bulaklak na iaalay sa lamay ay malamang recycled mula sa mga syota ng mga nakipaglamay. Saka panay-panay ang suspension ng klase noon, gawa ng EDSA-People Power 1 celebration. Matrapik. Mabagal na nga ang libing, mas babagal pa gawa ng kaliwa’t kanang demonstrasyon. Chinese New Year nga rin pala sa ganitong buwan. Ang pangit naman ng eksena na may makakasalubong na Lion Dance ang libing kasabay ng masigabong putukan (akalain pa ng ilan na tuwan tuwa ang mundo sa pagpapakamatay nya). Papasok na rin ang tag-init.

Marso, Fire Prevention Month. Abala ang kalsada sa pagkakampanya ng bumbero laban sa panay-panay na sunog. Saka patapos na ang klase noon, Finals. Walang makikipaglamay at libing sa mga ganoong panahon. Busy ang buong eskwelahan, mga nanay na naghahanda sa graduation/closing party sa school at pagpapa-book sa summer destination. At dahil summer, tatamarin ang mga taong makipaglamay (buti sana kung sosyal at airconditioned ang punerarya) lalo na sa pakikipaglibing.

Abril? Hindi maganda. Mahal na Araw. Busy ang lahat sa pasyon, pabasa, senakulo at penitensya. Kakumpitensya sa ingay ng pag-iyak ng mga kamag-anak nya yung mga trompa ng mga nagpapabasa. Ampangit naman na sumusunod ang karo ng libing nya sa mga kristu-kristuhang samantalang pasan-pasan ang krus-krusan habang hinahagupit ng mga hudyu-hudyuan. Saka ang pagkakaalam ko, sarado ang simbahan kapag Mahal na Araw. Saka, April’s Fool nga pala noon. Baka hindi seryosohin ng mga tao ang burol at libing nya (o ang mismong pagpapakamatay nya). Baka ma-Wow Mali sila. Yung mga matatanda, abala sa pagpapraktis ng kanilang agimat o galing. Bawal sa mga may agimat ang dumadalo sa burol.

May? Naku, lalong pangit. May 1 pa lang, rally na. Ampangit naman na habang ngumangawa ang mga nakikipaglibing ay sumisigaw ang mga manggagawa ng “Makibaka, Wag Matakot! ” Saka, buwan ito ng mga pyesta, Santa Cruzan, Sunduan, Flores de Mayo at kung ano-ano pang anik-anik. Busog ang mga tao sa kabi-kabilaang handaan.At dahil busog nga, yung iba ay natatakot sumilip sa bangkay. Baka nga naman bangungutin sila at sila pa ang susunod na paglamayan.Finals din ito ng mga kumukuha ng summer classes. Finals din ito ng mga pa-contest ng Baywatch Bodies, Boracay Beauties… patapos na kasi ang summer. Baka matapat pa sa eleksyon. Masisira ang senti ng lamay habang may nagpapa-meeting sa mga kanto-kanto. May politiko/kandidatong magpapadala ng bulaklak at mass card sa lamay. At baka sa mismong libing doon pa sila mangampanya sa mga makikipaglibing, tumatangis na kaanak at kaibigan.

Kung June naman, lalong hindi bebenta ang senti ng suicide. Unang una, nagsisimula nang magpasukan at abala ang lahat ng mga magulang at estudyante sa pagbili ng gamit, damit, sapatos at syempre, pag-e-enroll. At dahil opening o kakasimula pa lang ng klase, malamang trapik lagi. At mahirap nga namang pumunta sa lamayan at pakikipaglibing na trapik ang sasalubong sa mga uuwi. Oo nga pala, marami raw nagpapakasal sa buwang ito.Malas daw sa mga bagong kasal o balak magpakasal ang sumilip sa patay (lalo na kapag nalaman nilang nagpakamatay ang pupuntahan). Baka kapag napag-isip-isip ng groom kung gaano kasama ang ugali ng bride, di na ito magpakasal at ang bride…malamang ay mag-suicide. Sya nga pala, dikit-dikit ang parada sa buwang ito dahil sa Independence Day at Alay-Lakad. Baka magkapalitan ng mga tao ang makikipaglibing at nakikiparada. Sagwa naman na ‘yung umiiyak ay namalayan na lamang na nasa Flag Raisng na sya at yung mga ulyaning beterana’t beterano ay nauwi sa sementeryo at diretso libing na sila. At baka magkapalitan ng banda. Habang ipinapasok ang kabaong sa nitso ay bumanat ng Lupang Hinirang ang banda. Samantalang sa pagtaas ng bandila ay hihirit ng Lift Up Your Hands to God o kaya ay Hindi Kita Malilimutan.

Hulyo? Hm… bad idea. Malamang ay makaksalubong ng karo ng patay ang karosa at float ng mga Prep at Nursery na nagdiriwang ng Buwan ng Nutrisyon. Nakabarandal ang mga islogang parang nangangantyaw : Kumain ng Gulay, Hahaba ang Buhay (nagpakamatatay ka nga, e); Kumain ng Itlog, Ikaw ay Bibilog (nakahiga… unat na unat); Ang Kalusugan ay Kayamanan (dahil nagpakamatay ka, ikaw ang pinakamahirap sa lahat ng mga mahihirap); Kumain ng Kamatis, Kikinis ang Iyong Kutis (nangungulubot na nga ang kutis mo dahil sa formalin at pasasaan ba’t mabubulok ka na rin). Tapos, sa halip na mga barya ang ihagis sa karo ng ililibing, imadyinin na umuulan ng kamatis, talong, okra at ampalaya.

Sakaling piliin ang buwan ng Agosto, tingin ko sablay pa rin. Busy ang buong klase para sa pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa. Marami ang nagpa-praktis ng sabayang bigkas, pagsasatao, pagkukuwento, pagtatalumpati at paghahanda ng kakaning Pinoy. Syempre, mahirap maghanap ng patadyong, Balintawak, Barong Tagalog, bahag, malong, batik at kung ano-ano pang katutubong kasuotan. Sabi ko nga kay Jenny, mahalay naman na sa burol nya, pupunta kami na nakasuot pa ng Filipiniana, baka akalain ng marami na may bagong sequel ng ‘Ang Panday (Panday vs. Zombie)’. Saka prelims na nga pala nun ng first sem. Busy talaga. At sa pagkakaalam ko, kaliwa’t kanan ang bagyo’t baha sa ganitong buwan. Mahirap maglamay lalo na’t kailangang lumangoy pauwi ng mga nakikiramay. At kung lalala ang ulan, baka mapagkamalang bangka ang lumulutang nyang kabaong. Sa libing, sayang lang ang ibabayad sa musiko o banda na tutugtog. Hindi mahihipan ang trompa’t torotot na puno ng tubig-ulan. Hindi rin mararamdaman ang iyak at palahaw ng mga kamag-anak nya. Kakainin ng kulog at kidlat ang pag-atungal ng mga nakikilibing at naulila.

Setyembre? Naku, selebrasyon/komemorasyon ito ng Martial Law (selebrasyon kasi maraming yumaman noong panahon ng diktadurya, komemorasyon kasi pag-alala ito ng mga naghirap na hindi nakinabang sa kinulimbat na yaman ng bruha at Apo). May mga demonstrasyon din sa buwang ito.

Lalo naman syempreng hindi pwedeng Oktubre. Finals na nun, no? Kung kalagitnaan naman sya magpapakamatay… sem break. Walang makikipaglamay.Nasa probinsya yung iba. Alangang lumuwas sila para lang makipaglamay at makipaglibing sa isang kaeskwelang nag-suicide sa alanganing araw. Di praktikal yun. Di papayagan ng mga magulang.

Nobyembre? Sabi ko kay Jen, sira ba sya… kakatapos lang ng Todos los Santos, kagagaling lang ng mga tao sa sementeryo, pababalikin nya ba agad? Malamang tipirin ng mga taong makikiramay sa kanya ang ibibigay na bulaklak at kandila. Mahal ang mga ito sa Araw ng mga Patay. Saka, malapit na ang pasukan para sa second sem.

At lalong pangit magpakamatay kung Disyembre. Busy ang lahat sa Christmas party. Kainan. Shopping.Maraming pera ang tao sa mga panahong ito. No time to grieve. No time to cry. Ampangit naman na pagkagaling sa kasiyahan ay pupunta sa lamayan at vice versa. Pangit din na may magkakaroling sa gitna ng lamayan. Mas pangit kapag nagno-Noche Buena sa mismong punerarya. At dahil Christmas rush… malamang, panalo ang trapik. Baka hindi pa nangangalahati sa byahe ang ililibing, mainip at maburat na ang mga nakikipaglibing… magsiuwian na sa kalagitnaan ng parada dahil sa halos hindi umusad na karo ng patay. Baka mga kamag-anak nya na lang ang magtyagang ihatid sya sa huling hantungan. Tapos, habang tinutugtog ng karo ang “Hindi Kita Malilimutan,” “Lupa” at “Take Me Out of the Dark” ay maririnig sa paligid ang pagtugtog ng “Pasko na Naman,” “Jingle Bells” at “Rudolph the Red Nose Reindeer.” Kung sa huling linggo ng buwang ito magpapakamatay… imadyinin ang sasalubong na bagong taon. Sinasalubong ng paputok, lusis, super lolo, kwitis, plapla, torotot at kinakalampag na banyera ang kanyang kamatayan.

“So…” nakapamewang nyang urirat.

“Pag-iisipan ko pa… bigyan mo pa ako ng ilang araw.’

“’Tang na ka dude, ‘kala ko pipigilan mo ko magpakamatay o itatanong mo kung ba’t ako magsu-suicide… yun pala…”

Tumahimik na ang lahat. May paparating na bagyo. Si Ma’am. Si Ma’am Ethics.



(Nabitin ka ba? Ako din eh! Balak ko pa naman magsuicide pag bumagsak ako sa Math. Joke lang. Hehe! Abangan ang librong ito sa inyong mga suking bookstores, out of stock ito sa mga punerarya.)

Saturday, February 7, 2009

May Friendster KB?

Pwedeng magtanong? My friendster ka ba? Pa-add naman! Eto email ko, maniwalaka@taoako.com. Penge na rin ng comment! Thanks!

Pansin mo ba ang nagagawa ng Friendster (www.friendster.com) sa buhay ng mga taong merong account dito? Nakakaloko minsan kasi parang hindi ka tao kapag wala kang friendster sa mga panahon ngayon. Ako nga, halos hindi nakukumpleto ang araw ko kapag hindi nakakapag-friendster. Lalo na 'yung kapatid ko na parang kada segundo e nagpapalit ng lay-out.

Lay-out. 'Yan isa pa 'yan. Nagtataka nga ko kung anung kasiyahan 'yung naidudulot ng pagpapalit-palit ng lay-out sa buhay ng isang tao. At hindi lang basta-basta ang pagpili ng lay-out para sa friendster mo, may specific na dahilan kung bakit mo 'yun napili. Tignan ang mga nakita kong titles ng mga lay-outs sa Friendster-Layouts. Kitang-kita ang pagkataong nakatago sa bawat layout.

Kiss me.
I want that boy. (Mark ang name ng author)

S.E.L.O.S.A (animated)

ILOVEYOU no matter what...
Ang Gusto Kong Girlfriend...
...BOYS ARE ALL THE SAME...

Goodbye my Lover

Die Ugly Die!

Layouts pa lang 'yan. Ano pa kaya ang mga shoutout? Eto naman ang mga halimbawa ng mga shoutout na hindi mo alam kung maaasar ka o mananahimik na lang.

"The more i wish to believe in you, For some reason it hurts even more ‘i like you a lot’ instead of ‘i love you’ sounds more like you"

"
ahekhek... sana makapasa ako sa algeb @ acco."

"
i want to be with you :)"

"
..iF mY hEart bLeed..aNd scReames And no oNe hEard a SounD..wUd iT BruNg mY peacE..iF My hearT jAz droWNed?? adD Mhe up.."

"
♥♥ smiLin has olweiz been easier.. dan expLaining y im SAD:(.. ♥♥ ]

"**ng na walang mag aadd sakin ha mga u*o* kyo t*ng i*a nyo!!!!!!!!"

"+_+huhuhu+_+ +_+kAlA nYo DyN+_+ +_+AnG hRaP MGInG gIRL+_+ +_+dME DMe BOYz+_+ +_+MaGhANaP KyO NG TrIp nYO NoH+_+ +_+MgA gIrL wAg kYo MaGtItIwLA KgD SA BOyZ mGA AmBISyOSO yAn MgA YAn+_+"

"
i hAve a LOt oF rEgrEts iN LifE bUt yOu aRe tHe hapPiEst rEgrEt iN mY LifE..."

"
~mAhiRap ka limutan ang lht ~lalo0 nah marami na keo0ng pinag xmhn ~na mga pag xubo0k ~kya ko0ng mag ma2hal keo0 ~cgurduhen nyo0ng nd nyo0h iiwan ~ang mhal nyo0h xa buhay ~i HaTe mY self!~"

"i'm so ugliness! are you more baeutiful than I was? then kill yourself! you damn!"


"Do you love me because I'm beautiful? or am I beautiful because you love me? 08-08-08"

Hay.. Hindi ko kinaya 'yun. Ganyan naman talaga ang karamihan sa mga tao. Ang hindi madaan sa pagsasabi ng personal ng mga bagay na gusto nilang sabihin, iniimbak na lang sa shoutout ang lahat ng gusto nilang ipaalam sa mundo. Kaso lang, nagiging comedy minsan ang mga dapat e drama show. Lahat ng emosyon ng mga tao kita mo agad sa shout-out, layout, bulletin, o kaya sa primary pic. Tingin ko nga kaya inimbento ng kung sinuman ang Friendster kasi may mga taong sadyang hindi kayang magpakatotoo kaya nagpaparinig na lang. Ang iba naman, nagpapanggap na may ginagawang research work para lang hindi mautusan ng nanay na maghugas ng plato.
"Pwede bang si kuya na lang maghugas ng plato, hindi pa ko tapos sa assignment ko...(mga ilang segundo) Ai shet nagcomment siya saken!" *ehem*

Sa mga Testi at Comments naman tayo. Dati kasi, ang akala ko, kusa dapat ang pagbibigay ng comment. Pero natutunan ko sa friendster na hindi pala. Pwede mo 'tong hingin sa kahit sino at sa kahit anong dahilan. Tapos ang icocomment sa'yo, yung mga graphics sa isang website tulad ng butterflies na may glitters na may "take care" o kaya picture ng nagpapatawang unggoy. Tsk tsk. Friendster. Friends. Ter.

Testimonials and Comments

Post a Comment | View All (379000999)

Eych
Posted 02/7/2009 9:08 pm

Pasensya na kung makikita mo ang shoutout mo dito sa blog na 'to. Isipin mo na lang, cute ka.

Ang bagong diksyunaryo

> Mga Bagong Katungkulan (Translated Job Titles)
> Siguro napapanahon ng palitan ang mga titulo ng mga katungkulan,
> trabaho (job title), o "elected positions" na dati
> nating nakasanayan.
>
> Nakalista sa baba ay mga titulo ng mga posisyon sa
> English at ang bagong nababagay na bansag sa kanila sa wikang
> Pilipino:
>
> President - Pasimuno
> Vice President - Kunsintidor
> Secretary - Palsipikador
> Treasurer - Kubrador
> Auditor - Kasabwat
> Business Manager - Gastador
> Public Relations Officer - Tsismoso

> Sergeant-at-Arms - Pasaway
> Representative - Pahamak
> Observer - Usisero
> Advocate - Taga-batikos
> Spokesman - Bolero
> Moderator - Taga-bulabog
> Announcer - Manggugulat
> Monitor - Taga-silip
> Inspector - Taga-lapirot
> Investigator - Mangangalkal
> Enforcer - Tirador
> Jail Warden - Sadista
> Prosecutor - Tagapaglait
> Judge - Pilato o Tigahugas-Kamay
> Aide - Taga-istorbo
> Assistant - Galamay
> Adviser - Sulsol
> Consultant - Manggagancho
> Contractor - Estapador
> Expert - Punong-Yabang
> Technical Writer - Manlilinlang
> Spin Doctor - Taga-himas
> Headhunter - Taga-silat
> Headshrinker - Basagulero
> Director - Taga-udyok
> Manager sa Stock Market - Taga-silip ng stock
> Boss - Busabos
> Supervisor ng Boss - Taga-salo ng galit
> Chief Accountant - Punong-Gahaman
> Sales Vendor - Pirata
> Collector - Mangingikil
> Custodian - Taga-ligpit
> Dispatcher - Taga-dispatsa
> Distributor - Taga-kalat
> Delivery Man - Taga-iwan ng Gamit
> Circulation Head - Taga-bilog ng Ulo
> Purchaser - Palengkera
> Receptionist - Palikera
> Clerk Typist - Taga-parami ng Papael
> Messenger - Tagatulak ng Papel
> Janitor - Taga-limas
> Plumber - Taga-tagas
> Repairman - Mambubutingting
> Gardener - Damuho
> Utility Man - Inutil
> Watchman - Istambay
> Security Guard - Bantay-Salakay
> Doorman - Nagpapalusot
> Driver - Kaskasero
> Chance Passenger - Malas na Nakikiangkas
> Comedian - Alaskador
> Entertainer - Kerengkeng

Thursday, February 5, 2009

Usapang Itlog

SA CANTEEN SA OPISINA
Officegirl1: May alamat ba ang itlog?
Officegirl2: Ewan ko pero parang may nagsulat na non.
Officegirl3: Hay naku whatever! Basta ako? Paborito ko ang lahat ng klase ng itlog!! Lalo na yung itlog na pula... supeeeeeer!
Officegirl4 at Officegirl5: Ako rin!!!
Officegirl1: Ang gusto ko yung pula nya.
Officegirl2: Eeew! Ayoko non! Gusto ko yung puti nya!
Officegirl5: E pag prito, ano mas gusto nyo? Matigas o malambot yung pula?
Officegirl2: Ako gusto ko malambot-lambot. Mas masustansiya raw.
Officegirl4: Ako katamtaman lang. Di matigas, di malambot.
Officegirl3: Ako naman pag prito talaga, ayoko ng malambot. Gusto ko matigas. Matigas na matigas.
Officegirl5: Yung buong buo!
Officegirl2: Ano ba ang mas mahal yung itlog na pula o yung puti?
Officegirl1: Tingin ko yung pula.
Officegirl4: Bakit naman?
Officegirl1: Pag kasi yung itlog, pula, may flavor na.
Officegirl2-5: Ganon ba yun?!


SA BAHAY:
TATAY: Toy anong gusto mong luto ng itlog?
TOTOY: Itlog? Wow itlog!!!! Yehey! Paborito ko ang itlog tay!
TATAY: Manang-mana ka talaga sa nanay mo. Mahilig sa itlog. Anong gusto
mo ngang luto?
TOTOY: Tay batihin nyo! Batihin nyo! Gusto kong binabati ang itlog!

SA ISANG APARTMENT NG ISANG KAIBIGAN
KAIBIGANKO: Nay, si Kris nga pala, yung kinukuwento ko sayo.
NANAY: Ay sya ba? Tuloy. Tuloy.
(makalipas ang ilang sandali)
NANAY: Mag-almusal muna kayo bago kayo umalis. Nagluluto ako. Ano bang gusto nyo sa itlog? Yung
upsidedown?
AKO: Po?
KAIBIGANKO: Nay naman!!!!

SA ISANG MALIIT NA TINDAHAN:
BUMIBILING DALAGITA: Kuya, may itlog ka?
TINDERO: Meron naman! Ilan ba ang gusto mo?

SA PALENGKE:
SUKI: Naku, baka bulok na itong itlog nyo manong ha?
MANONG: Suki naman bibigyan ba naman kita ng bulok. Bago ang mga itlog ko.
SUKI: Nung isang beses kasi, napaka-alat. Gusto ko yung dati, yung mamanti-mantika, at di masyadong maalat.
MANONG: O sige suki para sayo, tikman mo muna itong isang itlog ko para makasiguro kayo.

Wednesday, February 4, 2009

Artista = Writer (Para Kay Eros Atalia)

Minsan, kahit gaano kataas ang kisame ng bahay niyo, maraming pa ring paraan para maabot at mahawakan mo ito.

Ganyan 'yung naisip ko pagkatapos kong makipagpalitan ng message sa isa ko pang hinahangaan na writer, si Eros Atalia. Aamin ako, tuwang-tuwa talaga ako nung makita ko sa inbox ko yung reply ni Eros sa message na sinend ko sa kanya. Para kasi saken, mas gwapo pa kay Gerald Anderson at mas cute pa kay Kim Chui at sa nanay mo ang mga hinahangaan kong writers. Maaaring hindi sila kilala ng iba, pero iba talaga ang pakiramdam kapag parang normal lang na kaibigan ang pakikipag-usap sa mga hinhangaan mong personalidad, lalo na sa larangang pinapangarap mong pagtagumpayan.

Ang isang artista, pag nakikita sa TV, sikat. Ang isang pulitiko, pag nainterview at naintriga tungkol sa pagte-take out ng kaban ng bayan, sikat. Ang isang writer, pag nakasulat na ang pangalan sa book cover ng ginawa niyang libro, sikat...times 103! Kaya nga ganun na lang yung tuwa ko nung makapalitan ko ng message si Eros. 'Yung sinulat niyang "Peksman, Mamatay Ka Man, Nagsisinungaling Lang Ako", ay isa sa mga pinakaastig na librong hawak ko ngayon. (Bili na kayo, P200 lang sa National.)

Hanggang sa naisip ko, katulad ko, katulad ng lahat ng taong kilala at di ko kilala, e kumakain din ng kanin at adobo at hotdog ang mga taong hinahangaan ko. May normal na buhay din sila gaya ng normal na buhay na ineenjoy ko ngayon. Oo nga, may mga libro silang naisulat at pasikat na ng pasikat, pero sa nakita ko sa pagkatao ni Eros, na para sa kaalaman ng lahat e marami nang nakuhang awards sa larangan ng pagsulat, alam niya kung paano abutin ang mga humahanga sa kanya. At isa na siya ngayon sa mga inspirasyon ko sa pagsulat.

Hindi na kailangan ng advertisement sa TV, variety show o kaya pagkanta ng "You're Always Be My Baby" sa ASAP para lang maging sikat ang isang writer. Tama na 'yung magkaroon siya ng book launch sa kanto at mag-imbita ng mga kabatak at kamag-anak. Kaya nga iba talaga pag book author ka, upo ka lang sa bahay niyo, konting posisyon ng mga libro mo sa shelves ng bookstore, at konting pagdodonate ng inspirasyon sa mga nag-aambisyon na magamit ang bolpen nila sa mga matitinong bagay, instant celebrity ka na.

Abangan ang 1st chapter ng third book ni Eros Atalia dito sa Pedestrian Crossing.

Tuesday, February 3, 2009

DragonBall the Movie..

Nabalitaan ko na meron ng DragonBall na movie, yung una akala ko kalokohan lang ng isang batang paslit. Sa totoo, narining ko lang yun sa chismisan ng mga batang nakatambay sa tabi ng tindahan namin. Pero sympre sinubukan ko pa rin na tgnan sa internet kung meron na tlaga at nakita ko nga sa YouTube na meron nga pala talaga.

Hindi ko lang alam kung magiging maganda ang pelikulang DragonBall, tayo-tayo kaya ang buhok ni Son Goku at may antenna kaya dito si piccolo? Malakas kaya ang kamehame wave ni Goku o parang flashlight lang ang sinag? Anu kaya ang ichura ng Dragon na lalabas sa mga Dragon balls? at higit sa lahat, anu kayang hihilingin ni Goku pagnakita na nya ang pitong dragonballs, magkaroon ng part2 ang dragonballs?


Isa rin naman akong fanatic ng Dragonball. Halos napanuod at kabisado ko na ang lahat ng episodes at movies ng Dragonballs. Bata pa lang ako ay pinapanuod ko na. Ultimo nga theme song simula first song hanggang sa ending song ay medyo kabisado ko na kaya di ko papalampasin panuorin ang "DragonBall - EVOLUTION".

Ang tanging tanung lang sa aking isipan ay, kelan kaya ito iuupload ni aXXo sa mininova at sino kaya ang mahihiraman ko ng malinaw na pirated DVD na 16in1?? Hmm..

Joke lang Chairman Edu.. hehehe...
Eto na pala ang trailer, panuoin nyo na lang...

Sunday, February 1, 2009

Anong Pangalan ng Titser Mo?

Sa napakaraming taon natin bilang mga estudyante, sigurado akong napakarami na nating mga teachers at professors na nagpa-quiz, nagpa-recite,nagpa-assignment,nagpa-tayo, namalo, at napakarami pang "nagpa-". At dahil dito, naisip ko ngayong i-classify ang mga uri ng Sir at Ma'am na nagpatikim sa'tin ng iba't-ibang lasa ng buhay.

Mga Uri ng Titsers:

1. "Braguda"
- ito 'yung titser na nangangain ng bata. Hindi nakakahinga 'yung mga estudyante sa tuwing magsasagawa siya ng grand entrance sa classroom. Siya 'yung titser na isinasama ng mga estudyante sa panalangin nila kasabay ng "sana walang pasok bukas". Maraming nagkakaroon ng instant congenital heart disease sa klase kapag napagalitan dahil sa hindi nakasagot sa tanong ng titser na 'to.

2. "Santino"
- kabaligtaran ni Braguda, siya 'yung titser na kasundo ng mga estudyante. Hindi nangangain ng bata. Mahaba ang pasensya niya, at kadalasan may pagkatihimik ang personality, 'yun bang iisipin mong hindi siya siguro nakatagal sa kumbento kaya nagturo na lang. Hindi takot sa kanya ang mga estudyante kaya kadalasan, bukambibig nila, "Ayos lang kahit walang asaynment, MABAIT naman si Ma'am/Sir!"

3. "The Mild Clown"
- "mild" dahil hindi masyadong nakakatawa ang mga banat niya at kadalasan tumatawa na lang ang mga estudyante dahil sa naramdaman nilang awa sa mga korning jokes na binitawan niya. Mild lang din ang pagiging mabait niya.

4. "The Severe Clown"
- siya naman 'yung titser na kapag nasa loob ng klasrum, e para ka na ring nasa comedy bar. Halos wala nang natututunan ang mga estudyante dahil masayado siyang natutuwa sa pagpapatawa. Pero siya naman 'yung titser na tulad ni Santino, e kasundo rin ng mga estudyante. Kadalasan e kampante ang buong klase na walang babagsak sa kanya.

5. "The Silent Enemy"
- titser na tulad din ni Santino, eh tahimik lang, pero pagdating sa exams, tinalo pa si Braguda at sobrang baba kung magbigay ng grades. Mabait siya at palaging nakasmile, pero pag hawak mo na ang class card o report card mo, hindi mo alam kung paano pa ngingiti.

6. "The Reporter"
- siya naman 'yung titser na hindi mo alam kung gusto niyang matuto ang mga estudyante ng tamang pagharap sa mga tao o sadyang tamad lang talaga siya. Lagi siyang nagpapareport, at ang resulta, natututo ang mga estudyante sa tulong ng isa't-isa. Kapag nagsasalita naman siya halos gusto mo nang maiyak dahil hindi mo alam kung saan niya hinukay 'yung mga pinagsasabi niya. Bukambibig ng mga estudyante, "Mas maganda nga kung may magrereport na lang, wala naman akong natututunan sa kanya!"

7. "Superlola" pwede ring "Superlolo"
- old yet still kicking - 'yan si Superlola. Sindami na ng mga uban niya ang dami ng apo niya pero tuloy pa din sa pagtuturo. Kadalasan, energetic si Superlola at palaging may pangaral sa buhay. Mahilig siyang mag-flash back at magkumpara ng noon at ngayon. Madali silang kausap, pero may mga kilala akong version ni Superlola na hindi mo gugustuhing kausapin.

8. "Walking Encyclodictionary"
- walang hawak na kahit anong reference materials, parang may malaking container van sa utak na punong-puno ng mga facts at terms. Maraming sinasabi at madalas siyang nabibitin sa oras. Maraming informations siyang binibitawan at mapupunang nakanganga na lang ang mga estudyante sa kanya. Kapag may nabanggit siyang term, sabay-sabay na magrereact ang mga estudyante, "Whoohh! Ano 'yun?! Grabe, nosebleed!". At magtataka pa ang titser na 'to kung bakit ganun na lang sila mag-react.

9. "Engoks"
- siya naman 'yung tister na nakakaiyak. Halos hindi niya alam kung ano ang ituturo niya o kung bakit ba siya nagtuturo. Siya 'yung madalas dinadaan na lang sa pagpapareport o pagpapabasa sa estudyante ang buong period ng pagtuturo niya, at 'pag talagang hindi na niya alam kung may kapaki-pakinabang pang impormasyon na lalabas sa bibig niya, idadaan na lang niya sa kwentuhan. Wala ring bumabagsak sa kanya, dahil estudyante mismo ang nambabagsak sa kanya.

10. "None of the above"
- favorite ko ang mga titser na 'to. Mahaba ang pasensya, may tamang diskarte sa pagpapadisiplina sa mga estudyante. May sapat na kaalaman para magturo. Hindi istrikto, pero hindi rin saksakan ng bait. Paminsan-minsan nagpapareport, at madalas siyang nakatayo sa harapan para magturo ng kung ano ang dapat niyang ituro. May tamang humor. Walang favoritism. Walang ibang trademark sa kanya kundi ang pagiging isang hindi perpekto pero sapat lang para matawag na mabuting "guro". Nakakalungkot lang dahil bilang sa isang kamay ang mga nakilala kong may ganitong katangian. Siya 'yung kalevel ni "Super Pinoy Driver" na ipinakilala ni Bob Ong sa kanyang "Uri ng mga Jeepney Drivers."

Sa kasalukuyan, kalahati sa kanila ang mga prof ko ngayon na pilit naming pinakikisamahan ng mga kaklase ko. Hindi talaga maiiwasan na makakilala ng mga teachers na katulad nila. Para naman sa'kin, hindi mahalaga kung anong klase ng teacher ang meron ka, kundi kung naging anong klaseng estudyante ka.

Pero ayoko talaga kay Engoks.

Foreign movies na sinalin sa filipino..

  1. sum of all fears "takot mo, takot ko, takot nating lahat!"
  2. the fast and the furious "pag bitin, galit!"
  3. too fast, too furious"kapag bitin na bitin, galit na galit!"
  4. Lethal Weapon -- Makamandag na Armas
  5. Lethal Weapon 2 -- Makamandag na Armas Ulit
  6. Lethal Weapon 3 -- Makamandag na Armas Na Naman
  7. Lethal Weapon 4 -- Makamandag na Armas Na Talaga
  8. The Pacifier = Ang Tsupon
  9. Cradle 2 the grave = Kuna patungung hukay
  10. Never Ending Story = Walang Katapusang Chikahan
  11. CHicken Run - Takbong Manok
  12. Die Hard = Mamatay ng Matigas
  13. X-Men (The Last Stand) = Dating Mga Lalake (Ang Huling Tayo)
  14. Blood in, Blood out = Labas... Pasok... Dugo!!!
  15. Clear and Present Danger = Malinaw at Kasalukuyang Babala
  16. Rambo - "Tsinelas"
  17. Barely Legal - "Pwede na yan!"
  18. "resident evil" ----- "ang biyenan"
  19. gone with the wind ---- "nagtago matapos umutot!"
  20. the blair witch project - --- "ang proyekto ng bruhang si blair"
  21. the firm = ang tigas
  22. "never been kissed" === = ang panget
  23. Chicken Run - ---- Isang Andok's, Pakibalot...Dali!!!
  24. Chicken Little =One day old
  25. never say die ==== patay kung patay!!!
  26. Daredevil - --- MagpaRehab Ka, Demonyo
  27. Rockstar - Cueshe (cebuano translation rolleyes)
  28. Home Alone - Porno Buong Araw
  29. Cold Mountain - Keanna Reeves Sa Baguio
  30. A Beautiful Mind - Baklang Propesor
  31. Monster's Ball - Isang Betlog Ng Aswang
  32. Boys Don't Cry - Tuli
  33. Girl, Interrupted - Tinira Kahit Meron
  34. Life Is Beautiful - Himlayang Pilipino
  35. Titanic - Totoy Mola
  36. Sideways - Ano Ba, Baka Magising Ang Mga Bata
  37. 10 things I hate about you = sampung bagay na totoo sa yo
  38. she's all that = crush ng bayan
  39. see no evil = nagbakasyon si biyenan
  40. Rollerball - Gulong Itlong Gulong
  41. return of the evil dead = ang pagbabalik ng biyenan... patay!
  42. there's something about mary - mukhang chicksilog si mary
  43. meet the parents - tay, buntis po gf ko....
  44. meet the fockers - sir, buntis po anak niyo....
  45. 13 going 30 - Feeling Matanda Na
  46. bring it on - taralets
  47. you've got served - panandaliang aliw
  48. Brokeback Mountain - Tuwad Na


Mula kay mac_09@gmail.com

Almusal

Almusal. Agahan. Breakfast.


Anuman ang tawag, isa lang ang ibig sabihin. Pagkain sa umaga. Isang mahalagang kain para sa tuluy tuloy na sigla sa buong maghapon. Likas na sa mga normal na pilipino (normal: mga normal na araw. Excluded ang mga call center agents) ang kumain ng almusal bago pumasok sa eskuwela o trabaho, o bago simulan ang mga kanya-kanyang aktibidades sa isang araw. Para sa iba, kahit makalimutan'g mananghalian basta nakapag-agahan, mananatili ka pa ring masigla. At sa isang tipikal na pamilyang pilipino, narito ang ilan sa karaniwang laman ng hapag-kainan tuwing almusal.


1. Sinangag - mahilig sa heavy breakfast ang mga pinoy kaya importante ang bigas sa atin. Pero dahil iba ang ambiance ng umaga, mas masarap na sa halip na bagong saing na kanin, sinangag o fried rice ang mas mainan kainin.


2. Tuyo - karaniwang partner ng sinanga. Pagkaing gustung-gusto ng mga mayayaman dahil bihira silang makakain nito pro halos isuka na ng mga araw-araw na nakakatikim nito dahil sa hirap ng buhay.


3. Itlog/Hotdog/Ham/Bacon - pwede ring ipares sa sinangag. Paborito ng mga bata na papasok sa eskwela.


4. Pandesal - paborito ng masa. Kung walang oras magsaing, dumiretso na lang sa suking bakery at mamakyaw ng pandesal. Palamanan ng dairy cream o peanut butter at solb na ang almusal mo!


5. Champorado/Lugaw/Sopas - at iba pa'ng maiinit na pagkaing may sabaw na kalimitang itinitinda tuwing umaga. Pinakasikat ang champorado na sasamahan ng malabnaw na gatas. Pwede ring ipartner sa tuyo.


6. Puto't Kutsinta - isa ring alternatibo sa almusal. Pwere rin ang sapin-sapin, butchi, biko at iba pang kakanin.


7. Hotcake - ang cake na walang icing. Gawa sa arina, baking powder, itlog at gatas na pinaghalu-halo at iprinito sa kawali


8. Kape - oo alam ko hindi ito pagkain kundi isang inumin. Pero kasama to sa mga nakahain sa hapag tuwing almusal. Kalimitang iniinom ng mga tatay bago pumasok sa opisina at kapag wala silang gana sa inihanda ng kanilang asawa.


9. Juice - para naman sa mga bulilit. Noon, hindi pa sila pinapayagang magkape dahil bawal daw ito sa bata. Pero sa paglipas ng panahon, nakaugalian na rin ng mga magulang na painumin sila nito. Dahilan nila'y para magkaroon ng nerbiyos at takot sa kanila.


10. Breakfast cereals - Sige na nga! Sasama ko na rin to. Madalas almusal ng mga batang spoiled at pagkain ng mga nakakatanda na feeling nila'y nasa ibang bansa sila.


At yan ang munting listahan ko ng mga nakahain tuwing almusal.


Mula sa email sa akin na inemail ng isang emailer na laging email ng email kung san-saang email na nasa address book nya sa email nya...

Mag Basa ng Libro sa Bahay..

Asar ako sa mga guro na nagagalit sa estudyante pag hindi nila alam ang topic na tinatalakay nila,sasabihin nila "dapat alam niyo na to dapat nag babasa kayo ng libro sa bahay"

halimbawa:

"BOYET WHAT IS THE ANSWER TO MY QUESTION?"(kahit wala pang tanong)

(mag-iisip kunwari,kakagat sa labi,titingin sa ceiling at hahanapin ang sagot
doon,pag di nakita kakamot sa ulo) "I DON'T KNOW MAM!"

"HAVEN'T YOU READ PAGES 10-69,000?"

(tingin sa ceiling) "NO MAM."

"OKAY REMAIN STANDING UP TO 4 oclock in the afternoon" (saklap e 7am palang)

Yung tipong gusto na nilang ipasubo sa inyo yung libro sa pag pilit nilang ipinapabasa ito,kung pwede nga lang matagal ko ng nilamon lahat ng libro ko ng mag ka-silbi naman matagal na silang nakaimbak sa locker ko eh kung hindi ko locker eh locker ng iba,pagkatapos nun isusuka ko sa mga muka nila ng malaman nila kung ano natutunan ko.

Cge kayo nga mag basa ng libro sa bahay na may 300 pages na wala namang maggagawa sa buhay ko kung hindi sayangin ang oras ko at palabuin ang mga mata ko,kayo din ang bumasa ng 300 pages na inuutusan habang pinuputakan ka ng magulang mo,inaasar ka ng mga kapatid mo at pinepeste ka ng mga pamangkin mo, at tinatahulan ka ng aso niyo na pinagdadasal mong makasalita nalang ng magkaintindihan kayo at hindi yung nag tatahulan kayong dalawa at pinapangarap mong ma kawala at i-asusena nalang.

Bakit kaya kami nasa iskwelahan? para matuto.
bakit kaya may teacher? para magturo.

Kaya nga kami pumasok sa iskwelahan para matuto at hindi sa bahay mag-aral..

Kaya nga ESKWELA, ang eskwelahan dun ka mag-aaral,mag-aaral ng mga walang katuturang bagay mag sasayang ng 20 taon para makapaghanap-buhay,ang sabi ko nga kung inipon ko nalang kaya ang tuition fee at mga baon ko? siguro milyonaryo na ako ngayon,kaso wala tayong maggagawa gusto nilang mag pahirap ng kapwa kaya nauso ang school.(at kung sino man siya buti nga patay kana,BIRO LANG)

Ngayon kung gusto nilang pati sa bahay eh mag-aral ako,abay mag hohome study nalang ako,o kaya mag papatayo ng sariling eskwelahan sa loob ng bahay ng hindi na ko napepeste,napeperwisyo at pinapatayo pag hindi alam ang topic na pinagdadadadak ng guro ko, kung naiines kayo at hindi namin alam ang topic na dinidiscuss niyo eh baka ikaw ang nakalimot bumasa ng ituturo mo, bakit hindi niyo nalang ituro ng maayos kesa nagmumuryot at dumadagdag lang ang kulubot mo sa muka at sa katawan at nadadagdagan ka lang ng cancer cells bakit hindi mo nalang ituro ng maayos diba?

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | Edited by PedXing-ArAr