Thursday, May 20, 2010

Doktor vs. Albularyo [PART 1]

AYOKO SA MGA DOKTOR. Sawa na ako sa mga pagmumukha nila mula pa pagkabata. Noong bata ako, suki ako ng mga ospital. Gabi-gabi kaming labas-pasok ng nanay ko sa mga health centers. Araw-araw akong umiinom ng mga gamot na nirereseta ng doktor. At araw-gabi akong pinipilit ng nanay kong kumain kahit isang kutsara lang... para kahit papaano'y magkalaman lang daw ang aking tiyan. Pero ayoko. Dahil bilang isang mamamayang Pilipino, naniniwala akong masakit sa gilagid ang pagnguya ng kutsara. Mabuti pa sana kung tinidor yon...


∫∫∫∫∫∫∫∫


"If my doctor told me I only had six minutes to live, I wouldn't brood. I'd type a little faster."


~Isaac Asimov, author

∫∫∫∫∫∫∫∫


Isa sa mga hindi ko makakalimutang karanasan sa ospital ay nung minsan, isang gabi, inaapoy ako ng lagnat. Dali-dali akong tinakbo ng nanay ko sa pinakamalapit na health center sa lugar namin. Pagdating pa lang, pinahubad na kaagad ako ng damit ng nurse. Pagkatapos ay pinunasan niya ako ng bimpo na pinigaan sa sabaw ng yelo. Pusanggala! Sa sobrang lamig, dumating sa puntong halos parang gusto ko nang tadyakan sa pagkakayuko yung nurse, para lang itigil nya yung ginagawa niya sa musmos kong katawan (na wala pang saplot!!!). Pero hindi ko itinuloy. Alam ko kasing gaya ng mapait na ampalaya, kahit papaano'y may magandang benepisyong mapapala ang katawan ko sa mga pinaggagagawa niya.

∫∫∫∫∫∫∫∫

Balik tayo sa mga doktor...

Isa sa mga pinakamaraming bagay na kinaiinisan ko sa mga doktor e yung kaugalian nilang pagkatapos kang i-examine, sunugin ang katawan mo sa X-ray, at pakinggan ang tibok ng puso mo (sa pamamagitan ng pagtusok ng karayom sa dulo ng daliri mo) ay magpapaliwanag sila ng kung anu-anong bagay tungkol sa sakit mo... GAMIT ANG MGA SALITANG NAKAKABOBO:

NANAY: Doc, ano ho ba talaga ang sakit ng anak ko? Nag-aalala na po kasi ako sa kanya, doc. Hindi naman siya ganyan dati. Sa katunayan nga e marami ho siyang natatanggap na awards dati...

DOC: Ahem...

NANAY: ...bilang patunay na siya nga ay isang maliksing---

DOC: Dahil sa ilang sintomas na madalas ipakita ng inyong anak gaya ng severe headache, unexplained nausea, at loss of peripheral vision, napag-alaman naming may kinalaman ang sakit niya sa posterior cranial fossa. Bago pa, lumala na rin ang gradual loss of sensation niya na mas lalo pang nakapagdudulot ng hormonal (endocrine) disorder sa isang pasyente. Ang lahat ng ito ay bunga ng mga uncontrolled cell divisions, marahil sa cranial nerves, lymphatic tissues, pituary, pineal gland o blood vessels niya. Dagdag pa dito, mas bumilis pa ang pag-increase ng mass growth ng abnormal brain cells niya sa ulo. Sa kasong ito, ikinalulungkot kong sabihing "malignant" ang sakit na dumapo sa anak niyo.

NANAY: H-HAH?????!!!!!

DOC: In short, may cancer sa utak ang anak niyo, misis.

Mismo. Kaya kung mabubuhay ka noong unang panahon, e asahan mo nang mabobobo ka sa mga pinagsasasabi ng doktor mo tungkol sa tunay na pangalan ng sakit mo. Mabuti nga ngayon, medyo naipapaliwanag na nila ng maayos sa mga pasyente ang mga bagay na dapat nitong malaman. Patunay lang yan na ang mga doktor, at hindi ang mga pasyente, ang dapat na mag-adjust mula sa dictionary ng Science...


∫∫∫∫∫∫∫∫

Pero hindi pa diyan natatapos ang reklamo. Dahil tulad ng sakit na "Hirap sa Pag-Intindi sa Salita ng mga Doktor", pangunahing problema rin ng mga pasyente ay ang sakit na "Hirap sa Pag-Intindi sa Sulat ng mga Doktor." At ang pangunahing dahilan niyan ay ang... reseta.


∫∫∫∫∫∫∫∫

Re. Se. Ta.

Hindi na bago sa akin ang issue kung saan dawit ang nasabing papel, ang doktor at ang sulat-kamay niya.

"'Pag doktor, asahan mo, pangit ang sulat. "

Madalas kong naririnig yan sa mga botika at ospital, pero hindi yan kwentong barbero lang. Dahil kung titignang mabuti, pangit talaga ang sulat ng mga doktor. Ewan ko lang sa iba, pero yun ang napapansin ko pag nababasa ko yung mga dati kong reseta.

Alam na naman ng lahat na dati pa'y may tsismis na tungkol sa mga doktor, at kung gaano talaga kapangit ang sulat nila... Ang tanong ko: bakit kinakailangang pangatawanan pa ng iba sa kanila na parang kinahig-ng-manok nga talaga ang handwritten nila? Hindi ba kayo tinuruan ng teacher niyo ng Composition sa Grade 1?? At kasama ba talaga ang kinahig-ng-manok-na-handwritten sa mga requirements para makapasa sa Board Exam??? Umayos kayo ha??!!!!! [insert panginginig ng laman here]

Malamang yun yung isa sa mga dahilan kung kaya't marami sa ating mga Pinoy ang mas pinipiling unang lapitan ang mga albularyo kesa sa mga doktor.

Oo.

Albularyo.

.

.

.

ITUTULOY...


Abangan ang kapana-panabik na pagpapatuloy ng teleseryeng ito na tinututukan na ng buong sambayanan! Ang sagupaang DOKTOR VS. ALBULARYO! Dito lang sa Abayga Gopa Lako!


(Naks... May Part Two! Parang Desperadas!)


∫∫∫∫∫∫∫∫



----
Mula sa mga Alamat ni Jerald (www.jraldrbnt.wordpress.com)

Abangan ang sequel. At ang premiere night sa Cinema 23 ng Sabik CinemaWorld sa Tawi-Tawi.

Friday, May 7, 2010

Da Green Blog

Bukod sa utak mo, ano pang ibang bagay ang sumasagi sa isip mo kapag naririnig mo ang salitang "green"? Sabi ng kaibigan kong matalino, maganda at sexy (Paid for by friends of Mitch Mari), gusto niya daw ng blog na tungkol sa kulay berde. Berde as in green. Green as in green. Andami na daw kasing kahulugan ng green sa panahon ngayon. Oo nga naman. Inabusong kulay. Andaming ibig sabihin. Mula sa pinakaimportante (green nature) hanggang sa pinakawalang kwenta (green mind), may kahulugan ang nasabing kulay. Eh ano nga ba ang mga bagay na kumakatawan sa berde? Let's busisi.


Green is Clean.



Ang sarap nga namang tumira sa kulay green na mundo. Ang ibig kong sabihin, kung ang buong mundo ay puno ng mga nagluluntiang mga puno at halaman, walang dudang hindi ka maagang mamamatay dahil sininghot na ng mga ito ang masasamang hanging dulot ng iba't-ibang mga bagay sa kapaligiran at dulot ng katawan mo. Luntiang kapaligiran.

Green tea.

Imagine: Mainit na tsaa sa isang malamig na umaga.



Uso na ang green tea ngayon. Sumasabay sa Super Juniors, U-Kiss at Noynoy Aquino. Napakaraming magagandang epekto ang naidudulot ng green tea sa katawan kaya naman highly recommended ito para sa lahat. Inuming green.


Green is refreshing.


Imagine: Nakaupo ka sa isang lugar na ikaw lang mag-isa at kulay luntian ang buong kapaligiran habang dumadampi sa mga mukha mo ang masarap na simoy ng hangin at habang nag-iisip-isip ka tungkol sa buhay. Refreshing.




Green Campaign.



Kung bakit kulay green ang ginamit ni Gibo sa kanyang kampanya, e hindi ko alam. Siguro dahil nagamit na yung three primary colors sa color wheel. No choice.

Green means Go.




Ah! Kaya siguro green ang napili ni Gibo dahil green means go. Sulong G1BO. Ah. (alam ko walang sense ang sentence na to haha)

At ang pinakamatindi sa lahat:

Green mind.



Hindi ko talaga maintindihan kung bakit sinasabing "green-minded" ang isang taong madumi ang isip. Hindi naman kulay green ang mga reproductive organs. Wala naman sigurong kulay green kapg may churvahan at hindi naman kulay green ang ano. Basta. Bakit nga ba kulay green? Pero sabi naman ng iba, ang pagiging green minded daw ay tanda ng pagiging matalino. Kung paano, e hindi ko din alam. Green minded.

Marami pang ibig sabihin ang kulay green. Ayon sa Emily Gems (www.crystal-cure.com):

Green is the color of nature, fertility, life. Grass green is the most restful color. Green symbolizes self-respect and well being. Green is the color of balance. It also means learning, growth and harmony. Green is a safe color, if you don't know what color to use anywhere use green.

Green is favored by well balanced people. Green symbolizes the master healer and the life force. It often symbolizes money. It was believed green was healing for the eyes. Egyptians wore green eyeliner. Green eyeshades are still used. You should eat raw green foods for good health. Friday is the day of green. Green jade is a sacred stone of Asia.
Green Energy

Green contains the powerful energies of nature, growth, desire to expand or increase. Balance and a sense of order are found in the color green. Change and transformation is necessary for growth, and so this ability to sustain changes is also a part of the energy of green.

Put some green in your life when you want:

* a new state of balance
* feel a need for change or growth
* freedom to pursue new ideas
* protection from fears and anxieties connected with the demands of others

Napakaraming ibig sabihin.

"The whole world, as we experience it visually, comes to us through the mystic realm of color."
-Hans Hofmann

Anuman ang kulay ng buhay, matuto kang sumabay. Hindi sa lahat ng oras kulay green, red, orange, pink, yello, blue, fusc.. fush.. pfus.. fuschia (?) ang buhay. Pero laging tatandaan sa sa bawat kulay, may iba't-ibang istoryang maaring mabuo - mga istoryang bubuo at magbibigay kulay sa buong pagkatao mo.

At kung bakit naisipan kong mag-blog ng tungkol sa kulay green,ay kasalanan ng isang Engineering student na magaling sumagot sa Formspring na paborito ang kulay green at hindi green minded.

Thursday, May 6, 2010

May 10, 2011


Dear President op Da Pilipins,

Uyy President!!! Kamusta? Isang taon na mula 'nung nag-eleksyon. Hindi ka daw binoto ng Tatay at Nanay ko 'nun kasi wala daw silang tiwala sa pagmumukha mo. Pero hindi naman pala nagkamali ang taumbayan sa pagpili sa'yo. (Naks! 'Wag lalaki ulo ha!). Nakakatuwa ka kasi kala ko wala namang masyadong magbabago sa Pilipinas 'pag nagkaroon na ng bagong pangulo. Pero nagkamali ako. Buti naman pinatunayan mo na karapat-dapat ka nga talagang iboto.

Alam mo, andami dami kong gustong ipagpasalamat sa'yo. Salamat kasi may matinong trabaho na 'yung Nanay at Tatay ko. Naibili na nga nila kong sapatos na Isketchers eh! Kulay pink pa! Yeah! Oh di ba?? Walandyu! Ang yabang na nang mga paa ko. Tsaka alam mo ba, kahit sa public school lang ako nag-aaral, pakiramdam ko parang naka-private pa rin ako. Ang ganda nga ng mga upuan namin sa school, magvavandal sana ko ng "I love my BheBhe" kaso nakakapanghinayang. Bago 'yung mga upuan namin tapos susulatan ko lang, di ba? Tsaka may mga elektrik pan na din kami. Tatlo-tatlo pa! Ang presko talaga sa room namin. Tapos 'yung mga libro namin, hindi na hiraman. Wala nang nakawan ng libro. Kanya-kanya na kami ngayon, kaso nga lang nagka-scoliosis ata ako sa bigat ng bag ko pero ayos lang. Hindi na rin umaabsent 'yung mga teacher namin para magrally sa labas. Eh panu ba naman, bukod sa uber taas na ng mga sweldo nila, e pina-erkon mo pa 'yung pakulti opis nila. Salamat sa mga proyekto mo para sa mga school, ang sarap talagang pumasok araw-araw. Tsaka nakakanood na din pala kami ng TV sa classroom, peborit ko 'yun MathTinik! Natuto ko 'dun ng plus-plus tsaka dibayd-dibayd, 'yung mga ganun. At may libreng lugaw o kaya sopas pa sa umaga, aba'y talaga namang nakakagana mag-aral! Salamat po ah!

Tapos.. ahm. Ayun, hindi na nga pala kami iskwater ngayon. May bahay na kami. Kala ko talaga hanggang pangako lang 'yung sinabi mo na magkakabahay 'yung mga walang bahay. Kaso pwede request? Sa susunod po, sana may second plor naman para masaya. Kahit next time na 'yun, pag may apo na sila Nanay. Hehe joke lang po! Salamat po talaga! Hindi ko akalain na magkakabahay pa talaga kami. Dati napapanaginipan ko lang na nakatira ko sa palasyo tapos may puti daw akong kabayo. Ngayon, may bahay na nga kami talaga, wala lang kaming kabayo pero ayos lang, may aso naman kami. Thank you talaga ng sobra sobra!

Sabi ni Tatay, project niyo daw po 'yung magkakaroon ng mga libreng ospital sa barangay. Alam niyo po ba, nagka-dengue ako 'nung isang linggo. Akala ko talaga mamamatay na ko 'nun, sabi ko nga sa Nanay ko magpapasukat na ko ng kabaong tsaka binilin ko na sa de-erkon na chapel ako iburol kasi ayoko mainitan si crush ko. Pero binatukan ba naman ako ng Nanay! Sabi niya 'wag daw akong adik kasi may libre naman daw na mga gamot-gamot dun sa bagong ospital sa'men tsaka libreng pagpapa-kompayn. Hindi ko nga po inisip na public hospital pala 'yun kasi ang ganda eh! Tapos ayun gumaling naman ako sa kasawiang palad, heheh joke lang. Thank you po, kung hindi dahil sa inyo baka dedbols na ko ngayon at may bulak sa ilong.

Nabalitaan ko rin sa TV kanina na ang dami na daw turistang bumibisita sa bansa, as in maraming maraming maraming maraming bonggacious na dami talaga! Eh 'yung nanay ng crush ko, nagtatrabaho 'dun sa Baguio tapos ang lakas daw ng kita ng tindahan nila sa dami ng mga bumibiling turista. Kung dati sumasakit ulo ng nanay niya dahil sa sobrang hina ng kita, ngayon sumasakit na ulo niya dahil naman sa kakaisip kung paano niya iinglishin 'yung turista pero okay naman daw. Nakakaraos naman 'yung English ng Nanay niya kaya okay lang daw. Salamat daw po sabi niya.

At nga po pala, may mga trabaho na 'yung Ate tsaka Kuya ko. Kala ko nga hindi sila makakagradweyt eh kasi wala naman kaming pera. Pero dahil sa dami ng mga scholarships niyo, ayun nakagradweyt sila. Ang yayabang nga ng mga ungas. Haha. Tapos ako sigurado na daw na makakapag-college ako basta 'wag lang daw ako mag-dadrugs. Nagmamalaki nga si ate kanina kasi bago na 'yung relo niya kanina tapos nakabili pa ng PSP si kuya, next time daw bilhan niya rin ako. Ang saya talaga.

Ang unlad na po talaga ng Pilipinas dahil sa inyo. Salamat po kasi hindi lang kayo puro pangako, ginagawa niyo talaga 'yung mga sinasabi niyo. Hindi ko po talaga akalain na uunlad ng ganito ang bansa. Wala na nga talagang mahirap, wala nang korap (mga namatay na ata silang lahat), may proteksyon na ang mga manggagawa, sumulong na ang 'Pinas at lahat na ng mga ipinangako ng mga kapwa mo kandidato noon, e ginawa mo na nga talaga. Unang taon ka pa lang sa serbisyo, ang galing mo na agad. Salamat po talaga President! Lab yu! God bless! Mwaah! xoxo

Love,

lh3idi qHuiMvOht3ra_30



P.S. Sana pfuh may mga programa din kayo na nagtatanggol sa mga jejemons. Enkz pfuh.


-----

Sana dumating yung araw na may magpapadala nga talaga ng ganitong sulat sa magiging presidente ng bansa. Vote Wisely. As in Wisely. WISELY!

Tuesday, May 4, 2010

WHAT IS LOVE???


Nung bata pa ako madalas akong makapanuod sa tv ng nagsasampalan,nagiiyakan,nagaawayan,naglalambingan may naghahalikan at meron ding labis kung maglaplapan sabi nila teleserye daw yun tungkol sa pagibig naguguluhan tuloy ako kung anu nga ba ang ibig sabihin ng salitang LOVE!!!!..

Isang salitang binubuo na ang apat na letra,masasabing isang payak at konkretong salita lang madaling matandaan pero sobrang dami ng kahulugan..WHAT IS LOVE?sabi nila.love is sacrifice,love is like a vitamins that makes you healthy,love is blind ,love is GOd therefore God is bl*nd???ay leche ewan napakagulo simpleng salita daw pero bakit iba iba sila ng pagpapakahulugan?ganun nga ba talaga kalaki ang sakop ng LOVE sa human vocabulary?eh kung isusulat yata ang lahat ng pagpapakahulugan ng lahat ng tao patungkol sa pagibig eh makakabuo ng isang libro o baka humigit pa,hindi mo tuloy alam kong kanino ka maniniwala ,hindi mo alam kung kaninong sagot ang ibabasura

ba yung tawag sa binigay mo yung payong mo sa kanya wag lang syang mabasa sa ulan?love ba yung tawag pag nilalambing ka pa rin ng aso mo pagkatapos mo siyang iwan buong araw ng magisa sa bahay,love ba kapag wala siyang sagot tapos pinakopya mo siya,yung wala siyang baon tapos hinati mo ang sandwich mo para sa kanya ,yung siya parin ang crush mo kahit na may putok siya,yung siya pa din yung sa tingin mo ang may pinakamagandang ngiti kahit na may gera ang mga ngipin niya,yung ang saya mo pagkausap siya kahit ang baho ng hininga niya,love ba yung gabi gabi kayo kung magtalik sa kama?,yung lahat ng gusto niya binigay mo na,lahat ng utos niya sinunod mo pa,o baka naman yung love eh yung sa dinami ng taong nangiwan sayo eh nandiyadiyan pa din siya,yung laging may tatapik sa likod mo tuwing may problema ka,yung may uutangan mo pag wala kang pera?,yung lagi mong kalampungan sa kalsada?o yung pareho niyong naiintindihan ang isa’t isa,love ba yung iisa kayo ng pagkakapareho at pagkakaiba?,yung maspipiliin mo siya kesa sa tropa,inlove ka ba pagnagawa mo nang magligpit ng kama tuwing umaga,o magreview dahil may exam ka„yung wallpaper mo sa cellphone ay picture niya?,yung nagiipon ka dahil malapit na birthday niya?,iba’t ibang klase ng opinyon patungkol pagibig may sa tingin kong mabuti meron din naman masama .pero dahil ito ay opinyon lang hindi natin pwedeng sabihin kung ano ang mali at tama.

”sana’y pagibig na lang ang isipin ng bawat isa sa mundo,sana’y magkatotoo,sana’y laging magmahalan,sana’y laging magbigayan”

lyrics ng isang kanta yan

dahil may salitang bigayan sa huli baka nga siguro tama yung LOVE is when binigay mo yung payong mo wag lang siyang mabasa sa ulan..ay naku ang gulo gulo sobrang nakakalito kung ano ang paniniwalaan ko .para sakin ang LOVE ay isang form ng drugs kaya marami ang naaadik dito,kaya may mga nakapagsulat ng kantang to,kaya maraming high na high dito kaya maraming lumalakas dito,kaya marami ang nakangiti dahil dito,kaya marami sa atin hinahanaphanap to,pwede rin naman LOVE is like a sleeping peels kaya marami ang napapatulog dito yung tulog na wala nang gisingan

”IN A WORLD WHERE EVERYBODY HATES A HAPPY ENDING STORY IT’S A WONDER LOVE CAN MAKE THE WORLD GO ROUND”yan yung pinakapaborito kong linya sa kantang with a smile ng eheads……..

LOVE- pagnagmahal ka daw imposibleng hindi ka masasaktan,imposibleng hindi ka makasakit,imposibleng hindi ka iiyak,imposibleng walang tampuhan,awayan,selosan,at kung anu ano pang hindi magandang mangyayari pero talaga naman masarap magmahal at maramdaman mo na ikaw ay minamahal,yung may dahilan ka para gumising sa umaga,yung may dahilan ka para magpapogi at magpaganda,yung may dahilan ka kung bakit laging kumpleto ang araw mo,at higit sa lahat may matindi kang dahilan para maging masaya.

ang tunay na pagmamahal ay hindi nasusukat kung ano ang kaya mong gawin para sa taong mahal mo,hindi nasusukat kung gaano mo kayang ibroadcast ang pangalan niya,hindi palageng hangga’t kaya mo lang siyang ipaglaban. Ang tunay na pagmamahal walang basihan dumedepende lang sa pamamaraan ng taong nagmamahal. Ang importante mahalin mo lang ng mahalin ng mahalin ng mahalin ng mahalin to the nth power ang taong mahal mo kahit na dumating pa ang panahong malaos ang konsepto ng pagibig sa mundo at magsawa man magmahal ang tao

hibang ka kung masasabi mo o mabibigay mo ang konkretong ibig sabihin ng LOVE ,kahit gaano ka man katalino ,kahit nagmana kapa sa tatay mong abogado,kahit magpakaadik ka pa sa sankatutak na libro,kahit sa library ang tambayan mo,kahit humahakot ka man ng medal sa school nyo,kahit ala einstein pa ang utak mo,kahit si karl joseph nuqui pa ang pinakacute para sayo =)yeah,walang sino man sa atin ang may kayang ibigay ang eksatong kahulugan na panglahatan ng salitang LOVE, dahil may iba’t ibang pagpapakahulugan ang bilyonbilyong tao sa mundo patungkol dito na dumedepende kung paano nila

*NARAMDAMAN ————-*NARARAMDAMAN—————*AT MARARAMDAMAN

-karlnuqui-may4/10

KATAASTAASANG PAGPUPUGAY PARA SA LAHAT NG NANAY


Idol ko kung pano magrap si francis M.,kung pano kumanta si ely buendia at buhayin ang entablado,kung gaano kagaling maglaro at mangbalya si lebron james,kung paano patulugin ni pacquiao lahat ng kalaban niya,kung gaano kalakas ang reigun ni eugene,kung paano magsulat at magisip si mitch albom,pati ang pagpitik ng katawan ni michael jackson,idol ko sumayaw ang umd pero lahat nang yun napagaaralan lahat yun talento lang meron akong kilala talaga naman may kakaiba sa kanya kung bakit ko siya hinahangaan ,marami man akong idol pero ang pinaka idol ko sa lahat ay ang “nanay” ko.

Gaano ba talaga kahirap maging isang magulang,o maging isang nanay ?gaano ba kahirap magpadede,magpalit ng diaper gumising sa madaling araw,magpaaral at magpalaki ng anak,maging mabuting asawa,at ang higit sa lahat ay maging ilaw ng tahanan?.kung iisipin ko kung gaano ako kapasaway na anak napapakamot na lang ako at naiisip ko na ganon pala kahirap maging isang nanay.

Kung minsan nasasagot natin sila,kung minsan nakakapgsalita tayo ng hindi maganda laban sa kanila,kung minsan nababaliwala natin sila,nakakalimutan batiin sa kaarawan nila,umaalis ng hindi nagpapaalam, pagnatukso kukupitan pa ng barya,naiisip mo ba kung bakit nandidiyan pa rin sila?kung bakit ka pa din nya pinaglalaba?kung bakit ka pa din niya pinaghahanda ng almusal tuwing umaga? simple lang dahil MAHAL KA NIYA kahit na ang putaktihin man ng tigidig ang mukha mo nasasabihan kapa din niya ng gwapo at maganda ka nakakapagsinungaling siya dahil lang mahal ka niya …Naiisip mo ba kung anung nararamdaman niya sa labis na pagaalala pag gabi na nasa galaan ka pa?kung gaano kasakit na makita niyang nagaawayaway ang mga anak niya?pag hindi ka nasarapan sa luto niya?yung simpleng hindi niya lang mabigay ang gusto at luho mo kung sa lagay mo masakit na yun anu pa sa nanay mo.

Sabi nila sa dinamidami daw ng problemang kakaharapin mo,talikuran ka man ng lahat ng kaibigan mo,ipagpalit ka man ng syota mo,sisantihin ka man ng boss mo,pag sa tingin mo kaaway mo na ang buong mundo,bandang huli nanay mo pa rin ang babalikan at lalapitan mo

sumasaludo ako sa lahat ng nanay nagtitiyagang magpalaki sa anak nila,lalong lalo na sa mga nanay na ofw na piniling malayo sa mga mahal nila sa buhay para sa kapakanan ng anak nila,sa mga nanay na kayod kalabaw araw araw kumita lang ng pera mapagaral lang ang anak nila.

Nung bata ako nagtataka talaga ako kung ano yung sinasabi nilang “ilaw ng tahanan” ngayon alam ko na kung ano hindi pala yun yung ilaw na kumukunsumo ng kuryente kaya patuloy na yumayaman ang angkan ng LOPEZ,hindi din pala yun yung headquarters ng mga gmugamo.Yung binubuksan mo tuwing madilim.Dahil sila ang nagbibigay liwanag sa buong pamilya,sila nagbibigay liwanag sa madilim na daan na tatahakin ko,yung lalapitan mo pag hindi ka na makasabay sa ikot ng mundo..at yan ang nanay ko

Kaya ngayon nalalapit na ang araw ng mga nanay iparamdam mo sa kanila kung gaano mo sila kamahal,wag mo nang hintayin pa yung pagkakataong bibili ka pa ng bulaklak at kandila para sa kanila. yung pagkakataong lupa na lang ang kinakausap mo.para lang pasalamatan sila dahil may mga pangyayari talagang hindi mo maiiwasan,hindi sila habangbuhay nandiyan para tayo ay gabayan at bantayan

sa ,lahat ng nanay,mama,mamsi,mam,mudra,ina,inang,mamang, kapanatag iba’t iba man ang tawag iisa lang ang gustong mangyari yun ay yung mabigyan ng magandang kinabukasan at maging isang mabuting tao ang kanilang mga anak.

kaya pinapaabot ko ang aking kataastaasan pagpupugay sa lahat ng NANAY.

karlnuqui-may4/10

Monday, May 3, 2010

BOB ONG: Me Love You Long Time



2010/4/14 Erning Labra :

> Hello, Boss!
>
> May ikokonsulta po ako. Tungkol sa pag-ibig. Paano po ba kung
> yung taong gusto mo ayaw naman sayo... pero araw-araw mo siyang
> kasama sa trabaho? Akala mo, OK ka lang, kaya mo. Pero mahirap
> pala, kasi andyan siya lagi. Parang laging pinamumukha sayo na, ha-ha,
> hindi ka sapat, may kulang sayo, ha-ha. Paano po ba yun?
>
> Salamat po.


May dalawa akong sagot--isang gago, isang seryoso.

Gagong sagot:
1. Buhusan mo sya ng pagmamahal tulad ng ginagawa ng mga mayamang DOM sa mga laos nang teen star. Kung hindi epektib, proceed to step two.
2. Palipatin mo sya ng ibang trabaho...kung hindi pwede, step three.
3. Lipat ka ng ibang trabaho...kung hindi pwede, step four.
4. Ayawan mo sya. Ako, madaling ma-turn off sa ayaw sa akin. Ibig sabihin nun pangit panlasa nya. Sabihin mo sa sarili mo araw-araw sa salamin paggising sa umaga: "Shit! Ikaw, aayawan nya? Anong klaseng tao sya???" Basta pagkatapos ng "shit" dapat MAY exclamation point, hindi pwedeng diretso o walang punctuation. Abangan mo ilang araw lang, ayaw mo na rin sya. At mapapansin mo nang hindi pala pantay-pantay ngipin nya, labas ang mga buhok nya sa ilong, masyadong maliit yung kaliwa nyang boob, masyado syang madalas at malakas umutot, at meron syang "ep" at "fi" defect. (Pacebook Fropile.)

Pero paalala, hindi ko pa nasubukan ang payong ito dahil wala pa kong nagustuhang babae na ayaw sakin.

(...marami na pala, pero may ilang araw na ang lumipas kaya hindi na counted yun.)


Seryosong sagot:
Hanapin mo yung taong pinanggagalingan ng sinasabi nilang "Love Quotes ni Bob Ong"...parang masyadong maraming alam sa love yon, pati tenga naisip nyang pagdikitin para maging puso, baka sya makatulong sayo.


---


[Paalala: Una at huling beses na sasagot si BO ng lab prablem. Ang mga susunod na isasangguning problema ipo-forward na ni BO kay Ben Tulfo.]


---

Haha. Natuwa lang ako sa post na 'to ni BO si multiply niya. Silipin niyo rin. Hehe. :D

http://sibobpo.multiply.com/journal/item/8

(Favorite part: "Ako, madaling ma-turn off sa ayaw sa akin. Ibig sabihin nun pangit panlasa nya.") The best. Hahahahah. :D

Sunday, May 2, 2010

SA APAT NA SULOK NG CLASSROOM


Isa sa mga hindi ko makakalimutan na pagkakataon sa buhay ko at sa tingin ko sa halos lahat ng pilipinong kabataan na kilala sa pagiging sentimental ay ang buhay ng pagiging teen-ager o pagiging highschoolstudent.Sino nga bang makakalimot sa apat na taong pinagsamahan nyo ng mga iba’t ibang klase ng kaibigan.

Sa apat na sulok ng klasrum kung saan nabuo ang samahan,samahan na pinagtibay umaraw man o umulan,pinagtibay ng sama samang pagkokopyahan sa exam,sama-samang paggawa ng assignment ilang minuto bago ang pasahan,sa tuwing lunchbreak ay buraotan,taguan ng sapatos taguan ng bag,at kung minsan may nagigitara sabay sabay naman sa kantahan,barkadang binuo ng hindi lang ng tadhana pati na rin ng pagkakataon,usapang crush,usapang jowa,usapang breakup,magkaroon man ng iyakan sa bandang huli tuloy tuloy pa rin ang kasiyahan,isang buong araw na harutan,bangayan,pag may birthday ay may inuman, sa mga cleaners may kanya kanyang takasan,pag may camera may picturan,uso pa nuon ang pose na japan,may nagsusugal,at kanyya kanyang taguan ng kodigo,kanya kanyang diskarte
at ang pinakaayokong pakiramdam nung highschool pa ako ay yung pagalitan ako ng teacher ko yung tipong sobrang pahiya na ako kung minsan napapalabas pa ako ng kwarto,sayang ang pogi points ko kaklase ko pa naman nun ang crush ko pakiramdam ko ayoko ng pumasok bukas.

pag maycontest tulong tulong ang lahat,practice pagkatapos sa eskwela,madalas ng gabihin,di kasi kaya pag bitin.Palagi na lang “manalo man ang matalo atlis lumaban” ang motto pero pag natalo naman sobrang sama ng loob minsan sasabihin dinaya pa sila.isa sa mga bagay na nagpapatunay na sobrang immature pa nga namin noon

“bayang magiliw perlas ng silanganan alab ng puso sa dibdib mo’y buhay…………………………………………………………….ang mamatay ng dahil sayo” Nung highschool ako nilalaro ko lang nag pagkanta nito .pero ngayon…ito na yung pinakanamimiss kong kantahin ngayong college ,ewan ko ba kung bakit hindi na namin kinakanta yan ngayon,baka nga nakalimutan ko na ang ibang lyrics nyan eh ibig sabihin ba nito ay hindi na kami pilipino at wala na kaming karapatan kantahin yun? hay pangarap ko pa naman kumanta nyan sa laban ni pacqiao pero baka nga hindi ko na nga kabisado.

masarap balik balikan, masarap sulyapan ang aming nakaraan, maganda man o masaklap ang aming naging karanasan.Nakakamiss man pero masarap pa rin tawanan yung mga bagay na iniyakan mo dati,ngayon sa tingin mo isa na lamang kakornihan pero hindi ba ang importante na sa likod ng mga simpleng kakornihan na yun ay meron kang aral na natutunan at hindi makakalimutan na karanasan,isa na dun yung pagkakaroon mo ng mga tunay na kaibigan,yung tipong pwede ka pang mangulangot at sabay sabay kayo magpahabaan at magpalakasan ng utot kasi hindi na kayo naiilang sa isa’t isa,yung mga kaibigan na hindi ka na mahihiyang utangan, yung pag may problema ang isa palageng may damayan,

sama sama man sa kalokohan ang importane may pinatatag na samahan at yan ay isa sa aking mga aral na natutunan,aral na mas importante pa sa tinuro ng mga teacher,aral na hindi mo mababasa sa libro ng math,aral na hindi mo mapagaaralan sa mga bookreport,aral na mas mahalaga sa mga matututunan mo sa investigatory project,aral na hindi mo masusulat sa kodigo at aral na hindi nababase sa diploma mo.Yung maikling apat na taon na iyon malaki ang naging epekto kung ano ako ngayon.at kung paano ako kikilos at mabubuhay sa mundong kakaharapin ko.mga aral na natutunan ko na sa tingin ko babaunin ko hanggang pagtanda ko,barkadang nasa alaala ko magkaroon man ako ng isang dosenang apo,barkadang hindi lang mababaon sa limot sa loob apat na sulok ng classroom.

karlnuqui may2/2010

I Love You Math, Tayo na Ba?

Ang nakuha kong vertex point ay (1,-7), paano ko ba kukunin 'yung distance ng vertex hanggang focus? Ah ididivide ko sa 4? So 1 'yung value ng a. Eh pa'no na 'yung height ng latus rectum? Ah ididivide naman sa 2. Bale 1/2. 'Yan nakuha ko na. Oh tapos anong nangyari? Wala na bang korap sa bansa?

Hay. Ilang libong oras ko nang pinag-iisipan kung paano ko ba iga-graph 'yung equation ng parabola na 'yun. Sumakit na ulo at uterus ko, hindi ko pa rin makuha kung paano. Eto ang delubyong hatid sa akin ng Math. Ewan ko ba. Ang dali lang naman ng lesson namin, pero hindi ko pa rin magawa. Totoo kayang 1.2 lang talaga ang IQ ko? (o mas mababa pa?)

Math. Kung tutuusin, enjoy sana ang Math. Enjoy laru-laruin ang mga numero, nakakatuwang pampalipas oras ang paghahanap sa nawawalang value ng X at Y (alam mo ba kung bakit X at Y ang kadalasang gamit sa mga formula sa Math? Hindi mo alam? ako rin hindi), ang sarap magbuntong hininga ng malakas kapag nakakasolve ka ng mga problems na mas kumplikado pa sa problema ng bansa, at nakakapagpataas ng self-confidence at pagkalalaki kapag favorite subject mo ang Math. Math. Math. Naman! Sinusubukan kitang mahalin, bakit hindi mo rin subukan 'yun sa'kin?? 'Nak ng jejemon!

Nakaraos na ako sa College Algebra, Math of Investment at Business Statistics, Calculus naman ngayon at baka Mathematics Applied in History naman ang sunod. Tsk.

Kung iniisip mo na kinamumuhian ko ang Math, nagkakamali ka (ng mga 2%). Nanganganib palagi ang buhay ko kapag may Math subject kami. Pakiramdam ko nasa bingit ako ng kamatayan habang nasa banyo. Nakakasagot naman ako ng mga simpleng problems, pero 'yung mga pang-rock-'n roll na? Basag. Wala na. Lalo na kapag may quiz. Halos titigan ko na lang 'yung mga given sa problems na akala mo naman e mababago ang nakasulat at magiging 1 + 1.72 = ? ang ∫{e^(2u+1)cos[e^(2u+1)]}/sin^2[e^(2u+1)]du}. Ilang beses nang nangyari sa'kin 'yun. Sa tatlong oras na exam, dalawang oras 'dun ang inilalaan ko sa pagtulala sa kawalan, 25 minutes na pagpigil ng ihi at 45 minutes na pagpokus sa mismong exam. Add them all together and you'll get headache.

'Nung isang beses, binalik na sa'min 'yung first quiz na nachekan na ni Mister Propesor. Expected ko na ang resulta. Pumikit muna ako bago ko tignan ang score at nagwish kay Rene Descartes. At okay naman pala. 105 over 150. Pwede na. Ang yabang ko na 'nun kasi hindi ko akalain na umabot ng higit 100 ang nalalaman ko sa quiz na 'yun. Isa-isa nang lumapit 'yung mga kaklase ko para magparecheck. At 'dun ko lang naisipan na tignan ang mga scores ng mga kaklase ko. 135. 140. 143. 143.5 at halos lahat naka-150. Ang tikas nila! Tinignan ko ang quiz booklet ko at buong pusong umasa na may mali sa checking at tumaas pa kahit sa 149 man lang ang score ko. At yes! May mali nga. Mali na 105 lang ako. Kasi dapat 88 lang. 'Nak naman talaga ng tortang panis! Kinatok pa ko ng konsensya ko. Pumila na lang din ako para magpa-recheck. 88 over 150 na. Ang cute ng score ko. Bilang pampalubag loob, sinabi ko na lang sa sarili ko na tama ang ginawa kong paghawak sa isang prinsipyo ko sa buhay na hindi kailangan ng estudyante ang mandaya para pumasa. Sapat na 'yung cute ka. At marunong magjejenese. Wala akong pinagsisihan sa ginawa ko (eh pa'no, tapos na hehe, joke lang).

Sa huli, putaktihin ko man ng mura ang Math, at sumakit man ang buong nervous at urinary system ko sa pag-iisip kung paano lalagpasan ang isa na naman pagsubok na pinaranas sa'kin ng tadhana, babalik at babalik pa rin ako sa kinauupuan ko para piliting intindihin at makipagbati sa nakaalitang asignatura.

Vertex (1, -7) ; 4a=LR=1 ; a=1/4. Game. Inuman na.

P.S.: Salamat sa kaklase kong gwapings na tumawag para i-explain kung paano i-graph 'yung assignment namin. Hayaan mo, tuturuan naman kita kung paano mag-split at magbending sa ere nang walang humpay.


--
Caption ng picture sa taas:

3 words: I HATE MATH.
I'm very very very very very very very very very very very *inhales* very very (infinite verys) bad at math.
I have to do math homework today. So, my head is filled with problems.

Salamat sa http://www.flickr.com/photos/nizhonigrl/ para sa larawan na 'yan. Kung sino ka man na nag-upload ng picture na 'yan, text text naman minsan.

WALANG IWANAN KAIBIGAN!!


Lahat ng pangyayari sa mundo may dahilan,lahat ng bagay may pinagmulan.
kaya ikaw wag kang malungkot kaibigan
kung hindi mo makamit ang hinahanap mong kasiyahan.

Lahat ng tao na ikaw ay nilisan,
isipin mo na lang sila ay may pupuntahan
wag mong isipin na ika ay napagiwanan
dahil nandito lang ako hindi kita iiwan.

Lahat ng problema mo may solusyon
kung pagiisipan mo at gagamitan ng tamang aksyon
lahat ng kalungkutan pwedeng mapawi
lahat nang yan daanin mo na lang sa ngiti.

Ang paminsanminsan pagiging miserable
sana naman sa tukso’y wag padadale
isipin mo na lang ganyan talaga ang buhay
hindi lageng perpekto at minsan May sablay.

Marami man tigyawa’t ang muka mo
kaw parin ang pinakamganda sa mata ng nanay mo
iniwan ka man ng syota mo
andyan pa din ang tuta mong loyal sayo.

Kulang man ang baon sa eskwela
ang importante ay ang matutunan ka
binasted ka man ng nililigawan mo,
isipin mo na lang na may nakalaan para sayo.

Mabaho man ang hininga mo
wala kang excuse yan ay kasalanan mo
bumagsak ka man sa isang subject
sa susunod lahat ng exam mo iyong iperfect.

Sa dami man ng pagsubok na iyong pagdadaanan
wag kang bibitaw kaibigan
dahil inuulit ko na HINDI KITA IIWAN.

makakalimutan ko ang student no ko,
makakalimutan ko ang monthsary namin ng ex ko,
makakalimutan ko ang birthday ng nanay ko, isama mo na pati pangalan ng aso ko
makakalimutan ko ang password ko sa facebook, isama mo na pati utang mo
pero gusto ko lang linawin sayo na hindi ako nakakalimot sa tropang tulad mo.

sa kabila ng paminsanminsan nating alitan at hindi pagkakaunawaan,sa lalim ng ating pinagsaluhan
at sa haba ng ating pinagsamahan ipaparamdam ko sayo ang halaga ng isang tunay na KAIBIGAN…

karlnuqui/may2/10

ANG IBA'T IBANG URI NG PASAHERO SA LRT TUWING UMAGA


1st year college ako nung magsimula akong sumakay sa lrt arawaraw, at sa araw araw na biyayang ginawa ng diyossa buhay ko hindi ko pa naranasang sumakay ng lrt sa umaga ng nakaupo ako.Naiisip ko tuloy buti pa pagsumakay ka sa kalesa at kalabaw nakaupo ka, pag sa lrt magpainom kana pagnaranasan mong makaupo lalong lalo na pag lunes ng umaga Sa tuwing nasa pila na ako minsan naisip ko sana matanda na lang ako,sana pilay na lang ako ,sana buntis na lang ako at triplets ang laman ng tiyan ko kahit ilang minuto lang para lang maging vip ako

Sa araw araw iba’t ibang mukha,ibat iba ng lugar na pinagmulan at patutunguhan,kanya kanyang baon na dahilan,kanya kanyang pupuntahan pero iisa lang ang sinasakyan at yun ay ang lrt. Meron tayong iba’t ibang klase ng pasahero sa lrt tuwing umaga.
Meron mga pasaherong mahilig maghanap ng sandalan at kadalasan sa pintuan. Inaamin ko isa ako sa mga makululit na yun na pilit sandal ng sandal sa pintuan kahit ang laki laki na ng nakasulat ng (HUWAG SUMANDAL!!)

Meron namang pasaherong ang hilig manulak makasakay lang ng lrt pero pagpinuna mo naman ang ituturo ay yung nasa likod nya ,yung nasa likod nya raw ang nanunulak Walang pakielam kung sino ang matutulak matanda man,buntis man,pilay man,babae man basta makasakay lang at wag nang maghintay ng next train,para ata sa kanila eh sasabog sila pag hindi sila nakasakay

Meron naman mga pasahero na hanep ang singaw ng baho ng katawan ka aga aga eh kabaho baho….pagnakatagpo ka ng mga ganito parang mas pipiliin mo na lang maglakad papunta sa patutunguhan mo kesa makasakay sa lrt at makaamoy ng ganun, amoy na tumatambay sa ilong ampotah.umagang umaga eh mapapamura ka at gugustuhin mong isuka yung pandesal na inalmusal mo.

Meron ding pasahero na kung makapagsoundtrip eh akala mo pagmamayari nya yung buong lrt, eh samantalang lahat naman ng nakasakay duon eh 15 pesos lang ang binayad kung makapagpatugtog ng mga kanta nila kadalasan yung mga china phone na yung may mga tv ang cellphone na ang lakas lakas ng speaker umagang umaga rumarock and roll na

Meron din mga singer yung kadalasan mga nakaheadset sinasabayan nila yung naririnig nila hindi nila alam na ang lakas lakas ng pagkanta nila.

Meron ding mga pasaherong akala mo eh makukulong na sa lrt ng habangbuhay at ayaw magpadaan ng mga pasaherong bababa.Gusto lang nila sila malapit sa pinto at doon mag siteseeing,at magemo-emohan

Meron din yung konting galaw lang ng lrt eh akala mo matutumba na at kakapit na agad dun sa pinakamalapit na katabi kahit hindi niya close sabay sabi ng sorry ehheheh!

Meron grupo ng magkakaibigan na sobrang ingay,meron ding magshotang ayaw magbitawan at tumantan sa kanilang switswitan.

May mga studyanteng tulog,may mga studyanteng nagrereview,may txt ng txt, meron pang agaw atensyon kung makipagusap sa phone,may mga pokpok at mga nagtatrabaho sa callcenters na pauwi na ng bahay,meron mga magkakabandang may gig nung kinagabiha,may nagmamadali dahil malalate na may trabahador,may nakapormang pang executive,may empleyado meron naman parang nautusan lang,meron parang napadaan lang,meron parang pagkagising wala ng mumogmumog punta agad ng lrt,may fasionista,may mukang basura,may maarte ,may masungit may basa ng basa ng libreng dyaryo at iiwan na lang kung saan pag pababa na,may mga pumapasok na kahit may mga lumalabas pa,may masungit,may feeling close,may parang nautusan lang,may magshotang nagaaway at ang pinakagusto ko sa lahat eh yung pakiramdam na makasakay mo yung isang kaibigan na matagal mo nang hindi nakikita sabay kamustahan pa oh diba bongga!,

iba’t ibang uri man ng tao,ibat ibang uri man pinagmulan,iba;t ibang uri man ng patutunguhan,at may pagkakaiba man ng baon na dahilan,iba’t ibang uri man ng pasahero iisa naman ang gustong mangyare sa buhay “ang maging produktibo ang sarili nila sa gaganaping isang buong araw”…..

*BOW*

karlnuqui-may 2/10

Saturday, May 1, 2010

e-LEKSYON


mayo 1 dagdagan mo na lang ng 0 may 10 na at sa madaling salita eleksyon na pero hanggang ngayon undecided pa rin ang utak ko kung sino ang iboboto ko panu naman kasi hindi ko na alam kung sino paniniwalaan ko eh kanya kanya kasi silang siraan kanya kanyang labasan na baho okay lang sana kung ganun kaso hindi mo parin malaman kung ano ang mali sa totoo sa siyam na tumatakbong presidente ako nakapokus pero kung tutuusin ang dami nilang nagaagawan sa pwesto yan ang isa sa sakit ng mga pilipino sa sobrang ganid sa kapangyarihan eh lahat gustong maging mataas lahat gusto maging malakas wala akong nakikitang perpekto sa kanila


ang mga sumusunod ay akin lamang opinyon:

para kay


villar:(C5 at tiyaga) sobrang yaman mo na pero sa tingin mo tama bang gumastos ng bilyonbilyon para lang sa pangangampanya kilala ang mga pilipino sa pagiging praktikal lalong lalo na sa panahon ngayon nung kelan lang may nakita akong malaking billboard mo ang nakalagay lang ay isang malaking orange na tsek (alam ko mayaman ka pero sa pinapakita mo sa mga pilipino hindi ka nila dapat hahangaan sa ganyan tama bang gumastos ng milyon sa pagiindorso lang ng sarili mo gamit ang isang simpleng tsek?(crap) tapus may bago ka pang patalastas ngayon na ginawa mo pang endorser ang nanay mo alam mo bang ang tv ad ay parang video resume yan at ang video resume ay para ding writen resume at sa writen resume alam mo bang bawal mag lagay ng kamag-anak sa character reference pareho kayo ni noynoy


noynoy: bilib din ako sayo sa edad mong yan may asim ka pa nakabingwit ka pa ng isang sariwang isda nabingwit mo pa ang pinakamgandang councilor shalani soledad ng bayan ko dito sa valenzuela pero hindi na big deal yun dahil naniniwala din ako sa (love is blind) ito ang tandaan mo kung ako lang ang tatanungin walang kaso kung tatay mo ay si ninoy labas din sa usapan kung nanay mo si ate cory (sumalangit nawa ang kaluluwa nila) ang punto ko lang gaya ng sinabi ni gordon ay “leadership is not inherited” ang pagiging isang magaling na lider ay hindi nagmumula sa isang “perfect genetic combination”


Bro Eddie: kung hindi ako nagkakamali eh dati ka din tiga pup pero sa tingin ko at sa kalagayan ngayon ng pilipinas hindi “political mesiah” ang kaylangan


DickGordon: ganda ng records mo teh madami ka ngang nagawa at talaga namang nanganak ang trabaho at sabihin na natin magaling ka nga..pero ito lang masasabi ko sayo “hindi lahat ng bagay ay nadadaan sa init ng ulo” alam mo bang dian kami nagbreak ng p*t*ngin* kong ex na halos araw araw ata may dalaw sa sobrang katarayan at init ng ulo hinay hinay lang teh kalma lang palage baka sumunod tau sa tumatakbong gov ng batangas at isa pa pilit mong sinasabi na hindi totoo ang mga survey yun ba ay dahil isa ka sa mga kulelat ??ehh pano kung ikaw ang nanguna masasabi mo pa ba yan??


erap: kung tutuusin at ikukumpara nga naman ang uri ng pamumuhay ngayon at uri ng pamumuhay dati nung ikaw ang nakaupo sa trono eh masasabi kong mas better nung ikaw pa ang presidente pero pwede bang mag english lesson ka muna ako aaminin ko hindi ako ganun ka fluent sa english pero sa isang dating pangulo at isang tumatakbo ulit sa pangulo ngayon ay hindi ba dapat BONUS na lang yun??


jambi- nakita ko yung bahay nyo sooobrang ganda malaampatuan ang mansyon mo pero sigurado ka na ba sa naging desiyon mo no offense pero kasi napapansin ko tumakbo ka lang para mahati ang boto at siraan si villar


nicanor perlas- salamat sayo at may bago na naman laman ang utak ko actually kasi ngayon lang kita nakilala sabi nila scientist ka daw at napredict mu daw 3 years ago na mangyayari talaga ang nangyari noong panahon ng “ondoy’ imbaaa.gumising ka ako na nagsasabi wala kang pagasang manalo


jc delosreyes-akalain mo naisipan mong tumakbo..kung baga sa contest ay napadaan ka lang…eh pucha pano ka mananalo eh dito nga lang sa valenzuela mukang mas sikat pa ako sayo ehh


gibo- kung ako lang mayari ng isang kumpanya at ikaw ay magaaply walang nginterview pakita mo lang resume mo pasado kana agad sa ganda ng records mo bilang isang topnotcher ng bar exam sinasamba talaga kita walang nakikitang pangit sayo ang mga pilipino kundi yung pagiging admin mo…well sa tingin ko hindi mo naman kasalanan na ikaw ang inappoint ni gloria na def secretary pero iba pa din kasi ang impression pag isa kang admin lalo sa sa rehimeng gloria macakupal arroyo



hay hay hay may kanya kanyang baho may kanya kanyang mali pero wala tayong magagawa kundi manindigan at pumili(wow rhyme) kung sino man na sa tingin natin ay magbibigay daan sa matagal na natin hinihintay na pagunlad bantayan natin ang boto natin bumoto tayo bilang isang responsableng mamamayan hindi lang yung basta maexperience at mamangha sa isang picos machine, yung ilang minuto ng pagboto mo sa araw ng eleksyon eh anim na taon o baka humigit pa ang magiging epekto sa bayan ganun kamakapangyarihan ang isang boto mo, bumoto ka yung sa tingin mo ay tama wag kang bumoto ng dahil lang sya ay isa sa mga hinahangaan mong artista,ng dahil lang kyut sya,ng dahil lang malakas ang apil nya,ng dahil lang trip mo syang iboto wag mong sayangin ang boto mo kaibigan wag mong ilayo ang sarili mo sa lipunan ginagalawan mo dahil kahit gaano kapa kabilis tumakbo palayo dito wala kang magagawa dahil parte ka na nito



OH SYA TAMA NA ANG DAMI KO PANG SINASABI EHH HINDI NAMAN AKO BOBOTO







P.S nung nalaman kong tumatakbo bilang vice pres si jay sonsa nagulat talaga ako akala ko kasi kaya nawala sya at naging mel and joey ang dating mel and jay ay dahil patay na sya….wahh sa tinagal nang panahon ngayon ko lang nalaman buti na lang tumakbo sya

kjnuqui may 1/10

FRIENDSTER MAN MAY PUSO RIN !!!!!!!!!!!


life is transitory nga naman walang permanente dito sa earth lahat nagbabago,lahat nirerepair,lahat napapalitan,bibihira na lang siguro yung mga bagay na masasabi mong panghabangbuhay,bibihira yung mga bagay na parating nandiyan

naaalala mo pa ba yung mga panahon na madalas natin marinig sa ating mga kaibigan ung mga linyang

ui”enge naman akong testi

yung mga banat na

ui”comment naman dyan

yung tipong paramihan pa kayo ng friends na kahit hindi mo naman kilala add lang ng add at accept lng ng accept, yan yung madalas maging sinaryo nung highschool pa ako o kaya pagandahan ng background mas madaming glitters mas maganda, pagandahan ng comment mas makulay mas makinang mas maraming thank you ang babalik sayo

yan ang FRIENDSTER ang isa sa mga kadalasan hinihingi mong account sa mga crush mo, isa sa ginagamit mo para magsearch ng pics ng mga pinagpapantasyahan mo

1styir hyskul ako nung namulat ako sa pagkakaroon ng account sa friendster pero ngayon dumating si FACEBOOK, naglabasan ang twitter, naglabasan ang skype, dumating ang formspring ang dating “shout out” ngayon ay status na, ang dating “primary pic" ngayon ay “profile pic” na, ang dating “who viewed me” ngayon ay “topfans na” ang dating 6 na pwede mong ilagay sa feature friend ngayon ay 12 na, wala nang verify verify account halos lahat nagbago nung dumating si FACEBOOK except na lang siguro ang salitang LOGOUT na ewan ko ba kung bakit hirap na hirap tayong pindutin.. bigla na lang napanis si FRIENDSTER sabihin na natin mas maganda ang features ni FACEBOOK kaya mas bumenta siya pwede din natin masabi na nagsawa ang tao sa kanya, well ganun talaga ang buhay pag paulit-ulit na lang matututo ka rin magsawa parang sa isang relasyon din yan..eh nung mga panahon na add lang ng add at acccept lang ng accept ang mga tao ng friends, sa facebook iba pag hindi ka nila kilala habangbuhay ka nang mababaon sa pending request nila o kaya naman click ignore

kahapon nag formspring ako tinanung ko ang isa kong kaibigan tinanung ko sya na sa panahon ngayon may natitira pa bang lamang ang friendster sa facebook, nagulat ako at nabigla sa sagot nya sabi nya kasi “mas may sentimental value" daw ang FRIENDSTER sa kanya kasi andun lahat ng memories, talagang *thumbsup* ako sa sagot nya tama nga naman sa likod nung makikinang na glitter na comments, sa likod ng paramihan ng comments, sa pagandahan ng backgrounds at sa paramihan ng friends andun pa din yung memories ko nung highschool pa ako, andun pa din unang napost yung mga pictures ko kasama yung mga highschool friends ko, yan na siguro ang pinakalamang ng friendster sa facebook sa panahon ngayon, nung binuksan ko yung account ko sa friendster nakita ko ulit dun yung palitan namin ng message nung crush ko nung highschool o diba ang sarap balikbalikan, sa kinagaltagal man ng panahon ehh andudun pa din yung mga yun. nagbago man ang sistema yung mga alaalang naiwan sa account ko na yun ay hindi na mababago kahit anung pagunlad pa ang mangyari sa antas ng ating teknolohiya.

*BOW*

karlnuqui-may1/10

Udyok ng Pluma

Sa pagsulat ng tula…
Sa paggawa ng nobela…
Sa pagbuo ng mga katha…
Sa isip ng isang makata…
Isa lang ang iyong makikita…
Ngunit hindi ng iyong mga mata…

Pluma ang ginamit ko sa pagsulat nito, ngunit hindi ito ang nagdikta ng mga nakasulat dito, hindi rin impluwensya ng mga naririnig ko, kundi dikta ng isang bagay na meron ka at meron ako, na nanunuot sa kaluluwa ko.

Sa mundong ginagalawan ng bawat tao, tila wala nang totoo, at kung meron man, hindi ko alam kung nasaan. Siguro nga, masyado lang akong abala sa paghahanap ng mga katotohanang maaari kong sandalan sa tuwing pinagdududahan ko ang mundo, kaya nasasabi ko ang lahat ng mga ito.

Tumingin ka sa paligid mo, lumingon ka sa likod mo. May nakikita ka bang isang batang nagsusulat ng tungkol sa paru-parong dumapo sa balikat niya? May nakikita ka bang isang matanda na gumagawa ng tula na tungkol sa kwento ng pag-ibig nila ng namayapa niyang asawa? May napapansin ka bang isang guro na nagsasalayasay ng mga karansasan niya sa pagtuturo sa pamamagitan ng isang maikling kwento? Lahat sila, isa lang ang gusto – ang malaman ng sanlibutan kung sino sila at kung ano ang mga nararamdaman nila – nang walang ibinubukang bibig, nang walang binibigkas na salita.

Sulat. Pagsulat. Manunulat.

Maraming tao ang walang interes sa pagbabasa ng mahahabang nobela, o mga tulang masyadong makata. Kung ang lahat ng tao ay katulad ng mga taong ito, wala na sigurong manunulat na nabubuhay sa mundo, Sa hinuha ko’y marahil nangamatay na ang mga ito dahil walang sinuman ang nagnanais nqa makakita, makarinig, at makaramdam ng mga lihim na saya, lungkot, galak, hinagpis, hinanakit at pagdaramdam ng mga ito.

Umiikot ang buhay ng lahat, ngunit iba ang mga manunulat. Sa isang walang tiyak na lugar nila naihahayag ang tunay nilang pagkatao. Kahit saan sila mapadpad ng hangin, o kahit saan man sila tangayin ng paborito nilang musika, makagagawa sila ng isang tula na maaaring maging salamin ng kaluluwang nagkukubli sa loob ng katawan nila. Sa bawat tugma, sa bawat talinghaga, may mga katotohanang nagpapakita.

Lahat, maaaring daanin sa pagsulat. Maniniwala ka ba kung sasabihin kong sa pamamagitan ng pagsulat, maaaring dalhin ang iyong isipan sa Europa at sa Asya kahit na hindi ka pa man nakakalabas ng Maynila? Na sa isang sulat, maaaring magbalik loob ang isang nagrebeldeng anak sa kanyang mga magulang? Na maaraing ipakita sa tao ang realidad sa mundo? At ang pinakatagu-tagong sikreto nito ay maaaring ipakita sa’yo?

Sulat. Pagsulat. Manunulat.

Walang ibang ninanais ang isang manunulat kundi ang mapakinggan siya, makaramdam ng simpatya, kahit na hindi siya nagsasalita. Sa bawat udyok ng pluma at sa bawat dikta ng puso’t isipan niya nabubuo ang isang tula, na kahit walang tugma, sukat, o talinghaga, ay nakapagdudulot ng tuwa, kahit walang nakakapuna.

Sulat. Pagsulat. Manunulat.

Tula. Tugma. Talinghaga.

Nobela. Katha. Kabanata.

Paubos na ang tinta ng pluma ko, ngunit ang mga kaisipan, idea, obserbasyon at pananaw ko sa mundo ay kailanma’y hindi mauubos – sapagkat ako’y manunulat, nauunawaan kita, at sinusubukan kong maunawaan ang lahat…



-HSR, 2008

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | Edited by PedXing-ArAr