Thursday, May 20, 2010

Doktor vs. Albularyo [PART 1]

AYOKO SA MGA DOKTOR. Sawa na ako sa mga pagmumukha nila mula pa pagkabata. Noong bata ako, suki ako ng mga ospital. Gabi-gabi kaming labas-pasok ng nanay ko sa mga health centers. Araw-araw akong umiinom ng mga gamot na nirereseta ng doktor. At araw-gabi akong pinipilit ng nanay kong kumain kahit isang kutsara lang... para kahit papaano'y magkalaman lang daw ang aking tiyan. Pero ayoko. Dahil bilang isang mamamayang Pilipino, naniniwala akong masakit sa gilagid ang pagnguya ng kutsara. Mabuti pa sana kung tinidor yon... ∫∫∫∫∫∫∫∫ "If my doctor told me I only had six minutes to live, I wouldn't brood. I'd type a little faster." ~Isaac Asimov, author ∫∫∫∫∫∫∫∫ Isa sa mga hindi ko makakalimutang karanasan sa ospital ay nung minsan, isang...

Friday, May 7, 2010

Da Green Blog

Bukod sa utak mo, ano pang ibang bagay ang sumasagi sa isip mo kapag naririnig mo ang salitang "green"? Sabi ng kaibigan kong matalino, maganda at sexy (Paid for by friends of Mitch Mari), gusto niya daw ng blog na tungkol sa kulay berde. Berde as in green. Green as in green. Andami na daw kasing kahulugan ng green sa panahon ngayon. Oo nga naman. Inabusong kulay. Andaming ibig sabihin. Mula sa pinakaimportante (green nature) hanggang sa pinakawalang kwenta (green mind), may kahulugan ang nasabing kulay. Eh ano nga ba ang mga bagay na kumakatawan sa berde? Let's busisi. Green is Clean. Ang sarap nga namang tumira sa kulay green na mundo. Ang ibig kong sabihin, kung ang buong mundo ay puno ng mga nagluluntiang mga puno at halaman, walang...

Thursday, May 6, 2010

May 10, 2011

Dear President op Da Pilipins, Uyy President!!! Kamusta? Isang taon na mula 'nung nag-eleksyon. Hindi ka daw binoto ng Tatay at Nanay ko 'nun kasi wala daw silang tiwala sa pagmumukha mo. Pero hindi naman pala nagkamali ang taumbayan sa pagpili sa'yo. (Naks! 'Wag lalaki ulo ha!). Nakakatuwa ka kasi kala ko wala namang masyadong magbabago sa Pilipinas 'pag nagkaroon na ng bagong pangulo. Pero nagkamali ako. Buti naman pinatunayan mo na karapat-dapat ka nga talagang iboto. Alam mo, andami dami kong gustong ipagpasalamat sa'yo. Salamat kasi may matinong trabaho na 'yung Nanay at Tatay ko. Naibili na nga nila kong sapatos na Isketchers eh! Kulay pink pa! Yeah! Oh di ba?? Walandyu! Ang yabang na nang mga paa ko. Tsaka alam mo ba, kahit sa public...

Tuesday, May 4, 2010

WHAT IS LOVE???

Nung bata pa ako madalas akong makapanuod sa tv ng nagsasampalan,nagiiyakan,nagaawayan,naglalambingan may naghahalikan at meron ding labis kung maglaplapan sabi nila teleserye daw yun tungkol sa pagibig naguguluhan tuloy ako kung anu nga ba ang ibig sabihin ng salitang LOVE!!!!.. Isang salitang binubuo na ang apat na letra,masasabing isang payak at konkretong salita lang madaling matandaan pero sobrang dami ng kahulugan..WHAT IS LOVE?sabi nila.love is sacrifice,love is like a vitamins that makes you healthy,love is blind ,love is GOd therefore God is bl*nd???ay leche ewan napakagulo simpleng salita daw pero bakit iba iba sila ng pagpapakahulugan?ganun nga ba talaga kalaki ang sakop ng LOVE sa human vocabulary?eh kung isusulat yata...

KATAASTAASANG PAGPUPUGAY PARA SA LAHAT NG NANAY

Idol ko kung pano magrap si francis M.,kung pano kumanta si ely buendia at buhayin ang entablado,kung gaano kagaling maglaro at mangbalya si lebron james,kung paano patulugin ni pacquiao lahat ng kalaban niya,kung gaano kalakas ang reigun ni eugene,kung paano magsulat at magisip si mitch albom,pati ang pagpitik ng katawan ni michael jackson,idol ko sumayaw ang umd pero lahat nang yun napagaaralan lahat yun talento lang meron akong kilala talaga naman may kakaiba sa kanya kung bakit ko siya hinahangaan ,marami man akong idol pero ang pinaka idol ko sa lahat ay ang “nanay” ko. Gaano ba talaga kahirap maging isang magulang,o maging isang nanay ?gaano ba kahirap magpadede,magpalit ng diaper gumising sa madaling araw,magpaaral at magpalaki...

Monday, May 3, 2010

BOB ONG: Me Love You Long Time

2010/4/14 Erning Labra :> Hello, Boss!>> May ikokonsulta po ako. Tungkol sa pag-ibig. Paano po ba kung> yung taong gusto mo ayaw naman sayo... pero araw-araw mo siyang> kasama sa trabaho? Akala mo, OK ka lang, kaya mo. Pero mahirap> pala, kasi andyan siya lagi. Parang laging pinamumukha sayo na, ha-ha,> hindi ka sapat, may kulang sayo, ha-ha. Paano po ba yun?>> Salamat po.May dalawa akong sagot--isang gago, isang seryoso.Gagong sagot:1. Buhusan mo sya ng pagmamahal tulad ng ginagawa ng mga mayamang DOM sa mga laos nang teen star. Kung hindi epektib, proceed to step two.2. Palipatin mo sya ng ibang trabaho...kung hindi pwede, step three.3. Lipat ka ng ibang trabaho...kung hindi pwede, step four.4. Ayawan mo sya....

Sunday, May 2, 2010

SA APAT NA SULOK NG CLASSROOM

Isa sa mga hindi ko makakalimutan na pagkakataon sa buhay ko at sa tingin ko sa halos lahat ng pilipinong kabataan na kilala sa pagiging sentimental ay ang buhay ng pagiging teen-ager o pagiging highschoolstudent.Sino nga bang makakalimot sa apat na taong pinagsamahan nyo ng mga iba’t ibang klase ng kaibigan. Sa apat na sulok ng klasrum kung saan nabuo ang samahan,samahan na pinagtibay umaraw man o umulan,pinagtibay ng sama samang pagkokopyahan sa exam,sama-samang paggawa ng assignment ilang minuto bago ang pasahan,sa tuwing lunchbreak ay buraotan,taguan ng sapatos taguan ng bag,at kung minsan may nagigitara sabay sabay naman sa kantahan,barkadang binuo ng hindi lang ng tadhana pati na rin ng pagkakataon,usapang crush,usapang jowa,usapang...

I Love You Math, Tayo na Ba?

Ang nakuha kong vertex point ay (1,-7), paano ko ba kukunin 'yung distance ng vertex hanggang focus? Ah ididivide ko sa 4? So 1 'yung value ng a. Eh pa'no na 'yung height ng latus rectum? Ah ididivide naman sa 2. Bale 1/2. 'Yan nakuha ko na. Oh tapos anong nangyari? Wala na bang korap sa bansa?Hay. Ilang libong oras ko nang pinag-iisipan kung paano ko ba iga-graph 'yung equation ng parabola na 'yun. Sumakit na ulo at uterus ko, hindi ko pa rin makuha kung paano. Eto ang delubyong hatid sa akin ng Math. Ewan ko ba. Ang dali lang naman ng lesson namin, pero hindi ko pa rin magawa. Totoo kayang 1.2 lang talaga ang IQ ko? (o mas mababa pa?)Math. Kung tutuusin, enjoy sana ang Math. Enjoy laru-laruin ang mga numero, nakakatuwang pampalipas oras ang...

WALANG IWANAN KAIBIGAN!!

Lahat ng pangyayari sa mundo may dahilan,lahat ng bagay may pinagmulan. kaya ikaw wag kang malungkot kaibigan kung hindi mo makamit ang hinahanap mong kasiyahan. Lahat ng tao na ikaw ay nilisan, isipin mo na lang sila ay may pupuntahan wag mong isipin na ika ay napagiwanan dahil nandito lang ako hindi kita iiwan. Lahat ng problema mo may solusyon kung pagiisipan mo at gagamitan ng tamang aksyon lahat ng kalungkutan pwedeng mapawi lahat nang yan daanin mo na lang sa ngiti. Ang paminsanminsan pagiging miserable sana naman sa tukso’y wag padadale isipin mo na lang ganyan talaga ang buhay hindi lageng perpekto at minsan May sablay. Marami man tigyawa’t ang muka mo kaw parin ang pinakamganda sa mata ng nanay mo iniwan ka man ng syota mo andyan...

ANG IBA'T IBANG URI NG PASAHERO SA LRT TUWING UMAGA

1st year college ako nung magsimula akong sumakay sa lrt arawaraw, at sa araw araw na biyayang ginawa ng diyossa buhay ko hindi ko pa naranasang sumakay ng lrt sa umaga ng nakaupo ako.Naiisip ko tuloy buti pa pagsumakay ka sa kalesa at kalabaw nakaupo ka, pag sa lrt magpainom kana pagnaranasan mong makaupo lalong lalo na pag lunes ng umaga Sa tuwing nasa pila na ako minsan naisip ko sana matanda na lang ako,sana pilay na lang ako ,sana buntis na lang ako at triplets ang laman ng tiyan ko kahit ilang minuto lang para lang maging vip ako Sa araw araw iba’t ibang mukha,ibat iba ng lugar na pinagmulan at patutunguhan,kanya kanyang baon na dahilan,kanya kanyang pupuntahan pero iisa lang ang sinasakyan at yun ay ang lrt. Meron tayong iba’t ibang...

Saturday, May 1, 2010

e-LEKSYON

mayo 1 dagdagan mo na lang ng 0 may 10 na at sa madaling salita eleksyon na pero hanggang ngayon undecided pa rin ang utak ko kung sino ang iboboto ko panu naman kasi hindi ko na alam kung sino paniniwalaan ko eh kanya kanya kasi silang siraan kanya kanyang labasan na baho okay lang sana kung ganun kaso hindi mo parin malaman kung ano ang mali sa totoo sa siyam na tumatakbong presidente ako nakapokus pero kung tutuusin ang dami nilang nagaagawan sa pwesto yan ang isa sa sakit ng mga pilipino sa sobrang ganid sa kapangyarihan eh lahat gustong maging mataas lahat gusto maging malakas wala akong nakikitang perpekto sa kanila ang mga sumusunod ay akin lamang opinyon:para kay villar:(C5 at tiyaga) sobrang yaman mo na pero sa tingin mo tama bang...

FRIENDSTER MAN MAY PUSO RIN !!!!!!!!!!!

life is transitory nga naman walang permanente dito sa earth lahat nagbabago,lahat nirerepair,lahat napapalitan,bibihira na lang siguro yung mga bagay na masasabi mong panghabangbuhay,bibihira yung mga bagay na parating nandiyannaaalala mo pa ba yung mga panahon na madalas natin marinig sa ating mga kaibigan ung mga linyangui”enge naman akong testiyung mga banat naui”comment naman dyanyung tipong paramihan pa kayo ng friends na kahit hindi mo naman kilala add lang ng add at accept lng ng accept, yan yung madalas maging sinaryo nung highschool pa ako o kaya pagandahan ng background mas madaming glitters mas maganda, pagandahan ng comment mas makulay mas makinang mas maraming thank you ang babalik sayoyan ang FRIENDSTER ang isa sa mga kadalasan...

Udyok ng Pluma

Sa pagsulat ng tula… Sa paggawa ng nobela… Sa pagbuo ng mga katha… Sa isip ng isang makata… Isa lang ang iyong makikita… Ngunit hindi ng iyong mga mata… Pluma ang ginamit ko sa pagsulat nito, ngunit hindi ito ang nagdikta ng mga nakasulat dito, hindi rin impluwensya ng mga naririnig ko, kundi dikta ng isang bagay na meron ka at meron ako, na nanunuot sa kaluluwa ko. Sa mundong ginagalawan ng bawat tao, tila wala nang totoo, at kung meron man, hindi ko alam kung nasaan. Siguro nga, masyado lang akong abala sa paghahanap ng mga katotohanang maaari kong sandalan sa tuwing pinagdududahan ko ang mundo, kaya nasasabi ko ang lahat ng mga ito. Tumingin ka sa paligid mo, lumingon ka sa likod mo. May nakikita ka bang isang batang nagsusulat ng tungkol...

Pages 381234 »
Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | Edited by PedXing-ArAr