"Gumawa ka nga ng blog ngayon, yung tungkol sa Pasko. Ngayon na ha."
"Ngayon na?"
Hindi ko na hinintay sumagot si Kuya. Huminto ako sa pagbabasa ng "The Secret Garden" ni Frances Hodgson Burnett (kunwari mahalagang sabihin 'yun) at nag-open ng Microsoft word 2007 na sira naman pala kaya dito na lang sa Notepad.
Sa orasan ng laptop na 'to, 11:33 na. Ibig sabihin, (60-33.. ahm.. 34? mali ata.. 32? parang mali. calcu please.. 'yun, 27!) 27 minutes na lang, birthday na Niya.
Nung fetus pa lang ako, na-sense ko na ang nagbebebertdey ng December 25 ay si Papa Jesus kay nagtataka ako kung bakit laging tinatanong sa bata kung ano ang gusto niyang regalo o kaya kung ano ang kanyang Christmas wish. "Kagaguhan naman, bertdey niyo ba??". Pero hindi ko na 'yun naiisip mula 'nung hinahatiran na ako ng regalo ng kapitbahay namin, na Ninang ko pala!
Pinakamasayang araw ng taon para sa akin ang Pasko. Dito kasi kami nakakakain ng mga kapatid ko ng prayd tsiken, isapageti, lumpya, ube, at kung anu-ano pang mga handa sa 1st bertdey ng bata. At kasalukuyan kong naaamoy ang mga ito. Yum yum!
(Sori po Mama at mga kapatid ko, pero ako ang may kasalanan kung bakit may tapyas yung ube tsaka kung bakit 11 na lang yung manok. Wag niyong sisihin si Kulet, ang aso nating malupet.)
Kanina lang, naisip ko, may logic kaya yung parehong araw sineselebreyt ang Pasko at Bagong Taon? 'Yun bang kapag Thursday ang December 25, Thursday din ang January 1, gaya ngayong taon? Sus, ano bang alam ko sa logic bukod sa ispeling nito?
Pero may konti lang akong wish ngayong Pasko.
1. Sana sa susunod na Pasko, magkakasama na ang pamilya ko.
2. Sana mayaman na kami bukas,o kaya sa makalawa, o kaya sa Sunday na lang. Hindi naman ako mainipin.
3. Sana bigyan pa ako ng konting talino para makapasa sa course ko.
4. Sana magkaroon na ng kapayapaan sa buong bansa, sa buong mundo, at sa bahay ng kapitbahay namin.
5. Sana maka-high five ko na din si Bob Ong at matanong ko sa kanya kung nagkagusto ba siya kay Tigang.
6. Sana maging masaya ang lahat ng taong kakilala ko, at mga kakilala mo.
7. Sana wala ng mahirap.. wala ng tulad natin..
8. At sana.. matupad ang lahat ng "sana" ko sa buhay..
Konti lang 'yun.. Kumpara sa wish list mo.
At last, tumawag na din ang Papa kong nasa Canada. Hindi ko lang alam kung masaya ba talaga ang White Christmas, lalo na 'pag nag-iisa ka at malayo sa maganda mong anak gaya ko. (Umangal, insikyur.)
11:52 na.. So ibig sabihin (52-33? ahm.. wait lang, 19! yun! Yabang mo, naisip ko yun bago mo makuha yung calcu!) 19 minutes kong tinype at inisip ang blog na 'to.. At 8 minutes na lang, it's Christmas na! (yun, di na kailangan ng calcu.)
So panu, Merry Christmas na lang sa'yo at sa buong pamilya mo. Sana maging masaya ka! God bless..=)
...pahabol! Sa kaisa-isa palang inaanak ko, malas mo! Ay este, pasensya ka na muna kung hindi kita makakausap ngayon. Busy ako, basta alam ko busy ako. Ipagdadasal ka na lang ni Ninang, prayers are more important, di ba?
Thursday, December 25, 2008
Da Krismas Blag
12:11 AM
Eych
No comments
0 comments:
Post a Comment