Thursday, December 18, 2008

FAQ. (Bobong Pinoy for Dummies)

Frequently Asked Questions
(Bobong Pinoy for Dummies)


Q: Nasa ibang bansa ako, paano ba ako makakakuha ng kopya ng mga libro ni BO?
A: Tunguhin lang po natin ang www.divisoria.com o www.bobOngbooks.com. Pwede ring mag-email na lang nang diretso sa publisher sa book_inquiry[at]visprint.net.

Q: Wala ako sa ibang bansa, pero wala rin ako sa Metro Manila. Nandito ako nakabitin sa mga sanga ng puno sa isang liblib na probinsya ng Pilipinas. Paano ba ako makakakuha ng kopya ng mga libro ni BO?
A: Nagpapadala po ng libro via mail ang Visual Print Enterprises. Ipaalam lang ang inyong prayer request sa book_inquiry[at]visprint.net, o tumawag sa telepono bilang (632) 887.4859.

Q: Totoo bang may E-book version ang mga libro ni BO?
A: Kung meron man, ilegal na mga kopya; walang kabayaran na natatanggap si BO at walang donasyon na napupunta sa mga organisasyon na umaasa sa tulong ng mga mambabasa. Hindi sinusuportahan ni BO ang E-books dahil aksaya lang sa natural resources ang pagkain nito ng kuryente. Sa pagtangkilik ng E-books, tinatalikuran mo ang pagkakataong makatulong sa mga kapuspalad, ninanakawan mo maging ang likas na yaman ng planeta, at pinagkakaitan mo ng pasasalamat ang isang poging Filipino author. Hindi ka cool, at bagay sayo ang pangalang Lucifer.

Q: Nakakainip naman, gaano ba katagal bago makatapos ng bagong libro si BO?
A: Sabihin na lang natin na ang librong babasahin mo sa susunod na taon ay noong isang taon pa isinusulat.

Q: Hindi ko naman yata nabasa sa mga libro ni BO yung mga quotations na umiikot ngayon sa text at email; kanya ba talaga yon?
A: Hindi. Minsan korni si BO, minsan jologs. Pero pag sabay na korni at jologs ang quote, di sa kanya yon. Simula ngayon ang magpasa ng maling text may hadhad. Game!

-------------------------------------------------------------------------------------------------

Q: Gusto sana naming i-review o i-publish ang isang bahagi ng libro para sa aming magazine o website, paano ba kami hihingi ng permiso?
A: Ipaalam lang sa book_inquiry[at]visprint.net. Paalala po na hindi lang "isang bahagi ng libro" ang pagkopya mula page 9 hanggang page 26.

Q: Gusto sana naming gumawa ng mga t-shirt, sticker, payong, at mga wallclock na may design ng BobongPinoy at Bob Ong Books, pwede ba yon?
A: Hindi po. Ang Bobong Pinoy, kasama na ang pabalat at nilalaman ng mga libro ni Bob Ong, ay copyrighted materials na hindi maaaring gamitin sa anumang produkto nang walang nasusulat na permiso mula sa may-ari.

Q: Gusto ko sanang gamitin ang mga libro ni BO para sa assignment sa school, paano ba ko hihingi ng permiso?
A: Kung gagawan mo lang ng buod, o illustration, o mga bagay na tulad nito, at hindi mo naman ire-reproduce ang libro para i-distribute sa ibang tao, di mo na kailangan humingi ng permiso. Basta't isaad lang ang pangalan ng libro, author, at publisher sa iyong trabaho bilang acknowledgment, at magbayad ng P150,000.00 bilang donasyon.

Q: Estudyante po ako, kailangan kong ma-interview si BO, pwede ba?
A: Hindi. Dahil hindi rin naman nasasagot ni BO ang lahat ng questionnaires at naaawa lang s'ya sa mga estudyanteng nade-delay ang projects nang dahil sa kanya blah blah blah kunyari nagpaliwanag si BO at naintindihan mo blah blah blah....

Q: Taga-channel 2, 4, 5, 7, 9, 11, 13, 23, 25, MTV, HBO, Star, AXN, JackTV, ETC, ESPN, Disney, Nickelodeon, Cartoon Network, National Geographic, Discovery Channel po ako, kailangan kong ma-interview si BO, pwede ba?
A: Hindi...liban na lang kung may kinalaman ang interview sa pagbuo ng isang fantaserye kung saan laging may bed scene sina BO at Halle Berry.

Q: Pwede ba maimbitahan--
A: Hindi. Wala s'yang balak mag-ikut-ikot ng eskwelahan para maging guest speaker, o dumayo ng bookstores para sa author's visit, o mangampanya para kay Eddie Gil.

Q: Pwede bang mahingian ng personal data si BO?
A: Hindi, sa parehong paraan na hindi ka rin basta-basta nahihingian ng personal data o picture na may dedication sa likod. Hindi ka matutulungan ni BO kung ang hihingin mo sa kanya ay mga impormasyong tulad ng name, age, address, telephone number, signature, at who is your crush?.

-------------------------------------------------------------------------------------------------

Q: Ano ang nutribun?
A: Ang Nutri Bun ay isang masustansyang monay na alay ng mga taga-ibang bansa (United Nations?) sa kabataang Pilipino noong mga panahon ng Martial Law. (Malnourished daw kasi tayo.) Itinitinda ito sa mga eskwelahan, at paborito ng mga bata na may singaw, walang panlasa, at lubhang takot sa mga teacher.

Q: Siret na: "You are to travel from point A to point B and return. On the trip from A to B, you travel at thirty miles per hour. How fast would you have to travel from B to A in order to average sixty miles per hour for the round trip?"
A: "The answer everyone quickly gives is ninety miles an hour. Wrong! This is an impossible journey. Think of it this way: Imagine that the distance from A to B is one mile. Sixty miles per hour is a mile a minute. So it would take two minutes at the average speed of sixty miles per hour to make the round trip of two miles. Now, the first half of the trip--one mile--is to be made at thirty miles per hour. This would take two minutes. You can see there is no time
left for the return trip."

Q: 8 x 7?
A: 56. O-ha! Walang calcu 'yan!

Q: Si BO ba yung batang natae na ikinuwento sa hulihan ng ABNKKBSNPLAko?!
A: Hindi.

Q: Totoo bang nangyari kay BO lahat ng nakasulat sa ABNKKBSNPLAko?!?
A: Bukod sa nabanggit sa itaas, sa pagkakaalala n'ya ay oo.

Q: Hindi ko nakuha. Bakit "Bakit Baliktad Magbasa ng Libro ang mga Pilipino?" ang pamagat ng ikalawang libro?
A: Basahin mo ulit.

Q: Hindi ko nakuha. Bakit "Macarthur" ang pamagat ng ikaanim na libro?
A: Basahin mo ulit.

Q: Bakit--?
A: Basa--!

Q: Bakit ang hilig-hilig n'yo sa Comic Sans?!?
A: (1)Dahil Nasa Comic Sans ang original na BP; at (2)Pamahiin ng matatanda.

Q: Ano ang Veny, Geran, Depir, Ventocoseuss, Tuls, Gynottul, at Holts sa itim na libro?
A: Anagrams ng 7 Deadly/Capital Sins na ginamit bilang chapter titles. May kinalaman sa halos lahat ng mga nakapaloob na kwento.

Q: Totoo bang sumali si BO sa Laban o Bawi?
A: Hindi.

Q: Nbsa ko n po ang stnlss longnisa, gs2 q rin pong mgsulat. May knbukasan po b ko s pgssulat?
A: Depende. Kaya mo bang sumulat ng mga salita na tama ang spelling at kumpleto ang mga letra?

Q: Totoo bang may almond yung kinaing ta* ng mga langaw sa Alamat ng Gubat?
A: Hindi. Props lang 'yon.

-------------------------------------------------------------------------------------------------

Q: Ano ang Bobong Pinoy?
A: Ang Bobong Pinoy ay website ni BO, itinatag pagkaupo ng ikalabing-tatlong presidente ng Pilipinas, at binuwag matapos ang pagbaba ng nasabing pinuno sa trono. Kasalukuyan ito ngayong pinagkukutaan ng mga kapaki-pakinabang na tambay ng Pilipinas sa pamumuno ni Osama Bin Laden.

Q: Wala na ba kayong archive o mga natatagong articles ng BP na maaaring mabasa?
A: Meron. "Bakit Baliktad Magbasa ng Libro ang mga Pilipino?"

Q: Bakit ayaw mong... este, ni BO pala, ibalik ang website na Bobong Pinoy?
A: Napakaraming dahilan.

Q: Bakit isinama mo pa sa FAQ na 'to ang tanong sa itaas e hindi mo rin naman pala sasagutin?
A: Pamparami.

Q: Meron ba kayong mailing list na maari kong salihan?
A: Meron, dala-dalawa pa! Kung gusto mong makatanggap ng mga napakadalang na announcement sa E-mail tungkol sa mga raket ni BO, punta ka sa www.yahoogroups.com/subscribe/BP_update. Kung handa ka namang mag-aksaya ng buhay mo sa mga walang katuturang kwentuhan kapiling ng mga kapwa mo nag-uubos ng oras sa mundo, punta ka sa www.yahoogroups.com/subscribe/bobongpinoy.

-------------------------------------------------------------------------------------------------

Q: Sino si BO?
A: Kasalukuyan pa rin po nating hinihingi ang pananaw ng mga siyentipiko at Simbahang Katoliko ukol dito.

Q: Bakit n'ya naisipang magsulat?
A: Dahil ipinanganak s'ya.

Q: Bakit walang mga book launching si BO?
A: Mahigpit itong ipinagbabawal ng kanyang relihiyon.

Q: Bakit dalawa, at bakit ganoon ang mga pirma ni BO?
A: Ang unang pirma ay ginawa ni BO noong 6 months pa lang s'ya at wala pang ngipin. Ang pangalawang pirma ay totoong initials ni BO, pinagsama, encrypted sa isang ancient alphabet.

Q: Adik ba si BO?
A: Recovering.

Q: Natutuwa ba si BO sa mga "fans"?
A: Oo at hindi. Ang hindi ay dahil sa nadidiktahan s'ya na dapat laging magugustuhan ng mga tao ang isinusulat n'ya.

Q: Pwede ko bang masulatan si BO?
A: Oo, sa bobongpinoy[at]gmail.com. Pero walang tinta ang ballpen n'ya ngayon at hindi s'ya nakakasagot sa mga e-mail o mensahe sa Friendster.

Q: Pwede ko bang masulatan si BO?
A: Oo, sa bobongpinoy[at]gmail.com. Pero walang tinta ang ballpen n'ya ngayon at hindi s'ya nakakasagot sa mga e-mail o mensahe sa Friendster. (Basahin nang paulit-ulit. Kailangang i-memorize 'yan!)

Q: Intsik ba si BO?
A: Hindi s'ya "Intsik." Hindi s'ya Tsinoy. Sya'y 100% Filipino bagama't medyo kamukha ng mga Amerikano... na tulad ni Eddie Murphy.

Q: May nakakita na ba kay BO?
A: Hindi na mabilang. Ilan sa hindi mabilang na 'to ay malalapit n'ya nang kaibigan ngayon. Pinagsisisihan n'ya ang lahat.

Q: Kilala ko si BO sa personal, bakit ang hirap nya lapitan?
A: Dahil gusto mo lang magpa-authograph at hindi mo sya kinikilala bilang taong may puso't-damdamin at gutom na tiyan na gusto ng meryenda.

Q: Gusto ko makita si BO, paano ba?
A: Libre ang mga bata, 4 ft. and below. 5,995 pesos ang entrance fee para sa mga matatanda. Bawal ang mga batang walang kasamang sampung matanda. Magdala ng Bonamin.

Q: May BO ba si BO?
A: Gusto mong suntukan?!??

Q: Napansin mo bang korni ang FAQ mo?
A: ANO 'KA MO???
Q: Sabi ko, wala bang picture si BO?
A: Ah... out of stock sa ngayon, pero maaari kayong bumili sa mga bookstore, katabi ng mga poster ng "Our Digestive System" at "Flags of the World".

Q: Masyado ba kong matanong?
A: Ayos lang. Mga dalawang tanong pa... talo mo na ang pinagsamang Boy Abunda at The Riddler.

Q: Last na, talaga bang may mga nagtanong ng "frequently asked" questions na 'to?
A: Wala. Pauso lang lahat yan ni BO. Napagtripan n'ya lang gumawa ng FAQ habang nagda-download ng MP3 ng Sexbomb Girls.

Q: Dedication?
A: To all my fan,
Sana maging dalawa ka na.




-http://www.visprint.net/publications/bob/faq.htm
>>>

0 comments:

Post a Comment

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | Edited by PedXing-ArAr