Friday, December 19, 2008

Ang Librong Pambatang Pwede sa Matatanda

Ang unang libro ni Bob Ong na nabasa ko ay yung "ABNKKBSNPLAko?!". Hindi ko alam dati na si Bob Ong pala ang author nun, basta ang alam ko, astig siya. Period. Nang mapadaan ako sa isang bookstore, nalaman kong hindi lang pala isa ang mga librong nagawa niya, marami pala! Una kong napansin ay yung "Alamat ng Gubat". Hindi ako nagkainteres dun dati kasi ang alam ko, isa itong librong pambata at marami naman akong story books sa bahay. At dahil wala pa akong masyadong alam sa naturang author, naisip ko, "Parang tanga pala tong si Bob Ong, pati talangka pinagtripan!". At ito lang ang tanging libro ni Bob Ong na ni minsan ay hindi ko pinagkainteresan.

Nagbago ang pananaw ko sa nasabing libro nang ipahiram sa'kin ng girlfriend ng kuya ko ang iba pang mga libro ni BO. Nabusog ang utak ko sa ABNKKBSNPLAko?!, (binasa ko ulit, nakalimutan ko kasi kung bakit hinagis ni Miss Uyehara yung mga notebook ng mga kaklase ni BO), Stainless Longganisa, at ang Ang Paboritong Libro ni Hudas (na nabalitaan kong paborito din palang libro ni San Pedro at ng kabatak kong angel). Nang kinailangan ko ng panulak, napilitan akong basahin ang "pambatang libro."

"Bawal manghiram, bumili ka ng sarili mong kopya!". Yan ang nagwelcome sakin ng buksan ko ang libro, nasa ilalim ito ng "This book belongs to:" Inisip ko, sinong matinong tao ang susunod dito? (peace BO! hehe)

Page 1 pa lang, natawa na ako. Nalaman kong marunong pala mag-friendster ang mga talangka, Kala ko kasi dati hindi eh. Nagpatuloy ako sa pagbasa hanggang sa makilala ko sila Bibe, Aso, Tipaklong, Ulang, Buwaya, Pagong, Manok, at kung sinu-sino pang mga kamag-anak mo. Hindi ko namalayang "About the Author" na pala ang binabasa ko na kinaasaran ko dahil akala ko may malalaman talaga akong "About the Author". Natapos ko na pala ang libro, solve na ang uhaw ko.

"Iba ang walang ginagawa kesa sa gumagawa ng wala." Naisip ko bigla ang isa sa mga pulitikong kilala ko na binabayaran ng taumbayan pero wala namang ginagawa para umunlad ang mga nasasakupan niya. Napag-isip-isip kong binabayaran pala nila ang taong gumagawa ng wala.

'Yun naman pala 'yun. May kinalaman sa pulitika at sistema ng bansa ang sinasabi nilang "librong pambata na pwede sa matatanda." Sinipa ako ng katotohanang nasa ilalim ako ng isang sitemang pinapatakbo ni Ulang.

Comments:

Maganda nga ang "Alamat ng Gubat". Ito yung favorite book ng isa sa mga congressman kong friend sa friendster.
>>>

0 comments:

Post a Comment

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | Edited by PedXing-ArAr