Tuesday, December 23, 2008

Ang Aking Unang Blog Entry, Baw...

Ayos.. ako naman ang mgsusulat ng sarili kong blog.. try k lang kung makakapagsulat nga ako ng malupit na blag na mas malupit pa kay perry (batang uhugin na kamuka ni kulet(aso namin na makulet) na nakalaban ko sa dota na sa simula palang ang patay na agad ako) o isang blag na patapon n yung tipong pag binasa mo ay pakiramdam mo na parang ang sarap ng patayin ng compyuter at manood na lamang ng tinderella. Pero naku mukang papangit ata tong sinusulat kong blog. Umeextra tong kapatid ko at gusto ng magcomputer. "Kuya, ako naman. kanina ka pa dyan." Yun ata ang pinakamasama kong narinig sa salita ngayong araw. Ang sabi ko sa kanya, "kakasimula ko pa lang, mamaya ka ng payb o clock", sabay simangot sya sa akin. at eto sya ngayon, nangaasar pa, ayaw umalis sa tabi ko, ang sama ng muka parang gusto nyang ipakain sa akin yung mouse at ihampas yung keybord sa muka kong pogi. Pero syempre di ako papatalo. Hindi ako pwedeng tumayo, ngsusulat pa nga ako ng blog eh!! di ba!! Agaw trip eh. Panira ng blogging moments. At anu bayan, umeextra rin tong nanay ko. "Bakit di ka kumakain, kumain ka na!". Di ko sya pinansin kasi nga gumagawa ako ng blog eh. Pero sa totoo, gutom na talaga ako pero ayaw kong kumain kasi di masarap ang ulam. Ang walang kamatayang "GALUNGGONG" !! Titiisin ko na lang. Aantayin ko na lang umuwi yung syota ko at dun na lang ako makikikain. Lagi kasing masarap ang pagkain dun, ang hindi masarap dun, masarap pa rin para sa akin. Para nga akong patay gutom kung andun ako. Todo lamon at todo gawa ng sawsawan mula sa paborito kong pamintang pino na may bagoong alamang na may Datu Puti soy souce (with IRON), athigit sa lahat garlic powder. Ang sarap nun! Grabe! kahit anung ulam, (puwera lang munggo) ay pwede dun. Hay.. Gutom na talaga ako. Ang tagal nyang dumating. Antayin ko na lang sya. (sana may pasalubong na pagkain o kaya laruan. hehehe...) <

ok ok.. back to topic. tuloy ko na ulit yung paggawa ko ng blog. Hindi talaga ako sanay gumawa ng blag. Wala kasing masyadong pumapasok sa mumunti kong utak. Ang gusto ko lang ay magbasa ng blog mula sa taong wirdo, praning at mga taong kilala na di ko kilala tulad ni Inday, kokey monster, maldito at higit sa lahat si Bob Ong na akala ng iba ay isang artista yun pala isa syang **** ** ***. Ang totoo pala nyang pangalan ay ******* ************. (kilala daw ng utol ko) Pero syempre di ko sasabihin kung sino. Pero syempre, may sapat na halaga para sa impormasyon. 1 Ninety nine billion haundred thousand thousand pesos lang ang kailangan ko. Kung sinong interesado at may sapat na halaga at katangahan, kabobohan, at kabaliwan ay maaaring tumawag sa akin sa numerong rescue 911. Aantayin ko pong ang inyong mga tawag.

Hay, anu ba yan. Wala pa rin akong maisip na magandang topic sa pinakaunang blog sa buong buhay ko na gagawin ko. Cguro dahil baguhan palang ako, laging absent sa eskwela at di kumakain. Sana may nabibiling gamot na pagininom ay parang imodium na ilalabas lahat ng blog na natatago sa isipan ko.

Ops. ops. ops. pauwi na raw sya. cge na. Sensya na dahil wala kong maisulat. Wala talaga akong maisip na topic eh. Hingi muna cguro ako ng payo kay pareng Ernie. Wait lang. Di muna ako aalis. Popost ko na muna tong blog kong maiksi. Sayang naman ang oras na ginutom ay este ginugol sa paggawa ng blog na ito.. Basa lang kayo ah.. ok.. Comment na lang kayo kung nagustuhan nyo tong First blog ko. Pero kung wala naman kayong sasabihing maganda at puro kalokohan at mula sa dictionary ni Lucifer yung sasabihin nyo ay manahimik na lang kayo at kumain na lang kayo at matulog upang tumagkad kayo at di magalit ang nanay nyo... OoooooooooookEEEEEEEiiiiiiiiiiiii!!!!!!!!!!!

~FIN~

6 comments:

Anonymous said...

hehehehe...ibang klase..natawa ko ng hindi ko man lng alam kung anu ba tlga topic..haha.. GANDA!..pamatay...hehe..toinkz!..

Anonymous said...

aus ah.. nakagawa ka ng blog na walang ibang topic kundi sarili mo.. hehe.. pero aus naman nakakaaliw.. keep it up.. gawa ka pang madami.. pero next time humingi ka na rin ng advice sa mga utol mong magagaling.!para mas makabuluhan hehe..pis! aun cge..goodluck!

Eych said...

pwede na.. pero gusto ko lang malamam mo,

..masarap ang galunggong.

Anonymous said...

yes... 10x for style!

Anonymous said...

я так считаю: бесподобно.. а82ч

Anonymous said...

Prompt, where I can find it?

Post a Comment

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | Edited by PedXing-ArAr