Monday, December 29, 2008

Cha-cha nga ba ang pag-asa ng Pilipinas?

AYON SA NALALAMAN KO....

Cha-Cha o charter change. Lagi ko yung naririnig sa mga balita at sa mga dyaryo. Laging isyu yun na d mawala wala. Habang lumalapit ang katapusan ng termino ni pangulong arroyo ay lalong umaatikabo ang usapang cha-cha. Ang cha-cha din ang ginagamit ni PGMA upang ma-extend at humaba pa ang kanyang termino.



Eh anu nga ba ang cha-cha?!.

Akala ko dati kung anu lang yun, akala ko nga pacontest yun ng malacaƱang na kung cnu ang mananalo ay makakatnggap ng puwesto sa gobyerno, yun pala ay ito ay isang seryosong usapan ukol sa pagpapatakbo ng sistemang pulitikal sa bansa.

Ayon sa wikipedia..

Charter Change or "cha-cha" in the Philippines refers to the political and other related processes involved in amending or revising the current 1987 Constitution of the Philippines.

Ayon sa Yahoo Answer..

Cha-cha is a revision of the constitution,it depends on what the majority law makers have decided, they could either choose parliament or presidential etc..

Ang cha-cha ay ang pagpapalit o ang pagbabago ng sistem ng pulitika sa bansa. Ang gusto ni PGMA ay maging parliamentary ang maging uri ng kasalukuyang gobyerno sa pilipinas. Ayon sa aking pagkakaunawa, pag naging parliamentary tayo, ang mamamayang pilipino ay boboto para sa parliament representatives sa halip na presidente, bise-presidente, senador, at house of representatives. Ang parliament representatives naman ay magbobotohan kung sino ang magiging prime mininster at ang prime minister naman ang pipili sa mga parliament representatives kung sino-sino ang mamumuno iba't-ibang ahensya sa gobyerno.

Alam naman natin na sa taong 2010 matatapos ang termino ni PGMA kaya ang pagiging Prime Minister ang nakikitang paraang ng administrasyon upang humaba pa ang termino ni Pangulong Arroyo.

Ngunit magtatagumpay kaya sya? Matutuloy kaya ang pagaamyenda ng kunstitusyon sa pilipinas sa kabila ng kaliwa't kanan na pagbabatikos at pangongontra ng mga mamamayang pilipino sa usaping charter change?

Hindi tanga ang mga pilipino, kitang-kita at ramdam na ramdam ng bawat pilipino sa loob man o labas ng bansa ang kahirapan at kurapsyon dito sa pilipinas. Dumarami na ang mga pilipino ang nawawalang ng pag-asa kung magkakaroon pa ba ng pagbabago at kung maaayos pa ba ang kurapsyon dito sa ating bansa.

Malapit ng pumasok ang bagong taon, sana magbago na ang mga tiwaling opisyal ng gobyerno, sana matauhan na sila at sana makunsensya na sila na marami ng pilipino ang namamatay ng dilat dahil sa kanilang di-makataong pamumuno.

Para sa pulitikong walang balak magbago at gusto pang yumaman at maragdagan ang kapangyarihan, tamaan sana kayo ng mga ligaw na bala sa ulo sa darating na bagong taon.

0 comments:

Post a Comment

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | Edited by PedXing-ArAr