Monday, April 26, 2010

Philippines: The Texting Capital of the World

“TEXTING Capital of the World” pa rin pala ang Pilipinas. ‘Yun ang sabi sa itaas e. Ibig sabihin, hindi pa rin tayo natatalo ng ibang bansa pagdating sa larangan ng paramihan ng katextmate, pakapalan ng kalyo sa hinlalaki, at pabilisan ng pagpindot-pindot.

Hindi ba’t ansarap malamang kahit paupu-upo ka lang diyan at patext-text sa tabi-tabi ay nakakapagbigay-karangalan ka sa bansa mo ng hindi mo alam?

Napapanatili mo sa pagiging numero uno ang ‘Pinas sa pamamagitan lang ng simpleng pagpapadala ng “eow po” at “hu u?” nang walang kahirap-hirap. Kaya naman ‘di na ‘ko magtataka kung malaman kong 1.39 bilyong text messages na pala ang ipinapadala nating mga Pinoy sa ating kapwa Pinoy, araw-araw! Oo. ARAW-ARAW! (Hindi pa kabilang diyan ‘pag araw-gabi na.) Samantalang humigit-kumulang 70 million namang Pinoy ang gumagamit ng cellphone sa ‘Pinas. ‘Yan ang malupet! Sa larangang ‘yan, talo lang naman natin ang mga malalaking bansa gaya ng Europe, America, India at China sa isang istatistikang walang kinalaman sa parumihan ng bansa.


Martin Cooper: "eow pho, txt ba 2?"



Motorola Dyna TAC

Elibs na talaga ako kay Martin Cooper, dahil kung hindi sa kanya, hindi matatawag ang bansa natin bilang “The Texting Capital of the World” (dapat ulit-ulitin, masarap sa pandinig!). Siya lang naman kasi ang unang taong nakaimbento ng Motorola DynaTAC—ang pinakaunang cellular phone sa mundo.

Ang nasabing device ay may sukat na 9 x 5 x 1.75 inches at may bigat na 2.5 pounds na maaari mong ipantawag sa loob ng 35 minutes, pero kinakailangang i-recharge sa loob ng sampung oras. Tikas. Ito rin ang ginamit ni Cooper upang isagawa ang pinakaunang pagtawag gamit ang isang cellular phone noong Abril 3, taong 1973. Samantala, ang una namang text message ay ipinadala sa United States ng isang Neil Papworth noong December 3, 1992 sa personal computer ni Richard Jarvis. Ano ang nilalaman ng pinakaunang text message sa kasaysayan? Isang simple, banayad, humahagod, at sobrang-bago-sa-pandinig na… “Merry Christmas”.

Hanga na talaga ako sa ideya ni Cooper na gumawa ng isang device na tutulong para sa ikauunlad ng samahan ng mga taong distansiya ang pagitan. Aakalain mo bang makakagawa ang mga imbentor natin isang araw ng isang simpleng telepono na slash messenger/calculator/mp3/email/ebook reader/virtual pet/media player/recorder/camera/radyo, slash TV, na magkakasama sa iisang device? All-in-one! Wala ka na talagang hahanapin pa! At hindi na ‘ko magtataka, na kung sa mga susunod na linggo ay malaman ko na lang na may nakaimbento na pala ng isang cellphone na may exclusively built-in refrigerator with double-burner gas stove. Hmm… ‘Nu sa tingin mo?

----------
Mula kay Jerald Jay Rebenito, Mr. Pogi ng Nova.
Bisitahin niyo rin siya sa kanyang bilangguan (tumatanggap siya ng libreng lugaw mula sa mga dumadalaw): http://jraldrbnt.wordpress.com

1 comments:

Anonymous said...

You're very imaginative on the way technology will be. I know we're waiting for something different than the usual we see by our naked eye.

Texting capital ang Pinas because pinoy ay hindi kuripot it's just they want to express being a filipino from texting being close with family and friends. Yan ang filipino.

_______________
QWERTY haters? Love Dextr keyboard app it's easy as ABC

Post a Comment

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | Edited by PedXing-ArAr