Friday, April 30, 2010

LUMINDOL BA?? OR THEY JUST ROCK MY WORLD?


ung bata ako uso ang tamagochi na ewan ko ba kung bakit lahat ng inalagaan ko eh namatay agad,nauso din nung ang relos na tinatawag na baby-G oh kahit hindi baby-G ang tatak bata madaming pinipndot at malakas umilaw, nung kabataan ko din hindi ka in pag hindi mo kilala si pareng mario at pareng lugi, looser ka pag hindi mo alam ang lets volt in, usong uso rin nung ang pagpapadami ng punyetang kisses na yan na ngayon ko lang nalaman na hindi naman pala talaga nabubuntis at dumadami naubos ko tuloy ang pabango ng nanay ko para lang alagaan yun....pero isipin mo nasaaan sila ngayon???WALA NA isa isang nalaos isa yan sa proseso ng lipunan sisikat, malalaos, maswerte na pag sumikat uli pero sa hindi katagalan malalaos din pero ang isang bagay na adik na adik ako at sigurado ako na ang iba din sa atin ang hindi pa nalalaos at walang kakupaskupas at sa tingin (kahit malabo ang mata ko) ay hinding hindi na malalaos

YAN ANG MUSIKA ....paulit ulit na tumutugtog sa ibat ibang henerasyon tumugtog na sa nakaraan pero daladala pa rin natin sa kasalukuyan isang porma ng sining na patuloy tuloy bumebenta sa madlang pipol at sa dinamidami ng hindi ko maipaliwanag na dahilan ay hanggang ngayon kung bakit?ay hindi ko pa din maintindihan

"magdadrive ako hanggang baguio, magdadrive ako hanggang batanggaas isasama ko ang girlfriend ko isasama ko kahit sinung may gusto lalallalallal lalala lallaa gusto kong matutong magdrive kahit na wala akong kotse .lalala lalala

kilala nyo rin siguro kung sino ang nagpasikat ng kantang yan oo tama ka ang eraserheads....at ang title ng kantang yan ay "overdrive" na ginawa nilang title sa anthology book nila nung 2005 (alam na alam eh noh) tumanda na akong nakikinig sa kanta ng mga kanta ng eraserheads, o sa ingay ng stereo ng kapitbahay namin (actually my cousin’s) kasi galit na galit ang nanay ko at ayaw nya sa rock and roll nung mga panahon na iyon sa edad. I just satisfy myself hanging out in my friends’ and neighbors’ house where Eraserheads is not censored, jamming and head-banging in the tune of our favorite (English yan!)

eraserheads isa yan bandang umukit sa henerasyon ko, sila ang puno't dahilan ng pagsikat ng bandang musika dito sa pilipinas hindi lang sila basta tugtog ng tugtog at wasiwas ng wasiwas ng kanilang mga ulo sa entablado, hindi lang humahampas si raymund marasigan ng drums nya ng walang katuturan hindi lang sila simpleng apat na kabataan na walang ginawa kundi kumanta at kumita ng pera sa tuwing may bibili ng kopya ng mga kanta nila kumbaga para din silang si pacquiao tuwing tutugtog sila, kasi pinagkakaisa nila ang lahat ng pilipino hindi lang kasi sila naging isang simpleng banda sila ang gumising sa "sense of patriotism" ng mga pilipino na matagal nang natutulog nung hindi pa sila sikat tinawag na nga silang "the beatles of the phil"

napakalaki talaga ng naging impluwensya ng e-heads satin noon hanggang sa ngayon, kapag may nakikita nga akong nakasuot ng oldschool style nang rayban eh naaalala ko na agad ang fashion statement ni elly buendia sa mga concert nya...kaya mula nung mabuwag ang e-heads biglang nagsulputan ang mga punyetang kanta na ewan ko ba sa tingin ko lang ahh ewan ko kung bakit nila nagugustuhan iyon at kung panu nila naiintindihan ehh halos 50 percent ng lyrics ay yow yow yow yeah yeah wazzup hay ewan

today….Listening to the songs of the Eraserheads brings back good memories, life’s lessons, old friendship and values which I learned outside the classroom. Memories that cannot be forgotten. Memories from the experiences that helped shape my personality.

bagama't matagal nang buwag ang bandang e-heads hindi mo pa rin maitatanggi na maraming pilipino ang nangungulila sa presensya nila kagaya nung nakaraang taon kung kelan naganap ang "FINAL SET" the reunion isang gabing nagbuhay sa lahat,isang gabi ng kasiyahan,isang gabi ng tugtugan,ngunit sa bandang huli isang gabi ng tunay at huling pagpapaalam.... ng e-heads ng milyon milyong pilipinong tumatangkilik sa kanila ito lang ang masasabi ko

Eraserheads was the band that defined their generation. From the underground scene
the memories of eraserheads will never be erase in our heads FOREVER… (parang lapida lang diba?)

oh xa babush ISANG MALUPIT NA ROCK \m/ AND \m/ ROLL NA GABI SA LAHAT
karl nuqui-apr30/10

Pedxing's Bagong Blogero: Karl

May bagong tambay sa tawiran kaso may kakaiba sa kanya kung anuman yung kakaibang yun sikreto lang muna pero kung ang IQ mo ay katulad sa akin na 1.2 lang pwede na magegets mo na kung ano ang kakaiba sa kanya

Siya si Karl labingwalong anyos sa ngayon at magiging engineer ilang taon mula ngayon basta 'wag lang niya pagpapalit ang pag-aaral sa chicks haha peace men tulad ng mga matatanda luma at uugod-ugod nang mga blogero ng Pedxing marami rin siyang gustong sabihin at marami ding gustong isulat tungkol sa mundong ginagalawan mo ginagalawan ko at ginagalawan ng Sr Pedro ang paboritong manok ko

"The older I grew, the less important comma becomes. Let the reader catch his own breath."
-Elizabeth Clarkson Zwart
(nadampot din sa puting libro ni BO, page 50)


Whooh!'Yan si Karl. Kung ang matinding kalaban ko sa buhay ay ang Math, siyan naman e tuldok. Tuldok, as in period, dot, dot at period, pati rin pala sa lahat ng uri ng punctuation marks ayaw niya. Kung bakit e hindi ko alam. Style daw 'yun Pampapogi.


Bukod kay Eych (na 1839304 piraso na ang uban sa ulo), at kay ArAr (na nakapagharvest na ng 38940540583393939 uri ng tanim sa Farmville, e meron na tayong bagong aabangan na blogero sa Pedxing na mula sa Valenzuela, Lungsod na malapit sa Maynila. *Palakpakan*

Bagong blogero. Bagong mga konsepto. Bagong punto mula sa araw-araw na buhay ng mga tao.

At higit sa lahat, gwapo. (Paid for by friends of Karl Nuqui.)
--

--

--

--

--

--

Sa madaling salita, welcome sa PedXing, Karl! Tuldok.

---
Credits to Facebook.com for not prohibiting the picture above to be posted. (Peace! Haha)

MATURITY!!!!


maturity maturity isa sa mabentang mabentang ideya ngayon yan lalong lalo na sa buhay kolehiyo

o buhay teenager isang malalim na palaisipan kung anu nga ba ang konsepto sa likod ng ideyang maturity

payak na salita simpleng termino ngunit kumplikado ang kahulugan at mahirap isabuhay ng mga ilan sa atin



eh anu nga ba talaga ang maturity???….ito ba yung pag pwede ka nang bumoto?ito ba yung pag pwede ka nang bumili ng serbesa sa 7eleven??

ito ba yung pag pwede ka nang ipiit sa bilibid prison?ito ba yung pag pwede ka nang pumasok sa pegasus?ITO BA ANG MATURITY??



sabi naman nung iba ito daw yung pag para kanang si Fernando Jose sa palabas na ‘rosalinda sa ganda at porma ng iyong mga bigote

o yung ala Arnold S***neger sa kurba ng mga maskels mo??o yung para ka nang si maria ozawa sa laki ng boobs at hugis ng balakang mo?

ITO BA ANG MATURITY??


basagin na ang salamin ng kamangmangan gumising ka kaibigan. ang maturity ay wala sa kung anung edad mo na, wala sa uri ng mga bagay n a nagagawa mo na at pwedeng pwede mo nang gawin, hindi din proket malago na ang buhok mo sa k*likili ehh matured ka na,hindi din sapat na dahilan na cap G na ang size ng bra mo eh

masasabi mo na sa sarili mo na matured ka na



ang maturity ng isang tao ay nababatay hmm simple lang kung nabubuhay ka nang hindi lang “katalinuhan” ang daladala ng kokote mo yung may laman din na “karunungan”

magkaiba kasi ang dalawa(ieexplain ko pa ba?WAG NA!) minsan kasi kahit nasa tamang edad na tayo at alam na natin kung anu ba ang tama at kung anu ba ang mali pero hindi naman natin maisagawa ang mga bagay na nakakabuti at makakabuti



MATURITY yun yung kaya mo nang makagawa ng isang desisyon na nakabatay hindi lang sa kung anu ang tama bagkus sa kung anu sa tingin mo ang makakabuti hindi naman kasi lahat ng tama eh makakabuti



isa naman sa pinaka pamosong linya ng mga kabataan ngayun laban sa kanilang mga magulang ay ang linyang



“ma,pa MATANDA na ako alam ko na ang ginagawa ko “ *FAIL !!!!!!!!!!!!!!!!!!!*



katarantaduhan..MUCH… ehh anu kung nasa hustong gulang ka na alam naman ng mga magulang mo yun ehh ang problema sa ibang kabataan ngayon ginagawa na tong excuse . eh yung iba nasa tamang edad na nga pero yung uri ng pagpapatakbo ng buhay nila eh masasabi mong walang kaaseasenso



ika nga ni kuya juan…..”you need to strike the opposite inorder for you to hit the balance” (anu raw?!?! kuya juan galit ka ba bkit ka nageenglish..)



ehem ibig sabihin mabuhay ka nang may dahilan ng epektibo at produktibo,yung nabubuhay ka at hindi mo masasabi sa sarili mo na pandagdag ka lang sa lumalagong populasyon ng bansa ,mabuhay ka ng may sense yung may right path na pinagbabatayan,yung may katuturan hindi lang puro happy happy COZ LIFE IS NOT JUST A PARTY!!! hindi lang puro rock and roll chillin chillin and tipsy tipsy wag mung gawing libangan ang mga bagay na nangangailangan ng kaseryosohan dahil may mga pagkakataon para sa ganyan mabuhay ka hindi lang para sa sarili mo mabuhay ka para sayo at para sa mundong ginagalawan mo ….



yan ang maturity payak na salita simpleng termino kumplikadong kahulugan at mahirap man isabuhay ngunit sa oras na makamit mo

saka mo mapapatunayan sa srili at sa buong mundo na ….TAO KA!!!!!!!!!!!!!!..



LEAVE YOUR COMFORT ZONE FACE LIFE!!!!!!!!!!!!!!!!









-nuqui,karljoseph04/29/10

Thursday, April 29, 2010

KaIBIGan


Parang icecream na kumukulo sa inet

Parang isang malakas na ulan sa panahon ng El Niño

Ganyan na nga ba kaimposibleng mahalin mo din ako?

Lalagyan ko ng tinta ang lapis

Gagawin kong parisukat ang earth

Hindi ko alam kung kakayanin ko

Pero mahal kita kaya handa akong magpakagago.

Kung may salamin man ang katotohanan

Sana’y mabulag na lang ako sa kasinungalingan

Kung ang tangi ko lang masisilayan

Ay ang ating imposibleng pagmamahalan.

Ngayong gising na gising na ako

Sa panaginip na matagal akong nilaro

Ngayo’y mulat na ang aking isip

Sana’y pati ang puso ko ay mahagip.

Itong nararamdaman ko’y gusto man labanan

Ang puso ko nama’y gusto pa rin subukan

Kahit alam kong magkaibigan lang tayo

Pasensya ka na miss sa kakupalan ko.

Sabi nga ni Dr. LOVE pagnagmahal ka

Hilingin mo na maging masaya sya

Mahalin mo lang sya ng mahalin

'Wag kang humingi ng kapalit na ikaw ay mahalin nya rin.

Madaling sabihin pero mahirap isabuhay

Ang mangarap ba nayon ay isa nang kasalanan??

Tulad ng hiling sayo ng iba mong kaibigan, gusto din kitang maging masaya.

Ngunit dadating pa kaya ang pagkakataon

Na ako naman ANG TANGING DAHILAN kung bakit ka MASAYA?

Hindi ko man masabi kung gaano kita kamahal nang harapan

Sa pamamagitan ng mga letra na ito aking hinahayag

Na minamahal kita ng lubos at ng buong katapatan.



-----
Mula kay Karl Nuqui ulet. hehehe. :)

PARA KAY 1ST CRUSH. SANA MABASA MO 'TO!!!

Pitong taon na ang nakalipas mula nung unang beses ako humanga sa isang babae nung ako ay nasa elementarya pa lamang. Pwede na rin nating sabihin na ito ang unang beses na natuto akong lumandi.

Ito ang istorya tungkol sa aking 1st crush.

Siya siguro ang pinakanaging dahilan. Siya rin siguro ang nagpatapang at nagpalakas ng aking loob nang ako’y mapasugod sa “OPERATION LIBRENG TULE” sa aming barangay na proyekto ni Mr. mayor

Sabihin na din natin na gasgas na gasgas din ang pangalan nya sa walang habas kong pagsusulat ng pangalan nya sa lahat ng slamnote/book na sinagutan ko noon. May mga tanung kasi dun na

*Who is your crush?????…….at kung hindi ako nagkakamali kasunod na tanung yun sa

*What is Love????…..

Sigurado ako lahat tayo nagdaan sa pagkakataon at mga panahon ng pagkakaroon ng crush o isang inspirasyon - inspirasyong pumasok sa eskwela na HINDI LAMANG ang pagkakaroon ng baon ang dahilan. Pag may crush ka, kanya kanyang pasikat, kanya kanyang paraphernalia, makapagpapansin lang. Daig pa ang kandidato sa panahon ng eleksyon.

Malaki rin ang naging epekto sa akin ni 1st crush. Sabihin na nating napakalakas nga ata ng tama ko sa kanya. Sa kabila ng mumurahing edad, nakaramdam na ako ng kakaiba.

Siya ang dahilan kung bakit ako gumagastos ng 4 pesos pambili lang ng pamada sa kanto para pagarain ang buhok ko. Punasin, hawiin, punyeta! Hawi dito, hawi doon, hawi sa gitna, hawi sa gilid, at sa bandang huli, Jose Rizal hair style ang kinakalabasan ng halos 30 minutos kong pagaayos sa harapan nang salamin. Kulang na lang eh pati ang kilay ko at mga buhok sa ilong ay lagyan ko na nang pamada.

NAAGGDAAAAN AANNNNGGGG MMGGAAAA AAARRRRAAAAWWWW!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

Napapansin ko noon na malapit na ang graduation. Konting tulog, konting pasok, konting tak-in ng polo, konting hawi ng buhok, konting pagpapakyut, konting banat at eto na nga!

GRADUATION NA!!!

Masaya sana. Pero pagkatapos no’n, wala na akong balita sa kanya. Hindi ko na siya uli nakita (hindi pa kasi uso ang mga text at chat noon). Wala na rin akong narinig tungkol kanya.

Haayayyayayayyyy. Nagdaan ang mahabang panahon. Masaya at puno ng mga suliranin at pagsubok na buhay …

PITONG TAON NA RIN ANG NAKALIPAS…ngayon ay nasa ikatlong taon na ako sa kolehiyo at kumukuha ng kursong pang inhinyero. Sobrang lawak na nang aking paligid. Masyado na ring malaki ang mundong ginagalawan ko at ang pinakapagbabago sa akin ngayon ay WAX na ang gamit ko sa halip na PAMADA! Impeyrnes, ramdam naman ang asenso. Yeahh!!!!

AKO: Maa, Bayad po. LRT estudyante. Pakisuyo naman po. Salamat!

DRIVER: Sukli ohhh

Laking gulat ko nung tumambad sa akin ang babaeng nag-abot ng sukli. Isang napakagandang babae. SIYA!! OO SIYA!! HINDI AKO PWEDENG MAGKAMALI! TAMA! SIYA NGA si 1st crush ko. Napakaganda pa din nya.

1stcrush: Karl????

Ako: Oo ako nga.

1stcrush: Kamusta? Estudyanteng estudyante ahhh.

Ako: Hehe. Hindi naman. Oh bayad ka na ba? San ka punta??

*bigla na lang syang natahimik*

Ako: Oh bakit? May nasabi ba akong masama?

1stcrush: Ay wala naman. Ahhm pupunta ko ng ospital. May sakit kasi yung anak ko.

*parang ako naman ang biglang natahimik*

Pitong taon na ‘yun. Pero parang na-blangko ako sa narinig ko. Para kong nakuryente. Parang tumigil ang pagfa-function ng lahat ng system ko sa buong katawan.

1stcrush: HUUUIIIII!!! ‘Nu nangyari sa’yo?

Ako: Ay, oh wala naman. May anak ka na pala.

1stcrush: Oo ehh. Hindi na nga ako nakatapos ng hayskul at karl din pala ang pangalan nya. Ito pic nya oh.

Ako: Waw ang kyut at kapangalan ko pa. Galing!

DRIVER: Oh lrt na. Mga bababa jan ohh.

Ako: Dito na lang ako

1stcrush : Oh sige.

Habang ako’y nakababa na, hindi ko namalayan na sa pambabae na pala ako nakapila. Napaisip ako nang malalim. Kahit pala patuloy tuloy ang takbo ng buhay, may mga bagay pa ring masarap balik balikan. May mga bagay na sana dinala ko at hindi ko iniwan sa nakaraan. Naisip ko si 1stcrush. May anak na siya. Pakiramdam ko hindi sya masaya. Nakikita ko ‘yun sa mga mata niya. Nakaramdam ako ng panghihinayang. Ewan ko kung bakit, pero parang nagbalik ang mga gunita ng nakaraan. Hayyyyyyy….

Hindi man naging kami, siya pa rin ang isa sa mga dahilan kung ano ako ngayon at patuloy kong babaunin ‘yun. Siya pa rin ang dahilan kung bakit alam ko ang pakiramdam kung paano magmahal.

Iba pa din pala talaga ang 1st crush.

Sa bandang huli, hindi man kami ang nagkatuluyan, SIYA PA RIN ANG 1ST CRUSH KO !!!!! at hindi na mababago ‘yun.



----
Kahit kelan talaga, isa sa pinakamasayang pag-usapan sa buhay ay ang first crush. Masarap balik-balikan. Isang alaala na manunumbalik sa gunita mo at biglang magpapangiti sa'yo. :D

Ang post na ito ay mula kay Karl Nuqui (kj_nuqui@yahoo.com). Add niyo sa Facebook. Baka ikaw ang sinasabi niyang first crush niya. hehehe. :D

(Thanks to www.pixdaus.com for the two kids. I mean, for the picture. heheh.)

Monday, April 26, 2010

Philippines: The Texting Capital of the World

“TEXTING Capital of the World” pa rin pala ang Pilipinas. ‘Yun ang sabi sa itaas e. Ibig sabihin, hindi pa rin tayo natatalo ng ibang bansa pagdating sa larangan ng paramihan ng katextmate, pakapalan ng kalyo sa hinlalaki, at pabilisan ng pagpindot-pindot.

Hindi ba’t ansarap malamang kahit paupu-upo ka lang diyan at patext-text sa tabi-tabi ay nakakapagbigay-karangalan ka sa bansa mo ng hindi mo alam?

Napapanatili mo sa pagiging numero uno ang ‘Pinas sa pamamagitan lang ng simpleng pagpapadala ng “eow po” at “hu u?” nang walang kahirap-hirap. Kaya naman ‘di na ‘ko magtataka kung malaman kong 1.39 bilyong text messages na pala ang ipinapadala nating mga Pinoy sa ating kapwa Pinoy, araw-araw! Oo. ARAW-ARAW! (Hindi pa kabilang diyan ‘pag araw-gabi na.) Samantalang humigit-kumulang 70 million namang Pinoy ang gumagamit ng cellphone sa ‘Pinas. ‘Yan ang malupet! Sa larangang ‘yan, talo lang naman natin ang mga malalaking bansa gaya ng Europe, America, India at China sa isang istatistikang walang kinalaman sa parumihan ng bansa.


Martin Cooper: "eow pho, txt ba 2?"



Motorola Dyna TAC

Elibs na talaga ako kay Martin Cooper, dahil kung hindi sa kanya, hindi matatawag ang bansa natin bilang “The Texting Capital of the World” (dapat ulit-ulitin, masarap sa pandinig!). Siya lang naman kasi ang unang taong nakaimbento ng Motorola DynaTAC—ang pinakaunang cellular phone sa mundo.

Ang nasabing device ay may sukat na 9 x 5 x 1.75 inches at may bigat na 2.5 pounds na maaari mong ipantawag sa loob ng 35 minutes, pero kinakailangang i-recharge sa loob ng sampung oras. Tikas. Ito rin ang ginamit ni Cooper upang isagawa ang pinakaunang pagtawag gamit ang isang cellular phone noong Abril 3, taong 1973. Samantala, ang una namang text message ay ipinadala sa United States ng isang Neil Papworth noong December 3, 1992 sa personal computer ni Richard Jarvis. Ano ang nilalaman ng pinakaunang text message sa kasaysayan? Isang simple, banayad, humahagod, at sobrang-bago-sa-pandinig na… “Merry Christmas”.

Hanga na talaga ako sa ideya ni Cooper na gumawa ng isang device na tutulong para sa ikauunlad ng samahan ng mga taong distansiya ang pagitan. Aakalain mo bang makakagawa ang mga imbentor natin isang araw ng isang simpleng telepono na slash messenger/calculator/mp3/email/ebook reader/virtual pet/media player/recorder/camera/radyo, slash TV, na magkakasama sa iisang device? All-in-one! Wala ka na talagang hahanapin pa! At hindi na ‘ko magtataka, na kung sa mga susunod na linggo ay malaman ko na lang na may nakaimbento na pala ng isang cellphone na may exclusively built-in refrigerator with double-burner gas stove. Hmm… ‘Nu sa tingin mo?

----------
Mula kay Jerald Jay Rebenito, Mr. Pogi ng Nova.
Bisitahin niyo rin siya sa kanyang bilangguan (tumatanggap siya ng libreng lugaw mula sa mga dumadalaw): http://jraldrbnt.wordpress.com

formspring.me

Tanungin mo na LAHAT! Wag lang MATH! http://formspring.me/kimhawon0730

Sunday, April 25, 2010

A Quick Guide to Choose A Candidate

Vote RIGHT: A Quick Guide to Choose A Candidate

A British Statesman once said: "All that is necessary for evil to triumph is for good men to do nothing." We need transformation as a nation. We make an appeal to all good men and women to help make this change possible. You can make the difference. If you do nothing, then you will be directly contributing to the evil that pervades our nation.

How do we choose the kind of leaders that will help turn our nation around? Here is a suggested quick guide:

Vote for leaders who exhibit:

R- Righteous Governance
I- Integrity
G- Giftedness
H- Heart
T- Track Record

RIGHTEOUS GOVERNANCE
Righteous Governance refers to a candidate's brand of leadership. How does your candidate decide on issues? How does he lead his constituents? Does he/she make decisions that promote justice, righteousness and peace? Does he/she use his influence as a platform for governing with prudence and foresight for the good of many? A candidate who governs righteously does not accept or offer bribes, and leads an example of eradicating graft and corruption within his area of influence.

INTEGRITY
A person of integrity is not perfect individual; rather, he or she is someone who desires to be accountable to those he leads. His walk should match his talk, and his public image must not be a result of a clever media makeover, but should be based on a solid character of trustworthiness. If and when he/she wrong decisions, he/she must be willing to take responsibility for it and not put the blame on others.

GIFTEDNESS
A candidate for a public office must have the qualifications and abilities necessary to carry out his/ her responsibilities successfully. A candidate must have a strengths, personality traits and innate capabilities needed to serve in a particular office he/she seeks to serve in. Some candidates will be good in handling people but will make for mediocre in managing finance, and vice versa. Still others are visionaries who can inspire greatness in thoso they lead, but will fail as implementers of their dreams. Be careful in voting for a previously successful public oppfficial. Study the new position he or she is seeking to fill. The candidate might not be the best person to serve in that position. Look for the kind of giftedness your candidate has.

HEART
How is your candidate's heart for God, for people, and for our nation? Does he/she see himself/herself as answerable not only to people, but to Someone infinitely higher than him/her? The heart, in my opinion, is the most important characteristic not only of a leader but also of a every single citizen of this country. This is true because THE HEART OF THE PROBLEM OF THIS NATION IS THE PROBLEM OF THE HEART.

TRACK RECORD
Look for your candidate's track record in a previously held public office, or if he/she is entering the council for the first time, consider how this candidate has proven himself/herself in his chosen profession or area of expertise before running for office. You need to also be informed about your candidate's track record in the other points of the guidelines I have just explained to you. Do you see a good pattern of righteous governance, integrity, giftedness and heart? If you do, then your candidate is one leader you should vote and support. Remember, vote RIGHT!

(Campus Crusade for Christ 2009)


GO, CHOOSE YOUR CANDIDATE, AND VOTE RIGHT!!!

2010 NATIONAL ELECTIONS CANDIDATES

PRESIDENTIABLES:
1 Acosta, Vetellano Seinez DODONG KBL
2 Aquino, Benigno Simeon III Cojuangco NOYNOY LP
3 De Los Reyes, John Carlos Gordon JC AKP
4 Estrada Ejercito, Joseph Marcelo ERAP PMP
5 Gordon, Richard Juico DICK B.BAYAN-VNP
6 Madrigal, Jamby AS JAMBY IND.
7 Perlas, Jesus Nicanor Pineda NICK IND.
8 Teodoro, Gilberto Jr. Cojuangco GIBO LKS-KAM
9 Villanueva, Eduardo Cruz BRO. EDDIE BP
10 Villar, Manuel Jr Bamba MANNY NP

VICE PRESIDENTIABLES:
1 Binay, Jejomar Cabauatan JOJO PDP LABAN
2 Chipeco, Dominador Jr Fuentecilla JUN AKP
3 Fernando, Bayani Flores BF B.BAYAN-VNP
4 Legarda, Loren Bautista LOREN NPC
5 Manzano, Eduardo Barrios EDU LKS-KAM
6 Roxas, Manuel Araneta MAR LP
7 Sonza, Jose Yumang JAY SONZA KBL
8 Yasay, Perfecto Rivas KIDLAT BP


SENATORIABLES:
1 Acosta, Jr. Nereus Olaivar NERIC LP
2 Albani, Shariff Ibrahim Hussien SHARIFF KBL
3 Alonto, Zafrullah Marohombsar NOLDY BP
4 Bautista, J.V. Larion J.V. BAUTISTA PMP
5 Bautista, Martin Donato DR. BALIKBAYAN IND.
6 Bello, Silvestre III Hernando BEBOT LKS-KAM
7 Biazon, Rozzano Rufino Bunoan RUFFY LP
8 Bong Revilla, Ramon, Jr. Bautista KAP LKS-KAM
9 Caunan, Henry Buenaventura HENRY PDP LABAN
10 Cayetano, Pilar Juliana Schramm PIA NP
11 David, Rizalito Yap LITO AKP
12 De Venecia, Jose III Perez JOEY PMP
13 Defensor Santiago, Miriam Palma MIRIAM PRP
14 Drilon, Franklin Magtunao FRANK LP
15 Enrile, Juan Ponce -JPE PMP
16 Espinosa, Nanette Meliton ATE NANETTE KBL
17 Estrada, Jinggoy Ejercito JINGGOY PMP
18 Guico, Ramon, Jr. Naval GETS KO LKS-KAM
19 Guingona, Teofisto III De Lara TG LP
20 Hontiveros-Baraquel, Ana Theresia Hontiveros RISA H. LP
21 Imbong, Jo Aurea Marcos ATE JO AKP
22 Inocencio, Ma. Katherine L. Reyes KATA BP
23 Lacson, Alexander Ledesma PINOY LP
24 Lambino, Raul Loyola RAUL LKS-KAM
25 Langit, Rey Magat REY LANGIT LKS-KAM
26 Lao, Yasmin Busran YAS LP
27 Lapid, Manuel Mercado LITO LKS-KAM
28 Lim, Danilo Dela Puz GENERAL DANNY IND.
29 Lood, Alma Abella ALMA KBL
30 Lozada, Jose Apolinario Jr Leconia JUN PMP
31 Maambong, Regalado Estrella DODONG KBL
32 Marcos, Ferdinand, Jr. Romualdez BONGBONG NP
33 Maza, Liza Largoza LIZA MAZA NG GABRIELA IND.
34 Mitra, Ramon Blanco MON-MON NP
35 Nikabulin, Adz Ganih COUNT HABIS BP
36 Ocampo, Ramoncito Poblete MONCHING BP
37 Ocampo, Saturnino Cunanan SATUR BAYAN MUNA
38 Ople, Susan Vasquez TOOTS NP
39 Osmena, Emilio Mario Renner PROMDI PROMDI
40 Osmeña, Sergio III De La Rama SERGE IND.
41 Palparan, Jovito Jr Salvaña JOVI IND.
42 Papin, Imelda Arcilla IMELDA PAPIN KBL
43 Paredes, Zosimo Jesus II Mendoza JESS AKP
44 Pimentel, Gwendolyn De La Llana GWEN PDP LABAN
45 Plaza, Rodolfo Galido OMPONG NPC
46 Princesa, Reynaldo Relucio PRINCE IND.
47 Querubin, Ariel Oliva MARINES NP
48 Recto, Ralph Gonzalez RALPH LP
49 Remulla, Gilbert Cesar Catibayan GILBERT NP
50 Riñoza-Plazo, Maria Gracia De Veas GRACE AKP
51 Roco, Sonia Malasarte SON LP
52 Sison, Adrian Ordonez ADRIAN AKP
53 Sotto, Vicente III Castelo TITO NPC
54 Tamano, Adel Abbas ADEL NP
55 Tamayo, Reginald Balisi REGIE AKP
56 Tarrazona, Hector Mirasol TARZAN AKP
57 Tatad, Francisco Sarmiento KIT GAD
58 Tinsay, Alexander Britanico ALEX TINSAY BP
59 Valdehuesa, Manuel Jr Echem MANNY AKP
60 Villanueva, Hector Labao KA HECTOR KBL
61 Virgines, Israel Nicolas DR. ISRAEL BP.

------
http://www.facebook.com/notes/mavirick-sta-ana/a-quick-guide-to-choose-a-candidate-includes-the-list-of-presidentiables-vice-pr/388745837590#!/note.php?note_id=388745837590

Bob Ong: Hindi Sino, Kundi Kanino ang Iboboto Mo?

Meron kang dalawang uri ng boto: Ang una ay ang "boto ng konsensya". Ito ay para sa pinunong kinilatis mo, pinag-aralang maigi, pinaniniwalaan, at inaasahang may magagawa para sa bayan. Ang ikalawang uri ay ang "boto ng diskarte". Ito ay para sa kandidatong iboboto mo na lang para hindi manalo ang ayaw mo.

Para sa akin, mas matatanggap kong pamunuan ni Kiko Matsing ang bansa ko nang nagampanan ko nang tama ang tungkulin ko sa bayan bilang botante, kumpara sa makapagluklok ako ng ibang pinuno na resulta ng pagtalikod ko sa obligasyong bumoto nang tama. Dahil sa sandaling talikuran ko ang tama--sa ngalan ng diskarte--ay binibigyan ko na rin ng lisensya ang mga pinuno ng bayan ko na kumilos base sa diskarte, kapalit ng tama.

Ang boto ng konsensya ay base sa pag-asa. Ang boto ng diskarte ay base sa takot.

Ang bayan ng mga botante ng diskarte ay walang maaasahang pamunuan ng konsensya. Ang mga mamamayang kuntento na sa "pangalawang tama" ay mapagkakalooban ng pinunong ganoon din ang pamamalakad. Ang bansang hindi natututo, habambuhay na lang bibigyan ng leksyon.

Ini-endorso ko ang pagboto nang tama. Pwedeng matalo ang kandidato mo, pwedeng mangulelat. Pero mararamdaman mo lang ang kalayaan mo bilang tao at kapangyarihan mo bilang mamamayan sa Ika-sampu ng Mayo pagnasabi mo sa sarili mong "Napagkalooban ako ng karapatang pumili ng pinuno ng bayan ko, at nakaboto ako base sa sarili kong desisyon at ayon sa konsensya ko."

Kalapastanganan sa sariling dangal ang pagboto sa taong iba sa tunay mong pinaniniwalaan--dahil man ito sa may tumutok ng baril sa ulo mo, may bumili ng iyong boto, o mag-isa pong piniling iboto na lang kung sinuman ang tingin mong mananalo.

Hindi nasasayang ang boto sa mga talunang kandidato. Nasasayang ito sa mga talunang botante.

Kung iboboto mo ang boto na ayon sa desisyon ng iba, sino pa ang boboto ng ayon sa desisyon mo?

---
http://www.facebook.com/?ref=home#!/notes/bob-ong/hindi-sino-kundi-kanino-ang-iboboto-mo/386510001469

Jh3jh3mOwN InVaxiOn

eOOHw PFOU amushtaah na fhou kayohw? jejeje >:))

Sa hindi maipaliwanag na dahilan, biglaan ang kanilang pagsikat. Matagal na silang nag-eexist sa mundo, pero ngayon lang sila nabigyan ng pansin. Nakapag-blog na rin ako dati ng tungkol sa mga ito pero hindi ko pa alam noon na may tawag na pala sa mga nasabing hindi maipaliwanag na nilalang. Sinubukan kong kunin ang panig ng mga ito, nagawa ko naman. Kaso hindi ko sila mAHintHindiHaAnN.

Jejemons. Kung paano nagsimula ang pagtawag sa kanila sa ganyang pangalan, eh hindi ko ahLaHhm. Basta ang alam ko lang, sikat sila ngayon. Dumadami ang mga fan page nila sa Facebook at tinalo pa ang mga kandidato sa dami ng campaign posters at ads sa TV - pero hindi para i-endorse sila, kundi para anoUwH., vAsTa.. jEjE..

Kung ita-type mo ngayon sa Google (www.google.com) o kaya sa Yahoo! (www.yahoo.com) ang salitang "jejemon" sasambulat sa pagmumukha mo ang napakaraming blogs, pictures at kung anu-ano pang mga uri ng kritisismo sa pagkatao ng mga jejemons na akala mo e kasing tindi ng ketong ang pagiging jejemon. Kinaiinisan, kinayayamutan, kinayuyurakan-lahat na! Kung isa akong certified jejemon since birth, magtatakip ako ng bayong sa ulo, wHaG lhArn niLaH mHaLamhaN nuAh jH3jh3moUhn aqkeW.




Ayon sa UrbanDictionary.com, ang "Jejemon" daw ay:

"..individuals with low IQs who spread around their idiocy on the web by tYpFing LyK diZS jejejeje, making all people viewing their profile raise their eyebrows out of annoyance. Normal people like you and me must take a Bachelor of Arts in Jejetyping in order to understand said individuals, as deciphering their text would cause a lot of frustration and hair pulling.."

Individuals... with.. low.. IQ.. Tsk. Tsk. Pero may mga kilala naman akong jejemons na nananalo sa quiz bee.

Country: Jejeland
Nationality: Jejemon
Language: Jejenese
Favorite Apparel: Jejecap
Interested in: Jejegirls and Jejeboys

Dati pa naman may mga Jejemons, hindi nga lang sila sikat at wala pang mga pangalan. Biglaan na lang silang sumikat. Pero para sa'kin, matagal na sanang sumikat ang mga Jejemons para mas naisalba pa ang nakararami sa "panggugulpi" sa wika.

Sabi ng isang kolumnista sa lifestyle section ng Inquirer.net (http://lifestyle.inquirer.net/2bu/2bu/view/20100424-266068/gtJejemons-The-new-jologs), kung ang Jejenese ay ang naging medium of language sa mga paaralan sa bansa, isipin mo na lang kung paano ang magiging spelling ng ating pambansang awit: “bAiAn9 mA9ieLiWh pUrlAsh n9 xIlan9aNaN …” o kaya 'yung isang tula ni Rizal: “mEih UltIMoiX aDioSxH.” O di kaya naman ang pagpunit ng sedula nila Bonifacio, "pHuniTin aHng mHgA phUnyHeTaNg sEduLaAhhH!" Hay. Kakaloka.

Pero kung iniisip mo na sa 'Pinas lang kalat ang mga ganitong lahi, medyo nagkakamali ka ng konti. Ayon din sa Inquirer.net, kahit ang mga European e gumagamit din ng Jejenese. Mahilig din daw sila magtype ng "jejeje" lalo na 'pag naglalaro ng Dota, at 'yung mga Thai naman, kung magtype ng "hahaha" ay "5555." Ewan kung bakit. Kanya-kanyang trip.

Tsk. Tsk. Kahit saang anggulo mo tignan, malinaw na pang-aabuso sa wika ang ginagawa ng mga Jejemons. Ang mali lang sa panahon ngayon, pati ang mga pagkatao ng mga Jejemons e damay na din sa mga kinamumuhian ng karamihan. Ang simpleng intensyon na maging "astig" sa paningin ng mga taong kausap o katext nila, nauwi sa pambansang pagkayamot at pagiging mababaw na tingin sa kanilang mga pagkatao.

Pero tignan mo naman ngayon, lahat e parang gusto nang maging Jejemon. Ibig kong sabihin, kung bibisita ka sa mga websites na tumatalakay ng tungkol sa mga Jejemons, lalo na sa mga fan pages na ginawa ng mga yamot na yamot sa mga nasabing lahi, makikita mo naman na sinusubukan nilang magiging Jejemon. KeHit phAviRouH lhAnG.. Ikaw din naman di ba? Jeje.

Kung isa kang Jejemon at pakiramdam mo e nakakatuwa ka, pumunta ka dito sa bahay namin at nang ma-jejemon ko 'yang mukha mo. Hindi ako nakakaintindi masyado ng Jejenese, Korean pwede pa. Bukod sa mahirap isulat, e nakakasira pa ng utak at bituka. At kung susubukan kong magtype sa paraang Jejenese, uMhAaBhotT aqKewH nG sAmpUng dHekaDah. Hindi naman sa galit ako sa mga Jejemons, asar lang ako sa pagiging Jejemon nila. Kung hindi pa sila titigil, ay ewan ko na lang sa'yo teh.

Simple lang naman ang isyu. Dapat umayos ang lahat sa paraan ng pakikipag-usap nila, at respetuhin ang wika. Kung ngayon pa lang, dumadami na ang gumagamit ng mga nakasusulasok na paraan ng pagtetext, paano pa kaya ang mga susunod na henerasyon? Nakakatawang isyu, pero kung iisipin, hindi na ito nakakatuwa.

yOwh jh3jh3moUns! let'S rOck 'eN roLl mh3n! 3L mHaldiTah iZ iN dAh haUz, yowH! :)

Peace! :)

--------------
Credits to www.yahoo.com for the image used above. (english! hehe)

Wednesday, April 21, 2010

BOBOto Ka Ba?

Scenario 1:

Babae 1: Ei friend, sino boboto mo?

Babae 2: Si Miniskempertush Vibeberloo.

Babae 1: Eh bakit naman?

Babae 2: Wala lang. Sikat eh. Gaganda ng mga commercials. Kaw ba?

Babae 1: Wala pa nga eh.

Babae 2: Gaga, 'yun na lang. Para pareho tayo.

Babae 1: O sige na nga.

Scenario 2:

Boy 1: Pare, sino boboto mo?

Boy 2: Si Noyong Akekong. Wala daw korap 'pag siya eh.

Boy 1: Obobs! Eh halos lahat naman nagsasabi ng ganun!

Boy 2: Eh yaan mo na! Muka naman mabait. Pwede na siguro 'yun.

Scenario 3:

BF: Honeybabes, sino boboto mo?

GF: Wala pa nga eh. Wala ko maisip. Ikaw ba?

BF: Si Gistoknus Tuskani na lang. Kawawa naman. Mukhang matatalo.

GF: Eh bakit iboboto mo pa eh muka na ngang matatalo?

BF: Basta lang. Tsaka gwapings eh. Pareho kami. Di ba babybunchie?

GF: No comment. Hhhhm. Si Junaknak Estopiados na lang ako.

BF: Oh baket?

GF: Wala. Mukhang mananalo eh. Para quits.

Scenario 4:

Binata 1: Sino Mayor mo 'pre?

Binata 2: Si ano na lang, sino nga ba yun? 'Yung may malaking poster d'yan sa tabi nila Aling Petra?

Binata 1: Ah si Kulas Madugas?

Binata 2: Oo pala. 'Yun na lang boboto ko.

Binata 1: Bakit 'yun??

Binata 2: Eh siya lang kilala ko 'pre. Andami niya kayang poster dyan sa tabi-tabi.

--------------------------------------
Kita mo ang problema?

Halalan na naman ilang araw matapos kong itype ang blog na 'to. Ang tanong, sa hinahaba-habang panahon na ibinigay sa'tin ng pagkakataon para pumili ng karapat-dapat na lider ng bansang 'to, nakapag-isip na ba tayong mabuti? Oh isa ka lang din sa mga BOBOto na gaya ng mga bida sa mga scenario sa taas?

Napakaraming first time voters ngayon. Napakaraming baguhan - katumbas ng milyong-milyong utak na hindi binibigyang pansin ang isang bagay na babago sa takbo ng buhay ng lahat (kung ganoon nga talaga ang mangyayari sa magiging bagong lider ng bansa.) Nakakalungkot isipin na hindi man lang tayo nag-iisip mabuti. Pagbabago ba talaga ang hangad mo? O basta lang makaboto at mamantsahan ng tinta ang mga daliri mo, tama na sa'yo?

Sa mga tatakbong lider naman ng bayan. Ilang libong kandidato sa ilang libong pagkakataon - lahat nangako ng pagbabago. Kaso anong nangyari? Kaliwa't-kanang korapsyon at pang-aabuso sa kapangyarihan ang naging sukli ng mga kasalukuyang lider sa hikahos na bansa. Parang sakit na nakakahawa, epidemyang hindi malapatan ng lunas ang korapsyon. Hindi ko alam kung bakit.

Kahit paano naman, may mga pinaniniwalaan din ako sa mga sinasabi ng ilang mga pulitiko sa kanilang mga advertisements sa TV. Ang takot ko lang, sigurado kayang matutupad nila ang kanilang mga pangako sa bayan? O baka sasama lang sila sa hanay ng mga dakilang magnanakaw ng Pilipinas?

Simple lang naman. Bumoto nang wasto. Ilaan ang ilang oras ng araw mo para magmatyag. Magbigay ng panahon para magbasa sa internet ng tungkol sa mga kumakandidatong lider. O kaya magbasa ng mga artikulo na kaugnay sa mga pulitikong ito. Kahit ilang oras lang. Mahabag ka naman sa bansa mo.

Ikaw? Boboto ka ba? o BOBOto ka?


----

Salamat sa http3.bp.blogspot.com_z7EgmP1awV4Rkf39Zk0vIIAAAAAAAAAvMCAA6dm_6Xjos400fp051407_b.gif para sa larawan. :)

Thursday, April 1, 2010

Mahal na Araw. Araw na Mahal.

Sabi ng tito ko, panoorin daw namin 'yung binili niyang DVD na "Ten Commandments". At pinanood naman namin. Kaya lang, hindi ko alam kung pinanood ko ba 'yun dahil sa gusto ko talaga mapanood 'yun o dahil sa sinabi lang ng tito ko.

Nasa bahay lang ako tuwing Mahal na Araw. Bukod sa wala naman akong pupuntahang probinsya, at hindi ko rin binalak gumala, e talagang nasa bahay lang ako kasi.. kasi ano.. ahm.. alam ko panata ko na talaga na nasa bahay lang tuwing ganitong mga panahon. (tatakasan ko na lang 'yung sentence na 'yun). Sabi ng nakararami, sagrado daw talaga ang pagdiriwang ng Semana Santa sa 'Pinas at sa tingin ko naman e walang duda 'yun. Kaso napapansin ko lang, habang lumilipas ang panahon, sumasabay din dito ang pagkaubos ng mga taong tunay na nagpapahalaga sa banal na linggo na ito.

Dahil nga sa paniniwalang Pinoy na sagrado ang mga araw ng Huwebes Santo, Biyernes Santo at Sabado de Gloria, hindi nagpapalabas ang mga TV networks ng mga regular programs kundi mga lumang pelikula, mga misa, at documentaries na tungkol sa buhay ni Jesus. Natutuwa naman ako sa mga araw na 'yan kasi mapapanood ko na naman 'yung paborito kong "Sarah, ang Munting Prinsesa" o kaya 'yung "Agua Bendita Marathon Special". Tapos maiisip ko na lang, ginugunita ko ba talaga ang Mahal na Araw kung pinause ko muna saglit (mga 2 hours) 'yung pinapanood kong Ten Commandments para mapanood 'yung One More Chance ni Bea at John Lloyd? Tsk.

Maraming tao sa beach ngayon, sigurado. Nakakainis lang minsan 'yung mga taong nakikita natin madalas sa TV na sila pa 'yung nairereport na sobrang enjoy sa kasiswimming. Wala namang masama 'dun, kung hindi mo iisiping masama 'yun. Ang sa akin lang, marami pa namang araw ang lilipas sa summer vacation natin, pwede namang ipagpaliban muna 'yun ng mga ilang araw para naman kahit paano e maipakita natin na nakikisalo tayo sa pagdiriwang ng Semana Santa. Hindi ba't mas maigi nang pumunta sa mga simbahan at magdasal kesa pumunta sa mga beach at maglagay ng sunblock?

'Yung iba naman nating mga kababayan na sa sobrang kagustuhan nila na maiparamdam sa Panginoon ang pagpapasalamat nila sa ginawa Niyang pagpapakasakit sa atin, e hanggang ngayon nagagawa pa ring magsagawa ng mga "sagradong gawain" o mga penitensya gaya ng pagpapapako sa krus at paghampas ng something sa likod habang may pasang krus at naglalakad sa kalagitnaan ng matinding sikat ng araw. Muli, wala namang masama doon. Kaya lang, siguro hindi naman 'yun ang paraang ginusto ng Panginoon para magsisi tayo sa ating mga kasalanan. Sa tingin ko, hindi siya nasisiyahang panoorin na naghihirap ang mga taong Siya mismo ang nagligtas. Mas mabuti siguro kung ipakita na lang natin sa iba at mas simpleng paraan ang taos-puso nating pagbibigay pugay sa ginawa ng Panginoon para sa atin gaya ng pagsisisi sa mga kasalanan, paggawa ng mabuti at pagbibigay natin ng pangako sa Kanya na habang tayo'y nabubuhay, paglilingkuran natin Siya at habambuhay na magiging mabuting mga anak Niya.

Amen.


---
Salamat sa http://www.mybataan.com/deathmarch/wp-content/uploads/2009/04/samal_holy_week.jpg para sa larawan.

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | Edited by PedXing-ArAr