Sunday, March 22, 2009

Tara, Txt2?

Ayos lang maging adik sa text. Ayos lang kung mas mahalaga sa'yo ang load kesa sa tuition fee mo. Ayos lang kung may 1242 kang katext sa isang araw. Ayos lang din kung mukha ka nang keypad. Pero 'yung pag-kaadik mo sa pagbabago ng spelling ng mga salita sa text, ewan ko kung ayos pa 'yun.

Hindi ko alam kung bakit bwisit na bwisit ako sa mga nagtetext sa'kin na pilit binabago at "pinapaganda" ang style ng pagtetext nila. 'Yun bang hindi mo alam kung may sinasabi nga ba talaga siya o baka sinusumpa ka na niya dahil sa kakaibang spelling ng mga salitang ginamit niya. Kanina lang, nagtext 'yung kaklase ko nung high school. Nangangamusta. Hindi ko alam kung talagang nangangamusta siya o nang-aasar lang. Eto yung tinext niya:

..=.=.. wOooIii! eYych bvaqKla qKa! qKamUztAh qKa nAh?! ta6aL nAh nAtEn ndiH na6qkiTah! bvaQkiT n6euN qKa laNg ngFaRamdAm hUhh?! amFfneSs qKa! dIto nAh qEw n6eUn sa **** nA6-aaRaL.. qKaw? nUh cOrz mOeH? qKaqKamiZ aMan pfue keU! teXt mOeh diN mEh hUhh? miz U pFwend! mWaAaAhKzS! ..=.=..

(wooh!) An6 hiRaf.. ooopss.. Ang hirap itype nun huh? Naiyak ako habang binabasa 'yung text niya. Hindi ko alam kung anong parte ng katawan ko 'yung dapat dumugo. Nakabuhol ngayon ang dila ko dahil sa text na yan. Kala ko tuloy naging alien na siya at taga-Neptune na siya ngayon, maiinggit sana ako. Natagalan bago ako magreply. At eto lang ang nasabi ko sa kanya - "Ah ok. hehe."

Okay lang naman 'yung simpleng pagpapaikli ng text gaya ng - "Kumain knb?" o kaya "Wer na u? D2 na me." 'Yan maiintindihan ko pa 'yan. Pero 'yung text sa taas? Nakakawasak ng bituka 'yun. Sana lang wala na kong matanggap na ganung text sa susunod. Ewan ko ba kung bakit naging ganun ang style ng pagtetext ng nakararaming kabataan ngayon. Sabi nga ng kapatid ko, hindi daw ako marunong magbasa ng text. Sabi ko, marunong naman ako. Text lang ang hindi marunong bumasa saken.

Problema na yata 'to ngayon. Sabi kasi nung lecturer namin sa Journalism, nagkakaproblema daw sila sa mga young journalists nila kasi kadalasan, mga pinaikling salita sa text ang nagagamit nila 'pag gumagawa sila ng mga reports. Tsk. Tsk.

Kung nahirapan kang basahin ang text ng classmate ko, eto 'yung sinabi niya (inintindi kong mabuti 'to!):

"Woi Eych bakla ka! Kamusta ka na? Tagal na natin hindi nagkita! Bakit ngayon ka lang nagparamdam ha? Amffness ka! Dito na ko ngayon sa **** nag-aaral. Kaw? Ano course mo? Kakamiss naman po kayo! Text mo din me ha? Miss you friend! Mwaah!"

Babayaran ko ang makakapagsabi sa'ken kung ano ang "amffness" at ng ..=.=.. .

5 comments:

Anonymous said...

hahaha ayus!!! ;p

Eych said...

kaasar kasi., hehe. =)

Anonymous said...

=.= - smiley

Anonymous said...

okies naman yung magtxt kaya lng sana malinaw hahahaha!!! ;p

Eych said...

oo nga. hindi yung mga text na nakakawasak ng bituka hahaha! :)

Post a Comment

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | Edited by PedXing-ArAr