Kung iniisip niyo na ang PedXing ay puro katatawanan lang, nagkakamali kayo ng konti. Tumatanggap din kami ng mga blog entries tungkol sa mga tunay na kwento ng buhay. Sa ngayon ay senti mode muna tayo. Basahin niyo ang ipinadala ni.. ahmm.. itago na lang natin siya sa pangalang Cosmicaddict, na tungkol sa kanyang buhay pag-ibig.
Na-inlove ka na ba? Ako siguro, ilang beses na. Hindi ko na mabilang kung ilang beses ako umiyak, nagparaya o nagsakrisyo para lang sa tinatawag nilang "pag-ibig".
Nakakatuwa isipin na sa bilyong-bilyong tao sa mundo ay makakatagpo ka ng taong para sayo. Kaya lng paano kung huminto na siya magmahal sayo?! Paano na?
May nangyari na ba sa buhay mo na naisip at naramdaman mo na siya na ang taong para sayo. Kumbaga parang dininig ni LORD yung mga panalangin mo.. hahaha Grabe kulang nalang magtatatalon ka sa tuwa.. Nangyari saken yun akala ko siya na!!! Halos buuin ko na lahat ng plano ko sa buhay, kasama na dun ung pakasalan siya haha nakakatawa noh? Kulang nalang sambahain ko siya at gawan ng rebulto.. Buong mundo ko ay pinaikot ko sa kanya.. Hindi ko akalain na iba pala kami ng iniisip.. hay nakakalungkot para sabihin ko sa inyo mabait siyang tao.. Mabait na anak, matulungin na kaibigan, at palabirong ehem boyfriend ... Ang masasabi ko lang ay medyo naging komplikado ang relasyon namin (nyay! parang friendster lang noh? it's complicated.). Siguro nagkataon lang na kailangan niya bigyan ng pansin ang kanyang pamilya at trabaho. Ng mga panahong yun eh nag-wowork din ako heheh .
Ang kaso "breadwinner" ako kaya medyo limitado ang oras naming dalawa sa isat-isa. Dumating din yung mga oras na halos hindi na kami magkaintindihan pero pinilit ko pa din intindihin at unawain siya dahil hello?! Sabi ko nga sobrang in-love nga ako sa kanya. Nasabi ko bang nag-aral siya sa isa sa mga ehem! exclusive university dito sa maynila? tama in short medyo nakaka-angat sila sa buhay samantalang ako eh hamak na nag-aaral lamang sa isang university dyan sa tabi-tabi (malamang-alam niyo na yun hehehe). Kahit na ganun eh nakatapos naman ako at malamang alam niyo na kung anung kurso ko? ano pa basta may relation sa medical field? hehehe Si boyfriend naman ay nagtapos sa kursong may related sa arithmetic. Wala naman kaming masyadong naging problema eh. Nakadagdag lang siguro ung kutob ng isang babae. Walang third party na nangyari, nagkataon lang siguro na hindi ako gusto ng mga magulang niya (yun ung pakiramdam ko nung mga panahon na yun).Tapos medyo naging needy girfriend din siguro ako kasi ang oras niya lagi ay nasa magulang niya, trabaho at pag-aaral. Dahil sa mga yun eh halos hindi kami nagkita ng isang buwan pero ayus lang kasi nakapaghintay naman ako. Dumagdag pa sa eksena yung pagkaselosa at iyakin ko kaya siguro narindi na siya sa maga pangyayari... Ilang buwan ding kaming nagsama pero hanggang ngayon eh hindi ko makakalimutan yung mga sinabi niya;
"Mahal kita pero hindi ko kayang makita na umiiyak ka lagi ng dahil sa akin. Hindi ko din kaya na ganito nalang lagi yung nangyayari, paulit-ulit kitang pinapaiyak. Habang ikaw yung nagbibigay ng sobrang pagmamahal ako naman yung tanggap lang ng tanggap ng pagmamahal mo. Pasensiya ka na kung hindi ko ma-express kung gaano kita kamahal pero sa palagay ko hindi ko maibigay yung mga needs mo. Kailangan na natin maghiwalay kasi ang feeling ko parang hindi ako nag-eexist sa buhay mo, parang wala akong kwenta.."
Ibang klase yung dialogue niya di ba? habang sinasabi niya sa akin yan ay walang tigil na tumutulo yung mga luha ko.. Naman! feeling ko ng mga panahon na yun eh parang bato siya.
Lumipas yung ilang buwan at taon hindi ko parin siya malimutan pero sa palagay ko malaki yung naitulong niya sa akin kahit hindi na kami nagkita at nag-usap ulit. Sabi niya kasi noon na kapag may pangarap ka Huwag mo lang panagarapin gawan mo ng paraan. Natuto din akong magpatawad at siyempre mag-move on. Marami din akong natutunan sa kanya kahit na sobra-sobrang pananakit yung ginawa niya.. Natutunan ko ang magtiwala sa tao, magpalaya at magmahal muli ng tunay.
The End.
..'yun ang maganda kapag nasaktan ka, marami kang bagay na natututunan na magagamit mo para mas maging malakas at matatag ka kapag hinarap mo ulit ang isang bagay kung saan ka mismo nasaktan. Sana may natutunan kayo sa love story ni Cosmicaddict.
Kung gusto niyo ring magbahagi ng mga stories niyo, e-mail niyo lang sa avellana@ymail.com o rrr1229@ymail.com.
(Pinagkuhaan ng larawan: http://www.flickr.com/photos/cattycamehome/98433576/)
Saturday, March 21, 2009
A Blogger's Love Story (Serious 'to!)
6:45 PM
Eych
4 comments
4 comments:
how sad naman..
ouch talaga hehehe
atlis may lessons na natutunan hehe
hahaha mas worse talaga yung feeling pag naramdaman mo kesa sa na-imagine mo hehehe
Post a Comment