
Nakakaloka ang anim na kwentong ipinadala ni Violet dito sa PedXing. Nakakaloka pero tatamaan ka talaga. Basahin niyo din at enjoy!---------------------------------------------Anim na kwentong kabit-kabit… buhol-buhol… nangagkumpul-kumpol.Anim na pinagtagpi-tagping mga kwentong may kapayakan ngunit maaaring lakipan ng may kalaliman din namang mga reaksyon at mga katanungan.Sa DyipSa isang kakarag-karag na pampasaherong dyip, may isang lalaking nasa edad treynta-mahigit ang may katagalan nang paulit-ulit na sumusulyap sa kaharap na pasahero -- isang babaeng naka-all white na uniporme, pang-nursing student… tila ba sinusuri… hindi, tila ba hinuhubaran na ang walang kamuwang-muwang na babae sa bawat panakaw nitong titig!Nadaan ang dyip sa isang...