Saturday, February 28, 2009

Ang Labo ng Boys!

(Ang buong akala ko, ang suki natin dito sa Pedestrian Crossing na si Nats ay isang lalaki, yun pala, isa rin siyang babaeng hinugot sa tadyang. Peace nats! hehe. Basahin niyo ang isang maikling blog entry na kanyang ipinadala samin tungkol sa mga kalalakihan.)

ANG LABO NG BOYS... :)

If you smile at them, they think pa-cute ka
If you don't naman, sasabihan kang suplada
If you respond to his love agad, they think you're easy to get
If it took you years to decide, sobra kang pa-hard to get
If you go out with him alone, sasabihan kang flirt
Kapag may chaperon along, bad trip kasi madidisturb
If u go out with another guy, tingin sa 'yo play girl
'Pag stick ka sa kanya, they'll proclaim you're dead na dead
If u ask him where he's been, sasabihan kang over-protective
'Pag pinabayaan mo naman, they think you're fooling lang
If you let him kiss yah, he thinks you're cheap
If you refuse naman, he'll go find another chick...
-- hehe. :)

nats.



Oh boys, sapul ba kayo? Aminin! Hehe
Dapat siguro ay magkaroon din ito ng version na, "Ang Labo ng Girls".


Salamat kay Nats!

e-mail: nathalie_duh@yahoo.com

Sunday, February 22, 2009

Absent Si Ma'am!!

"Woi! Wala daw si Ma'am!!"

"YEEEEEEEEEEESSSSSSSSS!!!!!!!"


Itong mga nakaraang araw, palagi kaming walang Prof at hindi ko alam kung bakit dahil wala rin naman sa amin ang may balak na tanungin kung bakit nga ba absent yung mga Prof namin. Basta ang alam namin, ito na ang pinakamagandang balitang kayang masagap ng tenga namin sa isang nakakatamad na araw.

Ewan ko sa ibang klase, pero sa section namin, instant fiesta kapag sinasabi ng president na absent yung Prof namin, para bang ang pagkawala ng teacher ang solusyon sa problema ng bansa. Ang sarap nga naman kasing isipin na sa isang parte ng araw mo e wala si Ma'am/Sir para magsalita nang magsalita sa harap ng mga bagay na hindi mo trip marinig. Ayos minsan kapag hindi ka nakapag-review sa quiz niyo para sa araw na 'yun tapos biglang wala pala yung teacher niyo, kala mo ligtas ka na sa lahat ng problema at pwedeng hindi ka na mag-suicide mamaya. O kaya pag wala kang assignments, naku, pwede ka nang tumambling sa tuwa dahil naligtas ka. Sa napakaraming pagkakataon, saya talaga pag walang teacher!!

Kung bakit masaya pag walang teacher, eto ang mga sumusunod na dahilan:
  • Pwedeng mag-ingay o makipagdaldalan sa kahit sino, ingat lang sa mga teachers sa kabilang room na magsasabing "Bakit ba ang ingay niyo? May nagkaklase sa kabila! Sinong president niyo?" Nakakapagtaka lang minsan kasi bigla kaming nawawalan ng president sa mga ganyang pagkakataon.
  • Pwedeng mag-review para sa susunod na subject kung saan kayo may quiz. Pero madalas hindi ako nakakareview dahil mas maganda pag-usapan ang Twilight kesa magreview sa Math.
  • Pwedeng lumabas ng classroom. 48 kami sa klase, 8 na lang 'pag walang Prof.
  • Pwedeng tumayo at mag-ala-supervisor sa loob ng classroom. Pwede kang pumunta sa kahit sino sa loob ng room niyo. Madalas ko 'tong gawin.
  • Pwede kang umupo kahit saan mo gusto. Gaya ng picture sa taas, ganun kadalasan ang itsura ng classroom 'pag walang teacher.
  • Pwede ka ding matulog. Boses ng mga kaklase mo na nagsasabing "Good Morning Ma'am" ang magiging alarm clock mo.

Ang saya talaga 'pag walang teacher kasi pakiramdam mo lahat e kaya mong gawin. Iniisip ko nga, ano kayang pakiramdam ng isang teacher 'pag nalaman niyang ang pagkawala niya sa isang araw ay isaang napakagandang biyaya para sa mga estudyante niya? Pero minsan, nakakaasar din kapag nagreview ka nang mabuti para sa exam niyo sa araw na 'yun at nakapagrosary ka na sin para makapasa tapos biglang wala palang teacher, at 'yung ibang classmates mo e tuwang tuwa naman. Sarap talagang maglabas ng kapangyarihan sa mga pagkakataon na 'yan.

Bakit pa nga ba tayo pumapasok sa school kung ayaw naman pala nating makita 'yung pagmumukha ng mga teacher natin? Iniisip ko din, sino nga ba ang tunay na talo pag wala si Ma'am o si Sir? 'Di ba tayo rin naman? Pumasok man sila o hindi, magturo man sila o hindi, kikita at kikita pa rin sila. Eh tayo? Sayang lang ang ilang kaalamang nakatadahana sanang pumasok sa kokote mo sa araw na 'yun. Para bang ang ipinagbubunyi natin e yung pagkawala nung mga kaalaman na 'yun.

Pero masaya talaga 'pag walang teacher. Hehe.





(Salamat kay
schoans06 ng Flickr.)

Friday, February 20, 2009

Trip Mo Ba ang Busy Life?

"Lumalabas tayo ng bahay, papasikat pa lang ang araw. Bumabalik tayo ng bahay, papalubog na ito. Ganyan na lang yata talaga ang buhay ng tao." - BO, Berde

7:30 ng umaga ang umpisa ng klase ko sa araw-araw. Dalawang oras ang byahe mula sa bahay at school ko kaya 5:30 pa lang ng umaga e umaalis na ako ng bahay -wala pa sa mood sumilip ang araw. 4:00 ng hapon ang pinakamaaga kong uwi, Dalawa't kalahating oras naman ang byahe pabalik ng bahay at hindi ko alam kung bakit, 6:30 ng hapon na ako nakakauwi - wala na sa mood ang araw para tumirik pa.

Paglabas ko ng gate ng bahay namin, walang nakakaalam, pero nalulungkot talaga ko. Lalo na pag pauwi na ko. Hirap kasing tanggapin na bihira na akong sikatan ng araw sa bahay. Halos kalahating araw ang ginugugol ko sa school - kalahati ng buhay ko sa isang araw. At napaisip ako, bakit ko ba 'to ginagawa? Para makatapos ng pag-aaral at guminhawa sa buhay at yumaman at maging isang mahalagang parte ng lipunang hindi ko alam kung aabutan ko pang nasa maayos na kalagayn pag-graduate ko?

Nakakalungkot kasi sa totoo lang, parang hindi ko na na-eenjoy ang buhay ko. Alam ko marami tayong ganito ang pakiramdam. Tambak na assignments, sandamakmak na exams, sangkaterbang project at gabundok na anik-anik, lahat 'yan sumisira sa buhay na trip nating sakyan. Sabi nga nila, mas maganda kung meron kang sinabi sa buhay, nakapagtapos at may hawak na diploma. Isang malaking OO ang sagot ko dyan, at sa pagkakataong ito, knock-out na ko sa laban.

Dito ko nakikita ang epekto ng modernisasyon. Sa sobrang laki ng expectations ng tao sa mundo, (mali ata),
sa sobrang laki ng expectations ng mundo sa tao, lalo tayong nagsisikap para umangat sa buhay. At dahil gusto ng tao na makisabay sa indak ng buhay, ginagawa niya ang lahat, makasabay lang sa tamang tyempo at tamang tono. Ayaw niyang magkalat sa stage, kaya tumotodo siya sa pag-papractice. Di baleng pagpawisan, hindi makakain sa tamang oras, o hindi makapag-Friendster at Dota, maging perpekto lang ang lahat.

Anong punto ko? Kung anong naiisip mong punto ko. Hay. Siguro pagod lang ako at nalulungkot dahil hindi kami nakapag-jamming ni Haring Araw dito sa bahay, sagot pa naman sana niya ang merienda. Sayang.

Thursday, February 19, 2009

Pasaherong Pinoy sa Jeepney...

Isang kakatuwang article mula sa barkada at isang masugid na email sender na itatago natin sa pangalang Raphael Serrano...

Uuwi ulit akong mag-isa.

Haay, salamat naman at uwian na. Kanina pa ako inip na inip umuwi, aba ang
hirap atang magpanggap na may ginagawa. Ang galing ko na ngang matulog ng
dilat eh, sakit nga lang sa ulo. Paalis na sana ako ng biglang nag-text yung
pinsan ko at hihintayin nya daw ako sa baba ng building para sabay na kaming
umuwi. Kaya hayun, nagsinungaling na naman akong kunwari ay may gagawin pa
ako para lang maiwasan sya.
Ewan ko ba, bakit ayokong may kasabay samantalang yung iba ay naghihintay o
di kaya ay may susunduin pa para lang may makasabay sa pag-uwi. Hindi naman
ako loner, basta lang gusto ko mag-isa akong umuuwi. Gusto ko wala akong
kakilalang kasakay sa jeep. Gusto ko mag-isa lang ako sa byahe.
Ano nga bang meron sa jeep? Ano nga bang nangyayari sa byahe ko pag-umuuwi
ako?
Madami. Iba-ibang klaseng tao. Iba-ibang klaseng komedya.

Case # 1: "Aray, ano ba?"
Madalas na dialogue ng mga babaeng feeling commercial model ng shampoo kung
ipatangay sa hangin ang buhok. Mga walang pakialam kahit na ang mga katabi
nila ay hirap na hirap na sa pag-iwas sa paghampas nito sa mukha nila. Kaya
ako kapag di na ako makapagpigil, hinihila ko na yung buhok, sabay sorry
kunwari akala ko buhok ko yun. At kapag sinusumpong ako, kinakalabit ko na
at sinasabihan kong hindi ako kumakain ng buhok.

Case # 2: "Blah, blah, blah...'
Mga taong feeling sila lang ang sakay na kung mag-usap ay dinig ng lahat ng
pasahero. Nakakaaliw sila minsan lalo na't mahaba ang byahe at walang radyo
yung jeep. Pampalipas oras din sila, minsan nga gusto ko ng sumabat dun sa
kwentuhan nila lalo na kapag nakaka-relate ako. Pero kapag inaantok ako at
di na makapagpigil, tinitingnan ko sila na parang gusto kong dukutin ang
lalamunan nila.

Case # 3: "Pakiabot lang po..."
Kapag napaupo ka ng medyo malapit-lapit sa driver, asahan mong magiging
taga-abot ka ng bayad. Ok lang sana yun eh, hwag ka lang makaka-tyempo ng
driver na may pagka-manyakis na nanadyang manghaplos ng kamay. O kaya naman
ng driver na parang di pa ata nakakaalam na uso na ang deodorant. O kaya
naman ng driver na mas malakas pang bumuga sa tambutso nya ang bunganga.
Syempre wala naman akong magawa kundi ang magtakip na lang ng ilong at
umurong agad kapag medyo lumuwang. At meron namang mga pasaherong sobrang
bait na hindi ka pa nakakapagsalita ay kinukuha na sa kamay mo ang bayad
mo. Meron din syempreng matatapang na kapag hindi mo nakuha agad yung bayad
nila ay medyo itataas ang boses at may kasama pang ismid. Hay naku, pwede ba
wala akong kumisyon sa pag-abot ng bayad nyo ha.

Case # 4: "Makikiusog nga..."
Para sa mga kung umupo ay kala mo pang-dalawang tao ang binayaran. May mga
babaeng kung umupo ay nakalihis, walang pakialam na yung katabi nya
kalahating pwet na lang ang nakaupo. Meron din mga lalaking kung makaupo ay
halos mangingimi kang tumingin sa kanya dahil sa laki ng pagkakabukaka.
Animo'y may kung anong pinoprotektahan sa pagitan ng kanyang mga hita. Kapag
ipit na ipit na ako, sinasabayan ko ang pag-preno ng mama sa pag-usog.
Pasensyahan na lang kung mapalakas.

Case # 5: "Ooozzz."
Wala namang masama kung matulog ka habang nasa byahe, pero sana iang walang
dantayan at basagan ng bao o di kaya ay matuluan ng panis nyang laway. Kapag
may katabi akong natutulog na, hinahayaan ko lang (syempre alangan namang
pigilan ko) at kapag babagsak na ung ulo nya sa 'kin, bigla kong ibinababa
balikat ko para magulantang sya. Pero kapag cute ibang usapan na yan.
Itinataas ko pa balikat ko para makahilig at ng makatulog sya ng maayos at
ok lang na magka-untugan kami, malay mo magpakilala pa sya, asa pa.

Case # 6: "Mama, para ho..."
May mga driver na di mo mapipigilang mapamura sa sobrang tagal bago huminto
na halos kailanganin mo ng sumakay pabalik sa layo ng pinagbabaan sa 'yo.
Meron namang hihinto kahit na sa gitna ng kalsada mabawasan lang agad ang
sakay nya. At meron ding halos mahalikan mo na yung katabi o kung
minalas-malas ka ay mahuhulog ka pa dahil sa biglang pagpreno nya. May mga
pasahero namang hindi pa nakuntento sa pagkalakas-lakas na pagsabi ng para
at kumakatok pa sa bubong. Merong namang magbabayad kapag pababa na at may
gana pang magalit kapag hindi agad naihinto ang sasakyan. At syempre merong
mga nagmamadaling akala mo ay mauubusan ng lupa kung bumaba, kasehodang
mabunggo at matapakan nyang lahat ng daraanan nya. Pero pamatay pa ring yung
minsang may nakasakay akong mama na pagkalakas-lakas at paulit-ulit na
sumisigaw ng "Bayad ho, bayad ho, bayad ho..." Syempre yung driver, kuntodo
extend ng kamay nya. Nakatingin na lahat dun sa mama na kumakatok-katok pa
sa bubong ng jeep. Sabay naalala nyang "Para" pala ang dapat nyang
isinisigaw. Nyahaha...

Case # 7: "Love birds..."
Syempre pa, hindi mawawala ang mga mag-syotang kala mo may sariling mundo na
kung maglampungan ay parang mga pusang di mapakali. Libreng sine 'to, rated
18, kaya lang nakakabitin din lalo na kapag nauna kang bumaba sa kanila.
Meron tuloy mga lalaking 'nag-iinit' at biglang bibitaw ang kamay sa
pagkakahawak sa bakal para kunwari mapapasubsob sa katabi nila o kaya naman
bigla mong mararamdaman na yung siko nila nasa tagiliran mo na. Sarap
sampalin ng mga ganung lalaki. Di naman sa nakikialam ako, pero wala namang
inggitan...

Case # 8: "Estudyante blues..."
Maraming estudyante na nagbabasa ng libro sa loob ng jeep habang nasa
biyahe. yung iba sa sobrang ganda ng binabasa ay nadadala sa kwento..'Yung
nakasakay ko minsan na dalagita ay taimtim na nagbabasa ng "Noli Me
Tangere". Hindi nya napansin na malapit na syang pumara at sa gulat na
bababa na pala siya ay mahinhing sinabi sa driver "Paalam".

Case #9..."Mama, ba-bye...."
Minsan naman may nakasakay ako, 2 magkaibigan na walang ginawa kungdi
magkwentuhan ng mga katatawan. Nakakaaliw silang pagmasdan lalo pa't halos
magkanda-luha-luha na ang kanilang mata sa kakatawa. At ng oras na para
bumaba ang isa sa kanila...narinig ko ang sabi niya na habang natatawa parin
.."teka muna bababa nako sige babay" sabay sigaw sa
driver...."Mama....ba-bye!"


Hay naku, ilan lang yan sa mga nararanasan ko kapag umuuwi ako. Dami pa kong
kwento kaya lang uwian na eh.
Magbi-byahe pa ako.
Sasakay na ako ng jeep.
Uuwi ulit akong mag-isa.

At dahil sa kasipagan ni Raphael na magemail sa PedXing ay naisipan n namin na maglagay na ng sariling nyang pangalan sa aming categories.. Salamat ng marami!!!

Friday, February 13, 2009

The Love Blog Part 2: Valentines Edition

Valentines Day na pala bukas. Friday the 13th ngayon. Pero walang konek 'yun.

Nagtataka lang ako kung bakit hindi ginawang holiday ang Valentines Day. Eh di ba ito naman ang gusto ng mundo, ang magmahalan tayo? Dapat isa man lang sa mga senador, kongresista, mambabatas o ungas ang magsuggest na gawing holiday ang February 14. Kung mangyayari 'yon, maraming matutuwa. Yey!

Ang daming puso sa paligid, hindi nga lang tumitibok. Ang daming roses, cards at holding hands. Ang sarap pagmasdan ng paligid kapag Valentines Day. Feeling mo kasi lahat ng tao sa paligid mo, nagmamahalan. Para bang sandaling huminto ang mundo para magbigay daan sa isang bagay na kayang gawin ng tao kahit na wala siyang hawak na diploma - ang magmahal.



Sa mga napapansin ko sa paligid at sa TV, masaya at mahirap ma-in love.

Masaya kung mahal ka din ng taong mahal mo. Masaya din kasi isipin na kahit ganyan ka, meron pa ring isang taong nabaliw para sa'yo. Masaya dahil may nasasandalan ka sa mga oras na feeling mo sumuko na lahat sa'yo. Masaya na sa bawat holding hands niyo, pakiramdam mo ligtas ka kay Braguda, na sa bawat kiss, ramdam mong ang gwapo/ganda mo, na sa bawat yakap, damang-dama mo na walang mang-aapi sa'yo. Masayang isipin na kahit marami kang depekto sa buhay, pakiramdam mo lahat na lang ng bagay sa mundo e perpekto. Masayang masaya dahil sa ganoong paraan, alam mong hindi ka lang isang tuldok sa mapa, kundi comma, period, at lahat na ng punctuation marks. Kaya swerte ka kung ganon!

Eh doon naman tayo sa mga nagmamahal dyan na hanggang ambisyon na lang at puro pantasya. Marami akong ganyang kaibigan at marami ding ganyan sa telenobela. Kung iisipin mo nga naman, masakit kapag sa tuwing nakikita mo 'yung mahal mo na hindi ka naman mahal, umaasa ka pa rin na balang araw, mababaliw din siya sa'yo. Masakit lalo na 'pag parang sinasadya na ng pagkakataon na ipamulat sa'yo na hindi siya para sa'yo. Halimbawa na lang 'pag nakita mo siyang may kasamang iba, o kaya naman, sa sobrang manhid niya, nagawa niya pang ikwento sa'yo 'yung tungkol sa taong mahal na mahal din niya. Masakit na halos bigyan ka na ng tadhana ng mga dahilan para kalimutan siya. At paminsan-minsan, sinasaktan mo na mismo ang sarili mo, sumaya lang siya .Tsk. Tsk. Kaya naiintindihan ko na kung bakit maraming nagpapast time sa tuktok ng billboard.

Sa mga hindi pa naiinlove, ayos lang 'yan. Matuto ka sa mga bagay na nakikita mo sa paligid mo, pero wag ka masyadong magpapaepkto. May sarili kang desisyon, nasa sayo kung gagamitin mo yung karapatan na 'yun.

May mahal man o wala, heartbroken man o super saya, o kahit hindi mo pa nararanasan ang alinman sa dalawa, may karapatan ka pa ring magcelebrate ng Valentines Day. Kaya nga may pamilya at kabigan na ibinigay sa'yo ang Diyos para alagaan at sabihan ng "I love you".

Happy Valentine's Day sa lahat!=)




(Ang larawan ay galing sa www.desicomments.com)

Thursday, February 12, 2009

Doraemon Quotes

Sensya na sa nagpadala ng email na toh sa akin, 3 araw kasi akong hndi nkpaginternet due to excitement sa RedAlert 3.. Kaya eto na po yung doreymon mo..


"Ang mahiwagang mensahe!"

Yan ang message alert tone ng aking cellphone ngayon. Hawig sa boses ni Doraemon. Ilang beses ko ring sinubaybayan ang palabas na ito. Hindi ko akalain na magugustuhan ko to kahit na napakasimple lang ng pagkakaguhit ng bawat karakter sa nasabing programa. Pero isa sa mga dahilan kung bakit ko inaabangan to ay dahil sa mga tinatawag na "words of wisdom" ng robot na si Doraemon. Narito ang ilang sa mga yaon (Paunawa: Maaaring sasabihin ng iba na kay Bob Ong ang mga ito pero ang totoo, si Doraemon ang nagsabi nito) :



"Hindi porke kaya mong gawin ang isang bagay ay dapat mo nang gawin."

"Mahirap maging matanda. Wala nang mas matanda na titingin sa'yo."


"Huwag mong ipakitang malungkot ka sa ibang tao kung wala kang balak mag-share ng problema. Para kang nag-alok ng hopia pero hindi mo naman ibibigay."


"Hindi mo dapat iyakan ang nakaraan. Isipin mo, bakit nasa harap ang mata? Ito ay para lagi mong nakikita ang hinaharap."


Nobita: Bakit maski isipin ko na kaya ko gawin ito, di ko pa rin makaya?
Doraemon: Simple lang yan! Kasi iniisip mo lang, hindi ka naniniwala!


Nobita: Doraemon, meron ka ba diyang gamit yung mapapasagot ko agad si Shizuka?
Doraemon: Meron.
Nobita: Ah pahiram ako!
Doraemon: Ayoko nga!
Nobita: Ang damot mo! Bakit naman?!
Doraemon: Kung tunay kang nagmamahal, hihintayin mo sya kahit gaano pa katagal.


at ang pinakagusto ko'ng quote ni Doraemon ay:

Wag ka ng mag-isip at bigyan ng dahilan ang isip mo para isipin siya. Masaya ang buhay kaya mabuhay ka ng masaya.


Isang email ulit mula sa suking si Raphael...

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | Edited by PedXing-ArAr