Monday, December 29, 2008

Top 15 Filipino Superstitions on New Year's Day - Super talaga!

Ilang taon nang sinusunod ng nanay ko ang mga pamahiin tuwing bagong taon. Sinubukan kong iresearch sa internet kung paano nagsimula ang mga pamahiin na 'yan pero wala akong nakuha. Patunay kaya 'yun na barbero ang mga Pinoy?

May nakita akong listahan ng mga pamahiin nating mga Noypi tuwing sasapit ang Bagong Taon mula sa TagalogLang (www.tagaloglang.vox.com).

1. Make as much noise as you can to scare away evil spirits.

2. Turn on all lights so that the coming year is bright.

3. Open all doors, windows, cabinets and drawers to let good fortune in.

4. Debts must be paid off. Fill you wallet with fresh peso bills. (Filipinos believe that whatever your financial state is in at the stroke of midnight, so it will be in the new year.)


5. Clean everything.

6. Wear polka-dots. Anything round signifies prosperity.

7. Scatter coins around the house, on tabletops.... inside drawers...


FOOD-RELATED SUPERSTITIONS


8. Prepare 12 round fruits, one for each month of the coming new year.


9. Have a very round grape in your mouth at the stroke of midnight.

10. Eat a native delicacy made from sticky rice to make good fortune stick in the new year.

11. Eat long noodles (pansit) for long life.

12. Jump twelve times at midnight to increase your height. (Observed by Filipino children.)

13. Don't have chicken or fish. They are associated with the scarcity of food.


ON NEW YEAR'S DAY ITSELF

14. Don't clean anything! You might sweep away the good fortune that came in on New Year's Eve.


15. Don't spend money at all. Your thriftiness on the first day of the year will augur your money management in the coming year.


Hindi ko alam kung matutuwa ako o maaasar kasi halos lahat 'yan e nagawa na ng pamilya ko. Siguro nga, mali na iasa sa swerte ang buhay. Sa tingin ko, wala naman talagang swerte eh. Itinadhana lang talagang maging masaya ang isang tao 'nung mga panahong "sinuwerte" siya. Lalong walang malas. Palusot lang 'yun ng tao para pagtakpan ang mga maling desisyon niya sa buhay. Gasgas na 'tong linya na 'to, pero ito talaga 'yung pinaniniwalaan ko sa buhay sa tuwing nahihiya ako magsuot ng ternong polk-a-dots: "Tao ang gumagawa ng 'swerte' at 'kamalasan' niya sa buhay."

Walang masama kung susunod tayo sa mga kasabihan na 'yan, ang masama ay 'yung iasa natin sa prutas, polk-a-dots, angpao (oo mali ispeling), ubas, watusi, plapla, torotot, bigas, at tikoy ang inaasahan nating pag-unlad sa buhay. Kagaguhan 'yun.

Magsikap ka. Tapos ang usapan.

Wanted: Fortune Tellers

Malapit na ang ika-366th day ng 2008. At higit pa sa 366 ang mga may ganitong trabaho sa tuwing papalapit na ang araw na iyon.


Minsan nakakatuwang makarinig ng mga "vibes" mula sa ibang taong nakakakita ng magiging kapalaran mo.

Bata pa lang ako, tradisyon na sa pamilya ko (na sa totoo lang ay Nanay ko lang ang natutuwa) ang manood ng mga Talk shows na featured ang mga batikang manghuhula ng bansa sa tuwing malapit na mag New Year. Unang hinuhulaan ang mga guests na celebrities na kadalasan ay nakafocus sa mga career nila. Sunod ang mismong Talk show, ang mga hosts at ang TV station. Kasama din nilang hinuhulaan ang magiging takbo ng sistema ng bansa, lalung-lalo na ang ekonomiya nito. May hula kung magkakaroon ba ng tsunami, lindol, airplane crash, paglubog ng barko, pagputok ng bulkan, pagkamatay ng artista, at pagkamatay ng pag-asa ng bansa (na sa tingin ko ay unti-unti nang nangyayari). Kapag nangyari nga ang mga ito, sasabihin ng mga tao, "Diyos ko! Tama ang hula ni ano!" Tapos sa susunod na taon, aabangan nila ulit ang pag-guest ng manghuhula sa Talk show at aasa ulit na makakarinig ng mga swerteng mangyayari para sa susunod na taon na darating, na nakakadismaya kasi dominante talaga ang mga nakikitang kamalasan. Tsk. Tsk. Tsk.

Nang napunta kami ng nanay ko sa Quiapo, inobserbahan ko yung mga manghuhulang nakakalat sa gilid ng simbahan. Natuwa ako dun sa manghuhulang naka costume pa-may makukulay na bracelets at kwintas, balabal, hikaw na malaki-basta yung katulad ni Madam Auring, at 'yung isang feel na feel-papikt-pikit pa! 'Yung mga nagpapahula naman, hindi ko maintindihan kung wala lang silang magawa sa buhay o sadyang mga tanga lang sila. Hindi ko maintindihan 'yung konsepto na "magbabayad ka para sa kaunting sulyap sa hinaharap."

Pero, may gusto rin naman akong marinig sa mga manghuhula kung sakaling magpapahula ako:

"Huwag ka mabibigla. Pero kitang-kita ko, may mag-iiwan ng 100 Million pesoses sa pinto niyo sa Januray 1, 2009, 2:33 ng madaling araw, kaya wag ka lalabas ng bahay niyo."

"Bibigyan ka ng Uno ng lahat ng mga professors mo kung hindi ka aabsent."

"Magiging CPA ka isang linggo mula ngayon dahil perfect mo 'yung test niyo kanina at na-elib 'yung prof mo."

"Mag-empake na kayo ng pamilya mo. Pinadala na ng tatay mo 'yung ticket niyo papuntang Canada, pero madedelay lang nga konti kasi nag-cr pa yung piloto."

"Magkakaroon ka ng manliligaw na saksakan ng yaman at kagwapuhan. Pero tatanggi ka kasi hindi itsura at yaman ang habol mo kung sakaling magmamahal ka na." (Ay hindi pala 'to kasama!)

"Eto ang address ko. Patayin mo ako at ang buong pamilya ko kung hindi magkakatotoo ang mga hula ko sa'yo."

Pero para sa akin, ang mga hula ay kapareho ng salitang "babala". Maaaring sabihin ng manghuhula na mamamatay ka mamaya dahil lalasunin ka ng -ex mo, o kaya mahuhulog ka sa creek sa Linggo dahil sadyang tanga ka. "Hindi required ang maniwala sa mga hula. Mas maganda lang talaga kung gagawin mo itong mga gabay para mag-ingat ka sa lahat ng mga gagawin mo sa buhay," sabi 'yan ng kaibigan ko kagabi. Tama nga naman. Pero naisip ko din, mag-ingat ka man ng bonggang-bongga, kung nakatakdang mangyari ang dapat mangyari, e wala ka nang magagawa dun. At mas maganda din siguro kung sa halip na ipambabayad mo sa manghuhula 'yang 500 pesos mo, bigay mo na lang sa'kin. Siguradong yayaman ka bukas at magkakaroon ka ng syotang iaahon ka sa hirap.

Sa lahat ng mga manghuhulang makakabasa nito, contact me at 09096267890098737 and let's party.

Cha-cha nga ba ang pag-asa ng Pilipinas?

AYON SA NALALAMAN KO....

Cha-Cha o charter change. Lagi ko yung naririnig sa mga balita at sa mga dyaryo. Laging isyu yun na d mawala wala. Habang lumalapit ang katapusan ng termino ni pangulong arroyo ay lalong umaatikabo ang usapang cha-cha. Ang cha-cha din ang ginagamit ni PGMA upang ma-extend at humaba pa ang kanyang termino.



Eh anu nga ba ang cha-cha?!.

Akala ko dati kung anu lang yun, akala ko nga pacontest yun ng malacaƱang na kung cnu ang mananalo ay makakatnggap ng puwesto sa gobyerno, yun pala ay ito ay isang seryosong usapan ukol sa pagpapatakbo ng sistemang pulitikal sa bansa.

Ayon sa wikipedia..

Charter Change or "cha-cha" in the Philippines refers to the political and other related processes involved in amending or revising the current 1987 Constitution of the Philippines.

Ayon sa Yahoo Answer..

Cha-cha is a revision of the constitution,it depends on what the majority law makers have decided, they could either choose parliament or presidential etc..

Ang cha-cha ay ang pagpapalit o ang pagbabago ng sistem ng pulitika sa bansa. Ang gusto ni PGMA ay maging parliamentary ang maging uri ng kasalukuyang gobyerno sa pilipinas. Ayon sa aking pagkakaunawa, pag naging parliamentary tayo, ang mamamayang pilipino ay boboto para sa parliament representatives sa halip na presidente, bise-presidente, senador, at house of representatives. Ang parliament representatives naman ay magbobotohan kung sino ang magiging prime mininster at ang prime minister naman ang pipili sa mga parliament representatives kung sino-sino ang mamumuno iba't-ibang ahensya sa gobyerno.

Alam naman natin na sa taong 2010 matatapos ang termino ni PGMA kaya ang pagiging Prime Minister ang nakikitang paraang ng administrasyon upang humaba pa ang termino ni Pangulong Arroyo.

Ngunit magtatagumpay kaya sya? Matutuloy kaya ang pagaamyenda ng kunstitusyon sa pilipinas sa kabila ng kaliwa't kanan na pagbabatikos at pangongontra ng mga mamamayang pilipino sa usaping charter change?

Hindi tanga ang mga pilipino, kitang-kita at ramdam na ramdam ng bawat pilipino sa loob man o labas ng bansa ang kahirapan at kurapsyon dito sa pilipinas. Dumarami na ang mga pilipino ang nawawalang ng pag-asa kung magkakaroon pa ba ng pagbabago at kung maaayos pa ba ang kurapsyon dito sa ating bansa.

Malapit ng pumasok ang bagong taon, sana magbago na ang mga tiwaling opisyal ng gobyerno, sana matauhan na sila at sana makunsensya na sila na marami ng pilipino ang namamatay ng dilat dahil sa kanilang di-makataong pamumuno.

Para sa pulitikong walang balak magbago at gusto pang yumaman at maragdagan ang kapangyarihan, tamaan sana kayo ng mga ligaw na bala sa ulo sa darating na bagong taon.

Sunday, December 28, 2008

Bayolenteng tao para sa kapayapaan?

Let's admit it: Boxer Manny Pacquiao brings glory to the Filipinos. Unintentionally. Pacquiao wants to be a US citizen and nobody can deny it. But bringing unintentional glory to the place where he was born does not automatically qualify him to be an ambassador of peace.

Yes, ambassador of peace. Inquirer.Net, quoting Lorelei Fajardo, noted:

"Pacquiao will be officially named "ambassador of peace" when he pays a courtesy call to President Gloria Macapagal-Arroyo in MalacaƱang on Wednesday."

Wala na bang maisip ang palasyo para maki-ride on lang sa kasikatan ni Pacquiao? On what logic did they base the idea of calling a man who punches another as an ambassador of peace? A person who is so willing to be named a military sergeant as an ambassador of peace?

Kung sabagay, it's like the "I am sorry" story. No, not GMA's "I am sorry". It's the story of two sons the youngest of whom was boxed by his kuya. The youngest then made sumbong sa nanay nila na sinuntok siya ng kuya niya. The nanay asked the kuya to make sorry kay bunso. And the kuya did. Noting that it's just normal to punch a person as long as there is an apology, the youngest boxed his brother with all his might and after doing so, said "I am sorry". Then he boxed his elder brother again and again saying "sorry" after every punch. Ayos di ba? You may try hitting GMA and say sorry after doing so but see what will happen next.

Saturday, December 27, 2008

The Black Hole

Panuorin nyo toh.

Para to sa mga mukang pera.



Kung nakakuha ako ng ganung papel, nanakawin ko lahat ng mga hany sa tindahah. hehehe...

Thursday, December 25, 2008

Da Krismas Blag Part Tu Pipti Pesos

Pasko na pala ngayon. Kagabi lang parang napaka-excited ng mga tao tapos paggising ko kaninang umaga, parang March 3 lang. Anong Meron sa March 3? Wala. Kaya nga parang wala lang 'yung okasyon ngayong araw.

Pero sa simula lang pala 'yun. Bumubwelo pa lang ang panahon.

"Namamasko po!"

Walang pumansin. Busy ang Mama ko sa pag-iinit ng natirang ispageti kagabi.

"Ate, Kuya, namamasko po!"

Wala pa ring pumansin.

"ATE, KUYA!!! NAMAMASKO PO!!!! GGGRRRRR!!!"

Nahaggard ang nanay ko. Akala ko nga nung una magagalit siya, pero binigyan niya pa rin ang bata ng kending ni-repack namin nung isang araw para may maibigay kami sa mga namamasko. Tingin ko nga, go signal 'yung unang batang namasko sa'min para sa iba pang kapwa niya bata. Maya't-maya may namamasko.

Hanggang sa nalungkot ako. Minsan, pangarap ko pa rin maging 5 years old.

Nakakinggit tignan 'yung mga batang may dala-dalang regalo, hindi lang isa, hindi lang dalawa, kundi, marami talaga. Buti pa sila, matitikman nila 'yung sarap ng pagtanggal ng scotch tape at stapler sa mga makikintab at makukulay na papel at 'yung disappointment sa nakuha mong regalo mula sa kuripot mong Ninang. Wala naman kasi kaming mga kamag-anak dito sa Maynila, at kung meron man, hindi ko kilala, o kaya kasama na ng may birthday ngayon. Wala tuloy akong pera, limampiso lang. Kawawa naman ako. Sana makatanggap man lang ako kahit ano.

"Ninang, namamasko po! Nandyan po ba si Ate Eych tska si Ate Ji?"

Inaanak ng Mama ko. Anong gusto niyang mangyari? Wala nga kong pera dito, limampiso lang tapos mamamasko pa siya sa'min ng kapatid ko? Eh alam ko tres lang yung pera nung kapatid ko na 'yun eh, o 2.50 lang yata. Ano ba to! Anong gagawin ko?

"Eych, kunin mo nga 'yung regalo ni Miriam dyan."

Anak ng panis na isapageti. Isa pa 'tong si Mama, nagtatago nga ko tapos... hay naku talaga!

Paglabas ko, hindi na ako masyadong tumingin kay Miriam. Hanggang sa may nakita akong dalawang maliit na regalong hawak ng kapatid kong 2.50 lang ang pera. Hindi ako hiningan ng pamasko ng bata, nakahinga ko ng maluwag.

"Oh bigay ni Mi...." ay mali, wala palang sinabing ganyan yung kapatid ko. Inagaw ko na lang bigla yung regalong hawak niya.

Smile before you open.. (nag-smile ako, serious.)

To: Ate Eych From: Miriam Merry X-mas

Aba aba aba.. May regalo ako! At 'yun ay galing sa 10 years old na batang wala akong naaalalang may nagawa akong mabuti sa kanya. Unang binuksan ng kapatid ko yung sa kanya, at ang laman? Isang wallet na may keychain, panyo at malutong na bente pesos.

Inisip kong baka ganon din 'yung akin. Salamat na din.

Pero hindi.

Walang panyo, walang wallet, walang keychain, at walang malutong na bente pesos. Kundi, isang malutong at mukhang play money na PIPTI PESOS!! Yesssss!!!! Aminado ko, tumalon talaga ako sa sobrang saya. Isipin mo, 'yung binalak kong taguan na bata, eh siya pa palang magbibigay sa'kin ng kasiyahan ngayong pasko. Binulungan tuloy ako ng konsensya ko.



Hanggang sa naisip ko, napakababaw lang pala talaga ng kaligayahan ko. Isa itong patunay na ang mga pinakamasasayang tao sa mundo ay 'yung may mga mababaw na kaligayahan. At isa ako sa kanila.

Sa tingin ko, hindi 'yung Pipti pesos na natanggap ko yung dahilan kung bakit napakasaya ko nung mga sandaling 'yon. 'Yun ay dahil sa naisip kong kahit paano, may ibang tao pa rin talaga ang nag-abalang pasayahin ako ngayon araw na 'to. Pipti pesos lang 'yun, pero pakiramdam ko, nakatanggap ako ng Pipti million.. na dasal at concern!

Sana, maging masaya kayo ngayong araw na to, may pera man kayo o wala. Hindi naman 'yun mahalaga. Promise. Tatapusin ko na sana tong blog na 'to ng biglang magtext ang Pardz kong si Thirdy. Meron daw siyang apat na libreng tiket sa sine. At may Piptipayb Pesos ako ngayon, ang saya! Yeah!

Sige guys, thanks sa pagbabasa ng blog ko. Sana kahit sa anong paraan, naging masaya kayo. Ang ngiti niyo ang magiging pinakamagandang regalo niyo sa may birthday, haluan niyo na rin ng kabutihan ng kalooban bilang Bonus.

Meri Krismas!!


_This is Inday, Eych is no longer here. She's with her friends and she has forgotten that she's not logged out yet. So I'll be the one to do that for her. Merry Christmas and may you all have a blissful new year! Goodbye._

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | Edited by PedXing-ArAr