Monday, March 12, 2012

Kung Bakit Hindi Pa Malaos Ang Facebook

Ayon sa timeline ko, October 2008 ipinanganak ang account ko sa Facebook, pero naging active lang ito 'nung 2009. At mula noon, dito na umikot ang mundo ko.. at nang lahat ng tao sa buong planetang 'to. Sa NAPAKAraming dahilan, ayoko na mag-Facebook.

Ewan. Pero tingin ko kasi, simula 'nung nauso 'yang Facebook na 'yan, walang ni isang araw sa buhay ko ang naging mapayapa. Nabawasan ang sipag ko sa pag-aaral, nabawasan din ang oras ko sa pagtulog nang dahil dito, tulad ngayon. Parang sa lahat ng oras, nag-iisip ako ng status message ko para mamaya. At wala pang ni isang minuto mula 'nung nag-check ako ng Facebook ko, titingin na naman ulit ako sa account ko para makita kung anong bago. Katumbas na ng mga basic necessities ng tao ang "Facebook-ing". At sa mga panahong ito, kung wala kang Facebook.. di nga? WALA KANG FACEBOOK??? SERYOSO??? PAGAMOT KA NA OI!!! Tsk.




Buti pa 'nung panahon 'nung Friendster. Bawat "Testi" (testimonials), mahalaga at punung-puno ng saysay. Lahat halos ng "Friends" ko 'dun, eh friends ko talaga sa totoong buhay. 'Yung mga friends ko sa FB, kalahati 'nun ewan kung saang lupalop ba nagmula. Lahat ng pictures na inupload ko, punong-puno ng mga magagandang alaala. Sa FB kasi, makalabas ka lang ng bahay, hala sige upload na ng pagmumukha. Nagsisisi ako kung bakit ko ba binalewala 'yung sabi ng Friendster na magsha-shut down na nga sila, hindi ko tuloy nakuha 'yung mga iba kong picture at makabuluhang messages mula sa mga kakilala ko. 


Kung gaano karaming magagandang dulot ang Facebook, ganoon din naman karami ang mga hindi magaganda. (Sinabi ko na lang na pareho lang ng dami, Ninong ng anak ko si Mark Zucker..something.) Isa sa mga ito ay ang kawalan ng saysay ng paghihiwalay. Sa tingin ko kasi, mawala ka man sa piling ng mga taong nakasama mo, balewala lang din. Mag status message ka lang maya't-maya at magupload ng mga pictures, solve na ang pangungulila ng mga naiwanan mo. Konti na lang ang sense ng "I miss you." Hindi naman din kasi lahat ng nagsasabi ng phrase na 'yan eh miss ka nga talaga, madalas eh for "formality" lang. Kumbaga, magkalayo tayo eh, eh di I miss you. Sabi nga ng kaibigan ko bago ko umalis ng bansa, "Sus. May Facebook naman, 'di rin mararamdaman na wala ka. Wala rin." Kaya ayun, na-unfriend ko tuloy siya sa Facebook.

Okay din naman talaga ang Facebook. Lahat kasi ng emotion po pwede mong isiwalat dito ng basta-basta na lang. Mula sa pinakamasayang damdamin hanggang sa pinakanakakasuklam na saloobin, isang matinding status message lang ang katapat, makakahinga ka na nang maluwag. Nasarapan nga lang ako sa pag-ihi, naibalita ko na sa iba't-ibang panig ng mundo.

Sa Facebook din kasi magagawa mo na ang lahat ng gusto mo sa isang social networking site. Pwede kang mag-post/share, mag-comment, makipag-chat, makipag-video chat, makipaglambingan at makipagmurahan. Lahat din halos ng mga websites eh may cross-posting na application sa Facebook (tama ba pagkakasabi ko?). Kung pangnegosyo naman ang hanap mo, mag-create ka lang ng page at ipa-like mo sa kung-sinu-sino, buhay man o patay, bagong silang man o madedeads na, sigurado kikita ka at mababawasan na nang kaunti ang gagastusin mo para sa marketing. Kung gusto mo namang manghatak ng mga viewers sa video mo sa YouTube, you know what to do. "The power of social networking," ika nga.

Kung walang Facebook, siguro, pagbalik ko sa 'Pinas, mas triple ang pagkamiss sa'ken ng mga malalapit na kaibigan ko. Kung walang Facebook, siguro natutulog na ako ngayon at magkakaroon ng sapat na oras ng tulog. Kung walang Facebook, siguro kung galit man ako sa'yo, mapag-uusapan natin 'yun nang maayos nang walang nakakaalam na minura na pala kita. Kung walang Facebook, malamang malayo pa ang deadline, tapos ko na ang thesis ko. Kung walang Facebook, mas mataas sana ng 10 points ang score ko sa Math kasi mas mahaba ang oras ko sa pag-rereview 'nung nakaraang gabi. Kung walang Facebook, mas may saysay ang bawat segundong lumilipas sa buhay ng tao at hindi nasasayang sa pag-iinternet lang. Kung walang Facebook, mas magkakaroon ng kabuluhan ang bawat bagay, at hindi lang basta-basta nasusukat sa dami ng "comments" at "likes." Kung bakit hindi pa malaos ang Facebook. (Owws)

Hindi ko naman sinasabing walang kwenta ang Facebook, dahil ako rin naman nakikinabang nang husto dito. Nagiging nonsense lang 'to nang dahil sa pang-aabuso ng mga taong gumagamit nito. Kung paano? Eto piso. Kausapin mo sarili mo.

Pa-like. Please po?


---
Photo Credits: www.addictionblog.org

Tuesday, February 21, 2012

Hindi Ang Oras

Wala naman talagang oras na mabilis o kaya oras na mabagal. Constant ang oras. Patuloy 'yang papatak kada segundo.. Walang makapagpapahinto. Nonstop.

Nasa eksaktong 10:20 pm ang orasan nang huli ko itong tignan bago ko simulan ang kalokohang ito, ay este, ang blog na ito. Titingin ulit ako sa orasan ha, wait. Okay. 10:26pm na. Ibig sabihin 6 minutes lang pala ang nakalipas pero pakiramdam ko kinse minutos na. Utak ko ang mabagal, hindi ang oras.

8 months and 6 days na ang nakalipas mula 'nung nilayasan ko ang 'Pinas. Pero pakiramdam ko wala pang kalahating taon. Kaya pakiramdam ko tuloy, wala namang nagbago sa mga bagay-bagay. Pero pagtingin ko sa Facebook page ng Bench, may bago na silang Pop-Up Store sa TriNoma at nasa TV5 na pala ngayon si David Archuleta at isa nang ganap na astista sa 'Pinas. 'Yung crush ko may girlfriend na pala, anak ng tinapa. Mga kaganapan ang mabilis, hindi ang oras.

Isang dekada na niya palang mahal 'yun. Pero lahat na ng pag-ibig sa puso niya, nawala nang lahat. Isang dekada... na parang isang ligaw na bula na biglang nawala. Puso't-isip ang nagpatigil, hindi ang oras.


Maliit na bata lang siya dati. Nakakalong at nabubuhat ko pa nga at naibabato sa buhangin sa tabing-dagat. Pero ngayon, ni hindi ko na siya kayang pigilan sa kung ano man ang gusto niyang gawin sa buhay. Malaya na siya, malaki na. Katawan at pagkatao ang nagpatakbo ng lahat, hindi ang oras. 


Lumilipas ang panahon, pero ang oras, hindi nauubos. Tatanda ang tao ('wag lang mamamatay agad). Mapapanot ang noo, mawawalan ng lakas at ng memorya, puputi ang buhok...hanggang sa ang puso'y mapagod na sa pagtibok. Ganyan ang buhay ng tao. Ganyan ang mundo. Kaya sino ka para sayangin 'to nang sariling hinanakit mo? At sino ka para mawalan ng pag-asa at sumimangot gayong hindi mo naman pasan ang problema ng mundo? Sisihin mo ang sarili mo, hindi ang sinasabi mong mabilis o mabagal na oras.


Tahimik ang paligid ko ngayon. Pakiramdam ko walang gumagalaw. Pero naririnig ko ang pagpatak ng oras sa orasan na nasa tapat ko lang ngayon, tumigil na ang lahat..pati ang pagtibok ng puso ko, pero ang oras..patuloy na tumatakbo, hindi napapagod, walang balak huminto. 


May oras ka pa.




---
Photo credits to www.theexperiencejunkie.com

Saturday, December 24, 2011

Ikaw ang Aking Meri Krismas :)

Hindi ko alam kung tungkol saan ba talaga 'tong isusulat ko. Pero basta. Tungkol 'to sa Pasko. Hehe.


Simula ng pumatak ang bwan ng Disyembre, hindi ko na naaalalang tignan pa ang kalendaryo, o ang kahit na anung bagay na magsasabi kung nasa anong araw na ba ako. Hindi ko rin alam kung bakit. Pero basta ang alam ko lang malapit na mag-Pasko at totoo nga ang sabi nila na hindi masyadong ramdam ng isang Pinoy ang Pasko kung wala siya sa piling ng mahal niyang Pilipinas. Nakita ko na lang kanina sa monitor ng ano(ay basag, hindi ko pala alam 'yung tawag dun, basta 'yung touch screen na gamit pang-kuha ng order hehe) na December 23 na pala ngayon. Akala ko kasi talaga 22 palang. Tapos naisip ko, 24 na sa 'Pinas. Busy na ang mga kanya-kanyang bahay para mamayang Noche Buena...argggh. Kakamiss talaga ng todo bigay eh.

Sa 'Pinas kasi, pag sinabing Pasko, Pasko talaga. Kahit saan ka lumingon, may ilaw na ayaw paawat sa pagkislap, at kahit saan ka lumingon, may mga bata sa kalsada na kahit ano mangyari, tuloy ang plano nilang mangaroling sa loob ng siyam na araw. (Ang official start kasi ng pangangaroling di ba ay 'pag nagsimula na din ang simbang gabi, kung mangaroling ka bago ang araw na 'yun, Congratulations kung may magbigay man sa'yo ng piso.) Totoo naman talaga na ang Pilipinas ang may pinakamasayang Pasko sa buong mundo. Masaya din naman dito kaso iba pa rin talaga pag nandun ka sa sarili mong bansa. Namimiss ko ang simbang gabi. Ngayon nagsisisi na ako sa mga araw noon na tinamad ako gumising ng maaga o kaya magbihis sa gabi para magsimba at kumpletuhin ang siyam na misa. Nakakamiss ang puto bumbong at bibingka. Nakakamiss ang mga parol. Nakakamiss ang mga kapitbahay na nagbibigayan ng handa sa noche buena. Nakakamiss ang kakaibang simoy ng hangin na tumatagos sa puso mo at nagbibigay ng biglaang gaan ng loob (o baka ako lang OA). Dito kasi pag tumagos sa puso ko 'yung hangin, baka may death certificate na ako ngayon. (OA kasi ang lameg.) Nakakamiss din ang mga kaibigan na nagsasabi na kasapi sila ng hindi mamatay-matay na grupo ng SMP (Samahan ng Malalamig ang Paa.. I mean Pasko). Nakakamiss din ang masabi sa sarili ko na kahit ako kasapi din pala 'nun (ahihihihi). 


Namimiss ko ang Pinas kahit naman noon pa. Pero ngayong araw na to, sumobra ang pagkamiss ko. Sa mga panahon ding 'to naiisip ko na isang sakay lang ng bus ang pagitan dito at ng Pilipinas, kakayanin kahit ilang oras, makadama lang ng Pinoy Krismas (yeah). Pero para sa'ken, masaya dapat ang bawat Pasko ng bawat taong nagcecelebrate nito. Isipin mo man na tadtad ka ng problema ngayon, hindi ka man pansin ng taong pinapantasya mo, break man kayo ngayon ng syuting mo, may sakit ka man ngayon, pasan mo man ang problema ng Pilipinas, hindi ka man nagtagumpay sa balak mong mag-diet (*speechless), at kahit anu pa mang hindi magandang nangyayari sa buhay mo sa araw ng Pasko, sana kahit ngayong Pasko man lang ma-appreciate mo ang buhay mo,at lahat ng aspeto nito. Simulan mo isipin 'yan bukas, tapos sa Dec. 26 isipin mo ulet.. ituloy mo hanggang sa 29, tapos sa January 2.. malay mo masarapan ka at magawa mo hanggang sa pagsapit ng New Year next year. 


Namimiss ko man ang 'Pinas, malayo man ako sa lahat ng taong naging parte ng buhay ko na nakagawian ko nang kasama mag-celebrate ng Pasko noon, masaya pa rin ako. Masaya ako na kasama ko ang pamilya ko. Masaya ako sa lahat ng biyaya, maliit man 'yun o maliit. Dumaan man ang buhay ko sa iba't-ibang klase ng problema, eto pa rin ako, buhay na buhay na magcecelebrate ng Pasko. At alam ko na ang nanay ko, nagvivideoke ngayon kasama sila God, party-party din. Kaya masasabi kong ang pamilya ko ang aking Meri Krismas. Kaya tara, inuman na! I mean, I mean.. I mean.. Hay.. Let's rock! Haha



Ikaw, sino ang iyong Meri Krismas? :)


 -- 
 Merry Christmas everyone!! Enjoy. :)


(Photo credits: migs.wordpress.com)

Friday, December 2, 2011

Freeze you! (Manigas Ka!)

Nagmula sa bansang may temperaturang 25-30 degrees celsius araw-gabi, Pasko man o hindi, at lumipad patungo sa lugar ng mga yelo.. anong nakakatuwa dun?

Napa-blog ako kasi anlamig eh. Alam mo 'yun. -3 degrees celsius (ang haba naman, panu ba shortcut?) ngayon dito sa loob ng bahay namin. Busy lang talaga ko kakapanood sa Girl's Generation (Bi-Bring the boys out!) kaya mga dalawang oras pa bago ko narealize na nangangatog na pala 'yung wow legs ko sa lamig. Problema pa, sira daw 'yung heater sabi 'nung may-ari ng apartment. Para na rin 'yang sinabi na "Freeze you!" (Manigas kayu!)

Winter na ngayon dito. At swerte na kung magpositive 1 ang temperature. Kapag sinasabi ko sa katrabaho kong puti na "So cold!" (with matching action), automatic sasabihin niya, "It's not actually cold Eych, it's not cold. Wait 'til its -60." Sasagutin ko na sana nang "Oh actually I'm just kidding. I feel so hot today, and I want to take my clothes off, wanna help me?" Para kasi sakanila, ang kahulugan ng malamig ay kapag -30^C pababa na ang temperature. Eh sa -15 pa nga lang pakiramdam ko nagyeyelo na atay ko, sa -60 pababa pa kaya?

'Pag tinitignan ko kung ilang "degrees" ba ngayon sa labas, tinitignan ko din kung ilan ang sa Pilipinas. At ang bansa kong mahal, consistent sa 26-30 degrees, samantalang dito, -3 na ata ang pinakamainit sa buong maghapon kaya naiisip ko lagi, sana mangutang ng kahit konting temperatura ang Canada sa 'Pinas, mag-positibo lang ang temperatura. O kaya magkaroon ng agreement sa pagitan ng dalawang bansa na ang isa ay magpapadala ng init ng araw, at snow naman ang ibibigay na kapalit ng isa at si Justin Bieber. 


Sa ngayon, balot ng yelo ang paligid. 'Nung una talagang inaabangan naming magkakapatid ang snow. Kaya kapag sinabi sa balita na mag-iisnow sa araw na 'yun, talagang nakatutok eh. Hehe. Tapos paggising namin 'nung isang sa umaga, nak ng kubeta! Anlameg! Tapos pagsilip namin sa bintana, kala ko nilipad na ng ipo-ipo 'yung bahay namin at binagsak kami sa Alaska. Ang kapal na ng snow sa labas at parang nasa ibang lugar talaga. Iba na ang itsura ng paligid kung ikukumpara sa Summer. Syempre tuwang tuwa ang mga batang Pinoy. Picture-picture. Pers taym eh. Ako talagang ang saya saya ko 'nung nag-snow kasi pakiramdam ko nasa Korea ako. Hehehe. Nakakatuwa kasi amputi puti ng snow at mukhang malinis, parang kung ilalagay 'yun sa halo-halo siguradong mabenta kasi ang ganda tignan. Kaso naasar na ko ng konti sa snow 'nung nadulas ako na una pwet..ansaket sy*t! Pero habang tinignan ko mula sa bintana ang pagbagsak ng snow, ewan pero parang gumagaan 'yung pakiramdam ko. 'Nung una akala ko sa umpisa lang 'yun, pero 'pag nakikita ko ng paulit-ulit, hindi pa rin nagbabago 'yung pakiramdam ko. Naiisip ko, "How something's so beautiful could fall from up above? Even if it might freeze me to death, my heart won't forget how beautiful it is." Pero ang totoo nagpapractice lang ako mag-english sa isip. 


Kapag nagpopost ako ng picture ko sa snow, expected na ang mga comment na "Wow! Isnow!", "Padala ka naman ng snow!". Sa mga kaibigan kong umaasa sa padala kong snow, wag kayo mag-alala kasi pinag-aaralan ko naman kung pano. Konting panahon na lang at mangyayari rin 'yun. Naisip ko na lang din ngayon na swerte ang Pilipinas sa pagiging tropikal na bansa nito. Kasi 'panu kung nagkaroon ng winter sa 'Pinas, 'pano na ang mga batang nagtitinda ng sampaguita? Edi nanigas na 'yung mga munti nilang katawan. 'Panu na rin ang kinabukasan ng mga topless tambay? 'Panu na ang mga pedicab drivers, pati na rin ng mga jeep at tricycle? 'Panu na ang mga barkada kong askals at pusakals? Ang creative talaga ni Lord.


 --- 


December. 


Usapang pasko naman. At ayun nga, Christmas month. Unang Disyembre na wala sa sariling bansa. Nakakapanibago, wala kasing mga batang nangagaroling sa kalsada na ayaw paawat kahit expected na sa dalawampung bahay na kakantahan nila, isa lang ang magbibigay. Iba rin ang simoy ng hangin sa 'Pinas, dun kasi nakakainlove ang simoy ng hangin (yeah!) kaya masarap maglakad at mag-emo sa gabi. Malamig pero masarap damhin. Dito naman, malamig din, pero subukan mong damhin, ika'y unti-unting totodasin. Sa 'Pinas din kahit malayo pa ang New Year, marami nang nagpapaputok at nagtitinda ng paputok. 'Yung mga sari-sari store may kanya-kanyang version ng tinitindang watusi. Marami nang tiangge at marami na ring holdaper. Masayang nakakatuwa. Nakakamiss lang. (Komersyal ngayon 'yung station ID ng ABS-CBN na kinanta ni Maria Aragon. "Da best ang Pasko ng Pilipinooo...".)


--

Kelangan ko na muna to itigil. Kaya pala wala na kong maisip, tumigil na sa pagfa-function ang utak ko..it's freezing! (sows, palusot pa. hehe)

:))


Saturday, September 10, 2011

Psst. Gusto Kita Maging Syota

Dear Chikabebe, 


Kamusta na bhe? 


Alam mo na siguro ngayon na gusto kita maging syota. Ang ganda ng ngiti mo sa'ken kanina. Nakakatunaw. Feeling ko ako na ang reyna ng mundo. At ikaw ang hari..asus. Ikaw na ata ang pinaka-astig na lalaking nakilala ko. Alam mo 'yun. Para kang 'yung mga leading man sa mga pinapanood kong koreanovela, hindi ka nga lang singkit pero okay na 'yun. Ang astig mo pa maglakad. Tapos 'yung mga mata mo..tae wala ko masabe. 'Wag mo lang subukan tignan ako sa mata baka malasing ako pare. Hinahanap hanap ka na ng mga mata ko araw-araw. Pakiss nga. Pero 'wag kang mag-alala kung iniisip mong 'yung panlabas na anyo mo lang ang gusto ko. Sabihin na nating ganun na nga. Pero hindi naman ganun katindi 'yun.


Pero seryoso. Hindi ko alam kung anung meron sa'yo bakit gustong gusto kita. Hindi ka naman talaga masyadong gwapo, siguro hinahanap hanap ka lang talaga ng mga mata ko kaya gwapo tingin ko sa'yo. Nagising na lang ako kaninang umaga tapos sabi ko sa isip ko mukhang gusto kitang boyprenin. Kaso mukhang hindi naman ako 'yung tipo mo. Katulad ka din siguro ng ibang lalaki d'yan na may standards tulad ng legs na kumikinang-kinang. 'Yung legs ko kasi kasinlaki lang ng balakang. Siguro mahilig ka din sa mga sexy at nakakamatay ang kagandahan. Ganun din naman ako dati, binulutong lang ako. Gusto mo din siguro 'yung model ang dating. Eh nagmomodel lang ako 'pag kapatid ko lang ang nakatingin. In short, syempre tulad ng mga normal na lalaki, gusto mo rin 'yung mga mukhang anghel. Mukhang anghel din naman ako..sa puso ng mama ko. 




Pero seryoso. Gusto kita. Gusto kita sa simpleng dahilang gusto kita. Hindi mo man 'yun alam, pero gusto ko malaman mong gusto kita. Mula sa araw na 'to, marami na akong mga bagay na gustong gawin sa buhay na gusto ko ikaw ang kasabay. Gusto kong mabuhay sa mundong 'to na ikaw ang nasa tabi ko. Gusto kong kumain ng sushi na ikaw ang maghihiwalay ng chopsticks ko tapos tuturuan mo ko kung panu, kahit abutin tayo ng 3 months and 2 days. Gusto kong mamasyal tayo sa mall na holding hands habang kinukwento mo saken kung anung ulam mo kagabi at kung paano ka nalungkot kasi hindi mo ko nabigyan kahit konte. Gusto ko ako una mong kukwentuhan kapag pasado o bagsak ka sa quiz mo saulog  school tapos kung sakaling bagsak ka man, gagawan na lang kita ng halo halo na gamit ang snow bilang yelo bilang pampalubag loob. Gusto ko itetext mo ko lagi tapos i love you ka maya't-maya..ay nako sarap. Tapos ano.. ahm. Gusto ko din i miss you ka ng i miss you saken kasi kada paglingon mo palayo saken, hindi mo na agad kaya..ay naman sh*t. Gusto ko din na kapag hindi ako makatulog sa gabi, tatawagan mo ko at kakantahan mo ko ng sweet hanggang sa makatulog ako..oww men. Gusto ko din ako ang nasa wallpaper mo. Naman. At palagi mong sasabihin saken na 'wag akong mag-alala, hinding hindi mo ko iiwan at ako na ang huling babaeng magiging ka-in a relationship mo sa facebook at palagi mo kong poprotektahan at lagi mo ko ililibre at lagi mong ipaparamdam saken na ang isang katulad ko, ay pinapahalagahan na parang isang mamahaling diamond na hindi mo maaaring basagin dahil yari ka boy. I mean, hinding hindi mo ko sasaktan kasi ganun mo ko kamahal. At wala ka ng ibang iisipin kundi ang kung paano mo ako mapapasaya. Yeah rock on talaga 'yun.


Iniisip ko pa lang 'yan, ang saya saya ko na. Paano pa kaya kung mangyari sa totoong buhay. Ang saya sanang isipin na sa pagdilat ng mata mo sa umaga, picture ko agad ang titignan mo. Ang saya din 'pag naiisip kita na naiisip mo ko 'pag dumadaan ka sa bilihan ng mga gamit na pambabae tapos iisipin mo bagay sa'ken 'yun. Masaya din pag naiisip kong makita mo palang pangalan ko sa inbox mo, anlakas na ng tibok ng puso mo. (wahaha) Ang sarap sanang isipin na kahit hindi ako ang tipo mong babae at kahit 'di ako ganun kaganda ng tulad ng mga babaeng pinapangarap mo, minahal mo pa rin ako ng totoong totoo. Sobrang saya 'nun kung sakali. Kung sakali. Kung. Sakali. 


 Pero syempre. Tanggap ko naman na hanggang kaibigan lang ako sa'yo. At kung sakali man na magkakagusto ka  o may gusto ka na sa iba, matatanggap ko 'yun at susuportahan kita..dahil wala rin namang ibang importante saken kundi ang kung paano ka mapapasaya. (Pero sana naman kumikinang-kinang din legs nya) 


Hay. Antindi ng nagagawa ng ngiti mo saken nu? Kung anu-ano na agad naiisip ko. Panu kaya kung 'yang mga 'yan din ang naiisip mo sa mga oras na to? 


 Asa naman ako. 


 Lovelots, 


 Your Bh3bh3 ghUrL_99 


 P.S. xoxoxoxoxox








 ------------
(Naghahanap ako ng matinong pic para sa blog na to (na hindi ko alam bakit ko to ginawa). Tinype ko, "future boyfriend" tapos yan ang unang unang lumabas. Tindi ng tadhana. Rock.) photo credit: http://www.sodahead.com

Friday, September 2, 2011

Kitakits sa Mcdo.. (See You See You at McDoooww)

Ininterview kami ng mga kapatid ko kanina ng restaurant manager namin sa McDo. Evaluation. Dalawang buwan na pala kaming screw..este "crew members" sa isang banyagang kainan sa isang banyagang bansang may mga banyagang kostumer na kumakain ng mga banyagang pagkain at may mga banyagang sikmura. Dalawang bwan na pala. Walang anu-ano. Ambilis ng panahon. Sobra.

Lahat naman ata talaga ng mga Pinoy, o kahit sinong galing sa ibang bansa na nag-mamigrate sa kahit saang bansa sa kanlurang bahagi ng mundo (kanluran nga ba ang tagalog ng west? hehe), kadalasan sumasabak na agad sa trabaho, mula sa mga anak na teenagers hanggang sa mga magulang na feeling teenagers. Normal na dito makakita ng mga ka-edad ko na nagtatrabaho kahit saan, kadalasan sa mga foodchain. Kapag kasi may trabaho ka dito, ika nga nila, mabibili mo lahat ng gusto mo. At syempre kailangan mo din ng mga bagong kaibigan na magiging kasama mo sa panibagong yugto ng buhay mo. Medyo iba nga lang kasi mga "workmates" ang tawag sa kanila, at hindi na "classmates." Imba rin dito, kinse anyos pa lang, malupet na magtrabaho, kala mo matandang bihasa na sobrang tagal na sa serbisyo. Nasa banyagang bansa ka, ganun talaga.Hindi tulad sa 'Pinas na kapag wala ka pang bente anyos at nagtatrabaho ka na, eh dapat ka ng sambahin dahil kumikita ka na ng sarili mong pera. Dito (sasabihin ko na nga, dito sa South Korea..ay este Canada) basta tumuntong ka sa banyagang bansa na tulad nito, at kung hindi naman kayo ganun kayaman talaga, magtrabaho ka..ilang oras lang, may Iphone 4 ka na. Rock on. Hahahaha. Joke lang.


Lagi ko ngang iniisip na hindi ko man lang naisip noon na sa ibang bansa pala ako unang magtatrabaho. Hindi ko naisip noon na mga forinjers pala ang mga unang makakatikim ng malupet kong serbisyo. (haha). Pero hindi ko rin naramdaman noon na nasa ibang bansa ako nagtatrabaho dahil na rin sa mas marami ang mga Pinoy na katrabaho namin kesa sa mga puti at itim. Nakakagulat lang 'nung una na andaming Pinoy na nagtatrabho sa McDo na pinapasukan namin, mula sa manager hanggang sa mga crew members. Kulang na nga lang maglagay ng bandila ng Pilipinas sa labas ng restaurant.

Medyo kinakabahan ako 'nung una dahil nga sa iba ang mga pagkain na inooffer dito kesa sa 'Pinas. At masasabi ko na mas enjoy ang menu sa 'Pinas kesa dito. Bakit? wala kasing Coke Float dito. Ewan kung bakit. Kakaiba ang mga pangalan ng mga pagkain. Ang alam ko lang naman noon na binebenta sa McDo, yung Chicken Mcdo, McSpaghetti, Crispy Chicken Fillet (na 50pesos lang), 'yung malupet na Burger McDo, syempre hindi mawawala yung french fries, sundae at 'yun ngang Coke Float. Eh dito hindi ko kilala 'yung ibang menu. Tulad ng Angus Third Pounder (na hindi ko naman maunawaan kung ano ba ang Angus), Sausage and Egg Mcgriddle, BLT Bagel (hindi ko rin alam ano ba ang BLT, baka Bagong LuTo), McDouble, Tuscan Salad, Chicken BLT Baguette (na ewan kung anung basa dun, baka jejemon na "bagets") at kung ano ano pa na sabi ko 'nung una "Taragis 'yan, ano to??". Wala man lang spaghetti. Walang manok. Walang kanin. Walang burger steak. Walang Coke float. Pero infairness andun pa rin 'yung Hot Fudge (Chocolate) Sundae na paborito ko. Parehong lasa. Pero mas masarap ang fries sa Pinas..may halong sabaw. Cooking oil soup..hays. Nakakamiss.

Syempre bilang isang crew member na naka-assign sa window, ('yung cashier o counter)kelangan alerto ka at palabati at friendly daw at syempre dapat medyo spokening dollar ka. Infairness karamihan sa mga puti ay mababait. Meron din namang madaling magalit, nakakapang-insulto at sobrang sungit pero okay lang dahil madali naman silang murahin sa isip (pero syempre joke lang yun heheheh). At dahil karamihan sa kanila eh friendly naman, mahahawa ka na din ng pagiging friendly nila. Minsan nga lang ambilis bilis nila magsalita, at ang masasagot mo na lang sakanila, "Really?".

May mga kakaiba din silang mga terms sa mga pagkain nila. Tulad ng "Bacon and Egger". Sa isip ko 'nun, ano yun? Bacon at taga-itlog? 'Yun pala, egger ang tawag nila sa itlog. Minsan din hindi maiiwasan matapat sa mga kakaibang trip ng mga customer. Matatawa ka na lang sa isip, Tulad ng mga 'to:

"I want a Bacon and Egg Bagel with no Bacon."
"Can I get a Supreme Chicken Sandwich with Grilled Chicken but no meat?"
"Egg McMuffin Meal please. And can I upsize my meal with two hashbrowns and small orange juice?"
"Chocolate sundae please but with no chocolate fudge. Thanks."
"I'll get a Large decaf coffee with 10 sugar and 7 cream."
"Large Iced Coffee please, no ice."

At minsan din naman, hindi ka rin makakaiwas sa malabong customer.

Scene 1:
Ako: It's $56.34 in total. Are you eating here?
Customer: Yes, my cheeseburgers should be plain.

Scene 2:
Customer: Hi. I'll get a double cheeseburger with no pickles and a large diet coke.
Ako: Ok. Anything else ma'am?
Customer: Yes I'm eating here.

Scene 3:
Ako: Do you need butter for your muffin, Sir?
Customer: No, no. It's to take out and I will need a bag. Thanks.

Scene 4: (tuwang-tuwa ako..may singkit, baka korean.)
Ako: okay ma'am your total is $3.14.
Customer: (busy sa pagkuha ng pera sa wallet)
Ako: are you a korean?
customer: yes i have 14 cents.
Ako: (sa isip) ewan ko sayu.

Scene 5: (pinaka-asar)
Ako: Blueberry muffin Sir and two black small coffees?
Customer: Yes please.
Ako: Okay, two small black coffees, right? (inulit ko, kasi mag-isa lang naman siya, panigurado lang.)
Customer: Yes yes.
Ako: Okay, your total is $2.71, please.
Customer: (inabot 'yung bayad, parang nagdududa bakit yun ang total niya.)
Ako: (kukuha na ng kape)
Customer: Oh excuse me, how come my total si $2.71?
Ako: You've ordered a blueberry muffin and two small black coffees, right?
Customer: What? I just said one. I'll talk to your manager. You don't know what you are doing.
Ako:(Sa isip, ano to? Lokohan?) Okay Sir, sorry about that.
(nakakaasar talaga to. hindi ko makakalimutan. haha. tsk)

Scene 6: (pinoy)
Ako: Ate ano pong size ng french fries niyo?
Customer: Pambabae, Miss. (akala niya tinatanung ko kung pambabae o panlalake yung laruan ng happy meal niya, hanggang ngayon pinagiisipan ko kung magkatunog ba yung french fries at happy meal)
Ako: (sa isip, oo na lang) Dito po kakainin?
Customer: Pwede dun sa mga lamesa dun?
(ewan kung joke ba yun, mukhang hindi)


Oh di ba. Anlabo. Pero nagiging parte na lang sila ng mga nakakatuwang karanasan ko bilang isang simpleng crew member.'Nung una inaamin ko, ayoko sa ganung trabaho. Bukod sa nakakalito nung una 'yung paggamit ng monitor na touch screen, hindi pa ako ganun kakomportable na humarap sa mga puti. Hindi ako sanay na makipag-englishan. Pero sa paglipas ng panahon, dumadami ang mga kakilala, dumadami ang mga kostumer na napagsisilbihan, dumadami ang oras sa trabaho, at sa tulong na rin ng malupet na dasal bago magsimula ang isa na namang baging shift sa isang araw, unti-unti ko na 'tong naenjoy at nakatulong din saken na matuklasan ang mga bagay-bagay sa sarili ko na akala ko hindi ko kaya, kaya naman pala. At kung anu 'yun..secret. Haha. Tinanong nga ko kanina ng manager namin, "How would you describe your work here at McD's"? ang nasagot ko lang, "I never enjoyed it at first..but as time goes by, I've never expected it to be that great." Nabigla ako sa sagot ko..kasi nakapag-english nalang ako bigla ng ganun ganun na lang. Hahahaha.

Hindi ko alam kung hanggang kelan pa kami magiging crew members ng mga kapatid ko..siguro 'yung iba din naman sa mga katrabaho ko, 'yun din ang nasa isip. Magkaroon man kami ng ibang trabaho pagkatapos nito, hinding hindi ko makakalimutan na minsan sa buhay ko..nakatagpo ako ng malabong koreano. Ay este, hindi ko makakalimutan kung paano ako nagkaroon ng kumpiyansa sa sarili ko na dadalhin ko kahit saan man ako mapadpad.. Rock on.

Pero bakit kaya walang Jollibee dito? Makapagtayo nga bukas.


(photo credit: www.boredpanda.com)

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | Edited by PedXing-ArAr