Hindi ko alam kung tungkol saan ba talaga 'tong isusulat ko. Pero basta. Tungkol 'to sa Pasko. Hehe.
Sa 'Pinas kasi, pag sinabing Pasko, Pasko talaga. Kahit saan ka lumingon, may ilaw na ayaw paawat sa pagkislap, at kahit saan ka lumingon, may mga bata sa kalsada na kahit ano mangyari, tuloy ang plano nilang mangaroling sa loob ng siyam na araw. (Ang official start kasi ng pangangaroling di ba ay 'pag nagsimula na din ang simbang gabi, kung mangaroling ka bago ang araw na 'yun, Congratulations kung may magbigay man sa'yo ng piso.) Totoo naman talaga na ang Pilipinas ang may pinakamasayang Pasko sa buong mundo. Masaya din naman dito kaso iba pa rin talaga pag nandun ka sa sarili mong bansa. Namimiss ko ang simbang gabi. Ngayon nagsisisi na ako sa mga araw noon na tinamad ako gumising ng maaga o kaya magbihis sa gabi para magsimba at kumpletuhin ang siyam na misa. Nakakamiss ang puto bumbong at bibingka. Nakakamiss ang mga parol. Nakakamiss ang mga kapitbahay na nagbibigayan ng handa sa noche buena. Nakakamiss ang kakaibang simoy ng hangin na tumatagos sa puso mo at nagbibigay ng biglaang gaan ng loob (o baka ako lang OA). Dito kasi pag tumagos sa puso ko 'yung hangin, baka may death certificate na ako ngayon. (OA kasi ang lameg.) Nakakamiss din ang mga kaibigan na nagsasabi na kasapi sila ng hindi mamatay-matay na grupo ng SMP (Samahan ng Malalamig ang Paa.. I mean Pasko). Nakakamiss din ang masabi sa sarili ko na kahit ako kasapi din pala 'nun (ahihihihi).
Namimiss ko ang Pinas kahit naman noon pa. Pero ngayong araw na to, sumobra ang pagkamiss ko. Sa mga panahon ding 'to naiisip ko na isang sakay lang ng bus ang pagitan dito at ng Pilipinas, kakayanin kahit ilang oras, makadama lang ng Pinoy Krismas (yeah). Pero para sa'ken, masaya dapat ang bawat Pasko ng bawat taong nagcecelebrate nito. Isipin mo man na tadtad ka ng problema ngayon, hindi ka man pansin ng taong pinapantasya mo, break man kayo ngayon ng syuting mo, may sakit ka man ngayon, pasan mo man ang problema ng Pilipinas, hindi ka man nagtagumpay sa balak mong mag-diet (*speechless), at kahit anu pa mang hindi magandang nangyayari sa buhay mo sa araw ng Pasko, sana kahit ngayong Pasko man lang ma-appreciate mo ang buhay mo,at lahat ng aspeto nito. Simulan mo isipin 'yan bukas, tapos sa Dec. 26 isipin mo ulet.. ituloy mo hanggang sa 29, tapos sa January 2.. malay mo masarapan ka at magawa mo hanggang sa pagsapit ng New Year next year.
Namimiss ko man ang 'Pinas, malayo man ako sa lahat ng taong naging parte ng buhay ko na nakagawian ko nang kasama mag-celebrate ng Pasko noon, masaya pa rin ako. Masaya ako na kasama ko ang pamilya ko. Masaya ako sa lahat ng biyaya, maliit man 'yun o maliit. Dumaan man ang buhay ko sa iba't-ibang klase ng problema, eto pa rin ako, buhay na buhay na magcecelebrate ng Pasko. At alam ko na ang nanay ko, nagvivideoke ngayon kasama sila God, party-party din. Kaya masasabi kong ang pamilya ko ang aking Meri Krismas. Kaya tara, inuman na! I mean, I mean.. I mean.. Hay.. Let's rock! Haha
Ikaw, sino ang iyong Meri Krismas? :)
--
Merry Christmas everyone!! Enjoy. :)
(Photo credits: migs.wordpress.com)
0 comments:
Post a Comment