Ayon sa timeline ko, October 2008 ipinanganak ang account ko sa Facebook, pero naging active lang ito 'nung 2009. At mula noon, dito na umikot ang mundo ko.. at nang lahat ng tao sa buong planetang 'to. Sa NAPAKAraming dahilan, ayoko na mag-Facebook.
Buti pa 'nung panahon 'nung Friendster. Bawat "Testi" (testimonials), mahalaga at punung-puno ng saysay. Lahat halos ng "Friends" ko 'dun, eh friends ko talaga sa totoong buhay. 'Yung mga friends ko sa FB, kalahati 'nun ewan kung saang lupalop ba nagmula. Lahat ng pictures na inupload ko, punong-puno ng mga magagandang alaala. Sa FB kasi, makalabas ka lang ng bahay, hala sige upload na ng pagmumukha. Nagsisisi ako kung bakit ko ba binalewala 'yung sabi ng Friendster na magsha-shut down na nga sila, hindi ko tuloy nakuha 'yung mga iba kong picture at makabuluhang messages mula sa mga kakilala ko.
Kung gaano karaming magagandang dulot ang Facebook, ganoon din naman karami ang mga hindi magaganda. (Sinabi ko na lang na pareho lang ng dami, Ninong ng anak ko si Mark Zucker..something.) Isa sa mga ito ay ang kawalan ng saysay ng paghihiwalay. Sa tingin ko kasi, mawala ka man sa piling ng mga taong nakasama mo, balewala lang din. Mag status message ka lang maya't-maya at magupload ng mga pictures, solve na ang pangungulila ng mga naiwanan mo. Konti na lang ang sense ng "I miss you." Hindi naman din kasi lahat ng nagsasabi ng phrase na 'yan eh miss ka nga talaga, madalas eh for "formality" lang. Kumbaga, magkalayo tayo eh, eh di I miss you. Sabi nga ng kaibigan ko bago ko umalis ng bansa, "Sus. May Facebook naman, 'di rin mararamdaman na wala ka. Wala rin." Kaya ayun, na-unfriend ko tuloy siya sa Facebook.
Okay din naman talaga ang Facebook. Lahat kasi ng emotion po pwede mong isiwalat dito ng basta-basta na lang. Mula sa pinakamasayang damdamin hanggang sa pinakanakakasuklam na saloobin, isang matinding status message lang ang katapat, makakahinga ka na nang maluwag. Nasarapan nga lang ako sa pag-ihi, naibalita ko na sa iba't-ibang panig ng mundo.
Sa Facebook din kasi magagawa mo na ang lahat ng gusto mo sa isang social networking site. Pwede kang mag-post/share, mag-comment, makipag-chat, makipag-video chat, makipaglambingan at makipagmurahan. Lahat din halos ng mga websites eh may cross-posting na application sa Facebook (tama ba pagkakasabi ko?). Kung pangnegosyo naman ang hanap mo, mag-create ka lang ng page at ipa-like mo sa kung-sinu-sino, buhay man o patay, bagong silang man o madedeads na, sigurado kikita ka at mababawasan na nang kaunti ang gagastusin mo para sa marketing. Kung gusto mo namang manghatak ng mga viewers sa video mo sa YouTube, you know what to do. "The power of social networking," ika nga.
Kung walang Facebook, siguro, pagbalik ko sa 'Pinas, mas triple ang pagkamiss sa'ken ng mga malalapit na kaibigan ko. Kung walang Facebook, siguro natutulog na ako ngayon at magkakaroon ng sapat na oras ng tulog. Kung walang Facebook, siguro kung galit man ako sa'yo, mapag-uusapan natin 'yun nang maayos nang walang nakakaalam na minura na pala kita. Kung walang Facebook, malamang malayo pa ang deadline, tapos ko na ang thesis ko. Kung walang Facebook, mas mataas sana ng 10 points ang score ko sa Math kasi mas mahaba ang oras ko sa pag-rereview 'nung nakaraang gabi. Kung walang Facebook, mas may saysay ang bawat segundong lumilipas sa buhay ng tao at hindi nasasayang sa pag-iinternet lang. Kung walang Facebook, mas magkakaroon ng kabuluhan ang bawat bagay, at hindi lang basta-basta nasusukat sa dami ng "comments" at "likes." Kung bakit hindi pa malaos ang Facebook. (Owws)
Hindi ko naman sinasabing walang kwenta ang Facebook, dahil ako rin naman nakikinabang nang husto dito. Nagiging nonsense lang 'to nang dahil sa pang-aabuso ng mga taong gumagamit nito. Kung paano? Eto piso. Kausapin mo sarili mo.
Pa-like. Please po?
---
Photo Credits: www.addictionblog.org
1 comments:
I want it that way.
I Understand waht uoy wnat ot souht.
Sayang nga lang kasi masyadong mabilis ang pagbabago at pagpapalit-palit ng mga uso.
Kung dati Si maria clara isang klase lang ng damit ang isinusuot ngayon madami na.
Ganito Kabago ang Teknolohiya at Ganito ang apekto sa tao..
Minsan nawawala na tayo sa dapat nating matutunan, imbes sa mga magulang at mahal sa buhay, kaibigan, o sa hayop lang tayo dapat may natutunan ngayon pati Panibagong Teknolohiya maraming naitutulong ( di nga lang lahat kabutihan) Masarap. Sa Una. Pero habang Tumatagal Nakakasawa din pala.Qouted Facebook
Post a Comment