Saturday, February 26, 2011

Do-Re-Mi-So-Fa-Ti-La-Do..Tsk!

"..but when I first fell in love with the piano, I knew it was me. I was dying to play."
Alicia Keys

Isa na siguro sa mga pinakamasarap na pakiramdam sa mundo ay 'yung magkaroon ng talento sa pagtugtog ng mga musical instrumentsss, o kahit musical instrument lang. 'Yung tipong kahit ano pang damdamin ang pinakatatago-tago mo diyan sa puso mo, e kaya mong isigaw sa mundo sa pamamagitan lang ng pagkaskas ng gitara, pagwawala sa drumset, pagpapasabog ng beatbox, o kaya sa pagpikit ng mata at pagkalabit sa mga tiklado ng piano sa saliw ng mga musikang nagpapalakas sa tibok ng puso mo. 'Yun bang konting pakikipag-jam mo lang sa instrumentong napili mong tugtugin, e para bang gumagaan na agad ang pakiramdam mo at pakiramdam mo musika na ang solusyon sa problema ng mundo - pansamantala.

Nasa puso mo na ang pagmamahal sa musika, punung-puno na ang kaluluwa mo ng mga himig na handa mo nang tugtugin bilang tanda ng pagpapakita nang tunay mong nararamdaman. Madulas na ang utak mo para ilapat ang mga salitang bubuo sa kantang nagsusumigaw na diyan sa kalooban mo. Kaso may problema... wala kang talent!! wala kang alam tugtugin!! WALA! WALA!! Pa'ano 'yan??? Pipikit ka na lang at mag-iimagine na marunong ka magpiano?? Baliw! Baliw! Baliw ka Eych! Ilusyonada!! Waaaaaaaaaahh! Haha.

Nakakabadtrip di ba??

Bumili ako ng electronic keyboard 'nung isang araw. Biglaan lang 'yun. Nanggaling lang talaga ako sa kaibigan ko na marunong mag-piano at nagpaturo at natuwa at napangiti at nangarap na makatugtog sa pamamagitan ng mga daliri kong may tig-0.5 centimeter na kuko at napangiti ulet at napaisip what if bumili din ako ng keyboard ko, napadaan sa bilihan ng mga keyboard at nagdownpayment at kinuha din kinabukasan gamit ang allowance ko for one week at ayun. (Whooh) Instant. Nagkaroon ako ng piano. (Piano na lang, ang haba kasi pag electronic keyboard. hehe.)

Palibhasa excited, inuwi namin agad ng Kuya ko 'yung piano, dapat may libreng tutor 'yun kaso naalala ko hindi ko pala dinadala yung utak ko kapag umaalis ako ng bahay, baka magpakamatay pa yung magtuturo saken sa sobrang slow ko. Wala akong alam tugtugin kahit isa, ay meron pala, 'yung korean na kanta na paborito ko kaso hanggang unang verse lang, ampanget pa pakinggan. No choice. Kelangan ko turuan ang sarili ko. Kelangan ko magtyaga magturo sa row 4 na bata. Naisip ko din na tama 'yung kaibigan ko na okay din kung bibili ako ng piano para naman may alam akong tugtugin kahit man lang isang instrument. Pero ang totoo, pina-realize niya lang saken na wala talaga akong talent. Haha.

(Kasalukuyan akong nilalagyan ng lotion ng kapatid ko sa hita at sa mukha, ewan kung bakit.)

Ang hirap pala. Para kang sumusugal sa isang bagay na hindi mo alam kung meron ka bang makukuha sa huli. Hindi mo alam kung para sa'yo nga ba talaga 'yung ginagawa mong pagtyatyaga.

(Para senti ang dating, ikokonek ko sa pag-ibig.)

Halimbawa may gusto ko sa taong hindi ka gusto. Para kang nagbubuhos ng atensyon sa isang tao na hindi mo naman alam kung inilaan ba ng tadhana para sayo. Minsan kahit anong pilit mo, at kahit na anong pagsisikap mo na iparamdam sa taong 'yun na gustong gusto mo siya, madalas hindi pa rin sapat dahil sa huli, 'yung nararamdaman niya pa rin ang tatapos sa usapan. Sa kabila ng lahat, hindi mo pa rin kayang makuha ang puso niya. Parang sa pag-aaral din ng piano, o kahit sa anong musical instrument na bet mo, kung wala ka naman talagang alam at gusto mo lang, malaki ang posibilidad na sa kabila ng lahat ng pagsisikap mo, hindi ka pa rin marunong. Sa kabila ng lahat, hindi mo pa rin makuha ang tamang paraan sa pagtugtog nito. Buhay nga naman. (Pero don't worry, saken lang siguro applicable yan. Bakit kasi ang hirap ko turuan? Haha.)

"..music expresses that which cannot be said and on which it is impossible to be silent."
Victor Hugo

Paano na lang pala kung walang music? Kaya mo bang iimagine na mabuhay sa mundo nang walang musika? Pwede naman, kasi hindi ka naman mamamatay kung walang music. Pero may mga ilang bagay lang kasi talaga sa buhay na kapag hindi nag-exist sa mundo mo, e para ka na ring nabubuhay dahil obligado ka lang mabuhay, at hindi dahil sa gusto mo talaga mabuhay.

Sana nalalaman din ng tao kung para saan siya nakalaan sa mundo, o kahit clue lang. Sana nung bumili ako ng piano, binulungan man lang ako ni Beethoven ng, "Ul*l! Bibili ka ng piano?? Ni Do-Re-Mi nga hindi mo memorized! Chaka mo!". Kaso hindi ganun ang buhay eh. Hinding-hindi.

Do ------------- Do you ever imagined how much I've tried?
Re ------------- Remember the things we do together, 'til the day we die.
Mi ------------- Meaningful memories, buried deep within my heart.
Fa ------------- Fantasy, fantasy. Is that all you can be in me?
So ------------- Sonatas are dancing on my soul, like you are in my mind.
La ------------- Lasting fragrance of your embrace, swaying with the wind.
Ti ------------- 'Til the day I get your heart, I'll keep trying.
Do ------------- Don't stop existing in my world, I might suddenly disappear.

-DoReMi

Now Listening : Kiss in The Rain - Yiruma.

P.S.
Sana malaman ko address ni Alicia Keys. Wala lang. Papatulong lang ako magpapayat.



Photo: http://i300.photobucket.com/albums/nn27/ilovemusic227/music.jpg

Friday, December 31, 2010

Manigong Bagong Year! :)


10:25pm nang simulan kong itype ang blog na 'to. Ilang minuto na lang, putukan na. Pero hindi rin, kasi nung isang araw pa may nagpapaputok dito samen. Ang saya ng New Year nila. Three days.

Kung tutuusin, wala naman talagang bago sa mga mangyayari tuwing Bagong Taon. Putukan mamayang 12am, susunod sa milyon milyong pamahiin na nauuso sa buong universe at sa bahay namin, magsagawa ng New Year's Resolution na kalokohan lang kasi 'yun din naman mga resolution mo 'nung isang taon at hindi rin nasusunod hanggang ngayon (revised version na ang output), at magpadala ng mga message sa celphone, Facebook, Friendster, twitter, at kung saan saan pa na nagsasabi ng kung anu-ano na akala mo katapusan na ng mundo. Maaaring wala na ngang bago - pero ang mga 'yun ang nagpapasigla, nagpapasaya at nagpapabuhay sa bawat "Bagong Taon" na lumilipas. Lumang tugtuging masarap pa ring pakinggan.

Personally (wow), inaabangan ko na talaga ang 2011. Ayoko nang balikan ang 2010. Masyadong masakit. Ilang beses din kasing tumama yung hinliliit ko sa kanto ng upuan ngayong taon. Hindi nakakatuwa.

Pero seryoso. Ayoko sa taon na 2010. Masyadong maraming nangyari. Basta. Hehe. Sa totoo lang, natutuwa ako sa mga tao tuwing magbabagong taon. Andami ko kasing text messages na natatanggap. At alam ko, ikaw din. Parang andami kong nagawang matino sa buhay sa loob ng isang taon. Nakakatuwang isipin na naaalala ka ng mga kaibigan mo sa mga panahon na tulad nito. Hindi ko nga alam kung ano bang dapat maramdaman, lungkot o tuwa? Pero syempre lamang 'yung pangalawa. O nakikisimpatya lang 'yung mga tao. Akala siguro nila nalulungkot ako. Bakit? Secret. Haha. Text ko sa'yo mamaya.

Wala pa pala kong mga narereplyan sa mga nag-wallpost saken sa FB (mga 3 tao), nag-"PM" sa chat (tama ba yun? mga 5 tao), at nagtetext kanina (kasi busy ako sa menudo kong puro atay). Pero gusto kong sabihin sa kanilang lahat na nagpapasalamat ako ng lubos, sobra at wagas! Message? Eto:

Sa mga kaklase ko ngayong college na sa sobrang solid ng pagsasama eh nakakasawa na ang mga pagmumukha. haha! Peace. Salamat guys. Kayo ang nagpapasaya saken pag pumapasok ako ng puyat. Sana sabay sabay tayong grumaduate. Makisama lang ang mga prof saten, party na! At 'wag kayong mag-alala kung wala kanyong nagawang related sa school ngayong bakasyon. Tatlong taon na tayong ganito, anung bago? Surviving naman di ba? Haha. Pero wag sana natin kalimutan na magsikap pa ring mag-aral. Wala naman tayong ibang choice di ba? Salamat H2 (section namin). I love you all! Mwah! Haha. :)

Sa mga kaibigan ko nung high school na hanggang ngayon e pinadadaanan pa rin ako ng GM at nakakasama sa oras ng iyakan at tawanan at chibugan at pansitan, maraming salamat! Lumipas man ang mahabang mahabang panahon, pakatandaan niyo, nandito lang ako at handang pakainin kayo ng pansit tuwing dadalawin niyo ko. Hehe. Mahal ko kayo. :)

Sa pamilya ko na nanatiling matatag sa kabila ng lahat. Wala akong ibang gustong sabihin sa inyo kundi mahal na mahal ko kayo. :)

Sa pag-ibig ko, sana pumanget ka ng sobra, magkaroon ng pinakamtinding body odor sa buong mundo, at maka-singko sa lahat ng exams para ma-turn off na ko sa'yo. Hahaha. Peace. Joke lang. Pero sana sa 2011, hindi na ikaw. Yeah! Hahahaha. Peace. :)

Sa lahat ng mga kaibigan ko sa loob at labas ng school na nagpapadala din saken ng GM, at sa basta, sa lahat lahat ng kaibigan ko na dinamayan ako sa oras ng drama at laging nandyan para saken, o kahit hindi sila palaging nandyan basta inadd ako sa Facebook, maraming maraming salamat!

At higit sa lahat, maraming maraming salamat sa Diyos. Binigyan niya kami ng matinding pagsubok at alam kong sa mga susunod pang mga taon, hindi na Niya kami bibigyan. Give chance to others naman. Haha. Oi joke lang, mali pala 'yun. Sana hindi na maulit. Thank you Lord kasi hindi Niyo po kami pinabayaan. Diyan lang kayo palagi ah? I love you Lord! Mwah! :))

Pero gusto ko pa din magmessage sa pinakamahalagang tao sa buhay ko.

Para sa Mama kong makulit na nagsawa nang magkulit dito sa lupa at bumili ng condo sa langit, namimiss na kita. Sana kung nasaan ka man ngayon, masaya ka na. Kasi kami dito, masaya na din kami. Kita kits na lang, pero pag may apo ka na. Haha. Ai magmamadre na pala ako. Panu yan? Hehe. You're the best Mama in the world, magiging nanay din ako siguro balang araw pero hindi ko mahihigitan yung pagiging nanay mo samen. Naiiyak ka na? Arte mo. Haha. I love you! Sana wag masyadong mahaggard si Lord sa kakulitan mo. At 'wag mong masyadong titigan si Rico Yan. Baka matunaw 'yan. Hehe. :)

Masyadong maraming nangyari ngayong taon. Malungkot, masaya, nakakahaggard. Lahat. Kung tutuusin taon taon naman nangyayari ang mga malulungkot, masasaya at nakakahaggard na bagay. Pero dapat higit pa sa mga putukan at pagsunod sa mga pamahiin ang gagawin nating pagdiriwang ngayong bagong taon. Dahil kasabay ng pagpapalit ng taon, ay ang isa sa mga pinakamalalaking himala ng buhay - ang mismong "ikaw" na nabubuhay pa rin at patuloy na binibiyayaan sa kabila ng lahat ng mga pagsubok. Ang "ikaw" na humaharap muli sa isa na namang "Bagong Taon" na pupunuin mong muli ng pag-asa na sana, mas makakita ka ng maraming dahilan para maging masaya at maging mas matatag na "ikaw" kesa sa "ikaw" ng kahapon.

Happy New Year everybody! Party Party!

Tuesday, December 7, 2010

Bob Ong's Eighth: Ang Mga Kaibigan ni Mama Susan *****

"Huwag mong bibigkasin ang hindi."

Lumitaw na ang pinakainaabangang ikawalong libro ni Bob Ong. Wala na kong sasabihing iba pa, baka may mga magalit pa saken. Tignan niyo na lang din ang trailer na ito:



Paunawa mula sa taong nakabasa na: 'Wag babasahin ilang minuto bago matulog. Basahin na lang ilang oras pagkatapos mong gumising sa umaga. Amen.

At ilang mensahe mula kay Bob Ong para sa mga illegal story tellers ng nasabing libro:

"Bunso, iwasan mo ang ugaling mapagmalaki nang dahil lang sa ikaw ang unang nakabili ng gusto mong libro o nakaabot ka na sa page 20. Ang mas magandang gawin, humanap ka ng bakante mong oras at kumportableng lugar kung saan ka makakapagbasa ng libro nang maayos at walang istorbo. Tapos sulitin mo ang ipinambili mo ng libro (o ang pag-aabala mong magbasa kung hindi man ikaw ang bumili ng libro) sa pamamagitan ng pag-unawa sa kabuuhan at maliliit na detalye ng kwento. Saka ka ngayon magyabang sa mga kaibigan mo dahil naintindihan mo ang binasa mo! => Hindi gaanong magiging masaya (o maayos) ang karanasan mo sa pagbabasa kung magtu-Tweet ka minu-minuto o mag-a-update ng status sa Facebook sa bawat lipat mo ng pahina ng libro. Bigyan mo ng oras ang sarili mo at karapatan na matahimik sa isang tabi kahit paminsan-minsan, at huwag katakutan ang paggawa ng iisang bagay lang sa iisang sandali. Lumaki ka man sa panahon ng multitasking at limang minutong attention span, marami pa ring bagay sa buhay ang mas magugustuhan mo kung paglalaanan ng sapat na panahon at hindi mamadaliin. Magandang ugali rin ang hindi pagkwento ng mga importanteng detalye ng librong nabasa mo bilang respeto sa mga kapwa mo mambabasang hindi pa tapos ang libro. Dahil sa maniwala ka’t sa hindi, hindi dahil sa tapos ka nang magbasa ay sabay-sabay na ring natapos ang ibang mga mambabasa. Marami ka pang mababasang libro na hindi man isinulat ng mahusay na manunulat ay magugustuhan mo pa rin dahil ikaw ay mahusay na mambabasa. Maraming salamat sa pakikiisa sa layunin nating gawing bayan ng mga mambabasa ang ating bansa. =>"

Source: http://www.facebook.com/note.php?note_id=466875696469

"Ik a w ay pinili. N araramdam an mo ba angm a higpit nayakap sa iyonga yon ng isangka ibigan?"

Worth reading. P150 lang kahit saan. Nakaw na! Ai este, bili na! :)
Happy reading!

ANG SABIK SA KILIG



sa pagibig naniniwala ka ba sa pinagsamang paghihintay at paghahanap?

kung baga sa sining nagddrawing ka pa lang kinukulayan mo na....

kung hindi mahirap?IMPOSIBLE...

bakit ba madaming taong gustong pumasok sa isang relasyon? na kung ituring nila ito ay parang PANTY at BRIEF na parang hindi buo ang araw pag hindi nila suot

akala ba nila lahat ng taong IN A RELATIONSHIP ang status sa facebook ay masaya?

Uu nga sabihin na nga nating parang brief at panty nga ang isang relasyon
pero minsan sa sobrang pagmamadali natin ang nasungkit natin sa sampayan at nasuot natin ay sa tatay/nanay pa natin ,kung minsan basa pa

nagmamadali ka kasi ehh


suot mo nga hindi ka naman kumportable:in a relationship ka nga masaya kaba?o nakakahinga ka ba ng maluwag?

naghahanap ka man o naghihintay iisa lang naman ang gustong mangyari eh ang maging masigla ang lablayyff

sabi nga nila yung iba kasi sa tamlay at walang kabuhay buhay ng lovelife nila tanging ang pagkain na lang ng mangang hilaw na nagkulang sa bagoong,paghigop ng sabaw ng sinampalukang sinigang at huling pagpuslit na lang ng ihi nila tuwing umaga
ang nagpapakilig sa katawang lupa nila



ngayon magpapasko bakit kaya ang daming kating kati magkaron ng kaholding hands?magkaron ng kalampungan sa simbang gabi..at kaputukan sa bagong taon hahaha (oh wag kang green dude)

bukod sa imposibleng lumamig ang summer kaya walang "samahan ng malalamig ang summer" bakit kya tuwing december lang nararamdaman ng mga tao ang pagiging single ?bakit kaya may katagang malamig ang pasko?

bakit may SMP? bakit may mga taong malulungkot tuwing pasko sa dahilang SINGLE sila ? hindi ko lubos maintindihan .masyadong malabo para maunawaan.... kanya kanya man ng dahilan kanya kanya man ng rason at ipinaglalaban

naghihintay ka man o naghahanap ng kapareha sa buhay ,malungkot ka man o masaya ng dahil sa pagibig? ang importante nararamdaman mo ang lahat ng yan dahil buhay pa rin sa sarili mo ang konsepto ng pagmamahal...lalong lalo na ngayong PASKO !!!

karl nuqui
dec 7/2010




Sunday, November 21, 2010

Samahan ng Pasko ang Malamig

Magpapasko na naman. Syet tol, single ka pa rin??

Single. Ka. Pa. Rin.

Iniisip ko dati kung paano at kung saan nagsimula ang SMP o ang "Samahan ng mga Mukhang Paa", ay este "Samahan ng Malamig ang Pasko". Nung bata ako, madalas kong naririnig sa mga tao sa paligid ko 'yung mga linyang "Anlamig na naman ng pasko ko, &%@#%$&*&#@$^ naman!". Tapos magtataka 'yung maliit at panis kong utak kung bakit nila nasasabi 'yun eh sadyang malamig naman talaga 'pag Pasko at gustong gusto ko 'yun kasi hindi mainit (malamang). Hanggang sa marealize ko nitong mga nakaraang araw na oo nga, sadyang malamig nga yata ang Pasko ko, 'yung may malalaking abs pala kasi 'yung gusto ng crush ko.

Tuwing magpapasko, malamang lamang maiisip mo na sana hindi kasinlamig ng panahon ang temperatura ng puso mo. (Amen). Sana may tatawagan kang "someone" sa pagsapit ng 12am sa December 25. Sana meron kang "someone" na bibilhan mo ng espesyal na regalo na pinagipunan mo ng 3 days. Sana may yayayain kang "someone" para magsimbang-tabi, ai este simbang gabi nang siyam na beses (tapos pag tinanong ka tungkol sa ebanghelyo sa gabi na 'yun, hhmm. gudlak!) Sana meron kang "someone" na ituturing kang pinaka-da best na regalo sa Pasko, 'yung tipong wala na siyang hihilingin pa at sasabihin sayong, "Para sa'kin, araw-araw naman Pasko eh, basta kasama kita." Anlagkit.

Kung ikaw na lang ang nag-iisang taong singular form sa barkada niyo, paminsan-minsan masakit 'yun. Maiinggit ka sa mga kaibigan mong may kaholding hands, kakissing scene, katawagan ng "hubby" at "wifey" (na hindi ko naman malaman kung bakit naging ganun), ka-iloveyou-han ng 8223896126 times per minute at kapartner sa couple shirt.

Couple shirt. Kung tutuusin, hindi na lang ata t-shirt ngayon ang pwede ipa-reproduce ng mag-syota. Nauuso na din ang bigayan ng couple ring, couple watch, couple necklace
at kung anu-ano pang kakopolan. Nag-aabang nga ko na baka may mausong couple scratch papers, couple medyas, couple charger, couple ID lace, couple UTI test, couple softdrinks, couple slimming pills, at couple contact lens. (Siguro magboboypren na ako kapag meron nang couple contact lens). Hindi ko alam kung gusto lang ba talaga nila na malaman ng buong mundo na nagmamahalan sila o gusto lang nila ipaalam na sila sina Julio at Julia, ang Kambal ng Tadhana.

Balik tayo sa mga SMP.

Hindi mo naman ginusto mapasapi sa nasabing samahan, pero sa napakaraming dahilan e talagang mapapasali ka na lang bigla. Ang Buhay Na Walang Syota. Bow.

Kung isasapuso mo masyado dahil sadyang emo ka, talagang nakakalungkot nga 'yun kung iisipin mo. Lalo na kung may nililigawan ka, 'yung tipong akala mo sasagutin ka na sa dami ng bulaklak at chocolates na binili mo at sa dami ng beses na nilibre mo siya ng pamasahe at nagpagod na ihatid siya sa bahay nila, pero 'yun pala isang taon nang taken at akala niya isa ka lang mabuting "kaibigan" (ouch!). O kaya kung may crush ka tapos akala mo gusto ka na din dahil lagi mong ka-chat sa Facebook pero 'yun pala, pero 'yun pala.. 32 kayong kachat niya. Hayy. Mapapabuntong hininga ka talaga ng matindi.

Pero hindi naman talaga dapat ikinalulungkot 'yung mga ganung bagay (weh Eych??). Oo nga. Hindi naman talaga. Sa napakaraming dahilan, naniniwala akong hindi naman talaga dapat. Birthday 'yun ni Jesus, hindi Valentines Day. Family Holiday 'yun kung tutuusin dahil dapat e masayang ang mga pamilya na nagsasama sama sa Pasko. 'Yung iba mong kapamilya ang dapat mong tinatawagan sa pagsapit ng 12am sa December 25. Nanay mo dapat ang bibilhan mo ng regalo na pinagipunan mo ng 3 days. Kapatid mo ang yayain mong mag-simbang gabi ng siyam na beses. At higit sa lahat, pamilya mo dapat ang ituring mong pinaka-da best na regalo sa Pasko, at sa araw-araw. Dahil ang magsyota, maaaring magkaubusan ng pagmamahal sa isa't-isa, pero ang pamilya, daanan man ng lahat ng klase ng problema sa mundo, hinding hindi makukupasan ng pagmamahal, umabot man sa kabilang buhay.

Pero hindi naman ako choosy. Kung bibigyan man ako ng boyfriend na kamukha, ay kahit kahawig lang ng paborito kong artistang Koreano, pwede na siguro.

Advance Merry Christmas!! :))


---

Pasensya na sa kinalabasan ng blog, kinalawang na ang utak ko. Hehehe. :))

Wednesday, September 1, 2010

PAGBABAGO: pwede mong sabayan pero hindi mo pwedeng pigilan


ang bilis umikot ng mundo noh?buti hindi siya nahihilo.parang kelan lang ,ngayon! eh ngayon na talaga.ang daming magbabago,ang daming sumusulpot at biglang mawawala. wala na talagang permanente sa mundo maliban sa mga pagkakataaon nararanasan natin na sa di katagalan isa na lamang nakaraan.

nakakamiss yung mga panahon kinakagat mo yung bakal ng monggol pencil mo para lumabas yung pambura at makapagbura ka nuh,ang mahirap lang dun hiraman pa kayo ng mga klasmeyt mo sa iisang lapis iisang bakal iisang kagat hindi pa kasi natin alam nun yung salitang kadiri eh.samantang ngayon pag g-tech gtech kana naghahanap ka pa ng .3 eh kamuka mo naman yung sulat mo(its up to you,judge yourself)

mabilisan tanong mula sa aking kaibigan!

sinisilip mo din ba yung ref nyo habang sinasara mo kung paano namamatay yung ilaw,kumakanta ka din ba ng mga kanta ng westlife,bakstritboys,a1,m2m,spicegirls sa harapan ng electricfan na sarap na sarap kang saluhin ang lahat ng alikabok,sumusulat ka din ba ng pangalan mo *love* pangalan ng kras mo sa maalikabok na salamin ng sasakyan?o nagpauto ka din sa punyetang nagkalat ng tsismis na dumadami at nabubuntis ang mga kisses pag binabad sa pabango,lalo na pag tinakas mo ang pabango ng nanay mo!!

ang sarap sulyap-sulyapang ng mga ganung pagkakataon sa buhay natin noh,ngayon napapangiti ka kung minsan nahihiya ka pa tuwing pinapaalala ng mga magulang mo sayo,hmm kasi nga matanda ka na isa yan sa masistemang proseso sa buhay ng isang tao ,ang pagtanda hindi lang sa edad pati na rin sa isip

siguro kaya mo nagawa ang mga nakakatawang kalokohan mo nung ikaw ay musmos palang eh para ngayon matanda ka na maaalala mo at meron kang mga bagay na pagtatawanan *HINDI LANG SA IBANG TAO* pati na rin sa sarili mo


marami na kaseng nagbago at magbabago

at mangyayari ang lahat ng yan sa tamang panahon.hindi pedeng pahintuin mo at itambay mo yung sarili mo sa kung anung buhay meron ka dati o ngayon dahil patuloy na dadaloy ang buhay mo,patuloy na iikot ang mundo sa axis nito,lulubog-lilitaw ang araw,uulan-aaraw,dadaan ang maraming bagyo,makakaranas tayo ng elniƱo at marami pa ang magbabago pero bukod sa presyo ng fishball na 50cents isa ring pinakapermanenteng bagay sa buhay natin ang "PAGBABAGO" ang kaylangan mo lang sumabay,parang isang pustahan yan pero dito sumusugal ka pang panalo ka na agad

oo masarap balik-balikan ang mga maliligayang araw natin sa ating kabataan.pero diba't mas masarap isipin na yung simpleng bata na nanghihingi ng kaunting barya pambili ng cottoncandy eh ngayon nakakapagsulat na sulating binabasa mo ngayon,mula sa A,E,I,O,U ngayon may pa "if a wood chuck could chuck wood how much wood would a wood....blah blah pfft !@#$%$^&*" kana.

mula sa simpleng batang naglalaro at tumitikim ng sariling sipon hanggang sa ating pagtanda

marami talaga ang magbabago pwede mong muling sulyapan ang nakaraan pero hindi mo na literal na mababalikan ,magbabago ang lahat pwede mong sabayan pero hindi mo mapipigilan

-bow-

karlnuqui sept 1/10 hapi bermonths sa lahat ng mambabasa

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | Edited by PedXing-ArAr