Saturday, December 24, 2011

Ikaw ang Aking Meri Krismas :)

Hindi ko alam kung tungkol saan ba talaga 'tong isusulat ko. Pero basta. Tungkol 'to sa Pasko. Hehe.


Simula ng pumatak ang bwan ng Disyembre, hindi ko na naaalalang tignan pa ang kalendaryo, o ang kahit na anung bagay na magsasabi kung nasa anong araw na ba ako. Hindi ko rin alam kung bakit. Pero basta ang alam ko lang malapit na mag-Pasko at totoo nga ang sabi nila na hindi masyadong ramdam ng isang Pinoy ang Pasko kung wala siya sa piling ng mahal niyang Pilipinas. Nakita ko na lang kanina sa monitor ng ano(ay basag, hindi ko pala alam 'yung tawag dun, basta 'yung touch screen na gamit pang-kuha ng order hehe) na December 23 na pala ngayon. Akala ko kasi talaga 22 palang. Tapos naisip ko, 24 na sa 'Pinas. Busy na ang mga kanya-kanyang bahay para mamayang Noche Buena...argggh. Kakamiss talaga ng todo bigay eh.

Sa 'Pinas kasi, pag sinabing Pasko, Pasko talaga. Kahit saan ka lumingon, may ilaw na ayaw paawat sa pagkislap, at kahit saan ka lumingon, may mga bata sa kalsada na kahit ano mangyari, tuloy ang plano nilang mangaroling sa loob ng siyam na araw. (Ang official start kasi ng pangangaroling di ba ay 'pag nagsimula na din ang simbang gabi, kung mangaroling ka bago ang araw na 'yun, Congratulations kung may magbigay man sa'yo ng piso.) Totoo naman talaga na ang Pilipinas ang may pinakamasayang Pasko sa buong mundo. Masaya din naman dito kaso iba pa rin talaga pag nandun ka sa sarili mong bansa. Namimiss ko ang simbang gabi. Ngayon nagsisisi na ako sa mga araw noon na tinamad ako gumising ng maaga o kaya magbihis sa gabi para magsimba at kumpletuhin ang siyam na misa. Nakakamiss ang puto bumbong at bibingka. Nakakamiss ang mga parol. Nakakamiss ang mga kapitbahay na nagbibigayan ng handa sa noche buena. Nakakamiss ang kakaibang simoy ng hangin na tumatagos sa puso mo at nagbibigay ng biglaang gaan ng loob (o baka ako lang OA). Dito kasi pag tumagos sa puso ko 'yung hangin, baka may death certificate na ako ngayon. (OA kasi ang lameg.) Nakakamiss din ang mga kaibigan na nagsasabi na kasapi sila ng hindi mamatay-matay na grupo ng SMP (Samahan ng Malalamig ang Paa.. I mean Pasko). Nakakamiss din ang masabi sa sarili ko na kahit ako kasapi din pala 'nun (ahihihihi). 


Namimiss ko ang Pinas kahit naman noon pa. Pero ngayong araw na to, sumobra ang pagkamiss ko. Sa mga panahon ding 'to naiisip ko na isang sakay lang ng bus ang pagitan dito at ng Pilipinas, kakayanin kahit ilang oras, makadama lang ng Pinoy Krismas (yeah). Pero para sa'ken, masaya dapat ang bawat Pasko ng bawat taong nagcecelebrate nito. Isipin mo man na tadtad ka ng problema ngayon, hindi ka man pansin ng taong pinapantasya mo, break man kayo ngayon ng syuting mo, may sakit ka man ngayon, pasan mo man ang problema ng Pilipinas, hindi ka man nagtagumpay sa balak mong mag-diet (*speechless), at kahit anu pa mang hindi magandang nangyayari sa buhay mo sa araw ng Pasko, sana kahit ngayong Pasko man lang ma-appreciate mo ang buhay mo,at lahat ng aspeto nito. Simulan mo isipin 'yan bukas, tapos sa Dec. 26 isipin mo ulet.. ituloy mo hanggang sa 29, tapos sa January 2.. malay mo masarapan ka at magawa mo hanggang sa pagsapit ng New Year next year. 


Namimiss ko man ang 'Pinas, malayo man ako sa lahat ng taong naging parte ng buhay ko na nakagawian ko nang kasama mag-celebrate ng Pasko noon, masaya pa rin ako. Masaya ako na kasama ko ang pamilya ko. Masaya ako sa lahat ng biyaya, maliit man 'yun o maliit. Dumaan man ang buhay ko sa iba't-ibang klase ng problema, eto pa rin ako, buhay na buhay na magcecelebrate ng Pasko. At alam ko na ang nanay ko, nagvivideoke ngayon kasama sila God, party-party din. Kaya masasabi kong ang pamilya ko ang aking Meri Krismas. Kaya tara, inuman na! I mean, I mean.. I mean.. Hay.. Let's rock! Haha



Ikaw, sino ang iyong Meri Krismas? :)


 -- 
 Merry Christmas everyone!! Enjoy. :)


(Photo credits: migs.wordpress.com)

Friday, December 2, 2011

Freeze you! (Manigas Ka!)

Nagmula sa bansang may temperaturang 25-30 degrees celsius araw-gabi, Pasko man o hindi, at lumipad patungo sa lugar ng mga yelo.. anong nakakatuwa dun?

Napa-blog ako kasi anlamig eh. Alam mo 'yun. -3 degrees celsius (ang haba naman, panu ba shortcut?) ngayon dito sa loob ng bahay namin. Busy lang talaga ko kakapanood sa Girl's Generation (Bi-Bring the boys out!) kaya mga dalawang oras pa bago ko narealize na nangangatog na pala 'yung wow legs ko sa lamig. Problema pa, sira daw 'yung heater sabi 'nung may-ari ng apartment. Para na rin 'yang sinabi na "Freeze you!" (Manigas kayu!)

Winter na ngayon dito. At swerte na kung magpositive 1 ang temperature. Kapag sinasabi ko sa katrabaho kong puti na "So cold!" (with matching action), automatic sasabihin niya, "It's not actually cold Eych, it's not cold. Wait 'til its -60." Sasagutin ko na sana nang "Oh actually I'm just kidding. I feel so hot today, and I want to take my clothes off, wanna help me?" Para kasi sakanila, ang kahulugan ng malamig ay kapag -30^C pababa na ang temperature. Eh sa -15 pa nga lang pakiramdam ko nagyeyelo na atay ko, sa -60 pababa pa kaya?

'Pag tinitignan ko kung ilang "degrees" ba ngayon sa labas, tinitignan ko din kung ilan ang sa Pilipinas. At ang bansa kong mahal, consistent sa 26-30 degrees, samantalang dito, -3 na ata ang pinakamainit sa buong maghapon kaya naiisip ko lagi, sana mangutang ng kahit konting temperatura ang Canada sa 'Pinas, mag-positibo lang ang temperatura. O kaya magkaroon ng agreement sa pagitan ng dalawang bansa na ang isa ay magpapadala ng init ng araw, at snow naman ang ibibigay na kapalit ng isa at si Justin Bieber. 


Sa ngayon, balot ng yelo ang paligid. 'Nung una talagang inaabangan naming magkakapatid ang snow. Kaya kapag sinabi sa balita na mag-iisnow sa araw na 'yun, talagang nakatutok eh. Hehe. Tapos paggising namin 'nung isang sa umaga, nak ng kubeta! Anlameg! Tapos pagsilip namin sa bintana, kala ko nilipad na ng ipo-ipo 'yung bahay namin at binagsak kami sa Alaska. Ang kapal na ng snow sa labas at parang nasa ibang lugar talaga. Iba na ang itsura ng paligid kung ikukumpara sa Summer. Syempre tuwang tuwa ang mga batang Pinoy. Picture-picture. Pers taym eh. Ako talagang ang saya saya ko 'nung nag-snow kasi pakiramdam ko nasa Korea ako. Hehehe. Nakakatuwa kasi amputi puti ng snow at mukhang malinis, parang kung ilalagay 'yun sa halo-halo siguradong mabenta kasi ang ganda tignan. Kaso naasar na ko ng konti sa snow 'nung nadulas ako na una pwet..ansaket sy*t! Pero habang tinignan ko mula sa bintana ang pagbagsak ng snow, ewan pero parang gumagaan 'yung pakiramdam ko. 'Nung una akala ko sa umpisa lang 'yun, pero 'pag nakikita ko ng paulit-ulit, hindi pa rin nagbabago 'yung pakiramdam ko. Naiisip ko, "How something's so beautiful could fall from up above? Even if it might freeze me to death, my heart won't forget how beautiful it is." Pero ang totoo nagpapractice lang ako mag-english sa isip. 


Kapag nagpopost ako ng picture ko sa snow, expected na ang mga comment na "Wow! Isnow!", "Padala ka naman ng snow!". Sa mga kaibigan kong umaasa sa padala kong snow, wag kayo mag-alala kasi pinag-aaralan ko naman kung pano. Konting panahon na lang at mangyayari rin 'yun. Naisip ko na lang din ngayon na swerte ang Pilipinas sa pagiging tropikal na bansa nito. Kasi 'panu kung nagkaroon ng winter sa 'Pinas, 'pano na ang mga batang nagtitinda ng sampaguita? Edi nanigas na 'yung mga munti nilang katawan. 'Panu na rin ang kinabukasan ng mga topless tambay? 'Panu na ang mga pedicab drivers, pati na rin ng mga jeep at tricycle? 'Panu na ang mga barkada kong askals at pusakals? Ang creative talaga ni Lord.


 --- 


December. 


Usapang pasko naman. At ayun nga, Christmas month. Unang Disyembre na wala sa sariling bansa. Nakakapanibago, wala kasing mga batang nangagaroling sa kalsada na ayaw paawat kahit expected na sa dalawampung bahay na kakantahan nila, isa lang ang magbibigay. Iba rin ang simoy ng hangin sa 'Pinas, dun kasi nakakainlove ang simoy ng hangin (yeah!) kaya masarap maglakad at mag-emo sa gabi. Malamig pero masarap damhin. Dito naman, malamig din, pero subukan mong damhin, ika'y unti-unting totodasin. Sa 'Pinas din kahit malayo pa ang New Year, marami nang nagpapaputok at nagtitinda ng paputok. 'Yung mga sari-sari store may kanya-kanyang version ng tinitindang watusi. Marami nang tiangge at marami na ring holdaper. Masayang nakakatuwa. Nakakamiss lang. (Komersyal ngayon 'yung station ID ng ABS-CBN na kinanta ni Maria Aragon. "Da best ang Pasko ng Pilipinooo...".)


--

Kelangan ko na muna to itigil. Kaya pala wala na kong maisip, tumigil na sa pagfa-function ang utak ko..it's freezing! (sows, palusot pa. hehe)

:))


Saturday, September 10, 2011

Psst. Gusto Kita Maging Syota

Dear Chikabebe, 


Kamusta na bhe? 


Alam mo na siguro ngayon na gusto kita maging syota. Ang ganda ng ngiti mo sa'ken kanina. Nakakatunaw. Feeling ko ako na ang reyna ng mundo. At ikaw ang hari..asus. Ikaw na ata ang pinaka-astig na lalaking nakilala ko. Alam mo 'yun. Para kang 'yung mga leading man sa mga pinapanood kong koreanovela, hindi ka nga lang singkit pero okay na 'yun. Ang astig mo pa maglakad. Tapos 'yung mga mata mo..tae wala ko masabe. 'Wag mo lang subukan tignan ako sa mata baka malasing ako pare. Hinahanap hanap ka na ng mga mata ko araw-araw. Pakiss nga. Pero 'wag kang mag-alala kung iniisip mong 'yung panlabas na anyo mo lang ang gusto ko. Sabihin na nating ganun na nga. Pero hindi naman ganun katindi 'yun.


Pero seryoso. Hindi ko alam kung anung meron sa'yo bakit gustong gusto kita. Hindi ka naman talaga masyadong gwapo, siguro hinahanap hanap ka lang talaga ng mga mata ko kaya gwapo tingin ko sa'yo. Nagising na lang ako kaninang umaga tapos sabi ko sa isip ko mukhang gusto kitang boyprenin. Kaso mukhang hindi naman ako 'yung tipo mo. Katulad ka din siguro ng ibang lalaki d'yan na may standards tulad ng legs na kumikinang-kinang. 'Yung legs ko kasi kasinlaki lang ng balakang. Siguro mahilig ka din sa mga sexy at nakakamatay ang kagandahan. Ganun din naman ako dati, binulutong lang ako. Gusto mo din siguro 'yung model ang dating. Eh nagmomodel lang ako 'pag kapatid ko lang ang nakatingin. In short, syempre tulad ng mga normal na lalaki, gusto mo rin 'yung mga mukhang anghel. Mukhang anghel din naman ako..sa puso ng mama ko. 




Pero seryoso. Gusto kita. Gusto kita sa simpleng dahilang gusto kita. Hindi mo man 'yun alam, pero gusto ko malaman mong gusto kita. Mula sa araw na 'to, marami na akong mga bagay na gustong gawin sa buhay na gusto ko ikaw ang kasabay. Gusto kong mabuhay sa mundong 'to na ikaw ang nasa tabi ko. Gusto kong kumain ng sushi na ikaw ang maghihiwalay ng chopsticks ko tapos tuturuan mo ko kung panu, kahit abutin tayo ng 3 months and 2 days. Gusto kong mamasyal tayo sa mall na holding hands habang kinukwento mo saken kung anung ulam mo kagabi at kung paano ka nalungkot kasi hindi mo ko nabigyan kahit konte. Gusto ko ako una mong kukwentuhan kapag pasado o bagsak ka sa quiz mo saulog  school tapos kung sakaling bagsak ka man, gagawan na lang kita ng halo halo na gamit ang snow bilang yelo bilang pampalubag loob. Gusto ko itetext mo ko lagi tapos i love you ka maya't-maya..ay nako sarap. Tapos ano.. ahm. Gusto ko din i miss you ka ng i miss you saken kasi kada paglingon mo palayo saken, hindi mo na agad kaya..ay naman sh*t. Gusto ko din na kapag hindi ako makatulog sa gabi, tatawagan mo ko at kakantahan mo ko ng sweet hanggang sa makatulog ako..oww men. Gusto ko din ako ang nasa wallpaper mo. Naman. At palagi mong sasabihin saken na 'wag akong mag-alala, hinding hindi mo ko iiwan at ako na ang huling babaeng magiging ka-in a relationship mo sa facebook at palagi mo kong poprotektahan at lagi mo ko ililibre at lagi mong ipaparamdam saken na ang isang katulad ko, ay pinapahalagahan na parang isang mamahaling diamond na hindi mo maaaring basagin dahil yari ka boy. I mean, hinding hindi mo ko sasaktan kasi ganun mo ko kamahal. At wala ka ng ibang iisipin kundi ang kung paano mo ako mapapasaya. Yeah rock on talaga 'yun.


Iniisip ko pa lang 'yan, ang saya saya ko na. Paano pa kaya kung mangyari sa totoong buhay. Ang saya sanang isipin na sa pagdilat ng mata mo sa umaga, picture ko agad ang titignan mo. Ang saya din 'pag naiisip kita na naiisip mo ko 'pag dumadaan ka sa bilihan ng mga gamit na pambabae tapos iisipin mo bagay sa'ken 'yun. Masaya din pag naiisip kong makita mo palang pangalan ko sa inbox mo, anlakas na ng tibok ng puso mo. (wahaha) Ang sarap sanang isipin na kahit hindi ako ang tipo mong babae at kahit 'di ako ganun kaganda ng tulad ng mga babaeng pinapangarap mo, minahal mo pa rin ako ng totoong totoo. Sobrang saya 'nun kung sakali. Kung sakali. Kung. Sakali. 


 Pero syempre. Tanggap ko naman na hanggang kaibigan lang ako sa'yo. At kung sakali man na magkakagusto ka  o may gusto ka na sa iba, matatanggap ko 'yun at susuportahan kita..dahil wala rin namang ibang importante saken kundi ang kung paano ka mapapasaya. (Pero sana naman kumikinang-kinang din legs nya) 


Hay. Antindi ng nagagawa ng ngiti mo saken nu? Kung anu-ano na agad naiisip ko. Panu kaya kung 'yang mga 'yan din ang naiisip mo sa mga oras na to? 


 Asa naman ako. 


 Lovelots, 


 Your Bh3bh3 ghUrL_99 


 P.S. xoxoxoxoxox








 ------------
(Naghahanap ako ng matinong pic para sa blog na to (na hindi ko alam bakit ko to ginawa). Tinype ko, "future boyfriend" tapos yan ang unang unang lumabas. Tindi ng tadhana. Rock.) photo credit: http://www.sodahead.com

Friday, September 2, 2011

Kitakits sa Mcdo.. (See You See You at McDoooww)

Ininterview kami ng mga kapatid ko kanina ng restaurant manager namin sa McDo. Evaluation. Dalawang buwan na pala kaming screw..este "crew members" sa isang banyagang kainan sa isang banyagang bansang may mga banyagang kostumer na kumakain ng mga banyagang pagkain at may mga banyagang sikmura. Dalawang bwan na pala. Walang anu-ano. Ambilis ng panahon. Sobra.

Lahat naman ata talaga ng mga Pinoy, o kahit sinong galing sa ibang bansa na nag-mamigrate sa kahit saang bansa sa kanlurang bahagi ng mundo (kanluran nga ba ang tagalog ng west? hehe), kadalasan sumasabak na agad sa trabaho, mula sa mga anak na teenagers hanggang sa mga magulang na feeling teenagers. Normal na dito makakita ng mga ka-edad ko na nagtatrabaho kahit saan, kadalasan sa mga foodchain. Kapag kasi may trabaho ka dito, ika nga nila, mabibili mo lahat ng gusto mo. At syempre kailangan mo din ng mga bagong kaibigan na magiging kasama mo sa panibagong yugto ng buhay mo. Medyo iba nga lang kasi mga "workmates" ang tawag sa kanila, at hindi na "classmates." Imba rin dito, kinse anyos pa lang, malupet na magtrabaho, kala mo matandang bihasa na sobrang tagal na sa serbisyo. Nasa banyagang bansa ka, ganun talaga.Hindi tulad sa 'Pinas na kapag wala ka pang bente anyos at nagtatrabaho ka na, eh dapat ka ng sambahin dahil kumikita ka na ng sarili mong pera. Dito (sasabihin ko na nga, dito sa South Korea..ay este Canada) basta tumuntong ka sa banyagang bansa na tulad nito, at kung hindi naman kayo ganun kayaman talaga, magtrabaho ka..ilang oras lang, may Iphone 4 ka na. Rock on. Hahahaha. Joke lang.


Lagi ko ngang iniisip na hindi ko man lang naisip noon na sa ibang bansa pala ako unang magtatrabaho. Hindi ko naisip noon na mga forinjers pala ang mga unang makakatikim ng malupet kong serbisyo. (haha). Pero hindi ko rin naramdaman noon na nasa ibang bansa ako nagtatrabaho dahil na rin sa mas marami ang mga Pinoy na katrabaho namin kesa sa mga puti at itim. Nakakagulat lang 'nung una na andaming Pinoy na nagtatrabho sa McDo na pinapasukan namin, mula sa manager hanggang sa mga crew members. Kulang na nga lang maglagay ng bandila ng Pilipinas sa labas ng restaurant.

Medyo kinakabahan ako 'nung una dahil nga sa iba ang mga pagkain na inooffer dito kesa sa 'Pinas. At masasabi ko na mas enjoy ang menu sa 'Pinas kesa dito. Bakit? wala kasing Coke Float dito. Ewan kung bakit. Kakaiba ang mga pangalan ng mga pagkain. Ang alam ko lang naman noon na binebenta sa McDo, yung Chicken Mcdo, McSpaghetti, Crispy Chicken Fillet (na 50pesos lang), 'yung malupet na Burger McDo, syempre hindi mawawala yung french fries, sundae at 'yun ngang Coke Float. Eh dito hindi ko kilala 'yung ibang menu. Tulad ng Angus Third Pounder (na hindi ko naman maunawaan kung ano ba ang Angus), Sausage and Egg Mcgriddle, BLT Bagel (hindi ko rin alam ano ba ang BLT, baka Bagong LuTo), McDouble, Tuscan Salad, Chicken BLT Baguette (na ewan kung anung basa dun, baka jejemon na "bagets") at kung ano ano pa na sabi ko 'nung una "Taragis 'yan, ano to??". Wala man lang spaghetti. Walang manok. Walang kanin. Walang burger steak. Walang Coke float. Pero infairness andun pa rin 'yung Hot Fudge (Chocolate) Sundae na paborito ko. Parehong lasa. Pero mas masarap ang fries sa Pinas..may halong sabaw. Cooking oil soup..hays. Nakakamiss.

Syempre bilang isang crew member na naka-assign sa window, ('yung cashier o counter)kelangan alerto ka at palabati at friendly daw at syempre dapat medyo spokening dollar ka. Infairness karamihan sa mga puti ay mababait. Meron din namang madaling magalit, nakakapang-insulto at sobrang sungit pero okay lang dahil madali naman silang murahin sa isip (pero syempre joke lang yun heheheh). At dahil karamihan sa kanila eh friendly naman, mahahawa ka na din ng pagiging friendly nila. Minsan nga lang ambilis bilis nila magsalita, at ang masasagot mo na lang sakanila, "Really?".

May mga kakaiba din silang mga terms sa mga pagkain nila. Tulad ng "Bacon and Egger". Sa isip ko 'nun, ano yun? Bacon at taga-itlog? 'Yun pala, egger ang tawag nila sa itlog. Minsan din hindi maiiwasan matapat sa mga kakaibang trip ng mga customer. Matatawa ka na lang sa isip, Tulad ng mga 'to:

"I want a Bacon and Egg Bagel with no Bacon."
"Can I get a Supreme Chicken Sandwich with Grilled Chicken but no meat?"
"Egg McMuffin Meal please. And can I upsize my meal with two hashbrowns and small orange juice?"
"Chocolate sundae please but with no chocolate fudge. Thanks."
"I'll get a Large decaf coffee with 10 sugar and 7 cream."
"Large Iced Coffee please, no ice."

At minsan din naman, hindi ka rin makakaiwas sa malabong customer.

Scene 1:
Ako: It's $56.34 in total. Are you eating here?
Customer: Yes, my cheeseburgers should be plain.

Scene 2:
Customer: Hi. I'll get a double cheeseburger with no pickles and a large diet coke.
Ako: Ok. Anything else ma'am?
Customer: Yes I'm eating here.

Scene 3:
Ako: Do you need butter for your muffin, Sir?
Customer: No, no. It's to take out and I will need a bag. Thanks.

Scene 4: (tuwang-tuwa ako..may singkit, baka korean.)
Ako: okay ma'am your total is $3.14.
Customer: (busy sa pagkuha ng pera sa wallet)
Ako: are you a korean?
customer: yes i have 14 cents.
Ako: (sa isip) ewan ko sayu.

Scene 5: (pinaka-asar)
Ako: Blueberry muffin Sir and two black small coffees?
Customer: Yes please.
Ako: Okay, two small black coffees, right? (inulit ko, kasi mag-isa lang naman siya, panigurado lang.)
Customer: Yes yes.
Ako: Okay, your total is $2.71, please.
Customer: (inabot 'yung bayad, parang nagdududa bakit yun ang total niya.)
Ako: (kukuha na ng kape)
Customer: Oh excuse me, how come my total si $2.71?
Ako: You've ordered a blueberry muffin and two small black coffees, right?
Customer: What? I just said one. I'll talk to your manager. You don't know what you are doing.
Ako:(Sa isip, ano to? Lokohan?) Okay Sir, sorry about that.
(nakakaasar talaga to. hindi ko makakalimutan. haha. tsk)

Scene 6: (pinoy)
Ako: Ate ano pong size ng french fries niyo?
Customer: Pambabae, Miss. (akala niya tinatanung ko kung pambabae o panlalake yung laruan ng happy meal niya, hanggang ngayon pinagiisipan ko kung magkatunog ba yung french fries at happy meal)
Ako: (sa isip, oo na lang) Dito po kakainin?
Customer: Pwede dun sa mga lamesa dun?
(ewan kung joke ba yun, mukhang hindi)


Oh di ba. Anlabo. Pero nagiging parte na lang sila ng mga nakakatuwang karanasan ko bilang isang simpleng crew member.'Nung una inaamin ko, ayoko sa ganung trabaho. Bukod sa nakakalito nung una 'yung paggamit ng monitor na touch screen, hindi pa ako ganun kakomportable na humarap sa mga puti. Hindi ako sanay na makipag-englishan. Pero sa paglipas ng panahon, dumadami ang mga kakilala, dumadami ang mga kostumer na napagsisilbihan, dumadami ang oras sa trabaho, at sa tulong na rin ng malupet na dasal bago magsimula ang isa na namang baging shift sa isang araw, unti-unti ko na 'tong naenjoy at nakatulong din saken na matuklasan ang mga bagay-bagay sa sarili ko na akala ko hindi ko kaya, kaya naman pala. At kung anu 'yun..secret. Haha. Tinanong nga ko kanina ng manager namin, "How would you describe your work here at McD's"? ang nasagot ko lang, "I never enjoyed it at first..but as time goes by, I've never expected it to be that great." Nabigla ako sa sagot ko..kasi nakapag-english nalang ako bigla ng ganun ganun na lang. Hahahaha.

Hindi ko alam kung hanggang kelan pa kami magiging crew members ng mga kapatid ko..siguro 'yung iba din naman sa mga katrabaho ko, 'yun din ang nasa isip. Magkaroon man kami ng ibang trabaho pagkatapos nito, hinding hindi ko makakalimutan na minsan sa buhay ko..nakatagpo ako ng malabong koreano. Ay este, hindi ko makakalimutan kung paano ako nagkaroon ng kumpiyansa sa sarili ko na dadalhin ko kahit saan man ako mapadpad.. Rock on.

Pero bakit kaya walang Jollibee dito? Makapagtayo nga bukas.


(photo credit: www.boredpanda.com)

Saturday, August 20, 2011

Dear Kuya Karl


Ito ang istorya ng buhay,pagibig,shit na mga bagay,karanasan ng isang tao,kalokohan ng bida



DEAR KUYA KARL,


ganito po kasi yon. ikukuwento ko po ha. pero sana wag mo na lang ipagkalat, ayokong mabuking. so itago mo na lang ako sa pangalang Marcelino Sanchez tiga quezon city po ako pero hindi po ibig sabihin eh artista ako kahit na minsan eh madalas pagkamalan bale may mahal kasi ako. oo, mahal. hindi crush, hindi infatuation at higit sa lahat hindi libog tong nararamdaman ko, mahal ko sya “mahal”. mabait sya at maganda at talentado ang problema lamang po kuya karl, may boyfriend na siya.maghihintay pa ba ako?ng sabin nating mga limang taon?kung si Imelda papin nga ay isang lingo lang ang tinagal ng pagibig anu pa kaya yung halos 1825 na araw na hihintayin ko?pero gusto ko sanang hintayin ang kanilang paghihiwalay ng landas ngunit para lang akong naghihintay na umamin si manny pacquiao na siya'y isang bakla. oo, kuya karl. malabo atang mangyari yon , malabo talaga diba, ang alin? yun nga yung paghihiwalay nila. ayun na nga. nahihirapan po ako. nasasaktan. huhuhu. gusto ko po sanang malaman kung totoo bang may manhid na tao?totoo bang may matigas na puso? at kung hanggang kelan ko po makakayang maghintay ?ilang taon na po akong nagpaparamdam ilang valentines na ang nagdaan ,ilang flowers na ang nalanta kakabigay ko sa kanya ,ilang calories na din ang nadagdag sa kanya kakakain nya ng chocolate na binibigay ko ,at kakaulit ulit ko ng i love you sa kanya hanggang sa panaginip ko yan na ang nababanggit ko.iaasa ko na lang ba sa flames? Sa guhit sa aking mga palad, sa fengshui, sa horoscope,sa compatibility ng aming zodiac signs o sa mga bitwin sa kalangitan,sa kabullshitang hula ni madam auring.o baka naman kaylangan ko ng bumili ng gayuma sa quiapo

hindi ko na alam ang gagawin ko susuko na ba ako o habang buhay na lang ako magmumukang gago

*insert luha*

anu po ba ang dapat kong gawin?

NAGMAMAHAL,

MARCELINO SANCHEZ










DEAR MARCELINO SANCHEZ,


napakahirap talagang umibig ,makakaranas ka ng problemang mas kumpliakdo pa sa problema ng globalwarming,problemang hindi nadadaan sa maboteng usapan,at higit sa lahat problemang hindi kayang soulusyonan ng shiftsolved ng es-calculator darating at darating sa punto ng buhay mo na may makikilala kang babaeng ituturing mong prinsesa,ituturing mong mundo at ituturing mong sariling bersyon ng langit at saya normal lang yan na nagmamahal ka hindi mo rin masisisi ang puso mo na matalisod ng pagibig kasi wala naman itong mata. walang mata para makaiwas sa palaso ni stupid cupid.. walang mata ang puso mo para makita ang mga imperfections nya. at walang mata para makitang may mahal na syang iba.hindi ko alam kung bakit minsan parang synonyms ng mga salitang “tanga” ang salitang “nagmamahal”

yung sa tanong mo kung may matigas bang puso WALA ,sabi nga eh.. wala naman talagang matigas na puso ,ang matigas lang talaga ay ang ulo ng mga nagmamahal na hindi nila kayang initindihin at tanggapin na hindi naman talaga sila kayang mahalin. may mga bagay na constant na talaga kahit anung tumbling mo hindi mo na mababago,parang parallel lines na kahit hanggang saan mo man iextend hinding hindi magiintersect umiyak ka man ng dugo o ng gasolina dyan ,kumonsulta ka man kay belo , or kung kahit gaano ka man kaperpekto sa tingin mo ,kung hindi kayo ,hindi kayo ,kasi minsan yung mga imperfections ang minamahal natin sa isang tao kahit kasing gwapo ka man ni fernando jose o magkapareho kayo ng hulma ng maskels ni Arnold Swa$%^&neger wala kang magagawa kung hindi ka nya mahal tandaan mo kelan man hindi magiging baka ang kalabaw ,at kalabaw naman ang baka
yun isang tanung mo eh kung hanggang kelan ka maghihintay kaw ang nakakaalam nyan kung hanggang kelan mo kakayanin ,ikaw ang nasasaktan ikaw ang nakakadama ikaw ang makakasagot nyan wag mong iaasa sa sulat na ito o sa desisyon ng isang tao kung hanggang kelan mo kayang magmahal ay magsakripisyo at pagdumating ang point na talagang hindi mo na kaya, mas mabuti nang sumuko hanggat may natitira ka pang respeto sa sarili mo..you've got to save yourself..*keep this in mind- you’ll be able to find a new love but never another self.*
love is blind. bulag ito at walang paningin. love is blind. bulag ito at walang paningin. at oo, paulitulit ako,paulitulit ako. so ayun nga. kung minsan ang pagibig ay parang isang traydor na sakit. hindi mo namamalayan bigla ka na lang manghihina at masasaktan. mayron ka na palang malubhang karamdaman. pero hindi sagot ang biogesic o alaxan fr sa nananakit mong damdamin.
for the meantime, pwede mong libangin ang sarili mo sa ibang mga bagay. pwede kang mag-aral na magluto ng biko o kaya mag-cross stitch ka ng kasing laki ng carpet nyo sa sala kahit ano. wag mong sayangin ang buhay mo dahil lang sa bigong pagibig. marami kang magagawang kapaki-pakinabang
maniwala ka sakin, masarap ang biko. sinasabi ko lang sayo. at oo, pinipilit kita. pag nagawa mo yun, sagot ko na ang bilao, maglalako tayo. Mmmkay?
NAGMAMAHAL, KUYA KARL (insertsmile)


Monday, August 15, 2011

AUTOMATIC NA NGITI



Yung iniisip mo pa lang kahit hindi mo pa nakikita pero napapangiti ka na ,yung kahit hindi ka nya nahahawakan pero nakikiliti ka, siya yung klase ng halo-halo na kahit hindi mo pa alam yung sahog alam mo nang special.

Yung automatic na ngiti pag nagiggising ako sa hating gabi,yung kahit walang nakakatawa,yung kahit walang pinagttripan ang tropa,yung kahit walang joke si vice ganda,yung automatic na ngiti kahit hindi pa ko nagtotoothbrush sa umaga,yung kahit hindi ako nagpapacute,at kahit hindi nakaharap sa kamera

yung mga automatic na ngiti na yun walang ibang dahilan yun kundi IKAW.........

OO WALANG IBA KUNDI IKAW....<3

para sa mga ngiti at maharot na pagtibok ng aking puso --salamat



-karl

AUTOMATIC NA NGITI



Yung iniisip mo pa lang kahit hindi mo pa nakikita pero napapangiti ka na ,yung kahit hindi ka nya nahahawakan pero nakikiliti ka, siya yung klase ng halo-halo na kahit hindi mo pa alam yung sahog alam mo nang special.

Yung automatic na ngiti pag nagiggising ako sa hating gabi,yung kahit walang nakakatawa,yung kahit walang pinagttripan ang tropa,yung kahit walang joke si vice ganda,yung automatic na ngiti kahit hindi pa ko nagtotoothbrush sa umaga,yung kahit hindi ako nagpapacute,at kahit hindi nakaharap sa kamera

yung mga automatic na ngiti na yun walang ibang dahilan yun kundi IKAW.........

OO WALANG IBA KUNDI IKAW....<3

para sa mga ngiti at maharot na pagtibok ng aking puso salamat



-karl

AUTOMATIC NA NGITI



Yung iniisip mo pa lang kahit hindi mo pa nakikita pero napapangiti ka na ,yung kahit hindi ka nya nahahawakan pero nakikiliti ka, siya yung klase ng halo-halo na kahit hindi mo pa alam yung sahog alam mo nang special.

Yung automatic na ngiti pag nagiggising ako sa hating gabi,yung kahit walang nakakatawa,yung kahit walang pinagttripan ang tropa,yung kahit walang joke si vice ganda,yung automatic na ngiti kahit hindi pa ko nagtotoothbrush sa umaga,yung kahit hindi ako nagpapacute,at kahit hindi nakaharap sa kamera

yung mga automatic na ngiti na yun walang ibang dahilan yun kundi IKAW.........

OO WALANG IBA KUNDI IKAW....<3



-karl

AUTOMATIC NA NGITI

Yung iniisip mo pa lang kahit hindi mo pa nakikita pero napapangiti ka na ,yung kahit hindi ka nya nahahawakan pero nakikiliti ka, siya yung klase ng halo-halo na kahit hindi mo pa alam yung sahog alam mo nang special.

Yung automatic na ngiti pag nagiggising ako sa hating gabi,yung kahit walang nakakatawa,yung kahit walang pinagttripan ang tropa,yung kahit walang joke si vice ganda,yung automatic na ngiti kahit hindi pa ko nagtotoothbrush sa umaga,yung kahit hindi ako nagpapacute,at kahit hindi nakaharap sa kamera

yung mga automatic na ngiti na yun walang ibang dahilan yun kundi IKAW.........

OO WALANG IBA KUNDI IKAW....<3



-karl

Thursday, August 4, 2011

something bout layf


yung tipikal na umaga ko nung 90’s na gigising ako para magabang ng dadaang taho kukuha pa ko ng sarili kong baso ,syempre yung mas malaki.hanggang ngayon buhay pa din yung baso ko na yun,kaso kadalasan redhorse na ang laman at yung tahong mukhang suka napalitan ng likidong nagpapasuka sakin paminsan minsan.tapos tatambay sa harap ng TV para makibonding sa mga barkada ko tuwing umaga sina ugat-puno, agatom,makipagtalkshitan kina B1 at B2, makipag bangbang at bushing bushing sa mga kastila kasama ang mga bayani, at makinig sa kwento ng hiraya manawari. habang nagluluto si mama ang sarap ng buhay dati walang problema sa math wala kong paki kung paano ko papalabasin si X ,Y ,Z at kahit na anung varriable,wala kong paki kung laganap na ba ang korapsyon sa bansa,kung sino ba si bin laden, kung umaapaw na ba ang dam at marikina river, hindi ko na hinihintay pang magsignal number 4 bago kami mawalan ng pasok,kung may kakainin ba kami bukas,sa isang linggo o sa isang buwan,kung may pambayad na ba kami sa kuryente at madami pang iba.oo promise marami pa talgang iba hindi ako nagbibiro.

ngayon pag gising ko pa lang iisipin ko na agad kung may babaunin ba ko hahaha,yung hassle na traffic sa edsa, yung exams na kung minsan parang diyos lang at yung prof ko ang may alam ng sagot,yung paglago ng pimples ko at yung kumplikadong lovelife ko na puno ng katanungan na kahit i shiftsolve ko hindi ko makuha ang sagot kung mahal din ba nya ako

reality of life nga naman nung bata ako ang dami kong oras but limited yung capabilities ko..paedad ka ng pa edad,lumalawak yung mga capabilities mo pero umiikli yung time mo.dumadami ang kaibigang dadamay sayo pero mas nagiging kumplikado naman ang mga problema.wala naman talagang perfect moment sa buhay ng tao.yung mga taong walang diyos lang ang hindi nakakaranas ng problema

well that’s life sabayan na lang kapit lang !! oh ito sayo! ,,/,,

Tuesday, August 2, 2011

only in the Philippines


dito lang sa pilipinas mahirap kumuha ng candid shot sa mga kalsada kung hindi ka naman ganun ka batikang photographer lalo na sa maynila habang umuulan yung tipong pang emo mode ang subject mo yung parang melo-dramatic ang tema na pang musicvideo tungkol sa pagibig na magttrend pag nagtwitpick ka,kasi pag click mo at pagtingin mo sa camera mo hindi lang yung perfect raindrops at relaxing ambiance yung makukuhanan mo kasama pati yung kulay milo na baha,yung naghahabulang mga daga na halos singlaki na ng pusa,yung nagtatampisaw na mga bata,may inaanud na diaper may palaman pa ah nagdebut na ata yung dating may ari ng diaper na yun hindi pa rin nailalagay sa tamang lagayan,at pag minalasmalas ka pa hahablutin pa ng snatcher yung camera mo pangit na nga ng kuha mo, nakuhanan ka pa camera

maganda sigurong kumuha sa mga kalsada sa maynila pagumuulan pag ang subject mo ay *KAHIRAPAN
*KORAPSYON
*END OF THE WORLD hahaha

Thursday, June 23, 2011

The Erplane Eggzperience: Goodbye Philippines (Hirap talaga mag-title hahahahah)

10:29 pm. Saskatoon, Saskatchewan, Canada time. Maliwanag pa rin. Nakakaano. Hahahahahaha.

8 days na kami dito sa Canada. Bawat araw may mga bagay na nalalaman, may mga bagay din naman na kinakasanayan na lang. Tsk. Dami pang sinasabi. Magkukwento na lang ako para masaya. Hehehehe.

June 14, 2011. Ang araw ng pag-alis sa Lupang Hinirang. Excited at malungkot ako 'nung araw na 'yun. Malungkot din dahil maraming maiiwan dito, gaya ng mga kamag-anak at mabubuting kaibigan, at pati 'yung ibang damit at gamit ko na no choice kundi iwanan dahil mag-oover baggage na kami. Excited dahil makakapasok na ako sa loob ng airport at makakasakay na sa eroplano. Nung mga oras bago kami sumakay ng eroplano, super GM (group message sa text) pa rin ako, ewan. Mahilig talaga ko mag-GM pero hindi ko mahilig makipagtext ng tuloy tuloy. Hehe. Nag-ji-gm ako kasi medyo kinakabahan ako at marami akong tanong sa isip na "ano na kaya ang sunod na mangyayari pagkatapos neto?'...nag-ji-gm na lang ako para mabaling sa iba ang atensyon ko. Sa airport okay naman, wala masyadong kakaiba. Para ka lang nasa terminal ng Victory Liner na de-aircon. Ang mamahal nga lang ng pagkain, palibhasa nasa "airport" kasi. Tunog bigatin ang mga tao. 'Yung coke-in-can, 50pesos isa. Hindi nakakatuwa. Tapos ayun. Ilang sandali na lang, hello na sa mga filght stewardess ng Philippine Airlines..naks!

"Flight PR 106 now ready for..."



For boarding ata. Hindi ko matandaan sinabi 'nung nag-aannounce basta 'nung pagkarinig namin 'nyan, hindi ko maipaliwanag yung pakiramdam na eto na...sasakay na kami ng eroplano, ang pangarap ng kapatid ko na pangarap ko din naman konti pero masa pangarap ko matuto magdrive...ng eroplano. Tapos ayan na...nung nakita ko na 'yung flight attendant na kulay pink ang lipstick na nagwewelcome samen, at habang nagsisimula na kami umapak sa loob ng eroplano ('yung Kelen na bus 'yung naisip ko agad nun, ewan kung bakit), parang naririnig ko 'yung Doobidoo slow version sa utak ko. Iba ang pakiramdam..da best! OA! Hahahaha. Ang astig kasi talaga sa loob ng eroplano, ang laki laki, daming upuan tapos parang pangmayaman na ewan. Ang layo pa ng nilakad namin bago makarating sa upuan dahil medyo nasa bandang likod pala kami. Magkatabi kami ng kapatid kong bunso, 'yung kuya ko naman sa likod lang namin. Para kaming tanga ng kapatid ko, tawa kami ng tawa sa tuwa. Hahahaha. Tapos nagtetext pa rin ako nun kahit bawal na, last GM na eh.. hahahah. Then sabi lilipad na daw..take off ata tawag dun. Kinakabahan talaga ko kasi takot ako sa matataas. Kapit kamay pa kami ng kapatid ko, para kaming mga tanga ulet. Hahahaha! Tapos nagsimula nang umandar 'yung eroplano, feel na feel ko na eh..tapos biglang huminto. Nag-CR ata yung piloto, o kaya may tumawid na pusa, ewan. Tapos umandar ulet, feel na feel ko na naman...tapos unti unting lumipad..lumipad nang lumipad hanggang sa unti-unti nang lumiliit ang lahat ng bagay sa Pilipinas..unti-unti nang hinahanda ang utak ko sa katotohanan na kalahati (o kaya 3/4) ng buhay ko ay maiiwan na..mga kaibigan, mga bagay na nakagawian, ang "ako", ang sarili ko...lahat 'yun iiwanan na kapalit nang "mas" magandang buhay sa ibayong dagat.. Maya-maya nasa ibabaw na kami ng mga ulap..hanggang makalabas ng bansa..paalam Pilipinas..



Pero infairness ang saya sa eroplano. Wahahaha. Maya't-maya kami nagtitinginan ng kapatid ko tapos tatawa na naman kami tapos sasabihin na naman niya, "nasa eroplano tayo ate, hindi pa rin ako makapaniwala". Siguro mga 14 times niya sinabi 'yun..at 14 times din ako sumagot ng ngiti. Hehehe. Akala ko 'nung una sa buong oras ng byahe namin na 12 hours, nakabukas lang 'yung bintana at makikita ko kahit paano kung baka nasa Korea na kami. Pero hindi. Makalipas ang isang oras, lumapit na 'yung filght attendant para ipababa 'yung shade ng bintana. Pero hindi naman ako nalungkot ng lubusan, namigay sila ng headset tapos natuwa ako dahil may isang station sa radyo ng eroplano na puro K-pop! Ang saya saya ko talaga. Haha. Kaso nabagot din ako, natulog na lang ako. Tapos pasimple kong binubuksan 'yung shade ng bintana para silipin kung totoo ngang nasa Japan na kami ayon sa "electronic" na mapa. Kaso binaba ko din agad. Mamamatay ako sa sikat ng araw. Haha. Tsk. Tapos natulog na lang ulet ako. Tapos sinubukan ko ulet buksan 'yung sa bintana, gabi naman. Wala ring makita. Tulog ulet. Pero buti na lang oras na ng bigayan ng pagkain. Nakakatuwa dahil kala ko isang bote ng C2 at cupcake lang ang ibibigay, 'yun kasi nabasa ko sa forum sa internet kaya 'yun talaga ang ineexpect ko. Pero ang saya pala. Andaming pagkain! Kaya naman 'yung kapatid ko buong puso niya akong ginising dahil may pagkain daw. Hahahaha.



Oh di ba andaming pagkain. Tinago ko sa bag 'yung cupcake, isang coke in can at iba pang pagkain na pwedeng i-bag, just in case magutom kami sa airport ng Vancouver kung saan kami unang bababa. Hahaha. Baka kasi OA sa mahal ang mga pagkain dun, hindi pa man din napapalitan ng canadian dollars 'yung dala naming pera. Sobrang tagal ng byahe na dinadaan na lang sa pagtulog, pagmuni-muni, pakikinig ng k-pop at pag-CR bilang pamatay oras. Pero nagtataka talaga ko kung anong lipstick 'yung gamit ng mga flight attendant at kahit anong oras super fresh pa rin ang mga labi nila. Kahit walang tulog, super fresh pa rin sila.

Tapos maya-maya, nakita ko sa electronic na mapa na malapit na kami sa Vancouver, binawi na din ang mga headsets 30 minutes bago bumaba ang eroplano. Then ayan...nakababa na ang eroplano...mga balbon na malalaking lalaking mapuputi na ang nakikita kong tauhan sa eroplano..eto na..nasa Canada na kami. Tumugtog ang Voltes Five sa utak ko. Tentenentenen tenten. Hehehehehe.

Masyado ata kaming namangha na nasa Canada na kami at nakalimutan naming ihanda ang mga passport. Pero nailabas din naman namin agad. Kung sa airport sa Pinas, maraming tao, dun naman sa Vancouver, meron lang ilang piraso. Hinanap namin 'yung New Immigrants division kung saan kami iinterviewhin ng mga officer, mga Canadian na 'yun, basag. Pero buti yes or no lang ang sagot. Konting question and answer portion then we're done. Kuhaan na ng bagahe na ilang oras na palang paikot-ikot sa luggae carousel ng airport. Kami lang pala ang may mga kakaibang bagahe dun, 'yung super laking maleta at mga kahon na binalot ng packaging tape na may pangalan at may nakalagay pang-"FRAGILE." Pinagtitinginan kami ng mga Canadian sa mga dala naming madaming bagahe dahil karamihan sa kanila, paisa-isang maleta lang. Hehehehe. Then nag-CR muna kami. "Washroom" pala ang tawag nila sa mga CR. Dito ko natuklasan na ang titindi pala ng mga inidoro ng Canada, matatapang, hinamon ko nga ng away. Grabe naman kasi 'yung flash, sobrang lakas, kala mo lalamunin ka ng buo kaya dapat ingatan mo pwet mo. Hehehe. Nakakapanibago lang din dahil puro Canadians na ang mga nakikita namin, 'yung mga Pinoy wala masyado, paisa-isa lang. Kami na ngayon ang foreigner sa paningin ng mga puti. Hahahahaha.

Tapos hinanap na namin 'yung sunod na pupuntahan para sa next flight namin sa papuntang Saskatoon, dun kami talaga pupunta at kung nasaan 'yung Papa namin. Nag-check in lang kami, binigay ang mga bagahe then ayun tapos na. Pero nalungkot ako 'nung kinuha ng officer 'yung Coke in can ko, bawal nga pala ang liquid beverage sa eroplano, sayang. Tsk. 8pm pa ang flight namin, 5pm palang ata 'nung mga oras na 'yun kaya super gala muna kami sa loob ng Vancouver International Airport na parang mall! Ang ganda ganda at ang laki laki! Hahahaha. As usual tuwang tuwa na naman 'yung kapatid ko kaya maya't-maya niya sinasabi na "pagala-gala lang tayo ng ganito pero nasa Canada na tayo." Siguro mga 17 times naman niya sinabi 'yun. Nagkaproblema pa kami kung paano namin tatawagan 'yung Papa namin kasi ayaw tanggapin 'yung pera namin na pinapalit namin ng dollars dun sa telephone booth. May nagmagandang loob na lang na nagpahiram ng cellphone niya. Naloka naman ako sa kanya kasi nagsha-shine lang siya ng sapatos pero naka-Blackberry siya. Sabi ko nga sakanya, "ang taray!" then sabi niya, "what?" sabi ko na lang, "T.Y!" Siya na. Siya na ang mayaman. Ako na ang dukha! Hahahahahahaha.

Palibhasa, first time sa ibang bansa kaya super picture. Kahit saan picture ng picture. Sabi pa nila, malalaman mo daw kung Pinoy kapag picture ng picture. Okay. Kami na ang Pinoy, kami na. Haha. Nakakatuwa dahil sa airport palang nila makikita mo na kung gaano kaunlad ang bansa nila. Sa CR, este, washroom pala nila sa pinakaloob, grabe! Ang ganda! Sobrang laki, lahat automatic at kumikinang ang dingding at sahig. Pero matapang pa rin ang inidoro nila, dun lang ako hindi natuwa.

Ay naalala ko, sa airport marami rin akong nakitang Pinoy. Ang hindi lang masyadong maganda, ang mga trabaho nila kadalasan taga-linis ng CR o kaya taga-hatak ng basura. Pero wag ka, malaki ang sweldo ng mga ganun. Baka nga may mga sarili na silang bahay dito. Hmm. Yun lang. Hehe.

Going back, ayun, nakakaloka ang inidoro. hahaha. 7pm na ng gabi, pero tirik pa rin ang araw. Dun namin unang naranasan 'yun sa Vancouver. At bale nakaranas pala kami ng dalawang June 14,2011 sa buhay namin. Posible talagang umulit ang petsa, kaso magastos, mangibang bansa ka. Haha. Sabi nga ni Bob Ong sa isang libro niya, 'Nakabalik ako sa lugar, pero hindi ko na naibalik ang panahon." Kami naman, "Naibalik namin ang oras, pero hindi na kami nakabalik sa lugar at panahon." Maaring umulit nga ang petsa na 'yun, pero hindi na naibalik ang lahat ng mga pangyayari ng kahapon. (ayos, basta may rhyme lang haha)

Then flight na. Akala ko naman mas matindi pa sa Philippine Airlines ang sunod na eroplanong sasakyan namin, pero nak ng tinapa. Hindi pala. Sobrang liit ng eroplano at isang flight stewardess lang ang kasya sa loob. Ganun daw talaga dahil domestic flight. Pero okay lang, dinala rin naman kami nito sa ibabaw ng mga ulap. :)

At dyan na muna nagtatapos ang blog na ito. Inaantok na ako. Mag-12am na rin dito. Magsisimula palang mag-Thursday habang sa Pilipinas, nangangalahati na ang araw na 'yun at patapos na maya-maya. 14 hours difference. Long distance talaga.

Goodnight...good afternoon! Zzzzzzzzzzzzzz. :))

Saturday, April 16, 2011

Saang Panahon Ka?


Ano nga ba ang pagkakaiba ng pamumuhay ng mga bata noon at ngayon? Kung iisa isahin natin ang bawat pagkakaiba, nako! siguradong aabutin tayo ng siyam siyam. Baka, uugod ugod nako, di paren ako matatapos sa pagsusuri at pagbibilang ng pagkaka iba ng noon at ngayon. Pero, sa natatandaan ko nung kapanahunan ko (hmm! di pa naman ako ganon katanda.

Read More From >>>   www.Itnok.co.cc

Thursday, April 14, 2011

" ANG HULING SULYAP SA PAGITAN NG MGA SALAMIN"


SCENE 1: nakaupo ako sa klase namin sa English at buong oras ko lang tinititigan ang isang babae sa harap ko sya ang bestfriend ko mula nung mga bata pa lang kame. tinititigan ko lang sya halos buong araw ang kanyang mahaba at madulas na buhok ,maamong mukha at matatamis na mga ngiti at alam kong hindi nya ko napapansin

pagkatapos ng klase nanghiram sya sa akin ng notes,pinahiram ko at nagpasalamat naman sya sabay ngiti at isang halik pangkaibigan sa aking mga pisngi

GUSTO KO SANANG SABIHIN SA KANYA NA MAHAL KO SYA AT HINDI AKO KUNTENTO NA MAGKAIBIGAN LANG KAMI PERO NAHIHIYA AKO HINDI KO ALAM KUNG BAKIT

SCENE 2: nagring ang telepono (isang tawag mula sa kanya ) umiiyak sya dahil nasaktan sya sa unang pagkakataon ng taong mahal nya ...sabi nya puntahan ko daw sya sa kanila ,nung nakaupo na kami sa sofa nila tinititigan ko lang sya sa mata at pinapanalangin na sana akin na lang sya pagkatapos ng dalawang drew barrymore movie 3 pack ng frenchfries nagdesisyon syang matulog na nagpasalamat naman sya sabay ngiti at isang halik pangkaibigan sa aking mga pisngi

GUSTO KO SANANG SABIHIN SA KANYA NA MAHAL KO SYA AT HINDI AKO KUNTENTO NA MAGKAIBIGAN LANG KAMI PERO NAHIHIYA AKO HINDI KO ALAM KUNG BAKIT

SCENE 3: isang araw bago ang JS prom sabi nya sakin may sakit daw yung kadate nya.so nagdecide kami na, kami na lang as friends ang magkadate sa darating na gabi bago maguwian nakatitig ako sa kanya sa malayo suot ang long gown nyang para syang prinsesa at hiniling sa sarili na sana akin na lang sya lumapit sya at nagpaalam
sabay ngiti at isang halik pangkaibigan sa aking mga pisngi

GUSTO KO SANANG SABIHIN SA KANYA NA MAHAL KO SYA AT HINDI AKO KUNTENTO NA MAGKAIBIGAN LANG KAMI PERO NAHIHIYA AKO HINDI KO ALAM KUNG BAKIT

SCENE 4: nagdaan ang mga araw ,lingo,buwan at isang taon na ang nakalipas at ngayon graduation pinanuod ko sya habang umakyat sya sa stage l at kunin ang kanyang diploma hiniling ko sa sarili na sana akin na lang sya. matapos ang valedictory speech ng valedictorian namin lumapit sya sakin isang halik ng pagkakaibigan at isang mahigpit na yakap mula sa isat isa umiyak sya at napaluha na din ako

GUSTO KO SANANG SABIHIN SA KANYA NA MAHAL KO SYA AT HINDI AKO KUNTENTO NA MAGKAIBIGAN LANG KAMI PERO NAHIHIYA AKO HINDI KO ALAM KUNG BAKIT

SCENE 5: ( ilang taon ang nakalipas) ngayon nakaupo ako sa simbahan pinapanuod ko kahit labag man sa puso ko ang kasal ng aking bestfriend narinig ko mula sa tenga ko tagos sa puso ko at sa ayaw ko man at sa hindi kaylangan kong tanggapin ang narinig ko ......narining kong sinabi nya ang dalawang salitang sumira at nagwasak sa mga pangarap kong lumigaya habanghabang buhay .............ang salitang "I DO"

SCENE 6: (funeral) namatay sya dahil sa sakit na cancer ilang taon matapos ang kasal nya tinitigan ko sya sa pagitan ng salamin na namamagitan sa amin ang babaeng minsan kung nakasama ,naging bestfriend at higit sa lahat ang babaeng minahal ko buong buhay ko .walang pinagbago mula nung unang nagkakilala kami hanggang ngyon na nakahiga na lang sya sa kabaong nya at humihingi ako ng konting pagkakaton para masulyapan sya sa huling pagkakataon bakas pa din sa nakapikit nyang mga mata ang mga ngiti na nagiging dahilan din ng pag ngiti ko

nilapitan ako ng nanay nya binigay ang isang diary "sabi nya sakin bago sya mamatay na ibigay ko yan sayo "

binasa ko yung diary na sinulat nya nung highschool pa kami at nakasulat ang mga...

MAHAL KO SYA GUSTO KO SANANG SABIHIN SA KANYA NA MAHAL KO SYA AT HINDI AKO KUNTENTO NA MAGKAIBIGAN LANG KAMI PERO NAHIHIYA AKO HINDI KO ALAM KUNG BAKIT KUNG HANGGANG DITO NA LANG ANG LAHAT SANA HINDI NA LANG SYA ANG NAGING BESTFRIEND KO T.T :(((((((





napaisip ako at biglang pumatak ang luha sa mga mata ko .....kung nasabi ko lang sana ang mga gusto kong sabihin nung mga panahon posible pa ang lahat .kung maibabalik ko lang yung mga pagkakataon na maririnig mo pa ang bawat salitang bibitawan ko ,hinding hindi sana ako mapapagod sabihin mahal kita kahit paulit ulit pa

... paminsan minsan talaga mapaglaro ang tadhana and swear hindi sya nakakatuwa





















-isinalin lamang

Saturday, February 26, 2011

Do-Re-Mi-So-Fa-Ti-La-Do..Tsk!

"..but when I first fell in love with the piano, I knew it was me. I was dying to play."
Alicia Keys

Isa na siguro sa mga pinakamasarap na pakiramdam sa mundo ay 'yung magkaroon ng talento sa pagtugtog ng mga musical instrumentsss, o kahit musical instrument lang. 'Yung tipong kahit ano pang damdamin ang pinakatatago-tago mo diyan sa puso mo, e kaya mong isigaw sa mundo sa pamamagitan lang ng pagkaskas ng gitara, pagwawala sa drumset, pagpapasabog ng beatbox, o kaya sa pagpikit ng mata at pagkalabit sa mga tiklado ng piano sa saliw ng mga musikang nagpapalakas sa tibok ng puso mo. 'Yun bang konting pakikipag-jam mo lang sa instrumentong napili mong tugtugin, e para bang gumagaan na agad ang pakiramdam mo at pakiramdam mo musika na ang solusyon sa problema ng mundo - pansamantala.

Nasa puso mo na ang pagmamahal sa musika, punung-puno na ang kaluluwa mo ng mga himig na handa mo nang tugtugin bilang tanda ng pagpapakita nang tunay mong nararamdaman. Madulas na ang utak mo para ilapat ang mga salitang bubuo sa kantang nagsusumigaw na diyan sa kalooban mo. Kaso may problema... wala kang talent!! wala kang alam tugtugin!! WALA! WALA!! Pa'ano 'yan??? Pipikit ka na lang at mag-iimagine na marunong ka magpiano?? Baliw! Baliw! Baliw ka Eych! Ilusyonada!! Waaaaaaaaaahh! Haha.

Nakakabadtrip di ba??

Bumili ako ng electronic keyboard 'nung isang araw. Biglaan lang 'yun. Nanggaling lang talaga ako sa kaibigan ko na marunong mag-piano at nagpaturo at natuwa at napangiti at nangarap na makatugtog sa pamamagitan ng mga daliri kong may tig-0.5 centimeter na kuko at napangiti ulet at napaisip what if bumili din ako ng keyboard ko, napadaan sa bilihan ng mga keyboard at nagdownpayment at kinuha din kinabukasan gamit ang allowance ko for one week at ayun. (Whooh) Instant. Nagkaroon ako ng piano. (Piano na lang, ang haba kasi pag electronic keyboard. hehe.)

Palibhasa excited, inuwi namin agad ng Kuya ko 'yung piano, dapat may libreng tutor 'yun kaso naalala ko hindi ko pala dinadala yung utak ko kapag umaalis ako ng bahay, baka magpakamatay pa yung magtuturo saken sa sobrang slow ko. Wala akong alam tugtugin kahit isa, ay meron pala, 'yung korean na kanta na paborito ko kaso hanggang unang verse lang, ampanget pa pakinggan. No choice. Kelangan ko turuan ang sarili ko. Kelangan ko magtyaga magturo sa row 4 na bata. Naisip ko din na tama 'yung kaibigan ko na okay din kung bibili ako ng piano para naman may alam akong tugtugin kahit man lang isang instrument. Pero ang totoo, pina-realize niya lang saken na wala talaga akong talent. Haha.

(Kasalukuyan akong nilalagyan ng lotion ng kapatid ko sa hita at sa mukha, ewan kung bakit.)

Ang hirap pala. Para kang sumusugal sa isang bagay na hindi mo alam kung meron ka bang makukuha sa huli. Hindi mo alam kung para sa'yo nga ba talaga 'yung ginagawa mong pagtyatyaga.

(Para senti ang dating, ikokonek ko sa pag-ibig.)

Halimbawa may gusto ko sa taong hindi ka gusto. Para kang nagbubuhos ng atensyon sa isang tao na hindi mo naman alam kung inilaan ba ng tadhana para sayo. Minsan kahit anong pilit mo, at kahit na anong pagsisikap mo na iparamdam sa taong 'yun na gustong gusto mo siya, madalas hindi pa rin sapat dahil sa huli, 'yung nararamdaman niya pa rin ang tatapos sa usapan. Sa kabila ng lahat, hindi mo pa rin kayang makuha ang puso niya. Parang sa pag-aaral din ng piano, o kahit sa anong musical instrument na bet mo, kung wala ka naman talagang alam at gusto mo lang, malaki ang posibilidad na sa kabila ng lahat ng pagsisikap mo, hindi ka pa rin marunong. Sa kabila ng lahat, hindi mo pa rin makuha ang tamang paraan sa pagtugtog nito. Buhay nga naman. (Pero don't worry, saken lang siguro applicable yan. Bakit kasi ang hirap ko turuan? Haha.)

"..music expresses that which cannot be said and on which it is impossible to be silent."
Victor Hugo

Paano na lang pala kung walang music? Kaya mo bang iimagine na mabuhay sa mundo nang walang musika? Pwede naman, kasi hindi ka naman mamamatay kung walang music. Pero may mga ilang bagay lang kasi talaga sa buhay na kapag hindi nag-exist sa mundo mo, e para ka na ring nabubuhay dahil obligado ka lang mabuhay, at hindi dahil sa gusto mo talaga mabuhay.

Sana nalalaman din ng tao kung para saan siya nakalaan sa mundo, o kahit clue lang. Sana nung bumili ako ng piano, binulungan man lang ako ni Beethoven ng, "Ul*l! Bibili ka ng piano?? Ni Do-Re-Mi nga hindi mo memorized! Chaka mo!". Kaso hindi ganun ang buhay eh. Hinding-hindi.

Do ------------- Do you ever imagined how much I've tried?
Re ------------- Remember the things we do together, 'til the day we die.
Mi ------------- Meaningful memories, buried deep within my heart.
Fa ------------- Fantasy, fantasy. Is that all you can be in me?
So ------------- Sonatas are dancing on my soul, like you are in my mind.
La ------------- Lasting fragrance of your embrace, swaying with the wind.
Ti ------------- 'Til the day I get your heart, I'll keep trying.
Do ------------- Don't stop existing in my world, I might suddenly disappear.

-DoReMi

Now Listening : Kiss in The Rain - Yiruma.

P.S.
Sana malaman ko address ni Alicia Keys. Wala lang. Papatulong lang ako magpapayat.



Photo: http://i300.photobucket.com/albums/nn27/ilovemusic227/music.jpg

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | Edited by PedXing-ArAr