Wednesday, March 31, 2010

Emo.

Gabi na naman. Dumadami na naman ang mga emo.

Hindi ko alam kung saan nagsimula ang salitang "emo" at kung paano 'yan nauso. Basta ang alam ko lang, ang mga taong ito ay may mabigat na problema, may sakit na dinaramdam, may pusong nawasak, may bitukang bumulwak, o sadyang maarte lang. Sadyang makulay nga naman ang buhay ng tao. Sa sobrang makulay, minsan nakakasakit na sa mata. Hindi yata kumpleto ang buhay ng tao kung hindi siya makakaranas ng ilang minutong kagustuhang mapag-isa at mapag-isip-isip ang mga bagay-bagay at mga pangyayari sa paligid niya. Emo.

Sa status message pa lang sa Facebook (sorry Friendster, nakalimutan ko kasi password ko sayo), makikita mo na ang mga iba't-ibang klaseng ke-emohan ng mga tao. Sa Facebook kasi, madaling makita ng lahat ang mga gusto mong sabihin. Pwede kang magalit, magmura, maging sweet, mag-histerical, magbreak dance, at lahat lahat na - nang hindi nalalaman ng iba kung tungkol saan at para kanino talaga ang gusto mong sabihin. Eto mga sample: (Babala: Basta. May babala. Hehe)

-USELESS EFFORTS!.. HATE IT...........

-I said, what do you want?

-tuwing nakikita ko ang picture natin naaalala ko ung mga close times natin together....mga first tym ko naging close na close sau..

-PU****.i**!!! NAkAkAHiYA NAMAN 9NAWA MU ! HUHUHU .. UALA NUA N9A CUN9 MUkHAN9 MAiHARAP DUN SZA TAO .. WiNALAN MU PA CU N9 PA9kATAO !!! ANU kA BA NAMAN !!! i DiDN'T EXPECT THiS TO HAPPEN ! HUHUHU .. ='(

-Being happy doesn’t mean that everything is perfect. It means that you’ve decided to look beyond the imperfections.

-Before, hinahabol kita pero di mo ako pinapansin. Tapos isang araw nawala ako, hinanap mo ako at tinanong, “Bakit ka nagsawa?” Ngumiti ako, “Hindi ako nagsawa. Natauhan lang.” HAHAHA. tamang tma :))

-lagi nalang akong mag-isa..hmp!

-sometimes its better to keep silent than tell others what you feel...to keep your thoughts to yourself cause it'll only hurt when you know they can hear you but they can't understand...

-Lahat daw tayo nasa proseso ng PAGIGING TANGA, at pag nagmahal tayo ng MALING TAO, ibig sabihin... WE'VE COMPLETED THE PROCESS... :'D

-Ang asim ng mangga. Haha
(Ewan bakit nasama to hehe)


Parang mga ewan lang. Mga emo.

Pero kung papansinin at seseryosohin, maiisip mong may mga tao talagang nangangailangan ng makakausap at hinding hindi maipagkakaila 'yan. 'Yung iba naman, aminado sila sa mga sarili nila na kailangan din nila ng taong masasandalan sa mga oras na pakiramdam nila e sumuko na ang buong mundo sa kanila, ang problema lang, hindi sila nag-aabalang maghanap ng makakausap, o kaya, ni hindi man lang nila binalak. Mas pinili kasi nilang ipagsiksikan ang sariling nararamdaman sa isang maliit na kahong nagtatanong ng "What's on your mind?".

Hindi kumpleto ang pagiging emo kung wala ang konsepto ng "pag-iisa." Pero kung iisipin, marami naman talagang naidudulot na magagandang bagay ang pag-iisa. Masyado nang maingay ang mundo, masyadong magulo, ni hindi na nga kayo nagkakarinigan ng isip mo. Sa pag-iisa kasi minsan 'dun mo naiisip at napagtatanto 'yung mga bagay na hindi mo naiisip at napgtatanto kapag kalaro mo ang magulong mundo. Pwede mong maisip ang mga nakakalungkot na bagay, o kaya 'yung pinakamasasaya at mapapansin mong napapangiti ka na. Samahan mo pa ng mga tugtuging may nakakalungkot na himig na mas makapagpapatindi ng emosyon mo, solb ang pagiging emo.

Tugtugin. Mga music. 'Yan kadalasan ang kasa-kasama ng tao kapag wala na siyang ibang kayang sabihin. Pakiramdam mo e naiintindihan ka ng mga musikang pinapatugtog mo. Habang nagpapatugtog ka, 'dun mo pa mas lalong nararamdaman ang drama ng buhay mo. "It brings back the old memories," ika nga. Minsan mapapaluha ka na lang, kasi nga emo ka (hehe). Mahiwaga talaga ang nagagawa ng music. Sa isang iglap, kaya siyang pagkatiwalaan ng tao.

Pero hindi naman ganun kaganda ang naidudulot ng pag-iisa kung palagi mo na lang 'yun ginagawa. 'Yun bang sa mahabang panahon e kinukulong mo ang sarili mo at hindi mo hinahayaang tulungan ka ng iba na mabawasan 'yang sakit na nararamdaman mo. Ang problema lang kasi, masyado mong kinukunsinte ang mga nararamdaman mo. Hindi mo man lang naisip na napakaraming tao sa paligid ang handang makinig sa gustong sabihin ng puso mo at handang umintindi sa magulo mong isip, hindi mo lang sila binibigyan ng pansin kasi abala ka sa sarili mong damdamin. Oo. tama ka. Wala naman silang magagawa at wala rin namang mangyayari kung sasabihin mo sa iba kung ano ba talaga ang problema mo. Pero hindi ba't kahit paano, masarap isipin na may mga tao palang handang makinig sa'yo at kasama mong umaasa na sana paggising mo bukas, makakaya mo na ulit ngumiti at tuluyang maging masaya?

What's on your mind? Share.




---
Salamat sa www.shashum.com.ar/
convexa2009/08/
alone.html para sa larawan.

Tuesday, March 30, 2010

Sorry4x Neka4x Rock 'n Rollin Mitsa Beybe!

Bumili ako ng Cornetto kanina. Yung ice cream na nasa apa na sosyal na medyo mahal na kaya ko lang binili e dahil mahal at kasama ko ang nanay ko at sabi ng mga classmates ko masarap daw 'yun pero nung kinain ko, hindi naman pala masarap at dapat pala ice candy na lang 'yung binili ko kainis talaga ang hirap pa naman magpanggap na nasasarapan ka sa isang bagay na hindi naman talaga masarap. *hooh!* Sabi ko pa babayaran ko ang nanay ko pag-uwi namin sa bahay. Pero syempre joke ko lang 'yun kasi wala naman talaga kong pera at walang kinalaman ang paragraph na 'to sa blog ko.

Katabi ko ngayon ang isang music magazine na ang cover ay isang sikat na Korean girl group na hindi ko na sasabihing 2ne1 'yun, secret na lang muna. Nag-aaral kasi ako maggitara ngayon (naks, pero A chord lang ang alam ko) kaya naman kailangan ko ng "songhits" para naman mapag-aralan ko ang iba't-ibang klase ng chords at tamang size ng fingers. Sa dinami-dami ng songhits na iniharap ng istanteng 'yun sa pagmumukha ko, hindi ko mapigilan ang sarili ko na piliin yung may Korean group sa cover. Korean. Abushing-shing boom! Ewan. Adik talaga ako sa mga "K-pop" o "Korean Pop" music. Kahit na parang minumura na nila ko sa mga lyrics nila, masaya pa rin akong nakikikanta ng "sorry sorry sorry sorry neka neka neka neka baby baby baby rock 'n rollin mitsa baby!"



Kahit na hindi ko sila naiintindihan, ewan pero enjoy na enjoy talaga ko sa mga ginagawa nila sa buhay nila. Sa mga kasuotan pa lang nila, nakaka-enganyo na silang panoorin. Sa totoo lang, hindi naman talaga ko masyadong adik sa K-pop. Madalas ko lang naman ipaprint 'yung mga lyrics ng mga paborito kong korean songs, nag-dadownload ng mga kantang koreano, nanonood sa youtube ng mga music videos ng mga koreano, nagbabasa ng mga blogs ng mga koreano, nag-aral ng Hangul o paraan ng pagsulat ng mga koreano, bumili ng dictionary na koreano, nanonood ng dvd na koreano, kinakausap ang mga katext sa paraang koreano, at nangangarap na maging boypren si Jun Pyo at Ji Hoo o kaya kahit phone pal lang. Sabi ng nanay ko, magdadasal daw siya ng paluhod sa simbahan ng Quiapo, maibalik lang daw sa katinuan ang anak niyang cute.

Colonial mentality ba 'to? Paikut-ikutin ko man ang bituka ko, mukhang oo pa rin ang sagot. Ni wala na kong masyadong alam sa mga bagong kantang pinoy ngayon, nakaka-guilty pala. Sorry sorry sorry sorry neka neka neka rock n rollin mitsa beybe!

Nakakapagtaka lang na kapag ang mga bansang tulad ng Korea ay gumawa ng mga girl/boy groups na katulad ng mga sumisikat ngayon, e cool at magandang tignan. Pero kapag Pinoy ang gumawa, puputaktihin na agad ng mga hindi magagandang puna. Kesyo sasabihing corny, gaya-gaya, walang originality at sana gumawa na lang sila ng commercial ng deodorant. Ganyan na talaga ang mga Pinoy ngayon, siraan ng lahi. Triple tsk.

Pero ang Pinoy talaga, sadyang maloko. Natawa talaga ko sa mga parody na ginagawa ng isang sit com kung saan e ginagawan nila ng "tagalog lyrics" ang mga korean songs na talaga namang gugulong ang esophagus mo sa kakatawa. I-click niyo na lang 'yung mga link na 'to para sa sample:

http://www.youtube.com/watch?v=0IaVzToO63Y




Sample pa? eto:

Lyrics ng I Don't Care (dinala ko sa ospital nung una kong napanood ang video neto. tsk tsk! haha)

Me oil ka sa mole, pang nestea ka, na nag-church pero yung sa motel
Many calories, sossy pa, kay tiyahin ng handy phone
Kamote yan tsaka mangga pa ohho-oo
Kasi, sing gurang ni Tsong,
Mommy nyo lasenggo
Na dun ka sisinghot kasi mahabang lalakbay
Kissing ni Montero eh, na video ng foreigner
Nintendong masarap ang tinde owo oooh

K-F-C, escabeche, tsong ang sarap
Sige masebo kasi siba
One two karinyo, isaing nyo may bula
Nahulog

I don’t care uma-arte
Higa office, someone andun, kiss ni tsong nung sang buwan
Ang arte, di pa Tuesday, ang dyowa uy baduy ang hair ay lilima
Cause I don’t care e-e-e-e-e, I don’t care e-e-e-e-e
Cause I don’t care e-e-e-e-e, I don’t care e-e-e-e-e
Boy I don’t care

Honda tinapa, bf kong sumpungin, me ganon na mukhasim eh
Me imbiyerna na shampoo ni Ma’am, burles sa gunting
Ang iisang muta mo’y takot siya
(Mang Dante) Aminang gasul, mga matsing ko
Anak pong lasenggo, de kapitan lasing na
Tara Dagul hakone, yong reggae ng gwapo ne
Atsarang dinamitang pundi oho ooh
Oh medyo bagong bakunahan na
Tocino siomai butsi man, yuck C.P. asan yema, asenso me
Cadillac
Nagunaw

I don’t care uma-arte
Higa office, someone andun, kiss ni tsong nung sang buwan
Ang arte, di pa Tuesday, ang dyowa uy baduy ang hair ay lilima
Cause I don’t care e-e-e-e-e, I don’t care e-e-e-e-e
Cause I don’t care e-e-e-e-e, I don’t care e-e-e-e-e
Boy I don’t care

Nag-lock kami, puyat si Sir at ang drama’y di akyat bahay
Naghuhulas nag-single kami, mami cigarette boy
Balot, sige na, kangkong, coffee yan, sisig, at tyani
Isipit your napkin, awayin, Cebuana, itali me

I don’t care uma-arte
Higa office, someone andun, kiss ni tsong nung sang buwan
Ang arte, di pa Tuesday, ang dyowa uy baduy ang hair ay lilima
Cause I don’t care e-e-e-e-e, I don’t care e-e-e-e-e
Cause I don’t care e-e-e-e-e, I don’t care e-e-e-e-e
Boy I don’t care



Gusto mo pa? Eto. Lyrics naman ng paborito kong "Sorry Sorry" (ang personal kong pampatulog):

DANCE DANCE DANCE DANCE
SIGE BABY (OH!)
SIGE BABY (OH!)
SIGE BABY (OH!)
SIGE BABY (OH!
OH! OH! OH! OH!

(CHORUS)
SORRY SORRY SORRY SORRY
MEKANIKO ME KANO DIYAN
NAKED NAKED NAKED
PASOK PASOK PASOK PARA BABY
SHAWIE SHAWIE SHAWIE SHAWIE
HULING PUSA PUSH-UP PUSH-UP
SUNDING MO 'TONG MACHONG
MAHJONG ME GAMOT SA PIGSA, BABY

SARAP MO NAMANG TUSUKIN NANG
TUSUKIN NG MACHO MAN
ANG MACHO MO EH HORNY MO
DI KA BA SANAY SA TAMBUTSO
KALA KO NAMA'Y ANG NISSAN MO
EH MISSING NA IMAGINATION
CHANNEL 5 KUHA NA BA?
DI KA BA SANAY SA TAMBUTSO

ADIK KA NA TANDANG
HADJIE INOM NA MAGNETIC TOP
TSAKA NIYO DAW I-TSEKE YUNG
'SANG DOSENANG BUKO JAM
COCO MARTIN BAT SIYA'Y LUCKY?
ISANG BANLAW AT HANDSOME SIYA
TODO PICTURE NASILIP
NAKED PROJECT INJECTION

(REPEAT CHORUS)

TAN TAN TAN TARAN TAN TARAN TAN
TAN TAN TAN TARAN TAN TARAN
(SIGE BABY MALASAP BABY)
TAN TAN TAN TARAN TAN TARAN TAN

KOKO-KOKO-KOKO-KO
ANIMAL 'TO GUMISING KA
SALAKAYIN SACHET MO HAY
MALAGKIT ANG PUYO (PA-REBOND)
MAGME-MAKE UP (NA-REBOND)
SARI-SARING BUNTIS (MARENG JOY)
MEGA PANGIT OH!
ANG MUKHA MO PATONG-PATO

UTUSERANG DINEMANDA
MEGA NORMAL CHOCKLATE PA
ECHOSERANG PINTASERA
OGIE NADULING AKO
SEIKO WALLET PAG UMULET
TSUGI YAN NG TONDO MAN
MEGA PETER PAN ANG HIBANG
KILI-KILI CHEWING GUM

(REPEAT CHORUS)

TAN TAN TAN TARAN TAN TARAN TAN
TAN TAN TAN TARAN TAN TARAN
(SIGE BABY MALASAP BABY)
TAN TAN TAN TARAN TAN TARAN TAN

DANCE DANCE DANCE DANCE (3X)
SIGE BABY DANCE (OH!)
SIGE BABY DANCE (OH!)

HEY! ISA PONG MANI LABAS ULI
TUMAMIS AT TUMAGAL PA, YEH..
WOH OH.. WOH OH..
NALABAS MAY DALANG PUSIT PO
TODAY KASI INOM PA
SINAGOT KO HEY HEY HEY

NANINIRA TIPAN NI TSANG GO
GASTAMBIDE RECTO SIKYU
WHY MOTHER GOMEZ
SOBRANG ARTE ANTIPATIKA
HORESEY IS THE MACHO MAN
KAY MODEL MAN DE SARAPEN
MAKE UP PARA SANA MEDIA
PERO FAKE FAKE FAKE FAKE GIRL

(REPEAT CHORUS)

SORRY...


Hahahah. Nakakaadik di ba? Ano kayang pakiramdam ng mga Koreano 'pag nalaman nilang "mas pinapaganda" pa natin ang mga lyrics nila? At paano kaya kung meron din silang sariling version ng Boom Tarat Tarat na gamit din ang sarili nilang lyrics? Let's busisi.

Teka. Naka-pause pa pala 'yung pinapanuod ko sa Youtube. Balikan ko lang. E e e e e e e e e e e e e e...

Tuesday, March 23, 2010

ToPloYa: Ang Simula ng Pagtatapos

TOga, DiPLOma, MedalYA

Ito na siguro sa tanang buhay mo bilang isang fourth year hayskul student ang pinakapormal na pagpapalayas sa iyo ng iyong paaralan – ang GRADUATION. Handa na ang bagong biling black shoes, ang toga, diploma, medalya, ang background music na “ten…teneteten…tenten…teneteten…tenten..” na parang Christmas countdown lang, ang palakpakan ng mga taong handang sumuporta sa iyong paghakbang, at ang sarili mong mga paang nanginginig sa excitement! Ang pagtawag sa pangalan mo ang pinakamasarap sa lahat, ang sandali ng iyong pagsikat. Ang simula ng pagtingala sa iyo ng mga kapwa mo mag-aaral, mga kaguruan at nagmamalaki mong mga magulang na handang panoorin ka sa pag-akyat mo sa entablado ng pagtatapos.

Ang utak mo at ang mga bagay sa paligid mo ang magsisilbing CD player ng ‘yong nakaraan na magrerewind ng mga lipas nang pangyayari ng buhay hayskul kasabay ng kabang naghahari sa ‘yong dibdib. Sasariwa ang mga nakakahiya at nakakatuwang bagay sa isip mo…

…ang pagpasok mo ng eksaktong 5:45am para habulin ang flag ceremony tuwing Lunes…

…ang pakiramdam na para kang “alien” dahil sa biglaang “surprise quiz” tungkol sa nilesson kahapon kasi “absent ka!”

…ang pagkukwento ng talambuhay mo noong Sabado’t Linggo…

…ang pagtalsik ng laway ng mga guro sa tuwing pagagalitan kayo…

…ang paghikab habang gumagawa ng assignments sa classroom…

…ang pagrerecite, pangongopya, pakikipagdaldalan, pang-aasar, ang matinding panlalait at ang panghihinayang dahil sa nagpakopya ka…

…mamimiss mo rin ang mga “parasites” na laging humihingi ng papel kapag may quizzes, test, at written recitation at ako rin bilang “parasite”

…ang pagsusulat sa upuan, banyo, dingding, uniform, blackboard, desk, light-colored handkerchief para sa kodigo, notebook ng iba at sa lantarang pagpapaganda ng tattoo sa kamay.

…ang paglalagay ng pulbo, lipstick, make-up at pagsusuklay habang nagtuturo si titser.

…ang panonood sa mga classmates ko habang kumakain sa recess.

…at pagsisihan ang mga bagay na “dapat ginawa ko.”

Lahat ‘yan maaalala mo at tatakbo sa malikot mong pag-iisip. Wala pa diyan ang lovelife at friendship.

“Mahirap bang magpaalam?...oo! marahil HINDI…”

Mararamdaman mo ang kakaibang presensya sa paligid. Para bang may humahalimuyak na amoy na nanggagaling sa kung saan na ‘di mo malaman kung ano. ‘Wag na nating paikutin ang usapan, pero kung ibabase mo sa realidad, nakakalungkot talaga. Asahan mo na sa banding huli o sa kalagitnaan pa lang ng programa ay may luluha na at tatangis sa mga mata nila ang kalungkutan, kasiyahan, panghihinayang at lakas ng loob para harapin ang kinabukasan. Dadaloy sa katawan mo ang pakiramdam ng pagtibok ng ‘yong dibdib sa mga nangyayari. At ayan ang realidad! Kung may nasimulan ka, siguradong darating ka din sa wakas kahit hindi mo pa matapos ang kabuuan.

Mahirap talagang magpaalam. Kumbaga sa kamag-anak eh namatayan ka, ang pagkakaiba lang naman ay sa buhay ka magpapaalam at hindi sa patay. Pero kung sabay, mas mahirap.

Kung may mga bagay na magpapalungkot sa’yo, hindi iyon ang guro mo na laging nagpapaalala sa’yo ng birth certificate, NSO at tamang ayos ng buhok, hindi rin ang classmate mo na laging absent kapag maglilinis ng room, hindi rin ang skulmeyt mo na binabatukan ka tuwing magkikita kayo, hindi rin ang mga janitors na laging naglilinis ng banyo, maging ang mga gwardya na nahahati sa tatlo (pang-umaga, pang-tanghali, at pang-gabi) na laging binabantayan ‘yung mga estudyante, ang skul at lalo na ung gate na animo’y may kakaibang nilalang na bigla na lang papasok doon, hindi rin ang principal na laging present kapag may program, hindi rin ang mga kaibigan mo na laging isinusulat sa slumbook mo na bestfriend ka nila at lalung-lalong hindi ‘yung aso sa canteen, kundi ang mga alaala na humubog sa inyo, ang pagsasamahan sa mahabang panahon at ang pag-ikot ng mga katanungan sa isip mo na lalong magpapalala ng pagkabaliw mo…

“Dito sa paaralan na ito, sa apat na taon kong pagtungtong sa aspaltong buhangin na ito, ngayon ay mas matatag na ako kaysa sa bakal at semento, at mas maningning pa kaysa ginto. Ako ay pinanday sa lugar na ito at ginawang isang mahusay na sandata upang ihanda at gamitin sa susuunging laban.”

Ang kalungkutan ay pansamantala lang. ‘Wag kang matatakot sa mga darating na pagsubok, sabi nga ng mga guro, “nag-uumpisa ka pa lang.” Siguro ay sumagi rin sa isip mo na dapat ay magsikap ka at maging mabuti para baguhin ang kapalaran ng nanghihingalong bansa.

Ang pagtatapos na ito ay nagsisimula pa lamang. Sa pagkakataong ito, marahil ay isa pa lang tayong sisiw na pinapakain ng inahing manok ngunit alalm ko na hangad mo rin na balang araw na maging isang agila at makalipad nang malaya.

Ngayon ay ihanda mo na ang sarili sa gagamiting toga, sa pagtanggap ng diploma, at ang pagsasabit sa’yo ng medalya. At siguradong pagkatapos ng pagsubok na ito at pagkagising mo kinabukasan, magbabago ang lahat…


....
(mula kay geniustype07@yahoo.com)

Saturday, March 20, 2010

Bakasyon Na! (Eh Ano Naman??)

Bakasyon na. Yeah!

Eto ang pinakagusto kong panahon sa lahat - ang bakasyon. Sa mga ganyang panahon ko lang kasi nagagawa ang lahat ng bagay na gusto kong gawin sa buhay tulad ng pagkulong ng sarili sa ref, pagkanta ng walang humpay, pagpantasya ng mga Koreano, pagkupit ng hany chocnuts 5 times a day (2 times a day lang kasi pag may pasok), pakikipagchat sa mga feeling close at paglangoy sa toilet bowl, at pati na rin pala pagpupumilit na gawing kulay pink ang closet ko na kulay brown. Hay. Ang saya saya talaga 'pag bakasyon!

Ilang libong taon bago ulit ako nakapag-blog dahil na rin sa sandamakmakmakmakmakmak na gawaing-eskwela at gawaing hindi ko alam kung bakit ko ginagawa. Kung may mga bumibisita pa ba rito, e hindi ko na alam. Pero hindi na mahalaga 'yun. Basta nagtatype na ko ngayon ng blog. Eto na. Nagtatype na talaga ako. Hala hindi siya humihinto. Grabe pumipindot talaga yung mga daliri kong walang kuko. Type. Type. Sige type pa. O tuldok na.

Balik tayo sa usapang bakasyon.

Naiisip ko pa lang ang bakasyon, lumulutang na ang isip ko sa tuwa. Kasi finally nakalaya na ako at nakaraos na sa mga exams na nakakaubos ng dugo, graded recitations na nakakanginig ng laman, at mga assignments at projects na nakakaputi ng mata. Para kong grumaduate pansamantala. Iniisip ko nga, ayos din pala talaga ang pagiging haggard sa school kasi kung hindi, edi hindi ko mararanasan ang mga ganitong klaseng saya. Masaya talaga maging estudyante.

Problema ko naman ngayon e kung ano ang mga gagawin ko ngayong bakasyon. Kung walang Facebook, malamang maya't maya ako nagpapalit ng layout sa Friendster na matagal-tagal-tagal-tagal ko na ding hindi nagagawa. Nakakatamad na rin naman mag-Facebook dahil sa araw-araw e ganun lang din naman 'yung mga nangyayari. Kung gagala naman ako, saan naman ako pupunta? Sayang pera lang. Kung pupunta naman ako ng SM para magpalamig, para saan pa e may ref naman kami? Kung sasama sa mga kaibigan kong magsu-swimming, medyo alanganin dahil 2mL palang ng Fit 'n Right ang naiinom ko. Kung manonood naman ako ng TV, hindi rin ako makakarelate dahil wala naman akong nasimulan sa mga pinapalabas ngayon. Kung magtetext naman ako, hindi ko man lang bibigyan ng pagkakataon ang sarili ko na ma-miss ang mga kaklase ko dahil miski pagligo ko e naji-ji-GM (group message) ko pa. Kung magbabasa naman ako ng libro, sigurado maya-maya nasa malayong kalawakan na ang utak kong nahimbing na sa pagkakatulog. Kung mag-gi-gitara naman ako, mababagot lang din ako dahil Hawak Kamay lang naman ang kaya kong tugtugin. Kung mag-iinternet ako, hhhmmm. Pwede rin kaso wala na rin akong gustong malaman sa ibang mundong hatid ng computer ko. Kung kakain naman ako, tataba lang ako. Kung matutulog, hhmmm. Tama. Matutulog na lang ako. Atlis iba't ibang adventures ang hatid saken ng mga panaginip kong hindi ko alam kung bakit ba mga ganun. Kaso ano naman gagawin ko paggising ko? Gusto ko ba talaga ng bakasyon? O mas gusto kong gumawa na lang ng wala?

Sa totoo lang, nasa kalagitnaan talaga ako ng pagkabagot. Sobrang init pa ng panahon, tapos wala pa akong magawa. Isa talaga sa pinakayokong pakiramdam sa mundo e 'yung nasa isang tabi lang ako tapos halos mamatay na sa kakaisip ng kung ano bang pwedeng gawin kung tinatamad naman akong merong gawin. (Pati ako naguluhan dun). Pero kung papipiliin ako, mas gusto ko pa rin to. Kesa sa tapunan ng mundo ng sobra sobra sobrang daming gawain.

Pero meron akong mga naiisip gawin sa mga oras na 'to:
1. Kumupit ng Yakult sa tindahan. (ay nagawa ko na pala to 8 minutes ago)
2. Magdownload ng mga Korean songs. (adik ako sa mga singkit, ewan kung bakit)
3. Manood ng mga Korean music videos. (nakakatuwa kasi yung mga moves, yeah!)
4. Maupo sa upuan sa labas at mag-isip (problema lang, wala akong isip. *erase na to*)<
4. Matulog.
5. Matulog.
6. Matulog.
7. Matulog.
8. Matulog.
9. matulog
10. tulog.<


zzzzZZZZZZzzzz...


Hay. Ang hirap talaga magbakasyon. Pero gusto ko 'to. Mag-iisip na lang ulet ako ng mas matino-tinong blog paggising ko. Goodnight!

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | Edited by PedXing-ArAr