Pansin niyo ba ang nagyayari ngayon? Ang mundo natin ay tadtad na ng germs, sipon, trangkaso, buni, hadhad, alipunga, tinga, lagnat, virus, swine flu, dog flu, cat flu, elephant flu, bangaw flu, at kung anik-anik na nakakainis. Kahit saan may germs. Kahit saan. Kahit saan.
Minsan, natatawa na lang ako sa commercial ng isang sikat na brand ng sabon. Meron silang doctor na kinuha na merong isang mahiwagang machine (masyado yatang malaki ang machine), mahiwagang tiny machine na susukat sa dami ng germs sa isang lugar. Tapos matutuklasan niya na sandamakmak na germs ang nasa cellphone, sa school service, sa lamesa at kahit saan ka magpunta. Tapos sa huli, ang kailangan ay gumamit ng ineendorse nilang sabon para mailigtas ang kaluluwa mo sa mga germs na bumabalot sa sanlibutan. Muka na tayong germs.
Hay. Bakit pa ako magsasabon kung kahit saan naman ay may germs? "Maghugas ng kamay, Mag-
Tingin ko nga, germs ang bumubuhay sa industriya ng sabon, ng hand sanitizers, ng vitamin c, ng gas mask at mga gamot. Paano kung walang germs? Siguro hindi nag-exist ang mga nabanggit. Pero pwede pa rin naman silang magamit pampacute.
Hindi ko alam kung bakit ito ang natripan kong maging topic para sa isang blog. Muka lang sigurong bacteria 'tong katabi ko. (Pero mag-isa lang ako dito.)
"This blog contains millions of bacteria that can cause death. Wash your hands after reading. Thanks."
Saturday, May 9, 2009
Muka Kang Germs!
11:17 AM
Eych
3 comments
3 comments:
e totoo naman e. exaggerated masyado yung commercial. nakaka pikon lang e. XD
kasi nga kahit saan naman my germs.. hehe.. :)
tnx!
onga naman. haha.
Post a Comment