"May post ka ba diyan tungkol saming mga friends mo?"
Tanong sa'kin 'yan ng bestfriend ko kagabi matapos niyang utusan 'yung isa pa naming kaibigan na buksan ang ipinagmamalaki ko "daw" na website ng PedXing. Naisip ko, oo nga. Bakit nga ba wala?
Kala ko magiging madali para sakin na ipakita at ipabasa sa kanila 'yung mga gawa ko dito sa PedXing. Habang binabasa nila 'yung mga blogs ko dito, nakaramdam ako ng hiya. Nahiya ako sa hindi malamang dahilan. Siguro natakot ako na baka hindi ko matanggap kung anuman 'yung mga magiging kumento nila sa mga gawa ko. Matatanggap ko kung ibang taong hindi ko kilala ang magsasabing wala akong kwentang blogger at dapat mag-suicide na ko ngayon din. Pero 'pag mga kaibigan ko na, parang ambigat sa pakiramdam pag sinabi nilang "Eych, gawa mo 'yan? Baket??? May problema ka ba??"
Kapag blogger ka, magkakaroon ka ng dalawang mukha - astig at pangit. Astig ka kapag marami kang "tagasubaybay" at maraming nagrerecommend sa blogsite mo na basahin ang mga gawa mo gaya ng pagbibigay sa iba ng web address nito, pagpopost ng bulletin sa friendster na nagsasabing puntahan ang blogsite mo, o pagpapakalat ng text brigade at mga campaign posters. Pangit ka kapag isandaang taon na ang blogsite mo pero isang piraso lang ang comment na natanggap mo sa lahat ng gawa mo tapos galing pa 'yun sa kapatid mo. Tsk. Tsk.
Pero ngayon mas alam ko na.
Blogger ka, hindi ka artista. Hindi ka din isang friendster profile na kailangang tatadtarin ng comments gaya ng "Have a nice day!" o kaya "You're my bestfriend forever.". Hindi mo din dapat sineseryoso 'yung mga sinasabi sa'yo ng mga kaibigan mo na "Yan na 'yun? Walang kwenta." Hindi mo naman kasi kinailangan ng ibang tao ng magsimula kang umupo sa harapan ng computer at pagtripan ang keyboard para isiwalat ang nais ipahayag ng kokote mong sasabog na maya-maya. Natutunan ko din na dapat maging matatag ang emosyon mo bilang isang blogger, ibig sabihin, dapat maging manhid ka sa tuwing tatanggap ka ng opinyon mula sa iba, panget man o maganda. (OOOooopss.. Opinyon lang! :p)
Hindi ako madalas mag-blog kasi hindi naman ako madalas nag-iisip ng tama. Hindi ako madalas mag-blog kasi hindi naman ako palaging nakakaramdam ng passion sa pagsulat. Hindi ako madalas mag-blog kasi hindi ako nakakapag-isip agad ng interesting na topic. Hindi ako madalas mag-blog kasi marami akong bagay na iniisip na hindi kayang ipahayag sa harap ng limang-taong-gulang na computer namin.
Naisip kong hindi lang katuwaan ang pagiging isang blogger. Sa napakaraming aspeto't dahilan, pinaniniwalaan ko 'yan.
(Sa mga friends ko, pasensya na. Next time magba-blog ako tungkol sa inyo. Hehe)
Saturday, May 30, 2009
Bawal Basahin ang Blog na Ito
7:26 PM
Eych
No comments
0 comments:
Post a Comment