Friday, May 15, 2009

It's Opisyal! Ika-Pito ni Bob Ong, Andito Na!

Hindi ko alam kung late na ang blog na ito.

It's opisyal! Nasa bookstores na nga ang inaabangang ika-pitong libro ni Bob Ong na may title na "Kapitan Sino". Eto ang mga impormasyon tungkol sa nasabing libro na mula sa multiply ni BO (alam ko multiply niya yun)at sa website ng Visula Print Enterprises (publisher ni BO).


THERE IS SOMETHING STRANGE IN YOUR NEIGHBORHOOD


Naunahan na naman ang mga pulis sa pagtugis sa mga holdaper ng isang jewelry shop. Bago noon, may iba na ring nakahuli sa isang carnaper; sumaklolo sa mga taong nasa itaas ng nasusunog na building; nagligtas sa sanggol na hinostage ng ama; tumulong para makatawid sa kalsada ang isang matanda; tumiklo sa mga miyembro ng Akyat-Bahay; sumagip sa mag-anak na tinangay ng tubig-baha; nag-landing nang maayos sa isang Boeing 747 na nasiraan ng engine; at nagpasabog sa isang higanteng robot. Pero sino ang taong ‘yon? Maililigtas nya ba sila Aling Baby? At ano nga ba talaga ang sabon ng mga artista?


KAPITAN SINO

Ang pinakabagong superhero noon.
Mas matibay pa sa orig.
Sa mas mahabang panahon.



KAPITAN SINO
ni Bob Ong
ISBN: 978-9710-54501-8
168 pages, paperback
Filipiniana, FICTION
Suggested Retail Price: P175.00



<.-.> Para sa kapakanan ng mga mambabasa mong naghintay sa bagong libro, pwede mo bang sabihin sa amin kung tungkol saan ang Paboritong Libro ni Hudas?

Kapitan Sino?

<.-.> Ah, oo, Kapitan Sino pala. Hehe. Ang ganda-ganda kasi ng Paboritong Libro ni Hudas. Yon ang paborito ko sa mga libro mo e. Hindi dahil sa nandoon ako, pero marami talagang nagsasabi na maganda yung Paboritong--

Ahem, um, ang Kapitan Sino ay tungkol kay Rogelio Manglicmot na nakilala ng mga tao bilang isang superhero sa katauhan ni Kapitan Sino.

<.-.> Ang haba ng pangalan! Para sakin mas gusto ko pa rin yung mga isinulat mong tauhan na five characters lang ang pangalan, yung simple lang, yung parang puro punctuation mark lang....

Ah, magugustuhan mo si Bok-bok, kasi may punctuation mark din ang pangalan nya!
<.-.> Sino naman yun?

Kaibigan ni Rogelio. Marami kang makikilala sa mundo ni Kapitan Sino.

<.-.> Pati si Tesla?

Si Tessa. Pero tama ka, dahil kinuha ko ang pangalan nya kay Nikola Tesla. Isa sa pinakamagaling, kundi man ang pinakamagaling, na electrical engineer sa kasaysayan, pero kaawa-awang naagawan ng maraming imbensyon.

<.-.> Hindi ba si Tessa ang nagpatagal ng ika-pitong libro?

Nagkakahiyaan kasi sila ni Rogelio. Nahirapan tuloy akong magsulat ng
kwentuhan nila. Yung iba ngang usapan, hindi na nila ipinasulat sa akin.

<.-.> Kaya ba isang buong araw kang nakinig ng mga senti?

Hehehe. Higit pa. Paulit-ulit-ulit akong nakinig ng mga love song, kasama na yung kanta ni Carole King, nang ilang linggo habang isinusulat ang tagpo nila. Pilit din akong nanood ng romantic movies pandagdag inspirasyon, at nagpaturo sa romance novel writer na dating miyembro ng Bobong Pinoy YahooGroup. Ewan kung pasado na ang gawa ko.

<.-.> Totoo bang lumang superhero si Kapitan Sino?

Hindi. Sya ang pinakabagong superhero...noon.

<.-.> 80's? Ibinalik mo ba ang oras sa Dekada Otsenta?

Oo, kaya mas akma ang kwento sa mga 27 years old pataas. Baka merong mga hindi gaanong maintindihang detalye ang mga mas batang mambabasa. Makakatulong kung meron silang mapagtatanungang matanda.

<.-.> Hmmm... mukhang interesante itong ika-walong libro.

Ika-pito. Pero tama ka ulit, dahil may mauuna pa dapat akong libro dito, kundi lang nakiusap si Mayor na paunahin ko na sila.

<.-.> May Mayor? Matatapatan ba nito ang dami ng celebrity sa Paboritong Libro ni Hudas?

Tinutukoy mo ba sila Donita Rose, Marvin Agustin, at Tootsie Guevarra na nasa ikatlong libro? Ikinalulungkot ko, pero mas hitik at nag-uumapaw sa mga celebrity ang Kapitan Sino.

<.-.> Pero hindi mo maitatangging ako ang pinakasikat mong celebrity dahil lumabas ako sa dalawang libro!

Tama. Lumabas ka sa itim at puting libro. Pero may iba pa kong tauhan na lumabas din ulit dito sa Kapitan Sino.

<.-.> Huh?! Hindi mo ko pinasasaya sa mga sagot mo, Bob Ong! At bakit ako magkaka-interes kay Kapitan Sino kung nung 80's pa ang adventure nya?

Kung itatanong mo yan pagkatapos magbasa, hindi mo naintindihan ang libro.
<.-.> Saan ba ko kukuha ng kopya?

Unti-unti na pong nagkakaroon ngayon ang mga paborito nyong eatery o sari-sari store. Kung wala pa, baka naubusan lang kayo. Subukan nyo ulit sa ibang araw.

<.-.> Magkano ba?

75 pesos lang po...kung panahon ni Cory Aquino! Pero dahil 2009 na, P175.00 po ang isa.

<.-.> Matagal-tagal bago nasundan ang Macarthur.

Ito ang pinakamatagal na agwat ng pagsusulat ko. Pero natapos din ang libro, salamat sa inspirasyon mula sa mga mambabasang tagapagpalakas ng loob at umaasang laging masusundan pa ang huling librong nabasa nila. Dahil sa simpleng hiling nila na laging masabihan kagad kung may bago na silang mababasa kaya ginagamit na naman kita ngayon para sa official announcement.

<.-.> Sanay na ko. Alam ko kailangan mo ng celebrity endorser para sa Kapitan Sino. Idagdag mo na lang sa talent fee ko yung t-shirt ng officialuse.net.

Punta ka sa Komikon sa UP sa Sabado, May 16.
http://visprintpub.blogspot.com/ Meron doong mga t-shirt ni Bob Ong. Mura lang dahil hindi ka na magbabayad ng shipping fee. Pagkakataon mo na!

<.-.> Aba, talagang double-purpose ang patalastas ah! May Swine Flu ka pa sa lagay na yan.

Sipon lang.

<.-.> Sa susunod mong libro wag kang gagawa ng announcement pag may sipon ka, kasi lalong kumo-corny.

Sige, susubukan ko. Salamat.


Oh ano pang hinihintay niyo? Bili na! =)

0 comments:

Post a Comment

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | Edited by PedXing-ArAr